Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Lingo ng hapon inaayos ni Teresa ang bowtie ng kanyang anak. “Anak are you sure about this?” tanong niya at nagpipigil ng tawa. “Ma ito daw ang dress code, dalian mo ma at baka mamaya nandyan na siya” sagot ni Kiko. “About that, dapat ikaw yung nagsusundo sa kanya” sabi ng nanay niya. “Yun nga din sinabi ko po. Pero she insisted naman kasi may personal car and driver siya, o may yaya pa siya at that” kwento ng binata.
“Ay ma, I think something is wrong with me. I forgot to tell you last Friday” sabi ni Kiko. “What is it?” tanong ni Teresa. “So last Friday I finally got to hold her hand, pero ma wala ako nakita. During lunch I held her hand, as in habang kumakain kami di nagbitaw. Then sinundo ko siya sa classroom niya we held hands again hanggang sa hinatid ko siya sa kanila. Ma, wala ako nakita as in. Sa sobrang excitement pag uwi ko hinawakan ko agad kamay ni Frances and sad to say may nakita ako. I think I am malfunctioning” kwento ng binata at natawa ang nanay niya.
“Kaya kahapon hinawakan ko lahat kamay niyo, may nakita ako. This morning hinawakan ko kamay ni Frances and I saw that she would open the door, finally meet Michelle and she will make tsismis about me” dagdag ni Kiko. “Oh di mo siya pipigilan?” tanong ni Teresa. “Nope kasi makakatulong ata sa akin yung sasabihin niya e” sagot ng binata. “And what if you saw na di maganda ang sasabihin niya?” tanong ng nanay niya. “Still I wont stop her” sabi ni Kiko. “Wow, sure ka?” tanong ni Teresa.
“Yes ma, Michelle has the right to know things about me whether good or bad. Di ako perpekto, ayaw ko maging perpekto. I do have bad traits, and if she does not like them she can tell me and I will change for her. Di pwede na yung good side ko lang ang kilala niya. Dapat kilala niya ko ng buo, and if she accepts me for who I am then pwede na kayo magka apo” banat ni Kiko at bigla siya tinapik sa noo ng nanay niya.
“Apo ka diyan. Napabilib mo na ako e tapos in the end apo ang iniisip mo” sabi ng nanay niya at nagtawanan yung dalawa. “Ma shinortcut ko lang, siyempre magiging kami, tapos magpapakasal kami, tapos honeym…” sabi ni Kiko pero pinigilan siya ng nanay niya. “Oo na oo na, ikaw talaga loko loko ka parin. Ganyan ka rin ba pag kaharap siya?” tanong ni Teresa. “Of course ma, di ako nagpipigil. Pinapakita ko lahat sa kanya and she still likes me” sabi ni Kiko. “Wow so confident, baba sa lupa anak ng konti ha. Baka mamaya mag todo emote ka when…” pinigil ni Teresa. “You can say it, its okay.Yung dream ko? Don’t worry about that anymore. I don’t think about it, ang importante ma yung ano meron kami ngayon. You told me that I got really hurt because I loved her so much. At this point ma my love for her is just beginning, its growing and so I know it will grow more”
“I learned from advises, from you, from Layla, Ben, si dad, si Ica, si Frances and even Michelle. If ever that dream is going to happen, alam ko malayo pa kasi ang kwento namin ni Michelle ay nagsisimula palang. Kung magkatotoo man, wala kayong apo” sabi ni Kiko at muling tinapik ni Teresa ang noo ng anak niya at muli sila nagtawanan. Narinig nila yung doorbell at nagngitian lang yung dalawa, “Let them chitchat a bit” sabi ni Kiko.
Binuksan ni Frances ang pinto at natulala siya sa dalagang nakaharap niya. “Hello, nandyan ba si Kiko?” tanong ni Michelle sabay ngiti. “Ate Michelle? Hala pasok ka pasok ka” sabi ng kapatid ni Kiko at hinila ang kamay ng dalaga at pinaupo siya sa sofa. “Ang ganda mo pala ate” sabi ni Frances. “Uy di naman, siguro ngayon lang kasi nakaayos ako” sagot ni Michelle.
“Kaya naman pala patay na patay sa iyo kuya ko. Hanggang sa panaginip niya name mo sinisigaw niya” kwento ng bata at natawa si Michelle. “Ikaw naman binibiro mo na ako” sagot ng dalaga. “Totoo ate, last year nung nagbakasyon kami sa Baguio magkakwarto kami at name mo talaga sinisigaw niya” sabi ni Frances. “Last year? E di pa kami magkakilala last year e” sabi ni Michelle.
“Ha? Imposible. Basta totoo yon ate. Di lang doon sa bakasyon na yon. Minsan pati dito sa house nagigising ako sa gabi dahil sumisigaw talaga siya e” sabi ni Frances at nagtataka na yung dalaga. “Hmmm so what is Kiko like pag nandito lang siya sa bahay?” tanong ni Michelle at napaisip si Frances. “Si kuya? Lagi nagpapatawa at ang kulit. Kaya pag nakita mo tahimik siya wag mo na guluhin or else kawawa ka” bulong ng bunso at tawa ng tawa yung dalaga.
“E si Layla lagi ba dito?” bulong ni Michelle at napangiti si Frances at nagtakip ng bibig. “Uy nagseselos ka ano?” tukso niya. “Hindi ah, she is my classmate kasi” paliwanag ng dalaga. “Si ate Layla parang kapatid namin, minsan she comes here to make sermon to kuya kasi sa mga kalokohan na nagawa niya sa school. Pero minsan naman ako yung nakikitulog don sa kanila kasi only child siya at gusto daw niya ng baby sister e” kwento niya.
“So natutulog din siya dito?” tanong ni Michelle at muling natawa yung bunso. “Selos talaga si ate o. No she does not sleep here. Don’t worry ate kasi lately napapansin ko si kuya super happy at sure ako ikaw yung dahilan” sabi ni Frances at nagngitian yung dalawa. Narinig nila na may bumababa na ng hagdanan kaya napatayo yung dalawa. Si Kiko all smiles na pakaway kaway na bumababa na mala prinsesa.
Pagkababa niya siya naman ang natulala nang makita niya si Michelle. “Wow” bigkas niya habang ang mga mata niya titig na titig sa dalaga. Nakalugay ang buhok ni Michelle, suot nitoy dark pink na shoulder less dress, sobrang tamis ng ngiti niya pero agad siya sumabog sa tawa kasama si Frances. “Ang laki ng bow tie mo!” sigaw ng bunso at talagang napaupo sila sa katatawa.
Nakababa na si Teresa at Fred, muling napatayo si Michelle at lumapit si Kiko sa kanya. “Mother and Father” sabi niya at muling nagtawanan yung dalawa pati magulang nila nakisama. “Please don’t interrupt me, as I was saying, ahem, mother and father this is Michelle, your future daughter in law and mother to your grand children” pakilala ni Kiko. Gulat na gulat si Michelle, nagtakip ng bibig at di talaga mapigilan sarili sa pagtawa.
“Michelle, meet my mother and father, for now tita and tito, but soon mom and dad mo narin” hirit ni Kiko at agad niyakap ni Teresa si Michelle. “Pasensya ka na sa kanya ha” bulong niya. “Okay lang po sanay na po” sagot ng dalaga. “Kiko its not right saying those” paalala ni Fred. “Bakit po? Tama lang yon para di na awkward. E ano gusto niyo mag uwi ako ng babae tapos sabihin ko na wag niyo pansinin yan at di kami tatagal. E I was just being honest, I was just telling you what I wanted and siya yon” paliwanag ng binata.
Bumilis ang tibok ng puso ni Michelle, lalampas na ata ang ngiti niya sa kanyang mukha. May kumurot sa kanyang braso, “Uy I told you patay na patay siya sa iyo” bulong ni Frances at napayuko yung dalaga at sumasakit na ang mga pisngi niya.
“Pero Michelle ang pangit ng suot mo” banat ng binata. “Kiko!!!” sigaw ni Teresa. “Don’t worry may remedyo pa naman” sabi ni Kiko at tinabihan yung dalaga. “Anong remedy?” tanong niya. “Me!” sigaw ng binata sabay humawak sa bawyang ni Michelle. Napakamot si Fred habang si Teresa natawa. “Kuya ang korny mo ha” banat ni Frances at ngumisi lang yung binata. “Kiko tara na” bulong ni Michelle. “Magpaalam ka na sa kanila” sagot niya at nagkatitigan sila at nagkatawanan.
“Sige na” sabi ni Kiko at huminga ng malalim si Michelle at tinignan ang mga magulang ng binata. “Tito, tita mauna na po kami” sabi niya at biglang napatili si Frances. “O sige mga anak” sagot ni Fred at napangiti nalang si Teresa at siya naman ang napakamot. “Hala pati si daddy ride on” sigaw ni Frances at lalong natili. “Sis mauna na kami”hirit ni Michelle at nagkatawanan ang lahat.
Pagkalabas nung dalawa sa pinto ay nagpahabol si Teresa. “Kiko take good care of her” sabi niya. Papasok palang sana ang binata sa kotse, tumigil ito at tinignan ang nanay niya. “Mommy naman! Pag ang tao may diamond di mo na kailangan ipaalala sa kanya na alagaan niya ito ng mabuti. Automatic na yon” sabi niya sabay kaway.
Pagkapasok niya sa kotse nakita niya si Michelle hawak ang kanyang dibdib. “O bakit?” tanong niya. “Para akong aatakehin sa puso dahil sa mga pinagsasabi mo” sabi ng dalaga sabay ngiti. “Uy wag naman, bago ka maatake sagutin mo muna ako” sabi ni Kiko. “Ah ganun kailangan maging tayo pa bago ako mamatay para masasabi mo na naging tayo?” sumbat ng dalaga.
“You have to say I do first” sabi ni Kiko at nagulat yung dalaga. “I do?” tanong ni Michelle. “Yup, bago ka maatake, wag naman mamatay ha, you have to sa I do muna. Para legal kitang maalagaan. Til death do us part” paliwanag ng binata at naantig ang puso ni Michelle. Nanginginig ang kanyang labi, masaya ang puso niya pero hirap siyang naghahanap ng mga tamang isusumbat.
Nakarating sila sa hotel na pag gaganapan ng debut. Nilabas ni Kiko ang extra bowtie niya at nakita ni Michelle. “O bakit yan?” tanong niya. “I don’t want to embarrass you with my big bowtie. Gusto lang kita patawanin kanina kaya sinuot ko ito” paliwanag ng binata. “Don’t change, gusto ko yan ang suot mo” sabi ng dalaga. “Pero Michelle, your relatives and friends will be here, baka ano pa masabi nila” sabi ni Kiko. “Isa!” banta ng dalaga at agad tinago ni Kiko ang extra bowtie niya.
Pumasok na yung dalawa, agad nakita ni Michelle ang mga magulang niya na nasa isang lamesa. “Ayun tara dali pakilala kita sa parents ko” sabi ng dalaga. Biglang nanigas si Kiko at di makagalaw. “Bad idea” bigkas niya. “Kiko, be fair. I met your parents today and besides they told me they want to meet the guy I am dating” sabi ni Michelle. Nilabas nanaman ni Kiko yung baon niyang bowtie at talagang nanginig ang buong katawan. “Akin na nga yan, halika na. Just be yourself okay?” sabi ng dalaga at wala nang nagawa si Kiko kung di sumama sa kanya.
“Ahem, mommy and daddy, this is Kiko. Kiko this is my mommy Melanie and my daddy Efren” sabi ni Michelle at agad napatayo ang mga magulang niya. “Nice to meet you at last” sabi ng nanay niya at kinamayan si Kiko. “Efren as in Superman?” banat ni Kiko at nagtakip ng bibig ang dalaga. “Nice one, I like you already” sabi ng tatay ng dalaga sabay hawak sa bowtie ng binata. Natawa konti yung tatay ni Michelle pero agad nakipagkamay kay Kiko. “Oh hurry now to the line at mag start na yung ceremony” sabi ng nanay ni Michelle kaya agad umalis yung dalawa at nakipila sa linya ng mga mag partners.
“Michi they are all staring at me, tumatawa pa sila o” bulong ni Kiko. “Okay lang yan, just be yourself” sagot ng dalaga at sila na yung susunod na rarampa sa dance floor. Biglang nag straight body si Kiko, tinaas konti ni Michelle ang kamay niya at agad ito sinalo ng binata at hinawakan. Napatingin ang dalaga sa partner niya at nagulat siya pagkat biglang naging matikas ito. Napangiti siya at nagsimula na sila maglakad kung saan lahat ng tao nakangiti sa kanila.
“Kiko you don’t have to act that way” bulong ni Michelle. “Oh I have to trust me” sagot ng binata at bilib na bilib ang dalaga sa pag asta niya hanggang sa nakabalik na sila sa kanilang lamesa. Uupo na sana si Michelle pero pinigilan siya ni Kiko. Binalik nung binata yung upuan saka ulit nilabas. “It has to be this way” bulong niya at natatawa si Michelle nang siya ay umupo. Nakangiti sa kanya ang kanyang mga magulang kaya agad niya tinignan si Kiko na naupo sa tabi niya.
“Ikaw naman sabi ko be yourself e” sabi ni Michelle. “I am being myself” sagot ni Kiko. “No youre not, you are trying to a super gentleman” sumbat ng dalaga. “Kasi Michi nasanay ka lang sa isang aspeto ng pagkatao ko. This is a special event that calls for me to bring out another aspect of me so Michi this is also me. Hindi to pwede igoogle at aralin overnight no” sabi ni Kiko at biglang napahalakhak ang dalaga kaya lahat ng nasa lamesa napatingin sa kanya.
“So pag normal days ikaw si normal and makulit na Kiko, so who are you now?” tanong ni Michelle. “I am yours” bulong ng binata at halos napatalon ang puso ng dalaga at agad niya hinampas ang braso ng partner niya. “Michi!” sabi ng nanay niya. “Ma siya kasi e” sagot ng dalaga. “Kiko pasensya ka na diyan ha talagang nananakit yan pag masaya” sabi ng tatay ni Michelle. “Okay lang po, that is how she tries to say the words that she cannot seem to utter. Mas maganda na po yung ganon at nararamdaman kesa pag naririnig na hindi naman maintindihan” sagot ng binata at nabilib ang mga magulang ng dalaga.
“Lagot ka” bulong ni Michelle. “Bakit?” tanong ni Kiko. “Now my dad really likes you” sabi ng dalaga. “E yung anak kaya niya? Like din niya kaya ako?” banat ni Kiko at muli siya hinampas ng dalaga. “Aray what was that for?” tanong ng binata. “Words that I cant utter” sagot ni Michelle at natawa si Kiko. “Aray, one hampas meaning one syllable, pwedeng no or yes” hirit ng binata.
Nagbago ang mood ni Michelle, bigla siyang naging cold kay Kiko kaya nagtataka yung binata. Nagtuloy ang programa, umabot na sa pagsayaw ng debutante at kanyang eighteenth rose. Ilang saglit may ibang mga magpartner na ang sumasayaw sa dance floor kaya biglang tumayo si Kiko at inabot inabot ang kamay niya sa dalaga. “Michelle may I dance with you?” bigkas niya at medyo napangiti yung dalaga at agad humawak sa kamay niya.
Sa dance floor nagkatitigan yung dalawa, “One hand to the back, one holding your hand on the other side” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Two hands on my back waist, my two hands on your shoulders” bawi ng dalaga. “Yes I like that better” sagot ni Kiko at nagtawanan sila.
Nagkatitigan yung dalawa at sumasabay ang katawan nila sa slow love song natumutugtog. “Kiko, do you still doubt me?” tanong ni Michelle. “No, about a while ago I was just kidding” sagot niya. “I really like you Kiko. I told you to be yourself today kasi gusto ko ipakita sa friends and relatives ko kung sino yung lalakeng gusto ko. Lagi kita kinukwento sa kanila.They know you are a funny guy through my stories, and I think now they do believe me” sabi ng dalaga.
“Is that how you want them to know me?” tanong ni Kiko. “What do you mean?” tanong ng dalaga. “Funny guy na magaling magpatawa, ganon lang ba? O gusto mo din ipakita sa kanila that this guy with you loves you very much” tanong ni Kiko at napanganga si Michelle sa gulat.
“I may not be the guy to fit their standars for you if we base everything on my capabilities and strong points. I may have an advantage over some guys, but I do have weaknesses too. Instead of bragging to them reasons why you liked me, would it be better if you just told them that you like me because I love you very much?” hirit ni Kiko.
Di makapagsalita si Michelle, parang nanigas ang kanyang panga, utak niya nablanko at tibok ng puso niya sadyang napakabilis. “Yeah I know we just started and we are not even an official couple yet but Michi I am not mere words. I said I love you very much, kasi doon patungo naman talaga e, siguro nga nandon na ako sa point na I love you. I think I already do and I know with you I will be able to reach the very much point and maybe even further”
“I didn’t know that I would fall in love with the girl I ran away from years ago. This feeling I have for you now may have come sooner if I didn’t run away but I did and here I am dancing with you years after”
“Maybe we were still too young back then so fate decided to let us wait. We were children when we first met, the second time much older and wiser. You captured my heart with your first laugh, I got so addicted to it thus I always want to make you laugh. Ang dami ko nang nasabi pero sa totoo isa lang naman gusto ko talaga sabihin sa iyo e. Ang nakakatawa dito e ang hirap pala sabihin. So to summarize my random speech, Michelle I love you” bigkas ni Kiko.
Napuno ng luha ang mga mata ng dalaga, mga kamay niya nanigas at pinaghahampas ang balikat ng binata. “Kiko bwisit ka, this is not my debut” bulong niya at tuluyan nang dumaloy ang isang luha sa mukha niya na agad naman napigilan ni Kiko. “I didn’t know saying I love you can make someone cry” sabi niya.
Tinakpan ni Michelle ang bibig ng binata gamit ang isang kamay niya. Nagkatitigan sila saglit at dahan dahan inalis ni Michelle ang kamay niya sa bibig ni Kiko. “This isn’t my debut, its my cousin’s but you just made me feel the star of this event. Kiko I cant feel my legs, I feel like I am floating, my heart feels like exploding, these tears in my eyes are not of sadness or sorrow. Tears of joy for you just uttered the right words that I have been dreaming of you saying to me”
“Kiko, my cousins and friends called me stupid. Kasi umaasa ako sa isang childhood fantasy. Siguro nga stupid ako kasi I really waited for you. Hindi ako nawalan ng tiwala na magkikita tayo ulit…ay I actually lost faith but when when I was about to give up amazingly I heard someone call your name. It was like fate telling me to hang on a little bit more and so I did. Yes everyone here is staring at you because they all know my story, not just the stories I tell them about you. They all know that you are the man that I have been waiting for”
“Here is the stupid girl they kept calling in the arms of the man who she has been waiting for. Here is the stupid girl whose heart is pounding like crazy because the man she has been waiting for told her that he loves her. And here is the stupid girl telling the man she has been waiting for that she loves him too. Kiko, I love you too” bigkas ni Michelle.
Nagkatitigan yung dalawa, bakas ang katuwaan nila sa mga matatamis na ngiti sa kanilang mukha. Dahan dahan naglapit lalo ang dalawa. Mga labi halos magkadikit na pero sabay sila umiwas at nagkadikit nalang ang kanilang mga pisngi. Nagtawanan yung dalawa habang nagyakapan ng mahigpit. “Second time” bulong ni Kiko at kinurot siya ni Michelle.
“Alam mo ba sinabi ko dati sa pinsan ko months ago na ang kasama ko sa debut niya ay boyfriend ko. Tinawanan lang nila ako that time. I actually did come to her debut but with a friend. Akalain mo nga naman ang ihip ng hangin, kalagitnaan ng debut bigla ako nagka boyfriend. Dumating ako wala, aalis ako meron na” bulong ni Michelle at napatalon konti si Kiko. “Michi, naka formal ako. Di ako marunung tumalon ng may elegance and poise” bulong ni Kiko at biglang natawa yung dalaga.
“Tara talon tayo. I am just so happy right now I could scream, jump and even yell my heart out” sabi ni Michelle. “Same here pero debut ng pinsan mo to. We should maintain proper conduct even if they are all looking at us at this moment because I think we are dancing so close to each other” bulong ng binata. “Don’t mind them, bakit slow dance naman ang tugtog so tama lang to” sabi ng dalaga. “Oo nga inggit lang sila kasi magkadikit cheeks natin…ay animal o may gumaya sa atin…ay pinsan mo pala yon…so what dapat lamangan natin” biro ni Kiko.
“Ano nanaman naisip mo?” tanong ni Michelle. “Hmmm ano kaya mangyayari if I slide my cheeks on your cheeks, slide backwards that is” bulong ni Kiko. “Sige try mo nga” bulong ng dalaga at bigla tumawa si Kiko. “Kanina ko pa sinusubukan, parang naka glue cheeks natin” sabi niya. “Ako nga din….” sagot ng dalaga pero bigla siya napatigil pagkat nagslide ang pinsgi ni Kiko paatras. Magkadikit parin ang mga pisngi nila pero nakitikita na nila ang isat isa. “Almost there” bulong ni Kiko at lalong humigpit ang yakap ni Michelle sa kanya.
Konting galaw pa at magka side to side na ang kanilang ilong, konting parte nalang ng mga pisngi nila ang magkadikit, mga labi nila magkalapit na. “Michi violent person ba tatay mo?” tanong ni Kiko bigla. “No, why do you ask?” sagot ng dalaga. “Because I am going to kiss you right now” bulong binata. Sasagot palang sana si Michelle pero nagdikit na sa wakas ang kanilang mga labi.
Puno ng kaligayahan yung dalawa. Mga puso nila sabay sa pagtibok, sabay sila sa paghinga, sa sandaling ito sila ay iisa. Sila ay pinagtagpo muli ng tadhana lumipas ang dose na taon. Para kay Michelle napakatamis ng unang halik nila, bunga ito ng kanyang pag asa at pag aantay. Para kay Kiko may halo itong pait, pagkat ang mga labing hinahalikan niya ay siya ding mga labing magbibigay sa kanya ng masamang balita isang araw.
Hanggang kalian sila pagsasamahain ng tadhana?
(Busy mode already...copy pasters i do have a big surprise for you bwahahahaha...ask around may dalawang nasampolan ng big surprise nyahahahaha...i know there are still more of you out there...i asked for resepect you didnt give me...i am not a bad person but you forced me to...hohohohoho...thanks to chillingeffects.org
And for those who have personal copies...you better keep them well hohohoho...i too have a bigger surprise for you guys and gals...tapos in the end you ask me "bakit pa umabot sa ganon sir?" hohohoh...e di kayo nadaan sa pakiusap e, so ayan pag natanggap niyo big surprise dont blame me...thats gonna be a permanent record and you are gonna make me richer hohohoho....thanks to Director H of the NL)