sk6

Sunday, September 6, 2009

Bertwal Chapter 12: Hot Seat

Bertwal
by Paul Diaz



Chapter 12: Hot Seat

Isang buwan ang lumipas at midterm exam na nila. Si Joanna mabilis natapos ang mga exam niya at nag antay siya sa tambayan nila. Ilang saglit lang dumating si Marco at naupo sa tabi ng dalaga. “Paupo ha” sabi niya at di siya pinansin ni Joanna. “La na exam?” pabulong na tanong ni Marco at nilingon siya saglit ni Joanna, “Tapos na” sagot niya at nilabas niya ang phone niya at pati si Marco sumandal at nagtext.

Hanna: Kumusta?

Paolo: Uy I was about to text you ahahha. Okay lang you?

Hanna: Hahaha gulat ako nakavibrate at silent pa phone ko

Paolo: Teka akala ko ba may exam ka?

Hanna: Tapos na. At ikaw akala ko din ba may exam ka?

Paolo: Tapos na din. You know, i-power! You know as in Ikaw!

Hanna: Psst Pao…

Paolo: Ano yon?


Biglang natawa ng sabay yung dalawa at nagkatinginan sila saglit. “Text joke” palusot ni Marco at ngumiti nalang si Joanna pero tuloy ang bungisngis niya. Si Marco pasimpleng pangitingiti at si Joanna kinikilig naman. Parehong nakasilent ang mga phone nila, tuloy ang pagtetext nila sa isat isa nang di nila nalalaman.

Hanna: Ganon ka din naman sa akin e. Ewan ko ba basta

Paolo: Parang ang sarap mag aral no?

Hanna: Hahaha oo nga, parang ang dali kamo

Paolo: Nyahaha korek. Parang may goal at purpose

Hanna: Sira! Bakit kung wala ako di ka na mag aaral?

Paolo: Mag aaral for necessity, this time di e, parang for our future

Hanna: Ano?

Paolo: Hahahaha itatanong pa o pwede mo naman basahin ulit

Hanna: Future? Our future?

Paolo: Yeah, why? Masama ba mangarap?

Hanna: No. Hay you made my day, napasmile mo ako ng todo. Wish you were here

Paolo: Wish I was there, wish you were here too. Ah basta


“Hoy! Para kayong timang na dalawa patext text pa kayo pwede naman kayo mag usap na dalawa!” sabi ni Jamie sabay tawa. “Oo nga, nagkandahiyaan pa o, may patalikod pa pero magkatext naman” banat ni Jane. Sabay pang napatingin sina Joanna at Marco sa dalawang dalawa at parehong masama ang tingin. “Aysus o ang sasama pa ng tingin, sige nga patingin nga mga phone niyo?” sabi ni Jane.

Sabay na inabot nina Marco at Joanna ang mga phone nila kay Jane pero tumanggi na ito. “Oo na grabe kayo nagbibiro lang e, chill naman” sabi ni Jane at biglang tumayo si Marco at naglakad palayo. “Uy Marco nagbibiro lang kami” sabi ni Jamie. Lumingon ang binata at ngumiti, “Its good, no harm done” sabi niya at tuluyan nang umalis.

Napansin ni Jamie at Jane na natulala si Joanna at nakatitig lang kay Marco kaya bigla siya tinapik ni Jane. “Cute ng smile niya no?” sabi ni Joanna at gulat na gulat yung dalawa pagkat talagang sinundan ni Joanna ng titig si Marco. “O sabi na sa iyo e, o ano ipagpalit mo na kasi si Papa Pao mo” sabi ni Jamie. “Oo nga, see nakikita mo smile niya, e yang si Paolo nakikita mo ba?” banat ni Jane at ngumiti si Joanna. “I may not see his smile but you see the smile on my face? Yan ang nagagawa niya sa akin araw araw. Sumasakit na nga cheeks ko sa totoo pero I am not complaining kasi masaya ako” sabi ni Joanna.

Walang masabi sina Jane at Jamie at naupo nalang sila. “Ei mga sis, sorry ha” sabi bigla ni Joanna at nagulat yung dalawa. “Yan ka nanaman e, nagsosorry ka e kami naman ang mapilit at kontra” sabi ni Jane. “I wanna say sorry, alam ko concerned lang kayo but sana lang understand niyo rin ako. I am happy okay? So sorry kung nakakasabi ako ng masama minsan or nagagalit ako kasi I really like this guy” paliwanag ni Joanna. “Okay lang sis, pero you don’t have to say sorry lagi” sabi ni Jamie. “Nope I have to, yan ang turo ni Pao. Kahit konting away o mali at kahit ikaw yung agrabyado extend mo nalang hand mo of friendship para lahat okay na” sabi ni Joanna.

“Lahat nadadaan sa magandang usapan” hirit ng dalaga at napangiti nalang yung dalawa. “So with that said wag kayong maingay sana ha at papatawagin ko siya” sabi ni Joanna at agad siya nagtext upang patawagin si Paolo.

Si Marco nakipagkita kina Angelo at Rich sa court at agad niya nabasa ang text galing kay Hanna. “Yo mga pre, konting tahimik lang at tatawag ako” sabi ni Marco. “Kanino?” tanong naman ni Richard. “Sa girlfriend mo” biro ni Marco at tumawa si Angelo. “Ano naman sasabihin mo sa kanya?” tanong ni Richard. “Na nanlalake ka dito sa court” sabi ni Marco at gulat na gulat si Rich. “Slow ka pare! Hahahaha nasan ba utak mo, siyempre tatawagan niya si Hanna babes niya. Pare dali balik sa classroom baka di pa napulot ng iba utak mo” sabi ni Angelo at natawa narin si Richard. “Shet! Ahaha oo puyat ako e. Sorry sorry talaga” sabi ni Richard at lumayo konti si Marco at tumawag na.

“Hello” sabi ni Marco. “Hi! Ahahaha ingay diyan ah” sagot ni Joanna. “Ah sorry nakatambay kasi kami waiting for the next exam. Ikaw?” sabi ni Marco. “Ganon din, hmmm ingat baka madulas anong school ka, unless gusto mo sabihin?” sabi ng dalaga. “Hmmm pwede din naman, bakit pupunta ka dito?” biro ni Marco at tumawa si Joanna. “Di ah, promise hahaha malay mo diba?” sagot ng dalaga.

“Wag, kung ganon man dapat ako ang pupunta diyan, saan ka nga ba?” sabi ni Marco at tumawa ng malakas si Joanna. “You ha dinadaan mo nanaman ako ng ninja tactics mo, ano magbulgaran na tayo ng school?” tanong ni Joanna. “Hmmm tempting yan, wag muna ata kasi baka di ko mapigilan sarili ko na hanapin ka talaga” sagot ng binata at natahimik si Joanna at kinilig.

“Pao…” sabi ni Joanna at napatahimik si Marco. “Uy nandyan ka ba?” tanong ng dalaga. “Oo ikaw kasi lagi ako napapatigil pag ganyan sinasabi mo lately” sabi ni Marco sabay tumawa sila. “Bakit ba kasi? Ano ba ineexpect mong sasabihin ko?” tanong ni Joanna. “Hmm wulah naman bakit ano ba dapat sasabihin mo?” sagot ni Marco at tumawa si Joanna. “Wala naman bakit ba? Gusto ko lang tinatawag name mo” palusot niya sabay kinilig siya. “Ah okay” sabi ni Marco. “Pao….” ulit ni Joanna at muling tahimik si Marco kaya tawa siya ng tawa.

“Pao…ah wala” bawi ni Joanna. “Ano yon?” tanong ni Marco. “Wala wala forget it” sagot ng dalaga. “Di nga ano talaga yon, sige na Pao…may sasabihin ka ano yon?” tanong ni Marco at huminga ng malalim si Joanna at biglang tumayo. Naglakad lakad siya at biglang tumigil. “Where are we now?” tanong niya.

Napatigil si Marco at nangatog ang tuhod niya, tumawa siya sabay sabi “Of course we are at school.” Nainis si Joanna at huminga ng malalim, “I know we are, where are we now?” ulit niya. “Nasa damit natin saan pa nga ba?” sagot ng binata at talagang nainis si Joanna. “Di ba kita makakausap ng matino?” tanong niya at huminga ng malalim si Marco at napakamot. “Ha? Sabi ko nga ask a specific question kasi para specific din sagot ko” banat niya. “Fine, nevermind nalang” sabi ng dalaga.

“Uy galit ka?” tanong ni Marco at sabay sila naglakad lakad. “Sanay na, ganyan ka naman lagi e. Liko lagi so sanayan lang yan diba?” sagot ni Joanna at ang tagal nilang tahimik sa teleponono. Si Richard napatingin kay Marco at napansin niya din si Joanna sa malayo. “Pare weird o, sabay pa may kinakausap sa phone si Joanna at Marco. Sa tingin mo sila yung magkausap?” tanong niya. Si Angelo tumawa nalang at busy nanonood ng naglalaro sa court, “Pare ano ba yang pinag iisip mo, sabi ko sa iyo balikan mo utak mo diba?” sagot niya. “Oo nga imposible naman din, hahaha bakit ka pa gagastos sa cellphone e pwede naman sila mag usap ng harapan” sabi ni Richard. “Korek, sige na balikan na ang utak bago ibenta sa ukay ukay ng nakapulot” hirit ni Angelo sabay tawa.

Paolo: Uy bakit mo pinatay phone mo?

Hanna: Wala I have to review for the next exam

Paolo: Galit ka?

Hanna: Sanay na. Cge later nalang

Paolo: Ei sorry na

Hanna: Yeah

Paolo: Sorry


Naupo si Joanna at napansin ng mga kaibigan niya ang simangot at lungkot sa mukha niya. “At kaya ka niya rin palungkutin ng ganyan” sabi ni Jane at tahimik lang si Joanna. “Ganyan talaga yan sis, may ups and downs. Kung ano man pinag awayan niyo sure ako maayos niyo yan” sabi ni Jamie. “I asked him where we are now at liko siya ng liko, ayaw sumagot ng diretso” sabi ni Joanna. “Grabe ka baka nahihiya lang siya umamin kaya ganon” sabi ni Jane. “E kahit na I want to know. Dati he said he likes me and I admitted too. O bakit yang simpleng tanong di niya masagot?” sabi ni Joanna.

“Hay naku baka naman binigla mo siya, parang nilagay mo sa hot seat” sabi ni Jane. “O baka naman may iba diba? Im just saying naman kasi diba?” hirit ni Jamie at lalong nalungkot si Joanna. “Parang sa showbiz, bakit pag tinanong sa talk show ang mga artista ayaw nila sumagot? Kasi baka mabuking ng iba nila, pero I am just saying ulit, di ko naman sinasabi na may iba siya” dagdag ni Jamie. “Madami siyang kachat na girls” sabi ni Joanna. “Oh? Pano mo nalaman?” tanong ni Jane. “Nagnininja ako lagi” sabi ng dalaga at natawa yung dalawa.

“O ano naman resulta ng ninja mo?” tanong ni Jamie. “Hay, sabi niya friendly lang siya. Ewan ko pero di importante yon gusto ko lang malaman nasan na kami. Yun lang naman e” sabi ni Joanna. “O ano ba ineexpect mo na isasagot niya kasi?” tanong ni Jane at napaisip ang kaibigan nila. “Kasi parang lumulutang lutang lang ako sa ere. Minsan magsasabi siya ng words na gusto ko pakinggan pero di naman itutuloy. Ewan ko ba basta gusto ko lang malaman nasan na kami” paliwanag ni Joanna.

Pagkatapos ng exam nila nauna ulit lumabas si Joanna ngunit imbes na mag antay dumiretso na siya sa gate. Habang naglalakad nagtuwid ang landas nila ni Marco, “Uy” sabi ng binata. “Tapos na exam?” tanong ni Joanna sa mahinang boses. “Yup, uwi na” sagot ng binata at napatingin ang dalaga sa kanya. “Bakit?” tanong ni Marco. “Wala, parang may kaboses ka” sagot niya.

“Mapaglaro ang utak pag pagod” sabi ni Marco kaya napayuko nalang si Joanna. Sabay sila nakalabas ng campus at pareho pang nakayuko ang ulo. Hanggang sa pagsakay ng jeep nagulat si Joanna at sumakay din ang binata ngunit natuliro kung saan siya uupo kahit maluwag pa sa tabi ng dalaga. “Uy dito na arte mo” bulong ng dalaga at napangiti nalang si Marco at napakamot.

Naglabas ng pera si Joanna at nang iaabot sa driver at tinuro ni Marco ang sapatos niya. “Shoe lace” sabi ng binata at napatingin si Joanna sa baba. “Bayad, dalawa” sabi ni Marco at napatingin agad si Joanna sa kanya at natawa. “The moves” sabi ng dalaga. “Syemps, gentleman kunwari” bulong ni Marco. “Ako na dapat kasi I owe you ten” sabi ni Joanna. “Oh? I don’t remember na” sabi ni Marco at napangiti nalang si Joanna.

Hawak hawak ni Marco ang phone niya at text ng text kaya napasilip si Joanna saglit. Tinignan siya ng binata at nginitian, “LQ kami ng papa ko” bulong niya at agad nagtakip ng bunganga ang dalaga at tumawa. Ilang minuto pa at pumara si Marco, nagbow siya kay Joanna sabay bumaba ng jeep. “Oy, kung ano man problema niyo ayusin niyo. Di mo bagay nakasimangot” sabi ng binata sabay kumaway na parang beauty queen at focus ulit sa kanyang phone.

May bumusina at muntik mabangga si Marco kaya napatalon siya at pati ang kotse kinawayan niya. Nakita ni Joanna ang lahat at napansin niya na tumatawa yung driver ng kotse. Si Marco tuloy ang kaway ng kamay at pakembot kembot sa paglakad kaya tuluyan nang sumabog ang dalaga sa katatawa. Di siya nag iisa pagkat pati ibang pasahero ng jeep tumawa. “Iha nakakatuwa boyfriend mo” sabi ng isang matanda. “Ay di ko po siya boyfriend, kaibigan lang po” sagot ni Joanna. “Ay, bagay kayo” hirit ng matanda at ngumiti nalang si Joanna.

Ilang minuto pa nakarating na si Joanna sa subdivision nila at habang naglalakad ay naalala niya ang ginawa ni Marco. Nakasalubong niya ang kapitbahay niya at napagaya siya sa ginawa ng binata at bigla nalang siya tumawa mag isa. Hanggang sa nakapasok siya sa bahay nila kinawayan niya ang mommy niya at kasambahay. “Good mood ka ata anak?” tanong ng nanay niya. “Slight mommy kasi tapos na ang exams” sabi ng dalaga. “Hala sige magbihis ka na at paglulutuan kita ng meryenda mo” sabi ng mommy niya. “Paglulutuan o order?” biro ng dalaga at natawa ang mommy niya. “O siya siya, sige na bihis na at baka inaantay ka na ni Paolo mo” sabi ng nanay niya at napasimangot bigla si Joanna at nagpunta sa kwarto niya.

Pagkatapos magbihis ay nilabas ni Joanna phone niya at nagulat pagkat may 30 text messages doon at lahat galing kay Paolo at nagsosorry. Natuwa naman ang dalaga sa nabasa niya kaya masaya siyang bumaba sa kusina. Ilang minuto pa dumating na ang pizza at agad sila kumain. Tunog ng tunog ang phone ni Joanna pero di niya ito binabasa. Basta nalang tuwing tumutunog ito napapangiti siya lalo. “Iha di mo ba sasagutin yan?” tanong ng nanay niya. “No mommy, alam ko naman laman ng mga text niya e” sabi ng dalaga.

“Ah nag away kayo no? At sorry siya ng sorry?” tanong ng mommy niya. “Sakto!” sabi ni Joanna at natawa. Biglang nagring ang phone ng dalaga pero di niya ito sinasagot. “Bakit mo pa siya pinapahirapan anak e papatawarin mo din lang naman?” sabi ng nanay niya. “Wulah lang, siya kasi e” sabi ni Joanna. “Ikaw din pag sumuko yan maghahanap ng iba yan” sabi ng mommy niya kaya agad sinagot ni Joanna ang phone niya. “Hello” sabi niya sabay kuha ng pizza at takbo papunta sa hagdanan. “Ayun natakot din” sabi ng nanay niya at nagtawanan sila ni Ruby.

“Hanna I am so sorry talaga please patawad” sabi ni Marco at di sumasagot si Joanna. “Hello? Nandiyan ka ba?” tanong ni Marco. “Oo” sabi lang ni Joanna. “Bakit ayaw mo ako kausapin?” tanong ng binata. “You know what I want to hear” sabi ng dalaga. Huminga ng malalim si Marco at nahiga siya sa kama niya. Muli siya huminga ng malalim at pinikit ang kanyang mga mata.

“Okay, wow, so where are we now? Hot seat to ah pero sige...so where are we now?” ulit ng binata. “Alam mo if you don’t want to anwer it okay lang” sabi ni Joanna. “We are farther than we were before, honestly its more than just like now…oo its gone beyond like already” sabi ni Marco at napanganga si Joanna at napayakap sa unan niya. Tinago niya muli ang mga sigaw niya at huminga ng malalim pero di niya alam ang sasabihin niya.

“Explain” sabi ni Joanna. “You know, we started off as strangers longing for someone to listen. We immediately clicked and yeah we started to like each other. Pero habang tumatagal parang lalo ako napapalapit sa iyo e. Napapatawa mo ako, gusto kita patawanin lagi. Basta the reasons are the same as before but the feeling is just much greater than like” paliwanag ni Marco at pinondot ni Joanna ang mute at nagsisigaw na sa kilig.

“Hello? Still there?” tanong ni Marco at kumalma si Joanna at naupo sa kama. “Yeah, Pao…do you?” tanong ng dalaga. “Ano?” tanong ng binata. “Do you…” ulit ni Joanna at di niya kaya ituloy ang tanong niya. “Oo Hanna…I don’t like you anymore…kasi I love you” sabi ni Marco at napalukso ng todo ang puso ni Joanna at natulala siya. Di siya makapagsalita at punong puno siya ng katuwaan pero sa sandaling yon di lang niya talaga mailabas.

“Madami nang beses ko gusto sabihin sa iyo pero natatakot ako. I am afraid na baka you don’t feel the same way or tawanan mo ako kasi nga itong situation natin. Pero I even asked myself ano ba talaga tong nararamdaman ko. Sabi ko like lang siguro pero hindi e, bawat pag gising ko ikaw una kong hinahanap. Bago ako matulog ikaw gusto kong makatext o makausap. Am I sure about what I am feeling? Yes I am and sana noon pa pero takot ako sa rejection, pero what the heck…I love you” sabi ni Marco.

“Totoo ba yan?” landi ni Joanna sabay takip sa bunganga at di parin maipaliwanag ang saya niya. “Oo I really love you, ewan ko siguro it sounds stupid kasi nga itong situation pero yun ang nararamdaman ko talaga e. I don’t know how to explain what I am feeling inside but I felt this before and I lost it. Now it came back but parang its stronger…ewan ko ba basta mahal kita. Pano ko papatunayan di ko alam..” paliwanag ni Marco at daldal parin siya ng daldal.

“Psst Pao…” sabi ni Joanna. “Oh?” tanong ni Marco at sa wakas napatigil siya.

“I love you too”


(sa mga atat learn to wait...sa mga nagpriprint God Bless you!)