sk6

Tuesday, June 16, 2009

Chapter 21: Twinkle Twinkle (FINAL CHAPTER)

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 21: Twinkle Twinkle


Ang Nakaraan

Maliwanag ang buwan at tahimik ang kagubatan, lahat ng nilalang ay nasa kanya kanyang mga lungga. Isangg sigaw ang nanggising sa lahat kaya madami ang nagising at napasugod kung saan nanggagaling ang sigaw.

Kay daming nilalang ang nakatayo sa gitna ng gubat lahat nakatingin sa isang lalakeng sanggol na nakahiga sa lupa. Isang diwata ang lumapit at binuhat ang sanggol kaya lahat napatingin sa kanya.

“Eto na ata ang sinasabi ng namatay na tagapamahala na nilalang na galing sa mga tala” anya at lahat ay nagulat. “Sigurado ka ba Anathea? Baka normal na tao lang yang sanggol” sabi ng isang kapre. “Imposible na makakapasok ang tao dito sa gubat, ni hindi nga nila nakikita ito” sumbat ng isang dwende.

Lumapit tuloy ang lahat ng nilalang sa diwata at pinagmasdan ang sanggol. “Sabi ng yumaong tagapamahala ay ang nilalang na galing sa mga tala ay may taglay na kakaibang kapangyarihan, kailangan natin alagaan ito. Kami na ang bahala sa kanya” sabi ni Anathea. “Hindi kami papayag sa gusto mo, sa tingin mo maangkin niyong mga diwata ang kapangyarihan niya. Gusto din namin siya alagaan” sabi ng isang vampira. “Kami din, at walang pwede mag angkin dyan pagkat atin naman lahat ang gubat na ito at wala naman nasabi ang yumaong tagapamahala kung kanino mapuputa ang batang yan” sabi ng matandang dwende.

Nagkagirian ang mga nilalang at pinag awayan kung kanino mapupunta ang mga bata, isang tikbalang ang lumapit at lahat biglang napatigil. “Nakakahiya kayong mga matatanda, tignan niyo nga pinagmamasdan kayo ng mga bata. Kung yang nilalang na yan galing sa mga tala lahat tayo makikinabang. Tayo lahat mag aalaga dyan para walang away. Sanggol pa yan kaya mag tipon tayo ng mga babae ng bawat angkan, gagawa tayo ng lungga para sa batang yan. Yung mga babae ang mag aalaga dyan hanggang sa marunong na yan mamuhay na mag isa” sabi ng tikbalang at lahat nanahimik.

Mabilis na nakapagpatayo ng tirahan na maliit ang mga nilalang para sa bata, may apat na babaeng nilalang na nag ayos sa titirhan nya. Kinuha nila ang bata at lahat ng mga punong nilalang kusa nila binigay ang bata ngunit napatigil si Anathea. “Kailangan natin bigyan ng pangalan itong sanggol” sabi nya at lahat biglang napaisip. “Paulito” sabi ng isang vampira at nagustuhan ito ng lahat. “Paulito, mula ngayon yan ang itatawag natin sa kanya” sabi ng diwata.

Pagkatapos nila mapatulog ang bata bumalik na ang mga diwata sa kweba nila. Nagmadali na inutos ni Anathea na magbantay ang mga spellcaster sa labas ng kweba at siguraduhin na walang ibang nilalang na makakalapit.

Sa loob ng kweba binabantayan ng dalawang batang diwata ang isang babaeng sanggol at pinapatulog nila ito. “Aneth, Monica, kumusta ang baby?” tanong ng diwata. “Mommy napatulog na namin sya, ano ba ito mommy tao ba ito?” tanong ni Aneth at lumuhod ang punong diwata at pinagmasdan ang sanggol. “Mga anak wag na wag niyo sasabihin kahit kanino na may nahanap tayong sanggol na babae” sabi ni Anathea at tatlong matatandang diwata pa ang lumapit.

“Alam mo naman na pag nalaman ng ibang nilalang yan e magkakagera dito sa gubat Anathea” sabi ng isang matanda. “Alam ko po yon pero ito ang alas natin, lagi nalang tayo inaapi ng ibang nilalang. Pero itong batang ito ang makakapagbago ng lahat. Oo meron pa yung isa ngunit para sa lahat yon” paliwanag ni Anathea.

“Kaduda duda naman ata kung magkakaroon bigla ng diwata na di natin kahawig o may kaparehong abilidad” sabi ng isang matanda. “Alam ko yon kaya gagawin natin lahat para pagmukhain siyang isa sa atin. Ang problema nga lang ang kapangyarihan niya…yun lang ang di natin maibibigay sa kanya” sabi in Anathea. “Pwede naman sabihin na yan ay diwatang minalas, di nagmanifest ang kapangyarihan. Wala naman na siguro magtataka dyan basta di sya lagi nakikita ng ibang nilalang” payo ng isa pang matanda at napatayo si Anathea at napangiti. “Tama kayo…ang itatawag natin sa kanya ay Anhica”

Pagkalipas ng Apat na taon

Nagising si Anhica at lumabas siya ng kweba, nakarinig sya ng umiiyak sa gubat kaya naglakad ang bata at hinanap kung saan nanggagaling ang iyak. Napadpad sya sa tapat ng maliit na lungga, papasok na sana sya pero mula sa puno may sumitsit sa kanya. Pagtingala ni Anhica mga pulang mata ang nakita nya, isang vampirang nagbabantay at pinagbabantaan syang wag papasok. “Iha, lumayo ka na wag mo na ituloy ang binabalak mo” sabi ng vampira. “E umiiyak sya e baka may sakit sya” sagot ng batang diwata. “Sinabi nang uwi ka na e!!!” sigaw ng vampira at sa takot tumakbong pauwi si Anhica.

Kinabukasan ay pinayagan maglaro si Anhica sa gubat, napadpad sya sa may lawa at doon nakita nya ang isang batang lalake na nakahiga sa damuhan. “Ano ginagawa mo?” tanong ng batang diwata at hingal na hingal ang batang lalake. “Pagod ako di ko nahabol yung piggy damo” sagot ng lalake at naupo si Anhica sa tabi nya.

“E bakit mo ba kasi hinahabol yung piggy?” tanong ng batang diwata at naupo narin ang lalake. “E kasi kailangan ko na matuto maghanap ng pagkain ko daw. Kagabi di na nila ako bingyan ng pagkain…gutom na gutom ako kagabi. Pero kanina umaga binigyan ako ng mga sirena ng isda sa almusal sa gutom ko kinain ko agad ang sama ng lasa” sagot ng lalake at tumawa si Anhica. “Di mo ba nacook?” tanong ng diwata. “Nacook?” sumbat ng lalake.

“Oo yung ilalagay mo sa apoy para macook sya, para sasarap sya” sabi ni Anhica at napakamot ang lalake. “Kaya pala di masarap akala ko nilalason ako ng mga sirena kaya kanina pinagbabato ko sila” sabi ng lalake at nagtawanan yung dalawa.

“Ako si Anhica, isa akong diwata” pakilala ng batang diwata. “Ako si Paulito, di ko alam ano ako” sagot ng lalake at nagulat si Anhica. “Di mo alam ano ka?” tanong nya. “Oo e, pag tinatanong ko sa matandang kabayo wala sya sinasabi. Wala nag uusap sa akin masyado, lahat nilalayuan ako. Ikaw palang nag usap sa akin e” sabi ni Paulito.

“Magkaibigan na tayo. Halika tulungan kita habol piggy pero yung maliit lang ha” sabi in Anhica. “O sige kasi fewi ka makakalipad ka diba?” sagot ni Paulito at napasimangot ang diwata. “Useless ako na diwata, di ako makalipad kahit may pagkpak ako, wala din ako powers” sabi ni Anhica at ngumiti si Paulito. “Ayos lang yon, ako din naman wala e. Halika na” sabi ni Paulito at natuwa ang diwata kaya naghanap sila ng baboy sa gubat.

Dalawang oras lumipas at biglang sumigaw si Paulito pagkat may nahuli sya, tumakbo sya papunta kay Anhica at pinakita ang dala nya. “Eto maliit ito pwede na to. Di naman ako matakaw e” sabi ng lalake at ngumiti pa ito ngunit napasimangot si Anhica. “E wabbit yan e, tignan mo ang cute niya o” sabi ng diwata at kinuha nya ang kuneho at niyakap. Napakamot nalang si Paulito at hinimas ang ulo ng kuneho sabay ngumiti. “Okay lang nabusog naman ako kanina sa isda kahit di nacook, bukas nalang ulit sumubok” sabi nya.

May sumulpot biglang isang vampira at inabot ang biik sa dalawang bata, “O eto nakakaawa naman kayo kanina ko pa kayo pinapanood. Patay na yan iluto niyo nalang” sabi ng vampira at iniwan ang biik sabay mabilis na nawala. Nagsaya ang dalawang bata ngunit biglang napatigil si Anhica, tumingin sya sa taas ng puno at nakita doon ang vampira. “Oy, di kami marunong magsindi ng apoy pwede ikaw nalang please” makaawa nya sabay ngiti at nagsimangot ang vampira at sumenyas ito at may lumabas na taong santelmo sa lupa na ikinagulat ng dalawang bata.

“Sinabi bantayan at hindi maging alalay!” sigaw ng santelmo sa vampira. “May anak ka din diba?” sagot ng vampira at nabwisit ang taong apoy. “Dino! Tama na ang pamboboso sa mga sirena at magsibak kayo ng kahoy ni Bobono” utos ng vampira at dalawang dwende ang lumabas mula sa damuhan at nagtatawanan. “Imbes na alagaan natin mga anak natin siya ang binabantayan natin” reklamo ni Bobono pero bungisngis parin siya. “Nagbabantay ba kayo e kanina pa kayo namboboso” sabi ni Virgilio ang taong apoy. “Oo na oo na sige na init ng ulo mo, ay oo apoy ka pala” biro ni Dino at nagtawanan ang dalawang matandang dwende.

Matapos makagawa ng bonfire ang mga dwende umalis na ang mga bantay ni Paulito. “O bantayan mo si piggy maluto ha, may kukuhanin lang ako sa bahay” sabi ni Anhica at iniwan niya ang kuneho kay Paulito. Ilang minuto nakabalik ang batang diwata at napasigaw pagkat sunog na sunog na ang nilulutong biik. “Sabi ko bantayan mo e!” sigaw nya. “Binantayan ko naman, di sya gumalaw” sagot ni Paulito at natawa nalang ang diwata.

Inalis nila ang biik sa apoy at pinagmasdan ito ni Paulito. Pumitas ang batang lalake at sinubo nya sa bibig nya at agad dinura ito. Tawa ng tawa si Anhica at dura ng dura si Paulito. “Ang pait” sabi niya at halos mamatay na sa tawa ang diwata. “Yan ang lasa ng uling” hirit ni Anhica at napasimangot si Paulito. Napatingin ang lalake sa kuneho at ngumisi ito pero niyakap ni Anhica ang hayop.

“Oy wag! Pet nalang natin ito, alagaan natin siya” sabi ni Anhica at napasimangot si Paulito. “Gutom na ako e” sabi ni Paulito at pumitas si Anhica sa nasunog na biik at inabot kay Paulito. “Pait yan e” sabi ng batang lalake at tawa ng tawa ang diwata. “Joke lang, uwi ka na tapos dalhan kita pagkain don. Di naman magagalit si tita e” sabi ng diwata. “Tita? Bakit wala kang mommy at daddy din?” tanong ni Paulito at ngumiti ang diwata. “Meron pero di ko pa nakikita, sabi ni Tita nasa misyon sila e. Halika na, o ikaw muna hawak sa bunny natin. Mauna ka na sa house mo tapos dalahan kita food don” sabi ni Anhica. “Bakit alam mo ba san house ko?” tanong ni Paulito at ngumiti ang diwata.

Nang gabing yon maingat si Anhica nagdadala ng pagkain at kumot papunta sa tirahan ni Paulito, nakatingin siya sa puno ngunit iba na ang nagbabantay doon. Dalawang kapre na nag iinuman at kumaway sa kanya kaya napatigil ang batang diwata ang nagpasimple. “Ah ano kasi…gusto ko lang dalhan ng pagkain si Paulito kawawa naman kasi siya” sabi ni Anhica at nagkatinginan ang dalawang kapre.

Sumenyas ang kapre at hinayaan si Anhica na kinagulat ng isa pang kapre. Agad pumasok ang batang diwata sa lungga at medyo nagalit yung isang kapre. “Pare bakit mo hinayaan yon?” tanong ng isa. “Pare may anak din ako, ayaw ko matulad ang anak ko dyan kay Paulito na walang kaibigan. Kawawa naman siya hayaan mo na bata pa sila” sagot ng isang kapre sabay tumungga ng alak. “Oo nga pare e, hayaan mo na kung mapagalitan tayo bukas. Sabihin nalang natin lasing tayo, at kasalanan mo kasi ang galing mo gumawa ng alak” biro ng isang kapre at nagtawanan sila. “Oo mamanahin ng anak ko ito, tinuturuan ko na nga uminom e” banat ng kapre at lalo natawa yung isa. “Kaya siguro nangongo anak mo pre e dahil sa sobrang alak sa katawan mo” biro ulit ng isa at lalo pa sila nagkatawanan.

Mula noong gabing yon dinadalhan na ng pagkain ni Anhica si Paulito, lagi na sila magkasama at ang mga bantay ng batang lalake tila nanlambot ang puso nila at naging kaibigan nila ang babaeng diwata.

Isang gabi pagkatapos kumain tumayo si Paulito at pinakita kay Anhica ang kanyang ginawa sa kisame ng kanyang lungga. “Higa ka dyan, tignan mo to ang ganda” sabi ng batang lalake at binuksan nya ang kisame at namangha si Anhica pagkat kitang kita niya ang mga bituin sa langit. “Wow, ang daming tala o” sabi ng batang diwata at nahiga sa tabi nya si Paulito.

“Kasi minsan pag di ako makatulog lumalabas ako tapos pinagmamasdan ko mga stars. E minsan di mabait yung bantay kaya di ko nakikita mga tala. Kagabi nagpatulong ako kay Rodolfo para ayusin tong kisame ko para di ko na kailangan lumabas. Bubuksan ko nalang tapos makikita ko na sila” paliwanag ni Paulito.

“E bakit mo ba gustong gusto ang mga tala?” tanong ni Anhica. “Kasi wala ako masyado kaibigan kaya iniimagine ko lahat yan kaibigan ko at nginingitian nila ako” sagot ni Paulito at napangiti ang babaeng diwata. “E magkaibigan naman tayo diba, e pano ako?” tanong ni Anhica at biglang tinuro ng batang lalake ang dalawang magkatabing tala na parehong napakaningning. “Yan tayo o, kaya pag gabi at nalulungkot ako tinitignan ko yang dalawa, naiisip kita” sabi ni Paulito.

“Twinkle twinkle” sabi bigla ni Anhica at napatingin sa kanya si Paulito. “Ano yon?” tanong ng batang lalake. “Yun daw ang tawag sa pagkislap ng mga tala sabi ni tita” paliwanag ni Anhica at muling napatingin si Paulito sa dalawang tala. “Twinkle twinkle…” ulit nya.

Sampung taon lumipas

Isang gabi namamasyal sina Paulito at Anhica sa gubat, katatapos lang na umulan at madilim ang kaulapan. “Twinkle twinkle” sabi bigla ni Paulito at napatingin agad si Anhica sa langit. “Wala namang talaga e” sabi ng dalawa. “Meron, eto o” sagot ng binata at pagtingin ni Anhica may inabot na bulaklak si Paulito sa kanya kaya napangiti ang dalawa.

“O yan o, ngiti mo…twinkle twinkle…parang kislap ng mga tala” sabi ni Paulito at lalong napangiti si Anhica at kinuha ang bulaklak at tinapik nya ang braso ng binata. Di namalayan ng dalawa na napadpad sila sa lugar na pinag gaganapan ng pulong ng mga punong nilalang ng gubat. May isang vampira sumulpot bigla sa harapan ng dalawa at sumigaw ito.

“Punong vampira!!! Magmadali kayo dito!” sigaw ng vampira at ilang saglit pa nagsidatingan ang mga punong nilalang ng gubat. “Nahuli ko itong diwata na nilalandi itong nilalang na galing sa tala” sabi ng vampira at nagulat si Anhica. “Tita hindi totoo yon!” paliwanag ni Anhica nang tignan niya si Anathea.

“Anathea! Ano ito? Inaahas mo ba kami para mapasainyo si Paulito?” tanong ng punong vampira at tinaboy niya ang gwardyang vampira at hinawakan sa leeg si Anhica. Hinawakan ni Paulito ang kamay ng dalagang diwata at sabay pa sila napahawak sa dibdib ng punong vampira. “Bitawan mo siya!!!” sigaw ni Paulito at nagulat ang lahat ng mabutas ang mga itim na ulap at may malakas na sinag ng ilaw ang tumama sa kanilang tatlo.

“Wag mong sasaktan si Anhica!!!” sigaw ni Paulito at lalong nagliwanag sa paligid, pansamantalang nabulag ang mga nilalang at unti unting nalusaw ang punong vampira. Paghupa ng liwanag tanging nakita ng lahat na magkayakap si Paulito at Anhica at ang punong vampira ay naabo na.

Lahat namangha sa kapangyarihan ng binata at sila ay napaatras. Sa isang iglap may sumulpot na gwardyang vampira at inagaw si Paulito, agad ito kinagad sa leeg. Nagsulputan pa ang ibang vampira at pinaligiran ang vampira at binata at sigaw ng sigaw si Anhica. Walang makalapit at ilang sandali pa nawalan ng buhay ang binata at bumagsak sa damuhan.

“Paulito!!!” sigaw ni Anhica at agad niya nilapitan ang patay na binata. “Kinuha niya ang buhay ng punong vampira, kaya kinakailangan din niyang mamatay. Alam niyo naman ang batas natin, buhay sa buhay” sabi ng vampirang pumatay sa binata at nagalit ang mga punog nilalang.

Agad nagsiklab ang laban, naging madugo ito at kakaiba talaga ang bangis ng mga vampira. “Itigil niyo ito!!!” sigaw ng isang tikbalang kaya lahat napatigil. “Pinatay ng mga vampira si Paulito!” sigaw ni Anathea at dinig na dinig pa ang malakas na sigaw ni Anhica. Nilapitan ng tikbalang ang dalaga at hinawakan ito sa balikat.

“May pag asa pa syang mabuhay, wag ka nang umiyak” sabi ng tikbalang at napatingala si Anhica sa tikbalang. “Maari pa syang mabuhay ngunit…vampira na sya…at mabubura ang mga alaala nya” sabi ng tikbalang at niyakap ni Anhica si Paulito at muling umiyak. “Sige na basta buhay siya!” sigaw nya kaya napatingin ang tikbalang sa mga vampira at mabilis na sinakal ang pumaslang sa binata.

“Bubuhayin mo ang binata…ngunit kayong mga vampira di na kayo pwede manirahan dito sa gubat na ito. Para walang gera kinakailangan niyong lumayo!!!” sabi ng tikbalang at takot na takot ang mga vampira sa kanya. Lumapit ang dalawang vampirang kawal sa katawan ng binata ngunit ayaw ito pakawalan ni Anhica. “Iha sige na…if you want to see him alive again let go of him” sabi ni Anetha at bumitaw na si Anhica at napayakap sa diwata.

Apat na taong lumipas

Naglalakbay isang gabi ang mga diwata, may mensahe silang idadala sa vampire town. Sumama sa kanila si Anhica ngunit nalihis ang landas niya at nagtungo sya sa kagubatan katabi ng vampire town.

Sa gubat may nakita siyang mga binatang vampira na nagkakatuwaan, isang vampira na duling ang nagpapatawa at biglang natawa din si Anhica at narinig ito ng mga vampira. Ilang saglit lang napalibutan ang dalagang diwata ng mga vampira, hinawakan sya at pinatayo ngunit may isang vampira na may mahabang buhok ang lumapit. “Bitawan niyo sya, sigurado naman naligaw lang sya siguro” sabi ng vampira at nagulat si Anhica pagkat si Paulito ang nagsalita.

Napayakap agad ang dalaga kay Paulito at nagulat ang ibang vampira. “Uy pare ha, di mo sinasabi may kinakatagpo ka palang diwata” sabi ng isang vampira at gulat na gulat din si Paulito at tinaas nya ang mga kamay nya. “Ah miss, pwede ka na bumitaw kasi di ka naman nila sasaktan e” sabi ng binatang vampira ngunit ayaw bumitaw ni Anhica.

“Naks, kunwari pa o, sige na iiwan na namin kayo dito. Ikaw pare ha masekreto ka talaga ha” tukso ng duling na vampira at napakamot nalang si Paulito. Agad umalis ang ibang vampira at naiwan nalang sa gubat sina Paulito at Anhica. “Ah wala na sila, wag ka na matakot” sabi ng binatang vampira at bumitaw si Annika at nakita ni Paulito na lumuluha ito.

“O bakit ka umiiyak? Tinakot ka ba nila? Sorry ha. Ano kasi ginagawa mo dito sa gubat na ito?” sabi ni Paulito at napasimangot si Anhica pagkat di na sya namumukhaan ng binata. “Naligaw lang ako, papunta kami sa vampire town para ibigay ang isang mensahe tungkol sa mga mandirigmang lalaban kay Fredatoria” sagot ni Anhica at biglang nalungkot si Paulito at napaupo sa damuhan.

“Kami yon, kami ang ipapadala upang magpanggap na kakampi ni Fredatoria” sabi in Paulito at nagulat si Anhica. Agad sya naupo sa tabi ng vampira at napatingin dito. “Ha? Bakit ikaw pa?” tanong ng dalaga at napangiti nalang ang vampira. “Ewan ko bakit ako napili, pero okay lang sigurado ko naman matatalo namin siya. Alam mo ba ako nakaisip ng strategy, kaya siguro ako napili kasi ako nakaisip” sabi ng vampira at biglang napasimangot si Anhica.

“Twinkle twinkle” sabi bigla ni Paulito, “Hindi ako ngumingiti” sumbat ni Anhica pero nang tignan niya ang vampira, nakatingin ito sa langit at tinuturo ang dalawang malaking tala. Napatingin din si Anhica sa mga tala at napangiti sya, “O ayan nakangiti ka na, ganda ng mga tala ano?” sabi ni Paulito at napatingin sa kanya ang dalaga.

“Alam mo pag tinitignan ko ang mga tala ay iniisip ko mga kaibigan ko silang nakangiti sa akin” sabi ni Anhica at nagulat si Paulito, “hahaha ako din, ganon din ang nasa isip ko lagi. Tapos binibigyan ko sila ng pangalan, ako yun o yung isa sa pinakamakislap, tapos yung isa na katabi nya tinatawag kong Anhica yon” sabi ng vampira at lalong napangiti ang dalaga.

“Anhica? Bakit naman yon ang pinangalan mo don?” tanong ni Anhica at napahiga si Paulito at tinuro ang dalawang bitwin. “Ewan ko nga din e, basta nalang sumulpot sa isipan ko yung pangalan na yon” sabi ni Paulito at nakapagpalabas ng napakatamis na ngiti ang dalaga. “Twinkle twinkle” sabi ni Paulito at muli napatingala ang dalaga, “Hindi, yang ngiti mo…parang kislap ng tala” sabi ni Paulito at bigla silang nagtawanan.

“Anhica!!! Nandito ka lang pala, halika na babalik na tayo” sabi bigla ng isang diwata at nagulat si Paulito at napatitig sa dalaga. “Anhica pangalan mo?” tanong nya at ngumiti ang dalaga sa kanya. “Mag ingat ka Paulito ha” sabi ni Anhica at lalong nagulat si Paulito at napatayo. “Kilala mo ako?” tanong ng binata at sumunod na sa mga ibang diwata si Anhica.

“Anhica! Wag kang mag alala, pag natalo namin si Fredatoria dadalawin kita!” sabi ni Paulito at napalingon sa kanya ang dalaga at tinuro ang mga tala. “Twinkle twinkle” at nagngitian silang dalawa.

Limang taon nakalipas

Nagpupumilit pumasok sa kweba si Anhica pero pinipigilan sya ng mga spellcaster. “Sige na gusto ko lang makita ano ginagawa nila kay Paulito” sabi ng dalaga. “Hindi nga pwede e, at pwede ba Anhica itigil mo na alam mo naman na may nobya na tao yan e” sabi ng spellcaster at napasimangot si Anhica. “Alam ko! Pero gusto ko lang siya makita!” sumbat ni Anhica at nagdabog syang naglakad palayo.

Limang oras nakalipas nakaalis na si Paulito at di siya nakita ni Anhica kaya masama ang loob nya. Naglakad lakad sya sa gubat pero agad sya nagtago pagkat nakita niyang nagpupulong ang mga punong nilalang ng gubat.

“Sinubukan na natin lahat, di natin maalis ang sugo sa katawan niya. Di ko din alam kung hanggang kailan niya mapipigilan nag paglabas nito” sabi ng punong diwata. “Nakiusap naman sya na pupuksain niya muna ang mga kampon ng kadiliman bago nya isusuko ang sarili nya” sagot ng matandang dwende. “Oo pero pano kung nakawala ang sugo e di doble ang problema natin” sumbat ng punong kapre.

“Kung ganon kailangan natin gumawa ng sumpa, kung makalabas ang sugo, agad susunduin ang kaluluwa nya para agad mapigilan ito” sabi ng punong mambabarang. “Oo nga, pero kailangan natin ng isang magsasakripisyo, di tayo pwede mamili, kailangan kusang loob ng nilalang na ito ibibigay ang buhay at kaluluwa nya” sabi ng diwata.

Agad lumapit si Anhica at nagulat ang mga punong nilalang. “Narinig ko ang lahat…ako nalang…ako nalang magsasakripisyo” sabi ni Anhica at natulala ang lahat. “Iha wag na” sabi ni Anathea. “Ako! Gusto ko ako! Nawala na sya sa akin minsan at kung mawawala ulit sya gusto ko magkasama kami. Kaya ako na!” pilit ni Anhica at di makapagsalita ang punong diwata.

“Alam namin ang pagkatao nya Anathea, akala mo ba di namin mapapansin. At ang kapangyarihan nila kailangan magkasama sila. Mas maganda narin ito para sa lahat” sabi ng punong dwende at hiyang hiya ang diwata. “Iha sigurado ka ba?” tanong ni Anathea at nakita ng lahat ang determinasyon sa mukha ng dalaga.

Kinabukasan natapos na ang ritwal, namatay na si Anhica at nakalabas na ang kaluluwa nya sa katawan nya. “Iha, sigurado ka dito mo gusto manatili sa batis na ito habang inaantay ang pagbalik nya?” tanong ni Anathea.

“Opo, dito ko sya aantayin…dito kung saan maliwanag ang kalangitan…dito kami muling magsasama ni Paulito. Sige na iwanan niyo na po ako dito. Hindi naman po ako nag iisa e” sabi ng kaluluwa at napatingin ito sa kalangitan.

“Basta nakikita ko ang mga tala…lagi kaming magkasama…twinkle twinkle”


-WAKAS-

Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking likhang kwento. Sana ay nasiyahan kayo sa pagbasa. Maraming salamat ulit.

Paulito

Monday, June 15, 2009

Chapter 20: Kapayapaan

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 20: Kapayapaan

Tumawa ng malakas ang impostor at itinaas nya ang dalawang kamay nya, isang malakas na kidlat ang tumama sa punong disipulo at napahiga ito sa lupa. Agad tumakbo si Anhica sa tabi ni Paulito at humarap sa kanila ang impostor na sugo.

Kumidlat nanaman sa buong paligid at lahat ng mga disipulo natamaan, pilit bumabangon ni Paulito ngunit nanghihina talaga ang katawan nya. Tumawa ng malakas ang impostor at nilagay ang kamay nya sa ulo ni Paulito. Pilit inaalis ni Anhica ang kamay ng impostor, nakapagpalabas sya ng mga espiritu na tutulong sa kanya ngunit lalo lang lumakas ang tawa ng impostor na sugo.

“Kung sana nakisama ka di mo na sana kailangan mawala sa mundo. Ikaw at ako sana ang maghahari ngunit ibang landas ang pinili mo Paulito. Isa lang sa atin ang pwede manatili sa mundong ito kaya paalam sa iyo!!!” sabi ng impostor at nagbagang pula ang kamay nya at napasigaw si Paulito ng malakas.

Humawak si Paulito sa kamay ni Anhica, “Naala mo pa ba noong bata tayo?” tanong ng vampira at tumigil ang dalaga sa pag aalis ng kamay ng impostor sa ulo ng vampira. Nilagay ni Anhica ang isang kamay nya sa dibdib ng impostor at gumaya din si Paulito at nilagay din nya ang isang kamay nya sa dibdib ng imahe nya.

“Hahahaha anong kalokohan ito? Wala akong laman loob at di mo ako masasaktan, pagkatapos kita mapatay kukunin ko ang katawan mo at aangkinin ko ito!!” sigaw ng impostor. “As if I would let you” sumbat ng dalaga at nagulat ang impostor nang sabay na nagbagang dilaw ang katawan ni Paulito at si Anhica.

Nakatayo na ang vampira at napasigaw ang impostor at napabitaw sa ulo ni Paulito. “Marami ka pang di nalalaman tungkol sa akin…sa amin” sabi ng vampira at biglang nagkaroon ng butas sa mga itim na ulap, mga disipulo nanlaki ang mga mata at di makapaniwala sa hiwagang nagaganap.

Napatingin ang impostor sa langit at nakita nya ang napakaliwanag na ilaw nagmula sa butas, “Ano ito? Anong ibig sabihin nito?” sabi nya ngunit lalo nagliwanag ang ilaw at isang malakas na sinag ang nagpapaba sa tatlo, napasigaw ng malakas ang impostor at unti unti siyang nalulusaw. “Pano mo nagagawa ito?!!!” sigaw nya ngunit pareho lang nakapikit ang vampira at ang dalaga.

Lalong lumakas ang sinag ng ilaw at pansamantalang nabulag ang mga disipulo. Ilang saglit pa humupa ang liwanag at tanging nakita nila ay dalawang nilalang na magkayakap at patuloy na nasisilayan ng sinag mula sa kalangitan.

Dahan dahan lumapit ang mga sugatang disipulo at hinarap na sila nung dalawa, “Pare tapos na ba?” tanong ni Bashito at ngumiti ang dalawa. “OO mga pre tapos na, tignan niyo” sagot ni Paulito sabay lahat napatingin sa kalangitan at unti unti nang nalulusaw ang mga itim na ulap at nagliliwanag ang kalangitan. Sumisilip na ang mga bitwin at nagbago narin ang simoy ng hangin.

Nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa loob ng palasyo at napalingon agad si Paulito. “Si Nella yon” sabi ng vampira at napasimangot si Anhica. Mula sa langit madaming mga paniki ang nagpapa at napalibutan si Paulito, parang itim na ulap sumugod ang mga paniki sa palasyo at nagulat ang lahat pagkat wala na sa tabi nila ang vampira.

“Wow, siya ba talaga yon?” nasabi ni Virgous at nagtawanan sila lahat. “Uy affected!” tukso ni Darwino sa dalaga pero kumapit si Anhica kay Mhigito. “Dali sunod sa loob” utos nya at napakamot nalang ang vampira. Lahat sila sumugod sa palasyo upang sundan si Paulito, at sa loob ng palasyo malagim na hangin ang sumalubong sa kanila.

Sa kwarto ng bruha nagsisigaw si Nella akap akap nya ang corona habang si Monica ay papalapit sa kanya. Si Chiara, Yui, Paula at Tuti lahat nakahandusay sa sahig. Lahat sila nakatikim sa kapangyarihan ng bruha seduktiva.

“Akin na yang corona Nella, hindi sa iyo yan. Kung gusto mo papatayin kita at pag reyna na ako muli kita bubuhayin. Sige na akina na yan?” sabi ni Monica at lalong sumigaw ang dalaga at dumikit sa sulok.

“Nella wag mong bibitawan yang corona…di ka nya masasaktan basta hawak mo yan!” sabi ni Paulito at napasigaw sa inis ang bruha. “Ikaw nanaman!! Bakit ba hindi ka mamatay matay?!!!” sigaw ng bruha at humarap sya sa vampira. Tinapon ng bruha ang manika ni Anhica at nagulat si Paulito, “Hahahaha nakakalimutan mo ata kung sino ako Paulito, oo nagawa mo ako alisin sa katawan nitong bruha ngunit nadistract kayo…eto akoy nagbalik sa katawan ng bruha at this time din a ako magkakamali!!” sigaw ng bruha at mabilis na lumapit kay Paulito at niyakap sya.

“Mahina na ako para labanan ka ngunit may natitira pa akong alas. Kung di ako pwede maghari dito…mas maganda nalang na maabo ang buong kaharian!!!” sigaw ng bruha sabay tumawa ng malakas. Di makapiglas si Paulito sa yakap ng bruha at nagtataka na sya, kahit anong gawin nya di rin sya makagamit ng kapangyarihan nya. “Wag ka na magtataka, matalino itong bruhang ito, ginawa nya itong kwarto na ito upang sya lang ang makakagamit ng kapangyarihan…sa sandaling ito isa ka lang mahinang nilalang tulad nila” paliwanag ng bruha at pinikit nya mata nya at nagsimula magdasal.

“Maski ako walang kapangyarihan dito ngunit ang bruha meron…kinakailangan ng tatlong kapangyarihan…kaya tatlo tayo ang may sala ng pagkaabo ng Plurklandia!!!” sigaw ng bruha.

“El cometa de la muerte le convoco!!!” dasal paulit ulit ni Monica, “Nella! Umalis na kayo dito! Lumayo kayo agad magmadali ka na!!!” utos ni Paulito ngunit naninigas sa takot ang dalaga. Nakapsok sa kwarto ang ibang disipulo, “Mga pare ilabas niyo sila bilis, lumayo kayo at pag nakita niyo ang bulalakaw na tumama na isuot niyo agad ang corona sa ulo ni Nella!” utos ni Paulito.

“Oo Paulito alam namin ang gagawin namin” sabi ni Aneth at nagulat ang vampira. Nang nailabas na ng mga disipulo sina Nella at ang iba natira sa kwarto si Paulito, Monica, at Aneth. “Ikaw…alam mong mangyayari ito ano?” tanong ni Paulito at biglang tumawa si Monica.

“Ano tong nababasa ko sa utak ng bruha…hello ate Aneth” sabi ng nasanibang bruha at nagulat si Paulito. “Sabi ko naman sa iyo e Monica di ka nakikinig sa akin, hindi ikaw ang magiging reyna ngunit ako. Si Nella ang uupong reyna ngunit makikinig sya sa akin ahahahahaha” sabi ni Aneth.

“Habang nabubuhay ka Paulito laging may hahadlang sa mga plano namin…habang nabubuhay ka Monica may panganib sa aking pamumuno. At habang buhay ang espiritu ng Fredatoria lagi kami magkakaroon ng pangamba kaya tignan niyo gano kaganda ang sitwasyon na ito, talagang sumunod sa plano ko…tatlo kayo sabay sabay na mawawala…wala nang hahadlang sa akin!!!” sigaw ng diwata.

“Fredatoria bitawan mo na ako!!” sigaw ni Paulito. “Hindi ako makagalaw!!” sumbat ng bruha at tumawa ang diwata. “Of course kapangyarihan ko yan…magkadugo tayo Monica kaya maari ko din gamitin ang kapangyarihan ko dito…eto tulungan ko kayo para mapabilis ang lahat”

Humawak ang diwata sa katawan nung dalawa sabay sumigaw, “El cometa de la muerte le convoco!!!” Nagkaroon ng malakas na kulog mula sa kalangitan, mga dingding ng palasyo nanginig at biglang pumasok sa kwarto sina Anhica at Mhigito. “Anong nangyayari dito?!!!” tanong ni Anhica.

Mabilis na humarap sa kanila ang diwata, si Paulito at Monica nautal at di makapagsalita. “Magmadali tayo, hindi pwede bitawan ni Paulito ang bruha kung hindi mamatay tayo lahat. Dali na” sabi ni Aneth pero nagpumilit si Anhica lumapit sa vampira pero pinigilan siya ni Mhigito.

“Sige na paparating na ang comet dito tatama yon, may tsansa tayo masalba kaya magmadali tayo” sabi ni Aneth at nagkatitigan lang si Paulito at Anhica. Di parin makapagsalita ang vampira, sigaw ng sigaw si Anhica at nagpupumiglas. “Iiwanan mo nanaman ako!!! Ha!!!” sigaw ng dalaga at mabilis na sila nakalayo sa kwarto. Wala nang magawa ang vampira ngunit mapaluha nalang, pinikit nya ang kanyang mata at nagdasal para sa kaligtasan ng iba.

Sa labas ng palasyo nagtakbuhan palayo ang mga disipulo, nakalabas na sina Mhigito pero nagsisigaw parin si Anhica. Huling lumabas ng palasyo si Aneth at inutusan na lumayo pa ang lahat.

Nakalayo sila ng husto at napatingin ang lahat sa kalangitan at nakita na ang papalapit na ang pulang kometa sa kaharian. Tumayo si Nella at napalingon sa paligid, “Nasan si Paulito?” tanong niya at nakita nyang umiiyak si Anhica kaya nilapitan niya ito.

“Nasan siya? Bakit ka umiiyak?” tanong ng reyna ngunit di makasagot si Anhica. “Nella si Paulito ay may inaasikaso lang saglit mamaya nandito na sya” sabi ni Aneth at biglang sinamapl ni Anhica ang diwata pero inawat sya ng mga disipulo. “Sinungaling!!!” sigaw ng dalaga pero nilayo na siya ni Mhigito.

Napansin ni Nella ang lungkot at luha sa mga mukha ng mga disipulo ngunit dinala na ni Aneth ang corona sabay napatingin sya sa langit. “Kailangan sakto ang timing ng pagsuot mo nito, kung masyado maaga wala din lang silbi, kung late tayo maaring patay na tayo lahat bago mo pa maisuot ito” paliwanag ng diwata at kinuha ni Nella ang corona at pinagmasdan ang papalapit na kometa.

“Dapat saktong pagtama ng kometa sa palasyo saka mo din isuot yan Nella” sabi ni Aneth at napalingon sa paligid ang dalawa, “Bakit sila nagluluksa?” tanong niya. “Natatakot lang sila, hayaan mo sila Nella, nasa kamay mo ngayon ang kaligtasan natin lahat” sagot ng diwata at kinabahan bigla si Nella.

Papalapit na ang kometa at nagsimula nang maramdaman ng lahat ang init at pwersa galing dito. Lumakas ang hangin na mainit sa buong paligid ngunit lahat nakatingin sa palasyo at naluluha.

Mga magigiting na disipulo napaluhod nalang sa lupa at pumasok sa alaala nila ang kanilang punong disipulo. Sa mga sandaling ito halos nanghina sila, ngunit ang pinakanasaktan sa lahat ay ang dalagang nasa gitna nila na di parin tumila sa pagsisigaw at pag iiyak.

Hinawakan ng maigi ng ibang diwata si Nella, ang kometa kitang kita na at ilang segundo nalang tatama na sa palasyo. Nagulat si Nella nang malalakas na hagulgol mula sa mga disipulo ang narinig niya ngunit pagtingin niya kay Aneth nakangiti ito sa kanya.

Saktong tumama ang kometa sa palasyo naisuot din ni Nella ang corona sa ulo niya, yumanig ang buong kaharian at nakita na nila ang malaking pagsabog. Kakaibang liwanag ang nagmula sa katawan ni Nella, nilabanan nito ang pagsabog na dala ng kometa.

Ang apoy na galing sa palasyo na kakalat na sana sa buong kaharian at nalabanan ng liwanag na dala ng reyna. Muling nabulag ang lahat sa malakas na liwanag na taglay ng reyna ng kaharian, muling nanumbalik ang sigla ng mga puno at halaman. Ang simoy ng hangin muling naging sariwa at araw biglang sumikat upang salabungin sila sa pagbabago.

Ilang minuto pa naibalik ng reyna ang Plurklandia sa dati nyang sigla, mga ibon nagliparan sa langit upang magbigay pugay sa kanya. Mga mamamayan nagsilabasan ng bahay nila at nagdiwang pagkat damang dama na nila ang pagkayurak ng kasamaan sa kanilang kaharian.

Lahat napalingon sa palasyo ngunit wala na ito doon. Kung dati nakatayo doon ang palasyo ng hari, ngayon ang tanging nakikita ay ang malaking kometa na sanay sisira sa buong kaharian.

Mabilis na nawala ang mga disipulo kaya napatingin si Nella kay Aneth, “Saan sila pupunta, nasan si Paulito?” tanong ni Nella. “Hayaan mo na sila muna mahal na reyna, wag kang mag aalala magtatayo tayo ng bagong palasyo mo. Ngunit kailangan mo na makaharap ng mga mamamayan ng kaharian at sigurado ko nasasabik na sila makilala ang nagligtas sa buong kaharian” sabi ni Aneth sabay ngiti.

“Ako? Wala ako ginawa” sabi ng dalaga. “Hindi totoo yan, nakita mo naman ang nangyari diba? Ikaw ang tunay na tagapagligtas Nella, ikaw ang mamumuno ng kaharian” sagot ng diwata. “Ha? E sinunod ko lang yung sinabi mo e. At di pa ako handa mamuno” sagot ni Nella. “Nandito naman ako Nella, pwede kita gabayan muna kung itoy iyong gusto” alok ng diwata at napangiti ang reyna. “Oo, sige tulungan mo ako Aneth” sabi ni Nella at napangisi nalang ang diwata.

Muling napalingon si Nella sa dating kinatayuan ng palasyo pero inakbayan siya ni Aneth at nagtungo sa mga mamamayan. Sa harapan ng malaking kometa naluhod si Anhica at nakayuko ang ulo at umiiyak. Mula sa butas lumabas ang onseng disipulo at may lungkot sa mukha nila.

“Eto lang nahanap namin sa baba” sabi ni Louis at inabot ang lasog na lasog na manika sa dalaga. “Nakakabilib nga at may natira pa nyan e” pahabol ng vampira ngunit inagaw ng dalaga ang manika at niyakap. Lumakas ang hagulgol ni Anhica at mga disipulo tumayo sa likuran niya.

Humawak si Bombayno sa balikat ni Anhica, “Halika na lumayo na tayo dito” bulong niya pero sinaway sya ng dalaga kaya napayuko nalang ng mga ulo ang mga disipulo at nagluksa kasama siya.

Isa isa nag alisan ang mga disipulo, walang nagsasalita at walang nagsama. Tanging naiwan sa harapan ng malaking kometa ay si Anhica, niyakap nya ng mahigpit ang natitirang manika niya sabay napatingin nalang sa langit.

Chapter 19: Ang Sugo

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 19: Ang Sugo

“Steady ka lang dyan boss, kami naman muna” sabi ni Bobbyno at nag inat inat sila na ginaya ng mga impostor nila. Naupo lang si Paulito sa lupa at hinarap ang impostor na sugo, mga disipulo naghahanda at lahat ng atensyon nasa dalawang dwende. Si Anhica tuloy ang pakikipaglaban nya sa impostor na Wookie at talagang nahihirapan na siya kaya nagmadali ang mga dwendeng disipulo.

“Everybody! Lets go to our happy place ahahaha…hafi hafi lang” sigaw ni Darwino at nagsimula sila magsayaw ni Bobbyno. Di makaporma ang mga impostor nila at natulala lang, wala silang makuhang lakas pagkat talagang nagsasaya ang dalawang dwende. “Louis…alam mo naman ang hilig namin diba…please Louis…ahahahaah” landi ni Darwino at biglang naupo ang dalawang dwende at tumalikod.

Nagpalit ng anyo si Louis sa isang magandang babae at napilitan gumaya ang impostor nya. “Mga pre okay na” sabi ni Louis sa babaeng boses at kinilig ang dalawang dwende. Mga impostor na dwende napapaupo na pero nakatitig sa dalawang Louis na babae.

“Pareng Darwino magtiis tayo…tiis lang” sabi ni Bobby. “Oo resist temptation…Louis maganda ba yan?” banat ni Darwino. “Sobrang ganda at sexy” sagot ni Vandolphous kaya naghawakan ng kamay ang dalawang dwende at pinikit nila ang mga mata nila. “Resist temptation to save the world!!!” banat in Bobbyno, “Sacrifice for everyone aaahmmmmm” sumbat ni Darwino at nagtawanan ang ibang disipulo.

Ang mga impostor nila tila di nakatiis, palapit sila ng palapit sa impostor na Louis at nanggigil sila at nagbungisngisan. Si Darwino pasimple nya hinahanda ang tirador nya habang si Bobbyno hinawakan ng mahigpit ang kanyang battle axe. Si Vandolphous nagsuot ng shades nya at nagsuklay ng buhok kung saan napagaya ang impostor nya, si Sarryno nagpalit anyo sa taong lobo at si Virgous pinatay ang apoy sa katawan nya na ginaya ng kalaban nya.

Gusto nang lumingon ni Darwino, nakahanda na ang tirador nya at binat na binat na ang rubber nito. “Kaya mo yan pare, tiis pa konti” bulong in Bobbyno. Mga dwendeng impostor tumawa na at tuluyan lumapit sa impostor na Louis at sinilipan nila. Nagkatawanan ang lahat at pati ang mga impostor na disipulo nakitawa din ngunit hudyan na yon para gumawal ang lahat.

Mabilis tumalikod si Darwino at agad nasapol sa puso ang dalawang impostor na dwende. Si Bobbyno hinagis ang battle axe nya at natanggal ang ulo ng impostor na Louis. Sa bilis ng mga pangyayari di nakapagreact agad ang mga impostor, kinalbit ni Darwino si Bashito na mabilis nagising, nagpagulong sya sabay saksak sa puso ng impostor nya.

Si Virgous pumasok sa ilalim ng lupa, gumaya ang impostor nya pero bago lumubog ang ulo nito tumalon si Chado at niyakap ang ulo sabay binulungan. Gumaya ang impostor nya ngunit mabilis ito natosta ni Virgous, si Bombayno nagpakawala ng malakas na sigaw, si Louis ginaya ang anyo nya at nagpalabas din ng parehong sigaw.

Nagbagsakan ang mga impostor at nagtakip ng tenga, naunahan sila ng mga disipulo ngunit ang impostor na sugo tuloy ang pagharap kay Paulito at tila lumalakas ito dahil sa mga nangyayari sa paligid. Nakapagpahinga ng konti si Anhica pagkat pati ang impostor na mambabarang ay nagtakip ng kanyang tenga.

Si Ngyobert naglabas pa ng dalawang boteng alak at hinamon ang impostor nya sa pag straight ng pag inom. Pagtungga ng impostor mabilis na sinaksak ni Ngyobert ng espada ang leeg ng kalaban nya sabay tawa. Binuhat ni Mhigito si Chado at mabilis sila naglibot at binulungana ang mga impostor.

Namatay ang lahat ng impostor maliban sa impostor ng sugo, walang talab sa kanya ang kapangyarihan ni Chado, sumubok si Bombayno at Virgous pero tumawa lang ang pekeng sugo. Nagulat ang lahat may mga pulang espiritu lumabas sa mga katawan ng mga imspostor, nagtungo sila sa katawan ng bruha at ilang sandali pa dahan dahan tumayo si Monica.

Tatayo na sana si Paulito pero pinigilan siya ni Sarryno, “Pre, steady ka lang dyan, di natin kailangan ng dalawang kalaban. Kalma ka lang para di makawala yang kaharap mo” sabi nya at muling naupo ang vampira at pinikit ang kanyang mga mata. Palapit si Anhica kay Paulito pero nagpakawala si Monica ng mga espiritu at sinugod ang dalaga. Napasigaw si Anhica at napahiga sa lupa ngunit nakapaglabas sya ng tatlong espiritu na humarang sa mga itim na espiritu.

“Okay ka lang?” tanong ni Paulito ngunit di nakasagot ang dalaga, “Fredatoria!!! Wag nalang siya!!!” sigaw ng vampira at tila lumakas ang impostor nya at nagbaga na ang mga mata nito. “Hoy ano ka ba okay lang ako, tumigil ka nga diyan tignan mo lumalakas lalo yang impostor mo dahil sa galit mo” sabi ni Anhica at muling kumalma ang vampira ngunit ang impostor nya nakangisi na at tumatawa.

Sabay sabay na sumugod ang mga disipulo pero sinalubong sila ng kaparehong sigaw ni Bombayno mula kay Monica, napahawak sila sa tenga nila at nagpakawala pa ang bruha ng mga golden balls mula sa bibig nya at sapol sa mga dibdib ng mga disipulo.

Di na matiis ni Paulito ang nakikita nya, kinakawawa na ng husto ng bruha ang mga kaibigan nya, pagkatapos sila patikman ng mga apoy ni Virgous isa isa naman pinatikin ng bruha ang mga matatalim na kuko ni Sarryno ang mga disipulo. Nagawa pa nilang tumayo at lumaban ngunit sadyan malakas ang bruha at mabilis gumalaw kaya bugbog sara ang mga disipulo maliban kay Paulito at Anhica.

Nanggagalaiti na sa galit ang vampira at nagliliyab na ang katawan nya, lalong lumalakas ang impostor ni Paulito kaya kinabahan si Anhica at lumapit. “Hoy, kalmado ka lang…tignan mo o kaya pa nila. Look lumalaban pa sila” sabi nya sa vampira. “Ei…naturuan ka ba ni Wookie mag exorcise?” tanong ni Paulito. “Ha? Hindi niya ako tinuruan, pinapanood ko lang sya…bakit?” sagot ng dalaga.

Pinaliwanag ni Paulito ang pag exorcise habang pinapanood pa nilang kinakawawa ng bruha ang ibang disipulo. “Pano ko gagawin yon?” tanong ni Anhica bigla. “Ako bahala basta be ready” sabi ni Paulito. “Oy, sandali pano yang impostor mo?” tanong ng dalaga. “Ako bahala dito basta gawin mo yung sinasabi ko” sagot ng vampira.

Tumayo dahan dahan si Paulito at gumaya ang impostor, “I lost you once…” sabi ni Anhica pero agad sya hinarap ng vampira. “Never again” bulong niya Paulito ay nagyakapan sila. “Ready ka na?” tanong ng vampira at nilabas ni Anhica ang manika nya. “Let’s get this bitch!” sagot nya at sabay sila humarap sa bruha.

“Mga pre alam ko naririnig niyo ako…tulungan niyo si Anhica para matanggal ang espiritu ni Fredatoria sa katawan ng bruha. Ako na bahala sa impostor ko” sabi ni Paulito sa mga isipan ng mga disipulo kaya lahat sila napalingon sa kanya. Sa isang iglap nawala si Paulito sa harapan ni Anhica at sumulpot sa harapan ng bruha. Nasakal niya si Monica at mabilis sila napalipad sa isang pader ng palasyon. Ang impostor na sugo nahawakan si Paulito at pareho sila napahiga sa lupa. Nakawala ang bruha ngunit tinuro sya ng vampira at biglang may lumitaw na mga dilaw na tatak sa noo, dalawang kamay at dalawang paa ng bruha.

Napalipad ang bruha paatras at dumikit sa pader, nagulat ang mga disipulo at nakitang lumapit sa kanya si Anhica. Di nila alam sino ang proprotektahan nila pagkat nakikita nila ang punong disipulo na pinagtitira ng impostor nya. “Tulungan niyo siya!!!” sigaw ni Paulito at kahit masakit sa damdamin nila ang nakikita nila pinalibutan nila si Anhica na tumayo sa harpan ng bruha.

Di makagalaw si Monica at nakadikit talaga ang katawan nya sa pader dahil sa mga dilaw na mga marka sa katawan nya. “Pano nangyari e kailangan ng spellcaster na dwende para maglagay ng markang ganyan” sabi ni Bobbyno. “Pare di ka na ata nasanay kay bossing e” sagot ni Bashito pero sinimulan na ng dalaga ang ritual.

Gamit ang dasal na tinuro sa kanya ng vampira ay tinapat nya ang manika sa ulo ng bruha, napasigaw si Monica at nagpupumiglas ito. Nagpakawala sya ng mga itim na espiritu mula sa katawan nya at muling naglabasan ang mga kalansay sa lupa. Hinarap ng mga disipulo ang mga kalansay pero ang pulang espiritu ng Fredatoria nahihiwalay dahan dahan sa katawan ng bruha at pumapasok sa manika ni Anhica.

Dalawang kamay na napahawak sa manika ang dalaga at nahihirapan siyang alisin ang espiritu ng Fredatoria sa katawan ng bruha, padami ng padami ang mga kalansay na naglalabasan kaya naging abala ang mga disipulo.

Nakita ni Paulito na nagtatagumpay si Anhica kaya hinawakan nito ang mga balikat ng impostor nya at tinapon palayo. Tumayo ang vampira at nag inat, inalis nya ang suot nyang itim na coat sumigaw sya ng napakalakas. Lahat napalingon sa kanya at nagulat sila sa kanilang nakita.

Dalawang pakpak ang naglabasan mula sa likod ni Paulito at damang dama nila ang malakas na dark aura nya. Napalingon pa saglit sa kanina ang vampira at nakita nila ang nag aapoy na pulang mata nya. “Mga pre ako parin ito wag kayong mag alala” sabi nya.

Lumipad sa ere si Paulito at mabilis na lumipad din ang impostor nya, nagkaharap sila sa ere at bawat palitan ng suntok nagsasabog ng pulang ilaw ang mga katawan nila. Tulala ang mga disipulo at pinanood nila ang laban ngunit sumigaw si Anhica at humihingi ng tulong pagkat nakalusot ang dalawang kalansay at inaagaw ang kanyang manika.

Nadispatsa ni Ngyobert ang mga kalansay at binatukan nya ang mga kasama nya, “Ngonsengrayt ngasi!!!” sigaw ng kapre at kaya nagseryoso na ang disipulo at ang kapre naman ang nanood ng laban ng mga sugo. Tanapakan ni Anhica ang paa ng kapre at napakamot si Ngyobert. “Ngonsengrayt karin!!!” sigaw ng dalawa at nagawa pang magtawanan ng mga disipulo.

Isang malakas na suntok mula kay Paulito at pagtama ito sa dibdib ng impostor at napatapis ito papunta sa palasyo. Wasak ang isang tore ngunit lumipad ng mablis sinugod ng vampira ang kalaban nya at pareho sila lumusok sa pader. Isang malakas na kulog ang narinig at nakita nila ang impostor na lumipad palabas ng palasyo, lipad palabas si Paulito at hinabol ang impostor na sugo.

Ilang sandali pa napalipad bigla si Anhica sa ere pero mabilis sya nasalo ni Ngyobert. Bagsak ang katawan ng bruha sa lupa at ang manika ng dalaga ay nagbabaga. “Nakuha mo na?” tanong ni Virgous at tinignan ng dalaga ang manika nya. “Oo ata, pero ano nang gagawin natin dito?” sagot nya at napalingon sila sa ere at nakita ang dalawang nilalang na naglalaban. “Ewan ko antayin nalang natin si bossing” sagot ni Chado.

Mga kalaban na kalansay bumalik sa ilalim ng lupa, wala nang magawa ang mga disipulo kundi manood habang nakikipaglaban ang kanilang pinuno. Bawat tama kay Paulito ramdam na ramdam nila ngunit bawat bawi niya pati sila napapagaya sa galaw nya.

Nagtagal ang laban sa ere ngunit napansin nila na tabla lang ang laban, “ano ba ginagaya nya bakit di pa niya matalo yan?” sabi ni Anhica. “Malamang di pa nya nahahanap ang kahinaan nya, pero wag kang mag alala laging nag iisip si bossing…sigurado ko malapit na niya makuha yan” sagot ni Bobbyno. Kasasabi palang ng dwende at nakita nila napuruhan ng matindi si Paulito at bumagsak sa lupa. Babangon palang sya naglabas ng kidlat ang impostor at natamaan sa likod ang vampira.

Napasigaw si Anhica at susugod na sana ang mga disipulo ngunit pinigilan sila ni Virgous, “Mga pre wag…lalo lang mag aalala si bossing…tiwala lang tayo” sabi ng taong santelmo. Parang bulalakaw na bumagsak sa lupa ang impostor at tumama kay Paulito, isang malaking pagsabog ang naganap at napuno ang paligid ng usok.

Ilang sandali pa may nakita silang dalawang nagbabagang mata sa gitna ng usok at papalapit sa kanila. “O you see mga pre, solve na ni bossing, malamang nabasa nya yun at sinalubong nya ng uppercut” sabi ni Virgous nguniti biglang nagliparan ang mga disipulo at tumawa ng malakas ang impostor. Sumugod ang mga disipulo sa impostor, napaluhod sa lupa si Anhica pagkat di na nya alam ano ang nangyari kay Paulito.

Apoy ni Virgous, sigaw ni Bombayno, bulong ni Chado, mga laslas ni Sarryno at Bashito, wala epekto sa impostor at mabilis lang sila nasaktan nito. Si Darwino at Bobbyno umatake na ngunit tumawa lang ang impostor at sinipa sila palayo. Si Louis ginaya ang itsura ng impostor pero bago makaporma nahawakan sya sa leeg, pasugod si Vandolphous at Ngyobert ngunit ginamit ng impostor ang katawan ng vampira at winasiwas ito sa kanila.

Bagsak na ang lahat ng disipulo at ang impostor nilapitan ang dalaga at tumawa, hinawakan ng impostor si Anhica sa leeg at di na pumiglas ang dalaga. “At sa tagal tagal nyang nag isip kung ano ang kahinaan nya…ahahahaha di mo ba alam ikaw yon!!! At ikaw din ang nagpapalakas sa kanya kaya ano pa ang ilalakas nya pag patay ka na?!!!” sigaw ng impostor at binuwelo na nito ang kamay nya at isasaksak sa puso ng dalaga.

Magiting na hinarap ni Anhica ang impostor, di niya inalis ang titig nya sa mukha nito, nanlaki bigla ang mga mata nya at napangiti nang may dalawa pang mga nagbabagang mga mata ang nakita nya sa likod ng impostor. Napasigaw ang masamang nilalang at nabitawan ang dalaga, mula sa dibdib ng impostor lumabas ang isang kamao at sa ulo nya napahawak ang isang kamay.

“Wag na wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko at lalong lalo na si Anhica!!!”

Saturday, June 13, 2009

Chapter 18: Fredatoria

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 18: Fredatoria


Tumayo ang mga disipulo at para silang nabuhayan nang makita nila nagbalik ang kanilang kaibigan. Takbo si Tuti at napayakap kay Paulito at ang dalawang dalaga sa tabi nya lalong napakapit sa kamay nya. “Musta Tuts?” sabi ng punong disipulo at hagolgol lang ang sagot ng bunging vampira sa kanya.

Di makapaniwala si Monica sa nakikita nya, biglang sumakit ang ulo nya at napaluhod sya sa lupa. Napahawak siya sa kanyang ulo at nagsisigaw ito, nagbabagang pula ang buong katawan nya at ang buong paligid ay napuno ng madilim na aura.

“Mga pre okay lang ba kayo?” tanong ni Paulito at lahat ng disipulo napatingin sa bruha. “Oo pre, saka mo nalang ikwento ang nangyari” sagot ni Chado. “Nasan si Wookie?” tanong ng punong disipulo at doon lang nila napansin na nawawala ang mambabarang. “Kinuha siya ng mga itim na espiritu kanina, wala ako nagawa para salbahin siya…sorry” bulong ni Anhica at niyuko niya ulo niya.

Nilapit ni Paulito ang bibig niya sa tenga ni Anhica sabay bulong, “I remember everything now” sabi nya at nagulat si Anhica at napatingin sa kanya. “Twinkle Twinkle” sabi ng vampira at napangiti si Anhica at agad tumingin sa malayo. “Lahat ba naalala mo na?” bulong ng dalaga. “OO, ako na to e” sumbat ng vampira. “Ano pinaguusapan niyo?” tanong ni Nella at ngumiti nalang si Paulito.

“Wala naman…Tuts, ikaw na bahala kay Nella sandali at may aasikasuhin lang ako” sabi ng vampira at naglakad siya palapit sa nakaluhod na bruha. Mga disipulo agad tumabi sa kanya, “Pare just like before ba?” tanong ni Virgous. “Pero wala si Wookie pare” sabi ni Bombayno. Lumapit bigla at sumingit si Anhica para tumabi kay Paulito, “Ako papalit sa kanya pansamantala” sabi ng dalaga at nagulat ang mga disipulo at napatingin lahat kay Paulito.

Nagkatinginang si Paulito at Anhica sabay nagngitian, “Hindi mga pre…di tulad ng dati…because this time…we are going to be awesome!” sabi ng punong disipulo at pumorma na sila. Nagsabog ng pulang ilaw ang katawan ni Monica, napasigaw siya at humihingi ng tulong. “Anong nangyayari sa akin?!!!” sigaw nya. “Aahhh tulungan niyo ako!!!”

Umatras ang mga disipulo habang pinanood nila dahan dahan tumayo si Monica, sigaw parin siya ng sigaw at lalo lumalakas ang nararamdaman nilang dark aura. “Anong nangyayari sa kanya?” tanong ni Bobbyno. “Kasalanan niya yan, akala nya makokontrol niya ang espiritu ni Fredatoria. Siguro kung di nya tayo nakaharap ay maari nya nagawa yon ngunit alam ni Fredatoria nandito tayo at gusto niya maghiganti sa ginawa natin” paliwanag ni Paulito.

Tayong tayo na ang bruha at nakikita nilang may dalawang espiritung naglalabanan sa katawan niya. Pagkalipas ng ilang segundo tumigil ang mga sigaw at napayuko ang ulo nito. Tumawa bigla si Monica pero hindi na niya tinig ang naririnig ng mga disipulo, ngunit tinig ng nilalang na minsay muntik nang sinira ang buong kaharian.

“Ang aking mga disipulo nagagalak ako at sinalubong niya ang aking pagbabalik ahahaha” bulong ni Fredatoria. Tinignan ni Monica isa isa ang mga disipulo at bigla siya napatigil kay Anhica, “Hmmm…wala akong natatandaan na babae…may manika ka pero di naman ikaw si Wookie…o ikaw si Wookie pero nagladlad ka na ahahahahahaha!!!” asar pa ng nilalang pero agad niya tinignan si Paulito.

“At ang paborito ko sa lahat…ang inakala kong magtutuloy sa aking adhikain…ang dakilang traydor!!! Nautakan mo ako talaga vampira ka, alam mo na pipiliin ko ang may pinakamahinang loob…nagpanggap ka at naniwala naman ako kaya ikaw napili kong paglipatan ng sugo…pero ngayon naiintindihan ko na bakit…” sabi ng Fredatoria pero biglang tinaas ni Paulito ang kamay nya at isang kidlat ang tumama sa may paanan ng kalaban.

“Tumahimik ka na! Madami kang satsat tapusin na natin ito!” sigaw ng vampira at tumawa ang demonyo. “Bakit ayaw mo malaman nila kung sino ka talaga?” tanong ni Fredatoria pero nagulat ang lahat nang sumugod na si Paulito na di niya karaniwang ginagawa. “Sinabi ko tumahimik ka na eh!!!” sigaw ng vampira at nagawa nyang isaksak ang espada nya sa tyan ng bruha pero tawa ng tawa si Fredatoria.

“Malamya ka!” sigaw ng demonyo at naglabas ito ng malakas na pulang ilaw at naipatapon lahat palayo. Tumaas sa ere ang demonyo at sumigaw ito ng malakas. “Kay tagal ko nang gusto gumanti sa inyo, kaya eto ang sa inyo!!!” sigaw ni Fredatoria at mula sa lupa may treseng kalansay ang lumabas.

Bagsak sa lupa ang katawan ni Monica at mula sa katawan nya lumabas ang treseng pulang espiritu na sumanib sa mga kalansay. Nagbago ang mga anyo ng mga kalansay at nagulat ang mga disipulo pagkat tumayo sa harapan nila ang mga sarili ilang mga imahe.

“Tignan natin kung pano niyo haharapin ang mga sarili niyo ngayon mga traydor!!!” sabay sabay na sinigaw ng mga impostor na disipulo. Mabilis nagkaharap ang mga impostor sa tunay na disipulo, sina Nella di masabi kung sino ang tunay at sino ang peke. Isa lang ang kakaiba pagkat hinarap ni Anhica ang impostor na Wookie.

“Nica sigurado mo kaya mo yan?” tanong ni Paulito. “Oo wag kang mag alala ako to e” sagot ng dalaga at nilabas niya ang manika nya at nakita ito ng vampira. “Ako naman yan e” sabi ni Paulito at pareho sila natawa.

Naghiwahiwalay ang mga disipula at para silang nakatingin sa salamin, si Ngyobert tinitigan niya ang impostor niya at ginagaya nito ang bawat galaw nya. Bubuwelo palang sana siya pero narapido na ang mukha niya ng suntok mula sa impostor nya. Ganon din ang nangyari sa lahat, si Chado mabilis na nayakap ng impostor nya kaya agad nya tinakpan nya ang tenga nya pagkat sinusubukan bumulong ng kalaban nya.

Si Virgous tumawa nang magpaapoy ang impostor nya, bilib na bilib syang walang talab ito sa kanya pero tumakbo sya at nagsisigaw pagkat kauna unahang pagkataon na naramdaman niyang masunog. “Hoy anong klaseng apoy yan?!!” sigaw ni Virgous habang tumakbo sya. Si Mhigito di makatakbo pagkat lagi sya nahuhuli ng impostor nya, si Bombayno nabingi sa sigaw ng kalaban nya.

“Anong nangyayari, si yung mga kakampi natin?” tanong ni Paul pagkat nalilito talaga sila sa mga nakikita nila, di nila alam kung sino ang mga nasasaktan. “Di ba tayo pwede tumulong?” tanong ni Chiara. “Fwedee fero shino thuthulungan mo dhiyan magkakamuhhwah shila, vaka mashaktan nathin mga kashama nathin” sagot ni Tuti. Habang yung tatlo kinakaban, ibang kaba ang nararamdaman ni Nella.

“Tuti, bakit parang magkakilala si Paulito at Anhica? Bakit parang close sila e…bakit ganon Tuti?” bulong ng dalaga. “Di ko alam, ngayon ko lang din nakasama si Anhica” sagot ng vampira kaya napatingin si Nella kina Paula at Chiara. “Teka nasan si Yui?” tanong ng dalaga at napalingon sila at di nila mahanap ang dwendeng spellcaster. “Hindi ko naman nakitang nasaktan yon, kasama ni Darwino kanina diba?” sabi ni Paula.

“Baka pumasok siya sa palasyo para hanapin ang corona” sabi ni Chiara at nagkatinginan sila lahat. “Oo nga nakalimutan natin, tara na sa loob at hanapin ang corona” sabi ni Paula. “Teka, e pano kung may kalaban pa sa loob?” tanong ni Nella. “Magtiwala ka naman sa amin mahal na reyna, at wala na din tayo magagawa dito. Magtiwala ka din sa mga disipulo, di tayo pwede tumayo lang dito” sabi ni Paula. Napatingin si Nella sa dalawang Paulito at huminga siya ng malalim, “Tara na, tama kayo kailangan natin gumalaw din” sabi nya kaya mabilis silang umiwas sa labanan at nagtungo sa loob ng palasyo.

Si Darwino pilit pinapakain ng golden ball ng impostor nya habang si Bobbyno nabuhat at pinaghahampas sa lupa. Wala din magawa si Louis at kaya magpalit palit sya ng anyo ginagaya lang siya at laging naiisahan ng impostor nya. Si Sarryno gumapang sa lupa pagkat kinagat sya sap wet ng lobong impostor habang si Bashito ay tumatakbo pagkat hinahabol siya ng isang elepante.

Si Vandolphous nakatayo parang estatwa, nahulog sya sa kapangyarihan ng impostor nya, ilang sandali pa inuumpog niya sarili nya sa isang puno habang tawa ng tawa ang impostor nya. Si Paulito nakaluhod lang sa lupa at pinagsisipa siya ng kalaban nya, di sya lumalaban at tinatanggap nya ang bawat banat sa kanyan ng kalaban nya.

“Pau! Pano to?” sigaw ni Virgous habang tumatakbo sya pagkat hinahabol siya ng nagbabagang imahe niya. Di sumagot ang punong disipulo, prinotektahan nya lang sarili nya sa mga tira ng kalaban nya, paglingon niya sa paligid nakikita nyang naghihirap ang mga kaibigan nya at namumuo na ang galit sa loob nya.

Ilang sandali pa sumulpot si Yui sa balikat ni Paulito, “Yui nagawa mo ba yung pinapagawa ko?” tanong ng vampira. “Oo, ayos na” sagot ng dwende. “Sige samahan mo na sina Nella, pumasok sila ng palasyo kami na bahala dito” sabi ni Paulito at nawala ulit ang dwendeng spellcaster.

“Mga pre makinig kayo sa akin…oo ako to si Paulito…alam ko naririnig niyo ako sa isipan niyo. Wag niyo na itanong pano pero makinig kayo sa sasabihin ko. Yan mga kalaban niyo kayo din lang yan…maging kalmado lang mga pre…kung magpapakita kayo ng galit lalong lalakas mga yan pagkat dyan nabubuhay mga yan. Sa kasamaan natin sila humuhugat ng lakas…isipin niyo maigi kung sino talaga kayo at subukan niyo sila utakan…mas kilala niyo sarili niyo”

“Natatandaan niyo yung sinabi ko na alam ko lahat ng kahinaan niyo…kasi matagal ko na kayo pinapanood at inoobserbahan. Alam niyo ang kahinaan niyo…alam niyo din ang kalakasan niyo…dito sa laban na ito hindi ito tungkol sa gano tayo kalakas ngunit kung gano tayo kahina…alamin niyo ang kahinaan niyo at doon niyo mahahanap ang paraan upang talunin ang impostor niyo” sabi ni Paulito sa isipan nila.

Lahat ng disipulo lumuhod sa lupa at tinanggap ang parusa na binibigay ng mga kalaban nila. Naging kalmado sila lahat at unti unting humihina ang mga tira ng mga kalaban nila. Ilang sandali pa nakatayo nalang ang mga kalaban nila at tila nag aantay ng mga galaw nila.

“hahaha pare tama ka ah, tignan mo to sipa ng sipa sa akin pero wala ako nararamdaman” sabi ni Louis. “Pero pare si Fredatoria ito bakit ganito nangyayari?” tanong ni Chado. “Gusto nya ipatikim sa atin ang mga kapangyarihan natin, pero nagkamali sya, sa kalansay niya binuhay ang mga imahe natin. At yang mga kalansay na yan kumukuha ng lakas sa ating emosyon at kasamaan…kaya maging kalmado lang pag isipan maigi ang igagalaw niyo bago kayo umatake. Isipin niyo ang kahinaan niyo at yon din lang ang kahinaan nila” paliwanag ni Paulito.

Isang minuto ang lumipas at tumigil ang mga impostor at naupo narin sa lupa, maliban sa impostor ni Wookie na nakikipaglaban pa kay Anhica. “Kaya mo pa ba?” tanong ni Paulito at nahihirapan na yung dalaga sa pagkontrol sa mga espiritu pero kinakaya pa nya. “Oo pero bakit di tumitigil itong kalaban ko?” tanong ng dalaga. “Malamang si Wookie ay nakikipaglaban sa mga oras na ito…sana ayos lang siya” sagot ni Paulito. Pinagmamasdan lang nila ang mga disipulo kaya sabay sabay sila nagsalita “Ano ba binabalak niyo mga traydor kayo!!! Labanan niyo ako!!! Pakita niyo ang tapang niyo sa akin!!!”

“Pare kanina pa ako nag iisip ng kahinaan ko di ko alam!” sigaw ni Virgous at biglang nagpaapoy ang impostor nya. “Pare kalma lang tignan mo pag galit ka lumalakas kalaban mo” paalala ni Bombayno. “Sige isipin niyo pa maigi ang kahinaan niyo, mas kilala niyo sarili niyo” sabi ni Paulito kaya nanahimik ulit sila at pinagmasdan ang mga kalaban.

“Ngasengo ango” sabi bigla ni Ngyobert at naglabas sya ng dalawang bote ng alak at inabot ang isa sa kalaban nya. Nagulat ang mga disipulo nang mag inuman ang dalawa kaya bigla sila natawa. “Wag niyo tawanan, alam ni Ngyobert ang weakness nya, ayan nilalabas niya…buti pa gumaya kayo sa kanya” sabi ni Paulito at lalo pa sila nag bungisngis nang tinatapon ni Ngyobert ang kanyang inumin habang tinutungga ng kalaban nya ang alak.

Nahiga si Bashito sa lupa at pinikit nya ang mga mata nya, gumaya ang impostor nya kaya mas lalo natawa ang lahat. “Mga pre alam niyo naman antukin ako pero mabilis din naman ako gumising…kaya paki timing naman pag gising sa akin o pero wag din sana gisingin ng kalaban niya yung impostor ko” bulong ni Bashito at sabay pa sila humikab ng kalaban nya.

“Oh shwet…pano ko uutakan ang sarili ko?” sabi ni Vandolphous at napakamot sya. “Artista ka diba pare, so get into the groove” banat ni Sarryno at napangiti ang artistahin vampira. “Nagbibigay ka advice e ikaw naisip mo na ba strategy mo?” tanong ni Louis at pinagmasdan ni Sarryno ang kalaban nya.

Napasigaw si Anhica pagkat natatalo na ang mga espiritu nya, napansn din nilang nanghihinaang impostor na Wookie kaya lahat sila kinabahan. Tumayo bigla ang dalawang dwende at nagtinginan sila, “Mukhang tayo ang pag asa ng lahat, tayo ang mitsa ng himagsikan” drama ni Darwino. “Oo nga, kahit mahirap gawin ito basta para sa ikabubuti ng lahat” sagot ni Bobbyno at tumayo din ang mga impostor nila.

“Louis pare, kailangan namin ang tulong mo” sabi in Darwino at tumayo si Louis pati impostor niya napatayo. Si Virgous napangiti nalang bigla at dahan dahan tumayo, sunod sunod na ang mga disipulo at tila nabuhayan sila. Huling tumayo ang punong disipulo at lahat sila nagkatinginan.

“Sa palagay ko natuklasan niyo na ang kahinaan niyo?” tanong ni Paulito at nagkatawanan silang lahat. “Pero pare bakit ikaw…ikaw pinakamautak dito dapat kanina mo pa napatay yang impostor mo” sabi ni Bombayno pero napasimangot si Paulito. Ang mga ngiti nila napalitan ng kaba at muling niyuko ng punong disipulo ang ulo niya at naupo.

“Oo nga naman kanina ka pa walang kibo, bakit pre nakabalik ka ba pero naiwan utak mo?” biro ni Vandolphous at napangisi nalang ang vampira. “Oh shwet…wag mong sasabihin na…nasa loob mo parin ang sugo” sabi ni Virgous at huminga ng malalim si Paulito. “Hindi pre…” sagot ng vampira at nakahinga sila ng maluwag.

“Bilisan niyo na sana diyan sa mga kalaban niyo…kasi kailangan ko tulong niyo…di ko alam ang kahinaan ko…di ko alam pano talunin itong impostor ko…” bulong ni Paulito at nagtaka silang lahat.

“Ako na kasi yung Sugo ng Fredatoria”

Thursday, June 11, 2009

Chapter 17: Vampiro Nacido de Nuevo

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 17: Vampiro Nacido de Nuevo


Madaming mga kabahayan ang nadaanan ang mga disipulo, kahit na utos ng hari ay hadlanging sila alam ng mga mamamayan na kakampi nila ang mga ito. Mas natuwa pa ang mga kampon ni Nella nang sumama ang ibang mga mamamayan sa kanila dala ang mga armas na nahanap nila.

Kung dati kinakatakutan sila ng mga mamamayan tilad nagbago ang ihip ng hangin at kahit hindi sabihin alam ng mga mamamayan na hindi sila kalabang ngunit sila ay tagapagligtas.

Mas desidido na ngayon ang mga disipulo, mga sugat sa katawan nila di na nila iniinda. May kakaibang lakas na namuo sa katawan nila at kahit na pamilyar ang tinig ng sumisigaw na kalaban walang bakas ng takot o kaba sa kanilang mga mukha.

Nang malapit na sila sa palasyo tumigil ang mga disipulo at hinarap ang mga mamamayan. “Hanggang dito nalang kayo, mapanganib masyado ang makakaharap namin” sabi ni Nella. “Sasama kami sa iyo Nella!” sigaw ng isang tao at nagulat ang dalaga. “Ah…kilala niyo ako?” tanong ng dalaga.

“Oo ang tagal na namin nagtitiis at nag aantay ng pagdating mo. Yung mga nilalang sa mahiwagang gubat pasekretong pinaliwanag sa amin ang lahat. Ang tagal namin nag antay at nag tiis. Gusto namin sumama sa iyo at makilaban pagkat sawang sawa na kami sa mga impostor na yan!” sigaw ng isang matanda at halos maiyak na si Nella pagkat nagsigawan ang mga mamamayan at talagang handa sila lumaban.

Napatingin si Nella sa mga disipulo pagkat di nya alam ang gagawin nya, “Ah eshkush me may marunong ba gumawa ng pushtisho nawala pushtisho ko sa oshean e” sabi ni Tuti at biglang natawa ang mga mamamayan sa bunging vampira. Pati mga disipulo nagtawanan pagkat namiss na nila ang ganitong pananalita ni Tuti.

“Ah pwede ba kami…” sabi ni Mhigito pero nahiya siya bigla. “Oo meron kaming mga baboy sa malapit pero matatagalan ba kayo?” tanong ng isang matanda. “Hindi mabilis lang ito, saan pakituro ang daan?” entrada bigla ni Vandolphous at natawa muli ang mga mamamayan pagkat nagliwanag bigla ang mga mukha ng vampira. “Dadalihin ko kayo” sagot ng matanda at binuhat siya bigla ni Mhigito, “Mahal na reyna mabilis lang ito” sabi ng vampira at biglang nagsimangot si Tuti.

“Halika na, oo na ako bahala sa iyo” sabi ni Bombayno at natuwa ang bungi at umalis agad ang mga vampira. “Baka atakehin tayo nung dragon” sabi ni Chiara at mahigpit nyang hinawakan ang espada nya. “Hindi, di makakalapit ang bruha at alaga nya sa atin pagkat pagkatapak nya palabas ng grounds ng palasyo” paliwanag ni Wookie. “Ay oo nga ang lapit na natin dapat naatake na tayo kanina pa” sabi ni Paula.

“Tama kayo, ni minsan di pa namin nakita ang mga impostor na lumabas ng palasyo, ni dumalaw sa ibat ibang lugar ng kaharian di nila magawa. Lagi kami ang pinapapunta diyan pag may mensahe ang impostor” sabi ng isang tao. “Oo isa yan sa sumpa na kasama sa corona, magmimistulang kulungan yang palasyo na yan para sa mga impostor na tulad nila. Nakapag hariharian lang sila pagkat gumamit sila ng kapangyarihan at pananakot” sabi ni Wookie.

“Pero bakit wala man lang mga gwardiya na lumabas? Akala ko ba madami sila o nasan sila?” tanong ni Chiara at di mapakali si Wookie at tinignan ang paligid ng palasyo. “Oo tama ka iha, nagtaka din kami bakit bigla nawala ang mga kawal at sundalo ng palasyo mula kahapon” sabi ng isang babae.

“Hindi magandang pangitain ito” sabi ng mambabarang at lahat napatingin sa kanya. “Bakit Wookie anong ibig sabihin nito?” tanong ni Nella at huminga ng malalim ang mambabarang at ngumiti nalang. “Wala wag kayo mag alala, ang importante sa ngayon maibalik ka namin sa palasyo at makilala ka ng corona” sagot ng mambabarang pero nahalata ng lahat ang kaba sa mukha nya.

Nakabalik na ang mga vampira at nagkatinginan si Wookie at ang artistahing vampira. “Ah excuse me lahat po makinig sa akin” sabi ni Vandolphous at tumalikod ang mga disipulo, nagulat si Nella pagkat pinapatalikod din siya ni Bashito.

Yumuko si Ngyobert at tumayo si Vandolphous sa balikat nya, “Ah hello makinig lahat sa akin please. Ayan, listen listen and focus on me people” sabi ng vampira sabay inalis nya ang shades nya. “Nagpapasalamat ako sa pagdalo niyo sa aking fans day, sorry masakit ang kamay ko kaya di ako makakapagbigay ng autograph. Di bale babalik ako okay? O sige na magsiuwian na kayo ha tapos wag kayo lalabas ng bahay niyo hanggang sa okay na ang lahat” sabi ng vampira at lahat ng mamayan na nandon bigla nalang natulala at sumunod sa utos nya.

“Bilib talaga ako sa iyo pare ang dami mong nauuto” sabi ni Chado at nagtawanan ang mga disipulo. “Inggit ka lang kasi mukha akong heartthrob” bana ni Vandolphous at biglang nagtawanan ang mga dwende. “Duwing duwing” sabi ni Darwino at lalo pa sila naghalakhakan, ang mga tawa nila pilit pagkat nagtatanggal lang sila ng tensyon sa magaganap na bakbakan.

Nagharap harap ang lahat at sabay pang huminga ng malalim. “Pagpasok natin ng gate alam niyo naman na ang kailangan natin gawin diba?” tanong ni Bobbyno. “Tulad ng dati” sabi ni Virgous at nag apoy na ang katawan niya. Napatingin si Sarryno kay Nella at alam ng lahat ang iniisip niya, “Oo just like the old times…kahit na wala…” sabi ng taong lobo pero tinakpan ni Nella ang bibig nya.

“He is here with us, alam ko hindi ko deserve palitan ang pwesto nya pero kami nina Chiara, Yui, Paula at pati si Anhica gagawin namin lahat para punan ang pagkawala nya. Alam ko sasabihin niyo baliw ako pero ayaw kong bantayan niyo ako sa laban na ito, mag focus lang kayo sa kalaban at wag niyo na kami intindihin” sabi ng dalaga at biglang tumawa ang mga disipulo.

“Naniniwala na ako nandito nga siya, yan din ang pakiusap nya dati sa atin e” sabi ni Bombayno at nagtawanan ang mga disipulo. Biglang napatingin si Bashito kay Chiara at napangiti ito pero napansin yon ng mga dwende. “Uy uy si boy antukin o…uy” tukso ni Dariwno at pati si Chiara napangiti nalang. “Saka na yang mushy mushy moments niyo focus tayo focus” sabi ni Sarryno at umariba nanaman sa tawa ang mga dwende. “Uy jelly!!!” sabay na sabi ng mga dwende kaya muli nagtawanan ang lahat.

“So game na, Virgous ikaw na bahala sa entrance natin” sabi ni Wookie at napwesto sya sa likod ng grupo. Sa gitna si Nella at nilabas na niya ang kanyang espada, “Sis, eto na tayo” bulong ni Nella. “Oo nga, kaya natin to” sagot ni Anhica na nasa loob nya. Sa kaliwa ng reyna tumayo si Chiara, at sa kaliwa si Paula. Sumigay ng malakas ang ngongong kapre at nagpasabog na ng apoy si Virgous para lusawin ang gate ng palasyo.

Mabilis sila sumugod sa loob at doon nag aantay na ang higanteng dragon at ang bruha. Biglang napaluhod si Nella at napasigaw sa sakit, nabitawan nya ang espada at napahawak sa ulo nya. Nagulat ang mga disipulo at napatingin sa kanya at ilang sandali pa dalawang boses na ang narinig nila. Sigaw ni Nella at Anhica ang dinig na dinig ng lahat, di sila makapaniwala nang nahiwalay ang multo sa katawan ng reyna.

Tumawa ang bruha at tinaas ang mga kamay nya, mula sa lupa nagsilabasan ang mga kalansay na mandirigma at sa ere nagtipon tipon ang mga itim na espiritu. “Bakit ka humiwalay sa katawan ko?” tanong ni Nella. “Ikaw nga nagpaalis sa akin e” sagot ni Anhica. “Bumalik ka na sa akin” sabi ng reyna at tumayo silang dalawa at sinubukan ni Anhica sumanib muli sa dalaga pero nagkabanggan lang sila ng katawan.

“Teka teka bakit parang buo na ang katawan mo?” tanong ni Paula at napapisil sya sa braso ni Anhica na nagulat. Napahawak ang dating multo sa mukha niya at napanganga siya. “Wookie ano to?!” sigaw ni Anhica at di rin makapaniwala ang mambabarang sa nangyari. “Pano na to?” tanong ni Nella pero sumugod na ang mga kalansay na sundalo at itim na espiritu ng bruha.

“Doon kayo sa likod! Bilis!” sigaw ni Wookie at mabilis niya nilabas ang manika nya at siya din magpalabas ng mga putting espiritu para labanan ang mga espiritu ni Monica. Mabilis na nagpaapoy si Virgous, sumugod si Ngyobert at Mhigito, sumigaw si Bombayno at sumugod na ang lahat ng mga disipulo.

Lumipad si Yui at agad hinila si Darwino, dumiretso sila palapit kay Monica at pinagtitira ito ng dwende ng golden balls nya. Bawat napapatay na sundalong kalansay may lumalabas sa lupang kapalit, at ang mga namatay na kalansay muling nabubuo.

Sa inis ni Monica pinakawalan na niya ang dragon, napasabak narin sa bakbakan sina Paula at Chiara pero si Nella nagtago sa likod ng mambabarang kasama si Anhica. “Wookie, dala mo ba ang manika ko?” tanong ni Anhica. “Oo nandyan sa bago ko sa likod, wag kang distorbo at nagcoconcentrate ako!” sigaw ng mambabarang at pinagpapawisan na siyang nagkokontrol sa mga mandirigmang espiritu nya.

Nilabas ni Anhica ang isang manika mula sa bag ng mambabarang at nagulat si Nella at napatingin sa kanya. “Aanhin mo yan?” tanong ni Nella at biglang tumayo si Anhica at hinawakan ng mahigpit ang kanyang manika. “E ano pa magagawa ko e di tumulong” sumbat ng dating multo. “Yang manika…” sabi ng reyna at napatingin si Anhica sa manika nya. “Oo ginawa ko ito nung wala ako magawa” sagot ni Anhica. “Hindi…kamukha ni Paulito yan” sabi ni Nella.

Humarap agad si Anhica sa mga kalaban at di pinansin ang reyna, “Dami mo napapansin tumayo ka na dyan at tumulong” sabi ni Anhica at natuwa siya ng nakapaglabas siya ng mga espiritu mula sa manika niya. Napangiti nalang si Wookie at gumaan ang trabaho nya pagkat dalawa na silang mambabarang na lumalaban sa mga espiritu ng bruha.

“Mga pre ako na bahala sa mga kalansay, kayo na dyan sa malaking yan” sabi ni Mhigito ginamit nya ang bilis nya upang harapin ang mga nagkalat na sundalong kalansay. Nagbuga ng apoy ang dragon pero mabilis na nakaiwas ang mga disipulo. Bumawi si Virgous at siya din nagpaapoy at natamaan ang dragon sa leeg nya pero wala ito epekto.

“Darwino! Manyakis ka wag na yang bruha ang pagtripan mo, yung mga butas ng ilong ng dragon!!!” sigaw ni Bobbyno at mabilis nagpakawala ang dwende ng golden balls pero di tumama sa butas ng ilong ng dragon pagkat gumalaw ito. “Hawakan niyo yung ulo nya! Steady nyo!” sigaw ni Darwino.

“Siraulo! Ikaw nalang kaya!” sumbat ni Chado nang tumalon siya para iwasan ang hampas ng paa ng dragon. “Tama siya no choice tayo” sabi ni Bashito at nagpalit syang anyo bilang toro at sinugod ang katawan ng dragon. Nasaksak ni Bashito ang mga sungay nya sa katawan ng dragon, mabilis tumapak sa likod ni Bashito si Ngyobert at pinagsusuntok ang ulo ng dragon.

Yumakap ang kapre sa leeg ng dragon at nagawang maipasok ni Darwino ang mga golden balls nya sa dalawang butas ng ilong. “Yes!!! Sugod!!” sigaw ni Sarryno, sumigaw si Bombayno ng malakas at nabingi si Monica, “Bingisan ngo ngaman!!!” sigaw ni Ngyobert pagkat pumipiglas ang dragon at nagwawala. Mas diniin ni Bashito ang mga sungay nya sa katawan ng dragon, pinaglalaslas ni Sarryno ang isang paa gamit ang mga claws nya.

Umakyat si Chado sa ulo ng dragon at sumubok bumulong, “Wala epekto!!!” sigaw nya. “Natural tado naman to wala di naman nakakaintindi ng salita yan, subukan mo graaaaawwrrrrr!!!” biro ni Bobbyno at pinagtataka naman nya ang isang paa ng dragon. Lumapit narin ang ibang disipulo at gamit ang mga espada nila pinagsasaksak nila ang dragon pero bigla ito nagwala at naipatapon sa malayo ang mga disipulo.

Di makaporma si Monica pagkat pati sya binabanatan ni Mhigito, si Darwino di sya pinagbibigyan maka recover at tuloy ang pagpapaulan nya ng goldens balls sa bruha. Si Yui din bumabanat gamit kapangyarihan niya.

Napatingin ang dragon kay Nella at naglakad siya palapit dito, “Oy! Wala kaming laban dito!!! Help!” sigaw ni Wookie at mabilis tumayo si Louis, “Guys sorry pero kung ito yung dragon noon…sana maintindihan niyo tong gagawin ko” sabi nya at nagpalit sya bigla ng anyo at nagulat ang lahat nang nagaya niya ang itsura ni Paulito.

“Hoy dito ka humarap! Ako ang sumaksak sa iyo!” sigaw ni Louis at napatingin sa kanya ang dragon at parang nalito ito. Napasigaw ng malakas ang dragon at palipat lipat ang tingin nya kay Nella at Louis. Parang nabaliw ang dragon kaya nagpilit ito magpaapoy, lumabas ang mga golden balls sa ilong niya at parang mga bala itong tumama sa katawan ni Louis, napasundan pa ito ng malakas na apoy kaya tumba ang vampira sa lupa.

Sa galit muling sumugod ang mga disipulo sa dragon pero galit na galit na talaga ang higanteng maligno at lalo ito nagwala. Napatalsik ang mga disipulo at nagpaapoy pa ang dragon sa buong paligid, hinarang ni Virgous ang apoy na papunta kina Nella pero hinampas ito ng dragon palayo.

Dahil sinubukan ni Wookie iligtas si Nella nakalimutan niya ang mga kalabang espiritu, mag mga itim na espiritu na biglang bumuhat sa kanya, sinubukan ni Anhica na iligtas ang lalakeng mambabarang ngumit mabilis nila nailayo si Wookie. “Wookie!!!” sigaw ni Anhica pero biglang sumigaw si Nella.

Napaluhod narin sa takot si Anhica, si Nella natulala nalang sa papalapit na higante. Nilapit ng dragon ang ulo niya kay Nella at nagkatitigan sila ng mata. “Oo yan! Sige patayin mo na yan!” sigaw ni Monica at tumawa siya ng malakas. Umatras konti ang dragon at sumigaw ito ng napakalakas, kumapit sa katawan nya ang mga disipulo pagkat alam nila nag iipon ng lakas ito para magbuga ng apoy. “Nella! Umalis na kayo diyan dali!!! Lumabas kayo ng gate!!!” sigaw ni Virgous pero parehong tulala lang ang dalawang dalaga sa lupa at nakatingin sa dragon.

Muling nagwala ang dragon at naipatapos ang mga disipulo, sumigaw ang dragon pero lahat napatakip ang tenga nila pagkat may nakakabingin tunog mula sa kalangitan. Parang mga bakal na nagkikiskisan at palakas ito ng palakas, napatingin si Monica sa langit at may nakita siyang napakaitim na ulap na papalapit sa palasyo.

“Mga paniki” bigkas ng bruha at tumawa siya pero agad natulala nang palakas ng palakas ang tinig ng mga paniki at nagulat siya sa dami nito. Nagpababa ang mga paniki at pasugog ito sa kanila, walang magawa ang dalawang dalaga kundi magpatikip ng tenga nila dahil sa nakakabinging tunog.

Parang itim na ulap na mabilis napalibutan ang buong palasyo, lahat ng disipulo napahiga sa lupa at pati ang bruha gumaya pagkat nagkalat ang paniki sa paligid. Ilang sandali nagsialisan na ang mga paniki at lahat ng disipulo napanganga sa nakita nila.

Sa pagitan ni Nella at Anhica may nilalang na nakatayo at magkaharap sila ng dragon. Sabay napatingin ang dalawang dalaga sa nilalang na nakatayo sa gitna nila, ang tindig niya, ang haba ng buhok nya at pati ang kakaibang aura nya ramdam na ramdam nila.

Nilagay ng nilalang ang kamay nya sa dibdib ng dragon, “Nella, akin na ang espada ko” sabi nya sabay inabot ang kamay, mabilis na pinulot ni Nella ang espada at nilagay ito sa kamay nya. Bumuwelo ang dragon at galit na galit ito, bago pa makabuga ito ng apoy nasaksak na siya ng nilalang sa puso sabay sumigaw ang nilalang.

“Espíritus Oscuros se marchan!!!”

Napasigaw ang dragon at mula sa langit madaming paniki ang muling sumugod papunta sa dragon at pinagkakagat nila ito. Napalibutan ang dragon ng mga paniki, tinaas ng nilalang ang mga kamay nya at muling sumigaw.

“Espíritus Oscuros se marchan!!!”

Nagsiliparang ang mga paniki pabalik sa langit at nagulat ang lahat pagkat wala na doon ang dragon. Lumakas ang ihip ng hangin at nagkatinginan ang nilalang at ang bruha, tumayo si Nella at humawak sa kamay ng nilalang.

“Paulito?” tanong ni Nella at hinarap siya ng vampira at ngumiti sa kanya. Tumayo din si Anhica at humawak din sa kabilang kamay ni Paulito. Humarap si Paulito sa kanya at pati sya nginitian.

“Don’t be afraid I am here now”

Chapter 16: Mga Elemento

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 16: Mga Elemento

Dahan dahan itinayo ni Wookie si Nella at biglang tumawa yung dalaga ng malakas pero boses lalake. Napaatras palayo sina Eric, Joule at Jepristo at pinanood nila magpalit ng anyo ang dalaga. Pati ang dwendeng si Yui nagliwanag at nagpalit ng anyo kasama na si Paula at Chiara.

Ang inaakala nilang si Nella ay si Louis pala, si Bobbyno naman ang Yui, si Bombayno ang Paula at si Chado ang nagpanggap na Chiara. Nagamit ni Louis ang kapangyarihan niya ng maayos kaya tawa siya ng tawa, mga spellcaster na nagtago ng anyo ng iba nakapagpahinga narin.

Hinawakan ni Louis ang mga sugat nya pero ngumiti lang siya, “Wala dito yung dalaga!!!” sigaw ni Aldhabest at tumawa ang mga disipulo. “Ngyangyangyangya!” tawa ni Ngyobert at sinuntok nya agad ang tikbalang sa baba kaya nahilo ito. Di nagsayang ng oras ang mga disipulo at inatake narin nila ang natirang hunter at dalawang vampirang kalaban.

Samantala sa karagatan sakay ng isang bangka sina Nella, Chiara, Paula, Tuti at Darwino at sa tubig may kasama silang mga battle siyokoy at sirena. Sa ere lumilipad sina Aneth at ibang ibang mga diwata at ibang pinunong nilalang.

“Ayan na ang papasok sa mahiwagang gubat ng Mainland” sabi ni Aneth kaya naghanda ang mga battle siyokoy. May lumitaw na malaking water dragon mula tubig at napasigaw si Nella, tumayo si Tuti pero mabilis na humarap si Aneth sa dragon.

“Hindi kami napunta dito upang lumaban o sumalakay…ako si Aneth nais kong kausapin ang namamahala sa gubat na ito!” sigaw ng diwata pero nagalit ang dragon at nagwala ito. “Kahit anong gawin niyan wag kayong lalaban” utos ni Aneth kaya napakapit ang mga laman ng bangka pagkat nagulo ng todo ang tubig.

Nakita ng lahat ang kadena sa paa ng dragon kaya dumistansya lang sila sa di kaya nito abutin. Lumakas ang mga alon kaya kumapit ang mga siyokoy sa bangka para di ito tumaob. “Tiis lang tayo at mapapansin din ng mga nilalang ng gubat na nandito tayo” sabi ni Dag-ol. “E kung yan lang ang bantay ng gubat madami naman patayin yan e, baka kalaban na ang nasa loob ng gubat” sabi ni Nella.

“Hindi ganon kadali patayin yang dragon na yan, tatlo dati yan at nagawa ng kalaban patayin ang dalawa pero madami sa pwersa nila ang nasakripisyo. At kahit mapatayo mo pa yan di basta basta makakapasok sa gubat hanggang di ka niyaya ng mga nilalang sa loob. Ganyan kahigpit ang seguridad nila dito” paliwanag ni Aneth.

Ilang minuto pa biglang kumalma ang dragon at lumubog ito sa tubig, lumiwanag ang isang bahagi ng gubat at may diwatang lumabas. Agad lumapit si Aneth at nagharap ang dalawang diwata. “Ako si Aneth” sabi ng diwata. “Oo kilala kita…yan ba yung reyna?” tanong ng isang nilalang sabay tingin kay Nella. “Oo siya nga si Nella, ang tunay na tagapagmana” sagot ni Aneth. “Matagal na namin kayo inaantay, di namin inasahan na darating ang araw na ito…magtuloy kayo pero magmadali” sabi ng diwata kaya sumenyas na si Aneth at lahat pumasok na sa mahiwagang gubat.

Sa bukanan ng Mainland nagtuloy ang bakbakan nakailag si Bashito sa suntok ni Aldhabest pero nang gaganti ito bigla nalang ito naantok at nahiga sa lupa. Nagulat ang tikbalang at napatingin kay Bashito pero mula sa likod dalawang kamay kinabog ni Ngyobert ang ulo ng tikbalang. Bagsak si Aldhabest sa tabi ni Bashito pero bigla nalang siya umangat sa ere at nakita ang maliit na dwende pa ang bumuhat sa kanya. Tinapon ni Bobbyno ang tikbalang sa direksyon ni Virgous na agad nagpalabas ng apoy. Nasunog ang buong katawan ni Aldabest pero nanggigil pa si Ngyobert at pinagmamaso ang katawan nito.

Si Bombayo humarap sa ibang tikbalang at sumigaw ito ng malakas at nanigas ang mga kalaban. “Thanks pare, ako naman” sabi ni Mhigito at armado gamit ang dalawang espada mabilis siya gumalaw at pinagtataga ang mga nanigas na tikbalang.

Halos ubos na ang mga kalaban at nanginginig na sa takot sina Eric, Joule, at Jepristo. Napalibutan sila ng iba pang disipulo at nagsimula sila magmakaawa. Bago pa makagalaw ang mga disipulo biglang lumiwanag ng sobra ang buong paligid at lahat ng mandirigma at nilalang pansamantalang nabulag at nagtakip ng mata.

“Brauio! Wag mo kami idamay wala din kami makita!” sigaw ni Joule pero may mga tinig na biglang nagtawanan. “Di namin kayo kaano ano mga kutong lupa! Sa bawat gera may tinatawag na casualties of war ahahaha…sabihin nalang namin kay Monica na…OOPS sorry” sagot ni Brauio at muling nagtawanan ang apat na elemento.

Sa sobrang liwanag masakit masyado ito sa mata, lahat napaluhod sa lupa ang kinapa ang daanan nila. “Boymbano!!!” sigaw ni Chado pero naunahan na siya ng kasama niya, sumigaw ng napakalakas si Bombayno at narinig nila napasigaw ang mga elemento. Akala ng lahat naka isa na sila ngunit biglang lumakas ang hangin, nakakasugat ang pagdampi nito sa balat. Ang mga mandirigma naman ang mga nagsigawan at nawalan ng bisa ang kapangyarihan ni Bombayno.

Wala magawa ang lahat kundi mahiga sa lupa dahil sa kakaibang hangin, lahat nagtakip ng mukha at tiniis nalang ang ibang sugat na dala ng hangin. “Mhigito wala ka bang magawa?” tanong ni Wookie. “Wala pare, wala ako makita masyadong maliwanag” sagot ng vampira. “Teka may idea ako” sabi ng mambabarang at bigla sya nagtawag ng mga espiritu at inutusan hanapin ang mga elemento.

Nagpagulong gulong ang mga disipulo hanggang sa magtabi tabi sila, nakabalik ang mga espiritu at nagbulong sila sa mambabarang. “Mga pre alam ko nasan sila, Bombayno, diretso lang tingin, doon mo itutok boses mo. Mhigito dalhin mo si Chado, lahat tayo maghanda at dapat mabilis tayo gumalaw para di sila makabanat” sabi ni Wookie.

“Balooooottttt!!!” sigaw ni Bombayno gamit ang buong lakas nya, nilabanan niya ang lakat ng hangin, tumayo na siya at kahit na nasusugatan na siya lalo pa niya binuhos ang lakas niya. Humina ang hangin at pati ang liwanag bahagya humina, nakatayo ang mga disipulo at mabilis sumugod si Mhigito at Chado.

Nalapitan agad nina Mhigito ang mga elemento at mabilis nilang inatake mga ito. Sa close combat wala pala kaya ang mga elemento kaya mabilis silang pinagbubugbog ni Mhigito. Nayakap ni si Chado kay Bruio at nabulungan niya ito. Bagsak sa lupa ang elemnto at nagulat yung tatlo. “Brauio!!!” sigaw ni Lucio at sag alit nagpaapoy sya at napatakbo sina Mhigito at Chado.

Sumugod ang mga disipulo ngunit nagwala narin si Ereneo at Windro. Mas malakas na hangin at mas nakakasugat ang naramdaman ng mga disipulo ngunit tiniis nila ito at lumapit pa. Mula sa lupa naglabasan ang mga kamay na gawa sa lupa at nahawakan ang lahat ng mga disipulo at pinagbubugbog sila. Malang makakalas sa kanila at ilang sandali pa lahat ng mga mandirigma nahawakan narin at nakatikim ng kapangyarihan ni Ereneo.

Lumipad sa ere ang tatlong elemento at pinagtuloy ni Ereneo ang pagpaparusa sa lahat ng mandirigma. Sumali narin sa eksena si Windro at gamit ang hangin niya pinaglalaslas niya ang mga balat ng mga mandirigma. Nakakabinging mga hiyaw at sigaw ang nailabas ng lahat pero ang di nila nakikita ay ang nagbabagang katawan ng apoy na elemento.

“Tostado kayo ngayon!” sigaw ni Lucio at lalo pa sya nagbaga, uminit ang kapaligiran at nagsilabasan na ang mga apoy sa katawan ng elemento. Maglalabas na sana ng apoy si Lucio nang bigla nabuhusan siya ng tubig kaya napasigaw siya. Malaking alon na di alam ang pinanggalingan ang tumama sa tatlong elemento at napabalik sila sa lupa.

Nakawala ang mga mandirigma at sa kalayuan nakita nila si Nella at iba nilang kasama. “Anong kaguluhan ito?” sigaw ni Nella at napalingon din sa kanya ang mga elemento. Pumorma ang tatlo at si Lucio tinutok ang kamay niya sa dalaga at may lumabas na malaking apoy, dalawang nilalang ang sumulpot bigla sa harap ni Nella at yung isa naglabas ng isa pang alon at natamaan ang tatlong elemento at napatumba.

“Lityo! Sedes! Dapat sa amin kayo kumakampi!” sigaw ni Windro pero tumawa lang yung dalawang elemento. “Patay na ang mga kilala namin, kayo ay impostor!” sigaw ni Lityo at muli niya tinamaan ng nagraragasang tubig ang dalawa. Di makaporma ang tatlong elemento, tinuro ni Lityo ang mga disipulo at agad naman sila tumayo.

“Hindi namin pwede saktan pa sila, kahit impostor sila nandito parin sa puso namin ang mga alalaala. Kayo na ang bahala sa tatlong ito” sabi ni Sedes at tinitigan niya ang mga disipulo. Naintindihan agad ni Bashito at sarino ang gusto sabihin ng elemento, “Mga pare, kapit kayo sa amin dali” sabi ni Sarryno at kumapit ang mga kasama nya.

Tumalikod ang dalawang elemento na kaharap ni Nella at sa isang iglap dumilim ng todo ang kapaligiran. Walang ni isang nilalang o tao ang mamakita sa sobrang dilim maliban sa mga disipulo. Mabilis umatake sina Bashito, Sarryno at mga vampira, kahit sa dilim alam nila nasan ang mga kalaban nila.

Tanging naririnig sa kadiliman ay mga sigaw ng tatlong elemento, at pagkatapos ng ilang sandali tahimik na ang lugar at unti unti nang lumiwanag. Natirang nakatayo ang mga disipulo at sa paanan nila ang mga napaslang na katawan ng tatlong elemento.

“Tapos na ang trabaho namin dito” sabi ni Seres at biglang nawala ang elemento ng dilim at tubig. Tumakbo si Nella palapit sa mga disipulo at tinawag nya ang mga ibang diwata upang asikasuhin ang mga sugat nila. Napansin ng mga disipulo ang mga bagong mukha ng mga mandirigma na kasama ni Nella pero lumapit si Aneth sa kanila upang magpaliwanag.

“Oo naging tagumapy ang plano ng reyna, sila ang mga mandirigma na galing sa gubat dito at sasama sila sa atin” sabi ng diwata. “Madaliin ang pag gamot sa lahat ng nasugatan, susugod na tayo sa palasyo!” utos ni Nella at lahat ng nasugatan ay agad na hinarap ng mga manggagamot pero napansin nila na nawawala ang ibang mga kalaban nila.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na sa bukanan ang mga nasanibang mga tao, tumayo si Mhigito at pinulot ang sandata niya pero pinigilan siya ni Wookie. “Pare sandali, hindi natin sila pwede saktan, mga tao yan na nasaniban lang” sabi ng mambabarang.

“Aneth kailangan ko ang tulong ng mga spellcaster, di ko kakayanin ito mag isa. Mga disipulo kayo na sumugod sa Palasyo” sabi ni Amon at naglabas siya ng madaming espiritu mula sa tungkod nya. “Amon kaya kita tulungan” sabi ni Wookie. “Tama si Amon, dalhin niyo na si Nella sa palasyo, sasama sa inyo ang ibang mandirigma. Di natin pwede saktan ang mga taong ito pero kaya namin sila pakalmahin sandali at bahala na si Amon upang paalisin ang mga sanib na espiritu” sabi ni Dag-ol.

Wala nang sinayang na oras ang mga disipulo at nagtungo na sila sa palasyo. Pinalibutan ng mga spellcaster ang mga nasanibang tao at sinimulan na nila ang pagtatanggal ng sanib na espiritu.

Sa ilalim ng palasyo hindi maipinta ang itsura ni Monica, wala na sa dingding ang tiyanak ngunit ang nagkalat na laman niya nasa sahig. Binasag ni Monica ang dalawang bola nya at pinagtatapon ang lahat ng gamit.

Lumabas si Monica sa harap ng palasyo at napatingin sa langit, “Nella gusto mo ako subukan pwes sige, masira na kung masira ang kaharian!” sigaw niya at tinaas nya ang dalawang kamay nya sa ere at pinikit ang mga mata.

“Espíritus malignos oscuros le convoco!” sinigaw nya at lalong dumilim ang kalangitan. Nang ulitin niya ang sinabi nya nagsimula nang umulan at nakakabinging kulog ang narinig sa buong kaharian.

Mula sa lupa naglabasan ang mga itim na espiritu at nilapitan si Monica pinalibutan siya. Tumawa ang bruha ng malakas ngunit hindi pa siya tapos. “Malo dragón oscuro le convoco” sigaw nya at biglang kumidlat ng malakas sa tabi nya. “Malo dragón oscuro le convoco!” ulit ni Monica at lumakas lalo ang ulan at mas madami pang mga itim na espirtu ang naglabasan sa lupa.

“Malo dragón oscuro le convoco!!!” sigaw ni Monica at may mga pulang espiritu na lumabas galing sa lupa at nagsanib sila, padami ng padami ang lumabas na espirtu at sa harapan ng bruha isang malaking dragon ang nabuho. Tulog ang dragon pero hinawakan ni Monica ang katawan nito at biglang nagbaga ang katawan ng dragon.

“Gising na aking alaga…oo di mo man ako namumukhaan ngunit ako ito…gising na at kailangan ko ang iyong lakas” bulong ni Monica sa tenga ng dragon at biglang nagbukas ang mga mata nito. Bumangon ang alaga ni Monica at nagpakawala ng napakalakas na sigaw. Sumabay ang malakas na tawa ni Monica sa tuloy tuloy na sigaw ng dragon at mga itim na espiritu nagpaikot ikot sa kanilang dalawa.

Sa bahay in Nella pinagmamasdan parin ni Leonardo ang katawan sa ilalim ng kama ng dalaga. Narinig nila ang sigaw ng dragon kaya napatingin ang dwendeng kapre sa bintana. “Matagal ko nang hindi narinig ang sigaw na yon…pero teka…delikado si Nella!” sigaw ni Leonardo at bigla siya tumayo.

“Magmadali kayo ipaabot niyo kina Nella na wag susugod sa palasyo! Hawak niya ang espada…yun ang unang pupuntiryahin ng dragon pagkat yun ang pumatay sa kanya noon! Bilisan niyo sabihin niyo itapos sa malayo ang espadang yon!” utos ng dwendeng kapre at mabilis umalis ang dalawang diwata.

“Leonardo!!!” sigaw ng isang dwende kaya napalingon siya, “Ano yon?” tanong ni Leonardo at nakita niya ang gulat sa mukha ng dwende.

“Gumalaw ang kamay niya!”

Wednesday, June 10, 2009

Chapter 15: Sugal

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 15: Sugal

Pagkatungtong ng mga mandirigma sa Mainland ay sinalubong sila ang di magandang panahon. Malakas ang hangin at ulan kaya lalong bumagal ang paglakbay nila.

“Hindi ito normal, kailangan maging alerto ang lahat” sabi ni Wookie at nag utos siya ng tatlong espiritu para mauna at pagmasdan ang paligid. Nauna si Sarryno at Bashito at may naamoy na silang di maganda kaya napatigil ang lahat. “Spread out!!!” utos ni Nella at mabilis nagkalat ang mga mandirigma.

Lahat nanahimik at pinagmasdan ang paligid nila, patak ng ulan lumalakas at napasigaw ang isang diwata. Lahat napatingin sa kanya at nakitang umuusok ang mga kamay nya, dumami ang napasigaw pagkat ang bawat patak ng ulan ay mainit at kumukulo.

“Virgous at mga santelmo magpaapoy kayo!!!” sigaw ni Nella at mabilis nagpaapoy ang grupo ni Virgous at tinutok sa ere para malusaw ang ulan bago umabot sa kanila. Mga santelmo umakyat at nagmisulang mga nag aapoy na ulap para lang masilungan ang mga mandirigma.

Biglang nagbago ang anyo ni Sarryno, naging taong lobo muli siya at tinuro niya ang sa malayo at may papalipad na dalawang nilalang napaparating. “Shwet! Hunters” sabi ni Mhigito at mabilis siyang nagpaharap kasama ni Vandolphous.

Mula sa mga gilid nagsilabasan ang mga itim na tiyanak at inatake ang mga mandirigma, hinarap sila ng mga battle dwendes at diwata at si Nella tumayo sa gitna at sa balikat nya tumayo si Yui.

Nakalapit ang mga hunters na sina Jepong at Jepristo, agad nila nilabas ang mga espada nila at inatake si Mhigito at Vandolphous. Nahawakan ni Mhigito si Jepristo at mabilis na nilayo habang si Vandolphous di tumalab ang kapangyarihan niya pagkat ayaw siya titigan sa mata ni Jepong.

Mamasuhin na sana ni Ngyobert ang ulo ni Jepristo ngunit mula sa dilim may lumabas na vampira at pinatumba siya. Inagaw ni Joule ang maso na dala ng kapre at tinapon ito palayo, binuka nya ang bunganga nya at dumaloy ang kuryente sa bibig nya. Kakagatin na sana niya ang leeg ni Ngyobert ngunit mabilis siya sinipa ni Nella sa mukha. Napatapis ng malayo si Juole at gulat na gulat siya sa lakas ng dalaga.

Sumulpot sa harap ni Nella ang isa pang vampira at makakagat na sana ang leeg nito ngunit isang uppercut mula kay Chiara at napalipad ang vampira. Parehong nakahiga sa lupa sina Joule at Eric at pinagmamasdan nila ang mga dalaga, “Parang may naamoy akong kakaiba” bulong ni Eric at galit nag alit tumayo si Joule at muling sinugod si Nella pero si Ngyobert naman ang lumigtas sa kanya, nayakap ng kapre ang katawan ng vampira sabay inipit nya ito sa lupa. Nakagat ni Jouse ang braso ng kapre at dumaloy ang kuryente sa buong katawan ni Ngyobert kaya napasigaw ito ng napakalakas.

Tumayo si Joule at pinanood ang nangingisay na katawan ng kapre ngunit may biglang tumalon sa likod nya at siya naman ang kinagat sa balikat, talagang diniin ni Sarryo ang mga pangil nya sa vampira at sinaksak ang mga razor claws nya sa dibdib ni Joule. Nagawa ng vampira kagatin ang braso ng taong lobo ngunit ayaw bumitaw ni Sarryno sa pagkagat nya.

Napagitigil ang lahat nang nagpagulong gulong pabalik si Mhigito, sa ere lumilipad si Jepristo at tatagain na sana ang vampira ngunit nabitawan nito ang esada nya sabay nagtakip ng tenga, lahat ng kampo ng kadiliman tila nabingi kaya umaksyon agad ang mga mandirigma.

Bumangon si Ngyobert at sinakal sa leeg si Joule, binanatan nya ng mga suntok ang tiyan nito habang si Sarryno pinagsasaksak parin ang dibdib ng vampira. Sumama sa eksena si Bashito na nagpalit anyo sa isang malaking elepante at pinagpipisa si Eric. Si Jepristo binuhat ni Vandolphous sabay tinapon sa ere, mabilis siya tinosta ni Virgous at sunog ang mga pakpak ng hunter.

Napasigaw si Jepong sa nakita nya, pero agad siya inatake ng mga espiritu na pinakawalan ni Wookie. Bumaba si Yui sa balikat ni Nella at nagtungo kay Eric, nagulat ang vampira nang buhatin siya ng maliit na dwendeng babae at itapon papunta kay Nella na sinaksak ang vampira sa dibdib.

May dumating na mga manananggal at inagaw ang mga katawan ng dalawang hunter at dalawang vampira saka nilayo sila. “Pesteng mga disipulo yan!!!” sigaw ni Jeprisito at pagkalapad nila sa lupa at nakatayo sa likod nila ang apat na elementong nilalang. “Bakit wala kayong ginagawa?” tanong ni Eric habang iniinda nya ang saksak nya sa dibdib.

“Sabi niyo kaya niyo, kaya di kami nakikialam. Kung gusto niyo tulong namin hingiin mo” sagot ni Lucio. “Demet ka!, Kulang tayo , di ko akalain na maayos parin sila kahit wala na pinuno nila. Ipatawag ang mga tikbalang!” sigaw ni Jepong at may mga paniki na mabilis nagliparan sa ere.

“Ano pa inaantay natin?” tanong ni Vandolphous at gigil na gigil siyang sumugod. “Tumigil ka! Nakikita mo yung apat na nilalang sa likod nila…bulong sa akin ng mga espiritu di sila pangkaraniwan” sabi ni Wookie. “Oo nararamdaman ko na pareho kami nung isa pero mas malakas siya” sabi ni Virgous ang ituro nya si Lucio.

“Mga elementos, pero bakit aapat sila, dapat merong apoy, tubig, hangin, liwanag, dilim, at lupa pero aapat sila” sabi ni Mhigito nang punasan niya ang mukha niya sa mga bakas ng dugo. “Delikado tayo pag susugod tayo agad, sila pala ang may kagagawan ng kumukulong ulan at hangin kanina, kung isa sa kanila ang may kapangyarihan ng dilim patay tayo lahat” sabi ni Wookie at nangamba sila lahat.

Samantala sa mahiwagang gubat ng mainland sinusubukan parin ni Aldhabest makapasok ngunit ayaw talaga bumigay ng gubat. Napadpad ang isang paniki sa balikat nya at napatingin agad siya sa langit. “Mga katropa! Tungo tayo sa bukanan ng Mainland nandon ang hinahanap natin!” sigaw nya at bigla nyang pinisa ang paniki saka kinain. Muli niyang sinulyap ang mahiwagang gubat pero sumuko na siya pagkat mas kailangan siya ibang lugar.

Sa ilalim ng palasyo nagwawala si Monica sa trono niya, pinapaikot niya si Wawan na nakadikit parin sa dingding. “Mga inutel!!! Dapat ako nalang ang sumugod sa kanila kung kayo din lang ang mag aaway away!!!” sigaw nya. “Mahal na Reyna…nahihilo na akooooww…” sabi ng tiyanak kaya pinabilis pa niya lalo ang pag ikot sa tiyanak.

Muling sumulyap ang bruha sa mga bola nya at pinanood ang mga tikbalang na nagtutungo sa lugar ng laban. Tumayo siya at lumabas ng kwarto at nagtungo sa kulungan ng mga tao. May dalawang daan preso doon at lahat nanghihina, pinikit ni Monica ang kanyang mga mata saka nagdasal.

Napuno ng pulang usok ang kwarto at lahat ng preso nagsiubuan, tumawa bigla ang bruha at nang mawala ang usok ay iba na ang angyo ng mga preso. “Mga anak ko lumabas kayo sa mga selda at sundin niyo ang utos ng inyong ina!!!” sigaw ng bruha at biglang nasira ang mga selda at nakawala ang mga nasaniban na mga tao. Nanlilisik ang mga mata nila at parang wala sila sa kanilang sarili.

“Sige magpunta kayo sa bukanan ng kaharian at tulungan ang ating mga kasamahan. Nabibiyayaan ko kayo ng lakas kaya gamitin niyo ito sa buong makakaya niyo. Sige mga anak sugod!!! Make yo momma proud!!!” utos ni Monica at lahat ng mga nasanibang preso mabilis na lumabas ng palasyo.

Bumalik si Monica sa trono nya at pinanood ang mga imahe sa mga bola nya, huminga siya ng malalim at tumawa ng malakas. Nakita niyang nakarating na sa laban ang mga tikbalang kaya lalo siya nagsaya. “Nella, Nella, Nella, hanggang saan ang tapang mo?” sabi nya sabay muling pinaikot ng mabilis ang tiyanak sa dingding at nagpalabas siya ng napakalakas na halakhak na nadinig sa buong kaharian.

Sa bukanan ng Mainland agad sumugod ang mga tikbalang, “Aldhabest! Ano ginagawa mo?!” sigaw ni Jepristo. “Yung dapat na ginawa niyo kanina pa” sumbat ng itim na tikbalang at pati siya sumugod narin papunta sa mga mandirigma ang kabutihan. “Lucio ano pang inaantay niyo? Kung magsamsama tayo sigurado magtatagumpay tayo” sabi ni Eric pero tumalikod ang mga element at naglakad palayo. “Kung kaya niyo e di gawin niyo, kung hindi saka na kami papasok” sagot ng elemento ng apoy.

Galit na galit ang apat pero humarap sila at pinanood ang mga tikbalang na lumalaban sa mga mandirigma ng kabutihan. “Iisa lang naman ang pinunta natin dito kaya siya lang dapat ang bigyan natin ng pansin” sabi ni Jepong. “Oo hayaan mo na ang mga tikbalang at iba na harapin ang mga disipulo, focus tayong apat kay Nella” sagot ni Joule.

Nakita nilang abala ang mga disipulo kaya mabilis nilang sinugod si Nella, si Aldhabest hinarap nina Vandolphous, Mhigito at Bashito habang ang iba ay abala sa pakikipaglaban sa malalakas na tikbalang. Malakas si Aldhabest, at mabangis ang mga alagad niya. Madaming mga diwata at battle dwende ang mga nasugatan kaya abalang abala si Wookie sa pagkokontrol sa mga espiritu nya upang labanan ang mga tiyanak at manananggal.

Di nagpahuli si Nella, may napatumba siyang tikbalang at nasaksak sa puso pero nagulat siya nang sumulpot ang dalawang vampira sa tabi nya. Tig iisang wasiwas ng mga espada nila napalayo nina Paula at Chiara ang sina Eric at Joule pero patibong lang pala sila nang damputin ni Jepong si Nella at ilipad sa ere.

Binitawan ng hunter si Nella sa nagaabang na kamay ni Jepristo ngunit nagulat yung hunter nang bagsakan siya ng sipa ng dalaga. Tayo agad ang hunter at nakipag espadahan kay Nella. Gulat na gulat si Jepristo pagkat kakaibang galing ang pinapakita ng dalaga at mabilis siyang nalaslas sa tiyan sa isang paikot na laslas ni Nella.

Bumaba sa lupa si Jepong at siya naman ang humarap kay Nella ngunit pati sya nabanatan ni Nella ng mabibilis na laslas sa dibdib at pakpak. Umakyat sa isang puno si Nella at at hinabol siya nina Eric at Joule, sa isang sanga tumayo si Nella saka tumalon at sinulong ang espada nya sa ulo ni Jepong. Di nakagalaw ang hunter at nasaksak ang buong espada ni Nella sa ulo nya kaya napadapa sya agad sa lupa at agad namatay.

Nagulat ang dalawang vampira, pati si Jepristo di makapaniwala sa nakita nya. Di nila akalain na marunong lumaban si Nella kaya nagkatinginan silang magkakampi. “May naamoy akong kakaiba dito” sabi ni Eric at mabilis siyang bumaba sa puno at pinulot ang espada ng namatay nang si Jepong. Pinalibutan nila ang dalaga, napalingon si Nella at nakita niya ang mga kasama niyang abala sa biglang pagdami ng mga tikbalang.

“Wag niyo ako mamaliitin, sige haharapin ko kayong tatlo!” sigaw ni Nella at tumawa yung tatlo. Hinawakan ni Nella ng mahigpit ang espada niya, dahal dahan nagpapaikot at pinagmamasdan ang galaw ng tatlong nakapalibot sa kanya. Umatake agad si Eric pero nasangga ni Nella ang espada nya gamit ang kanya, sumipa siya patalikod at sapol sa tiyan si Jepristo at napatumba ito.

Isang malakas na wasiwas at muling naipatapon ng malayo si Eric kaya nakipag espadahan siya kay Joule. Nasaksak ni Nella ang hita ng vampira pero kinagat ni Joule ang espada at nakuryente si Nella at nanigas ang buong katawan. Sabay na sumugod si Jepristo at Eric gamit ang mga espada nila at sabay nila nasaksak si Nella mula sa harap at likod.

Napasigaw si Nella ng malakas at napatingin sa kanya ang mga disipulo. Agad sumunog ang mga disipulo papunta sa kanya at mabilis nakalayo ang tatlong may sala. Bagsak si Nella sa lupa hawak hawak niya ang dibdib nya. Nagulat ang lahat ng nakarinig sila ng napakalakas at nakakabinging halakhak. Niyakap ni Wookie si Nella at biglang tumigil ang labanan, umatras ang mga kalaban at tulala ang mga mandirigma ng kabutihan sa nakita nilang bumagsak na reyna.

Sa ilalim ng palasyo nagsasaya si Monica sa kanyang nakita, lalo pa nyang napabilis ang ikot ng tiyanak sa tuwa. “Hahahahahahaha!!! Ako na ang magiging tunay na reyna ng kahariang ito!!! May silbi din pala kayong mga mangmang!!!” sigaw nya sa tuwa at lalo siyang tumawa ng malakas na dinig na dinig sa buong kaharian.

Pumalakpak ang bruha at biglang may lumabas na corona sa harapan niya. Kinuha niya ang corona at sinuot sa ulo nya sabay tumawa ng malakas. Tumigil ang pag ikot ni Wawan at naghabol ng hininga niya, nagsayaw sayaw si Monica at nagawa pa nyang kumanta sa tuwa.

“Maaahaaal na reynaaa…bakit may blood sa head moooow?” sabi ni Wawan at nagulat si Monica kaya humarap sa salamin at nakita nya na may dumadaloy na dugo mula sa ulo niya. Agad nya inalis ang corona at tinapon palayo, “Bakit ganito?!!! Patay na si Nella kaya di dapat ganito!!!” sigaw nya at mabilis syang bumalik sa trono niya at tinignan ang mga bola.

“Ahahahahah Monica, Monica, Monica, masyado kang atat! Ayan o naghihingalo pa siya ooohhh ahhahaha! Patience patience…hmmm masarap magpunta sa beach at maglaro sa nagraragasang tubig ahahahaha…” sabi nya sa sarili nya at pinanood nya ang nangingisay na katawan ni Nella sa kamay ng mga disipulo.

Nagulat si Monica nang biglang ngumiti si Nella, napatayo siya bigla at lalo pang nagulat nang kumaway si Wookie sa kanya.