sk6

Tuesday, September 1, 2009

Bertwal Chapter 8: Hello

Bertwal

by Paul Diaz


Chapter 8: Hello

Unang araw ng pasukan at kapapalabas kina Joanna at Jamie. “Ano ka ba sis di mo na ata mabitawan yang phone mo. Di ka ba nagsasawa magtext?” tanong ni Jane. “Hindi kasi masarap siyang katext e” sagot ni Joanna. Hinawakan siya agad ni Jane pagkat muntik na siya mabubunggo sa pader. “Naman sis di ba makapag antay yan? Muntik ka na mabunggo o” sabi ng kaibigan niya.

Huminga ng malalim si Joanna at tinignan si Jane. “Sis, may deal kami alam mo yon. Pero…tsk hay…nakakapagod sa fingers magtext…sa tingin mo deal breaker ba yung patawagin ko siya?” tanong ni Joanna at nagulat si Jane. “Oy oy sabi mo textmate lang, o bakit mo gusto makausap?” sagot ng kaibigan niya. “Wala lang, parang to know if he is real. Ganun lang naman siguro” sabi ni Joanna. “Ikaw bahala, pero may deal kayo, buti kung siya nag alok tapos gora!” payo ni Jane.

“Magkikita ba tayo nina Jamie? Kasi uuwi na sana ako. Wala naman mga prof e” sabi ni Joanna. “Hay sis alam mo naman yon studious at serious masyado malaman kahit walang prof e papasok siya. Tara uwi nalang tayo” sabi ni Jane at kahit wala pang tanghali ay umuwi na yung dalawa.

Samantala sa may court area ay nakatambay sina Marco at Angelo at nanonood sila ng naglalaro. “Uy sina Jane at Joanna o” sabi ni Angelo pero busy si Marco sa phone niya. “O sige ikawayan mo narin ako” sabi lang ni Marco at talagang busy sa pagtetext niya. “Alam mo pare dapat baguhin mo ugali mo, kaibigan sila ng girlfriend ni Richard no, so we have to be good to them naman to help Richard look good” payo ni Angelo kaya tumigil si Marco at agad kumaway. “O nasan sila, wala naman na” sabi niya at binatukan siya ng kaibigan niya. “Pilosopo ka talaga. Syempre wala na kasi kanina pa sila dumaan” sabi ni Angelo. “Sorry naman busy ako e” sabi ni Marco at nagtawanan sila.

Hanna: Ei, may extra load ka ba?

Paolo: Why? Pasahan kita? How much?

Hanna: No, may load ako

Paolo: O bakit natanong mo kung may load ako? Meron pa naman. Ah aminin ko na nga, binigay ng ate ko to. Naka post paid itong gamit ko kaya unlimited text at tawag

Hanna: Di nga?! As in?

Paolo: Yup. Gusto mo tawagan kita?

Hanna: Ah? Eh diba may deal tayo

Paolo: Oh so? We can still use fake names. Boses lang naman ang mabubuking pero
grabe alangan na magamit ko basis ang boses para mahanap ka diba?

Hanna: Hahaha oo nga. Ikaw bahala

Paolo: Okay lang naman pero pag ayaw mo ok din

Hanna: Ah sige pero pauwi palang ako. Pagdating ko ng bahay?

Paolo: Same here pauwi na ako. Later nalang

Hanna: Ah sige then. Ingat

Nagmadali tumayo si Marco at kinuha gamit niya, “Sige pre uwi na ako” sabi niya. “Ha? Pare may klase pa tayo mamayang hapon” sabi ni Angelo. “Walang prof, kung meron ikiss mo nalang ako ha and tell them Marco loves them” sabi ng binata at tawa ng tawa si Angelo. “Siraulo! Naadik ka na sa katext mo!” pahabol ng kaibigan niya. “At least may katext, e ikaw? Ako lang katext mo di pa kita sinasagot! Maghanap ka na ng ibang papa mo pare!” sigaw ni Marco at ang daming napatingin kay Angelo at hiyang hiya siya.

Pagkadating ni Joanna sa bahay nila agad siya nagbihis. Humarap siya sa dining table at sumabay nakitanghalian sa mommy nya. “Kanina mo pa tinititigan phone mo, kumain ka nga lang muna” sabi ng nanay niya. Huminga ng malalim si Joanna at sinubukan ngumuya pero kinakabahan talaga siya. Tumunog ang phone niya, agad niya dinampot at nilapit sa tenga. Nakatingin sa kanya ang mommy niya at natawa sila ng kasambahay. “Di ba message tone yon?” sabi ni manang Ruby at ang nanay ni Joanna tawa ng tawa. Hiyang hiya ang dalaga at pasimple ngumiti, binasa niya ang text pero sumabog din siya sa katatawanan.

Paolo: Just got home. Tara KEN!

Hanna: Yup kumeken na ko now. Sige lang ken ka na

Paolo: Oo babri muna ken! Tawagan kita maya

Hanna: Ay teka. Wag nalang ata

Paolo: Ha? Bakit naman?

Hanna: Hahaha nahihiya ako. Di ko alam sasabihin ko.

Paolo: Ha? E di normal lang na usap

Hanna: Hahaha eh di ko alam nahihiya ako bigla

Paolo: Sus, alam ko may parang awkwardness sa start kasi di tayo magkakilala. Tulad sa isang meeting or party. Do you know why may tinatawag na handshake? Kasi para maalis yung awkwardness din yon aside from sign of friendship chorvah. Parang pag nag handshake kayo o diba may konek agad at mawawala ang hiya konti.

Hanna: So anong konek sa tawag? Hahahaha

Paolo: Pag sa tawag, we start with one hello. O diba? Parang greeting yon na
pampaalis ng awkwardness then we start talking

Hanna: Hahahaha wow expert ah. San mo naman nabasa yan? Ha?

Paolo: Wulah! Naisip ko lang hahaha para maconvince ka

Hanna: Hahaha sira! Okay later then call me after you eat. Ken ka na!

Natapos kumain si Marco pero lakad siya ng lakad sa loob ng bahay. “Nakakahilo ka anak maupo ka nga” sabi ng mommy niya. Nakitabi siya sa sofa at nakinood ng telebisyon, nilapag niya ang phone niya sa mesa at sumandal. “Ano ba problema mo anak?” tanong ng nanay niya. “Wala po ma” sagot ni Marco sabay tumayo at nagtungo sa hagdanan.

“O bakit mo kinuha yung remote? E pano ko iliipat ang channel?” tanong ng mommy niya at pagtingin ni Marco sa kamay niya nakita niya ang remote at ang phone niya naiwan sa lamesa. “Ma! Tumunog ba phone ko?” tanong niya sabay takbo palapit sa mesa. “Ano ka ba? Kalalapag mo lang niyan ah! Okay ka lang ba?” tanong ng mommy niya at muling naupo si Marco at huminga ng malalim.


Tumunog ang phone niya at agad siya umabot sa mesa. Biglang nagpalit palit ang channel ng tv at nagalit ang nanay niya. “Marco!!! Ano bang ginagawa mo?! Nanonood ako e nilipat lipat mo naman” sabi ng mommy niya. “Ha? Ay sorry po” sabi ni Marco at bigla siya tumawa pagkat sa pagkatuliro ay remote nanaman ang nakuha niya. Kinuha ni Marco ang phone niya at binasa ang text, “Ready when you are” bigkas niya kaya tumayo siya agad at naglakad patungo sa hagdanan. “Naka drugs ka ba anak o naka inom?” tanong ng mommy niya. “Di po ma, sorry po. Sige akyat na po ako” sabi ng binata at umakyat siya sa kwarto niya.

Nahiga si Marco sa kama niya at tinititigan ang phone niya. Nakaset na sa number ni Hanna at pipindutin na niya ang call pero nagdalawang isip siya. Para siyang di makahinga kaya binuksan ang lahat ng bintana ang huminga ng malalim. “One hello muna, kaya ko to, one hello….one hello…game!” sabi niya at pinindot niya ang call.

Lakad ng lakad si Joanna sa salas at sinusulyap ang telepono niya sa lamesa. Bigla ito nagring at nagsisigaw siya. “Oh my God!!!” sigaw niya at nagtakbuhan ang mommy niya at kasambahay sa salas. “Ano nangyare?!!!” tanong ng mommy niya. “Nagriring ang phone ko!!!” sigaw ni Joanna at talagang nagwawala siya. “E di sagutin mo!” sabi ng mommy niya pero lakad lang ng lakad si Joanna. “Kung ayaw mo sagutin ako sasagot!” banta ng mommy niya kaya agad kinuha ng dalaga ang phone niya at lumabas ng bahay.

Sa magkakaibang lugar nakatayo si Joanna at Marco, sabay pang huminga ng malalim. Si Marco nakadikit sa tenga ang telepono inaantay sumagot si Hanna. Si Joanna tinititigan ang phone niya at nag iisip kung sasagutin ang tawag ni Paolo. Pumindot si Joanna at nilapit ang telepono sa tenga niya. Walang nagsalita ng ilang segundo tila nagpapakiramdaman pa.

“Hello” sabi ni Marco at biglang bumingisngis si Joanna at muling huminga ng malalim. “Hello” sabi niya at sa sandaling yon kahit magkahiwalay ng lokasyon ay pareho silang nakangiti at natawa. “Ayan see, hello kumusta ka?” sabi ni Marco. “Okay lang, teka lang. Hahaha okay na we are talking” sabi ni Joanna. “Oo nga e, see di naman mahirap diba?” sagot ni Marco. “Oo nga, hay finally. Grabe ang init no” sabi ni Joanna.

“Yeah, dito nga ako bintana e. Thank God babae ka talaga” sabi ni Marco. “ANO?! Ano sabi mo?!!!” sigaw ni Joanna. “Hahahaha relax, joke lang yon no grabe ka naman” sagot ni Marco at biglang tawa si Joanna pero agad nagpigil. “Loko loko ka pinagtitignan ako ng mga tao dito dahil sa tawa ko” sabi ng dalaga.

“Bakit saan ka ba kasi?” tanong ni Marco. “Outside the house bibili ng softdrinks” sabi ni Joanna. “Ah ako kaiinom ko lang e” sabi ni Marco. “Shet pinagtitignan ako ng guys dito, nakapambahay lang ako kasi, shet ok lang kaya to” bulong ni Joanna habang naglalakad papunta sa store. “Oy ingat ka dyan” paalala ni Marco. “Okay lang, so wassup Pao?” tanong ni Joanna.

“Eto kausap ka, still cant believe it” sabi ng binata. “Ako din, wait, ate pabili ng coke…wala ba yung maliit? O sige okay lang” sabi ni Joanna. “Favorite mo talaga ang Coke ano?” tanong ni Marco. “Yup, you?” sagot ni Joanna sabay uminom ng softdrinks. “Uy dahan dahan ka naririnig paghinga mo dito” sabi ni Marco. “E kasi gusto ko na umalis dito e, sana pinaplastic ko nalang, konti nalang wait” sabi ni Joanna at talagang inubos ang softdrink.

“Ayan makaalis na nga dito, wassup Pao Pao?” sabi ni Joanna at naglakad siya pabalik sa bahay nila. “Eto nakahiga sa kama at nagpapahangin” sabi ni Marco. “Oh yeah sabi mo you sing, sige nga sample nga” banat ni Joanna. “Wag na nahihiya ako, pero you first. O sabi mo kumakanta ka diba? Ladies first” sagot ni Marco.

“Tsk madaya to, I asked first” sabi ni Joanna. “Hindi na, saka na kasi” sabi ni Marco. “Okay” sabi ng dalaga. “Uy, galit ka naman agad” sabi ni Marco. “No, its okay Pao” sabi ni Joanna. “Sige na nga, pero konti lang” sabi ni Marco. “Okay game” sabi ng dalaga.

“Ah pano ba to…game…deep breath” sabi ni Marco at tumawa siya. Natawa si Joanna at sumandal sa gate ng bahay nila. “Ay tagal o” sabi niya. “Game game…walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang…” kanta ni Marco at sumabog sa katatawanan si Joanna. “Hahaha teka teka di ako makahinga” sabi ni Joanna at ang tindi talaga ng tawa niya. “Sing with me kasi…tayong lahat ay mapapananagutan…hello?” kanta ni Marco at halos napaupo na sa kalsada si Joanna at hawak hawak ang tiyan niya.

“Hello? Okay ka lang? Hanna?” tanong ni Marco. “Ay grabe ka! Hahahaha hmmp hahaha ay hmm ahaha loko loko ka e” sabi ng dalaga at natawa narin si Marco. “Are you okay?” tanong ni Marco at huminga ng malalim si Joanna at ngumiti. “Yeah, grabe ka napatawa mo ako ng bonggang bongga don ha” sabi ng dalaga. “Ha? E ikaw kasi e sabi mo sample kaya yan lang naisip ko, pero wait meron pa with feelings yon. Ganito o…waaalaaaang sinuuumaaan ang nabubuuuhaayyyy…” kanta ni Marco at muling sumabog sa katatawanan si Joanna.

Ilang minuto din bago nahimasmasan si Joanna at muli sila nakapag usap ng maayos. “Grabe napagod ako katatawa…(burp)..ay shet!!!” sigaw niya pagkat bigla siyang napadighay ng malakas. Tahimik lang si Marco at tumawa si Joanna at hiyang hiya siya. “Hello?” sabi ng dalaga. “Hello, o kumusta?” tanong ni Marco. “Hala nakakahiya grabe sooorry talaga as in sorry!” sabi ni Joanna. “Bakit naman?” tanong ng binata. “Kasi nga I burped e” sabi ni Joanna. “Ay burp ba yon? Akala ko ringtone mo e” sabi ng binata at muling natawa si Joanna. “Hala nahihiya na ako sa iyo, tsk” sabi ng dalaga.

“Okay lang ano. Grabe ka its normal. Everybody burps. At uminom ka kasi ng softdrinks kanina tapos tawa ka ng tawa. So its okay no, at least napatunayan ko na normal tong kausap ko” paliwanag ni Marco. “E kahit na sorry parin as in first time natin mag usap tapos ganon mangyayari. Parang bad impression naman” sagot ni Joanna. “Stop saying sorry okay? Normal lang yon. Pero kanina nagulat ako, kaya tumahimik ako e, akala ko ringtone mo talaga” banat ni Marco at muling tumawa si Joanna at nahiya na. “Wala na nahihiya na talaga ako” sabi ng dalaga. “Hahaha relax nagpapatawa lang naman ako e. Okay lang yon no. No big deal at kahit ulit ulitin mo pa kakausapin parin kita. Di ako maarte like others no, na tipong nagburp lang e, ay soooow kadirdir naman niya o” patawa ng binata at nagtawanan ulit sila.

“Grabe ka ang dali mo ako mapatawa” sabi ni Joanna. “E I like hearing you laugh e” sagot ng binata. Napangiti si Joanna at huminga ng malalim, “Sensya na tawa ko ha, parang malaswa at nauubusan ako ng hangin” sabi ng dalaga. “Okay nga e, are you still outside?” tanong ni Marco.

“Oo, ayaw ko sa loob at mainit kaya dito muna ako. Ay shet!” sabi ni Joanna. “Bakit?” tanong ni Marco. “Malas naman o, ngayon na nga lang mag uusap low battery pa” sabi ng dalaga. “Okay lang ano, ano you have to charge?” tanong ni Marco. “Tsk badtrip naman o, no its okay pero pag naputol ha alam mo na” sabi ni Joanna. “Yup, grabe its nice hearing your voice talaga. Nakarelax fingers sa pagtext” sabi ni Marco.

“Oo nga e, pero you have a nice voice” sabi ni Joanna. “Sus di no” sabi ni Marco. “No, really, kahit ganon kinanta mo naririnig naman na maganda boses mo e” paliwanag ng dalaga. “Uy wag masyado baka maniwala ako. You owe me, next time ikaw naman kakanta” sabi ni Marco. “Hmmm wag na nahihiya na ako, narinig mo na nga burp ko e” sabi ng dalaga at nagtawanan sila.

Narinig na ni Joanna ang warning tones ng phone niya, “Ei talagang mapuputol na ata. Later nalang ha charge ako” sabi ni Joanna. “Yeah okay lang, it was nice talking to you Hanna” sabi ni Marco at napatigil si Joanna at naalala na gumagamit pala sila ng pekeng pangalan, “Nice talking to you too Pao, don’t worry sisikat ulit ang araw” sabi ng dalaga. “Ano?” tanong ni Marco. “Itong network, sabi ko sisikat ulit ang araw” paliwanag ng dalaga at natawa si Marco. “Ah slow ko, hahaha oo nga. Sige bye Hanna” sabi ni Marco. “Bye” sagot ni Joanna at wala may gusto pumatay ng phone nila. “O bakit nandyan ka pa?” tanong ni Marco.

“E di ako sanay na ako unang nagpapatay e” sagot ng dalaga. “E ako din e. Sige na pindot mo na end” sabi ni Marco. “Ikaw na sige na” sabi ng dalaga. “Sige na, its not like we are saying goodbye forever naman no, diba nga sisikat ulit ang araw?” paalala ng binata. “Yeah, sige bye Pao” sabi ni Joanna at wala parin pumatay ng phone nila. Palitan sila ng bye hanggang sa naputol na ang linya dahil naubusan ng baterya ang phone ni Joanna.

Sa sandaling yon dalawang nilalang parehong nakangiti at nakatitig sa telepono nila. Si Joanna nagmadali pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto niya para icharge ang telepono. Si Marco ganon din ang ginawa at nanatiling nakahiga at pinagmamasdan ang telepono niya.

Pagkatapos maghapunan ay nagtagpo sina Joanna at Marco sa chat. Nadala nila ang saya nila sa pag uusap sa kanilang pagchachat. Isang oras ang lumipas at wala silang tigil sa katatawa, tila di sila nauubusan ng pagkwekwentuhan.

Bettyfly: Pero you really have a good voice

Tinitron: Sus, you still owe me a song

Bettyfly: Grabe ka, ang bilis mo ako mapatawa

Tinitron: Uy liko moves o, haahaha iniba bigla ang kwento

Bettyfly: Hahaha I learned from the master

Tinitron: Hahahaha napansin mo din pala

Bettyfly: Duh! Lagi ka nga lumiliko e, ang galing mo magliko ng kwento

Tinitron: Hahaha e ayaw ko malagay sa hot seat kasi tita Krissy

Bettyfly: Grabe ka, ei busy ka?

Tinitron: Di naman why?

Bettyfly: Wala lang just asking baka may ginagawa kang iba

Tinitron: Wala no. Pwede ba sumikat ang araw?

Bettyfly: Hay thank God, kanina ko pa inaantay na sabihin mo yan

Tinitron: Hahahaha e alam mo na, nahihiya ako e

Bettyfly: Kanina pa gusto ko tawagan mo ako

Tinitron: Hahaha next time kasi tell me, mahiyain ako e

Bettyfly: Sus wag ganon, tawagan mo lang ako gusto din naman kita makausap e

Tinitron: Ano?

Bettyfly: Game tawag na

Tinitron: Hahahaha galing na talaga o

Bettyfly: Kasalanan mo sinanay mo ako. A taste of your own medicine

Tinitron: Okay game shut down ko lang PC ko

Bettyfly: Same here. Bye na sa net.

Tinitron: Ay siya nga pala may tinatawag na Plurk

Bettyfly: Tell me later sa phone okay?

Tinitron: Okay. Sige

Pareho nahiga sa kama ang dalawa at hawak nila ng mahigpit ang kanilang telepono. Si Marco nagsimula magdial at si Joanna naman nakatitig lang sa telepono nag aantay na itoy tumunog. Nagring ang phone niya at agad niya itong sinagot, sa sandaling yon pareho sila napangiti pagkabigkas palang nila ng sabay ng

“Hello”


(yo! Be out tomorrow maybe, not sure ahahaha basta paki antay nalang yung next chapter "Panalangin" ata hahahaha)