sk6

Monday, June 15, 2009

Chapter 20: Kapayapaan

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 20: Kapayapaan

Tumawa ng malakas ang impostor at itinaas nya ang dalawang kamay nya, isang malakas na kidlat ang tumama sa punong disipulo at napahiga ito sa lupa. Agad tumakbo si Anhica sa tabi ni Paulito at humarap sa kanila ang impostor na sugo.

Kumidlat nanaman sa buong paligid at lahat ng mga disipulo natamaan, pilit bumabangon ni Paulito ngunit nanghihina talaga ang katawan nya. Tumawa ng malakas ang impostor at nilagay ang kamay nya sa ulo ni Paulito. Pilit inaalis ni Anhica ang kamay ng impostor, nakapagpalabas sya ng mga espiritu na tutulong sa kanya ngunit lalo lang lumakas ang tawa ng impostor na sugo.

“Kung sana nakisama ka di mo na sana kailangan mawala sa mundo. Ikaw at ako sana ang maghahari ngunit ibang landas ang pinili mo Paulito. Isa lang sa atin ang pwede manatili sa mundong ito kaya paalam sa iyo!!!” sabi ng impostor at nagbagang pula ang kamay nya at napasigaw si Paulito ng malakas.

Humawak si Paulito sa kamay ni Anhica, “Naala mo pa ba noong bata tayo?” tanong ng vampira at tumigil ang dalaga sa pag aalis ng kamay ng impostor sa ulo ng vampira. Nilagay ni Anhica ang isang kamay nya sa dibdib ng impostor at gumaya din si Paulito at nilagay din nya ang isang kamay nya sa dibdib ng imahe nya.

“Hahahaha anong kalokohan ito? Wala akong laman loob at di mo ako masasaktan, pagkatapos kita mapatay kukunin ko ang katawan mo at aangkinin ko ito!!” sigaw ng impostor. “As if I would let you” sumbat ng dalaga at nagulat ang impostor nang sabay na nagbagang dilaw ang katawan ni Paulito at si Anhica.

Nakatayo na ang vampira at napasigaw ang impostor at napabitaw sa ulo ni Paulito. “Marami ka pang di nalalaman tungkol sa akin…sa amin” sabi ng vampira at biglang nagkaroon ng butas sa mga itim na ulap, mga disipulo nanlaki ang mga mata at di makapaniwala sa hiwagang nagaganap.

Napatingin ang impostor sa langit at nakita nya ang napakaliwanag na ilaw nagmula sa butas, “Ano ito? Anong ibig sabihin nito?” sabi nya ngunit lalo nagliwanag ang ilaw at isang malakas na sinag ang nagpapaba sa tatlo, napasigaw ng malakas ang impostor at unti unti siyang nalulusaw. “Pano mo nagagawa ito?!!!” sigaw nya ngunit pareho lang nakapikit ang vampira at ang dalaga.

Lalong lumakas ang sinag ng ilaw at pansamantalang nabulag ang mga disipulo. Ilang saglit pa humupa ang liwanag at tanging nakita nila ay dalawang nilalang na magkayakap at patuloy na nasisilayan ng sinag mula sa kalangitan.

Dahan dahan lumapit ang mga sugatang disipulo at hinarap na sila nung dalawa, “Pare tapos na ba?” tanong ni Bashito at ngumiti ang dalawa. “OO mga pre tapos na, tignan niyo” sagot ni Paulito sabay lahat napatingin sa kalangitan at unti unti nang nalulusaw ang mga itim na ulap at nagliliwanag ang kalangitan. Sumisilip na ang mga bitwin at nagbago narin ang simoy ng hangin.

Nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa loob ng palasyo at napalingon agad si Paulito. “Si Nella yon” sabi ng vampira at napasimangot si Anhica. Mula sa langit madaming mga paniki ang nagpapa at napalibutan si Paulito, parang itim na ulap sumugod ang mga paniki sa palasyo at nagulat ang lahat pagkat wala na sa tabi nila ang vampira.

“Wow, siya ba talaga yon?” nasabi ni Virgous at nagtawanan sila lahat. “Uy affected!” tukso ni Darwino sa dalaga pero kumapit si Anhica kay Mhigito. “Dali sunod sa loob” utos nya at napakamot nalang ang vampira. Lahat sila sumugod sa palasyo upang sundan si Paulito, at sa loob ng palasyo malagim na hangin ang sumalubong sa kanila.

Sa kwarto ng bruha nagsisigaw si Nella akap akap nya ang corona habang si Monica ay papalapit sa kanya. Si Chiara, Yui, Paula at Tuti lahat nakahandusay sa sahig. Lahat sila nakatikim sa kapangyarihan ng bruha seduktiva.

“Akin na yang corona Nella, hindi sa iyo yan. Kung gusto mo papatayin kita at pag reyna na ako muli kita bubuhayin. Sige na akina na yan?” sabi ni Monica at lalong sumigaw ang dalaga at dumikit sa sulok.

“Nella wag mong bibitawan yang corona…di ka nya masasaktan basta hawak mo yan!” sabi ni Paulito at napasigaw sa inis ang bruha. “Ikaw nanaman!! Bakit ba hindi ka mamatay matay?!!!” sigaw ng bruha at humarap sya sa vampira. Tinapon ng bruha ang manika ni Anhica at nagulat si Paulito, “Hahahaha nakakalimutan mo ata kung sino ako Paulito, oo nagawa mo ako alisin sa katawan nitong bruha ngunit nadistract kayo…eto akoy nagbalik sa katawan ng bruha at this time din a ako magkakamali!!” sigaw ng bruha at mabilis na lumapit kay Paulito at niyakap sya.

“Mahina na ako para labanan ka ngunit may natitira pa akong alas. Kung di ako pwede maghari dito…mas maganda nalang na maabo ang buong kaharian!!!” sigaw ng bruha sabay tumawa ng malakas. Di makapiglas si Paulito sa yakap ng bruha at nagtataka na sya, kahit anong gawin nya di rin sya makagamit ng kapangyarihan nya. “Wag ka na magtataka, matalino itong bruhang ito, ginawa nya itong kwarto na ito upang sya lang ang makakagamit ng kapangyarihan…sa sandaling ito isa ka lang mahinang nilalang tulad nila” paliwanag ng bruha at pinikit nya mata nya at nagsimula magdasal.

“Maski ako walang kapangyarihan dito ngunit ang bruha meron…kinakailangan ng tatlong kapangyarihan…kaya tatlo tayo ang may sala ng pagkaabo ng Plurklandia!!!” sigaw ng bruha.

“El cometa de la muerte le convoco!!!” dasal paulit ulit ni Monica, “Nella! Umalis na kayo dito! Lumayo kayo agad magmadali ka na!!!” utos ni Paulito ngunit naninigas sa takot ang dalaga. Nakapsok sa kwarto ang ibang disipulo, “Mga pare ilabas niyo sila bilis, lumayo kayo at pag nakita niyo ang bulalakaw na tumama na isuot niyo agad ang corona sa ulo ni Nella!” utos ni Paulito.

“Oo Paulito alam namin ang gagawin namin” sabi ni Aneth at nagulat ang vampira. Nang nailabas na ng mga disipulo sina Nella at ang iba natira sa kwarto si Paulito, Monica, at Aneth. “Ikaw…alam mong mangyayari ito ano?” tanong ni Paulito at biglang tumawa si Monica.

“Ano tong nababasa ko sa utak ng bruha…hello ate Aneth” sabi ng nasanibang bruha at nagulat si Paulito. “Sabi ko naman sa iyo e Monica di ka nakikinig sa akin, hindi ikaw ang magiging reyna ngunit ako. Si Nella ang uupong reyna ngunit makikinig sya sa akin ahahahahaha” sabi ni Aneth.

“Habang nabubuhay ka Paulito laging may hahadlang sa mga plano namin…habang nabubuhay ka Monica may panganib sa aking pamumuno. At habang buhay ang espiritu ng Fredatoria lagi kami magkakaroon ng pangamba kaya tignan niyo gano kaganda ang sitwasyon na ito, talagang sumunod sa plano ko…tatlo kayo sabay sabay na mawawala…wala nang hahadlang sa akin!!!” sigaw ng diwata.

“Fredatoria bitawan mo na ako!!” sigaw ni Paulito. “Hindi ako makagalaw!!” sumbat ng bruha at tumawa ang diwata. “Of course kapangyarihan ko yan…magkadugo tayo Monica kaya maari ko din gamitin ang kapangyarihan ko dito…eto tulungan ko kayo para mapabilis ang lahat”

Humawak ang diwata sa katawan nung dalawa sabay sumigaw, “El cometa de la muerte le convoco!!!” Nagkaroon ng malakas na kulog mula sa kalangitan, mga dingding ng palasyo nanginig at biglang pumasok sa kwarto sina Anhica at Mhigito. “Anong nangyayari dito?!!!” tanong ni Anhica.

Mabilis na humarap sa kanila ang diwata, si Paulito at Monica nautal at di makapagsalita. “Magmadali tayo, hindi pwede bitawan ni Paulito ang bruha kung hindi mamatay tayo lahat. Dali na” sabi ni Aneth pero nagpumilit si Anhica lumapit sa vampira pero pinigilan siya ni Mhigito.

“Sige na paparating na ang comet dito tatama yon, may tsansa tayo masalba kaya magmadali tayo” sabi ni Aneth at nagkatitigan lang si Paulito at Anhica. Di parin makapagsalita ang vampira, sigaw ng sigaw si Anhica at nagpupumiglas. “Iiwanan mo nanaman ako!!! Ha!!!” sigaw ng dalaga at mabilis na sila nakalayo sa kwarto. Wala nang magawa ang vampira ngunit mapaluha nalang, pinikit nya ang kanyang mata at nagdasal para sa kaligtasan ng iba.

Sa labas ng palasyo nagtakbuhan palayo ang mga disipulo, nakalabas na sina Mhigito pero nagsisigaw parin si Anhica. Huling lumabas ng palasyo si Aneth at inutusan na lumayo pa ang lahat.

Nakalayo sila ng husto at napatingin ang lahat sa kalangitan at nakita na ang papalapit na ang pulang kometa sa kaharian. Tumayo si Nella at napalingon sa paligid, “Nasan si Paulito?” tanong niya at nakita nyang umiiyak si Anhica kaya nilapitan niya ito.

“Nasan siya? Bakit ka umiiyak?” tanong ng reyna ngunit di makasagot si Anhica. “Nella si Paulito ay may inaasikaso lang saglit mamaya nandito na sya” sabi ni Aneth at biglang sinamapl ni Anhica ang diwata pero inawat sya ng mga disipulo. “Sinungaling!!!” sigaw ng dalaga pero nilayo na siya ni Mhigito.

Napansin ni Nella ang lungkot at luha sa mga mukha ng mga disipulo ngunit dinala na ni Aneth ang corona sabay napatingin sya sa langit. “Kailangan sakto ang timing ng pagsuot mo nito, kung masyado maaga wala din lang silbi, kung late tayo maaring patay na tayo lahat bago mo pa maisuot ito” paliwanag ng diwata at kinuha ni Nella ang corona at pinagmasdan ang papalapit na kometa.

“Dapat saktong pagtama ng kometa sa palasyo saka mo din isuot yan Nella” sabi ni Aneth at napalingon sa paligid ang dalawa, “Bakit sila nagluluksa?” tanong niya. “Natatakot lang sila, hayaan mo sila Nella, nasa kamay mo ngayon ang kaligtasan natin lahat” sagot ng diwata at kinabahan bigla si Nella.

Papalapit na ang kometa at nagsimula nang maramdaman ng lahat ang init at pwersa galing dito. Lumakas ang hangin na mainit sa buong paligid ngunit lahat nakatingin sa palasyo at naluluha.

Mga magigiting na disipulo napaluhod nalang sa lupa at pumasok sa alaala nila ang kanilang punong disipulo. Sa mga sandaling ito halos nanghina sila, ngunit ang pinakanasaktan sa lahat ay ang dalagang nasa gitna nila na di parin tumila sa pagsisigaw at pag iiyak.

Hinawakan ng maigi ng ibang diwata si Nella, ang kometa kitang kita na at ilang segundo nalang tatama na sa palasyo. Nagulat si Nella nang malalakas na hagulgol mula sa mga disipulo ang narinig niya ngunit pagtingin niya kay Aneth nakangiti ito sa kanya.

Saktong tumama ang kometa sa palasyo naisuot din ni Nella ang corona sa ulo niya, yumanig ang buong kaharian at nakita na nila ang malaking pagsabog. Kakaibang liwanag ang nagmula sa katawan ni Nella, nilabanan nito ang pagsabog na dala ng kometa.

Ang apoy na galing sa palasyo na kakalat na sana sa buong kaharian at nalabanan ng liwanag na dala ng reyna. Muling nabulag ang lahat sa malakas na liwanag na taglay ng reyna ng kaharian, muling nanumbalik ang sigla ng mga puno at halaman. Ang simoy ng hangin muling naging sariwa at araw biglang sumikat upang salabungin sila sa pagbabago.

Ilang minuto pa naibalik ng reyna ang Plurklandia sa dati nyang sigla, mga ibon nagliparan sa langit upang magbigay pugay sa kanya. Mga mamamayan nagsilabasan ng bahay nila at nagdiwang pagkat damang dama na nila ang pagkayurak ng kasamaan sa kanilang kaharian.

Lahat napalingon sa palasyo ngunit wala na ito doon. Kung dati nakatayo doon ang palasyo ng hari, ngayon ang tanging nakikita ay ang malaking kometa na sanay sisira sa buong kaharian.

Mabilis na nawala ang mga disipulo kaya napatingin si Nella kay Aneth, “Saan sila pupunta, nasan si Paulito?” tanong ni Nella. “Hayaan mo na sila muna mahal na reyna, wag kang mag aalala magtatayo tayo ng bagong palasyo mo. Ngunit kailangan mo na makaharap ng mga mamamayan ng kaharian at sigurado ko nasasabik na sila makilala ang nagligtas sa buong kaharian” sabi ni Aneth sabay ngiti.

“Ako? Wala ako ginawa” sabi ng dalaga. “Hindi totoo yan, nakita mo naman ang nangyari diba? Ikaw ang tunay na tagapagligtas Nella, ikaw ang mamumuno ng kaharian” sagot ng diwata. “Ha? E sinunod ko lang yung sinabi mo e. At di pa ako handa mamuno” sagot ni Nella. “Nandito naman ako Nella, pwede kita gabayan muna kung itoy iyong gusto” alok ng diwata at napangiti ang reyna. “Oo, sige tulungan mo ako Aneth” sabi ni Nella at napangisi nalang ang diwata.

Muling napalingon si Nella sa dating kinatayuan ng palasyo pero inakbayan siya ni Aneth at nagtungo sa mga mamamayan. Sa harapan ng malaking kometa naluhod si Anhica at nakayuko ang ulo at umiiyak. Mula sa butas lumabas ang onseng disipulo at may lungkot sa mukha nila.

“Eto lang nahanap namin sa baba” sabi ni Louis at inabot ang lasog na lasog na manika sa dalaga. “Nakakabilib nga at may natira pa nyan e” pahabol ng vampira ngunit inagaw ng dalaga ang manika at niyakap. Lumakas ang hagulgol ni Anhica at mga disipulo tumayo sa likuran niya.

Humawak si Bombayno sa balikat ni Anhica, “Halika na lumayo na tayo dito” bulong niya pero sinaway sya ng dalaga kaya napayuko nalang ng mga ulo ang mga disipulo at nagluksa kasama siya.

Isa isa nag alisan ang mga disipulo, walang nagsasalita at walang nagsama. Tanging naiwan sa harapan ng malaking kometa ay si Anhica, niyakap nya ng mahigpit ang natitirang manika niya sabay napatingin nalang sa langit.