sk6

Saturday, July 3, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 22: Dilema

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 22: Dilema

Huwebes ng gabi di mapakali si Kiko habang kumakain sila ng dinner kasama ang buong pamilya niya. “Kuya! Kanina mo pa hinahawakan kamay ko!” reklamo ni Frances. “Namiss lang kita” sagot ni Kiko at kamay naman ng tatay niya ang kanyang hinawakan. “Masakit kamay ko, Kiko anak ikaw muna ang bahala sa paghugas mamaya” sabi ni Teresa at nagkatinginan silang mag ina. “Opo ma” sagot ng binata at alam niya hudyat yon ng isang masinsinang usapan nila.

Pagkatapos kumain ay nilambing ni Fred ang bunso at nanood sila ng telebisyon sa salas. Nagligpit si Teresa ng mga plato habang si Kiko ay nakatayo lang sa may lababo. “Tell me whats the problem” bulong ni Teresa. “Ma, me and Michelle are really close already” sabi ng binata. “Tapos?” tanong ng nanay niya. “I still cant control my powers” sagot ni Kiko.

“You want to hold her hands already” bigkas ni Teresa at napatingin si Kiko sa kanya. “Yes ma, I really want to, I am dying to hold her hand already” sagot ng binata. “Then hold it” sabi ng nanay niya at pinakita ni Kiko sa kanya ang kanyang mga kamay. “I will be able to see what will happen, ma masisira na ang lahat pag nakita ko ang mangyayari” sabi ni Kiko.

“Nung naging kayo ni Layla lagi kayo naghoholding hands” tukso ni Teresa. “Yun na nga and she broke up with me and said that I was too perfect” sabi ni Kiko. “Because you wanted to be perfect, anak pag gamit mo powers mo nakikita mo ang mangyayari sa araw na yon. Matagal ko na gusto sabihin ito e, you never read her mind. You just saw what was going to happen. With or without powers anak, ganon at ganon parin ang gagawin mo. Ang problema may powers ka kaya alam mo na gagawin mo yon” paliwanag ni Teresa.

Napasandal si Kiko sa dingding at napaisip. “Oo nga no, hindi ko binasa utak niya. Nakita ko lang talaga ang mga gagawin ko ng mas maaga, pero ma minsan pinapaganda ko yung gagawin ko e” sabi niya. “Oo because eversince bata ka perfectionist ka anak. Lahat ng ginawa mo para kay Layla sa iyo mismo galing mga yon. She said you were perfect? Of course, mula pa bata kayo magkakilala na kayo. You both know each others likes and dislikes, pati ugali kilala niyo na isat isa. Your powers had nothing to with it, kayong dalawa ang may problema, masyado na kayo magkakilala. Alam niyo na ano weakness at kalakasan ng bawat isa”

“That anak could be a good thing or a bad thing, in your case with Layla it went to the not so good side. You knew what she wanted and you knew what could make her happy at that is not because of your ability. Ang fault mo lang siguro masyado mo pinerpekto with the aid of your ability. I am not saying that is a bad thing anak ha, siguro lang di yon maganda para kay Layla, malay mo okay kay Michelle” sabi ni Teresa.

Huminga ng malalim si Kiko at tinignan ang mga kamay niya. “Pero ma to be honest minsan I saw Layla would not like my actions kaya binabago ko” kwento ni Kiko. “Ayan ang problema anak, now you know where you made a mistake” sabi ng nanay niya. “E pero ma, diba if you enter a relationship ang goal mo is to make your partner happy and avoid hurting them or doing bad?” tanong ni Kiko.

“Its your fault pala and its because you used your ability” sabi ng nanay niya. “Pero ma, a lot of couples break up because of simples stupid things and simple problems. Iniwasan ko lang naman yon e” reklamo ni Kiko. “E kung ganun sila that means they don’t deserve each other talaga. Kasi anak kung may problema pinag uusapan yan, hindi pinapalala. Ang tawag don is understanding, and with that there is growth” paliwanag ni Teresa.

“Kaya nga po, iniwasan ko lang na umabot don” sabi ni Kiko. “No, you are wrong” sabi ng nanay niya. “How was I wrong?” tanong ng binata. “Kung nakita mo na may magagawa kang mali gawin mo parin” sabi ng nanay niya at nagulat si Kiko. “What? Are you joking?” tanong niya. “Anak you are special, you have an ability. You are not supposed to abuse it but you did” sabi ni Teresa at lalo nalito si Kiko.

“Look, kung wala kang ability tapos nasaktan mo si Layla, what would you do?” tanong ng nanay niya. “Hihingi po ng sorry tapos hindi ko na uulitin yung nagawa ko” sagot ng binata. “There is your answer” sabi ni Teresa. “Pero ma, nasaktan ko na siya at ayaw ko yon. Prevention is always better than cure diba?” banat ni Kiko.

“Not always anak. Alam mo kami ng daddy mo marami narin pinag awayan. Umabot pa sa point na maghihiwalay na kami pero we didn’t. When we were young ang daddy mo madami din nagawang hindi ko gusto, pero di naman sadya kasi di niya alam na di ko gusto mga yon. So I got mad, he apologized, as a girl pag nakita mo na very apologetic yung guy tapos nakita mo na nagbabago talaga siya para sa iyo that is much more flattering kumpara sa pagpapaimpress niya”

“Kasi naipakita niya na mahal niya talaga ako. Impress ka nga ng impress pero di mo naman naipapakita na mahal mo e di pointless. Gagawa ng kakabilib, mapapahanga mo siya. Gagawa ka ng mali, magsorry ka at magbago, maipapakita mo na mahalaga talaga siya sa iyo at siyempre mahal mo. So do you see the importance of mistakes?” tanong ni Teresa.

Biglang napangiti si Kiko at kiniliti siya ng nanay niya. “Ano nanaman ang naisip mo?” tanong niya. “Wala po ma, she scolds me pag may nagagawa akong ayaw niya” sabi ni Kiko at lalo siya tinukso ng nanay niya. “O you see sinasabi niya sa iyo yung ayaw niya, meaning she wants you to change for her. Mas maganda yan kesa dun sa mga di nagsasalita at nagtitiis. Then pag napuno na doon nalang magbubuhos ng galit. Di ka man lang napagbigyan ng chance to change at once. Teka inuulit mo ba naman yung mga ayaw niya o iniiwasan mo na?” tanong ng nanay niya.

Napangisi si Kiko, “Inuulit minsan para pagalitan niya ako” landi niya at pinalo ni Teresa ang pwet niya. “Loko! Sige” sagot ng nanay niya. “Pero ma feeling ko alam niya naglalambing lang ako pag ganon” sabi ng binata. “Hay naku ikaw talaga, anyway solved na ba ang problema mo?” tanong ni Teresa at muling tinignan ni Kiko ang mga kamay niya. “Yes ma, I will just ignore whatever I see and just be myself when I am with her” sagot niya. “Very good that is the right action” sagot ng nanay niya. “So my next problem is how to hold her hand” sabi ni Kiko sabay ngisi. “Hay ewan ko sa iyo, maghugas ka na” sabi ni Teresa. “Ma, diba code word lang natin yon para mag usap tayo?” sabi ng binata. “Thank you anak, makikinood na ako. Tamang tama yan para isipin mo pano mo hawakan kamay niya” sabi ng nanay niya sabay tawa.

Biyernes ng umaga sa hardin kumpleto ang magbabarkada at lahat nakikinig sa kwento ni Ben. Si Kiko pasimpleng nakikinig pero kanina pa niya pinagmamasdan ang kamay ni Michelle na katabi niya. Inayos niya upo niya at pinuwesto kamay niya para malapit ito sakamay ng dalaga. Dahan dahan niya nilapit kamay niya, tumawa bigla ang lahat at gumalaw ang kamay ng dalaga at muntik nang tumama sa kamay niya. Napasigaw si Kiko at nagtatalon, lahat sa kanya napatingin kaya bigla siya tumigil at muling naupo. “Kiko bakit?” tanong ni Michelle. “Akala ko may langgam na kumagat sa pwet ko” palusot niya at nagtawanan ulit ang lahat.

Si Layla naman ang nagbangka ng kwento at napansin ni Ben at Ica ang ginagawa ni Kiko kaya bigla sila natawa. Napatingin yung binata sa kanina, nagholding hands naman yung magsyota at sabay pa siyang nginisian. Nagtakip ng mukha si Kiko pagkat buking siya, nilapit niya ang kamay niya kay Michelle at sumabog sa katatawa si Ben at Ica pagkat ang tindi ng panginginig ng kamay niya.

“Hoy para kayong sira” sabi ni Lyne sa dalawa. Di na nila sinabi bakit pero titig na titig yung dalaga sa kamay ni Kiko pagkat ang lapit na talaga nito sa kamay ni Michelle. Gumalaw yung dalaga, napanganga yung dalawa pagkat akala nila magdidikit na ang mga kamay nila. Agad naitaas ni Kiko ang mga kamay niya at nagtataka si Michelle nand tignan siya. Napahalakhak nanaman sina Ben at Ica, lahat tuloy nga atensyon napunta kay Kiko.

“Ano ba ginagawa mo kasi?” tanong ni Michelle. “Nagpapalamig ng kili kili” banat niya at muling nagtawanan ang lahat. “Hay naku ikaw talaga. Ano ready na ba for Sunday?” tanong ng dalaga. “Sasagutin mo na ako sa Sunday?” tanong ni Kiko at nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Yiihiiii” landi ni Ben at nagsimula nanaman ang panunukso ng iba sa kanila. “Kiko ang sinasabi ko yung debut” sabi ni Michelle. “Ah so di mo pa ako sasagutin sa Sunday?” hirit ni Kiko at natawa si Michelle at pinagkukurot siya.

“Kiko seryoso kasi” sabi ng dalaga at nagkatitigan sila. “Oo nga gusto talaga kita” sabi ng binata at natawa yung dalaga at kinilig, muling tinadtad ng kurot ang binata habang patindi ng patindi ang pangangantyaw sa kanila ng iba. “Yup I am all set for Sunday you don’t have to worry about anything” sabi ni Kiko. “Sure ka?” tanong ni Michelle. “Ako oo, ikaw ba?” sagot ng binata at muling natawa ang dalaga at pinaghahampas ang binata. “Hay naku Kiko, makaalis na nga at may quiz pa kami” sabi ni Michelle at sabay sila napatayo.

Tumayo narin si Layla at yung iba. “Good luck sa quiz niyo, galingan niyo ha” sabi ni Kiko. “Magaling talaga kami” banat ni Michelle at tumawa si Layla. “Magaling magpasimple” banat ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “O sige na mauna na kami, see you lunch time” sabi ni Michelle at biglang nilapit niya mukha niya sa mukha ni Kiko at inusli ang kanyang mga labi.

Nagkalapit ang mukha nung dalawa, yung iba nanlaki ang mga mata sa gulat pagkat akala nila maghahalikan yung dalawa. Sabay tumalikod sina Michelle at Kiko, ang bilis ng lakad ng dalaga, pagkadikit niya kay Layla ay agad nito inakbayan ang isang braso niya at ang tulin kanilang lakad.

Nang malayo na sila ay biglang tumigil si Michelle at napahawak sa dibdib niya. “Oh my God I almost kissed him” bigkas niya at tinukso siya ni Layla. “O bakit hindi mo na kasi tinuloy?” tanong niya. “Grabe parang my body moved on my own. Di ko talaga alam. I usually do that to my parents, pag aalis na ako I kiss them. Pero oh my God I almost kissed Kiko!!!” sigaw niya sabay tili. “Nagulat nga ako e, I really thought you two were going to kiss. Ikaw ha, sinadya mo yon ano? Uuuyyyy pero umatras ka last second” sabi ng kaibigan niya. “Hala! Sis honest talaga hindi” sagot ni Michelle.

“Okay sabi mo e” sagot ni Layla.”Pero what if natuloy kaya?” tanong ng dalaga at muli itong natili at niyakap ang kaibigan niya. “Dapat tinuloy mo na, nandon ka na nga e” sabi ng kaibigan niya. “Tsk dapat talaga tinuloy ko na” landi ni Michelle. “Sinadya mo talaga yon ano?” tukso ni Layla at nagtawanan sila.

Samantala sa hagdanan ng Psychology building paakyat na sina Ben, Lyne, Ica at Kiko. Nahuhuli sa sa pag akyat si Kiko, nakayuko ang ulo niya pero tumatawa siya na parang dwende. Natatawa tuloy sina Lyne at Ica kaya tumigil sila para tignan yung binata. “Masyado ka ata masya Kiko” sabi ni Lyne at tuloy lang ang mala dwendeng tawa ng binata.

“Wag niyo na pansinin yan. Delikado yan pag masaya e” sabi ni Ben at hinila yung dalawang dalaga. “Ben! Dapat masaya ka for your friend sa near kiss experience niya” sabi ni Ica. “Oo masaya ako pero kailangan talaga natin layuan yan or else” sabi ni Ben at binilisan nila pag akyat nila. “Or else what?” tanong ni Lyne. Biglang napasigaw si Ben ng malakas na parang babae, nagsisitalon siya at humawak sa kanyang pwet.

“Hihihihihihihihi” tawa ni Kiko at paglingon ng dalawang dalaga nakita nila na may hawak itong safety pin na ginamit niyang pantusok sa pwet ng bespren niya.Natawa tuloy yung dalawang dalaga pagkat ang bilis ng takbo ni Ben paakyat ng hagdanan. “Loko ka talaga Kiko ha” sabi ni Ica pero tuloy ang tawa ng binata at mala demonyo ang tingin niya sa dalawa. “Kiko wag kang ganyan” sabi ni Lyne pero nilalapit na nung binata ang pin sa pwet niya. Sigaw ng sigaw yung dalawang dalaga at ang bilis nila tumakbo paakyat.

Naabutan nila si Ben at dinig na dinig nila ang mala dwendeng tawa ni Kiko na papalapit. “Bakit ganon yon?” tanong ni Ica. “Ganyan talaga yan pag masyadong masaya. Parang naka overdrive ang kalokohan. Super kabaliktaran naman pag malungkot, para naman siyang lifeless na” paliwanag ni Ben. “Wow he should learn to contain his happiness” sabi ni Lyne. “Ewan ko lang ha, pero usually pag happy ka you do what you love doing. In his case nagpapatawa o gumagawa ng kalokohan para may mapatawa” sabi ni Ica.

“Mom ko naman pag happy sya she bakes” sabi ni Lyne. “That is why our course is so good, we get to learn why we do those…ahahaaayyyy!!!” sigaw ni Ben at muling napatakbo. “Hihihihihihihi” tawa ni Kiko at di na nakatakbo ang mga girls at silay natakot. Dinaanan lang sila nung binata pero narinig nila ang paulit ulit niyang binubulong. “She almost kissed me”

“Grabe ha, near kiss lang yon ganyan na siya” sabi ni Ica. “Can you imagine what if naghalikan na talaga sila?” tanong ni Lyne at bigla sila tumawa. “Pero sis duda ako e, parang its all an act” sabi ni Ica. “Bakit naman?” tanong ni Lyne. “Kasi kanina si Michelle parang normal reaction lang yung ginawa niya. Kaya lang natauhan sila na nandon tayo so nagkunwari nalang sila” sabi ng dalaga. “So what youre saying is nag kiss na sila talaga?” tanong ng kaibigan niya. “I think so, parang kanina Kiko wanted to hold her hand pero di niya matuloy kasi nandon tayo” paliwanag ni Ica.

“Aha! Loka yon ha, bespren niya ako tapos di niya sinasabi sa akin” sabi ni Lyne.”Huliin kaya natin mamaya?” tanong ni Ica at napangisi yung dalawa. “Tama, mamaya lunch” sabi ni Lyne at silang dalawa naman ang tumawa na parang mga demonyita.

Pagsapit ng tanghali nagtungo ang grupo sa mall. Pinauna nila sina Kiko at Michelle at pinagmasdan nila maigi ang bawat kilos nung dalawa. “Hay naku Ica, kilala ko yang si Kiko. Wala pa sila” bulong ni Ben. “Sus tignan mo mga kamay nila o, magkalapit, they are not holding hands kasi they know we are trailing them” sagot ni Ica. “Oo nga their hands are too close” sabi ni Lyne. “Sus normal lang yan, walang meaning yan” sabi ni Layla at nagkampi kampihan na sila.

Nakapwesto na sila sa loob ng isang fastfood restaurant, iniwan nila yung dalawa sa lamesa. Si Ben at Layla ang nagpunta sa counter para magorder ng pagkain nila habang si Ica at Lyne nagtago sa malapit at pinagmasdan sina Kiko at Michelle.

Di nanaman mapakali si Kiko at pinagmamasdan ang kamay ni Michelle na nakapatong sa lamesa. Nilagay din niya kamay niya sa lamesa at dahan dahan nilapit ito sa kamay ng dalaga. Si Ica at Lyne biglang kinilig, nilabas nila phone nila para kunan ng video ang mga nagaganap.

“Michi magsusuot ka din ba ng bow tie?” tanong ni Kiko at bigla siya tinignan ng dalaga. “Kiko babae ako, pano ako magsusuot ng bowtie e naka dress ako?” sagot niya. “May nakita naman ako babae naka suot ng bowtie ha” sabi ng binata. “At saan ka naman nakakita ng ganon?” tanong ni Michelle. “Nung high school may magazine yung kaklase naming…naka bunny ears pa nga yung babae e tapos sexy outfit” banat ni Kiko at biglang tumaas ang isang kilay ng dalaga at bigla ito napahalakhak. “Ang loko mo!” sigaw niya at pinaghahampas ang kamay ni Kiko.

Hinila ni Kiko ang kamay niya at hinaplos ito. “Aray naman” bulong niya. “Ay sorry Kiko, sorry talaga” sabi ni Michelle at agad niya hinimas ang kamay ng binata. Agad binaliktan ni Kiko ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Michelle ng mahigpit. “Sa wakas” bulong niya.

Napatingin si Michelle sa kamay nila, agad siya tumingin sa malayo at di na maitago ang ngiti. Sa may gilid halos napatalon sina Ica at Lyne pero tuloy ang pagkuha nila ng video habang sila ay kinikilig para dun sa dalawa.

“Michi okay lang ba?” tanong ni Kiko, dahan dahan humarap sa kanya si Michelle at nakita niyang malayo ang tingin ng binata. “Okay lang” sagot niya at sabay pa silang napangiti. Napatigil si Kiko, lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ng dalaga at kahit ipikit niya ang kanyang mga mata ay wala siyang nakikita. Dapat sa paghawak palang nila ng kamay gumana na agad abilidad niya pero kanina pa sila magkahawak kamay ay wala talaga siyang nakikita.

Tumawa si Kiko at muling napatingin sa kanya si Michelle. “Bakit?” tanong niya at humarap sa kanya ang binata. “Im holding your hand and I don’t see anything” sagot niya. “Ano?” tanong ni Michelle at nahawa narin siya sa pagkatuwa ng binata. “Basta I am holding your hand, I cant believe it!” sigaw ni Kiko sa tuwa at lalong natawa si Michelle at hinigpitan din ang paghawak niya.

Bumalik na sina Ica at Lyne, pabalik narin sina Ben at Layla na dala ang mga pagkain. Mabilis naitago nung dalawa ang kanilang kamay pero di parin sila nagbibitaw. Inayos ni Kiko ang paghawak niya, lumusot sa mga pagitan ng daliri niya ang mga daliri ni Michelle at nagsara ang mga kamay nila. Pagkaupo nina Ben at Layla, pasimpleng pinakita nung dalawa yung nakuha nilang video pero di nila pinahalata kina Kiko at Michelle.

Nagsimula na sila kumain, ayaw bumitaw ni Kiko kaya napatingin si Michelle sa kanya. Nakita ng dalaga na kumakain yung binata gamit isang kamay kaya agad siya napangiti at gumaya. Tinignan niya muli ang mga kamay nila, masayang masaya siya pero naramdaman ulit niya yung hinahanap hanap niyang pakiramdam na huli niyang naramdaman nung nagpahula siya. Pinagmasdan niya si Kiko at nakita lang niya nanakangiti ang binata sa kanya.

“Nakakalungkot lang kasi kailangan maghiwalay after lunch” bulong ng dalaga. “Don’t worry paglabas mo ng classroom magbabalikan sila” bulong din ni Kiko at lalong napangiti ang dalaga.


(Thank you....you dont have to thank me....yes i have to thank you....for what?....for posting chapter 22....hahahahahha so here it is...)