sk6

Tuesday, July 6, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 25: Pagkilala

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 25: Pagkilala

Sabado ng umaga sa school ay masayang nagkwekwentuhan ang grupo sa hardin. “Siya nga pala Kiko, my parents want you to have dinner with us tonight” sabi ni Michelle at biglang napanganga yung binata. Lahat nakatingin kay Kiko, para siyang nanigas at di makagalaw kaya natatawa yung iba. “Half day lang naman tayo so punta muna tayo sa mall kasi magkikita kami ni Frances” hirit ng dalaga at lalong napanganga si Kiko at nanlaki ang mga mata.

“Pare say something” sabi ni Ben at lalo natawa yung mga girls. “Its so fast, I cant even enjoy my coffee” bigkas ni Kiko at kinurot siya ng girlfriend niya. “Exag ka na ha” sabi niya. “Wait, first of all kailan pa kayo naging close ng kapatid ko?” tanong ni Kiko. “The day of the debut, we exchanged numbers when I picked you up and we have been texting eversince” sabi ni Michelle at napakamot yung binata.

“E ano naman gagawin niyo sa mall?” tanong ni Kiko. “Bonding of course, kasama naman sila e. Wala lang kasi wala naman siya pasok ng sabado so I invited her out” sagot ni Michelle at biglang natawa si Ben at Layla. “Patay ka pare, wala ka nang sikretong matatago. Malaman na niya lahat” sabi ng bespren niya. “Bakit Kiko may tinatago ka bang sikreto na kailangan ko malaman?” tanong ni Michelle. “Ha? Wala naman” sagot ng binata.

“Oh so why do you seem so worried then?” tanong ng dalaga. “E syempre I do act differently at home too naman. Alam mo yon, mga galaw mo sa comfort zone mo. Syempre pag labas mo ng bahay ay may sense of decency na, pag sa bahay ay pwede ako maging cave man” paliwanag ng binata at natawa yung iba. “Oo nga nakwento na niya lahat” sabi ni Michelle at nagulat si Kiko at nagtakip ng mukha. “Oh em gee…ano ang nakwento niya?” bulong ng binata at game na game na nakinig yung iba.

“Hmmm she had a puppy” sabi ni Michelle sabay natawa konti. Lalo nagtakip ng mukha si Kiko at niyuko ang ulo. “Okay okay tama na I get it already” sabi niya. “Ano yon? Share naman” sabi ni Layla. “Michi please wag na” makaawa ng binata at biglang tumayo si Ben at naupo sa lap ng bespren niya. “Wow this is new, sige Michelle tell us. That sounds so interesting” sabi niya at talagang natawa yung dalaga.

“Si Frances daw may puppy” sabi niya at hahawakan na sana ni Kiko ang kamay niya pero pinigilan siya ni Ben at niyakap. “Sige ituloy mo lang ako bahala dito” sabi niya. “Michi please wag” makaawa ni Kiko. “Tapos daw aliw na aliw daw si Kiko tuwing matutulog na daw yung puppy. Like all dogs kasi umiikot talaga yung puppy bago hihiga” sabi ni Michelle at muling tumawa. “Maawa ka, maawa ka sa akin” kanta ni Kiko pero agad tinakpan ni Ben ang bunganga niya. “O game tuloy” sabi ni Lyne.

“Ginaya daw ni Kiko…tumayo sa taas ng kama” sabi ng dalaga pero sumabog na siya sa katatawa. “To naman o nauna yung tawa” sabi ni Layla at huminga ng malalim yung dalaga at sinubukan pakalmahin ang sarili. Napatingin siya saglit kay Kiko at muli siya tumawa. “Sige na Michelle tuloy mo na” sabi ni Ica. “Okay, tumayo siya sa kama, nagpaikot ikot daw talaga siya ng mabilis. Nahilo daw tapos bigla daw natumba sa floor…ang lakas daw ng kalabog kaya ang bilis daw nina tita at tito na sumulpot. Sinubukan daw ni Kiko tumayo, natumba ulit daw sa hilo” kwento ni Michelle at nagtawanan ang lahat.

“Pinagkamalan siyang nakainom” hirit ng dalaga at lalo pang napahalakhak. Lumayo na si Ben at tinawanan ang bespren niya. “Hello I was just trying to make my sister laugh” sabi ni Kiko pero lalo pa siya pinagtawanan nung iba. “Pero nahilo ka talaga?” banat ni Ben at napangiti si Kiko. “Oo pre kaya pala slow motion lang pag ikot ng mga doggy para tamang hilo lang. Ako sumobra e” banat ng binata at lalong napahalakhak ang mga kaibigan niya.

“Tapos meron pa daw” sabi ni Michelle. “Pag sasama ako titigil ka na?” tanong ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Hindi, pero sasama ka parin” sagot ng dalaga at napakamot nalang yung binata. “Uy joke lang yun palang nakwento ni Frances, the rest she just talks about how good you are to her” sabi ng dalaga. “Yan si Kuya Kiko” banat ni Ben. “Like when you play Barbie with her kasi wala siya makalaro, tapos one time daw nahuli ka niya naglalaro ng toy house niya and you were really talking to yourself” hirit ni Michelle at sumabog sa katatawa ang lahat habang si Kiko muling niyuko ang ulo sa kahihiyan.

Niyakap ni Michelle ang boyfriend niya sabay hinalikan sa pisngi. “May boyfriend na ako may kalaro pa ako ng Barbie” banat niya. “Pwede ba natin isama si Ben? Kasi pati siya gusto maglaro ng dolly dolly e” sabi ni Kiko. “O dinadamay mo nanaman ako e” sabi ni Ben. “Hindi pa ba nakwento ni Frances sa iyo Michi? Mamaya itanong mo” sabi ni Kiko. “Sasama ako sa mall!” sigaw ni Ben at nagtawanan ang mga girls.

Wala nagawa yung dalawang binata pagkat binuking ni Frances ang lahat ng kalokohan nila over lunch. Ilang oras din sila nagtagal sa mall at lalo pa nakilala ni Michelle si Kiko base sa mga kwento ng kanyang batang kapatid. Alas sais na kaya kinailangan na nung dalawa umalis, sabay nang umuwi sina Frances at Layla, hinatid na ni Ben sina Lyne at Ica.

Pagdating nina Kiko at Michelle sa gate ng bahay ng dalaga biglang kinabahan ang binata. “Michi, wag nalang kaya” sabi niya. “Bakit naman? Its just dinner” sabi ng dalaga. “Oo I know pero what if magkalat ako. Grabe baka sa sobrang tense di ako makapagsalita o makagalaw e” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Relax ka nga lang. Just be yourself okay? Positivity diba?” paalala ng dalaga.

“Oo nga pero ibang level na to no. Nung debut okay pa kasi maraming tao pero now tayo tayo lang at natatakot talaga ako” sabi ni Kiko. “Bakit ka natatakot?” tanong ni Michelle. “Syempre ayaw ko magkalat, ayaw ko naman na masira image ko sa kanila. Baka mamaya ayaw na nila sa akin tapos ipagbabawal ka na makipagkita sa akin kasi di ko nameet standards nila. Diba ganon naman yon, may standards ang mga magulang. Dapat ganito dapat ganyan, e pano kung di ako ganon? E di wala na” paliwanag ng binata.

“Kiko! Ano pinagsasabi mo? I like you for who you are. Be yourself. Wala ako pakialam if they don’t like you but I am sure they will like you. Actually they like you but they just want to get to know you more. Yes there are parents who dictate what should be but my parents are not like that. They are very supportive of me, happy sila pag happy ako. Kiko, its my happiness that is important to them and not the other way around. Ang sinasabi mo naman kasi e yung kung saan sila masaya doon ako type, di sila ganon. Kung saan ako masaya doon ako, at sa iyo ako masaya. Now they just want to know why I am happy with you siguro. Okay?” sabi ni Michelle at napangiti yung binata.

Pumasok na yung dalawa sa bahay kung saan nandon sa living room ang tatay ng dalaga. “Dad nandito na kami ni Kiko” sabi ni Michelle. “Oh maaga kayo, upo muna kayo at di pa luto ata yung pagkain” sabi ni Efren. “Good evening po Superman” banat ni Kiko at nanlaki ang mga mata ni Michelle. “Good evening iho seat down” sagot ng tatay ng dalaga.

“Kiko bakit mo tinawag Superman tatay ko?” tanong ni Michelle at biglang tumawa si Efren. “My name is not important, I am Efren” sabi ng tatay niya at napangiti yung binata. “Dad, a friend yon no” sabi ng dalaga. “Its just humor anak, you are lucky because he has it or else he would be just a boring guy once naubusan siya ng mga nice words to say to you” paliwanag ng tatay niya sabay tinuloy ang pagbasa sa diyaryo. Napangiti si Michelle at tinignan si Kiko na nag babounce bounce sa magandang sofa. “Sorry ang ganda ng sofa niyo e” bulong niya.

“Ang laki pa ng tv niyo” hirit ni Kiko. “Ay gusto mo manood?” alok ng dalaga sabay kuha sa remote control. “Ay hindi touch screen tv niyo?” tanong ng binata at biglang napatingin si Efren. “Touch screen? Meron na bang ganon?” tanong niya. “Yung sa amin po touch screen, kasi nasira ko yung remote e kaya kailangan mo lapitan yung screen para maglipat ng channel” paliwanag ng binata at biglang sumabog sa tawa ang mag ama. “I really like this guy” sabi ni Efren at sobrang tuwa ni Michelle at hinawakan ang kamay ni Kiko.

Bumaba galing sa taas si Melanie at lumapit sa salas, biglang tumayo si Kiko at nginitian ang nanay ng dalaga. “Grabe you don’t have to be that polite” sabi ni Michelle. “Ay hindi akala ko tatawagin na niya tayo para kumain” banat ng binata at biglang natawa si Efren at ang asawa niya. “Honey yung tv daw nina Kiko touch screen” sabi ng tatay ni Michelle. “Talaga? Bago?” tanong ni Melanie. “Hindi, sira daw yung remote kaya kailangan mo lapitan yung screen kung gusto mo maglipat ng channel” kwento ni Efren at muling nagtawanan ang mag asawa.

Nakangiti lang si Kiko, sumandal si Michelle sa kanya at sobra siyang natutuwa na nakikitang nagtatawanan ang kanyang mga magulang. “Kain na!” sigaw ni Nelly kaya agad nagtungo ang apat sa may dining area. Namangha si Kiko sa laki ng bahay nila lalo na sa laki ng dining table.

Magkatabing naupo si Michelle at Kiko at sa tapat nila ang mga magulang ng dalaga. Sa harapan nila may tig isa silang bowl ng sopas, sa plato nila may mashed potatoes at malaking steak. Pinagmasdan ni Kiko ang dami ng mga kutsara at tinidor malapit sa kanyang plato, napansin siya ni Michelle kaya agad siya lumapit. “Kiko ito para sa…” sabi niya pero agad siya tinignan ng binata.

“Oo alam ko, three sizes ng kutsara, three sizes ng tinidor. Pag madami pang sopas gamitin ang pinakamalaki. Pag kalahati na ang sopas gamitin ang medium spoon, pag halos ubos na gamitin na yung baby spoon” banat niya at biglang nagtawanan ang tatlo habang si Kiko napatingin sa kutsilyo sa tabi ng plato niya.

“Ito ang mali” sabi niya kaya napatigil yung tatlo. Kinuha ng binata ang kutsilyo sa tabi ng plato ni Michelle sabay nilayo. “Dapat walang ganito na malapit sa iyo, mahirap na baka masugat ka. Ako nalang maghiwa ng steak mo” sabi niya. Napangiti si Melanie at Efren habang pinapanood ang binata na hiwain ang steak sa plato ng anak nila. Si Michelle nakayuko konti ang ulo, napatingin siya sa mga magulang niya at todo siyang napangiti. “Mahirap na baka masugat kamay mo, pag nasugat kamay mo wala nang maglalaba, wala nang maghuhugas ng plato, kaya dapat ingatan ang kamay mo” sabi ni Kiko sabay ngisi.

Tumaas ang kilay ni Michelle, “Biro lang” pahabol ni Kiko at muling nagtawanan yung mag asawa. “Youre so sweet Kiko” bigkas ni Melanie pero biglang kinuha ni Efren ang kustilyo at pati siya pinaghihiwa ang steak ng asawa niya. Natawa si Michelle at mommy niya, “Daddy o gaya gaya” tukso ng dalaga. “Oy ginagawa ko to noon, buti nalang nandyan si Kiko para ipaalala ang mga dati kong ginagawa para sa mommy mo” sabi ni Efren kaya nagngitian nalang ang mag ina.

Habang kumakain ay napatigil si Kiko. “Bakit hindi kasabay sina yaya Nelly?” tanong niya. “Ah mamaya na sila” sagot ni Melanie. “Ah, kasi mas masarap po yung pagkain pag mainit. Tapos mas makakatipid sa oras pag sabay sabay na kumain para minsanan na yung pagliligpit at paghugas. Ang natipid na oras pwede nila gamitin para sa rest period or pagliwaliw” bigkas ng binata sabay niyuko ang ulo at tinuloy ang pagkain.

Nagkatinginan sina Michelle at mga magulang niya, si Efren napangiti at tinignan ang binata. Biglang tumayo si Melanie at nagtungo sa kusina. Pagbalik niya kasama na sina Nelly at iba pang kasambahay. Nagngitian nalang sina Michelle at magulang niya at lalong nabilib yung dalaga sa kanyang boyfriend.

Nang matapos na ang lahat sa pagkain, dessert naman ang kanilang pinapak. “So Kiko I heard that you are taking up Psychology at itutuloy mo daw sa medicine. Why did you choose that course?” tanong ni Melanie. “Dati po kasi ang goal ko lang ay para maintindihan ko lalo ang sarili ko. I am actually fond of how people act and think. Lately it seems my goal has changed. This time I want to fully understand why I am in love with your daughter. I can easily give reasons but when I do its just not right, if I try to explain why I really cannot. There is this immense feeling deep inside of me that tells me I am in love with Michelle but I cannot justify in mere words. Maybe when I graduate and become a doctor then I can fully understand why I am in love with her” sagot ng binata.

Hindi tuloy malunok ni Michelle ang kinakain niyang cake, isang kamay niya napakapit sa lamesa habang tibok ng puso niya kay bilis. Si Melanie at Efren napabilib nanaman ng binata at halos namuo na ang luha sa kanilang mga mata. “Ay may nakalimutan ako” sabi ni Kiko. “Ano?” tanong ng dalaga. “I thank you” banat ng binata sabay kumaway na parang beauty queen at nagpacute. Sumabog ang lahat ng tao sa katatawan at muling napaghahampas ni Michelle ang boyfriend niya sa tuwa.

Nang mahimasmasan ang lahat ay biglang nagseryoso si Efren at tinitigan si Kiko. “Madali magsalita Kiko, I know that kasi I am in the political field. Words are useless without true action. You say you love my daughter, our only daughter, and take note our only child. When she says she likes you I have to believe her, but when you say the same you cant blame me if I still have doubts. Will you take care of her like the way me and her mom does?” tanong niya.

“Daddy naman” bulong ni Michelle. Napalunok si Kiko at tinignan ang girlfriend niya saglit at nginitian. “Its okay” bulong niya. Humarap ang binata sa ama ng dalaga at huminga ng malalim. “Alam ko po na hindi tayo pwede umasa lang sa mga salita, kahit nga mga pangako nababali e. Totoo po na words are just words, kailangan po ipakita talaga. Pero po lahat ng nabibigkas ko di lang po basta basta binibigkas ng bibig ko. When I say I love your daughter I really mean it and I don’t blame you if you have doubts”

“When I said I love you to Michelle I must admit parang kulang talaga e. Tulad ng sabi ko yung totoong nararamdaman ko di ko kaya ilagay sa mga salita. Yung pagsabi ng I love you alam ko big deal na yon pero sa society natin ngayon parang they are just casual words already easily spoken but believe me when I told your daughter I love her I honestly meant it. It wasn’t enough so I had to kiss her even if you were watching. That was the only way I could truly express what I feel inside”

“But of course its not through kissing only, we have been together for a week now, give me time to show her how special she is to me. I am sure she would tell you about it. Pero makakrinig din po kayo ng mga bad traits ko siguro, hindi po naman ako perpekto kasi. Pero kung may ayaw po siya magbabago ako para sa kanya. Kaya sana po kung may marinig po kayo na may mali ako wag niyo naman po ako agad husgahan, iwawasto ko po naman. We barely started and we are still getting to know each other better. I have flaws and eventually she will see them, but for her I will be better. She told me she likes me for who I am but I am not satisfied with that, for her I can be better and you would agree with me that she deserves that”

“As for taking care of her like the way you do I am sorry I cannot do that. The care you have for her is care from parents to a child, what I can promise is something different, I am not here is take your place, I am here to add myself as one person who likewise loves her. Rest assured I will take care of her heart, I promise to keep it happy just like the way she makes mine. These are just words so give me time to prove it” sagot ng binata.

Halos luhaan na ang lahat ng tao sa lamesa, si Michelle at Melanie di na napigilan ang pagtulo ng luha nila habang si Efren nagmamatigas at pinipigilan ang pagbagsan ng sa kanya. “Ahem, well so far I can see that you are doing a good job. Do you like basketball?” tanong ni Efren. “Opo” mabilis na sagot ng binata. “Oh good tara may NBA game ngayon” alok ni Efren at agad umalis yung dalawa at nagtungo sa salas.

Napatingin si Michelle sa mommy niya na lumuluha, bigla sila napangiti sa isat isa at nagtawanan nang nakita nila pati si Nelly ay nagluluha. “Ma, is he okay?” tanong ng dalaga. “Di lang okay, nagseselos na ako anak” sagot ni Melanie at lalo sila nagtawanan. “Pero si daddy kaya?” tanong ng dalaga at napangiti ang mommy niya.

“Alam mo ba pagkauwi natin after the debut your dad couldn’t stop laughing dahil sa bowtie ni Kiko. He actually took a picture of you two at tawa siya ng tawa tuwing makikita niya yon sa phone niya. Tell me when was the last time you saw you dad watch basketball?” sabi ng nanay niya.

“I don’t remember. All I know he asks me to check the net for results” sagot ni Michelle. “And now may kasama na siya nanonood. When was the last time you have seen your dad jolly and always laughing? Ngayon nalang ulit and eto, araw araw tumatawag yan from the office to check pag nakauwi ka na. Pero this week amazingly he never did, that just means he trusts Kiko already. So yes anak your dad likes him too” sabi ni Melanie.

Parang sasabog na puso ng dalaga sa tuwa dahil sa narinig niya. Paglingon niya sa salas ay nakita niyang magkatabing nakaupo ang tatay niya at boyfriend niya at masayang pinapanood ang telebisyon. “Pero mommy baka aagawin nalang lagi ni daddy si Kiko” bigkas ng dalaga at nagtawanan sila lahat sa lamesa.

Nang natapos ang basketball ay nagpaalam na si Kiko. Inutusan ni Efren si Lando para ihatid ang binata pero nagtampo bigla si Michelle. “Dad, di ko man lang siya nakasama, pwede ba doon muna kami saglit sa garden?” hiling ng dalaga. “Oh sure anak, sorry ha at pareho pala kaming maka Lakers ni Kiko e. Sige go ahead, basta after ipahatid mo nalang siya kay Lando” sabi ni Efren at agad hinila ng dalaga ang boyfriend niya palabas ng bahay.

Sa may hardin ay naglakad lakad yung dalawa habang magkahawak ang kamay. “Kiko sobra akong masaya tonight” sabi ni Michelle. “Yeah ako din, akala ko talaga magigisa ako e” sagot ng binata at nagtawanan sila. “Alam mo ba ito gawain ko sa gabi, maglakad lakad dito sa garden. Dati I imagine walking with a faceless guy with your name, now look its all true now” sabi ng dalaga.

Tumigil si Kiko at hinarap si Michelle. “Maarte ka ba?” biglang tanong niya. “Ha? What do you mean?” sagot ng dalaga. “If I tell you to lie down sa grass hihiga ka?” tanong ni Kiko. “What for?” tanong ni Michelle. “Basta will you do it?” tanong ng binata. “Yes pero bakit ko gagawin yon?” sagot ng dalaga.

“Do you trust me?” tanong ni Kiko at kinakabahan na yung dalaga. “Oo pero…” sagot ni Michelle. Inalalayan ni Kiko mahiga sa damo ang dalaga, nahiga din si Kiko sa tabi niya sabay tinuro ang langit. “Clear sky” sabi niya.

“Oo nga no” bigkas ni Michelle sa tuwa habang pinagmamasdan niya ang mga bitwin sa langit. “Michelle you can trust me. I love you too much to disrespect you” bulong ng binata. Hinawakan ni Michelle ang kamay ng binata at pinagmasdan lang nila ang kalangitan. “Sorry Kiko if I thought of bad things” bigkas niya.

“Bad things? Actually they are good things pero at the right time” banat ng binata at biglang tumawa si Michelle at kinurot siya. “Loko ka ha” landi niya. “Bakit? Eventually we will get to that stage naman e pero we don’t need that yet. I am just happy being with you. Kung pwede ganito na nga lang sana habang buhay e. You and me just staring at the stars, wala nang iniisip na ibang bagay” sabi ni Kiko. “Oo nga e, if life was just that easy sana nga ganito nalang” sangayon ng dalaga.

“Look o shooting star! Dali make a wish!” sigaw ni Michelle sabay turo sa langit pero biglang tumawa si Kiko. “Michi, you don’t have to do that” sabi niya. “Why? They say if you make a wish it might come true” paliwanag ng dalaga. “Yeah that’s what they say but most often it does not. Why do you waste your time making wishes on rare heavenly occurrences? If you want to make a wish that will come true, make that wish to me while holding my hand” sabi ng binata.

Napatingin si Michelle kay Kiko, “Nagpapatawa ka nanaman?” tanong niya. “Nope, hold my hand and make a wish. Say it out loud so I can hear it” sabi ng binata. “And then?” tanong ni Michelle at tinignan siya ng boyfriend niya. “Then with all my might I will make that wish come true for you. Isnt that better than making a wish on a shooting star? At least makikita mo na that I will be trying to make that wish come true whereas sa shooting star di mo na nakikita muli” paliwanag ng binata at muling napahanga ang dalaga sa kanya.

Hinigpitan ni Michelle ang paghawak niya sa kamay ni Kiko at nilapit ang mukha niya sa mukha ng binata. “I wish to be with you forever” bulong niya. Napangiti si Kiko at hinaplos ang pisngi ng dalaga, “I wish to be with you forever too” bulong din niya sabay halik sa labi ng dalaga.

(OY SA MGA NAGCOPY PASTE NG MGA QUOTES...LAGYAN NIYO NAMAN NG NAME KO. WAG KAYO MAFEELING MASYADO AHAHAHAHA. Give credit where credit is due sabi nga e.

One more chapter before the major hurt...i might be busy and gone for a while..."sir bakit di niyo pa ipost lahat?" DUH!!! Libre na nga may angal ka pa ahahahahaha...sayang naman yung 0.08 cents na kinikita ng blog ko per day pag minsanan. )0.08 cents...oo dollars pero convert niyo nga...what do you think can that buy? Hahahahahaha isang candy isang araw? Geez)