Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Chapter 27: Ang Nakatakda
Katatapos lang ng preliminary exams nila kaya nagkakabiruan sina Kiko at Ben sa kanilang tambayan. “Bakit mo ako nilawayan?!!!” sigaw ni Ben. “Sabi mo masakit ang tiyan mo kasi Benditaaaa. E kaya ko naman magpagamot e” landi ni Kiko at halos mamatay na sa tawa si Jessica. “Tama na masakit na tiyan ko” sabi niya kaya biglang lumapit ang binata sa kanya.
“Kiko!!! Wag!!!” sigaw ng dalaga at si Ben naman ang natawa. “Masakit daw tiyan niya o” sabi niya at si Kiko nilakihan ang mata at lalo pa nilapitan yung dalaga. “Kikooo!!!” sigaw ni Ica at nilabas na ng binata dila niya. “Hoy! Manyakis!” biglang sigaw ni Layla na kadadating lang. Napatingin sa kanya si Kiko at bigla itong napaupo sa lupa.
Titig na titig ang binata sa kaibigan niyang babae, dahan dahan siyang napapahawak sa puso niya at tila di siya makahinga. “Ano nanaman inarte yan ha?” tanong ni Layla. “That blouse” bigkas ni Kiko at parang nahiya yung dalaga. “Yeah I know you saw this kind of blouse with Michelle” sabi ni Layla. “What?!!!” sigaw ni Kiko at nagulat ang lahat. “Sorry na, sobra yung binigay mong pera na pambili ng gift niya. Pero magkaiba naman kulay kinuha ko e. Pink sa kanya at eto akin red” paliwanag ng dalaga. Hirap talaga huminga si Kiko, si Ben lumapit sa kanya at pinagmamasdan lang. “Di na bebenta yang gimmick mong yan” sabi niya.
Naghahabol ng hininga si Kiko at minamasahe na dibdib niya. “Pare? Okay ka lang?” tanong ni Ben. “Sus acting lang yan” sabi ni Layla pero lumapit si Ica sa binata at napasigaw siya. “Oh my God he is having a panic attack!” sabi niya. “Ano?!!!” sigaw ni Layla at agad nila nilapitan si Kiko na talagang naghihingalo na. “Hoy pare ano nangyayari sa iyo?” tanong ni Ben at inuuga kaibigan niya.
Pinaypayan nila si Kiko at pinahiga sa damuhan. Talagang naghahabol siya ng hininga kaya pati yung mga babae nagpapanic. “Ica doon ka bantayan mo baka dumating si Michelle, wag mo siya palapitin dito baka may hysterical yon. Kami na bahala ni Ben dito” sabi ni Layla at agad nagtungo ang dalaga sa gilid ng building para magbantay. “Dalhin nalang kaya natin siya sa clinic?” tanong ni Ben. “Wag na pare” sabi ni Kiko at dahan dahan ito bumangon.
“Are you okay?” tanong ni Layla. “Oo pero Lay favor, pwede bilhan mo ako water” hiling ng binata. “Oo naman, teka lang ha I wil be right back” sabi ng dalaga at agad na umalis. Tumayo si Kiko at naupo sa bangko, niyuko niya ulo niya at muling napahawak sa dibdib niya. “Pare ano problema? Tara sa clinic?” tanong ni Ben. “Hindi pare, yun suot ni Lay, ganon na ganon ang design sa shirt na suot ni Michelle sa dream ko” paliwanag ni Kiko.
“Oh my…tapos pink pa sabi mo dati and Layla got her a pink shirt” sabi ni Ben at parang lalong tumamlay ang kaibigan niya. “Pare its really going to happen” sabi ni Kiko at di alam ni Ben ang gagawin niya. “Ang masama galing pa pala sa akin yung shirt na yon” dagdag ni Kiko. “Tsk badtrip naman si Layla e, dapat hindi niya yon binili” sabi ng bestfriend niya.
“Pare wag mo siya pagbintangan, she didn’t know. Its my fault kasi I asked her to buy something for Michelle. Kung sumama sana ako then I would not have bought that shirt. Wala siya kasalanan. Napaglaruan nanaman ako ng tadhana pare, badtrip talaga! Akala ko okay na e. I was not having that stupid dream anymore tapos eto na pieces of the puzzle almost complete, yung araw nalang na hihiwalayan niya ako inaantay ko. What makes it worse pare after her birthday she has been acting weird. Ayaw ko mag isip ng negative e. Ben may taning na ako pare” sabi ni Kiko.
“Sorry im late, grabe kinausap ko pa kasi yung director namin e, kasi naman yung bwisit na…Kiko whats wrong? Why the sad face?” tanong ni Michelle at nagulat yung dalawang binata. Si Jessica pasimpleng naupo sa tabi ni Ben. “Sorry” bulong niya. “Okay lang, he is okay na ata” sagot ng boyfriend niya. Naupo si Michelle sa tabi ng boyfriend niya at hinaplos ang likod. “Are you okay?” tanong niya. “Oo naman, napagod lang ako siguro” palusot ng binata. “Bakit ano ba ginawa mo?” tanong ng dalaga. “Ano pa nga ba kundi isipin ka” banat ni Kiko at napakurot si Michelle sa kanya.
Dumating si Layla dala ang tubig, napaturo si Michelle sa kanya. “Hey I have a blouse like that. Kiko gave it to me nung birthday ko” bigkas niya. Si Kiko napasimangot habang si Layla napangisi. “Ows? Wow anong kulay sis?” tanong ng dalaga. “Syempre pink, ayaw ko sana isuot yon kasi bigay ni Kiko e pero sige isusuot ko bukas” sagot ni Michelle at napayuko ulo ni Kiko. “Kiko samahan mo pala ako dito bukas sa school ha” hirit ng dalaga.
“Ah hindi pwede!” sabi agad ni Ben at napatingin sa kanya yung dalaga. “May lakad kami ni Kiko bukas” pahabol niya. “Kiko? May lakad kayo?” tanong ni Michelle. “Ah wala, sige samahan kita bukas” sagot ng binata. “Pare! Pare! Hindi pwede!” sabi ni Ben at tinignan siya ng bestfriend niya. “It has to be done” bigkas ni Kiko at si Ben parang naramdaman na niya ang sakit na dinaramdam ng bestfriend niya.
“Oh since last day na natin tara sa mall” alok ni Lyne na kararating lang. Agad humawak si Kiko sa kamay ni Michelle at tinignan si Lyne. “May lunch date kami ni Michi e” sabi niya. “We do?” tanong ng girlfriend niya at nagkatitigan sila. “Yes we do” sabi ng binata. “O may date sila, tayo tayo nalang, darating pa si Jerry” sabi ni Ben. “Pero last day na, tapos Christmas break na matagal tayo di magkikita” sabi ni Lyne.
“Sus, magkikita tayo lahat sa birthday ni Frances” sagot ni Ben at napatingin si Kiko sa kanya. “Tama diba pare? Invited lahat doon?” hirit ng bestfriend niya. “Oo naman” sagot ni Kiko. “O tara na then, saan mo naman ako idate today?” landi ni Michelle at napangiti nalang si Kiko.
Nang nakaalis na yung dalawa ay naupo muna ang lahat habang inaantay si Jerry. “Ben whats wrong?” bulong ni Ica. “Later, not here” sagot ng binata. “Ay! I forgot my phone sa locker ko!” sigaw ni Layla. “Tara sis samahan kita” alok ni Lyne at agad umalis yung dalawa. “Tell me now” sabi ni Jessica at huminga ng malalim si Ben.
“Kiko had a panic attack because of the blouse of Layla. It had the same design as the blouse Michelle wearing in his dream but it was pink. What made it worse was Layla said she bought the same blouse for Michelle and its pink. Kiko asked Layla to buy a gift for Michelle and that is what Layla got” paliwanag ni Ben. “Oh my God, one step closer” bigkas ni Ica.
“Di lang one step, Michelle said that she was going to wear it tomorrow” sabi ng binata at biglang napatayo si Jessica. “Ha?!! So bukas na?!!!” tanong niya. “Kaya nga I was trying to stop them e. Kunwari may lakad kami” sabi ni Ben. “Hala! Pero how sure naman kayo na mangyayari yon?” tanong ng dalaga. “Well Kiko said Michelle has been acting weird after her birthday” sagot ni Ben.
Muling napaupo si Ica at natulala nalang. “Hala naman, grabe its going to come true talaga?” tanong niya. “Oo ata e, and I understand why Kiko suddenly said they have a date. Last date na nila” malumanay na sabi ni Ben. “Ben! We have to do something” sabi ni Ica. “What can we do? How can we stop fate? Kumpleto na ang lahat para bukas, what do you think we can do to stop it?” sumbat ng boyfriend niya.
“We just have to be there tomorrow for Kiko” pahabol ni Ben at napasandal si Ica sa kanya. “I cant imagine how we are going to cheer him up” bulong ng dalaga. “We wont, we don’t have to say anything. Ang importante nandon lang tayo after” sabi ni Ben at naiyak na ng tuluyan ang dalaga.
Sa loob ng isang restaurant magkatabing nakaupo si Kiko at Michelle. “Akala ko ba you like seating across?” tanong ng dalaga habang nilalagay ng waiter ang mga pagkain sa lamesa. “E kasi pag across ako I cant hold your hand” sagot ng binata at mula pa pag alis nila sa school ay di binibitawan ni Kiko ang kamay ng dalaga. “Kiko we are going to eat no, you have to let go of my hand. Pwede mo naman hawakan ulit mamay after eating” sabi ni Michelle.
“Pwede ba try natin kumain while holding hands? May tig isang kamay pa naman tayo diba?” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Ikaw ha, sige pero babagal tayo kumain” sabi niya. “The better para mas matagal pa kita makasama” sagot ng binata. “Ikaw ha, kakaiba ka today baka may plano ka nanaman na mega joke” sabi ni Michelle. “Wala no, wala lang para naman maiba. Tara kain na tayo” sagot ni Kiko.
Ang tagal nila kumain, si Michelle sobrang saya, di naalis ang niti sa mukha niya. Si Kiko naman bawat pagkakataon tinitignan niya yung dalaga, tinitiis ang kirot sa kanyang puso at sinusulit ang bawat segundo na kasama ang mahal niya.
Alas sais na ng gabi nang mahatid ni Kiko si Michelle sa bahay nila. “Kiko, I had so much fun today pero alam mo may napansin ako sa iyo” sabi ng dalaga habang naglalakad lakad sila sa may garden. “Na mahal na mahal kita?” tanong ni Kiko at napangiti yung dalaga. Humarap si Michelle sa boyfriend niya at tinitigan. “You never cracked a joke the whole time we were together” sabi niya.
“Ah nauubusan din kasi ako, don’t worry mag iisip ako ng madami” sabi ni Kiko. “No, youre jokes are always original. Spontaneous sila, they are about anything that you notice around or current events. Hindi naplaplano jokes mo e kaya I know hindi ka mauubusan. Your mind is preoccupied Kiko, may iniisip kang malalim” sabi ni Michelle.
“Ikaw laman ng isipan ko” palusot ni Kiko. “If I ask you right now what is bothering you will you tell me?” tanong ni Michelle. Nagkatitigan yung dalawa ng matagal pero si Kiko hindi kaya sabihin ang dinadamdam niya. Huminga ng malalim yung dalaga sabay hinaplos ang mga pisngi ng boyfriend niya. “Here let me help you take your mind off it” bulong niya.
Hinalikan ni Michelle si Kiko sa labi, ang mga bumabagabag sa isipan ng binata unti unting nabura. Napayakap siya sa dalaga at lalo pa nagtagal ang halikan nila. Dalawang minuto ang lumipas ay kumalas si Michelle at tinignan si Kiko. Nakapikit parin ang mga mata ng binata at bakas ang saya sa kanyang mukha. “Psst tapos na” bulong ng dalaga. “Tapos na?” tanong ni Kiko. “You feel better now?” tanong ni Michelle. “Supercali…basta yon na may shows sa huli” banat ni Kiko at natawa ang dalaga.
“Michi madami pa ako prinoproblema e, gamutin din sila lahat” lambing ni Kiko at lalong napahalakhak si Michelle. “Ayan bumalik ka na sa normal” sabi niya. “Hindi talaga madami pa ako iniisip na problema. As in talaga” hirit ni Kiko kaya tinuka siya sa labi ni Michelle. “O ayan okay na?” tanong niya. “Ay alam mo naalala ko yung old problems ko” banat ng binata at pinagkukurot na siya ng dalaga.
Narinig nila nagbukas ang backdoor at lumabas si Efren na nakangisi. “Oh nandyan pala kayo. We are about to eat dinner, come inside” alok ng tatay ng dalaga. “Dad tapos na kami kumain” sabi ni Michelle. “Opo at paalis narin po ako” sabi ni Kiko. “Oh okay, sige at gutom na ako” sabi ni Efren at pumasok sa bahay. Pagtalikod nung dalaga bigla sila napatigil sa sigaw ng tatay ng binata. “Honey! May problema ako gamutin nga!” sabi ni Efren.
Nagtawanan sina Kiko at Michelle at nagtungo sa gate. “Grabe nahihiya na ako sa dad mo. Lagi nalang niya tayo nakikita naghahalikan” sabi ni Kiko. “Sira okay lang. Alam mo ba yung touchscreen joke mo kinalat niya sa lahat ng kakilala niya. He really likes you a lot” kwento ni Michelle. “E yung ibang suitors mo like din ba niya?” biglang tanong ni Kiko at nagulat yung dalaga. “Loko ikaw palang yung unang lalakeng nakapasok dito sa loob ng bahay. I mean a guy na suitor ganon. Hanggang dito lang sila sa gate no at tinatarayan sila sobra ni daddy. Okay lang I really never liked them anyway” sabi ng dalaga.
“E for sure madami ka parin suitors na umaaligid” sabi ni Kiko. “Meron din, tulad nung may social event kaming pinuntahan the other day. Pero inuunahan sila ni daddy. As in nakakatawa siya, kasi naman ako ayaw ko maging bastos so if they talk to me I do talk to them too. SI daddy susulpot bigla at sasabihin na sana sumama boyfriend ko daw. Tapos meron pa sabi niya na invited sila sa kasal natin but of course he was just trying to get rid of them and you should have seen the reaction on their faces” kwento ni Michelle.
Sobrang natawa si Kiko at agad hinalikan sa pisngi ang dalaga. “Its getting late mauna na ako ha” paalam niya. “O sige, you take care ha and call me at once pagdating mo sa bahay niyo” sabi ni Michelle. Tumalikod na si Kiko at napansin ng dalaga na talagang masaya na siya. “See you tomorrow Francis” bati niya.
Biglang napatigil si Kiko at agad tumalikod. “You called me Francis?” tanong niya at muling bumabalik ang kaba at sakit sa puso niya. “Yup kasi name mo naman yon e” sabi ni Michelle. “But you never called me Francis, laging Kiko” sagot ng binata. “Ay ayaw mo ba tawagin kitang Francis? I find it cute bigla e” sabi ni Michelle. “Ah okay lang, nabigla lang ako kasi its rare that people call me that” sagot ni Kiko. “Sanayin mo na Francis” landi ni Michelle at napangiti si Kiko. “O sige see you tomorrow” sabi ng binata sabay tumalikod na.
Masaya na siya kanina pero mula nung marinig niya pangalan niya napatingin nalang siya sa langit at pinikit ang kanyang mga mata. “Bigyan mo naman ako tsansa lumaban” bulong niya sa langit.
Hindi nakatulog si Kiko, pagtingin niya sa desk clock niya ay alas singko na ng umaga. Naligo na siya at pagbalik sa kwarto ay binuksan ang cabinet niya para mamili ng damit. Napabuntong hininga nalang siya pagkat iisa lang yung shirt niya na nandon at yun pa yung eksaktong shirt na suot niya sa kanyang panaginip. Kinuha niya shirt niya at naupo siya sa kanyang kama. Ang tagal niyang tinitigan shirt niya kaya di niya namalayan na trenta minutos na siyang nakatanga.
Paglabas niya ng kwarto ay saktong palabas narin si Teresa sa kwarto nila. “O anak ang aga mo, may date ka?” tanong ng mommy niya. “A date with destiny” bigkas ni Kiko at parang zombie lang na dinaanan ang nanay niya at bumaba ng hagdanan. Hinabol ni Teresa ang anak niya pero nakalabas na si Kiko ng bahay. “Anak are you okay?” pahabol ni Teresa. Tumigil si Kiko at napatingin sa langit, “Don’t make plans for this afternoon. I will be needing someone to talk to when I get home” sabi nalang niya.
Tulala si Kiko, malayo ang iniisip, tawid lang siya ng tawid sa kalsada at kahit na muntikan na mabangga ay wala siyang pakialam. Nakarating siya sa school at binati siya ng kaibigan niyang guard pero dinaanan niya lang ito. “Wow cold treatment” bigkas ng guard pero diretso lang ang lakad ng binata.
Pagdating ni Kiko sa hardin ay hindi siya naupo, nanatili siyang nakatayo at tumingin sa langit. Di nanaman niya namalayan ang oras, may kumalbit sa kanya at paglingon niya si Kevin yon. “Hey give this to Michelle” sabi ng binata sabay abot ng script. Kinuha lang ni Kiko ang script sabay muling tumingala.
Malakas ang sinag ng araw, walang ulap sa kalangitan at mahalimuyak ang simoy ng hangin sa hardin. Kahit saan siya lumingon kay daming magagandang bulaklak, hindi naman niya hilig yon ngunit siya ay naakit sa kulay at ganda nila.
“Francis?” may tumawag sa pangalan niya at agad niya nabitawan yung script at napalingon yung binata. Sa harapan niya isang magandang dilag na nakasuot ng pink shirt ngunit may simangot sa kanyang mukha. “Michelle…bakit? Ano nangyari?” tanong niya. Alam naman niya ano ang mangyayari pero hinayaan nalang niya ang masunod ang gusto ng tadhana.
“Upo tayo saglit at mag usap tayo” sabi ng dalaga at sa malapit na bench sila nagtungo. Pagkaupo nila napansin ni Francis ang luha na dumadaloy sa mukha ng babae. “Ano nangyari? May problema ba?” tanong niya. Di sumagot si Michelle at nang haplusin ni Kiko ang likod niya ay sinaway niya ito. “Wag please” hiling niya.
“Tell me what’s wrong. Bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. Dahan dahan humarap si Michelle sa kanya at hinila ang isang kamay ng binata para mahawakan. “Kiko…wag ka sanang magagalit sa akin” bulong ng dalaga at lalong tumulo ang kanyang luha. Kinakabahan na si Kiko, ito na nga yung araw na ilang beses niyang napanaginipan, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalaga at pinagmasdan ito.
“Sige ano ba yon?” tanong niya. “Kiko…mahal kita sana maniwala ka…pero Kiko may nahanap na akong iba” bigkas ni Michelle at dahan dahan niya tinignan ang binata. Tila nanigas si Kiko, nanghina ang mga kamay at napabitaw sa kamay ng dalaga. Mga labi niya nanginginig at may matinding kirot sa dibdib na naramdaman. Ilang beses na niya napagdaanan tong araw na ito, kahit handa na siya sobrang sakit talaga ang nararamdaman niya. Napayuko si Kiko, mga luha namuo na sa mga mata niya. Halong lungkot at galit na ang nararamdaman niya, nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya kaya tumingin siya sa malayo. Nakita niya yung script sa lupa, biglang may malakas na hangin ang umihip at nagbukas ang folder. Nabasa ni Kiko ang mga unang linya at biglang nanginig ang kanyang mga labi.
Ngumiti lang si Kiko at niyuko ang ulo. “Kiko sorry talaga” sabi ni Michelle. “Okay lang” sagot ng binata at may isang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. “Kiko I am really sorry” sabi ng dalaga at tahimik nalang ang binata ngunit napapanatili ang ngiti sa kanyang mukha. “Say something please” sabi ni Michelle pero tuluyan nang bumitaw ang mga kamay ni ng binata. Ilang minuto din siya nagpaliwanag pero di gumagalaw si Kiko, nanatiling nakayuko ang ulo at din a tumigil ang pagpatak ng mga luha niya sa damuhan.
“I am so sorry Kiko” bulong ni Michelle sabay humalik sa pisngi ng binata. Tumayo siya at tinignan muli ang binata saka tumalikod at naglakad palayo.
“Bwisit ka! Bakit ka ngumingiti?” sigaw ni Michelle at sinugod ang boyfriend niya at niyakap. May mga luha parin sa mata ni Kiko pero ang lakas ng kanyang tawa. “Kiko naman e, sayang ang galing na ng acting natin e. Bakit ka kasi ngumiti?” tanong ng dalaga at si Kiko biglang tumayo, tumingin sa langit at napasigaw ng malakas.
“Kasi masaya ako!!!” sigaw ng binata at ang tindi ng halakhak niya. Hinila siya ni Michelle at muli siya naupo. Pinunasan ng dalaga ang mga luha sa mukha niya at pinaghahalikan ang boyfriend niya. “Grabe ang galing mo din mag acting, nabilib ako nung talagang lumuha ka. Pero nakakainis ka perfect na sana pero ngumingiti ka naman kasi” sabi ni Michelle.
“E first time ko mag acting no at di ko alam yung script” sabi ng binata. “Ha? Tama naman mga pinagsasabi mo from the start. Wait, you didn’t read the script?” tanong ng dalaga. Tinuro ni Kiko ang script sa lupa, “Oo that one, I told Kevin to give that to you yesterday” sabi ng dalaga. “He just gave it to me a while ago” sagot ni Kiko at sobra talaga ang saya niya at nanggigil at niyakap si Michelle. “Hoy ano ka ba? Wait loko yon ha, sabi ko ibigay niya sa iyo kahapon e. Bwisit kasi yon e, he knows tayo na nga pero nanliligaw parin. So yesterday I told him that I cant work with him anymore”
“I talked to our director at talagang sinumbong ko siya. Pumayag naman yung director namin pero sabi niya I have to find another actor then I said ikaw, so inutusan ng director si Kevin to give the script to you and tell you that you will be acting his part. Pero before he left he said di ka arts guild, yung bwisit na yon so the director talked to me” kwento ng dalaga. “Wait wait wait” sabi ni Kiko at super smile ang dalaga sa kanya. “Yes yes yes…please Kiko do it for me. Once lang naman e. Mas comfortable ako working with you. Please Kiko, it does not mean kasama ka na sa Arts Guild. I even told our director na magaling ka mag acting so please naman o. I justified why ikaw gusto ko as in thirty minutes kita pinagtatanggol kaya late ako kahapon e” hiling ng dalaga.
Tawa ng tawa si Kiko, di maipaliwanag ang saya niya pero kinakabahan pagkat magiging stage actor na siya bigla. “Michi! Di ko kaya yan” sigaw niya. “Kiko sige na” lambing ng dalaga. “Hala baka magkalat lang ako nakakahiya” sabi ng binata. “Tsk kaya nga magpractice tayo e. I really cant work with Kevin. Happy ako nung birthday ko tapos the next day surprise! I have to work with him pala kaya ever since that day hay naku sobra ako problematic kasi ang kulit niya”
“E alam mo naman ako pag may ganito na project mega focus ako kaya lately sobra ako problematic” drama ng dalaga. “Okay I will do it” sabi ni Kiko at natuwa yung dalaga. “Pero tell me is Kevin a good actor?” tanong ni Kiko bigla. “Ha? Well yeah he is good pero nga diba manliligaw ko siya so we don’t blend well. But with others naman he is really good” sabi ng dalaga.
“Ah ganon, really good?” sabi ni Kiko at napansin ni Michelle ang kakaibang kinang sa mata ng boyfriend niya. “O bakit?” tanong ng dalaga. “Oh nothing, so when do we start to practice?” tanong ni Kiko at niyakap siya ni Michelle. “Uhmmm you have to memorize the lines first” sabi niya. “Ahem, may photographic memory ako Michi” pasikat ng binata. “Ay oo nga pala no, basta pag namemorize mo na pwede na tayo mag start. Okay lang kasi for Valentines Day presentation pa naman ito e” sabi ng dalaga.
“Ows? May kissing scene?” biro ni Kiko at nagtawanan sila. “Wala ata e” sabi ni Michelle. “Nasan yung opisina nung director?!!! Hindi maari na walang kissing scene dito!!!” sigaw ni Kiko at ang tindi ng tawanan nilang dalawa.
“Teka! Makikipag break ka sa akin dito sa kwento ata e” sabi ni Kiko. “Yup ganun na nga” sabi ng dalaga. “Ha?! E alam mo naman na ayaw ko mangyari yon e” sabi ni Kiko. “Francis my love relax ka nga lang. This is just a stage play okay? We will just act here, this is not real life. And besides we will be able to act well I know” sabi ni Michelle.
“Bakit naman?” tanong ni Kiko. “Kasi we will act breaking up, we really have to feel the part we are going to play to bring out pure emotions. Don’t worry dito lang natin mararanasan ang break up so ibuhos na natin feelings natin dito kasi there is no chance in hell that I am breaking up with you” sabi ng dalaga. Halos mapatalon na si Kiko sa narinig niya, niyakap niya ng mahigpit si Michelle at pinapak ng halik sa pisngi. “Sana sinabi mo kahapon para nakahanda ako” bulong ni Kiko. “Hindi ko ba nasabi sa iyo? I thought I did, di ko ba nasabi na imemorize mo yung first three pages ng script?” tanong ng dalaga. “Nope, if you did I would have looked for the script” sagot ng binata. “Ay sorry, its your fault. You swept me away yesterday by surprising me with a date. Kiko why do you seem so happy right now?” sabi ni Michelle. Napangiti nalang si Kiko at niyakap ng mahigpit ang dalaga.
Sa gilid ng building nakasilip sina Ica at Ben. “Did you hear that? So it wont happen” bulong ng dalaga. “Oo nga, so stop crying” sabi ni Ben at kinurot siya ni Ica. “Ikaw din kaya” banat ng dalaga at nagtawan sila. Nabuking tuloy sila kaya napilitan sila magpakita sa dalawa. “Hi, napadaan lang kami” sabi ni Ben sabay punas sa luha niya.
“Are you two crying? Did you two have a fight?” tanong ni Michelle at natawa yung dalawa at nagpasimple. “Lovers squirrel” banat ni Kiko at bigla sila naghalakhakan. “Quarrel” nilinaw ni Michelle. “Yun nga, nagpapatawa lang ako” sabi ni Kiko at napayakap ang dalaga sa kanya.
“Oh saka na then yung practice, kasi dapat today we are going to the director and show a little scene para maconvice siya. Itext ko nalang siya at sabihin na to trust me. Anyway we should go to the mall and get Frances a gift for her birthday tomorrow” sabi ni Michelle. “Ay oo nga pala, tara pero Lyne does not know our house” sabi ni Kiko. “Don’t worry sunduin ko siya bukas” sabi ng dalaga.
Palabas na sila ng gate nang biglang inirapan nung guard si Kiko. “Wait lang” sabi ng binata at pinuntahan ang kaibigan niya sa guard house. Nakita nung tatlo na may binubulong si Kiko sa guard at ilang segundo pa ay napangiti na yung guard. Nagkamayan yung dalawa at agad bumalik si Kiko. “Oy Big Bird Merry Christmas! Happy Vacation!” sigaw ng guard at biglang natawa sina Michelle at Ica.
“Kiko, tuwing dumadaan tayo dito he always yells Big Bird” sabi ni Michelle at napatitig yung dalawang dalaga sa kanya. “Ah wala yon its just a joke” sabi ng binata. “Joke? Baka naman totoo pare” banat ni Ben sabay tingin sa lower body area ng bespren niya. Napahalakhak ng todo yung dalawang dalaga, nagtabi sila at nagtilian. “Oy! Hindi ganon! Sabi ko it’s a joke, long story talaga” sabi ni Kiko.
“Ah ganon, big bird na long story pa” hirit ni Ben at lumayo na yung dalawang dalaga at di nila mapigilan ang pagtawa nila. Inakbayan ni Ben ang bespren niya at tinignan, “Pare ano kumusta?” bulong niya. “Pare the dream was right but it was not right” sagot ni Kiko at nalito ang kaibigan niya. “Ano? So ano na?” tanong ni Ben. “Pare all is good” sabi ni Kiko at kinuwento niya ang lahat.
Nakahinga ng maluwag si Ben at masaya siya para sa bespren niya. “Bwisit na tadhana na yan pinaiyak ako sa harapan ni Ica” bigkas niya at natawa si Kiko. “Concerned ka sa akin?” tanong ni Kiko. “Oo naman no!” sigaw ng binata at napalingon tuloy yung dalawang dalaga. “Thanks pare, lets go to the mall little John!” sigaw ni Kiko at muling napatawa ang mga girls.
“Bakit little John?” tanong ni Ben. “Big Bird and little John” sabi ni Kiko. “Sira! Big Bert yon! Tapos kuya nila si Richard. Voltes Five, yung Big Bird sa Sesame Street” nilinaw ni Ben. “Whatever!” banat ni Kiko at napahalakhak yung dalawang dalaga. “Whatever your face!” bawi ni Ben.
“Ben Ben Ben, eto tuloy mo…Oh My!!!” sigaw ni Kiko. “Momaaayyyy!!!” game na game sigaw ng bespren niya. “Oh my God dapat yon. Ben layuan mo ako nakakahiya ka” sabi ni Kiko. “Bwisit ka sabi ko sa iyo napapadaan lang ako tuwing nagchahcannel surf ako e” palusot ni Ben. “Kaya ka ba laging naka suot ng beach shorts at shades tuwing manonood ng tv kasi mahilig ka mag channel surf?” landi ni Kiko. Umariba sa tawa ang dalawang dalaga habang tuloy ang banatan ng magbespren. “Korny ka Kiko” sabi ni Ben.
“Facebook info, interests of Ben…surfing…wow ang cool” landi ni Kiko. “Totoo naman e, and I have a surf board to prove it” sagot ng bespren niya. “Oo pero bago ka nagka surf board ilang seat cover ng toilet nasira mo dahil sa pag iimagine mo mag surfing?” hirit ni Kiko. “Hoy hindi totoo yan! Sinungaling!” sigaw ni Ben pero ang tindi ng tawanan nina Ica at Michelle. “At Ben next time yung tali sa surf board sa paa dapat hindi sa leeg. Masyado kang protective sa surf board mo e kaya tuloy muntik ka na malunod” hirit ni Kiko.
Napakamot nalang si Ben, alam niyang masaya si Kiko at tuwing ganito siya ay naka berserk mode ang pang aalaska ng kaibigan niya. Umakbay si Kiko sa bespren niya at tinuloy ang pag aalaska. Hindi napipikon si Ben, alam niya bakit ganito ang kaibigan niya. Yung babaeng naglalakad sa harapan nila ang rason, ganito lang talaga ang kaibigan niya pag masaya. Katabi ng babaeng nagpapasaya sa bespren niya ay yung babae din na nagpapasaya sa kanya kaya nakipagsabayan siya sa pag aalakska ng kaibigan niya.
Napatingin si Ben kay Kiko, nginitian siya ng bespren niya at tinuro si Michelle. “Pare mahal na mahal ko siya” bulong niya. “I know pare, I know” sagot ng binata.
(Chapter 28 Free Blog finale)