TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 17: Vampiro Nacido de Nuevo
Madaming mga kabahayan ang nadaanan ang mga disipulo, kahit na utos ng hari ay hadlanging sila alam ng mga mamamayan na kakampi nila ang mga ito. Mas natuwa pa ang mga kampon ni Nella nang sumama ang ibang mga mamamayan sa kanila dala ang mga armas na nahanap nila.
Kung dati kinakatakutan sila ng mga mamamayan tilad nagbago ang ihip ng hangin at kahit hindi sabihin alam ng mga mamamayan na hindi sila kalabang ngunit sila ay tagapagligtas.
Mas desidido na ngayon ang mga disipulo, mga sugat sa katawan nila di na nila iniinda. May kakaibang lakas na namuo sa katawan nila at kahit na pamilyar ang tinig ng sumisigaw na kalaban walang bakas ng takot o kaba sa kanilang mga mukha.
Nang malapit na sila sa palasyo tumigil ang mga disipulo at hinarap ang mga mamamayan. “Hanggang dito nalang kayo, mapanganib masyado ang makakaharap namin” sabi ni Nella. “Sasama kami sa iyo Nella!” sigaw ng isang tao at nagulat ang dalaga. “Ah…kilala niyo ako?” tanong ng dalaga.
“Oo ang tagal na namin nagtitiis at nag aantay ng pagdating mo. Yung mga nilalang sa mahiwagang gubat pasekretong pinaliwanag sa amin ang lahat. Ang tagal namin nag antay at nag tiis. Gusto namin sumama sa iyo at makilaban pagkat sawang sawa na kami sa mga impostor na yan!” sigaw ng isang matanda at halos maiyak na si Nella pagkat nagsigawan ang mga mamamayan at talagang handa sila lumaban.
Napatingin si Nella sa mga disipulo pagkat di nya alam ang gagawin nya, “Ah eshkush me may marunong ba gumawa ng pushtisho nawala pushtisho ko sa oshean e” sabi ni Tuti at biglang natawa ang mga mamamayan sa bunging vampira. Pati mga disipulo nagtawanan pagkat namiss na nila ang ganitong pananalita ni Tuti.
“Ah pwede ba kami…” sabi ni Mhigito pero nahiya siya bigla. “Oo meron kaming mga baboy sa malapit pero matatagalan ba kayo?” tanong ng isang matanda. “Hindi mabilis lang ito, saan pakituro ang daan?” entrada bigla ni Vandolphous at natawa muli ang mga mamamayan pagkat nagliwanag bigla ang mga mukha ng vampira. “Dadalihin ko kayo” sagot ng matanda at binuhat siya bigla ni Mhigito, “Mahal na reyna mabilis lang ito” sabi ng vampira at biglang nagsimangot si Tuti.
“Halika na, oo na ako bahala sa iyo” sabi ni Bombayno at natuwa ang bungi at umalis agad ang mga vampira. “Baka atakehin tayo nung dragon” sabi ni Chiara at mahigpit nyang hinawakan ang espada nya. “Hindi, di makakalapit ang bruha at alaga nya sa atin pagkat pagkatapak nya palabas ng grounds ng palasyo” paliwanag ni Wookie. “Ay oo nga ang lapit na natin dapat naatake na tayo kanina pa” sabi ni Paula.
“Tama kayo, ni minsan di pa namin nakita ang mga impostor na lumabas ng palasyo, ni dumalaw sa ibat ibang lugar ng kaharian di nila magawa. Lagi kami ang pinapapunta diyan pag may mensahe ang impostor” sabi ng isang tao. “Oo isa yan sa sumpa na kasama sa corona, magmimistulang kulungan yang palasyo na yan para sa mga impostor na tulad nila. Nakapag hariharian lang sila pagkat gumamit sila ng kapangyarihan at pananakot” sabi ni Wookie.
“Pero bakit wala man lang mga gwardiya na lumabas? Akala ko ba madami sila o nasan sila?” tanong ni Chiara at di mapakali si Wookie at tinignan ang paligid ng palasyo. “Oo tama ka iha, nagtaka din kami bakit bigla nawala ang mga kawal at sundalo ng palasyo mula kahapon” sabi ng isang babae.
“Hindi magandang pangitain ito” sabi ng mambabarang at lahat napatingin sa kanya. “Bakit Wookie anong ibig sabihin nito?” tanong ni Nella at huminga ng malalim ang mambabarang at ngumiti nalang. “Wala wag kayo mag alala, ang importante sa ngayon maibalik ka namin sa palasyo at makilala ka ng corona” sagot ng mambabarang pero nahalata ng lahat ang kaba sa mukha nya.
Nakabalik na ang mga vampira at nagkatinginan si Wookie at ang artistahing vampira. “Ah excuse me lahat po makinig sa akin” sabi ni Vandolphous at tumalikod ang mga disipulo, nagulat si Nella pagkat pinapatalikod din siya ni Bashito.
Yumuko si Ngyobert at tumayo si Vandolphous sa balikat nya, “Ah hello makinig lahat sa akin please. Ayan, listen listen and focus on me people” sabi ng vampira sabay inalis nya ang shades nya. “Nagpapasalamat ako sa pagdalo niyo sa aking fans day, sorry masakit ang kamay ko kaya di ako makakapagbigay ng autograph. Di bale babalik ako okay? O sige na magsiuwian na kayo ha tapos wag kayo lalabas ng bahay niyo hanggang sa okay na ang lahat” sabi ng vampira at lahat ng mamayan na nandon bigla nalang natulala at sumunod sa utos nya.
“Bilib talaga ako sa iyo pare ang dami mong nauuto” sabi ni Chado at nagtawanan ang mga disipulo. “Inggit ka lang kasi mukha akong heartthrob” bana ni Vandolphous at biglang nagtawanan ang mga dwende. “Duwing duwing” sabi ni Darwino at lalo pa sila naghalakhakan, ang mga tawa nila pilit pagkat nagtatanggal lang sila ng tensyon sa magaganap na bakbakan.
Nagharap harap ang lahat at sabay pang huminga ng malalim. “Pagpasok natin ng gate alam niyo naman na ang kailangan natin gawin diba?” tanong ni Bobbyno. “Tulad ng dati” sabi ni Virgous at nag apoy na ang katawan niya. Napatingin si Sarryno kay Nella at alam ng lahat ang iniisip niya, “Oo just like the old times…kahit na wala…” sabi ng taong lobo pero tinakpan ni Nella ang bibig nya.
“He is here with us, alam ko hindi ko deserve palitan ang pwesto nya pero kami nina Chiara, Yui, Paula at pati si Anhica gagawin namin lahat para punan ang pagkawala nya. Alam ko sasabihin niyo baliw ako pero ayaw kong bantayan niyo ako sa laban na ito, mag focus lang kayo sa kalaban at wag niyo na kami intindihin” sabi ng dalaga at biglang tumawa ang mga disipulo.
“Naniniwala na ako nandito nga siya, yan din ang pakiusap nya dati sa atin e” sabi ni Bombayno at nagtawanan ang mga disipulo. Biglang napatingin si Bashito kay Chiara at napangiti ito pero napansin yon ng mga dwende. “Uy uy si boy antukin o…uy” tukso ni Dariwno at pati si Chiara napangiti nalang. “Saka na yang mushy mushy moments niyo focus tayo focus” sabi ni Sarryno at umariba nanaman sa tawa ang mga dwende. “Uy jelly!!!” sabay na sabi ng mga dwende kaya muli nagtawanan ang lahat.
“So game na, Virgous ikaw na bahala sa entrance natin” sabi ni Wookie at napwesto sya sa likod ng grupo. Sa gitna si Nella at nilabas na niya ang kanyang espada, “Sis, eto na tayo” bulong ni Nella. “Oo nga, kaya natin to” sagot ni Anhica na nasa loob nya. Sa kaliwa ng reyna tumayo si Chiara, at sa kaliwa si Paula. Sumigay ng malakas ang ngongong kapre at nagpasabog na ng apoy si Virgous para lusawin ang gate ng palasyo.
Mabilis sila sumugod sa loob at doon nag aantay na ang higanteng dragon at ang bruha. Biglang napaluhod si Nella at napasigaw sa sakit, nabitawan nya ang espada at napahawak sa ulo nya. Nagulat ang mga disipulo at napatingin sa kanya at ilang sandali pa dalawang boses na ang narinig nila. Sigaw ni Nella at Anhica ang dinig na dinig ng lahat, di sila makapaniwala nang nahiwalay ang multo sa katawan ng reyna.
Tumawa ang bruha at tinaas ang mga kamay nya, mula sa lupa nagsilabasan ang mga kalansay na mandirigma at sa ere nagtipon tipon ang mga itim na espiritu. “Bakit ka humiwalay sa katawan ko?” tanong ni Nella. “Ikaw nga nagpaalis sa akin e” sagot ni Anhica. “Bumalik ka na sa akin” sabi ng reyna at tumayo silang dalawa at sinubukan ni Anhica sumanib muli sa dalaga pero nagkabanggan lang sila ng katawan.
“Teka teka bakit parang buo na ang katawan mo?” tanong ni Paula at napapisil sya sa braso ni Anhica na nagulat. Napahawak ang dating multo sa mukha niya at napanganga siya. “Wookie ano to?!” sigaw ni Anhica at di rin makapaniwala ang mambabarang sa nangyari. “Pano na to?” tanong ni Nella pero sumugod na ang mga kalansay na sundalo at itim na espiritu ng bruha.
“Doon kayo sa likod! Bilis!” sigaw ni Wookie at mabilis niya nilabas ang manika nya at siya din magpalabas ng mga putting espiritu para labanan ang mga espiritu ni Monica. Mabilis na nagpaapoy si Virgous, sumugod si Ngyobert at Mhigito, sumigaw si Bombayno at sumugod na ang lahat ng mga disipulo.
Lumipad si Yui at agad hinila si Darwino, dumiretso sila palapit kay Monica at pinagtitira ito ng dwende ng golden balls nya. Bawat napapatay na sundalong kalansay may lumalabas sa lupang kapalit, at ang mga namatay na kalansay muling nabubuo.
Sa inis ni Monica pinakawalan na niya ang dragon, napasabak narin sa bakbakan sina Paula at Chiara pero si Nella nagtago sa likod ng mambabarang kasama si Anhica. “Wookie, dala mo ba ang manika ko?” tanong ni Anhica. “Oo nandyan sa bago ko sa likod, wag kang distorbo at nagcoconcentrate ako!” sigaw ng mambabarang at pinagpapawisan na siyang nagkokontrol sa mga mandirigmang espiritu nya.
Nilabas ni Anhica ang isang manika mula sa bag ng mambabarang at nagulat si Nella at napatingin sa kanya. “Aanhin mo yan?” tanong ni Nella at biglang tumayo si Anhica at hinawakan ng mahigpit ang kanyang manika. “E ano pa magagawa ko e di tumulong” sumbat ng dating multo. “Yang manika…” sabi ng reyna at napatingin si Anhica sa manika nya. “Oo ginawa ko ito nung wala ako magawa” sagot ni Anhica. “Hindi…kamukha ni Paulito yan” sabi ni Nella.
Humarap agad si Anhica sa mga kalaban at di pinansin ang reyna, “Dami mo napapansin tumayo ka na dyan at tumulong” sabi ni Anhica at natuwa siya ng nakapaglabas siya ng mga espiritu mula sa manika niya. Napangiti nalang si Wookie at gumaan ang trabaho nya pagkat dalawa na silang mambabarang na lumalaban sa mga espiritu ng bruha.
“Mga pre ako na bahala sa mga kalansay, kayo na dyan sa malaking yan” sabi ni Mhigito ginamit nya ang bilis nya upang harapin ang mga nagkalat na sundalong kalansay. Nagbuga ng apoy ang dragon pero mabilis na nakaiwas ang mga disipulo. Bumawi si Virgous at siya din nagpaapoy at natamaan ang dragon sa leeg nya pero wala ito epekto.
“Darwino! Manyakis ka wag na yang bruha ang pagtripan mo, yung mga butas ng ilong ng dragon!!!” sigaw ni Bobbyno at mabilis nagpakawala ang dwende ng golden balls pero di tumama sa butas ng ilong ng dragon pagkat gumalaw ito. “Hawakan niyo yung ulo nya! Steady nyo!” sigaw ni Darwino.
“Siraulo! Ikaw nalang kaya!” sumbat ni Chado nang tumalon siya para iwasan ang hampas ng paa ng dragon. “Tama siya no choice tayo” sabi ni Bashito at nagpalit syang anyo bilang toro at sinugod ang katawan ng dragon. Nasaksak ni Bashito ang mga sungay nya sa katawan ng dragon, mabilis tumapak sa likod ni Bashito si Ngyobert at pinagsusuntok ang ulo ng dragon.
Yumakap ang kapre sa leeg ng dragon at nagawang maipasok ni Darwino ang mga golden balls nya sa dalawang butas ng ilong. “Yes!!! Sugod!!” sigaw ni Sarryno, sumigaw si Bombayno ng malakas at nabingi si Monica, “Bingisan ngo ngaman!!!” sigaw ni Ngyobert pagkat pumipiglas ang dragon at nagwawala. Mas diniin ni Bashito ang mga sungay nya sa katawan ng dragon, pinaglalaslas ni Sarryno ang isang paa gamit ang mga claws nya.
Umakyat si Chado sa ulo ng dragon at sumubok bumulong, “Wala epekto!!!” sigaw nya. “Natural tado naman to wala di naman nakakaintindi ng salita yan, subukan mo graaaaawwrrrrr!!!” biro ni Bobbyno at pinagtataka naman nya ang isang paa ng dragon. Lumapit narin ang ibang disipulo at gamit ang mga espada nila pinagsasaksak nila ang dragon pero bigla ito nagwala at naipatapon sa malayo ang mga disipulo.
Di makaporma si Monica pagkat pati sya binabanatan ni Mhigito, si Darwino di sya pinagbibigyan maka recover at tuloy ang pagpapaulan nya ng goldens balls sa bruha. Si Yui din bumabanat gamit kapangyarihan niya.
Napatingin ang dragon kay Nella at naglakad siya palapit dito, “Oy! Wala kaming laban dito!!! Help!” sigaw ni Wookie at mabilis tumayo si Louis, “Guys sorry pero kung ito yung dragon noon…sana maintindihan niyo tong gagawin ko” sabi nya at nagpalit sya bigla ng anyo at nagulat ang lahat nang nagaya niya ang itsura ni Paulito.
“Hoy dito ka humarap! Ako ang sumaksak sa iyo!” sigaw ni Louis at napatingin sa kanya ang dragon at parang nalito ito. Napasigaw ng malakas ang dragon at palipat lipat ang tingin nya kay Nella at Louis. Parang nabaliw ang dragon kaya nagpilit ito magpaapoy, lumabas ang mga golden balls sa ilong niya at parang mga bala itong tumama sa katawan ni Louis, napasundan pa ito ng malakas na apoy kaya tumba ang vampira sa lupa.
Sa galit muling sumugod ang mga disipulo sa dragon pero galit na galit na talaga ang higanteng maligno at lalo ito nagwala. Napatalsik ang mga disipulo at nagpaapoy pa ang dragon sa buong paligid, hinarang ni Virgous ang apoy na papunta kina Nella pero hinampas ito ng dragon palayo.
Dahil sinubukan ni Wookie iligtas si Nella nakalimutan niya ang mga kalabang espiritu, mag mga itim na espiritu na biglang bumuhat sa kanya, sinubukan ni Anhica na iligtas ang lalakeng mambabarang ngumit mabilis nila nailayo si Wookie. “Wookie!!!” sigaw ni Anhica pero biglang sumigaw si Nella.
Napaluhod narin sa takot si Anhica, si Nella natulala nalang sa papalapit na higante. Nilapit ng dragon ang ulo niya kay Nella at nagkatitigan sila ng mata. “Oo yan! Sige patayin mo na yan!” sigaw ni Monica at tumawa siya ng malakas. Umatras konti ang dragon at sumigaw ito ng napakalakas, kumapit sa katawan nya ang mga disipulo pagkat alam nila nag iipon ng lakas ito para magbuga ng apoy. “Nella! Umalis na kayo diyan dali!!! Lumabas kayo ng gate!!!” sigaw ni Virgous pero parehong tulala lang ang dalawang dalaga sa lupa at nakatingin sa dragon.
Muling nagwala ang dragon at naipatapos ang mga disipulo, sumigaw ang dragon pero lahat napatakip ang tenga nila pagkat may nakakabingin tunog mula sa kalangitan. Parang mga bakal na nagkikiskisan at palakas ito ng palakas, napatingin si Monica sa langit at may nakita siyang napakaitim na ulap na papalapit sa palasyo.
“Mga paniki” bigkas ng bruha at tumawa siya pero agad natulala nang palakas ng palakas ang tinig ng mga paniki at nagulat siya sa dami nito. Nagpababa ang mga paniki at pasugog ito sa kanila, walang magawa ang dalawang dalaga kundi magpatikip ng tenga nila dahil sa nakakabinging tunog.
Parang itim na ulap na mabilis napalibutan ang buong palasyo, lahat ng disipulo napahiga sa lupa at pati ang bruha gumaya pagkat nagkalat ang paniki sa paligid. Ilang sandali nagsialisan na ang mga paniki at lahat ng disipulo napanganga sa nakita nila.
Sa pagitan ni Nella at Anhica may nilalang na nakatayo at magkaharap sila ng dragon. Sabay napatingin ang dalawang dalaga sa nilalang na nakatayo sa gitna nila, ang tindig niya, ang haba ng buhok nya at pati ang kakaibang aura nya ramdam na ramdam nila.
Nilagay ng nilalang ang kamay nya sa dibdib ng dragon, “Nella, akin na ang espada ko” sabi nya sabay inabot ang kamay, mabilis na pinulot ni Nella ang espada at nilagay ito sa kamay nya. Bumuwelo ang dragon at galit na galit ito, bago pa makabuga ito ng apoy nasaksak na siya ng nilalang sa puso sabay sumigaw ang nilalang.
“Espíritus Oscuros se marchan!!!”
Napasigaw ang dragon at mula sa langit madaming paniki ang muling sumugod papunta sa dragon at pinagkakagat nila ito. Napalibutan ang dragon ng mga paniki, tinaas ng nilalang ang mga kamay nya at muling sumigaw.
“Espíritus Oscuros se marchan!!!”
Nagsiliparang ang mga paniki pabalik sa langit at nagulat ang lahat pagkat wala na doon ang dragon. Lumakas ang ihip ng hangin at nagkatinginan ang nilalang at ang bruha, tumayo si Nella at humawak sa kamay ng nilalang.
“Paulito?” tanong ni Nella at hinarap siya ng vampira at ngumiti sa kanya. Tumayo din si Anhica at humawak din sa kabilang kamay ni Paulito. Humarap si Paulito sa kanya at pati sya nginitian.
“Don’t be afraid I am here now”