sk6

Monday, June 1, 2009

Chapter 8: Punong Disipulo

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 8: Punong Disipulo

Tumayo si Paulito sa gitna ng kalsada at inantay lang lumabas si Chado, pero dalawang Chado ang lumabas at humarap sa kanya. “Pati pala ikaw Louis nandito ka…sige no problem” sabi ni Paulito at sinuguod niya ang dalawang Chado pero mabilis sila tumalon.

“Ha? Bakit dalawa yan? Twins ba sila?” tanong ni Nella. “Akala ko ba alam mo yung alamat? Si Louis yung isa, kaya nya gayahin ang itsura ng isang nilalang pati yung kapangyarihan nila” paliwanag ni Tuti. “Ah…e yung Chado diba…Devil’s whisperer…naku…” sabi ni Nella at bigla siyang nanginig sa takot.

Humarap si Paulito sa ibang mga disipulo, lumuhod siya sa lupa at tumayo sa bawat tabi nya ang dalawang Chado. “Nagpapatawa ka ba Paulito? Akala ko ba lalaban ka?” tanong nung Chado sa kaliwa nya. “Give it your best shot pare” sagot ni Paulito at napasigaw si Nella. “Lumayo ka diyan! Anong ginagawa mo?!!!” sigaw ng dalawa.

Lumuhod ang dalawang Chado at bumulong sa bawat tenga ni Paulito. Napapikit ang punong disipulo at napayuko ang ulo, di makayanan ni Nella ang nakita niya kaya sinubukan niya tumakbo palapit, pati ang ibang disipulo nanggalaiti pero pinakalma sila ni Wookie. “Huminahon kayo….manood lang kayo sa Punong Disipulo at nagpapakilala na siya sa atin” sabi ng mambabarang.

Muling tinaas ni Paulito ang ulo niya at ngumiti, gulat na gulat ang dalawang Chado at lalo pa nila binulungan ang tenga niya. Nanlisik ang mga mata ni Paulito at lumabas ang kanyang mga pangil. Di maintindihan ng dalawang Chado ang nangyayari at lumayo sila sa punung disipulo pagkat nagbabagang pula ang buong katawan niya.

“Narinig mo ba yung binulong nila?” tanong ni Paulito. “Oo” sagot ni Anhica. “Oy wag mo ibubulong sa akin…thanks for being my soul for a while…pano yang double dead ka na” sabi ng vampira. “Che! Magpakabait ka sa akin at pag hindi ibubulong ko talaga sa iyo” banat ng multo at tawa ng tawa si Paulito.

Tulala ang lahat pati ang dalawang Chado nang makita nila si Paulito kausap ang sarili niya at tawa ng tawa mag isa. May malakas na hangin nagmula sa katawan ni Paulito at ang nagtatagong Mhigito ay nakita na nang lahat. Tumayo ang punong disipulo at nagbagang pula ang mga mata niya, “Oy oy anong nangyayari sa iyo…bakit ganito?” tanong ng multo. “Tinatanong mo dati ano ang tinatago ng isipan ko? Pwes ayan tignan mo…enjoy!!!” sigaw ni Paulito at uminit bigla ang hangin na tumama sa lahat.

Isang iglap kaharap na niya ang isang Chado at bumulong sa tenga nya, ilang saglit katabi na niya ang isa pang Chado at bumulong din. Parehong bumagsak sa lupa ang mga Chado, sinubukan ni Mhigito makatakas pero mabilis siyang nahawakan ni Paulito, bumulong ang punong disipulo at bagsak ang vampira sa lupa.

Binalikan ni Paulito ang tunay na Chado at nilagay ang kamay niya sa dibdib nito, “Hoy! Tama na! Ano ginagawa mo!!...WOOKIE!!! Hindi na niya kotrolado sarili niya!!!” sigaw ni Anhica. “Pare alisin mo yung apoy!” sigaw ni Wookie. “Bakit pare?” tanong ni Virgous. “Basta! He needs our help” sabi ng mambabarang. Namatay ang apoy at nagkalat ang mga disipulo, pinalibutan nila si Paulito kaya tumayo ang punong disipulo at tinignan sila isa isa.

“Wookie dali na! Habang hindi pa siya pumapasok sa…dali!!!” sigaw ni Anhica. “Mga pare alam ko siya yung kaibigan natin pero at this moment he is not himself and we have to stop him” sabi ni Wookie. Walang gustong gumalaw, sinusubukan ni Nella lumapit pero pinipigilan siya ni Paula at Tuti.

“Ah shwet!” sigaw ni Virgous at binato niya ng bolang apoy si Paulito pero bago ito tumama sa katawan niya naglaho ito. Lumayo ang mga disipulo, umatake si Darwino mula sa malayo at mabilis natamaan si Paulito sa ulo, napalinong ang vampira at inatake siya agad ni Ngyobert at napatapis ang vampira. Binuha ni Bobbyno ang vampira at muling hinagis papunta kay Ngyobert na sinalubong si Paulito ng uppercut. Bagsak sa lupa ang vampira at pinagtulungan na nila siya.

Sigaw ng sigaw si Nella pero niyakap siya ni Paula, si Tuti di nya masikmura ang nakikita nya kaya tumalikod nalang. “Wookie!!! Gamitin mo manika mo! Bale wala ginagawa niyo!” sigaw ng multo. “Masasaktan ka din pag ginamit ko ito!” sagot ni Wookie. “Sige lang bilisan mo hindi niyo pwede hayaan na lumabas ang tunay na kapangyarihan inya!” sabi ni Anhica.

Mabilis na nilabas ni Wookie ang manika nya at lumutang siya sa ere, sinaksak niya ng dalawang karayom ang dibdib ng manika at nakakabinging sigaw ni Paulito na may kasabay na sigaw ng babae ang narinig ng lahat. Napatapon palayo ang lahat ng disipulo, lumuhod si Paulito at nagsisigaw. “Ngayon alam niyo na bakit ako ang napiling punong disipulo!!!” sabi ng vampira. Nakayuko lang si Paulito at nakayuko ang ulo, lalong nagbabaga ang katawan niya kaya mas diniin ni Wookie ang mga karayom at dinagdagan pa ang isa sa ulo sabay nagtawag siya ng mga ligaw na espiritu para guluhin ang utak ng vampira.

Tumatawa lang si Paulito habang tuloy tuloy siyang inaatake ng ibang disipulo, pagkatapos ng ilang saglit tumayo siya at muling naitapon palayo ang mga kaibigan niya. Nawala siya bigla at lumitaw sa likod ni Wookie at hinawakan ito sa leeg at hinampas sa lupa. Bawat isang disipulo pinarusahan niya, nakawala si Nella at humawak sa paa ng nagwawalang vampira.

Nagkatitigan si Paulito at Nella, “Uy tama naaaa!!” makaawa ng dalawa at napatigil ang vampira at parang nasisiraan ng bait. Napahawak siya sa ulo nya at lumutang sa ere. Sumigaw ng malakas si Paulito at nagulat ang lahat, hinawakan niya ang kadena sa paa niya sabay sinira ito, nahawakan niya sa leeg si Anhica at nilayo sa katawan niya. Muling nagkatitigan si Nella at Paulito pero mabilis na nawala ang vampira.

“Paulito!!!” sigaw ni Nella pero wala na ang punong disipulo. Isa isang bumangon ang natirang mga disipulo, pati sina Chado, Louis at Mhigito ay tumayo at hilong hilo pa. “Shwet si bossing ba yon? Wow, siya ba talaga yon?” sabi ni Chado pero agad siyang binuntal ni Ngyobert kaya napahiga ulit siya sa lupa. Inawat ng iba ang kapre at gigil na gigil pinagsisipa pa sina Louis at Mhigito.

Hindi nagpaawat ang kapre at sumama pa sa kanya si Tuti, nagkarambolan na ang mga disipulo at napatapis ang mga dwende dahil sa gulo. “Baaalooooooooottt!!!” may sumigaw at lahat sila nagtakip ng tenga at napaluhod. Gigil na gigil parin ang kapre at tumayo ito at sinugod ulit si Chado at Louis, “Peeenooooooyyyyyy!!!” sigaw muli ng tinig at bagsak sa lupa si Ngyobert hawak hawak ang tenga niya.

Kahit nagdudugo ang mga tenga bumangon si Tuti at inatake ang tatlong vampira, lumabas na si Bombayno at kahit anong gawin nitong pagsisigaw gamit ang sonic screams niya hindi ito iniinda ni Tuti. May sumulpot na isa pang vampira sa harap ni Tuti, nakashades pa ito at mapormang maporma. “Anong kaguluhan ito? Sinisira niyo ang beauty sleep ng artista” sabi ni Vandolphous. Inalis niya ang shades nya at tinitigan si Tuti, “Sleep” sabi ng artistahing vampira at bigla nalang nahiga sa lupa si Tuti at natulog.

Humupa ang kaguluhan at nagkatitigan ang lahat, lumapit si Valdolphous kay Nella sabay ngumiti, “Fall in love with me” sabi ng vampira at nagkatitigan sila sa mata. Biglang tumawa si Nella at napasigaw, “Wah duling!” sabi nya at nagtawanan narin ang ibang disipulo pagkat hiyang hiya nanaman si Vandolphous.

Nagkatawanan ng ilang minuto tulad ng dating panahon na magkakasama sila pero bigla din lang sila tumigil at muling nagkatitigan. “Makinig kayo sa sasabihin namin” sabi ni Darwino at nagtipon ang lahat sa isang sulok, ang dalawang dwende binuhat ang paninda ni Bombayno at nilatag sa gitna. “Oy bayaran niyo yung makakain niyo ha” sabi ng vampira, mabilis bumangon si Ngyobert at napakamot, “Tenga nguha ango ngalak” sabi niya at mabilis siya nagpunta sa kagubatan.

“Teka nasan si Paulito, ano na nangyari sa kanya?” tanong ni Nella habang pinupunasan niya ang tenga ni Tuti na natutulog pa. “Dito ka lang mahal na reyna at ako na maghahanap sa kanya” sabi ni Wookie at nagulat ang ibang vampira. “Reyna?” tanong ni Loiuis. “Long story pare, kaya makinig kayo sa akin” sabi ni Darwino.

Nagpunta sa gubat si Wookie at nilabas niya ang manika niya, “Anhica alam ko nandyan ka magpakita ka sa akin” sabi ng mambabarang at mula sa lupa lumabas ang tila nanghihinang multo. “Pano ka nakakalas sa kanya?” tanong ni Wookie. “Nakita mo naman yung nangyari, pinutol niya ang kadena…walang nilalang na nakakagawa non kaya nagulat nga ako” sagot ng multo.

“Wookie kailangan natin siya mahanap…or else” sabi ni Anhica. “Oo alam ko, pag hindi naikabit mulit ang kadena mamatay siya at susunod ka din after a few days…pero yun naman ang purpose mo diba? Kunin ang kaluluwa nya…pero bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?” tanong ng mambabarang.

Lumutang ang multo paikot kay Wookie at nahalata ng mambabarang ang takot sa mukha niya. “Ano ang nakita mo?” tanong ni Wookie at humarap si Anhica sa kanya. “Mga tagong pait, pighati, kalungkutan, at pagluluksa…at…yung matagal niyo nang hinahanap” sabi ng multo sa nanginginig na boses. Napanganga si Wookie at di makapaniwala…”Ang sugo ng Fredatoria nasa loob nya?” tanong ng mambabarang. “Oo sa kanya sumanib…all this time nilalabanan niya ang paglabas ng sugo…nakikita ko na bakit takot na takot kayo sa sugo pagkat pati si Paulito takot sa kanya” sagot ng multo.

Napaupo si Wookie at halatang takot na takot at nanginginig, “Ang sugo pag nakalabas mamatay tayo lahat…di ko man lang napansin na nasa kanya…naiintindihan ko na bakit siya ang pinakamahina pagkat ayaw niya lumaban…pagkat pag lalaban siya tuluyan mag take control ang sugo…hiniram niya ang lakas ng sugo para kalabanin si Virgous…para magamot ako…para labanan yung tatlo…” bulong ni Wookie. “Oo tama ka, maski ako nagulat pagkat dati may isang bahagi ng isipan niya na nakasara pero nung nakilaban siya kina Chado binuksan niya konti ito para di tumalab ang Bulong ng Demonyo” kwento ni Anhica.

“Hindi nga tumalab at narinig ko ang dasal na ritual…pero naapektuhan ata yung sugo sa bulong kaya lumaban ito at nakawala siya” sabi ng multo at tumayo si Wookie at hinila si Anhica pabalik sa ibang disipulo.

“Sarryno! Amuyin mo yung dugo ni Paulito sa mga kamao ni Mhigito. Ikaw din Bashito, tapos hanapin niyo sa agad. Mhigito sumama ka sa kanila para mas mabilis ang paghahanap” utos ni Wookie at tumayo si Mhigito na may bakas pa ng dugo ni Paulito sa kamay niya.

“Bakit natin hahanapin yon e kaya naman niya bumalik dito” sabi ni Chado. “Kung hindi natin siya mahanap sa dalawang araw mamatay siya, di ko kaya explain ngayon bakit basta hanapin niyo siya” sabi ng mambabarang at tumayo agad si Bashito at binuhat si Sarry at Mhigito at mabilis sila umalis.

“Paula, Darwino, Bobbyno at Virgous, magtungo kayo sa Dwendelandia at Mahiwagang gubat para tipunin ang pinakamagaling na manggagamot nila. Alam ko parang imposible ito pero kailangan niyo dumating don sa dalawang araw…sabihin niyo gamitin na ang mga pinagbabawal na portal para makabalik kayo agad dito…sige na!” sabi ni Wookie at agad dinambot ni Paula ang dalawang dwende at lumipad na. “Mauunahan ko sila…sa crater ako dadaan, ikaw na bahala dito pare” sabi ni Virgous at nag apoy ang buong katawan niya at pumasok sa lupa.

“Vandolphous” sabi ni Wookie at nagkatitigan sila ng artistahing vampira, “Oo alam ko na” sagot ni Vandolphous at muli niyang tinitigan si Nella at pinatulog. “Bombayno at Vandolphous kayo na bahala sa ibang vampirang susugod dito, Louis at Ngoybert bantayan niyo ang reyna, Chado sumama ka sa akin” utos ng mambabarang.

Binuhat ni Ngyobert si Nella at kasama si Louis nagpunta sila sa isang puno para magtago. Hinarap ni Vandolphous at Bombayno ang pasugod na mga vampira at pinatumba silang lahat.

Madaling nagpunta sa gubat si Wookie at Chado, naupo sila at nilabas ng mambabarang ang manika niya. “Anhica, kailangan ko ang tulong mo maupo ka sa gitna namin” sabi ni Wookie at nagtaka bigla si Chado. “Pare nakahithit ka ba ng mushrooms?” tanong ng vampira. “Hindi basta makinig ka at sumunod sa sasabihin ko” sagot ni Wookie.

“Anhica naputol man ang kadena pero nagsanib na minsan ang mga kaluluwa nyo kaya ikaw ang susi para mahanap si Paulito. Magtiwala ka sa akin, hindi kita papatayin…kahit patay ka na” sabi ni Wookie at natawa si Chado pero nanahimik bigla nang titigan siya ng masama ni Wookie.

Pinikit ng mambabarang mga mata nya at malakas na hangin galing sa lupa nagpataas. “Anhica concentrate ka at pakiramdaman mo ang kaluluwa ni Paulito…kaya mo yan…kausapin mo siya…muli ka pumasok sa kanya at tignan mo nasan siya” sabi ng mambabarang. “Chado…kailangan ko ang itim na espiritu mo saglit para samahan ang espiritu ni Anhica, magsisilbi siyang bantay laban sa mga ibang espiritu…pare medyo masakit ito pero kailangan ni boss kaya sorry” sabi ni Wookie at tinusok niya bigla ang manika at ubod ng lakas si Chado.

Napahiga si Chado sa lupa at nakalabas ang itim na espiritu, “Sige na Anhica hanapin mo siya!” sigaw ng mambabarang at nawala ang dalawang espiritu.

Muling nagsama sama ang mga disipulo upang hanapin ang pinuno nila. Di nila alam na nagtagumpay na si Paulito sa kanyang misyon, ang muling buoin ang mga Disipulo ng Fredatorya.

Sa ilalim ng palasyo ng hari napapanood lahat ang mga nagaganap sa Vampire Town sa dalawang bolang crystal na magkatabi. Tinakpan ng babae ang mga bola ng itim na tela at tumawa ng malakas.

Tumayo ang babae at tinaas ang kamay niya at nagbukas ang isang pinto, nakatayo doon ang limang nilalang na mabighani sa kagandahan ng babae. “Pumasok kayo dito” utos ng babae.

Tumayo sa harapan ng bruha seduktiva ang anim na nilalang, si Jeprosito at Jepong, mga vampire hunter na may itim na pakpak. Si Aldhabest and higanteng itim na kapre, si Eric at Joule ang mga vampira ng kadiliman at si Sir Carlos na baklang tikbalang.

“Oh Monica, pinatawag mo ba ako dito para sasagutin mo na ako?” sabi ni Eric na nahuhumaling sa ganda ng bruha. “Silensyo! Kung ayaw mo gawin kitang vampirang palaka! Kayong anim pumunta kayo sa Vampire town, nandon si Nella, patayin niyo siya! Ubusin niyo narin ang mga disipulo ng Fredatoria kung kaya niyo” utos ni Monica.

“Mga disipulo ng Fredatoria?” tanong ni Joule na kitang kita ang kuryente na dumadaloy sa mga ngipin niya. “Oo, wag kayong mag alala, lampa na sila pagkat malapit na mamatay ang punong disipulo…sige na wag na kayo mag aksaya ng oras, dalhin niyo na lahat ng mga nilalang na kailangan niyo!” sabi ni Monica.

“Hahahaha!!! Ako ang hahawak sa kahariang ito…Monica, bruha seduktiva!!!”