sk6

Monday, June 15, 2009

Chapter 19: Ang Sugo

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 19: Ang Sugo

“Steady ka lang dyan boss, kami naman muna” sabi ni Bobbyno at nag inat inat sila na ginaya ng mga impostor nila. Naupo lang si Paulito sa lupa at hinarap ang impostor na sugo, mga disipulo naghahanda at lahat ng atensyon nasa dalawang dwende. Si Anhica tuloy ang pakikipaglaban nya sa impostor na Wookie at talagang nahihirapan na siya kaya nagmadali ang mga dwendeng disipulo.

“Everybody! Lets go to our happy place ahahaha…hafi hafi lang” sigaw ni Darwino at nagsimula sila magsayaw ni Bobbyno. Di makaporma ang mga impostor nila at natulala lang, wala silang makuhang lakas pagkat talagang nagsasaya ang dalawang dwende. “Louis…alam mo naman ang hilig namin diba…please Louis…ahahahaah” landi ni Darwino at biglang naupo ang dalawang dwende at tumalikod.

Nagpalit ng anyo si Louis sa isang magandang babae at napilitan gumaya ang impostor nya. “Mga pre okay na” sabi ni Louis sa babaeng boses at kinilig ang dalawang dwende. Mga impostor na dwende napapaupo na pero nakatitig sa dalawang Louis na babae.

“Pareng Darwino magtiis tayo…tiis lang” sabi ni Bobby. “Oo resist temptation…Louis maganda ba yan?” banat ni Darwino. “Sobrang ganda at sexy” sagot ni Vandolphous kaya naghawakan ng kamay ang dalawang dwende at pinikit nila ang mga mata nila. “Resist temptation to save the world!!!” banat in Bobbyno, “Sacrifice for everyone aaahmmmmm” sumbat ni Darwino at nagtawanan ang ibang disipulo.

Ang mga impostor nila tila di nakatiis, palapit sila ng palapit sa impostor na Louis at nanggigil sila at nagbungisngisan. Si Darwino pasimple nya hinahanda ang tirador nya habang si Bobbyno hinawakan ng mahigpit ang kanyang battle axe. Si Vandolphous nagsuot ng shades nya at nagsuklay ng buhok kung saan napagaya ang impostor nya, si Sarryno nagpalit anyo sa taong lobo at si Virgous pinatay ang apoy sa katawan nya na ginaya ng kalaban nya.

Gusto nang lumingon ni Darwino, nakahanda na ang tirador nya at binat na binat na ang rubber nito. “Kaya mo yan pare, tiis pa konti” bulong in Bobbyno. Mga dwendeng impostor tumawa na at tuluyan lumapit sa impostor na Louis at sinilipan nila. Nagkatawanan ang lahat at pati ang mga impostor na disipulo nakitawa din ngunit hudyan na yon para gumawal ang lahat.

Mabilis tumalikod si Darwino at agad nasapol sa puso ang dalawang impostor na dwende. Si Bobbyno hinagis ang battle axe nya at natanggal ang ulo ng impostor na Louis. Sa bilis ng mga pangyayari di nakapagreact agad ang mga impostor, kinalbit ni Darwino si Bashito na mabilis nagising, nagpagulong sya sabay saksak sa puso ng impostor nya.

Si Virgous pumasok sa ilalim ng lupa, gumaya ang impostor nya pero bago lumubog ang ulo nito tumalon si Chado at niyakap ang ulo sabay binulungan. Gumaya ang impostor nya ngunit mabilis ito natosta ni Virgous, si Bombayno nagpakawala ng malakas na sigaw, si Louis ginaya ang anyo nya at nagpalabas din ng parehong sigaw.

Nagbagsakan ang mga impostor at nagtakip ng tenga, naunahan sila ng mga disipulo ngunit ang impostor na sugo tuloy ang pagharap kay Paulito at tila lumalakas ito dahil sa mga nangyayari sa paligid. Nakapagpahinga ng konti si Anhica pagkat pati ang impostor na mambabarang ay nagtakip ng kanyang tenga.

Si Ngyobert naglabas pa ng dalawang boteng alak at hinamon ang impostor nya sa pag straight ng pag inom. Pagtungga ng impostor mabilis na sinaksak ni Ngyobert ng espada ang leeg ng kalaban nya sabay tawa. Binuhat ni Mhigito si Chado at mabilis sila naglibot at binulungana ang mga impostor.

Namatay ang lahat ng impostor maliban sa impostor ng sugo, walang talab sa kanya ang kapangyarihan ni Chado, sumubok si Bombayno at Virgous pero tumawa lang ang pekeng sugo. Nagulat ang lahat may mga pulang espiritu lumabas sa mga katawan ng mga imspostor, nagtungo sila sa katawan ng bruha at ilang sandali pa dahan dahan tumayo si Monica.

Tatayo na sana si Paulito pero pinigilan siya ni Sarryno, “Pre, steady ka lang dyan, di natin kailangan ng dalawang kalaban. Kalma ka lang para di makawala yang kaharap mo” sabi nya at muling naupo ang vampira at pinikit ang kanyang mga mata. Palapit si Anhica kay Paulito pero nagpakawala si Monica ng mga espiritu at sinugod ang dalaga. Napasigaw si Anhica at napahiga sa lupa ngunit nakapaglabas sya ng tatlong espiritu na humarang sa mga itim na espiritu.

“Okay ka lang?” tanong ni Paulito ngunit di nakasagot ang dalaga, “Fredatoria!!! Wag nalang siya!!!” sigaw ng vampira at tila lumakas ang impostor nya at nagbaga na ang mga mata nito. “Hoy ano ka ba okay lang ako, tumigil ka nga diyan tignan mo lumalakas lalo yang impostor mo dahil sa galit mo” sabi ni Anhica at muling kumalma ang vampira ngunit ang impostor nya nakangisi na at tumatawa.

Sabay sabay na sumugod ang mga disipulo pero sinalubong sila ng kaparehong sigaw ni Bombayno mula kay Monica, napahawak sila sa tenga nila at nagpakawala pa ang bruha ng mga golden balls mula sa bibig nya at sapol sa mga dibdib ng mga disipulo.

Di na matiis ni Paulito ang nakikita nya, kinakawawa na ng husto ng bruha ang mga kaibigan nya, pagkatapos sila patikman ng mga apoy ni Virgous isa isa naman pinatikin ng bruha ang mga matatalim na kuko ni Sarryno ang mga disipulo. Nagawa pa nilang tumayo at lumaban ngunit sadyan malakas ang bruha at mabilis gumalaw kaya bugbog sara ang mga disipulo maliban kay Paulito at Anhica.

Nanggagalaiti na sa galit ang vampira at nagliliyab na ang katawan nya, lalong lumalakas ang impostor ni Paulito kaya kinabahan si Anhica at lumapit. “Hoy, kalmado ka lang…tignan mo o kaya pa nila. Look lumalaban pa sila” sabi nya sa vampira. “Ei…naturuan ka ba ni Wookie mag exorcise?” tanong ni Paulito. “Ha? Hindi niya ako tinuruan, pinapanood ko lang sya…bakit?” sagot ng dalaga.

Pinaliwanag ni Paulito ang pag exorcise habang pinapanood pa nilang kinakawawa ng bruha ang ibang disipulo. “Pano ko gagawin yon?” tanong ni Anhica bigla. “Ako bahala basta be ready” sabi ni Paulito. “Oy, sandali pano yang impostor mo?” tanong ng dalaga. “Ako bahala dito basta gawin mo yung sinasabi ko” sagot ng vampira.

Tumayo dahan dahan si Paulito at gumaya ang impostor, “I lost you once…” sabi ni Anhica pero agad sya hinarap ng vampira. “Never again” bulong niya Paulito ay nagyakapan sila. “Ready ka na?” tanong ng vampira at nilabas ni Anhica ang manika nya. “Let’s get this bitch!” sagot nya at sabay sila humarap sa bruha.

“Mga pre alam ko naririnig niyo ako…tulungan niyo si Anhica para matanggal ang espiritu ni Fredatoria sa katawan ng bruha. Ako na bahala sa impostor ko” sabi ni Paulito sa mga isipan ng mga disipulo kaya lahat sila napalingon sa kanya. Sa isang iglap nawala si Paulito sa harapan ni Anhica at sumulpot sa harapan ng bruha. Nasakal niya si Monica at mabilis sila napalipad sa isang pader ng palasyon. Ang impostor na sugo nahawakan si Paulito at pareho sila napahiga sa lupa. Nakawala ang bruha ngunit tinuro sya ng vampira at biglang may lumitaw na mga dilaw na tatak sa noo, dalawang kamay at dalawang paa ng bruha.

Napalipad ang bruha paatras at dumikit sa pader, nagulat ang mga disipulo at nakitang lumapit sa kanya si Anhica. Di nila alam sino ang proprotektahan nila pagkat nakikita nila ang punong disipulo na pinagtitira ng impostor nya. “Tulungan niyo siya!!!” sigaw ni Paulito at kahit masakit sa damdamin nila ang nakikita nila pinalibutan nila si Anhica na tumayo sa harpan ng bruha.

Di makagalaw si Monica at nakadikit talaga ang katawan nya sa pader dahil sa mga dilaw na mga marka sa katawan nya. “Pano nangyari e kailangan ng spellcaster na dwende para maglagay ng markang ganyan” sabi ni Bobbyno. “Pare di ka na ata nasanay kay bossing e” sagot ni Bashito pero sinimulan na ng dalaga ang ritual.

Gamit ang dasal na tinuro sa kanya ng vampira ay tinapat nya ang manika sa ulo ng bruha, napasigaw si Monica at nagpupumiglas ito. Nagpakawala sya ng mga itim na espiritu mula sa katawan nya at muling naglabasan ang mga kalansay sa lupa. Hinarap ng mga disipulo ang mga kalansay pero ang pulang espiritu ng Fredatoria nahihiwalay dahan dahan sa katawan ng bruha at pumapasok sa manika ni Anhica.

Dalawang kamay na napahawak sa manika ang dalaga at nahihirapan siyang alisin ang espiritu ng Fredatoria sa katawan ng bruha, padami ng padami ang mga kalansay na naglalabasan kaya naging abala ang mga disipulo.

Nakita ni Paulito na nagtatagumpay si Anhica kaya hinawakan nito ang mga balikat ng impostor nya at tinapon palayo. Tumayo ang vampira at nag inat, inalis nya ang suot nyang itim na coat sumigaw sya ng napakalakas. Lahat napalingon sa kanya at nagulat sila sa kanilang nakita.

Dalawang pakpak ang naglabasan mula sa likod ni Paulito at damang dama nila ang malakas na dark aura nya. Napalingon pa saglit sa kanina ang vampira at nakita nila ang nag aapoy na pulang mata nya. “Mga pre ako parin ito wag kayong mag alala” sabi nya.

Lumipad sa ere si Paulito at mabilis na lumipad din ang impostor nya, nagkaharap sila sa ere at bawat palitan ng suntok nagsasabog ng pulang ilaw ang mga katawan nila. Tulala ang mga disipulo at pinanood nila ang laban ngunit sumigaw si Anhica at humihingi ng tulong pagkat nakalusot ang dalawang kalansay at inaagaw ang kanyang manika.

Nadispatsa ni Ngyobert ang mga kalansay at binatukan nya ang mga kasama nya, “Ngonsengrayt ngasi!!!” sigaw ng kapre at kaya nagseryoso na ang disipulo at ang kapre naman ang nanood ng laban ng mga sugo. Tanapakan ni Anhica ang paa ng kapre at napakamot si Ngyobert. “Ngonsengrayt karin!!!” sigaw ng dalawa at nagawa pang magtawanan ng mga disipulo.

Isang malakas na suntok mula kay Paulito at pagtama ito sa dibdib ng impostor at napatapis ito papunta sa palasyo. Wasak ang isang tore ngunit lumipad ng mablis sinugod ng vampira ang kalaban nya at pareho sila lumusok sa pader. Isang malakas na kulog ang narinig at nakita nila ang impostor na lumipad palabas ng palasyo, lipad palabas si Paulito at hinabol ang impostor na sugo.

Ilang sandali pa napalipad bigla si Anhica sa ere pero mabilis sya nasalo ni Ngyobert. Bagsak ang katawan ng bruha sa lupa at ang manika ng dalaga ay nagbabaga. “Nakuha mo na?” tanong ni Virgous at tinignan ng dalaga ang manika nya. “Oo ata, pero ano nang gagawin natin dito?” sagot nya at napalingon sila sa ere at nakita ang dalawang nilalang na naglalaban. “Ewan ko antayin nalang natin si bossing” sagot ni Chado.

Mga kalaban na kalansay bumalik sa ilalim ng lupa, wala nang magawa ang mga disipulo kundi manood habang nakikipaglaban ang kanilang pinuno. Bawat tama kay Paulito ramdam na ramdam nila ngunit bawat bawi niya pati sila napapagaya sa galaw nya.

Nagtagal ang laban sa ere ngunit napansin nila na tabla lang ang laban, “ano ba ginagaya nya bakit di pa niya matalo yan?” sabi ni Anhica. “Malamang di pa nya nahahanap ang kahinaan nya, pero wag kang mag alala laging nag iisip si bossing…sigurado ko malapit na niya makuha yan” sagot ni Bobbyno. Kasasabi palang ng dwende at nakita nila napuruhan ng matindi si Paulito at bumagsak sa lupa. Babangon palang sya naglabas ng kidlat ang impostor at natamaan sa likod ang vampira.

Napasigaw si Anhica at susugod na sana ang mga disipulo ngunit pinigilan sila ni Virgous, “Mga pre wag…lalo lang mag aalala si bossing…tiwala lang tayo” sabi ng taong santelmo. Parang bulalakaw na bumagsak sa lupa ang impostor at tumama kay Paulito, isang malaking pagsabog ang naganap at napuno ang paligid ng usok.

Ilang sandali pa may nakita silang dalawang nagbabagang mata sa gitna ng usok at papalapit sa kanila. “O you see mga pre, solve na ni bossing, malamang nabasa nya yun at sinalubong nya ng uppercut” sabi ni Virgous nguniti biglang nagliparan ang mga disipulo at tumawa ng malakas ang impostor. Sumugod ang mga disipulo sa impostor, napaluhod sa lupa si Anhica pagkat di na nya alam ano ang nangyari kay Paulito.

Apoy ni Virgous, sigaw ni Bombayno, bulong ni Chado, mga laslas ni Sarryno at Bashito, wala epekto sa impostor at mabilis lang sila nasaktan nito. Si Darwino at Bobbyno umatake na ngunit tumawa lang ang impostor at sinipa sila palayo. Si Louis ginaya ang itsura ng impostor pero bago makaporma nahawakan sya sa leeg, pasugod si Vandolphous at Ngyobert ngunit ginamit ng impostor ang katawan ng vampira at winasiwas ito sa kanila.

Bagsak na ang lahat ng disipulo at ang impostor nilapitan ang dalaga at tumawa, hinawakan ng impostor si Anhica sa leeg at di na pumiglas ang dalaga. “At sa tagal tagal nyang nag isip kung ano ang kahinaan nya…ahahahaha di mo ba alam ikaw yon!!! At ikaw din ang nagpapalakas sa kanya kaya ano pa ang ilalakas nya pag patay ka na?!!!” sigaw ng impostor at binuwelo na nito ang kamay nya at isasaksak sa puso ng dalaga.

Magiting na hinarap ni Anhica ang impostor, di niya inalis ang titig nya sa mukha nito, nanlaki bigla ang mga mata nya at napangiti nang may dalawa pang mga nagbabagang mga mata ang nakita nya sa likod ng impostor. Napasigaw ang masamang nilalang at nabitawan ang dalaga, mula sa dibdib ng impostor lumabas ang isang kamao at sa ulo nya napahawak ang isang kamay.

“Wag na wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko at lalong lalo na si Anhica!!!”