sk6

Thursday, July 29, 2010

“I don’t need you to be a superhero for me to love you. I just need you to be you” - Maya. Salamangka Chapter 15 by Jonathan Paul Diaz


- COMING OUT SOON. SO RESERVE YOUR COPIES NOW -

Friday, July 23, 2010

"No law or rule should be allowed to govern the heart. Our hearts should always be free to choose and free to love"



- Benjoe, Salamangka chapter 9...by Paul Diaz

Thursday, July 15, 2010

THE JOURNEY CONTINUES...

May naglalakad sa hallway ng isang napakalaking bahay. Pagbukas niya ng isang pinto nakita niya ang isang grupo ng mga teenager na nagtatawanan pagkat may dalawang tatlong binata na nagbabakla baklahan. Sinara niya ang pinto pagkat wala siyang kakilala sa loob.

Naglakad pa siya konti at may binuksan nanaman na pinto, nanlaki ang mga mata niya at nangatog ang tuhod pagkat mga nilalang na nagsisipulaan ang mga mata ang nasa loob at biglang nagsilabasan ang mga pangil nila. Agad niya sinara ang pinto at tumakbo. Hingal na hingal siya at takot na tuloy magbukas ng pinto pero naglakas loob at sumubok muli.

Napangiti siya pagkat may nakita siyang magandang babae, lumapit ang babae sa kanya at biglang nagsulputan ang mga demonyo sa likod niya. Napasigaw yung lalake at kumapiras nanaman ng takbo. May nagbukas na isang pinto at may lalakeng lumabas.

“Hoy ano sinisigaw sigaw mo diyan, pasok ka dito” sabi ng lalake sa kanya. Agad siya pumasok sa kwarto at nakahinga siya ng maluwag. May isang malaking lamesa sa gitna at may mga lalakeng nag iinuman.

“Upo ka” sabi nung isa kaya agad siya naupo. “Chillax ka pare, ako pala si Pepito. O guys pakilala kayo” sabi ni Pepito.

May bulag na tumapik sa mesa, “Ako si Athan pare” sabi niya. “Ako si Jeff” sabi naman ng isang mukhang mayaman na binata. “Ako si Paulito” sabi ng isang binata na may mahabang buhok at sa tabi niya kumaway ang isa pang binata, “Ako si Benjoe” bigkas niya.

“Ah…ako si Venancio” bigkas ng lalake at lahat nakatingin sa kanya. “Bagong salta ka ata dito, bakit hindi ka namin kilala? Magkakakilala kami lahat dito e” sabi ni Pepito sabay nagbuhos ng alak sa isang baso sabay nilapit sa bagong salta.

“Ah di ako umiinom…may kape kayo?” sabi ni Vince. Nilapit ni Jeff ang pitsel ng malamig na tubig sabay nagbuhos sa isang baso. Nilapit niya ito kay Benjoe at hinawakan ng binata ang baso at kumulo agad ang tubig. Nanlaki ang mga mata ni Venancio at napatayo siya, biglang namula ang mga mata ni Paulito, “Upo ka” bulong niya at biglang nalang napaupo ang lalake labag sa kalooban niya.

“Ah ano kayo? Bakit may powers kayo?” tanong niya at nagtawanan ang lahat. “Bagong salta nga talaga ito. Chillax ka pare. Itong si Benjoe ay demonyo at si Paulito ay bampira” paliwanag ni Pepito at lalong natakot yung lalake.

“At yang si Pepito ang pinakamatanda dito” banat ni Athan sabay ngisi pero bigla siya binatukan ni Pepito. “At least hindi ako manloloko na tulad mo!” sigaw niya. “Tumigil nga kayong dalawa” sabi ni Benjoe at biglang umapoy ng itim ang kamao niya. Nanahimik tuloy ang lahat maliban sa katabi niyang bampira na nagbagang pula ang kamao niya.

“Wag kang magmamayabang pare” sabi ng bampira. “Ano lalaban ka?” tanong ni Benjoe at lalong nagbaga ang mga mata niya. Napatayo yung dalawa at nagkaharap, yung iba napaatras konti pero biglang may pumasok na grupo ng mga binata.

“Yo old timers!” bati ni Kiko at nagtawanan ang grupo nila. “Tsk itong mga batang to walang respeto talaga” bulong ni Pepito. “Hoy kasama diyan yung mga anak mong dalawa” sabi ni Athan. “Tangek, tatlo sila di mo ba alam?” sabi naman ni Jeff. “Tatlo ba?” tanong ng bulag at napangisi nalang si Pepito. “E bakit di ko nababalitaan yung pangatlo?” tanong ni Paulito at napaupo sila ni Benjoe at tumawa nalang ang matanda.

“Kids go play in the other room” sabi ng bampira at parang mga zombie naglabasan ng kwarto ang grupo ng mga binata.

“Ah teka, nasan ba tayo? Nagising nalang ako nandito na ako e” sabi ni Vince. “Retirement home” sabi ni Pepito at nagulat yung lalake. “Retirement home? Bakit ako magreretiro agad?” tanong ni Vince.

“E ganon talaga yon e. Yun ang utos ni bossing” sabi ni Jeff. “E bakit may nakahalong mga foreigner sa ibang kwarto?” hirit ng lalake. “Oo kasama sila lahat, actually dapat doon ka sa kabilang bahay e, dun sa bahay ng mga hindi pa kilala pero retirement home din yon” paliwanag ni Pepito.

Tumayo si Vince at sumilip sa labas ng binatana, may isa pa siyang bahay na nakita at madaming tao doon sa loob. “Dapat ba doon ako?” tanong niya. “Oo dapat doon ka, kasi doon ang retirement home ng mga hindi pa kilala. Siguro puno na yung bahay na yon kaya pinayagan ka ni bossing magretiro dito” sabi ni Athan.

“Retiro agad? Bakit ganon?” tanong ni Vince. “Kasi madami ang makikitid ang utak sa labas. Hindi marunong umintindi kaya sawa na si bossing siguro” sabi ng bampira.

Napaupo si Vince at huminga ng malalim. “Retiro agad…pero bakit parang may naririnig akong mga boses galing sa labas?” tanong niya. “Naririnig din namin yon” sabi ng iba.

“So ano ganito nalang tayo hanggang mamatay tayo?” tanong ni Vince.

Tahimik ang lahat at naririnig nila ang kasiyahan ng mga bata sa kabilang kwarto. Napangiti si Pepito at nagkatitigan ang lahat. “Ano guys?” tanong niya. Tumayo sila lahat, si Athan inalis ang shades niya at naglakad papunta sa pinto. “Hindi ka bulag?” tanong ni Vince. “Hindi, porke nagshades ako bulag na ako?” banat ni Athan.

“E may walking stick ka e” hirit ng lalake. “Walang basagan ng trip pare!” sumbat ni Athan at nagpunta siya sa hallway at nagsisigaw.

“HOY MAGSILABASAN KAYO LAHAT!!!” sigaw niya.

“Benjoe pakawalan mo na yung mga nasa kabilang bahay” utos ni Pepito at biglang nawala ang demonyo. Naging maingay ang hallway at nagtungo sila lahat sa labas ng bahay.

Ang daming tao ang pumuno sa hardin at si Benjoe biglang lumutang sa ere at tinuro ang bahay sa taas ng bundok.

“Doon ang bagong tirahan natin” sabi niya. “O what are we waiting for, girls come with me!” sigaw ni Pepito.

“PEPITO!!!” sabay na sigaw ng dalawang babaeng buntis. “Girls come with me!!!” sabi naman ni Athan pero bigla siya binatukan ni Venancio at tumawa.

“Old timers, its my time to shine, everyone follow me!” sigaw niya at mula sa ere may isang foreigner na dumating.

“Hey wassup everyone?” tanong niya. “Hey Frank hows it going?” sagot ni John. “Oh nothing much we would just like to invite you to our…” sabi ng foreigner pero bigla tinakpan ng isang babae ang kanyang bibig. “Not yet” bulong niya.

“Teka parang nakakatakot yung daan papunta sa bagong bahay natin ah” sabi ni Venancio. “Sa iyo ba yung dalawang itlog na nakita namin na naiwan sa hallway?” banat ni Kiko at nagtawanan sila ni Ben. Pumorma si Vince pero humarang sa kanya si Juan Pablo at Pipoy. “Ang babangga, magigiba!” sigaw nila kaya napaatras ang lalake.

“Tara na doon! Sus we all need a new house. Bossing would not make a house there for nothing so what are we waiting for?” banat ng isang lalake na may hawak hawak na mga barya.

“Yeah! Lets not take bullshit from anyone! Lets all go!” sigaw naman ng isang binata na may paru paro sa kanyang balikat.

Tumayo si Benjoe sa harapan at tinuro ang bahay.

“Sige, everyone follow me!!!” sigaw niya at biglang natakot ang lahat pagkat may mainit na hanging na umihip at nagliparang ang mga demonyo papunta sa kanilang bagong bahay.

“WAG KAYO MATAKOT!!! AKO BAHALA SA MGA YAN!!!”

“So the journey continues then?” tanong ni Pepito. “Hell yeah!” sigaw ni Kiko at nagtawanan ang lahat.

“BUT I GO FIRST” sabi ni Benjoe at biglang nagliyab ng itim ang mga kamao niya.



THE JOURNEY CONTINUES….FIRST STOP….



SALAMANGKA!!!

UPDATE

LET ME SHARE WITH YOU ONE SENTIMENT OF ONE READER. THIS IS COPIED DIRECTLY FROM THE FAN PAGE


"Actually I am one of those million supporters/readers/fans of your blog idol. But hindi naman ata tama na iwanan mo kami.

Tama ka....nangangarap ka na balang araw ay makita mo ang pangalan mo sa isang libro na nakapublish or nasa isang telenobela ang isa sa mga obra maestro mo. Lahat naman nangangarap ng ganoon. Pero kung destiny mo talaga....ay
makukuha mo ung mga pangarap mo.

Pero.....sa tingin mo ba...makikilala ka ba kung hindi dahil sa amin. Oo...kilala ka na. Pero sa tingin mo....paano ka nakilala?

Di ba dahil sa amin. Aminado kami na magaling ka....lahat ng gawa mo ay hinahangaan namin at binabasa. Dahil sa amin ay sumikat ka.

Un naman talaga ang katotohanan. Magaling ka kaya ka sumikat. Pero kahit na magaling ka kung wala namang pumapansin sa mga gawa mo..makikilala ka kaya.

Utang na loob mo sa amin kung nasan ka ngayon idol. At kami ay humahanga sa iyo dahil sa mga ginagawa mong story.

Pero sana naman.....wag naman ganon.

Eh kung papaano kung wala na kami. At unti unting nawawala na ang mga readers mo.

San ka pupulutin. Sana maintindihan mo na nag eenjoy kami sa pagbabasa ng mga libre mong story.

Marami na akong nababasa na mga comment regarding sa yo.

Lumalaki na raw ang ulo mo. Ginamit mo lang kami para kumita. At ginamit mo lang kami para sumikat"



---

First of all i never forced anyone to read my stories. My commissioned works, i never offered them to anyone, they came to me and they can attest to that.

A lot of people are sending me emails, they want to buy my works even in Word format or PDF, but can you show me one individual who i have sold my works to?

ZERO!!! NOT EVEN A SINGLE SOUL!

A lot of you can attest to that because i never reply to emails asking for how much am i selling my works.

TWO FREAKING YEARS WRITING FOR FREE AND I GET THIS CRAP!

I RESIGNED FROM WORK TO FOCUS ON A NEW CAREER. THE SEPARATION PAY I GOT LASTED ME TWO YEARS . SO TELL ME WHERE THE HELL AM I GOING TO GET MONEY TO BUY FOOD? WHERE DO I GET MONEY TO PAY THE ELECTRIC BILL? WHERE DO I GET MONEY IN CASE MY LAPTOP GETS DESTROYED?


AND EVEN WITH TWO BROKEN FINGERS I KEPT WRITING FOR FREE AND UP TO NOW THEY ARE NOT FULLY HEALED AND I JUST GET THIS CRAP FROM SOME PEOPLE?

I AM NOT A ROBOT, I KEPT WRITING TO BECOME BETTER, TO MAKE THIS MY NEW CAREER. BUT SOME NEVER UNDERSTAND AND ONLY THINK OF THEMSELVES.

YOU WANT ME TO BEG FOR MONEY SO I CAN CONTINUE WRITING?

YOU WANT ME TO CONTINUE WRITING FOR FREE FOREVER?

IS THAT A CAREER? A CAREER THAT HAS NO PAY? AM I A FREAKING SAINT OR MARTYR?

WHAT TIME DO YOU WANT ME TO WAKE UP MASTER? HOW MANY PAGES OR CHAPTERS DO YOU WANT ME TO WRITE MASTER? MAGPAPAALAM PA BA AKO PAG PAGOD AKO?

I GET IT, SOME OF YOU DONT WANT TO PAY. SO I AM NOT FORCING YOU. I NEVER FORCED YOU TO READ MY STORIES IN THE FIRST PLACE. WHEN I WANTED TO QUIT SEVERAL TIMES SOME SAID I KEEP ON WRITING AND SO I DID.

I KEPT WRITING TO BECOME BETTER. TO BECOME BETTER TO WRITE FOR FREE FOREVER?

WELL LUMALAKI NA RAW ULO KO. MUKHA NA DAW AKO PERA.

MADAMI DAW NAGCOCOMMENT NG GANON.

SO SINCE THOSE ARE THE SENTIMENTS OF MANY THEN TO HELL WITH THIS STUPID WRITING CAREER! ITS NOT WORTH IT ANY MORE.

I AM GOING BACK INTO THE ENGINEERING FIELD.

AND TO THOSE WHO WANT TO BRING MORE INSULTS AND ALLEGATIONS...

DONT CREATE DUMMY ACCOUNTS!!! GROW SOME BALLS AND HURL YOUR ALLEGATIONS FACE TO FACE! MUKHA AKO PERA? SHOW ME THE PEOPLE WHO I HAVE SOLD MY STORIES TO. I DARE YOU NA KAHIT ISA LANG. SHOW ME PROOF, EMAIL TRANSACTIONS, BANK TRANSFER RECORDS, AND THE COPY OF THAT STORY. IF YOU CANT YOU SHUT THE HELL UP BECAUSE I NEVER SOLD ANYTHING TO ANYONE YET!

DONT COUNT THE PEOPLE WHO CAME TO ME AND ASKED ME TO WRITE FOR THEM.

TEKA NASIRA MOUSE KO, MAMALIMOS PA AKO SA KALYE PARA MAKABILI AKO NG BAGO....DUH!!!

Tuesday, July 13, 2010

Clarifications

Greetings,


Okay i have received a lot of questions asking about Bespren, MP, Bertwal, Em En Kay and SAMK

Once and for all YES they are not complete. Please understand that it is a strategy on my part but i made sure that i ended the stories on the blog fittingly.

Take a look at Bespren alone, you will notice a lot of errors in the story. Kasi po rough draft po yung pinost ko. There are scenes na bitin kasi po sadya yan. Bakit ganon nalang nag end, ano yung binulong nila sa huli etc etc etc

The complete Bespren has 25 chapters and i dont plan to release it yet.

As for MP, there are 20 chapters on the blog but in total there are 30 chapters to complete MP book 1 and i dont have any plans of releasing it too yet.

MPex is Book 2 already

If you will look at Em En Kay, you will ask why the scenes and chapter jumps seem to be so fast. Ika nga ang bilis naman ng mga pangyayari. Bakit wala yung flashbacks? Kasi nandun sa complete Em En Kay

The same goes with Bertwal and SAMK

But for SAMK i really planned this to be my first long story with 40 to 50 chapters

I did my best to end the free story of SAMK in style and i think successful naman ako.

Others commented bakit parang bitin....geez kasi po i dont just write to post it for free, i do have dreams too.

Oo gusto ko magpublish or makita tong mga kwento ko as a movie or tv series, oo suntok sa buwan pero hindi nga bawal ang mangarap e.

I was just being wise.

I did my best to post these stories with a proper blog ending.

Kasi if ever i get one book published one day, sa tingin niyo may bibili pa pag nabasa na nila ng buo sa net? Of course wala na no. Kaya magtago ka din ng alas minsan kung gusto mo mangarap. Tapos may magcocomplain na madaya ako? I am just being wise.

E bakit ako galit sa copy paster e incomplete naman pala? Geez common sense naman. Nagpapanggap na sila may gumawa e. Put yourself in my shoes and lets see pag di ka magagalit ahahahaha. But its all good, may mga Pinoy talaga na ganyan at maitim ang mga budhi.

So i hope you all understand.

Updates

Greetings Earthlings,


First of all i would like to thank everyone who sent me emails yesterday. Your messages were very overwhelming. Thank you too to the others who sent me emails the past few days asking for the codes LOL, i was really surprised to see lots of new names.

I would like to say sorry to everyone especially to those who are in the Middle East. Nagpapasalamat ako sa inyo lahat talaga at tinatangkilik niyo ang kwento ko. Tulad nga ng sinabi ng iba na ito ang inyong libangan habang kayo ay naghihirap na kumayod ng pera sa ibang bansa. Gusto ko talaga sana ipagpatuloy ang pagsusulat ng libre pero may mga pangangailangan din ako. Dalawang taon ako nagsulat ng libre para sa inyong lahat, mula sa Pepito hanggang kay Kiko. Sana maintindihan niyo lahat ang aking desisyon.

Anyway i know there are a lot of questions pertaining to Sa Aking Mga Kamay, some say it seemed "bitin". Just like MP if i may ask? Well the answer is very simple actually and i think most of you already know it.

I made the story end in a nice way for the free blog so that there will be no complaints again. I know a lot will be irate again and i dont blame you but you also have to understand why i did that. Its a free blog and so thats the only one i want to post so please respect that too. At least i ended the story well just like MP, but of course there is more to the story and i wont force anyone who does not want to avail of the complete one.

Some will say i am cheating my readers. Why is that? Do i have an obligation to post everything? I am already doing it for free and still you have the guts to complain that way? There are lots of free samples of everything, like food, stuff, and even software. Free sample, meaning if you like it then you buy it but of course no one is forcing you.

As of the moment i appreciate efforts of many in forming a group. I am still new to this selling of my stories, i am not a greedy person and if possible i would like to continue writing for free but life is not that simple, how i wish it was but it isnt.

Posting on the blog will not work. I tried several security measures but there is always a backdoor to it. There is a way through blog posting but that will require a "by invite" system only. I am listening to you and some say that the fonts in the blog is not really a good sight LOL.

So we are left with the ebook or pdf or kindle format. I am still learning, i honestly have no idea how i will sell my stories but sad to say i will. If you have suggestions i am all ears. As of now its going to go through the ebook format but with strict controls.

But lets not talk about that as of now.

My next story will not be a love story. Let me explain first. When i do write a story i place myself "in the zone" ahahaha. As in i become the characters of that story. Well the kalokohan parts are quite easy ahahaha trust me. So right now if i continue to write a love story then i might be in Kiko mode which will affect the next story. I dont want that to happen

So i take a break from the love story and i am going to write SALAMANGKA (Reinvented)

Hindi bawal mangarap ika nga ni Manny V so even if i am an amateur writer i want to make a story that is just like Harry Potter or Lord of the Rings. Some say i was successful with Twinkle Twinkle 1 and 2, even Ordinary Me 1 and 2 and of course the old Salamangka. But i am not satisfied. Some say they were amazing already but i am not satisfied. There is only one way to go and that is upwards and so i want to push myself to my limits.

Kahit amateur ako sa tingin ko kaya ko ata gawin ito. I know a lot are not into fantasy and this kind of stories so i ask forgiveness but right now this is the story that i want to write. but rest assured i will write love stories after. I am just taking a "love story in the zone" break ahahaha.

See my stupid terms, its obvious i am an amateur or even an idiotic writer as of the moment but i hope i do level up. I pray i do not become a imbecile writer ahahahhaa.

I will write Salamangka even if a lot are not interested. I need to take a break from writing love stories but after Salamangka i will.

Last year i had an itch to write Bespren, out of nowhere i really had an itch to write it badly and so i did. Wow i didnt expect it to be a hit even if it was not complete. So where is the complete version? No plans of releasing that yet, please understand i do have big plans for the story Bespren pero sad to say i was sidetracked last year because of copy pasters. One publisher was interested but sad to say again they saw it posted on another site and so the deal went pffffttt....

I tried to tell the publishers that the one posted and being circulated was not complete but it just fell to deaf ears. Hell yeah i was so irate and angry but that is life and its all good now. So i dont have plans of releasing it yet because i know there is still something better for that story.

And now you know why i am mad at copy pasters and some of you know this story because you were with me last August ahahahah and again i would like to thank everyone who went berserk with me that time.

The past is the past and so we have to move on.


One group made a Facebook group entitled

The Journey Continues....

and so i am headed towards

SALAMANGKA


Again, MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT


- you can reach me through

email: engrdiaz@yahoo.com

skype: paulitoxc4

YM: zatanasia

Twitter: PaulitoX

or through the fan page at Facebook

my mobile number is: 117 nyahahahaha

if overseas dial 911 bwahahaha just kidding

If you know Juan Pablos's number then you know my number

Monday, July 12, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 28: Paghirit ng Tadhana

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 28: Paghirit ng Tadhana

Kaarawan na ni Frances, madaming tao sa loob ng bahay nila. Nandon ang iilang mga kaklase niyang babae, mga kamag anak nila, ang kanilang lolo at lola at ang mga kaibigan ni Kiko. Sa may garden busy si Kiko at Ben na nag iihaw ng karne habang si Juan Pablo naglalakad lakad at pinagmamasdan ang mga halaman ni Teresa.

“Bakit hindi inaalagaan ng mommy mo to, dapat inaalisan niya to ng dead leaves” bigkas ng siga at nagkatinginan yung magbespren at nagngitian. “So marunong ka mag gardening?” tanong ni Kiko. “Yup, hobby ko” sagot ni Jayps at talagang nililinisan niya yung halaman. “Ding…ding ang batooooo” pabulong na landi ni Ben at nagtawanan sila ni Kiko. “Ano sabi mo Ben?” tanong ng siga at agad nagpasimple yung binata. “Pare wala” sagot niya at nagpigil ng tawa si Kiko pagkat parang takot na takot ang bespren niya.

“Hiram nga ako ng tools, wala naman ako ginagawa so ayusin ko nga mga halaman na to” sabi ng siga at pumasok sa loob ng bahay. Nagtawanan yung mag bespren at agad nagbakla baklahan. “Ang siga kasama pala sa federasyon mama” landi ni Ben. “Hohonga hohongaaaa dumadami na talaga tayo” banat ni Kiko at nagseryoso ang kaibigan niya. “Mag isa mo! Dude sa totoo ayaw ko na magbakla baklahan, nakakasira ng image ko. May oras sa pagpapatawa at may oras naman na pagseryoso. Gay people are decent people and we should not make fun of them” sabi ni Ben.

“Alam ko, pero are we making fun of them? Ginagaya lang natin sila. Alam nila guys tayo and if we act girly tignan mo ang daming natatawa kasi parang surprise diba? Its just for fun Ben. Wala tayong intensyon manakit, so pag hurt ka sorry pare” sagot ni Kiko. “Teka teka teka malaman nanaman yang huling statement mo e, hinuhuli mo nanaman ako, akala mo ha” banat ng bestfriend niya at natawa si Kiko. “Ben, bilib na ako sa pagbabago mo, di na talaga kita nauuto” sabi niya.

“Pare so yung dream mo talagang wala na yon?” tanong ni Ben. “Thankfully pare hindi pala ganon talaga yon. Sobra akong happy, isipin mo pare if I escaped before then di ako happy now. Buti nalang hinarap ko parin ang tadhana” sabi ni Kiko. “Oo nga e, pero pare what about your other ability?” tanong ng binata at biglang hinawakan ni Kiko ang kamay ng bespren niya. “Amazingly I think its gone. As in pare wala na ako nakikita. Dati kay Michelle lang di gumagana pero now kahit sino na hawakan ko wala na ako nakikita” sagot ni Kiko. “Wow she cured you pare” sabi ni Ben at napangiti yung binata. “Yeah, ang saya ko pare talaga” bigkas ni Kiko.

“Alam mo pare ito ang gustong gusto ko tuwing pumupunta ako dito sa inyo. Ang sarap ng inihaw mo. Pati yung one time nagluto ka ng steak, sobrang sarap pre. Pag sinusubukan ko sa bahay di ko makuha yung lasa e. I mean minarinate ko naman tulad ng sabi mo pero di ko magets. Gusto ko yung luto mo na juicy siya pare” sabi ni Ben.

“Pare pag mag marinate ka kasi lagyan mo ng sprite, tapos usually tantyahin mo yung pag ihaw. Pag barbeque yung tama lang dapat. Pag big chunks of meat or steak na pare, kung gusto mo juicy e wag mo siya imarinate ng matagal. Before you cook doon mo imarinate tapos pahiran ng asin para intact yung juice niya at di lalabas habang niluluto. Ganon ang technique doon para juicy pare” paliwanag ni Kiko at tahimik lang si Ben at napapangiti. “Ding?” banat niya at napataas kilay ni Kiko. “Kung si Jayps hilig gardening, ako hilig ko magluto. Wag ka magconnect” sumbat niya.

“Wala naman ako sinasabi ha” palusot ni Ben. “Hoy ang laki na nung apoy!” sigaw ni Kiko at agad kinuha ni Ben yung tabo ng tubig at tinalsikan konti ang apoy. “Uy marunong na siya” landi ni Kiko. “Siyempre tinuruan mo ako. Paturo din kaya ako ng gardening? Akalain mo yung mag pinsan mga boyfriend nila e….” sabi ni Ben sabay tawa. “Ano?” tanong ni Kiko. “Wala joke lang pre” sagot ng kaibigan niya.

“Juan Pablo!!!” sigaw ni Kiko at agad lumapit yung siga. “Bakit pare?” tanong ni Jayps. “Bading ka daw sabi ni Ben” banat ng binata at nanlaki ang mga mata ni Ben sa gulat. “Hoy wala ako sinasabing ganon ha! I just find it rare na isang guy hilig gardening” paliwanag ng binata. Ang sama ng tingin ng siga kay Ben kaya napatingin yung binata sa bespren niya. “Kiko naman e” bigkas niya. “Youre dead pare, ikumusta mo ako kay woowaaaa” landi ni Kiko sabay ngisi.

Trenta minutos ang lumipas at pumasok si Ben sa loob ng bahay dala ang mga naunang nalutong karne. “Oh my God iho!!!” sigaw ni Teresa kaya napatakbo sina Ica, Michelle, Layla, Lyne at Monique sa kusina. “Why tita what happened?” tanong ni Michelle pero nakita na nila si Ben na basang basa. “Hay naku naglaro nanaman kayo” pagalit na sabi ni Layla.

“Wala ako ginawa, sabi nung dalawa nagpalit na daw ng anyo si Agua at Bendita kaya eto ako” paliwanag ni Ben at biglang nagtawanan yung mga babae. “Ay naku pasensya ka na iho. Halika magbihis ka baka magkasakit ka” sabi ni Teresa at sinamahan ang binata sa taas. Ang magpinsan kasama yung girls sumugod sa likod ng bahay para pagalitan yung dalawa pero lalo lang sila natawa nang makita si Kiko at Jayps na masayang kumakanta habang nag iihaw. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang….” Kanta nila with matching eyes closed pa at may pasway sway yung dalawa.

Halos maatake na yung mag pinsan sa katatawa, si Layla napaupo na sa sahig at yung dalawa di narin mapigilan ang mapahalakhak. Hinayaan nalang nung mga girls na magbonding yung dalawa at tumulong nalang sila sa paghanda ng ibang pagkain.

Tulad ng pangkaraniwang birthday, lahat nagtipon sa may dining area, si Frances nakaharap sa kanyang birthday day cake at lahat kumakanta. Pagka ihip ng dalaga sa mga kandila nagsimula na ang kainan.

Dahil madaming tao sa loob ng bahay ay napwesto ang magkakaibigan sa garden kung may hinandang malaking lamesa at mga upuan sina Kiko at Juan Pablo. Masaya ang grupo at walang tigil ang tawanan dahil sa bagong suot ni Ben. “Macho papa” tukso ni Ica at tawa ng tawa si Kiko. “E mas malaki ako konti kay Kiko e, damit niya mga to” sabi ni Ben. “Mag ingat ka sa galaw mo, parang mapupunit na yung damit anytime” sabi ni Jayps. “Well at least parang incredible Hulk” banat ni Ben. “Oo nga kulayan ka nalang ng green tapos ikaw na si Shrek” hirit ni Kiko at lalo pa sila nagtawanan.

Ilang minuto ang lumipas nakita ng grupo ang mga magulang ni Kiko nakatayo sa may pinto ng likod ng bahay na may kasamang magandang dalaga. Maiksi ang kanyang buhok at super cute ng mukha. Nakangiti ang dalaga habang nakita nila na tinuturo ni Teresa ang kanyang anak.

“Kiko halika” sabi ni Fred. Tumayo yung binata at agad napataas ang kilay ni Michelle. Pagkalapit ng binata ay nagkatitigan sila ng dalaga. “Hi Kiko, remember me?” tanong niya. “Anak ka ni daddy sa labas?!!” bigkas ng binata at napatawa ang lahat mga kaibigan niya. “Loko kang bata ka” sabi ni Fred. “Anak ka ni mommy sa labas?!!!” sigaw ni Kiko at muling nagtawanan ang lahat.

“Kiko talaga, its me Amy” bigkas ng dalaga sabay yakap sa binata. Napatayo na si Michelle pero hinihila siya paupo nina Monique at Layla. Tinaas ni Kiko ang mga kamay niya at natatakot mapalingon sa kanyang girlfriend. “Ah hindi ikaw si Amy. Ang kilala kong Amy maliit na babae yon e” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. “Kiko naman that was like 12 years ago. This is me now” sabi ni Amy. “Hay naku mamaya na kayo magkwentuhan, halika na iha kumain ka na sa loob” sabi ni Teresa at pumasok na yung tatlo sa loob habang si Kiko natatakot humarap sa mga kaibigan niya.

Bumalik yung binata sa tabi ni Michelle, “Babae mo yon?” tanong ng dalaga at natawa ang pinsan niya. “No, anak ng bespren ng tatay ko” sagot ni Kiko. “Talaga? So close kayo non?” hirit ni Michelle at natatawa nalang yung iba pagkat halatang nagseselos siya. “Nope, ngayon ko lang siya ulit nakita. Last time I saw her was when we were like five ata” paliwanag ng binata. “Oh so why is she here then?” hirit ni Michelle.

“Ewan ko, wala ako paki alam don” sabi ng binata. “Cuz chill lang, you better trust Kiko” sabi ni Monique. “Oh I trust Kiko but I don’t trust her” sabi ni Michelle. “Grabe ka naman, first time mo lang makita e you don’t trust her na agad?” tanong ni Ben. “Oo kasi nag twinkle twinkle mata niya nung nakita niya si Kiko. Di dapat ganon!” sabi ng dalaga at sobrang nagtawanan ang grupo nila.

“Ei Michi, don’t be like that. I told you its just now that I saw her again. I barely know her” sabi ni Kiko. “Sorry” lambing ng dalaga at parang namatay na ang issue tungkol kay Amy. Tapos na kumain ang grupo at nagkwekwentuhan nalang, lumabas si Teresa na mukhang pagod na pagod kaya nakiupo muna siya. “Tita have you eaten?” tanong ni Michelle. “Hindi pa iha, mamaya na at madami pang bisita e” sagot ng nanay ni Kiko.

“Ay di pwede yan tita, wait here” sabi ni Ben at pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng pagkain. “Hay naku kahit dalawa lang ang tunay kong anak e pag nandito sina Ben at Layla nagiging apat na” sabi ni Teresa. “Hindi ba dapat lima na?” banat ni Kiko at napangiti si Michelle. “Ay oo nga pala, ang bilis niyo kasi lumaki e” sabi ng nanay ng binata. “Tita who was the pretty girl you were with kanina?” tanong ni Michelle bigla.

“Ah that was Amy, anak ng bespren ng tito mo” sagot ni Teresa. “Oh you see” sabi ni Kiko at muling napangiti si Michelle. “Bale lilipat na ulit sila dito, based na sila dati sa Davao e. Pero sa summer pa sila tuluyan lilipat dito sa Manila, itong si Amy atat gusto daw masanay na sarili sa Manila kaya dito siya magbabakasyon ng Christmas break” tuloy ni Teresa.

“Dito as in dito po tita?” tanong ni Michelle at nanlalaki na mata niya at nakatitig kay Kiko. “Oh just for tonight maybe or two days kasi yung house nila pinapalinis pa. Darating naman parents niya may tinatapos lang sila work sa Davao” sagot ni Teresa.

Nakabalik na si Ben pero biglang tumayo si Teresa, “Ay teka ang tito niyo di pa pala kumakain, magsabay nalang pala kami” sabi niya kaya pumasok siya sa loob ng bahay at si Michelle agad tinabihan boyfriend niya. “O bakit ang sama ng tingin mo?” tanong ni Kiko. “Two days dito siya titira” bigkas ng dalaga.

“As if naman ako yung nagdecide non. What do you want me to do? Gusto mo bang mag sleep over din dito?” landi ni Kiko. “At ano? Magtatabi kami ni twinkle twinkle eyes? Gusto mo ba ako bisitahin sa kulungan Kiko?” sagot ni Michelle at nagtawanan yung iba. “I don’t think Francisco is that type of guy. You can trust him Michelle” biglang sabi ni Juan Pablo. “Thanks much Juan Pablo” sagot naman ng binata.

“Oo nga di ganon si Kiko” depensa ni Ben. “Aba nagkakampihan yung tatlo” banat ni Ica. “Oo nga, bakit Jayps close na ba kayo ni Kiko para masabi mo yon?” tanong ni Nicka. “Not really but I just can tell” sagot ng siga. “Yup, ako bespren ni Kiko I can clearly say hindi siya ganon” dagdag ni Ben. “Oo nga sis, Kiko is not that type of guy” sabi ni Layla.

“Yes I know, I trust him but I don’t trust Twinkle eyes” sabi ni Michelle. “Hay naku so tell me what to do then for two days. Doon ako sa inyo?” sabi ni Kiko at napaisip yung dalaga. “Hindi na Kiko, I trust you and I was just kidding naman” sabi ng dalaga.

“Nope, I want to get away for two days. Ayaw ko ng issue” sabi ni Kiko. “Hala wag na no. Wala ako sa lugar kanina. I admit I was wrong” sabi ng dalaga. “No you have a point and I don’t want you to be acting that way. Mas maganda na alis ako dito but you guys have to help me out” sabi ng binata. Medyo guilty si Michelle at hinawakan kamay ng boyfriend niya. “Kiks di na talaga kailangan” bulong niya. “Michi, gusto ko. I don’t want you to worry about things like that. Happy ako at sinabi mo feelings mo. I want you to be at ease and happy so help me out, where do I go?” sabi ng binata.

“Ben?” tanong ni Layla. “Okay lang sana pero nandon na ibang relatives ko for vacation e. Pero pwede din naman parang happy Sardines tayo” sagot ng binata. Napasimangot si Michelle pero napatingin sa siga. “Yeah sure no problem” sabi ni Jayps. “Really?” tanong ng dalaga. “Oo, he can stay at our place” sabi ng siga.

“Pero cuz Jayps has a younger sister and she is very pretty” landi ni Nicka at napahaplos si Kiko sa noo niya. “Oh my God naman, ganon na ba tingin niyo sa akin? O sige mag basag nalang ako ng public na gamit para ikulong ako ng two days. Wag niyo ako piyansahan muna up to two days” sabi ni Kiko at nagtawanan ang lahat.

“Its all good, he can stay at our place. We have an extra room and I can sneak him in. No one will notice he is there” sabi ng siga. “Ows? Kaya mo gawin yon?” tanong ni Michelle. “Siguro ganyan ginagawa mo sa mga ibang girls ano?” biglang banat ni Nicka at napakamot yung siga. “See told you wala sila tiwala sa atin, kasi lalake tayo e” banat ni Kiko at natameme yung mga babae. “I was just joking” bawi ni Nicka bigla.

“E two days yon, how is he going to eat?” tanong ni Michelle. “Relax okay? I will return him in two days alive. My parents will be busy buying stuff like presents, my sis of course would be going with them always. So during that time he can move freely around the house and when they return ikukulong ko ulit siya sa kwarto niya” paliwanag ni Juan Pablo.

“Okay na yon, pero sure ka pre okay lang?” tanong ni Kiko. “Oo pare don’t worry” sabi ng siga. “Okay then, problem solved” sabi ng binata. “Oh Ben why the sad face?” tanong ni Ica. “Uy jelly” tukso ni Layla at muling nagtawanan yung mga girls. “Kung gusto mo e di pati ikaw” sabi ni Jayps at napangiti si Ben. “Oh no! Wag mo pagsamahin yang dalawang yan. Delikado na, ikaw din ang kawawa trust me” banta ni Laya.

“Oo nga, I will be fine as long as I know you two wont share the same bed” banat ni Ben sabay halakhak. Ang sama ng tingin ni Kiko at ni Jayps sa kanya kaya agad siya nanliit at napayuko. “Nagbibiro lang ako talaga, nakakatakot kayong dalawa promise” drama ng binata at sobrang nagtawanan ang lahat.

“Pag wala sila you can teach me how to cook tapos turuan kita ng gardening para maalagaan mo plants ng mommy mo” sabi ni Jayps. “Oo nga good idea” sagot ni Kiko at nanlaki ang mga mata nina Michelle at Nicka habang si Ben nagpipigil ng tawa. “Oh baka naman gagawa kayo ng kalokohan dalawa ha” sabi ni Michelle. “Cuz don’t worry I leave near by, I can go check on them” sabi ni Nicka. “Ows? Parang pwede ako makisleep over sa inyo” sabi ng dalaga.

“Oo good idea! Sama natin sila para happy happy” sabi ni Monique at napatingin sila kina Layla, Ica at Lyne. Nag agree ang mga girls kaya nalungkot nanaman si Ben. “Wow, happy happy tapos ako parang isang pirasong sardinas lang sa bahay” drama niya. “Hey what if, we all go out during the day, besides what Kiko needs is just a place to sleep. So during day time we all can go out, like Enchanted Kingdom perhaps and the next day we can go ice skating. We return at night and I can sneak him inside our house while the rest of you can go home. With that scenario Bon Bon can come along” suggest ng siga.

“Bon Bon?! Kiko naman e!” reklamo ni Ben at umariba nanaman sa tawa ang lahat. “Teka ilan tayo? Are you going to bring Jerry?” tanong ni Michelle. “Oh no, we are not at that stage yet” sagot ng dalaga. “Okay so we are eight, kasya ata tayo sa SUV namin na isa” sabi ni Michelle. “Jayps can drive” sabi ni Nicka. “Me too” singit ni Kiko. “You can?” tanong ni Michelle at napangisi yung binata.

“Yes he can” sabi ni Layla. “Dapat sinabi mo noon pa, anyway so its settled then?” sabi ni Michelle. “Not yet, you better think of a good excuse for me” sabi ni Kiko. “Ako na bahala don” sabi ni Ben at naging masaya ang lahat.

Para mas kakabilib ang palusot ay nakitulog na agad si Kiko sa bahay nina Juan Pablo sa gabing yon. Wala pang tao sa bahay nila kaya maayos na napasok ng siga ang bagong kaibigan niya sa kanilang bahay. “O pare parating na sila. Basta dito ka lang, may banyo dito sa second floor pero text mo ako muna para makita ko kung may tao o wala. May wifi din dito at iiwan ko laptop ko, di ko din papatayin wifi baka gusto mo magbabad sa net. Kung may kailangan ka itext mo nalang” sabi ng siga. “Okay na ako pare, salamat” sagot ng binata.

Nakatulog ng mahimbing si Kiko agad dahil sa pagod.

Inayos ni Kiko ang kanyang kwelyo, pagkat naiinitan siya. Nagpunas siya ng pawis niya pero saktong may malakas na hanging ang umihip at naginhawaan ang lahat ng tao sa beach. Napatingin yung binanata sa pari, nakangiti ito at may tinuro. Paglingon ni Kiko tumugtog na yung wedding entrance song at sa gitna ng aisle ay may magandang dalaga na nakaputi ang naglalakad palapit.

Ang tamis ng ngiti ni Amy sa kanya, napangiti din siya pero pagtingin niya sa katapat ng kinatatayuan niya nakita niya si Michelle na nakasimangot. Nakasuot din yung dalaga ng puti na dress, kapansin pansin ang mga luha sa mukha niya. Nakaramdam siya ng kamay sa kanyang balikat, paglingon niya si Ben yon na naka porma din. “Congrats pala pare” bulong ng kaibigan niya. Paglingon niya sa kabila nakatayo ang tatay niya doon at nakaporma din.

“Congrats anak” bigkas ni Fred.

“Noooooooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!” pasigaw ni Kiko nang bumangon siya. Hirap siyang huminga at pawis na pawis. Nagbukas ang pinto at sumugod sa loob si Juan Pablo. “Pare whats wrong?” tanong ng siga. Di makapagsalita si Kiko at di makapaniwala sa kanyang bagong panaginip. “Hoy bad dream ba?” tanong ni Jayps.

“Super bad dream pare” bigkas ng binata at kinukurot niya sarili niya para talagang magising. “Kuya sino yan?” tanong ng boses ng babae. Sabay na napalingon yung dalawang binata sa may pinto at nakatayo doon ang magandang kapatid ng siga.

“Kaibigan ko, narinig kaya nila?” tanong ni Jayps. “I don’t think so, if they did they were here already before me” sagot ng dalaga. “Good, well I guess I have to tell them about you now” sabi ng siga sabay tingin kay Kiko. “Pinagpalit mo si ate Nicka diyan?” landi ng kapatid niya at napakamot ang siga. “Geez! Of course not, he just needed a place to stay” sagot ng binata.

“Go get a glass of water” utos ng siga at niyanig ni Kiko ang ulo niya. “This is really bad pare” bigkas niya. “Sus lahat naman tayo nagkakaroon ng ganyan” sabi ng siga. “Yeah but I am different” sabi ni Kiko. “Meaning?” tanong ng siga. “Long story pare, trust me this is really bad” sagot ng binata at naintriga yung siga.

Nakabalik na ang kapatid ng siga at agad inabot ang baso ng tubig sa binata. “Kiko this is my sister Trisha. Trisha this is Kiko” pakilala ng siga. Kinuha ni Kiko yung baso at saglit na dumampi kamay niya sa kamay ng dalaga. Napapikit ang kanyang mga mata at muli siyang may nakita sa isip niya. Napanganga nalang si Kiko at napatingin sa mga kamay niya, bumalik na ang kanyang abilidad kasama ng bagong panaginip.

“Hi Kiko” pasweet na bigkas ni Trisha, napatingin si Kiko sa dalaga at nakita ang napakatamis na ngiti sa mukha niya. Huminga siya ng malalim sabay uminom ng tubig. “Doon ka na sa kwarto mo sis” sabi ni Jp at muling nahiga si Kiko sa kama. “Bye Kiko” landi ng dalaga sabay sara ng pinto.

“Pare kailangan natin lumabas ng maaga” sabi niya. “O bakit naman? We have to wait for the others and wait for my parents to leave” sabi ng siga. “Trust me pare kailangan natin umalis ng maaga” sabi ng binata. “Oh chill pare, just stay here and relax. That was just a bad dream” sabi ni Jayps sabay nagtungo sa pinto. “Sige pre later” sabi ng siga sabay lumabas ng kwarto.

“Ikaw bahala pare, basta I warned you” bigkas ng binata pero di narinig yon ng siga. Huminga ng malalim si Kiko at napatingin sa kisame.

“Here we go again...”

“Patay ako kay Michi nito”


-THE END FOR THE FREE BLOG-


SA AKING MGA KAMAY 2: BAGONG PANAGINIP

By
Paul Diaz


SA AKING MGA KAMAY BOOK 1 EBOOK
NOW AVAILABLE
***REMASTERED E-BOOK for COLLECTORS***









SA AKING MGA KAMAY PLUS

- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1
-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER




After two years and nineteen stories, thank you very much for reading. I hope you all had fun reading my works.

Sixteen hours a day writing, two to three more hours for thinking of the next plot and the rest for sleep that has been my routine daily for the past two years. Writing for free is not easy.

Thank you very much for your comments, they have helped a lot in making me better. I do hope all of you enjoyed reading my stories as I did enjoy writing them.

And so my journey towards nowhere will temporarily end here.


But I will not stop writing for you have not seen the best of me yet.


And the best that is yet to come…

Sa Aking Mga Kamay: Bagong Panaginip
M.P.ex
Bespren 2
Bespren: Jepoy and Ysa
Bespren 3
Bespren: Mico and Aya
Bertwal 2
14th Coin
In the Realm of Butterflies
Crazy Hearts
Mystic Fog
My Evil Heart
Ordinary Me 3
Twinkle Twinkle 3
Never A Memory
Salamangka (Reinvented)
Salamangka 2
Salamangka 3
A Journey Towards Nowhere

And so much more….

but they will not be posted here anymore


I do hope I can write for free again one day. I chose writing as my new profession and so I will pursue it.

I am only an amateur writer

-Paul Diaz-

Thursday, July 8, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 27: Ang Nakatakda

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 27: Ang Nakatakda


Katatapos lang ng preliminary exams nila kaya nagkakabiruan sina Kiko at Ben sa kanilang tambayan. “Bakit mo ako nilawayan?!!!” sigaw ni Ben. “Sabi mo masakit ang tiyan mo kasi Benditaaaa. E kaya ko naman magpagamot e” landi ni Kiko at halos mamatay na sa tawa si Jessica. “Tama na masakit na tiyan ko” sabi niya kaya biglang lumapit ang binata sa kanya.

“Kiko!!! Wag!!!” sigaw ng dalaga at si Ben naman ang natawa. “Masakit daw tiyan niya o” sabi niya at si Kiko nilakihan ang mata at lalo pa nilapitan yung dalaga. “Kikooo!!!” sigaw ni Ica at nilabas na ng binata dila niya. “Hoy! Manyakis!” biglang sigaw ni Layla na kadadating lang. Napatingin sa kanya si Kiko at bigla itong napaupo sa lupa.

Titig na titig ang binata sa kaibigan niyang babae, dahan dahan siyang napapahawak sa puso niya at tila di siya makahinga. “Ano nanaman inarte yan ha?” tanong ni Layla. “That blouse” bigkas ni Kiko at parang nahiya yung dalaga. “Yeah I know you saw this kind of blouse with Michelle” sabi ni Layla. “What?!!!” sigaw ni Kiko at nagulat ang lahat. “Sorry na, sobra yung binigay mong pera na pambili ng gift niya. Pero magkaiba naman kulay kinuha ko e. Pink sa kanya at eto akin red” paliwanag ng dalaga. Hirap talaga huminga si Kiko, si Ben lumapit sa kanya at pinagmamasdan lang. “Di na bebenta yang gimmick mong yan” sabi niya.

Naghahabol ng hininga si Kiko at minamasahe na dibdib niya. “Pare? Okay ka lang?” tanong ni Ben. “Sus acting lang yan” sabi ni Layla pero lumapit si Ica sa binata at napasigaw siya. “Oh my God he is having a panic attack!” sabi niya. “Ano?!!!” sigaw ni Layla at agad nila nilapitan si Kiko na talagang naghihingalo na. “Hoy pare ano nangyayari sa iyo?” tanong ni Ben at inuuga kaibigan niya.

Pinaypayan nila si Kiko at pinahiga sa damuhan. Talagang naghahabol siya ng hininga kaya pati yung mga babae nagpapanic. “Ica doon ka bantayan mo baka dumating si Michelle, wag mo siya palapitin dito baka may hysterical yon. Kami na bahala ni Ben dito” sabi ni Layla at agad nagtungo ang dalaga sa gilid ng building para magbantay. “Dalhin nalang kaya natin siya sa clinic?” tanong ni Ben. “Wag na pare” sabi ni Kiko at dahan dahan ito bumangon.

“Are you okay?” tanong ni Layla. “Oo pero Lay favor, pwede bilhan mo ako water” hiling ng binata. “Oo naman, teka lang ha I wil be right back” sabi ng dalaga at agad na umalis. Tumayo si Kiko at naupo sa bangko, niyuko niya ulo niya at muling napahawak sa dibdib niya. “Pare ano problema? Tara sa clinic?” tanong ni Ben. “Hindi pare, yun suot ni Lay, ganon na ganon ang design sa shirt na suot ni Michelle sa dream ko” paliwanag ni Kiko.

“Oh my…tapos pink pa sabi mo dati and Layla got her a pink shirt” sabi ni Ben at parang lalong tumamlay ang kaibigan niya. “Pare its really going to happen” sabi ni Kiko at di alam ni Ben ang gagawin niya. “Ang masama galing pa pala sa akin yung shirt na yon” dagdag ni Kiko. “Tsk badtrip naman si Layla e, dapat hindi niya yon binili” sabi ng bestfriend niya.

“Pare wag mo siya pagbintangan, she didn’t know. Its my fault kasi I asked her to buy something for Michelle. Kung sumama sana ako then I would not have bought that shirt. Wala siya kasalanan. Napaglaruan nanaman ako ng tadhana pare, badtrip talaga! Akala ko okay na e. I was not having that stupid dream anymore tapos eto na pieces of the puzzle almost complete, yung araw nalang na hihiwalayan niya ako inaantay ko. What makes it worse pare after her birthday she has been acting weird. Ayaw ko mag isip ng negative e. Ben may taning na ako pare” sabi ni Kiko.

“Sorry im late, grabe kinausap ko pa kasi yung director namin e, kasi naman yung bwisit na…Kiko whats wrong? Why the sad face?” tanong ni Michelle at nagulat yung dalawang binata. Si Jessica pasimpleng naupo sa tabi ni Ben. “Sorry” bulong niya. “Okay lang, he is okay na ata” sagot ng boyfriend niya. Naupo si Michelle sa tabi ng boyfriend niya at hinaplos ang likod. “Are you okay?” tanong niya. “Oo naman, napagod lang ako siguro” palusot ng binata. “Bakit ano ba ginawa mo?” tanong ng dalaga. “Ano pa nga ba kundi isipin ka” banat ni Kiko at napakurot si Michelle sa kanya.

Dumating si Layla dala ang tubig, napaturo si Michelle sa kanya. “Hey I have a blouse like that. Kiko gave it to me nung birthday ko” bigkas niya. Si Kiko napasimangot habang si Layla napangisi. “Ows? Wow anong kulay sis?” tanong ng dalaga. “Syempre pink, ayaw ko sana isuot yon kasi bigay ni Kiko e pero sige isusuot ko bukas” sagot ni Michelle at napayuko ulo ni Kiko. “Kiko samahan mo pala ako dito bukas sa school ha” hirit ng dalaga.

“Ah hindi pwede!” sabi agad ni Ben at napatingin sa kanya yung dalaga. “May lakad kami ni Kiko bukas” pahabol niya. “Kiko? May lakad kayo?” tanong ni Michelle. “Ah wala, sige samahan kita bukas” sagot ng binata. “Pare! Pare! Hindi pwede!” sabi ni Ben at tinignan siya ng bestfriend niya. “It has to be done” bigkas ni Kiko at si Ben parang naramdaman na niya ang sakit na dinaramdam ng bestfriend niya.

“Oh since last day na natin tara sa mall” alok ni Lyne na kararating lang. Agad humawak si Kiko sa kamay ni Michelle at tinignan si Lyne. “May lunch date kami ni Michi e” sabi niya. “We do?” tanong ng girlfriend niya at nagkatitigan sila. “Yes we do” sabi ng binata. “O may date sila, tayo tayo nalang, darating pa si Jerry” sabi ni Ben. “Pero last day na, tapos Christmas break na matagal tayo di magkikita” sabi ni Lyne.

“Sus, magkikita tayo lahat sa birthday ni Frances” sagot ni Ben at napatingin si Kiko sa kanya. “Tama diba pare? Invited lahat doon?” hirit ng bestfriend niya. “Oo naman” sagot ni Kiko. “O tara na then, saan mo naman ako idate today?” landi ni Michelle at napangiti nalang si Kiko.

Nang nakaalis na yung dalawa ay naupo muna ang lahat habang inaantay si Jerry. “Ben whats wrong?” bulong ni Ica. “Later, not here” sagot ng binata. “Ay! I forgot my phone sa locker ko!” sigaw ni Layla. “Tara sis samahan kita” alok ni Lyne at agad umalis yung dalawa. “Tell me now” sabi ni Jessica at huminga ng malalim si Ben.

“Kiko had a panic attack because of the blouse of Layla. It had the same design as the blouse Michelle wearing in his dream but it was pink. What made it worse was Layla said she bought the same blouse for Michelle and its pink. Kiko asked Layla to buy a gift for Michelle and that is what Layla got” paliwanag ni Ben. “Oh my God, one step closer” bigkas ni Ica.

“Di lang one step, Michelle said that she was going to wear it tomorrow” sabi ng binata at biglang napatayo si Jessica. “Ha?!! So bukas na?!!!” tanong niya. “Kaya nga I was trying to stop them e. Kunwari may lakad kami” sabi ni Ben. “Hala! Pero how sure naman kayo na mangyayari yon?” tanong ng dalaga. “Well Kiko said Michelle has been acting weird after her birthday” sagot ni Ben.

Muling napaupo si Ica at natulala nalang. “Hala naman, grabe its going to come true talaga?” tanong niya. “Oo ata e, and I understand why Kiko suddenly said they have a date. Last date na nila” malumanay na sabi ni Ben. “Ben! We have to do something” sabi ni Ica. “What can we do? How can we stop fate? Kumpleto na ang lahat para bukas, what do you think we can do to stop it?” sumbat ng boyfriend niya.

“We just have to be there tomorrow for Kiko” pahabol ni Ben at napasandal si Ica sa kanya. “I cant imagine how we are going to cheer him up” bulong ng dalaga. “We wont, we don’t have to say anything. Ang importante nandon lang tayo after” sabi ni Ben at naiyak na ng tuluyan ang dalaga.

Sa loob ng isang restaurant magkatabing nakaupo si Kiko at Michelle. “Akala ko ba you like seating across?” tanong ng dalaga habang nilalagay ng waiter ang mga pagkain sa lamesa. “E kasi pag across ako I cant hold your hand” sagot ng binata at mula pa pag alis nila sa school ay di binibitawan ni Kiko ang kamay ng dalaga. “Kiko we are going to eat no, you have to let go of my hand. Pwede mo naman hawakan ulit mamay after eating” sabi ni Michelle.

“Pwede ba try natin kumain while holding hands? May tig isang kamay pa naman tayo diba?” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Ikaw ha, sige pero babagal tayo kumain” sabi niya. “The better para mas matagal pa kita makasama” sagot ng binata. “Ikaw ha, kakaiba ka today baka may plano ka nanaman na mega joke” sabi ni Michelle. “Wala no, wala lang para naman maiba. Tara kain na tayo” sagot ni Kiko.

Ang tagal nila kumain, si Michelle sobrang saya, di naalis ang niti sa mukha niya. Si Kiko naman bawat pagkakataon tinitignan niya yung dalaga, tinitiis ang kirot sa kanyang puso at sinusulit ang bawat segundo na kasama ang mahal niya.

Alas sais na ng gabi nang mahatid ni Kiko si Michelle sa bahay nila. “Kiko, I had so much fun today pero alam mo may napansin ako sa iyo” sabi ng dalaga habang naglalakad lakad sila sa may garden. “Na mahal na mahal kita?” tanong ni Kiko at napangiti yung dalaga. Humarap si Michelle sa boyfriend niya at tinitigan. “You never cracked a joke the whole time we were together” sabi niya.

“Ah nauubusan din kasi ako, don’t worry mag iisip ako ng madami” sabi ni Kiko. “No, youre jokes are always original. Spontaneous sila, they are about anything that you notice around or current events. Hindi naplaplano jokes mo e kaya I know hindi ka mauubusan. Your mind is preoccupied Kiko, may iniisip kang malalim” sabi ni Michelle.

“Ikaw laman ng isipan ko” palusot ni Kiko. “If I ask you right now what is bothering you will you tell me?” tanong ni Michelle. Nagkatitigan yung dalawa ng matagal pero si Kiko hindi kaya sabihin ang dinadamdam niya. Huminga ng malalim yung dalaga sabay hinaplos ang mga pisngi ng boyfriend niya. “Here let me help you take your mind off it” bulong niya.

Hinalikan ni Michelle si Kiko sa labi, ang mga bumabagabag sa isipan ng binata unti unting nabura. Napayakap siya sa dalaga at lalo pa nagtagal ang halikan nila. Dalawang minuto ang lumipas ay kumalas si Michelle at tinignan si Kiko. Nakapikit parin ang mga mata ng binata at bakas ang saya sa kanyang mukha. “Psst tapos na” bulong ng dalaga. “Tapos na?” tanong ni Kiko. “You feel better now?” tanong ni Michelle. “Supercali…basta yon na may shows sa huli” banat ni Kiko at natawa ang dalaga.

“Michi madami pa ako prinoproblema e, gamutin din sila lahat” lambing ni Kiko at lalong napahalakhak si Michelle. “Ayan bumalik ka na sa normal” sabi niya. “Hindi talaga madami pa ako iniisip na problema. As in talaga” hirit ni Kiko kaya tinuka siya sa labi ni Michelle. “O ayan okay na?” tanong niya. “Ay alam mo naalala ko yung old problems ko” banat ng binata at pinagkukurot na siya ng dalaga.

Narinig nila nagbukas ang backdoor at lumabas si Efren na nakangisi. “Oh nandyan pala kayo. We are about to eat dinner, come inside” alok ng tatay ng dalaga. “Dad tapos na kami kumain” sabi ni Michelle. “Opo at paalis narin po ako” sabi ni Kiko. “Oh okay, sige at gutom na ako” sabi ni Efren at pumasok sa bahay. Pagtalikod nung dalaga bigla sila napatigil sa sigaw ng tatay ng binata. “Honey! May problema ako gamutin nga!” sabi ni Efren.

Nagtawanan sina Kiko at Michelle at nagtungo sa gate. “Grabe nahihiya na ako sa dad mo. Lagi nalang niya tayo nakikita naghahalikan” sabi ni Kiko. “Sira okay lang. Alam mo ba yung touchscreen joke mo kinalat niya sa lahat ng kakilala niya. He really likes you a lot” kwento ni Michelle. “E yung ibang suitors mo like din ba niya?” biglang tanong ni Kiko at nagulat yung dalaga. “Loko ikaw palang yung unang lalakeng nakapasok dito sa loob ng bahay. I mean a guy na suitor ganon. Hanggang dito lang sila sa gate no at tinatarayan sila sobra ni daddy. Okay lang I really never liked them anyway” sabi ng dalaga.

“E for sure madami ka parin suitors na umaaligid” sabi ni Kiko. “Meron din, tulad nung may social event kaming pinuntahan the other day. Pero inuunahan sila ni daddy. As in nakakatawa siya, kasi naman ako ayaw ko maging bastos so if they talk to me I do talk to them too. SI daddy susulpot bigla at sasabihin na sana sumama boyfriend ko daw. Tapos meron pa sabi niya na invited sila sa kasal natin but of course he was just trying to get rid of them and you should have seen the reaction on their faces” kwento ni Michelle.

Sobrang natawa si Kiko at agad hinalikan sa pisngi ang dalaga. “Its getting late mauna na ako ha” paalam niya. “O sige, you take care ha and call me at once pagdating mo sa bahay niyo” sabi ni Michelle. Tumalikod na si Kiko at napansin ng dalaga na talagang masaya na siya. “See you tomorrow Francis” bati niya.

Biglang napatigil si Kiko at agad tumalikod. “You called me Francis?” tanong niya at muling bumabalik ang kaba at sakit sa puso niya. “Yup kasi name mo naman yon e” sabi ni Michelle. “But you never called me Francis, laging Kiko” sagot ng binata. “Ay ayaw mo ba tawagin kitang Francis? I find it cute bigla e” sabi ni Michelle. “Ah okay lang, nabigla lang ako kasi its rare that people call me that” sagot ni Kiko. “Sanayin mo na Francis” landi ni Michelle at napangiti si Kiko. “O sige see you tomorrow” sabi ng binata sabay tumalikod na.

Masaya na siya kanina pero mula nung marinig niya pangalan niya napatingin nalang siya sa langit at pinikit ang kanyang mga mata. “Bigyan mo naman ako tsansa lumaban” bulong niya sa langit.

Hindi nakatulog si Kiko, pagtingin niya sa desk clock niya ay alas singko na ng umaga. Naligo na siya at pagbalik sa kwarto ay binuksan ang cabinet niya para mamili ng damit. Napabuntong hininga nalang siya pagkat iisa lang yung shirt niya na nandon at yun pa yung eksaktong shirt na suot niya sa kanyang panaginip. Kinuha niya shirt niya at naupo siya sa kanyang kama. Ang tagal niyang tinitigan shirt niya kaya di niya namalayan na trenta minutos na siyang nakatanga.

Paglabas niya ng kwarto ay saktong palabas narin si Teresa sa kwarto nila. “O anak ang aga mo, may date ka?” tanong ng mommy niya. “A date with destiny” bigkas ni Kiko at parang zombie lang na dinaanan ang nanay niya at bumaba ng hagdanan. Hinabol ni Teresa ang anak niya pero nakalabas na si Kiko ng bahay. “Anak are you okay?” pahabol ni Teresa. Tumigil si Kiko at napatingin sa langit, “Don’t make plans for this afternoon. I will be needing someone to talk to when I get home” sabi nalang niya.

Tulala si Kiko, malayo ang iniisip, tawid lang siya ng tawid sa kalsada at kahit na muntikan na mabangga ay wala siyang pakialam. Nakarating siya sa school at binati siya ng kaibigan niyang guard pero dinaanan niya lang ito. “Wow cold treatment” bigkas ng guard pero diretso lang ang lakad ng binata.

Pagdating ni Kiko sa hardin ay hindi siya naupo, nanatili siyang nakatayo at tumingin sa langit. Di nanaman niya namalayan ang oras, may kumalbit sa kanya at paglingon niya si Kevin yon. “Hey give this to Michelle” sabi ng binata sabay abot ng script. Kinuha lang ni Kiko ang script sabay muling tumingala.

Malakas ang sinag ng araw, walang ulap sa kalangitan at mahalimuyak ang simoy ng hangin sa hardin. Kahit saan siya lumingon kay daming magagandang bulaklak, hindi naman niya hilig yon ngunit siya ay naakit sa kulay at ganda nila.

“Francis?” may tumawag sa pangalan niya at agad niya nabitawan yung script at napalingon yung binata. Sa harapan niya isang magandang dilag na nakasuot ng pink shirt ngunit may simangot sa kanyang mukha. “Michelle…bakit? Ano nangyari?” tanong niya. Alam naman niya ano ang mangyayari pero hinayaan nalang niya ang masunod ang gusto ng tadhana.

“Upo tayo saglit at mag usap tayo” sabi ng dalaga at sa malapit na bench sila nagtungo. Pagkaupo nila napansin ni Francis ang luha na dumadaloy sa mukha ng babae. “Ano nangyari? May problema ba?” tanong niya. Di sumagot si Michelle at nang haplusin ni Kiko ang likod niya ay sinaway niya ito. “Wag please” hiling niya.

“Tell me what’s wrong. Bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. Dahan dahan humarap si Michelle sa kanya at hinila ang isang kamay ng binata para mahawakan. “Kiko…wag ka sanang magagalit sa akin” bulong ng dalaga at lalong tumulo ang kanyang luha. Kinakabahan na si Kiko, ito na nga yung araw na ilang beses niyang napanaginipan, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalaga at pinagmasdan ito.

“Sige ano ba yon?” tanong niya. “Kiko…mahal kita sana maniwala ka…pero Kiko may nahanap na akong iba” bigkas ni Michelle at dahan dahan niya tinignan ang binata. Tila nanigas si Kiko, nanghina ang mga kamay at napabitaw sa kamay ng dalaga. Mga labi niya nanginginig at may matinding kirot sa dibdib na naramdaman. Ilang beses na niya napagdaanan tong araw na ito, kahit handa na siya sobrang sakit talaga ang nararamdaman niya. Napayuko si Kiko, mga luha namuo na sa mga mata niya. Halong lungkot at galit na ang nararamdaman niya, nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya kaya tumingin siya sa malayo. Nakita niya yung script sa lupa, biglang may malakas na hangin ang umihip at nagbukas ang folder. Nabasa ni Kiko ang mga unang linya at biglang nanginig ang kanyang mga labi.

Ngumiti lang si Kiko at niyuko ang ulo. “Kiko sorry talaga” sabi ni Michelle. “Okay lang” sagot ng binata at may isang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. “Kiko I am really sorry” sabi ng dalaga at tahimik nalang ang binata ngunit napapanatili ang ngiti sa kanyang mukha. “Say something please” sabi ni Michelle pero tuluyan nang bumitaw ang mga kamay ni ng binata. Ilang minuto din siya nagpaliwanag pero di gumagalaw si Kiko, nanatiling nakayuko ang ulo at din a tumigil ang pagpatak ng mga luha niya sa damuhan.

“I am so sorry Kiko” bulong ni Michelle sabay humalik sa pisngi ng binata. Tumayo siya at tinignan muli ang binata saka tumalikod at naglakad palayo.

“Bwisit ka! Bakit ka ngumingiti?” sigaw ni Michelle at sinugod ang boyfriend niya at niyakap. May mga luha parin sa mata ni Kiko pero ang lakas ng kanyang tawa. “Kiko naman e, sayang ang galing na ng acting natin e. Bakit ka kasi ngumiti?” tanong ng dalaga at si Kiko biglang tumayo, tumingin sa langit at napasigaw ng malakas.

“Kasi masaya ako!!!” sigaw ng binata at ang tindi ng halakhak niya. Hinila siya ni Michelle at muli siya naupo. Pinunasan ng dalaga ang mga luha sa mukha niya at pinaghahalikan ang boyfriend niya. “Grabe ang galing mo din mag acting, nabilib ako nung talagang lumuha ka. Pero nakakainis ka perfect na sana pero ngumingiti ka naman kasi” sabi ni Michelle.

“E first time ko mag acting no at di ko alam yung script” sabi ng binata. “Ha? Tama naman mga pinagsasabi mo from the start. Wait, you didn’t read the script?” tanong ng dalaga. Tinuro ni Kiko ang script sa lupa, “Oo that one, I told Kevin to give that to you yesterday” sabi ng dalaga. “He just gave it to me a while ago” sagot ni Kiko at sobra talaga ang saya niya at nanggigil at niyakap si Michelle. “Hoy ano ka ba? Wait loko yon ha, sabi ko ibigay niya sa iyo kahapon e. Bwisit kasi yon e, he knows tayo na nga pero nanliligaw parin. So yesterday I told him that I cant work with him anymore”

“I talked to our director at talagang sinumbong ko siya. Pumayag naman yung director namin pero sabi niya I have to find another actor then I said ikaw, so inutusan ng director si Kevin to give the script to you and tell you that you will be acting his part. Pero before he left he said di ka arts guild, yung bwisit na yon so the director talked to me” kwento ng dalaga. “Wait wait wait” sabi ni Kiko at super smile ang dalaga sa kanya. “Yes yes yes…please Kiko do it for me. Once lang naman e. Mas comfortable ako working with you. Please Kiko, it does not mean kasama ka na sa Arts Guild. I even told our director na magaling ka mag acting so please naman o. I justified why ikaw gusto ko as in thirty minutes kita pinagtatanggol kaya late ako kahapon e” hiling ng dalaga.

Tawa ng tawa si Kiko, di maipaliwanag ang saya niya pero kinakabahan pagkat magiging stage actor na siya bigla. “Michi! Di ko kaya yan” sigaw niya. “Kiko sige na” lambing ng dalaga. “Hala baka magkalat lang ako nakakahiya” sabi ng binata. “Tsk kaya nga magpractice tayo e. I really cant work with Kevin. Happy ako nung birthday ko tapos the next day surprise! I have to work with him pala kaya ever since that day hay naku sobra ako problematic kasi ang kulit niya”

“E alam mo naman ako pag may ganito na project mega focus ako kaya lately sobra ako problematic” drama ng dalaga. “Okay I will do it” sabi ni Kiko at natuwa yung dalaga. “Pero tell me is Kevin a good actor?” tanong ni Kiko bigla. “Ha? Well yeah he is good pero nga diba manliligaw ko siya so we don’t blend well. But with others naman he is really good” sabi ng dalaga.

“Ah ganon, really good?” sabi ni Kiko at napansin ni Michelle ang kakaibang kinang sa mata ng boyfriend niya. “O bakit?” tanong ng dalaga. “Oh nothing, so when do we start to practice?” tanong ni Kiko at niyakap siya ni Michelle. “Uhmmm you have to memorize the lines first” sabi niya. “Ahem, may photographic memory ako Michi” pasikat ng binata. “Ay oo nga pala no, basta pag namemorize mo na pwede na tayo mag start. Okay lang kasi for Valentines Day presentation pa naman ito e” sabi ng dalaga.

“Ows? May kissing scene?” biro ni Kiko at nagtawanan sila. “Wala ata e” sabi ni Michelle. “Nasan yung opisina nung director?!!! Hindi maari na walang kissing scene dito!!!” sigaw ni Kiko at ang tindi ng tawanan nilang dalawa.

“Teka! Makikipag break ka sa akin dito sa kwento ata e” sabi ni Kiko. “Yup ganun na nga” sabi ng dalaga. “Ha?! E alam mo naman na ayaw ko mangyari yon e” sabi ni Kiko. “Francis my love relax ka nga lang. This is just a stage play okay? We will just act here, this is not real life. And besides we will be able to act well I know” sabi ni Michelle.

“Bakit naman?” tanong ni Kiko. “Kasi we will act breaking up, we really have to feel the part we are going to play to bring out pure emotions. Don’t worry dito lang natin mararanasan ang break up so ibuhos na natin feelings natin dito kasi there is no chance in hell that I am breaking up with you” sabi ng dalaga. Halos mapatalon na si Kiko sa narinig niya, niyakap niya ng mahigpit si Michelle at pinapak ng halik sa pisngi. “Sana sinabi mo kahapon para nakahanda ako” bulong ni Kiko. “Hindi ko ba nasabi sa iyo? I thought I did, di ko ba nasabi na imemorize mo yung first three pages ng script?” tanong ng dalaga. “Nope, if you did I would have looked for the script” sagot ng binata. “Ay sorry, its your fault. You swept me away yesterday by surprising me with a date. Kiko why do you seem so happy right now?” sabi ni Michelle. Napangiti nalang si Kiko at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

Sa gilid ng building nakasilip sina Ica at Ben. “Did you hear that? So it wont happen” bulong ng dalaga. “Oo nga, so stop crying” sabi ni Ben at kinurot siya ni Ica. “Ikaw din kaya” banat ng dalaga at nagtawan sila. Nabuking tuloy sila kaya napilitan sila magpakita sa dalawa. “Hi, napadaan lang kami” sabi ni Ben sabay punas sa luha niya.

“Are you two crying? Did you two have a fight?” tanong ni Michelle at natawa yung dalawa at nagpasimple. “Lovers squirrel” banat ni Kiko at bigla sila naghalakhakan. “Quarrel” nilinaw ni Michelle. “Yun nga, nagpapatawa lang ako” sabi ni Kiko at napayakap ang dalaga sa kanya.

“Oh saka na then yung practice, kasi dapat today we are going to the director and show a little scene para maconvice siya. Itext ko nalang siya at sabihin na to trust me. Anyway we should go to the mall and get Frances a gift for her birthday tomorrow” sabi ni Michelle. “Ay oo nga pala, tara pero Lyne does not know our house” sabi ni Kiko. “Don’t worry sunduin ko siya bukas” sabi ng dalaga.

Palabas na sila ng gate nang biglang inirapan nung guard si Kiko. “Wait lang” sabi ng binata at pinuntahan ang kaibigan niya sa guard house. Nakita nung tatlo na may binubulong si Kiko sa guard at ilang segundo pa ay napangiti na yung guard. Nagkamayan yung dalawa at agad bumalik si Kiko. “Oy Big Bird Merry Christmas! Happy Vacation!” sigaw ng guard at biglang natawa sina Michelle at Ica.

“Kiko, tuwing dumadaan tayo dito he always yells Big Bird” sabi ni Michelle at napatitig yung dalawang dalaga sa kanya. “Ah wala yon its just a joke” sabi ng binata. “Joke? Baka naman totoo pare” banat ni Ben sabay tingin sa lower body area ng bespren niya. Napahalakhak ng todo yung dalawang dalaga, nagtabi sila at nagtilian. “Oy! Hindi ganon! Sabi ko it’s a joke, long story talaga” sabi ni Kiko.

“Ah ganon, big bird na long story pa” hirit ni Ben at lumayo na yung dalawang dalaga at di nila mapigilan ang pagtawa nila. Inakbayan ni Ben ang bespren niya at tinignan, “Pare ano kumusta?” bulong niya. “Pare the dream was right but it was not right” sagot ni Kiko at nalito ang kaibigan niya. “Ano? So ano na?” tanong ni Ben. “Pare all is good” sabi ni Kiko at kinuwento niya ang lahat.

Nakahinga ng maluwag si Ben at masaya siya para sa bespren niya. “Bwisit na tadhana na yan pinaiyak ako sa harapan ni Ica” bigkas niya at natawa si Kiko. “Concerned ka sa akin?” tanong ni Kiko. “Oo naman no!” sigaw ng binata at napalingon tuloy yung dalawang dalaga. “Thanks pare, lets go to the mall little John!” sigaw ni Kiko at muling napatawa ang mga girls.

“Bakit little John?” tanong ni Ben. “Big Bird and little John” sabi ni Kiko. “Sira! Big Bert yon! Tapos kuya nila si Richard. Voltes Five, yung Big Bird sa Sesame Street” nilinaw ni Ben. “Whatever!” banat ni Kiko at napahalakhak yung dalawang dalaga. “Whatever your face!” bawi ni Ben.

“Ben Ben Ben, eto tuloy mo…Oh My!!!” sigaw ni Kiko. “Momaaayyyy!!!” game na game sigaw ng bespren niya. “Oh my God dapat yon. Ben layuan mo ako nakakahiya ka” sabi ni Kiko. “Bwisit ka sabi ko sa iyo napapadaan lang ako tuwing nagchahcannel surf ako e” palusot ni Ben. “Kaya ka ba laging naka suot ng beach shorts at shades tuwing manonood ng tv kasi mahilig ka mag channel surf?” landi ni Kiko. Umariba sa tawa ang dalawang dalaga habang tuloy ang banatan ng magbespren. “Korny ka Kiko” sabi ni Ben.

“Facebook info, interests of Ben…surfing…wow ang cool” landi ni Kiko. “Totoo naman e, and I have a surf board to prove it” sagot ng bespren niya. “Oo pero bago ka nagka surf board ilang seat cover ng toilet nasira mo dahil sa pag iimagine mo mag surfing?” hirit ni Kiko. “Hoy hindi totoo yan! Sinungaling!” sigaw ni Ben pero ang tindi ng tawanan nina Ica at Michelle. “At Ben next time yung tali sa surf board sa paa dapat hindi sa leeg. Masyado kang protective sa surf board mo e kaya tuloy muntik ka na malunod” hirit ni Kiko.

Napakamot nalang si Ben, alam niyang masaya si Kiko at tuwing ganito siya ay naka berserk mode ang pang aalaska ng kaibigan niya. Umakbay si Kiko sa bespren niya at tinuloy ang pag aalaska. Hindi napipikon si Ben, alam niya bakit ganito ang kaibigan niya. Yung babaeng naglalakad sa harapan nila ang rason, ganito lang talaga ang kaibigan niya pag masaya. Katabi ng babaeng nagpapasaya sa bespren niya ay yung babae din na nagpapasaya sa kanya kaya nakipagsabayan siya sa pag aalakska ng kaibigan niya.

Napatingin si Ben kay Kiko, nginitian siya ng bespren niya at tinuro si Michelle. “Pare mahal na mahal ko siya” bulong niya. “I know pare, I know” sagot ng binata.

(Chapter 28 Free Blog finale)

Wednesday, July 7, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 26: Regalo

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 26: Regalo


Disyembre na at gumiginaw ang panahon, nakatambay sina Ica at Layla sa hardin at parehong kinakabahan. “Sis ano sa tingin mo gagawin nila kay Jerry?” tanong ni Jessica. “Tsk di ko nga alam e. Kikilalanin daw nila, I am really scared” sagot ni Layla. “Grabe ha overprotective pala yung dalawang yon sa iyo” sabi ni Ica. “Ay sobra, parang nga kaming magkakapatid talaga e. Pag sa kalokohan ako ang ate nila, pero sa ibang bagay na ako yung bunso”

“Kaya nung highschool parang untouchable ako kasi nga yang dalawa basta may umaligid na guy e susulpot agad sila” kwento ng dalaga. “Ows? E pano kung may nambastos sa iyo?” tanong ni Ica. “Ay oo meron once yung isang schoolmate namin na masyado mafeeling. Ewan ko ba kilala na nga siyang player e tapos madami parin girls na nagpapauto, sad to say isa ako doon, gwapo kasi e” sabi ni Layla at nagtawanan sila.

“O what happened?” tanong ni Jessica. “Well we were supposed to go on a date pero yung dalawa sumama. As in ang kulit nila. Then nainis ata siya tapos nag usap kami, he wanted me to get rid of the two pero ayaw ko. Ayun nagalit siya at napamura and he started to change bigla at nilalait ako” sabi ng dalaga. “Ay grabe naman, tapos?” tanong ng kaibigan niya. “Tapos Kiko and Ben happened, inakbayan nila siya tapos they told me to go home then together they walked away” sabi ni Layla.

Gulat na gulat si Ica, “Sis ano ginawa nila?” tanong niya. “Ewan ko ayaw nila sabihin. Pero the next school day e the guy looked okay naman pero very apologetic, he even kneeled down in front of me. As in pahiyang pahiya talaga siya kasi sa school grounds yon ano” sabi ni Layla. “Oh wow, grabe ano kaya ginawa nila?” sabi ni Jessica at napangiti nalang ang dalaga.

“Kaya medyo takot ako baka ano gawin nila kay Jerry e” sabi ni Layla. “Pero sabi mo he is a good guy naman diba?” sabi ni Layla. “Oo naman, pero ganyan naman diba sa una ganon tapos later magbabago. I mean not all guys pero there are guys na ganon. Well bahala na sina Ben at Kiko to find out, siguro may ibang pang amoy ang mga lalake sa kapwa lalake” sabi niya at bigla sila nagtawanan.

“Grabe ang swerte mo sis at may mga kaibigan kang ganyan” sabi ni Ica. “Sira boyfriend mo si Ben no so lucky ka din. I am sure pag may nambastos sa iyo e Ben will protect you and sure ako Kiko will be there too. Pero eto kung gaano sila kaprotective sa akin mas grabe pa pagdating kay Frances” sabi ni Layla.

“Sis of Kiko?” tanong ni Ica. “Yup, kasi lagi kami sa house nina Kiko. So usually apat kami lagi magkasama. May point dati na may pagkatomboy na si Frances dahil sa dalawa kaya umentrada ako para maging girly ulit siya. Mamaya yung dalawa girly narin, so pag nagbabakla baklahan sila its basically my fault kaya wag mo masyado pagalitan si Ben” sabi ni Layla at muli sila nagtawanan. “Ikaw naman pala may sala e, pero grabe ha ang laswa nila tignan pag ganon pero ang galing nila” sabi ni Ica.

Ilang saglit lang may narinig silang mga lalakeng nagtatawanan na papalapit sa hardin. Pagtingin nila sina Ben, Kiko at Jerry yon. Naupo yung tatlo sa isang bangko at naglalandian at nag aayos ng mga buhok nila na parang babae. “Ay naku mamu ang gwapo nung varsity na yon” landi ni Kiko. “Sinabi mo pa, he is so papable” banat ni Ben. “Pero ang pangit ng gupit niya, gusto ko may bigote para ticklish” landi ni Jerry at nagtawanan yung tatlo na parang babae.

Napayuko si Layla at napahawak sa ulo niya habang si Ica tawa ng tawa. “Oh sis dapat happy ka at they seem to be okay” bulong ni Jessica. “Oo nga pero hirap na nga ako icontrol sina Ben at Kiko, ngayon tatlo na ata sila” sagot ni Layla at nagtawanan silang dalawa. “Look at the bright side sis, approve sila kay Jerry. At tatlo naman tayo nina Michelle magcocontrol sa kanila e” sabi ng kaibigan niya. “Huh, kung kasama pa natin si Michelle, lately she is like Kiko already” sabi ni Layla. “And Kiko is like Michelle lately” sabi ni Ica at sabay sila napatingin kay Kiko at muli sila nagtawanan.

“Sis wag ka ma offend ha, pati ikaw may pagkaugali ka nang Ben” sabi ni Layla at nagulat si Ica. “Really?” tanong ni Jessica. “Ganon ata talaga pag lagi mo kasama isang tao. You tend to adapt their personality or mannerisms at ugali konti” sabi ni Layla. “Hala I didn’t even notice that pero totoo yang sinabi mo sis, we actually learned that sa isang subject namin. Nakakatakot pala no, imagine tatlong Ben at tatlong Kiko” sabi ni Ica. “Patay si Lyne sa atin” banat ni Layla at ang tindi ng tawanan nung dalawa.

Nauna nang umalis sina Ben at Ica, paalis narin sana sina Layla at Jerry pero pinigilan sila ni Kiko. “O bakit?” tanong ng dalaga. “I need help” sabi ng binata kaya naupo si Layla sa tabi niya. “Ah sige I can wait for you sa main gate” sabi ni Jerry. “Pare maupo ka baka may maitutulong ka din” sabi ni Kiko kaya naupo din yung binata.

“O anong problema?” tanong ni Layla. “Birthday ni Michi, wala pa ako gift” sagot niya at biglang tumawa yung dalaga. “Don’t give her something traditional like stuff toys, or even something that denotes possessiveness” sabi ni Jerry at napatingin yung dalawa sa kanya. “So ano nga ba dapat?” tanong ni Kiko. “Make the gift simple, something she will really like” paliwanag nung binata. “Hmmm tama ka, hindi naman talaga yung wow factor ang dapat isipin e. Kasi eventually lilipas din yun e. I can give her something really expensive na talagang mapapa wow siya pero that may be short lived”

“I can give her something really simple but that is memorable” sabi ni Kiko. “So may naisip ka na?” tanong ni Layla at napangiti si Kiko. “Yup pero I will give her two gifts. Yung isa ako na bahala, pero I want to give her another gift and I will need your help kasi I don’t know how to choose girl clothes” paliwanag ng binata. “Bibigyan mo ng clothes?” tanong ng dalaga. “Cover up lang yon, basta yung second gift ang importante at meron na ako naisip. So you will help me, ikaw na bahala sa damit na ibibigay ko” sabi ni Kiko.

“Okay fine” sabi ng dalaga sabay nilabas niya ang palad niya. Tinama ni Kiko ang palad niya sa palad ng kaibigan niya sabay ngisi. “I wasn’t asking for gimme five no, pera kailangan ko. Alangan naman na pera ko gagastusin ko” sabi ni Layla. Naglabas ng pera si Kiko at nagulat si Jerry, “Pare sobr..” sabi niya pero bigla siya siniko ni Layla. “Tama na to, ako na bahala” sabi ng dalaga sa tuwa.

“Sige mauna na kami” paalam ng dalaga at tumayo narin si Jerry. “Pare” bigkas ni Kiko at biglang nagkatinginan yung dalawang binata. Napalingon si Layla at nakita niya ang seryosong titigan nung dalawa. “Oo pare I know, you can trust me” sabi ni Jerry sabay nag fist bump yung dalawa. Tumalikod na si Jerry at si Kiko binigyan ng thumb up sign ang dalaga. Napangiti si Layla at tumalikod narin.

Sabado, kaarawan ni Michelle, nagtungo ang magkakaibigan sa bahay ng dalaga at namangha yung iba sa laki ng bahay. Si yaya Nelly ang nagbukas ng gate para sa kanila at natuwa ang matanda ng makita si Kiko. “Hay naku kanina ka pa inaantay ni Michi, diretso na kayo sa garden” sabi ni Nelly kaya dinala ng binata ang mga kaibigan niya sa loob.

“Wow parang alam na alam mo na dito ha” biro ni Layla. “At home na nga ata siya dito e” banat ni Lyne. “Grabe naman kayo, e araw araw ko hinahatid si Michi e” sabi ni Kiko. “Teka nahihiya ako parang ang daming rich people e” sabi ni Ben nang makarating sila sa may garden. Madaming tao doon pero si Michi agad sila nakita at pinuntahan.

Napayakap agad siya kay Kiko, “Late kayo” lambing niya. “Traffic e” palusot ng binata. “Happy Birthday!!!” sabay sabay na sinigaw nina Ben, Lyne, Ica, Layla at Jerry. “Thanks guys. Well I wasn’t going to start the party without you all, lalo na ikaw Kiko, tara na doon tayo” sabi ni Michelle. Habang naglalakad sila ay siniko ni Ica ang binata. “Grabe ka di mo man lang binati” bulong niya. “Chill Ica, nakaplano lahat” sagot ni Kiko.

Malawak ang garden nina Michelle at madaming mga lamesa na nandoon. Sa isang gilid may nakahilerang mga buffet table at sa gitna ng garden nandoon ang isang napakalaking cake. Naupo ang magkakaibigan malapit sa gitna, nahalata ni Michelle na nahihiya ang kanyang mga kaibigan. “Uy guys naman relax lang kayo. Don’t worry they are my relatives tapos siyempre mga political friends ni daddy at mommy” sabi ng birthday girl.

“Ay eto pala Michelle o” sabi ni Ica sabay abot ng regalo. “Galing sa amin yan” banat ni Ben at pati si Layla nag abot narin. Mula sa backpack may nilabas din na regalo si Kiko at inabot sa dalaga, “Ako din meron” sabi niya. “Hala grabe naman kayo sabi ko diba no gifts” sabi ni Michelle. “E kahit sabihin mo yon kailangan ka parin namin bigyan” sabi ni Lyne at parang nahihiya na yung birthday girl.

“Grabe kayo ha, anyway tara na lets go get food” sabi ni Michelle at ang bilis tumayo ni Ben at Kiko. Lahat sila nagtungo sa food table at nagpahuli ang birthday girl at boyfriend niya para idala ang mga gifts sa sulok ng garden. Nang pabalik na sila ay may nabanggang lalake si Kiko. Nagkatitigan ang dalawang binata at kinabahan konti si Michelle pagkat siga ang itsura nung nakabangga ng boyfriend niya. “Jayps!” sabi ng isang dalaga at kumalma yung siga. “Nicka!” sigaw ni Michelle at biglang nagyakapan ang dalawang dalaga. “Happy birthday cuz, long time no see” sabi ni Nicka. “Ay grabe ang ganda ganda mo parin” sagot ni Michelle. “Uy di naman, by the way this is Juan Pablo” pakilala ng dalaga at nagngitian at kurutan yung dalawa habang si Kiko natawa pero napatingin sa malayo. “Boyfriend?” tanong ni Michelle at napangiti ang pinsan niya. “No, pet” sagot ni Jayps at nagtawanan yung apat.

“Ahem, eto naman si Francisco” pakilala ni Michelle at si Jayps naman ang natawa at napayuko ang ulo. “Bf?” tanong ni Nicka. “No, armpit hair stylist” banat ni Kiko at napahalakhak yung dalawang dalaga at sabay nila nahampas si Kiko. “Wala ako armpit hair!” sigaw ni Michelle sabay lalo pa nila pinagpapalo boyfriend niya. “Aray, magpinsan nga kayo” sabi niya. “Bugbog sarado ka din?” tanong ni Jayps. “Second life ko na nga ata to e” sagot ni Kiko at lalong nagtawanan yung dalawang dalaga.

“Francisco, ancient name” banat ni Jayps. “Juan Pablo, very Jurassic” bawi ni Kiko at muling nagkatitigan ng masama yung dalawa. “Jayps!” sigaw ni Nicka, “Kiko!” sigaw naman ni Michelle at napatigil yung dalawa. “Sorry ganyan lang kami mga boys sa umpisa” sabi ni Jayps. “Oo nga, just like dogs na una magkita nag aamuyan ng pwet. Pero civilized naman kami e” hirit ni Kiko at muling nagtawanan yung apat.

“Why don’t you join us cuz” alok ni Michelle. “Sayang, kasi may nakuha nang table si mommy and daddy, pero sleep over ako mamaya para we can catch up” sabi ni Nicka. “Kasama kami?” tanong ni Kiko at napatingin sa kanya yung dalawang dalaga. “Oh, doon nalang ako sa inyo pare” pahabol niya. “Sige, later then” sagot naman ni Jayps at biglang nag beso beso yung dalawang binata. Umariba nanaman sa tawa yung dalawang dalaga at bugbog sarado nanaman yung mga boyfriend nila sa mga hampas.

Nang nakakuha na pagkain sina Kiko at Michelle bumalik na sila sa lamesa nila. “Sorry ha natagalan kami, I just saw my cousin who I have not seen for a long time” sabi ng dalaga. “Okay lang pabalik na nga kami e” banat ni Ben. “Uy okay lang sige lang ang daming food” sabi ng birthday girl. “Pero sis teka, sobra ba kaming late?” tanong ni Layla. “Di naman, I was joking kanina no” sagot ni Michelle. “E kasi yung cake mo di pa ata nagagalaw” sabi ng kaibigan niya.

“Ah, I get what you mean. Kasi dapat mauna yung singing then blowing of candles. Kasi ganito yan, diba magwiwish ka before you blow. E di ko nakukuha wish ko dati so nung tenth birthday ko nag inarte ako na last na yon, formality nalang” kwento ng dalaga at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Ano ba kasi wish mo?” tanong ni Ica. “Si Kiko” masayang sabi ng birthday girl sabay yakap sa braso ng boyfriend niya. “Ayiheeee” sabay na landi ni Ben at Jerry pero si Kiko napangiti nalang at niyuko ang ulo.

“E di mamaya ano na iwiwish mo e nakuha mo na si Kiko?” tanong ni Lyne at napangiti yung dalaga. “Formality nalang yung candle blowing mamaya. Kasi if I make a wish by blowing the candles parang suntok sa buwan lang yon. My wish may or may not come true, so its pointless kasi di ko talaga alam. Its better making a wish knowing na may chance talaga magkatotoo diba?” paliwanag ni Michelle sabay tinignan niya si Kiko at nagngitian sila.

“Wow lalim ah, saan mo napulot yan?” tanong ni Ben. “Kay Kiko, he taught me that when we were lying here one night and staring at the stars” sabi ni Michelle at naintriga tuloy ang lahat. “Kiko? As in yang Kiko na yan?” hirit ni Ben. “The one and only” sabi ng dalaga. “Oh em gee, pare may ganon pa pala?” sabi ng binata at natawa si Kiko. “Kasi pare our wishes and dreams, sa atin naman talaga nakasalalay yan e. If we don’t make a effort and rely on the unknown then nothing is going to happen” paliwanag ng binata.

“Nosebleed” banat ni Lyne at nagtawanan ang grupo. “Hala sige na go get more food no” sabi ni Michelle at nagpunta na yung iba. “Siya nga pala Kiko, ang ganda ng pinsan ko no?” sabi ng dalaga. “I didn’t notice” sagot ng binata at bigla siya nakurot. “Asus, if I wasn’t your girlfriend I know you would say yes. Kunwari ka pa” banat ng dalaga at napangiti lang si Kiko. “E kasi if I say yes then you would be mad and get jealous” sabi niya. “Bakit ganon ba ako?” tanong ni Michelle. “Yup, pero you shouldn’t be” sagot ng binata.

“I don’t remember acting that way and I never heard you say a girl was pretty” sabi ng dalaga. “And you will never hear me say it” sagot ni Kiko. “Why?” tanong ni Michelle. “Syempre respeto. Kasi even if I am just appreciating, ayaw mo din lang na marinig yung ganon. At usually kasi pag nagsabi kami na maganda ang girl ang unang iisipin niyo like na namin agad. Di dapat ganon, for me I just know how to appreciate beauty, wag mo na lagyan kulay if ever you hear me say that. At isa pa, I think girls don’t like hearing that too lalo na from their boyfriend. Syempre feeling nila sila ang prettiest sa mata nila, which you are in my eyes by the way” hirit ni Kiko.

Napangiti saglit ang dalaga pero agad nagtaas ng kilay. “Di naman ako ganon Kiko e” sabi niya. “O good then. Ang ganda ni Yna ano? And your cousin is very pretty too” banat niya at dalawang kilay na ni Michelle at nakataas at palapit na ang kamay niya sa braso ng boyfriend niya para kurutin ito. “O you see that” sabi ni Kiko sabay ngisi. Natawa bigla ang dalaga pero tinuloy ang pagkurot sa boyfriend niya.

“You say I am the prettiest in your eyes tapos sasabihin mo pretty si Yna at pinsan ko” sabi ni Michelle at lalo natawa si Kiko. “Sabi ko nga I know how to appreciate, wag mo lalagyan ng kulay” ulit niya pero lalo siya kinurot ng dalaga. “Hoy tibo si Yna at wag mo na babalakin sa pinsan ko kasi patay ka sa sigang bf niya” landi ni Michelle.

“Grabe ka naman Michi, di naman ako ganon” drama ni Kiko at bigla siya niyakap ng dalaga. “Uy tampo agad o, I was just teasing you. Pero Kiko careful ka, si Yna tibo tapos may sigang boyfriend pinsan ko” hirit ng dalaga at sobrang natawa si Kiko. “Michi, nagsisiga sigahan lang boyfriend ng pinsan mo” sabi niya. “Ha? How can you tell?” tanong ng dalaga. “Kasi when we bumped each other he took a long time to think before putting a fighting face. Usually ang siga automatic na ang ganon” paliwanag niya at biglang tumawa si Michelle.

“Really?” sabi ng dalaga at sabay pa sila napalingon sa lamesa ng pinsan niya. “Yup, and pumayag makipag beso beso. I do understand kung nakipag joke time siya about our names pero nakipag beso beso e. I bet he is somewhat like me…nagtatago sa closet” sabi ni Kiko at lalong natawa ang girlfriend niya. “Hala ka sumbong nga kita mamaya” banta ng dalaga. “Sige lang, sa tingin ko mas siga pa si Ben diyan e. But I should say he is an interesting guy, pwede siya sa aming case study sa Psychology” hirit ni Kiko. “Pero gwapo siya” landi ni Michelle at tinignan ang magiging reaksyon ni Kiko.

“Oo nga e, gosh he is so macho papabols…oooh hard chest hmmm” pabaklang sinabi ni Kiko at natawa girlfriend niya at pinagkukurot siya. “Pinagseselos na nga kita di ka naman nagseselos” sabi niya. “E alam ko naman kasi nagbibiro ka lang e” sagot ni Kiko. “So hindi ka talaga magseselos ganon?” tanong ng dalaga. “I actually did with Kevin” sabi ni Kiko at nagulat si Michelle. “Really? As in jealous?” tanong niya. “Oo kaya, I was very jealous” sabi ng binata. Sobrang napangiti si Michelle at lalong niyakap ang boyfriend niya. “That means you really like me” bulong niya sabay humalik sa pisngi ng binata.

Trenta minutos ang lumipas at si Michelle nakatayo sa harapan ng cake niya. Sa likod niya nakapwesto ang kanyang magulang pero biglang hinila ni Efren si Kiko para tumabi sa anak niya. Nagsimula ang kantahan ng happy birthday, si Michelle sobrang bungisngis at nagpipigil ng tawa pagkat si Kiko kumakanta sa napakaarteng tinig.

Sa malapit natatawa narin si Ben at Layla, “Ano nanaman kaya kinakanta niya?” bulong ng dalaga. “Bwisit naalala ko tuloy nung birthday ko, sumabog ako sa tawa nalawayan ko tuloy buong cake” sagot ng binata at pasimple yung dalawa na nagtatawanan. Natapos yung kanta, “Make a wish anak” sigaw ni Efren. Huminga ng malalim si Michelle sabay hinawakan ang kamay ni Kiko. Humarap siya sa binata at nagngitian yung dalawa. May sinabi si Michelle pero di na marinig ng mga kaibigan niya.

Humarap ulit si Michelle sa cake sabay hinipan ang mga kandila. “Did she say her wish aloud?” tanong ni Ica. “Oo ata, then the wish wont come true” sabi ni Ben at lahat napatingin sa kanya. “Not really” biglang may nagsabi at paglingon nila yung sigang boyfriend ng pinsan ni Michelle yon. “You make a wish to the person you think who can make your wish come true. She told him her wish because she knows he would make it come true for her” sabi ni Jayps at napangiti si Nicka. “And what if he fails?” tanong ng dalaga. “At least she saw him try, compared to those candles which I suppose you wont even see walking around and singing popopopopoker face” sagot ng siga at tumawa si Nicka.

Gusto din sana tumawa nung iba pero natatakot sila kaya napangiti nalang sila lahat. Pagkalayo ng pinsan ni Michelle at boyfriend niya lumapit si Ben kay Layla. “Napansin mo yon?” bulong niya. “Oo nga e, grabe pareho sila ng style” bulong ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “Kung ako nahawa lang kay Kiko mas safe kayo pag nagsama kami. Pero imagine yang siga na yan at si Kiko nagsama, diyos miyo end of the world na” banat ni Ben at lalo natawa si Layla.

Habang busy ang lahat kumakain ng cake at nanonood ng magic show ay hinila ni Kiko si Michelle sa isang gilid. “Saan tayo pupunta?” tanong ng dalaga. “Basta tara na” sagot ni Kiko. Nakalabas yung dalawa sa gate at nagulat si Michelle pagkat nandon ang itim na SUV nila. “Come on get in” sabi ni Kiko at tuliro yung dalaga na pumasok sa kotse.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya pero inandar na ni Lando ang kotse at ngumiti lang si Kiko. “Kiko, hahanapin nila ako” sabi ni Michelle. “Hiramin lang kita saglit tapos balik tayo agad” sabi ng binata. “Okay pero where are we going?” tanong ng dalaga pero tahimik lang si Kiko.

Ilang sandali pa ay napalapit si Michelle sa bintana at napangiti. “Uy dito ako nag aral noon!” bigkas niya at biglang tumigil ang kotse at bumaba si Kiko. Lumabas si Michelle at biglang tinuro ni Kiko ang school na katapat. “How about that school do you remember that?” tanong niya at natahimik nalang si Michelle at napangiti. Tumawid yung dalawa at tinungo lang ni Kiko ulo niya at pinapasok sila ng guard sa kanilang old school nung bata sila.

Nandon parin yung puno kung saan una niyang nakita si Michelle na nakaupo sa lupa at umiiyak. Naluluha na si Michelle pero agad naman pinunasan ni Kiko ang kanyang mga mata. “I think we have some unfinished business here” bulong niya.

Dinala ni Kiko si Michelle sa likod ng puno, mula sa bag niya naglabas siya ng maliit na trapo at nilatag sa lupa. “Upo ka diyan para di madumihan dress mo” sabi niya at naupo naman si Michelle. Naupo si Kiko sa tabi niya at huminga ng malalim. “Favorite spot ko to noon, usually this is where we eat. And if ever I didn’t run away 12 years ago, this is where we would have sat down” kwento niya at lumalim bigla ang paghinga ng dalaga.

Nlaglabas si Kiko ng chocolate bar mula sa bag niya at tinignan si Michelle. “This is the same brand of chocolate bar I had that day. Happy birthday Michelle, I know its 12 years late but I am sure this chocolate bar would taste the same” sabi ng binata at

Hindi makapagsalita si Michelle, mga labi niya nanginginig, mga kamay di pa magawang tanggapin ang binibigay ng binata. “No Kiko, I am sure its way much sweeter” bigkas niya at nagngitian yung dalawa. Sumandal si Kiko sa puno, si Michelle sumandal naman sa kanya at sabay nila binuksan yung chocolate. “Do you think it would feel this way 12 years ago?” tanong ni Kiko.

“We were too young back then. Pero ganitong ganito talaga yung nasa imagination ko when I grew older. I think we were really meant to wait for 12 years” sagot ni Michelle nang nilapit ni Kiko ang chocolate sa bibig niya. “Maybe this is exactly what fate had planned for us, pero I still keep thinking about what could have happened if I didn’t run away” sabi ni Kiko.

“Do you think after we could have shared this moment 12 years ago we could be a couple now?” tanong ni Michelle. “Maybe or maybe not. I cant say but I am sure glad that we are having this moment right now” sabi ni Kiko. “Grabe me too. You just made my birthday the most memorable one” sabi ng dalaga.

“Parang Titanic no? Jack this is where we first met” banat ni Kiko at natawa sila pareho. “Kiko what do you think will happen 12 years from now?” tanong ni Michelle. “Hmmm 12 years…I don’t know, I don’t want to think of the future and the past anymore. Gusto ko right now, at this moment, this is whats important. Being with you at the present” sabi ng binata.

“Sige na Kiko, I just want to know what you think would happen 12 years from now” pilit ng dalaga. “Well 12 years from now? Siguro sinusundo natin anak natin” sabi ni Kiko at biglang kinilig si Michelle at niyakap ang boyfriend niya. “Perfect answer” bulong ng dalaga at naghalikan yung dalawa.

“Naisip ko din Kiko, if ever this happened 12 years ago wala tayong alone time” sabi ni Michelle. “Bakit naman?” tanong ng binata. “E kasi kasama ko si yaya. Sus baka makishare pa siya sa chocolate no, favorite niya kaya chocolates din” kwento ng dalaga at nagtawanan ulit sila. “We weren’t met to be together here 12 years ago, maybe that is why I ran away” sabi ni Kiko at nagkatitigan yung dalawa.

“Now that fate has brought us together there is no chance in hell that im going to let it break us apart. Your birthday wish I am going to make it come true Michelle. You don’t have to rewish it or tell me again. I heard it once and so I will make it come true”

“Gusto ko sana sabihin na itaga mo sa bato pero pagkakaalam ko pati bato nabibiyak. Kaya ganito nalang, habang akoy humihinga pangako ko sa iyo mamahalin kita magpakailanman at hinding hindi kita iiwanan…”

“…alam ko maaga pa pero Michelle mahal na mahal kita”

“I aint going anywhere”


(The moment youve been waiting for...the dream day on the next chapter)