Bertwal
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 16: Dreams
Sa sumunod na Lunes tulala si Joanna sa tambayan mag isa at nakangiti. Dumating sina Jamie at Jane at dahan dahan nilapitan ang kaibigan nila na tila estatwa na nakatingin sa malayo. “Hoy!” gulat ni Jane sa kanya at biglang natauhan si Joanna. “Uy nandyan na pala kayo, sensya na daydreaming” sabi ng dalaga.
“Sundan nga natin ang point of view mo…whoa look its Marco oh” sabi ni Jane sabay turo sa binata na nakaupo malapit sa court. Napangiti si Joanna at niyuko ang ulo, “I wasn’t looking at him” sabi niya. “Asus sis, style mo, huling huli ka kaya namin” sabi ni Jamie. Huminga ng malalim si Joanna at tinignan ang mga kaibigan niya.
“Mga sis last night I had a dream na talagang di ko makalimutan, grabe I woke up smiling” sabi ni Joanna at agad naupo ang mga kaibigan niya. “Kwento dali!” sabi ni Jane at nahiya bigla si Joanna. “Sus sige na, tayo tayo lang o, ano na?” sabi ni Jamie at kinilig bigla si Joanna at napakagat sa labi.
“Uy atin atin lang to ah” sabi ni Joanna. “Oo kaya grabe ka naman” sabi ni Jane. “O sige, okay then” sagot ng dalaga sabay huminga ng malalim. “Yung dream ko, si Paolo daw pumunta sa bahay may dala siyang flowers. As in gulat ako kasi he knew my address, parang first time namin magkita yon. Then we ate dinner kasama si mommy at eto pati si daddy nandon at si ate ko. After dinner he offered to wash the dishes pero sinamahan ko siya, so dalawa kami” kwento ni Joanna.
“Then after dinner naupo kami sa salas at nanood ng tv, he kissed my cheeks and when I turned to him he kissed my lips” dagdag ni Joanna at sabay sila kinilig. “Grabe ka! O ano pa nangyari?” tanong ni Jane. “Wala na no! Nagising na ako pero…” sagot ni Joanna. “Pero ano?” tanong ni Jamie. “Pero bakit ganon, sa dream I call him Paolo, he had no face during dinner but when he kissed me si Marco nakita ko” kwento ni Joanna.
“Ano?! Si Marco?!” sigaw ni Jane at kinurot siya ni Jamie at sinenyasan para tumahimik. “Shwet! Are you sure si Paolo napanaginipan mo o si Marco?” tanong ni Jamie. “Paolo talaga sis, but nung kiss na si Marco nakita ko. Paolo talaga as in kasi nag uusap kami na how did he find me ganon. Di ko na maalala details pinipilit ko nalang alalahanin e” sabi ni Joanna. “Hmmm interesting dream, tamang tama yan ang topic namin sa subject ko e, dream interpretations. Sakto nga I have to ask all of you the dreams you cant forget e, ano gusto mo ilista ko yan?” tanong ni Jamie.
“Hindi yan, meron ako isang dream eversince bata ako na di ko makalimutan. Pero sis explain mo naman bakit ganon dream ko” sabi ni Joanna at napaisip si Jamie. “Hello! Student palang ako ng Psych, alangan na magmarunong ako no, sige ask ko professor ko pero uy sige na ano yung dream mo na di mo makalimutan? Si Jane nakuha ko na, si Angelo at Richard tapos na. Kayo nalang ni Marco” sabi ni Jamie.
“Ang dream ko, I am somewhere basta madamo e, napaka green ng surroundings tapos pag lingon ko may lalake na lumuhod bigla at hinawakan kamay ko at sinutoan ako ng singsing. Pero di ko makita face niya” kwento ni Joanna. “Yan ba rason bakit mo lagi tinitignan ring finger mo?” tanong ni bigla ni Jamie. “Ha?! Napansin mo yon? Hahaha oo sis grabe as in feeling ko laging may singsing don e eversince bata ako. Up to now ganon. Hahaha hala napansin mo pala” sabi ni Joanna at nagtawanan sila.
“Uy si Tonying” sabi bigla ni Jane at napatingin sina Joanna at Jamie sa may entrance. Nakita nila si Anthony papasok ng campus at parang binibida pa niya ang gate pass na nakuha niya. “Uy why is he here?” bulong ni Joanna. “Ah di ko nasabi pala he wants to ask you out for lunch” sabi ni Jamie at biglang sumama ang tingin ni Joanna sa kanya. “What are you trying to do? Diba I told you what happened? Bakit niyo ba pinipilit yan sa akin ulit e I am sticking with Paolo” bulong na pagalit ni Joanna. “E di just have a friendly lunch then, ito naman o sige na pupuntahan ko pa si Marco” sabi ni Jamie. “Ah sige sis I have something to do sa library” sabi ni Jane at naiwan si Joanna at nakarating narin si Anthony.
Pinuntahan ni Jamie si Marco na tamang tama sana palabas na ng exit, “Ei friend, spare me a moment naman o” sabi ng dalaga at biglang napatingin si Marco kay Joanna at kay Anthony. “Boyfriend ba niya yon?” tanong niya bigla. “Ah si Anthony yan, di niya boyfriend but lets say they are going to have lunch” sabi ni Jamie. “Ah okay, sige ano yon friend?” tanong ni Marco. “Hoy nandito ako, hahaha parang affected ka ata nakikita si Joanna na may kasamang lalake” sabi ni Jamie at napakamot ng ulo si Marco sabay tawa.
“Di naman, so ano yon friend upo ka kaya” sabi ni Marco at sabay sila naupo sa bench. “Ayun, I was taking the dreams of friends, yun dream na di mo talaga makalimutan ever since na dream mo. Para sa school work to kaya sana bigay mo dream mo” sabi ni Jamie at napaisip si Marco.
“Well I have had this dream eversince, I was in a field of flowers, I was looking for a ring inside a tulip, kasi doon ko tinago. Hanap ako ng hanap as in di ko siya mahanap. Nabuksan ko na lahat ng tulips pero wala talaga. Galit na galit na ako then may kumalabit sa akin. Paglingon ko it was a girl with no face, she was reaching her hand to me so I held it, at ayon suot niya yung ring na hinahanap ko” kwento ni Marco at natulala si Jamie.
“Bakit Jamie?” tanong ni Marco at natauhan si Jamie at napangiti. “Ah wala, okay teka sulat ko lang” sabi niya at nilabas niya ang notebook niya. Habang nagsusulat pinagmasdan ni Jamie si Marco, ang binata nakatingin lang sa malayo at nakasimangot. “It could have been you alam mo ba yon” sabi ni Jamie kaya napatingin sa kanya ang binata. “Ang alin?” tanong ni Marco. “Yung kasama ni Joanna naglunch” sabi ni Jamie at tumawa ang binata.
“Have you eaten?” tanong ni Marco. “Di pa, ikaw?” sagot ni Jamie. “Tara lets go have lunch” sabi ni Marco at nagulat si Jamie. “Sira, antayin ko nalang si Rich baka may masabi pa yung ibang makakita” sabi ng dalaga. “It could have been me you know” sabi bigla ni Marco at seryoso ang titig niya kay Jamie. Namula ang mga pisngi ni Jamie at tumingin sa malayo. “Wag kang ganyan loko ka” sabi ng dalaga at tumawa ng malakas si Marco. “Im just messing with your mind my friend, sige uwi na ako at wala na ako klase” sabi ni Marco sabay tawa. “Ikaw loko loko ka, akala ko shy type ka bumabanat ka din pala ng ganon” sabi ni Jamie. “So you know, I am shy at first, pag tumagal ang shyness ko sa isang tao that means I like them” paliwanag ni Marco.
“Malaman yon ha, so that means like mo si Joanna kasi up to now shy ka sa kanya” banat ni Jamie at ngumiti si Marco. “Wow fast learner ka ha, very good. Pero to clarify things, I just admire her period. Walang labis walang kulang” sabi ni Marco. “E bakit parang affected ka nung nakita mo sila kanina?” hirit ni Jamie. “Kasi ang gwapo ng kasama niya hmmm…pwede ipakilala mo ako sa guy na yon ahahay!” landi ni Marco at natawa bigla si Jamie. “Ikaw magseryoso ka nga, do you like her?” sabi ni Jamie.
Lumapit si Marco kay Jamie at tinitigan ito, “I like her but hanggang don lang, pero alam mo ang talagang gusto ko…may boyfriend na e…boyfriend niya pa kaibigan ko” sabi ni Marco at napanganga si Jamie at napaatras konti. “Nagpapatawa ka no?” sabi ng dalaga. “Hindi Jamie, ikaw talaga gusto ko” sabi ni Marco at biglang natawa si Richard sa likod ni Jamie. “Pare naman e bakit ka tumawa?” sabi ni Marco at tawa sila ng tawa. Si Jamie tumayo bigla at biglang sinuntok sa braso si Marco at Richard, “Kayo bwisit kayo! Wala na kayong magawang matino!” sigaw niya sabay nag walk out.
Dismissal nagpasama si Joanna kay Jane sa computer shop para magcheck ng e-mail. “Sis ano nangyari nung lunch?” tanong ni Jane. “Badtrip kayo, bakit kayo nagseset up ng ganon?” sumbat ni Joanna. “Bakit kasi? Lunch lang naman ah” sabi ng kaibigan niya. “If you are against me and Paolo sabihin niyo lang, wag kayo gagawa ng ganon porke alam niyo di ako makakatanggi” pagalit na sinabi ni Joanna. “Sorry then, di naman sadya e. Di naman kami against kay Paolo no. Naisip lang namin na baka nga maibalik ang love niyo ni Tonying” sabi ni Jane at tinignan siya ng masama ni Joanna.
Di sila nagusap ng ilang minuto at napansin ni Jane na nagbukas ng laro si Joanna. “Oh my don’t tell me naglalaro ka din ng Mafia?” sabi ni Jane. “Hindi, pinilit lang ako ni Paolo mag join para dagdag members. Pero lately gusto niya ako open tong game ewan ko bakit” sabi ni Joanna at pagkabukas ng laro at nabasa ni Jane ang nakasulat sa screen. “Someone sent you a gift, click here to see it” bigkas niya at agad naclick ni Joanna ang link.
Si Joanna napanganga at di maalis ang titig sa screen. “Wow, singsing na may diamond. From don Paolo, wow may ganyan pala diyan” sabi ni Jane pero si Joanna biglang niyakap ang kaibigan niya at nanggigil. “Ang sweet ng Papa Pao mo ha, pwede palang ganyan” sabi ulit ni Jane at tawa ng tawa si Joanna. “Kaya pala ang tagal niya na ako kinukilit open tong laro, hay grabe its so meaningful” drama ni Joanna at napahanga din si Jane kay Paolo.
“Teka teka meron pa siya nabanggit na isa, Buddypoke” sabi ni Joanna at agad niya binuksan ang isa pang laro at tuluyan siyang napatigil at namuo ang luha sa mga mata. Mga character nila sa laro naglalakad at magkahawak kamay at sa ilalim may nakasulat na mensahe na binasa ni Jane. “Kahit dito lang muna…” basa niya at tinignan niya ang kaibigan niya na tuluyan nang tumulo ang isang luha.
After dinner nahiga agad si Joanna sa kama niya at tinext si Paolo para tawagan siya. Ilang sandali lang nagring ang phone niya pero wala siyang masabi sa kausap niya. “Hello?” sabi ni Marco. “Hello? Hanna?” ulit ng binata at huminga ng malalim si Joanna at ngumiti. “Hi, nakita ko na yung Mafia ko at yung isa” sabi ng dalaga at natawa bigla si Marco. “Ay nakita mo na pala” tanging nasabi niya.
“Yeah, wala akong masabi nung nakita ko pero I want to ask you bakit yung singsing?” tanong ni Joanna. “Well sometimes may mga salitang di kayang sabihin, may mga pangarap na kaya pa ilahad. Pero ano nga ba ang symbol ng singsing? Yeah I know what you are thinking and parang ang bilis diba? Pero wag mo isipin yon, ang nais ko iparating sana sa iyo ay nagsimula tayo as wala, then naging like hanggang sa ngayon mahal na kita. Yang singsing nagpapahayag ng wagas na pagmamahal ko sa iyo at siyempre isang hangad na sana malampasan natin kung ano man meron tayo ngayon at oo suntok man sa buwan pero don nga napupunta ang pag ibig diba?” paliwanag ni Marco.
Kinilig sobra si Joanna at wala siya masabi, nautal siya sandali at binaon ang mukha sa unan para sumigaw. “Explain saan hahantong” sabi ni Joanna. “Siyempre sa araw na yang singsing na yan maging totoo at sinusuot ko sa daliri mo sa simbahan” sabi ni Marco at nilayo ni Joanna ang phone at biglang napatili. Tumawa si Marco at nagulat si Joanna, “Narinig mo yon?” tanong niya at tawa ng tawa yung binata.
“Wala na nahihiya na ako” sabi ng dalaga. “Sira okay lang, pero lahat ng sinabi ko totoo” sagot ni Marco. “Wow teka hirap ako huminga at magsalita” sabi ni Joanna. “Sige lang dito lang ako. “hindi, bakit parang di ka lumiliko today?” tanong ng dalaga. “Well you asked a direct question and wala naman point pa para lumiko kasi I really feel that way” sagot ng binata. “Pao…” sabi ni Joanna at napatigil nanaman si Marco. Natawa si Joanna at ilang sandali si Marco nakitawa narin. “Wag mo kasi ako bibiglain ng ganon” sabi ng binata.
“Speaking of rings, alam mo ba may dream ako eversince I was a child. Ewan ko nasan ako sa dream ko pero green lahat, grasses malago tapos may lumuhod na guy, face di ko makita at sinuot niya isang ring sa ring finger ko” kwento ni Joanna.
“Totoo ka?” tanong ni Marco. “Yup, kaya funny thing ever since bata ako alam mo ba I always look at my ring finger. Feeling ko kasi may singsing don pero wala naman pala. Kaya kanina nung nag open ako ng Mafia tapos nakita ko yung ring, grabe di mo lang alam pano lumukso ang puso ko. I should have opened it earlier pero still words cannot explain how much I feel talaga” sabi ni Joanna.
“Wait, alam mo I have this dream. Nasa parang lugar ako na madamo pero madaming bulaklak. I was looking for a ring hidden inside a Tulip. Di ko siya mahanap at galit na ako, alam ko tinago ko siya sa isang bulaklak don. Lahat na nabuksan ko pero di ko talaga mahanap. Then may kumalabit sa akin, paglingon ko babae na walang mukha, inabot yung kamay niya sa akin. At doon sa kamay niya nakasuot yung singsing na hinahanap ko” kwento ni Marco.
“Ano? Grabe…hala…parang connected yung dreams natin ha” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “Oo nga e, nung kinukwento mo nga tumayo mga balahibo ko kasi parang…I mean sa dream ko ikaw kaya yon?” sabi ni Marco. “At sa dream ko ikaw yon” sabi ni Joanna at pareho sila tumawa. “Hala, grabe to ah, soul resonance talaga” sabi ng dalaga. “And look, both characters in our dream have no faces, it could be related kasi we never saw each other yet” dagdag ni Marco at lalo sila natuwa.
“Pao…alam ko madami tatawa about our situation pero hindi nila nararamdaman talaga mga feelings natin e. How I wish they could feel the same so maintindihan nila bakit tayo ganito” sabi ni Joanna. “Oo nga e, sasabihin nila Internet lang yan, or text lang yan pero who the hell are they to say that? They don’t know, sana sila ang nasa situation natin tignan ko lang kung di sila bumaliktad” pagalit na sabi ng binata.
“Oo nga e. Para kasing imposible or fairy tale of sorts but alam natin what we feel for each other is real right?” sabi ni Joanna. “Korek, at kahit na ganito tayo ngayon, the feelings are real, and we will really prove them wrong. Kumpara mo sa iba, magkakilala, laging nagkikita, but their relationship don’t last kasi akala nila magkakilala na sila e pero di pa pala. What we are doing getting to know each other further, just like now may nalaman ulit tayo about each other. As each day passes my love for you grows stronger” sabi ni Marco.
“Pao may gusto ako gawin” sabi ni Joanna. “Ano yon?” tanong ni Marco. “Hmmm I want to virtually sleep beside you tonight” sabi ng dalaga. “Ha? Bakit?” tanong ng binata. “Wala, I just want to know how you sleep, hear you breath, wala lang parang virtually magkasama tayo sa pagtulog” paliwanag ng dalaga.
“How are we going to do that?” tanong ni Marco. “Di ba ang tawag mapuputol after an hour? So we keep our phones on, kusa naman mapuputol ang tawag right?” sabi ni Joanna at nabilib si Marco. “Wow oo nga no, teka nahiya ako baka humilik ako nakakahiya naman” sabi niya pero di natawa si Joanna. “Pao kahit na, so kung pwede patayin mo tawag then call me again para sure one hour” hiling ng dalaga. “Yeah okay, wait” sabi ni Marco at biglang naputol ang tawag.
Muling nagring ang phone ni Joanna at inayos na niya ang pwesto niya sa kama. “Okay, tulog na tayo?” tanong ni Marco. “Yeah, iwan ko nakasuot headset ko, ikaw din sana” sabi ng dalaga. “Yes I will, feels weird but I like it” sabi ni Marco at inayos na niya ang pwesto nya at pinatay ang lampshade.
“Goodnight Hanna my love” sabi ni Marco. “Goodnight Pao, I love you” bawi ni Joanna.
“Kahit ganito muna…”