sk6

Wednesday, July 7, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 26: Regalo

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 26: Regalo


Disyembre na at gumiginaw ang panahon, nakatambay sina Ica at Layla sa hardin at parehong kinakabahan. “Sis ano sa tingin mo gagawin nila kay Jerry?” tanong ni Jessica. “Tsk di ko nga alam e. Kikilalanin daw nila, I am really scared” sagot ni Layla. “Grabe ha overprotective pala yung dalawang yon sa iyo” sabi ni Ica. “Ay sobra, parang nga kaming magkakapatid talaga e. Pag sa kalokohan ako ang ate nila, pero sa ibang bagay na ako yung bunso”

“Kaya nung highschool parang untouchable ako kasi nga yang dalawa basta may umaligid na guy e susulpot agad sila” kwento ng dalaga. “Ows? E pano kung may nambastos sa iyo?” tanong ni Ica. “Ay oo meron once yung isang schoolmate namin na masyado mafeeling. Ewan ko ba kilala na nga siyang player e tapos madami parin girls na nagpapauto, sad to say isa ako doon, gwapo kasi e” sabi ni Layla at nagtawanan sila.

“O what happened?” tanong ni Jessica. “Well we were supposed to go on a date pero yung dalawa sumama. As in ang kulit nila. Then nainis ata siya tapos nag usap kami, he wanted me to get rid of the two pero ayaw ko. Ayun nagalit siya at napamura and he started to change bigla at nilalait ako” sabi ng dalaga. “Ay grabe naman, tapos?” tanong ng kaibigan niya. “Tapos Kiko and Ben happened, inakbayan nila siya tapos they told me to go home then together they walked away” sabi ni Layla.

Gulat na gulat si Ica, “Sis ano ginawa nila?” tanong niya. “Ewan ko ayaw nila sabihin. Pero the next school day e the guy looked okay naman pero very apologetic, he even kneeled down in front of me. As in pahiyang pahiya talaga siya kasi sa school grounds yon ano” sabi ni Layla. “Oh wow, grabe ano kaya ginawa nila?” sabi ni Jessica at napangiti nalang ang dalaga.

“Kaya medyo takot ako baka ano gawin nila kay Jerry e” sabi ni Layla. “Pero sabi mo he is a good guy naman diba?” sabi ni Layla. “Oo naman, pero ganyan naman diba sa una ganon tapos later magbabago. I mean not all guys pero there are guys na ganon. Well bahala na sina Ben at Kiko to find out, siguro may ibang pang amoy ang mga lalake sa kapwa lalake” sabi niya at bigla sila nagtawanan.

“Grabe ang swerte mo sis at may mga kaibigan kang ganyan” sabi ni Ica. “Sira boyfriend mo si Ben no so lucky ka din. I am sure pag may nambastos sa iyo e Ben will protect you and sure ako Kiko will be there too. Pero eto kung gaano sila kaprotective sa akin mas grabe pa pagdating kay Frances” sabi ni Layla.

“Sis of Kiko?” tanong ni Ica. “Yup, kasi lagi kami sa house nina Kiko. So usually apat kami lagi magkasama. May point dati na may pagkatomboy na si Frances dahil sa dalawa kaya umentrada ako para maging girly ulit siya. Mamaya yung dalawa girly narin, so pag nagbabakla baklahan sila its basically my fault kaya wag mo masyado pagalitan si Ben” sabi ni Layla at muli sila nagtawanan. “Ikaw naman pala may sala e, pero grabe ha ang laswa nila tignan pag ganon pero ang galing nila” sabi ni Ica.

Ilang saglit lang may narinig silang mga lalakeng nagtatawanan na papalapit sa hardin. Pagtingin nila sina Ben, Kiko at Jerry yon. Naupo yung tatlo sa isang bangko at naglalandian at nag aayos ng mga buhok nila na parang babae. “Ay naku mamu ang gwapo nung varsity na yon” landi ni Kiko. “Sinabi mo pa, he is so papable” banat ni Ben. “Pero ang pangit ng gupit niya, gusto ko may bigote para ticklish” landi ni Jerry at nagtawanan yung tatlo na parang babae.

Napayuko si Layla at napahawak sa ulo niya habang si Ica tawa ng tawa. “Oh sis dapat happy ka at they seem to be okay” bulong ni Jessica. “Oo nga pero hirap na nga ako icontrol sina Ben at Kiko, ngayon tatlo na ata sila” sagot ni Layla at nagtawanan silang dalawa. “Look at the bright side sis, approve sila kay Jerry. At tatlo naman tayo nina Michelle magcocontrol sa kanila e” sabi ng kaibigan niya. “Huh, kung kasama pa natin si Michelle, lately she is like Kiko already” sabi ni Layla. “And Kiko is like Michelle lately” sabi ni Ica at sabay sila napatingin kay Kiko at muli sila nagtawanan.

“Sis wag ka ma offend ha, pati ikaw may pagkaugali ka nang Ben” sabi ni Layla at nagulat si Ica. “Really?” tanong ni Jessica. “Ganon ata talaga pag lagi mo kasama isang tao. You tend to adapt their personality or mannerisms at ugali konti” sabi ni Layla. “Hala I didn’t even notice that pero totoo yang sinabi mo sis, we actually learned that sa isang subject namin. Nakakatakot pala no, imagine tatlong Ben at tatlong Kiko” sabi ni Ica. “Patay si Lyne sa atin” banat ni Layla at ang tindi ng tawanan nung dalawa.

Nauna nang umalis sina Ben at Ica, paalis narin sana sina Layla at Jerry pero pinigilan sila ni Kiko. “O bakit?” tanong ng dalaga. “I need help” sabi ng binata kaya naupo si Layla sa tabi niya. “Ah sige I can wait for you sa main gate” sabi ni Jerry. “Pare maupo ka baka may maitutulong ka din” sabi ni Kiko kaya naupo din yung binata.

“O anong problema?” tanong ni Layla. “Birthday ni Michi, wala pa ako gift” sagot niya at biglang tumawa yung dalaga. “Don’t give her something traditional like stuff toys, or even something that denotes possessiveness” sabi ni Jerry at napatingin yung dalawa sa kanya. “So ano nga ba dapat?” tanong ni Kiko. “Make the gift simple, something she will really like” paliwanag nung binata. “Hmmm tama ka, hindi naman talaga yung wow factor ang dapat isipin e. Kasi eventually lilipas din yun e. I can give her something really expensive na talagang mapapa wow siya pero that may be short lived”

“I can give her something really simple but that is memorable” sabi ni Kiko. “So may naisip ka na?” tanong ni Layla at napangiti si Kiko. “Yup pero I will give her two gifts. Yung isa ako na bahala, pero I want to give her another gift and I will need your help kasi I don’t know how to choose girl clothes” paliwanag ng binata. “Bibigyan mo ng clothes?” tanong ng dalaga. “Cover up lang yon, basta yung second gift ang importante at meron na ako naisip. So you will help me, ikaw na bahala sa damit na ibibigay ko” sabi ni Kiko.

“Okay fine” sabi ng dalaga sabay nilabas niya ang palad niya. Tinama ni Kiko ang palad niya sa palad ng kaibigan niya sabay ngisi. “I wasn’t asking for gimme five no, pera kailangan ko. Alangan naman na pera ko gagastusin ko” sabi ni Layla. Naglabas ng pera si Kiko at nagulat si Jerry, “Pare sobr..” sabi niya pero bigla siya siniko ni Layla. “Tama na to, ako na bahala” sabi ng dalaga sa tuwa.

“Sige mauna na kami” paalam ng dalaga at tumayo narin si Jerry. “Pare” bigkas ni Kiko at biglang nagkatinginan yung dalawang binata. Napalingon si Layla at nakita niya ang seryosong titigan nung dalawa. “Oo pare I know, you can trust me” sabi ni Jerry sabay nag fist bump yung dalawa. Tumalikod na si Jerry at si Kiko binigyan ng thumb up sign ang dalaga. Napangiti si Layla at tumalikod narin.

Sabado, kaarawan ni Michelle, nagtungo ang magkakaibigan sa bahay ng dalaga at namangha yung iba sa laki ng bahay. Si yaya Nelly ang nagbukas ng gate para sa kanila at natuwa ang matanda ng makita si Kiko. “Hay naku kanina ka pa inaantay ni Michi, diretso na kayo sa garden” sabi ni Nelly kaya dinala ng binata ang mga kaibigan niya sa loob.

“Wow parang alam na alam mo na dito ha” biro ni Layla. “At home na nga ata siya dito e” banat ni Lyne. “Grabe naman kayo, e araw araw ko hinahatid si Michi e” sabi ni Kiko. “Teka nahihiya ako parang ang daming rich people e” sabi ni Ben nang makarating sila sa may garden. Madaming tao doon pero si Michi agad sila nakita at pinuntahan.

Napayakap agad siya kay Kiko, “Late kayo” lambing niya. “Traffic e” palusot ng binata. “Happy Birthday!!!” sabay sabay na sinigaw nina Ben, Lyne, Ica, Layla at Jerry. “Thanks guys. Well I wasn’t going to start the party without you all, lalo na ikaw Kiko, tara na doon tayo” sabi ni Michelle. Habang naglalakad sila ay siniko ni Ica ang binata. “Grabe ka di mo man lang binati” bulong niya. “Chill Ica, nakaplano lahat” sagot ni Kiko.

Malawak ang garden nina Michelle at madaming mga lamesa na nandoon. Sa isang gilid may nakahilerang mga buffet table at sa gitna ng garden nandoon ang isang napakalaking cake. Naupo ang magkakaibigan malapit sa gitna, nahalata ni Michelle na nahihiya ang kanyang mga kaibigan. “Uy guys naman relax lang kayo. Don’t worry they are my relatives tapos siyempre mga political friends ni daddy at mommy” sabi ng birthday girl.

“Ay eto pala Michelle o” sabi ni Ica sabay abot ng regalo. “Galing sa amin yan” banat ni Ben at pati si Layla nag abot narin. Mula sa backpack may nilabas din na regalo si Kiko at inabot sa dalaga, “Ako din meron” sabi niya. “Hala grabe naman kayo sabi ko diba no gifts” sabi ni Michelle. “E kahit sabihin mo yon kailangan ka parin namin bigyan” sabi ni Lyne at parang nahihiya na yung birthday girl.

“Grabe kayo ha, anyway tara na lets go get food” sabi ni Michelle at ang bilis tumayo ni Ben at Kiko. Lahat sila nagtungo sa food table at nagpahuli ang birthday girl at boyfriend niya para idala ang mga gifts sa sulok ng garden. Nang pabalik na sila ay may nabanggang lalake si Kiko. Nagkatitigan ang dalawang binata at kinabahan konti si Michelle pagkat siga ang itsura nung nakabangga ng boyfriend niya. “Jayps!” sabi ng isang dalaga at kumalma yung siga. “Nicka!” sigaw ni Michelle at biglang nagyakapan ang dalawang dalaga. “Happy birthday cuz, long time no see” sabi ni Nicka. “Ay grabe ang ganda ganda mo parin” sagot ni Michelle. “Uy di naman, by the way this is Juan Pablo” pakilala ng dalaga at nagngitian at kurutan yung dalawa habang si Kiko natawa pero napatingin sa malayo. “Boyfriend?” tanong ni Michelle at napangiti ang pinsan niya. “No, pet” sagot ni Jayps at nagtawanan yung apat.

“Ahem, eto naman si Francisco” pakilala ni Michelle at si Jayps naman ang natawa at napayuko ang ulo. “Bf?” tanong ni Nicka. “No, armpit hair stylist” banat ni Kiko at napahalakhak yung dalawang dalaga at sabay nila nahampas si Kiko. “Wala ako armpit hair!” sigaw ni Michelle sabay lalo pa nila pinagpapalo boyfriend niya. “Aray, magpinsan nga kayo” sabi niya. “Bugbog sarado ka din?” tanong ni Jayps. “Second life ko na nga ata to e” sagot ni Kiko at lalong nagtawanan yung dalawang dalaga.

“Francisco, ancient name” banat ni Jayps. “Juan Pablo, very Jurassic” bawi ni Kiko at muling nagkatitigan ng masama yung dalawa. “Jayps!” sigaw ni Nicka, “Kiko!” sigaw naman ni Michelle at napatigil yung dalawa. “Sorry ganyan lang kami mga boys sa umpisa” sabi ni Jayps. “Oo nga, just like dogs na una magkita nag aamuyan ng pwet. Pero civilized naman kami e” hirit ni Kiko at muling nagtawanan yung apat.

“Why don’t you join us cuz” alok ni Michelle. “Sayang, kasi may nakuha nang table si mommy and daddy, pero sleep over ako mamaya para we can catch up” sabi ni Nicka. “Kasama kami?” tanong ni Kiko at napatingin sa kanya yung dalawang dalaga. “Oh, doon nalang ako sa inyo pare” pahabol niya. “Sige, later then” sagot naman ni Jayps at biglang nag beso beso yung dalawang binata. Umariba nanaman sa tawa yung dalawang dalaga at bugbog sarado nanaman yung mga boyfriend nila sa mga hampas.

Nang nakakuha na pagkain sina Kiko at Michelle bumalik na sila sa lamesa nila. “Sorry ha natagalan kami, I just saw my cousin who I have not seen for a long time” sabi ng dalaga. “Okay lang pabalik na nga kami e” banat ni Ben. “Uy okay lang sige lang ang daming food” sabi ng birthday girl. “Pero sis teka, sobra ba kaming late?” tanong ni Layla. “Di naman, I was joking kanina no” sagot ni Michelle. “E kasi yung cake mo di pa ata nagagalaw” sabi ng kaibigan niya.

“Ah, I get what you mean. Kasi dapat mauna yung singing then blowing of candles. Kasi ganito yan, diba magwiwish ka before you blow. E di ko nakukuha wish ko dati so nung tenth birthday ko nag inarte ako na last na yon, formality nalang” kwento ng dalaga at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Ano ba kasi wish mo?” tanong ni Ica. “Si Kiko” masayang sabi ng birthday girl sabay yakap sa braso ng boyfriend niya. “Ayiheeee” sabay na landi ni Ben at Jerry pero si Kiko napangiti nalang at niyuko ang ulo.

“E di mamaya ano na iwiwish mo e nakuha mo na si Kiko?” tanong ni Lyne at napangiti yung dalaga. “Formality nalang yung candle blowing mamaya. Kasi if I make a wish by blowing the candles parang suntok sa buwan lang yon. My wish may or may not come true, so its pointless kasi di ko talaga alam. Its better making a wish knowing na may chance talaga magkatotoo diba?” paliwanag ni Michelle sabay tinignan niya si Kiko at nagngitian sila.

“Wow lalim ah, saan mo napulot yan?” tanong ni Ben. “Kay Kiko, he taught me that when we were lying here one night and staring at the stars” sabi ni Michelle at naintriga tuloy ang lahat. “Kiko? As in yang Kiko na yan?” hirit ni Ben. “The one and only” sabi ng dalaga. “Oh em gee, pare may ganon pa pala?” sabi ng binata at natawa si Kiko. “Kasi pare our wishes and dreams, sa atin naman talaga nakasalalay yan e. If we don’t make a effort and rely on the unknown then nothing is going to happen” paliwanag ng binata.

“Nosebleed” banat ni Lyne at nagtawanan ang grupo. “Hala sige na go get more food no” sabi ni Michelle at nagpunta na yung iba. “Siya nga pala Kiko, ang ganda ng pinsan ko no?” sabi ng dalaga. “I didn’t notice” sagot ng binata at bigla siya nakurot. “Asus, if I wasn’t your girlfriend I know you would say yes. Kunwari ka pa” banat ng dalaga at napangiti lang si Kiko. “E kasi if I say yes then you would be mad and get jealous” sabi niya. “Bakit ganon ba ako?” tanong ni Michelle. “Yup, pero you shouldn’t be” sagot ng binata.

“I don’t remember acting that way and I never heard you say a girl was pretty” sabi ng dalaga. “And you will never hear me say it” sagot ni Kiko. “Why?” tanong ni Michelle. “Syempre respeto. Kasi even if I am just appreciating, ayaw mo din lang na marinig yung ganon. At usually kasi pag nagsabi kami na maganda ang girl ang unang iisipin niyo like na namin agad. Di dapat ganon, for me I just know how to appreciate beauty, wag mo na lagyan kulay if ever you hear me say that. At isa pa, I think girls don’t like hearing that too lalo na from their boyfriend. Syempre feeling nila sila ang prettiest sa mata nila, which you are in my eyes by the way” hirit ni Kiko.

Napangiti saglit ang dalaga pero agad nagtaas ng kilay. “Di naman ako ganon Kiko e” sabi niya. “O good then. Ang ganda ni Yna ano? And your cousin is very pretty too” banat niya at dalawang kilay na ni Michelle at nakataas at palapit na ang kamay niya sa braso ng boyfriend niya para kurutin ito. “O you see that” sabi ni Kiko sabay ngisi. Natawa bigla ang dalaga pero tinuloy ang pagkurot sa boyfriend niya.

“You say I am the prettiest in your eyes tapos sasabihin mo pretty si Yna at pinsan ko” sabi ni Michelle at lalo natawa si Kiko. “Sabi ko nga I know how to appreciate, wag mo lalagyan ng kulay” ulit niya pero lalo siya kinurot ng dalaga. “Hoy tibo si Yna at wag mo na babalakin sa pinsan ko kasi patay ka sa sigang bf niya” landi ni Michelle.

“Grabe ka naman Michi, di naman ako ganon” drama ni Kiko at bigla siya niyakap ng dalaga. “Uy tampo agad o, I was just teasing you. Pero Kiko careful ka, si Yna tibo tapos may sigang boyfriend pinsan ko” hirit ng dalaga at sobrang natawa si Kiko. “Michi, nagsisiga sigahan lang boyfriend ng pinsan mo” sabi niya. “Ha? How can you tell?” tanong ng dalaga. “Kasi when we bumped each other he took a long time to think before putting a fighting face. Usually ang siga automatic na ang ganon” paliwanag niya at biglang tumawa si Michelle.

“Really?” sabi ng dalaga at sabay pa sila napalingon sa lamesa ng pinsan niya. “Yup, and pumayag makipag beso beso. I do understand kung nakipag joke time siya about our names pero nakipag beso beso e. I bet he is somewhat like me…nagtatago sa closet” sabi ni Kiko at lalong natawa ang girlfriend niya. “Hala ka sumbong nga kita mamaya” banta ng dalaga. “Sige lang, sa tingin ko mas siga pa si Ben diyan e. But I should say he is an interesting guy, pwede siya sa aming case study sa Psychology” hirit ni Kiko. “Pero gwapo siya” landi ni Michelle at tinignan ang magiging reaksyon ni Kiko.

“Oo nga e, gosh he is so macho papabols…oooh hard chest hmmm” pabaklang sinabi ni Kiko at natawa girlfriend niya at pinagkukurot siya. “Pinagseselos na nga kita di ka naman nagseselos” sabi niya. “E alam ko naman kasi nagbibiro ka lang e” sagot ni Kiko. “So hindi ka talaga magseselos ganon?” tanong ng dalaga. “I actually did with Kevin” sabi ni Kiko at nagulat si Michelle. “Really? As in jealous?” tanong niya. “Oo kaya, I was very jealous” sabi ng binata. Sobrang napangiti si Michelle at lalong niyakap ang boyfriend niya. “That means you really like me” bulong niya sabay humalik sa pisngi ng binata.

Trenta minutos ang lumipas at si Michelle nakatayo sa harapan ng cake niya. Sa likod niya nakapwesto ang kanyang magulang pero biglang hinila ni Efren si Kiko para tumabi sa anak niya. Nagsimula ang kantahan ng happy birthday, si Michelle sobrang bungisngis at nagpipigil ng tawa pagkat si Kiko kumakanta sa napakaarteng tinig.

Sa malapit natatawa narin si Ben at Layla, “Ano nanaman kaya kinakanta niya?” bulong ng dalaga. “Bwisit naalala ko tuloy nung birthday ko, sumabog ako sa tawa nalawayan ko tuloy buong cake” sagot ng binata at pasimple yung dalawa na nagtatawanan. Natapos yung kanta, “Make a wish anak” sigaw ni Efren. Huminga ng malalim si Michelle sabay hinawakan ang kamay ni Kiko. Humarap siya sa binata at nagngitian yung dalawa. May sinabi si Michelle pero di na marinig ng mga kaibigan niya.

Humarap ulit si Michelle sa cake sabay hinipan ang mga kandila. “Did she say her wish aloud?” tanong ni Ica. “Oo ata, then the wish wont come true” sabi ni Ben at lahat napatingin sa kanya. “Not really” biglang may nagsabi at paglingon nila yung sigang boyfriend ng pinsan ni Michelle yon. “You make a wish to the person you think who can make your wish come true. She told him her wish because she knows he would make it come true for her” sabi ni Jayps at napangiti si Nicka. “And what if he fails?” tanong ng dalaga. “At least she saw him try, compared to those candles which I suppose you wont even see walking around and singing popopopopoker face” sagot ng siga at tumawa si Nicka.

Gusto din sana tumawa nung iba pero natatakot sila kaya napangiti nalang sila lahat. Pagkalayo ng pinsan ni Michelle at boyfriend niya lumapit si Ben kay Layla. “Napansin mo yon?” bulong niya. “Oo nga e, grabe pareho sila ng style” bulong ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “Kung ako nahawa lang kay Kiko mas safe kayo pag nagsama kami. Pero imagine yang siga na yan at si Kiko nagsama, diyos miyo end of the world na” banat ni Ben at lalo natawa si Layla.

Habang busy ang lahat kumakain ng cake at nanonood ng magic show ay hinila ni Kiko si Michelle sa isang gilid. “Saan tayo pupunta?” tanong ng dalaga. “Basta tara na” sagot ni Kiko. Nakalabas yung dalawa sa gate at nagulat si Michelle pagkat nandon ang itim na SUV nila. “Come on get in” sabi ni Kiko at tuliro yung dalaga na pumasok sa kotse.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya pero inandar na ni Lando ang kotse at ngumiti lang si Kiko. “Kiko, hahanapin nila ako” sabi ni Michelle. “Hiramin lang kita saglit tapos balik tayo agad” sabi ng binata. “Okay pero where are we going?” tanong ng dalaga pero tahimik lang si Kiko.

Ilang sandali pa ay napalapit si Michelle sa bintana at napangiti. “Uy dito ako nag aral noon!” bigkas niya at biglang tumigil ang kotse at bumaba si Kiko. Lumabas si Michelle at biglang tinuro ni Kiko ang school na katapat. “How about that school do you remember that?” tanong niya at natahimik nalang si Michelle at napangiti. Tumawid yung dalawa at tinungo lang ni Kiko ulo niya at pinapasok sila ng guard sa kanilang old school nung bata sila.

Nandon parin yung puno kung saan una niyang nakita si Michelle na nakaupo sa lupa at umiiyak. Naluluha na si Michelle pero agad naman pinunasan ni Kiko ang kanyang mga mata. “I think we have some unfinished business here” bulong niya.

Dinala ni Kiko si Michelle sa likod ng puno, mula sa bag niya naglabas siya ng maliit na trapo at nilatag sa lupa. “Upo ka diyan para di madumihan dress mo” sabi niya at naupo naman si Michelle. Naupo si Kiko sa tabi niya at huminga ng malalim. “Favorite spot ko to noon, usually this is where we eat. And if ever I didn’t run away 12 years ago, this is where we would have sat down” kwento niya at lumalim bigla ang paghinga ng dalaga.

Nlaglabas si Kiko ng chocolate bar mula sa bag niya at tinignan si Michelle. “This is the same brand of chocolate bar I had that day. Happy birthday Michelle, I know its 12 years late but I am sure this chocolate bar would taste the same” sabi ng binata at

Hindi makapagsalita si Michelle, mga labi niya nanginginig, mga kamay di pa magawang tanggapin ang binibigay ng binata. “No Kiko, I am sure its way much sweeter” bigkas niya at nagngitian yung dalawa. Sumandal si Kiko sa puno, si Michelle sumandal naman sa kanya at sabay nila binuksan yung chocolate. “Do you think it would feel this way 12 years ago?” tanong ni Kiko.

“We were too young back then. Pero ganitong ganito talaga yung nasa imagination ko when I grew older. I think we were really meant to wait for 12 years” sagot ni Michelle nang nilapit ni Kiko ang chocolate sa bibig niya. “Maybe this is exactly what fate had planned for us, pero I still keep thinking about what could have happened if I didn’t run away” sabi ni Kiko.

“Do you think after we could have shared this moment 12 years ago we could be a couple now?” tanong ni Michelle. “Maybe or maybe not. I cant say but I am sure glad that we are having this moment right now” sabi ni Kiko. “Grabe me too. You just made my birthday the most memorable one” sabi ng dalaga.

“Parang Titanic no? Jack this is where we first met” banat ni Kiko at natawa sila pareho. “Kiko what do you think will happen 12 years from now?” tanong ni Michelle. “Hmmm 12 years…I don’t know, I don’t want to think of the future and the past anymore. Gusto ko right now, at this moment, this is whats important. Being with you at the present” sabi ng binata.

“Sige na Kiko, I just want to know what you think would happen 12 years from now” pilit ng dalaga. “Well 12 years from now? Siguro sinusundo natin anak natin” sabi ni Kiko at biglang kinilig si Michelle at niyakap ang boyfriend niya. “Perfect answer” bulong ng dalaga at naghalikan yung dalawa.

“Naisip ko din Kiko, if ever this happened 12 years ago wala tayong alone time” sabi ni Michelle. “Bakit naman?” tanong ng binata. “E kasi kasama ko si yaya. Sus baka makishare pa siya sa chocolate no, favorite niya kaya chocolates din” kwento ng dalaga at nagtawanan ulit sila. “We weren’t met to be together here 12 years ago, maybe that is why I ran away” sabi ni Kiko at nagkatitigan yung dalawa.

“Now that fate has brought us together there is no chance in hell that im going to let it break us apart. Your birthday wish I am going to make it come true Michelle. You don’t have to rewish it or tell me again. I heard it once and so I will make it come true”

“Gusto ko sana sabihin na itaga mo sa bato pero pagkakaalam ko pati bato nabibiyak. Kaya ganito nalang, habang akoy humihinga pangako ko sa iyo mamahalin kita magpakailanman at hinding hindi kita iiwanan…”

“…alam ko maaga pa pero Michelle mahal na mahal kita”

“I aint going anywhere”


(The moment youve been waiting for...the dream day on the next chapter)