sk6

Monday, July 5, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 24: Level Up

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 24: Level Up

Lunes ng umaga, maaga si Michelle sa tambayan. Nagulat ang dalaga pagkat nandon na sina Ben, Jessica, Layla at Lyne. “O umagang umaga nakakunot ang noo mo sis” sabi ni Lyne nang naupo sa tabi niya ang dalaga. “Kumusta pala yung debut na pinuntahan niyo ni Kiko?” tanong naman ni Layla.

“Hmp! Badtrip! Nakakainis yang lalakeng yan” sabi ni Michelle at nagulat sila lahat. “Ano nanaman nagawa ng bespren ko?” tanong ni Ben. “Hay naku I don’t want to talk about it. Nakakahiya siya talaga” sagot ng dalaga. “Tsk sabi ko na nga ba e, basta formal event walang disiplina yang Kiko na yan e. Akalain mo nag attend kami ng binyag ng anak ng teacher namin, nagulat kami lahat nung palabas kami ng simbahan basang basa ang ulo niya” kwento ni Layla.

“O bakit naman ganon?” tanong ni Ica habang pasimpleng tumingin sa malayo si Ben. “Hoy Ben wag kang magpasimple diyan pagkat pati ikaw basa ulo mo non” pagalit na sabi ng dalaga. “Siya pasimuno no. Kasi ang init sa simbahan tapos nung binasa nung pari yung ulo ng baby naiinggit siya kaya nagpunta kami sa banyo at binasa namin ulo namin” kwento ng binata at biglang napahalakhak si Michelle.

“Wag mo bitinin yung kwento, sabihin mo pa yung nangyari sa reception” sabi ni Layla at nahihiya na yung binata. “Ano nangyari Ben?” tanong ni Ica at lahat ng atensyon napunta sa kanya. Hindi sumagot si Ben kaya lahat sila napatingin kay Layla. “Sobrang nakakahiya, sa restaurant, nasa isang table kami, nagtataka kami bakit lahat ng ibang table may one whole chicken, kami wala. So tinawag ko si teacher sabi ko di kami nabigyan, tinawag niya atensyon ng waiter tapos binigyan ulit kami. Later yang dalawang yan tahimik na kumakain, kaya pala yung isang manok nasa lap ni Ben tapos sila lang dalawa kumakain non” kwento ni Layla at biglang nagtawanan ang lahat.

“Sis ano ba talaga nangyari?” tanong ni Lyne. “Basta I don’t want to talk about it. Galit ako sa kanya” sagot ni Michelle at saktong dumating na si Kiko. “Good Morning Layla. Good morning Lyne. Good Morning Ica and my bespren Ben..ditaaaaa” sabi ni Kiko sabay naupo sa tabi ni Michelle. Lahat nakatingin sa kanya pagkat di niya binati yung dalaga kaya bilib na silang may namamagitang tension sa dalawa

“Ay oo nga pala nakalimutan ko” sabi ni Kiko at bigla niya tinignan si Michelle na nakasimangot at halatang naiirita. “I love you Michelle” banat ng binata at nanlaki ang mga mata nung apat at tinignan ang reaksyon ng dalaga. Nanginginig ang mga labi ni Michelle, biglang pumikit ang mga mata niya at bigla siyang sumabog sa tawa. Pinaghahampas niya si Kiko at pinagkukurot. “Nakakainis ka! Sabi mo mag aacting tayo na magkagalit” sabi niya.

“Ayiheeee” tukso ni Ben at mas lalo sila kinilig nang hawakan ni Kiko ang kamay ni Michelle. “Oo alam ko usapan natin pero di ko naman kasi mapigilan puso ko, alam ng utak ko yung gagawin natin pero puso ko naman nag take over bigla sa akin kaya ayon” paliwanag ng binata. Napatingin sa malayo si Michelle, kinikilig siya pero nahihiya pagkat nandon ang mga kaibigan nila. “Hanep bumabanat si Kiko o” sabi ni Ben habang sobrang nakangiti yung tatlo pang dalaga.

“Naks ha, mukhang may ibang nangyari sa debut ha” sabi ni Lyne. “Yup meron nga” sabi ni Kiko at lalo sila tinukso ng apat. “Kiko naman e” sabi ni Michelle. “I came to this debut with a friend…and I am leaving this debut…” sabi ng binata pero biglang tumayo si Michelle at sinakal siya. “Kiko!!!” sigaw niya sabay halakhak. “Uy, pare tuloy mo ano sabi niya?” sabi ni Ben at sobra ang tawanan ng lahat.

“Kiko isa!” banta ni Michelle sabay bitaw sa pagsakal. Ngumiti lang si Kiko at nag ayos sabay nanahimik. “Pare ano yon?” hirit ni Ben pero di na sumasagot ang bespren niya. “Ay ang daya o. Sinesekreto pa nila o” sabi ni Ica. “Oo nga, parang di nila tayo friends e” banat ni Layla. Nakangiti lang si Kiko at si Michelle naman ay pangiti ngiti din. “Okay fine, I am leaving this debut with a boyfriend” sabi ng dalaga at biglang nagtilian ang apat.

“Kayo na?!!!” sigaw ni Ben at bigla siya napatayo. Nakayuko lang ang ulo ni Kiko pero kita ng lahat ang ngiti sa mukha niya. Pulang pula ang mukha ni Michelle, muling naghawakan sila ng kamay at nginitian sila ng dalaga. “Ayiheeee sila na o!” tukso ni Layla. “Kwento naman sis ano nangyari” udyok ni Lyne at nagtakip ng bibig si Michelle at tumawa. “Basta something magical happened” sabi niya.

“Ay alam niyo ang sarap sobra ng pagkain don” sabi bigla ni Kiko kaya lahat napatingin sa kanya. “Tapos alam niyo ba mahal ko si Michelle” hirit niya at muling nagtilian ang lahat at pinagkukurot siya ng dalaga. “Kiko naman e” sabi niya. “Bakit ba? Mas maganda nang alam nila para malinaw” paliwanag ng binata at walang maisagot sa kanya si Michelle kundi ang matamis na ngiti.

“At naghalikan kami sa dance floor” sabi ni Kiko. “Kiko!!!” sigaw ni Michelle habang muling kinilig at nagtilian ang apat. Tawa ng tawa si Kiko habang sinasakal ulit siya ng girlfriend niya. “Alam mo ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Kiko” bulong ni Ben kay Ica. “Ows?” sagot ng dalaga. “Oo no, alam ko pag masaya siya pero now kakaiba ang saya niya” sabi ng binata habang pinapanood nila yung dalawa. “Isnt he worried about his dream?” bulong ng dalaga.

“Ewan ko nga e, hinahawakan pa niya yung kamay e” sagot ni Ben. “Hinahawakan yung kamay? What do you mean?” tanong ni Ica. “Ah, ha? Ah sabi ko mamaya kakausapin ko siya” palusot ng binata habang titig na titig siya sa mga kamay ni Kiko at Michelle.

Dalawang oras ang lumipas at break time nina Ben at Kiko. Tumambay sila sa labas ng kanilang classroom habang inaantay ang kanilang susunod na klase. “Pare, okay ka lang?” tanong ni Ben. “Super happy pare” sagot ni Kiko. “Yun na nga e, pre wag mo mamasamahin ha pero concerned lang ako kasi e. Yung tungkol sa panaginip mo” sabi ng bespren niya.

Huminga ng malalim si Kiko at tinignan ang mga kamay niya. “Oo takot parin ako pare pero di ko mapigilan sarili ko e. Sobra akong masaya pag kasama siya at pare talagang in love ako kay Michelle” paliwanag ng binata. “Too much love results in too much pain if the road you are taking takes an unexpected turn” sabi ni Ben at tinitigan siya ni Kiko. “Wow English ha” sabi ng binata sabay tawa. “Pare hindi to joke time” sabi ni Ben.

“Yes I know that pare di mo na kailangan ipaalala. Siguro nga dahil sobra ako happy at in love sa kanya kaya ako nasaktan ng todo sa panaginip ko. Pero I cant help it. You cant just turn on or off a switch when loving someone. Turn on the switch and you love her, turn off the switch and you don’t. Love isn’t that way, it has no switches. Once love has grown you cant stop it, it will always be there. To some who can simply turn it off then there was no love in the first place. For me, love is already there, I love her, I cant hold back or stop myself. As each day passes the more I fall in love with her. In my dream where she says she has found someone new means I didn’t do enough to make her feel the same way towards me. In the end it will be my fault if she ends up with someone else. That is why I must persevere, I must strive to keep the love we have alive and strong, hoping that day never happens. If ever it will happen then maybe the love that I have shown her is not enough, I am not enough. Thus, I will do my best to be that man who she can be contented with” paliwanag ni Kiko.

“Pare ikaw pa ba yan?” tanong ni Ben at napangiti ang kaibigan niya. “Yup pare its still me. Di ko alam kung dapat ko sabihin ito e, pero pare I am so much in love. Sana wag mo na banggitin kay Layla baka masaktan siya. To be honest, I never felt this way with Layla. Siguro nga kasi we are really like brother and sister. Although there was something but not this great feeling that I have with Michelle. It just feels so right kasi pare e, di ko kaya ipaliwanag. If ever she will break my heart, parang its worth it ata” sabi ng binata.

“So handa ka sa pain if ever?” tanong ni Ben. “Hindi, tanga lang may gusto ng pain. Prevention is better than cure pare. Kung kaya ko iwasan mangyari yon then I will do my best. Yung panaginip kong yon, nasa aking mga kamay na. If I screw up then it will happen” sagot ni Kiko. “Pero pare alam mo ang hirap maging contrabida pero I have to ha. Meron din talaga mga pangyayari na kahit wala ka nang nagawang mali, naibuhos mo na lahat pero di parin kuntento sa iyo yung partner mo. Lahat ata tayong tao ganon, di tayo nakukuntento minsan. Di ko naman nilalahat ha pero meron at meron taong ganon, at pare patawad di ko naman sinasabi na ganon si Michelle” sabi ni Ben.

“Yeah I know that. Basta pare, mamahalin ko siya sa kaya ko. I will go beyond myself just to prove my love for her. If that is not enough for her then I will try even more. If all else fails then she deserves to be happy. I will let her go no matter how painful it is. If the happiness she is looking for isn’t with me then it would be alright if she found it with another guy” sabi ni Kiko.

“And you will be okay with that?” tanong ni Ben. “Of course not pero ano pa magagawa ko kung ganon? Pano kung hindi na ako yung nakakapagbigay sa kanya ng ngiti? Pano kung ibang tao na ang nakakagawa non? Ayaw ko na ipilit sarili ko pa pag ganon, di ko narin lang naman makikita tunay na ngiti niya pag ako kasama niya. Ngingiti pa siguro siya pero peke na. Mas maganda nalang na nakikita ko tunay na ngiti niya sa piling ng iba, masakit man talaga yon sa akin pero at least tunay na ngiti makikita ko” paliwanag ni Kiko.

Inakbayan ni Ben si Kiko at inuga. “Tado ka nag level up ka na” sabi niya at bigla sila nagtawanan. “Akala nila loko loko tayo no” sabi ni Kiko. “Oo nga e, di nila alam tayo din ay mga emosyonal na nilalang” banat ni Ben at lalo sila nagtawanan. “In English nga pare” sabi ng bespren niya. “Ahem, we are emotional beings” sagot ni Ben at sobra ang halakhakan nung dalawa. “Dapat talaga tayo nalang nagkatuluyan e” sabi ni Kiko at sinandal naman ni Ben ang ulo niya sa balikat ng bespren niya. “I love you Kiko” bulong niya. “I love you too Ben…pare nandidiri na ako” sagot ni Kiko. “Ako din” sabi ni Ben kaya naghiwalay silang dalawa at nagtawanan.

“Pero pare you are holding her hands, are you using your powers on her?” tanong ni Ben. “Yun na nga pare e, hindi gumagana sa kanya powers ko. As in pare. Pero sa iba gumagana parin” sabi ni Kiko. “Ha? Pano nangyari yon?” tanong ng bespren niya. “Ewan ko pare. Gusto ko sana magamit yon parang warning device lang sana. I mean kung mangyayari yung dream sa araw na ito ganon. Pero di ko gagamitin sa iba, I learned my lesson. Gusto ko lang sana malaman kung sa araw na ito mangyayari yung ayaw ko. Pero wala talaga pare, di gumagana sa kanya. That is why there is fear in me, kasi I wont see that day coming” sabi ni Kiko.

“Pare tama lang yan. Be fair naman. Imagine all the guys who get their hearts broken, di nila expected yon. Alam ko gusto mo paghandaan pero pare be fair and be normal on that aspect. Kung mangyari man so be it, magluksa ka like all guys” sabi ni Ben at nagtawanan nanaman sila. “Yeah, at pare kahit siguro gagana powers ko sa kanya at kahit makita ko mangyayari ay still same ang epekto. Ready or not talagang magluluksa ako kasi mahal na mahal ko siya” sabi ni Kiko.

“Kaya siguro di gumagana powers mo sa kanya kasi mahal na mahal mo siya” sabi ni Ben. “Ha? Ano naman kinalaman non?” tanong ni Kiko. “Pare if you look at it this way, if we fall in love it is actually our brain dictating our bodily functions to act funny. It is our brain that tells our heart to mega pump when we are in love. So since she makes you so happy and you are madly in love with her, siya ang laman ng utak mo ergo nasasapawan ng love power niya ang mental abilities mo” paliwanag ni Ben.

“Kaya tayo nagiging tanga all the time when it comes to love kasi di na tayo nakakaisip ng diretso” sabi ni Kiko at muling nagtawanan yung dalawa. “Uhuh, so that is the main possibility pare” sabi ni Ben. “Wow men, pati ikaw nag level up ka na ha” sabi ng bespren niya at tumawa ng malakas yung binata. “Ha! That is what love can do. It can inspire us to be better, kaya ngayon mahilig na ako magbasa ng books at nag aaral na ako ng mabuti. All because of Jessica my labs” sabi ni Ben.

“Tignan mo nga naman ang nagagawa ng pag ibig ano, from utak talangka naging utak elepante na” banat ni Kiko. “Pare naman nakaka hurt naman yung utak talangka, pero utak elepante is much better kasi malaki siya” sabi ni Ben. “Pare alam mo ba ang utak ng elepante singlaki lang ng apple” sabi ni Kiko at napataas ng kilay si Ben. “Di nga?” tanong niya. “Kulang pa love niyo, kailangan mo pa magbasa” sabi ni Kiko sabay tawa. “Di nga? Apple lang?” hirit ni Ben. “Oo pero at least nag level up, from pebble to apple, not bad” sabi ni Kiko at napangisi ang bespren niya.

Kinabukasan sa tambayan nila masayang nagkwekwentuhan ang magkakaibigan nang biglang kumanta si Kiko. “Kung tayoy magkakalayo…” kanta niya at agad siya kinurot ni Michelle. “Why are you singing that song?” tanong ng dalaga. “Ah wala lang bigla nalang pumasok sa isip ko” palusot ng binata sabay tinuloy niya ang pagkanta. “Kiko! Ano ka ba di maganda yang kantang yan” sabi ng dalaga kaya nanahimik siya habang nagbubungisngisan yung iba.

Dismissal na at hinatid ni Kiko si Michelle sa bahay nila. Habang naglalakad yung dalawa sa may subdivision ay muling kumanta yung binata. “Kung tayoy magkakalayo…habang kasama ka” kanta niya habang nakikinig lang ang dalaga. “Why do you keep singing that song?” tanong ni Michelle. “It has a nice message” sagot ng binata.

“Nice message? I don’t see anything nice about separation” sagot ng dalaga. “There is really nothing nice about separation” sang ayon ni Kiko. “See, so why do you keep singing that song?” tanong ni Michelle at napabuntong hininga ang binata. “I don’t know, the message is really scary” sabi niya at natawa ang dalaga. “Hmmm Kiko isang araw palang tayo tapos ganyan na agad iniisip mo. Bakit masyado ka negative magi sip?” tanong ng dalaga. “The message of the song is scary” ulit ng binata.

Sa tapat ng gate humarap si Michelle sa boyfriend niya at nilagay ang mga kamay niya sa mga balikat nito. “Hey look at me” sabi niya at nagkatitigan sila. “Kiko I really don’t like that song. It also scares me like you do. So do you understand that I am feeling the same way as you” sabi niya. “Nakakatakot lang kasi isipin” sabi ni Kiko at bigla siya tinuka sa labi ng dalaga.

“What was that for?” tanong ng binata at nginitian siya ni Michelle. “I am going to make you a promise but you also have to make one for me too” sabi ng dalaga. “Okay, what promise?” tanong ni Kiko. “Kiko, everyday starting today I am going to kiss you. Don’t worry di ako magsasawa. At yan ang pangako ko sa iyo. On your part you have to promise me that your lips would be ready everytime I would kiss you” sabi ni Michelle at sobrang napangiti ang binata.

Ang ngiti muling naging simangot kaya tumaas ang kilay ni Michelle. “Starting today up to when?” tanong ni Kiko. “Hay naku Kiko eto ka nanaman negative thinking. Okay let me rephrase my promise to you then. Starting today until forever I am going to kiss daily. And Kiko I will never break this promise” sabi ng dalaga at muling napangiti si Kiko.

“Wow until forever. Pero Michelle, we can never tell what will happen in the future. What if something happens tapos di na tayo, pero di ko dinadasal to ha. I am just asking what if” sabi ni Kiko. “Hay naku, okay so if ever that happens I will still hold on to my promise. I will still have to kiss you everyday” sabi ni Michelle. “Kahit na nabreak mo na ako tapos may iba ka na?” hirit ng binata at talagang tumaas ang kilay ng dalaga at kinurot siya.

“Naiinis na ako sa ugali mong yan pero oo hahalikan parin kita araw araw. Kung magkatotoo man yang negating thinking mo, just think about it. Di na tayo, then I have to kiss you everyday. Lets say nawala landas mo o landas ko at nagkahiwalay tayo, my promise is a security feature, us kissing everyday, matutuwid ulit landas natin and magiging tayo ulit. Kiko do you understand what I am trying to tell you?” sabi ni Michelle.

“That I am a negative thinker?” tanong ng binata. “Yes that is one. The other one is I didn’t say yes to you just to lose you one day. Kiko I waited for you, I looked for you, now that I found you do you think I can just let you go? Stop thinking negatively Kiko, can you do that for me?” sabi ni Michelle at nagdikit ang mga noo nila.

“Im sorry Michi, first day palang nagkakaganito na ako. Alam ko its early to say but I just don’t want to lose you” bulong ni Kiko. “Ako naman e, pwede wag ka na negative thinker?” sagot ng dalaga. “Okay, hindi magagalit ang tatay mo” sabi ni Kiko. “Ano?” tanong ni Michelle at bigla siyang niyakap at hinalikan ng binata sa labi.

“Ahem” biglang narinig nila at agad kumalas si Michelle at lumayo. Nakabukas na pala yung gate at ang tatay niya ang nakatayo doon. “Ah hi dad” bigkas ng dalaga sabay pasimpleng kinurot si Kiko na nakangisi. “Magandang hapon po dad…ni Michelle” bati ng binata at biglang tumawa ang matanda. “Mukhang mas maganda ang hapon mo iho” sabi niya. “Super ganda” hirit ng binata at lalo siya pinagkukurot ng dalaga.

“Come inside you two are just in time for meryenda” sabi ng tatay ni Michelle at nauna nang pumasok. “Loko ka, you knew that he was there already?” tanong ng dalaga at napangisi si Kiko. “That is what you call positivity. Pag negative thinker ako iisipin ko magagalit siya pag hinalikan kita. Sabi mo magbago ako so positive thinking na ako, hindi siya magagalit kaya hinalikan kita. And it works” banat ni Kiko at nagtawanan silang dalawa.

Humalakhak si Michelle at muling kinurot ang binata. “Nagulat pa ako nung tinawag mo siyang dad, may pahabol pala. Well at least napatawa mo din siya which is really rare” sabi ng dalaga. “E di ko alam ano itatawag ko sa kanya e” sabi ni Kiko. “I called your dad and mom tito and tita” sabi ni Michelle. “E pag ganon parang mag pinsan lang tayo” banat ni Kiko at lalong napahalakhak ang dalaga.

“So ano tayo kissing cousins ganon?” hirit ng binata at halos mamatay na sa tawa si Michelle. “Sira ganon naman talaga ang tawagan ata e” sabi niya. “E di makikiuso narin ako, pero parang weird no, kasi ngayon tito at tita, tapos soon mom and dad na. Parang tito tita ngayon then nalaman nila bigla na sila pala yung tunay na magulang, magiging mom and dad tuloy. Hirap mag adjust” sabi ni Kiko at napatigil si Michelle at tinitigan siya.

“O bakit?” tanong ni Kiko. “Soon…mom and dad?” tanong ng dalaga. “O tama naman diba?” sabi ng binata at sobrang napangiti si Michelle. “Meaning mom and dad after kasal natin?” sabi ng dalaga. “Of course ano pa nga ba?” sagot ni Kiko at nagtakip ng bibig si Michelle at napakasaya niya. “Kiko its just our first day together tapos ang layo mo na mag isip” sabi niya.

“Michi, that is positivity. Alangan naman na mag boyfriend girlfriend nalang tayo hanggang sa uugod ugod tayo no. Eventually we would have to level up from this stage where we are now and I couldn’t think of anyone else but you to level up with” sabi ni Kiko at biglang napayakap ang dalaga sa kanya. “Kiko this isn’t a game” bulong niya.

“Yes I know Michi. If ever life was a game, its you who I would want to play the game with. Its you who I want to level up with. And its you who I want to be with when we reach game over, its you I want to be with when we restart a stage. It will be you and only you who I want to finish the game with. Some games are easy, some games are meant to be difficult, but as long as we are together we can beat the game. But life is not a game, so if we take away the game part, the bottom line is I want to be with you and you alone” paliwanag ni Kiko at di mapigilan ni Michelle sarili niya at hinalikan ang binata sa labi.

“Kiko I like you better this way” bulong ng dalaga. “Positivity?” sagot ng binata at napangiti si Michelle. “Fast learner ka” biro ng dalaga. “You taught me well” banat ni Kiko. “Natuto sa takot?” biro ni Michelle at nagtawanan sila. “Aminado” sagot ni Kiko at lalo pa sila nagtawanan.

Pagkaalis ni Kiko ay masayang pumasok sa gate si Michelle, nagulat siya pagkat nandon parin tatay niya nakasandal sa wall. “Dad akala ko pumasok ka na?” tanong niya. “Sorry, I know he can be trusted but still you are my baby girl” sabi ni Efren at agad siya niyakap ni Michelle. “Dad sorry kanina” lambing niya. “Sorry for what?” tanong ng tatay niya habang naglalakad sila patungo sa hardin.

“Yung kanina when he kissed me and you saw us” sabi ng dalaga at napangiti ang tatay niya. “I even saw you two kiss last night at the dance floor. Michi why are you saying sorry?” tanong ni Efren. “Wala po, I think its improper to be kissing in front of your parents e” sabi ng dalaga. “Well di naman sa kinokonsinte ko kayo ha, siguro may point ka. Were you expecting me to get mad?” tanong ng ama niya at lalo siya niyakap ng dalaga at nilambing. “Opo” sagot niya.

“How am I supposed to get mad when I see my baby girl very happy? Siguro I just should tell you na ilugar niyo nalang yung kissing” sabi ni Efren. “Sorry po dad, last night was my first kiss and a while ago was my second” sabi ng dalaga. “And third” banat ng tatay niya at nagulat si Michelle kaya nahiya lalo. “Pero me and your mom was actually happy last night when we saw you two kiss” bulong ng tatay niya. “Ha? Really?” tanong ng dalaga.

“Yes, kasi we saw how he held you and treated you. We could tell that he really loves you by the way he kissed you” sabi ni Efren. “You can tell by a kiss?” tanong ni Michelle. “Yes, ikaw hindi mo ba naramdaman?” tanong ng tatay niya at napangiti ng todo yung dalaga. “How will I know dad? That was my first kiss last night, I felt like hovering along the clouds and I was so happy” sagot niya.

“But of course some of your aunts and uncles didn’t react like we did so I had to defend you and Kiko. I had to explain to them your story” sabi ni Efren at bumitaw si Michelle at tinignan ang tatay niya. “My story? You know it?” tanong niya at natawa ang kanyang ama. “Anak, I know I am always busy and not always around at times. Late na ako lagi umuuwi but every time I come home I see to it that I make you mom or yaya to make kwento. Ay talagang pupuyatin ko sila hanggang di nila masabi lahat. So yes I know about your story and I am happy that you finally found him” paliwanag ni Efren.

Halos maluha na si Michelle at muling niyakap ang tatay niya. “Was I wrong in waiting for him?” bulong ng dalaga. “Are you happy that you waited?” sagot ni Efren sabay punas sa luha sa mata ng kanyang anak. “Super happy dad” sagot ni Michelle. “Then you were right. A while ago we were talking about you two, so me and you mom decided that we want to get to know Kiko more” sabi ng tatay niya.

“Ha? Bakit naman dad?” tanong ng dalaga. “Para alam ko saan siya nakatira para alam ko saan ko ipapadala ang mga bodyguards natin pag sinaktan ka niya” biro ni Efren at napasimangot ang dalaga. Tumawa ang tatay niya at niyakap ang kanyang anak. “Im just kidding anak, I can tell he is a good guy but still you cant blame us with you mom if we still have doubts. So can you invite him to dinner on Saturday night?” sabi ni Efren at sobrang napangiti ang dalaga.

“Kasama na ba parents niya?” biro ni Michelle at biglang natawa si Efren. “Mamanhikan agad? Oh no pero ask me that question again after you two graduate that is pag kayo parin by that time” sabi ng ama niya at napasimangot nanaman ang dalaga. Tumawa ng malakas si Efren sabay kinurot ang pisngi ng anak niya, “Positivity?” landi niya at nanlaki ang mga mata ni Michelle at kinurot ang tatay niya. Tumakbo si Efren at hinabol siya ng kanyang anak, “Level up!” sigaw ng ama niya at natawa si Michelle. “Dad talaga! Spy ka!” sigaw niya. “You and only you!” hirit ni Efren at tawa ng tawa yung dalawa habang sila ay naghahabulan.

(Story level up...chapter 27...hmmmm i have an idea for the last two chapters. I think i wont post it here at this blog....hihihihihihi...ouch ouch i can feel pain ahahahaha....oo nga...abangan niyo nalang sa fanpage saan ko ipopost, i am experimenting on this encrypted image file on another site...nag level up narin ako bwahahahahahha!!! Ay may naririnig akong negative reaction agad o ahahahhaa....WAPAKELS!!!)