sk6

Wednesday, June 3, 2009

Chapter 11: Pagtitipon

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 11: Pagtitipon


Sa isang kweba sa gilid ng mahiwagang gubat nagtipon ang mga punong nilalang. “Di na kaya ng mga spellcasters panatiliing nakatago ang mahiwagang gubat, mabuti kung may nandito yung ibang mga nilalang na taga mainland para tumulong pero natatakot sila” sabi ni Aneth. “Wakak wakak wokokak!” sabi ni Leonardo at binatukan siya ng punong diwata. “Tumahimik ka diyan! Saka lang kita ibabalik pag handa mo na sabihin” pagalit na sinabi ni Aneth.

“Para kayong bata! Handa na ang mga battle dwendes at spellcaster dwendes namin. Pinapunta ko na sila sa paligid ng gubat para kung sakaling di na maitago ang gubat handa tayo” sabi ni Dag-ol ang punong dwende. “Ayon sa mga guwardiyang espiritu madami nang naglilibot na kampon ng kadiliman pero di pa nila nakikita ang gubat. Pero di kami makalapit sa palasyo pagkat malakas ang mga guwardyang espiritu ni Monica” sabi naman ng punong mambabarang na si Amon.

Tumayo si Aneth at naglakad lakad, “Mapangib itong gagawin natin, kokonti lang tayo. Ayaw pa sumama ng mga ibang nilalang pagkat natatakot sila pero nagpadala sila ng mga mandirigma ngunit kung matalo tayo wala daw sila kinalaman dito” sabi ng diwata. “Aneth, tandaan mo nandyan ang mga disipulo, bakit wala ka na bang tiwala sa kanila?” tanong ni Amon.

“Meron pero pag wala si Paulito parang iba ang pakiramdam” sagot ni Aneth. “Tama ka, maski ako may kaba ako sa dibdib, kung dati makita mo lang ang punong disipulo ay makakapante ka na dahil sa taglay niyang aura” sagot ni Dag-ol. “Ganon din ang nararamdaman namin sa kaharian ng karagatan, alam namin na nung huling laban wala kami naitulong pero ngayon handa kami” sabi ng punong sirena na si Kiran.
Huminga ng malalim si Aneth at hinawakan ang palaka at bumalik ito sa dating anyo niya. “Eto lang masasabi ko, magtiwala kayo kay Nella. Oo alam ko kailangan natin siya protektahan. Madami ang kalaban at hinahanap siya, aminado tayo na kokonti tayo pero naniniwala ako na kaya natin ito. Magtiwala lang tayo sa Reyna at sa mga disipulo” sabi ni Leonardo.

“Sabihin mo na kasi!” sabi ni Aneth at tumawa yung kapre. “Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong bata. Leonardo sabihin mo na kung hindi gagawin din kitang dwendeng kapre!” banta ni Dag-ol. “Eto lang masasabi ko, hindi manganganib ang buhay ng Reyna, hayaan niyo siya sumama sa laban, magpapatibay sa kanya ito pag nakaupo na siya. Magtiwala kayo sa sinasabi ko” sagot ni Leonardo. “Amen!” sabi ng dwende at biglang lumiyab si ang kapre at naging maliit. “Hoy bakit mo ako ginawang sin liit ng dwende?” reklamo ni Leonardo. “Dami mo kasi arte may pa secret secret ka pa, ayan tado ka matuto ka gumalang!” sagot ni Bal-og at nagtawanan sila lahat.

Sa tabi ng lawa nakaupo si Wookie at nilabas ang multo mula sa manika niya. “Pangatlong araw na ngayon wala ka bang nararamdaman na kakaiba?” tanong ng mambabarang. Naglakad sa tubig ang multo at sumisid siya saglit sabay umahon din at hinarap si Wookie. “Wala e…honestly I feel stronger. May ginawa ka ba?” tanong ni Anhica at nagtaka si Wookie.

“Anong ibig mo sabihin? Tatlong araw na mula nung namatay si bossing dapat wala ka narin o nanghihina na e…hindi ba ganon ang mangyayari sa mga soul taker?” sabi ng mambabarang. “Oo pero excuse me, espesyal akong soul taker no, di ako yung galing sa impyermo, gawa ako ng sumpa at kusang loob ako nagpakaganito” sagot ni Anhica. “Pero kahit na, soul taker ka parin at tatlong araw na e…pero imposible naman na…” sabi ni Wookie at nagkatinginan sila.

“Ano?” tanong ng multo. “Ewan ko e, pero di kaya parte ng kaluluwa ng sugo sumanib sa iyo…pero hindi kasi dapat nahalata ko na agad yon” sabi ni Wookie. “Ah…hayaan mo na…siguro mawawala din ako mamaya...salamat sa lahat sige na kaya ko na mag isa mag antay…dito nalang ako sa tubig” sabi ng multo at tumayo na si Wookie at tumalikod. “May gusto lang ako itanong…nakapasok ka sa isipan niya, inutos niya ba sa iyo na pakawalan yung sugo?” tanong ng mambabarang. Tahimik lang si Anhica at niyuko ang ulo niya, “Wag mo pagbintangan sarili mo, sumusunod ka lang sa utos niya…sige paalam na” sabi ni Wookie at naglakad na paalis.

Sa isang bahagi ng gubat naka anyong tao si Bobbyno at tinuturuan niya si Nella pano makilaban gamit ang maliit na espada. “Mali! Mali yang porma mo, walang lugar dito ang pagiging babae! Kung lalaban ka dapat magpakalalake ka” sermon ni Bobby. “E ang bigat nitong espada e!” reklamo ni Nella. Biglang lumapit si Darwino na may dalang kabute, “Eto o kabit mo para kunwari lalake ka nyahahaha” sabi ng dwende pero agad siya sinipa palayo ni Paula na nakabantay sa reyna.

“Ikaw Paula may araw ka din sa akin! Ahahaha Nella sabi ko sa iyo tirador nalang gamitin mo, tuturuan kita pwamis nyahaha” landi ni Darwino. “Che! Manyakis na dwende! Bobbyno pwede ba stick muna gamitin ko? Ang bigat nito e” sabi ni Nella. “E magaan ang stick, pano na kung laban na, o magrereklamo ka pa ba? Yan na nga ang pinakamagaan na espada dito e. Kung stick oo matuturo ko ang mga teknik at style pero pano na sa totoong laban? Kung mabibigatan ka lang e di wala, sanayin mo na” sagot ng dwende.

Nagsimangot si Nella at winasiwas ang espada, may napansin si Bobbyno sa leeg ng dalaga. “Sige lang ituloy mo lang yan, Paula paki alalayan saglit at may gagawin lang ako” sabi ng dwende at sinenyasan niya si Darwino na sumunod sa kanya. Agad pinuntahan ng mga dwende ang mga vampira na nasa ilalim ng matangkad na puno. Dito sila nagpapahinga pagkat di nasisilayan ng araw ang lugar na yon.

“Sino sa inyo ang…Bombayno silent scream…wala dapat makarinig sa atin” utos ni Bobbyno at napansin ng mga vampira na seryoso ang dwende. “Para saan? Sino ang makakarinig sa atin?” tanong ni Vandolphous. “Tignan mo to” sabi ni Bobby at humarap siya sa direksyon ni Nella, “Mahal na reyna may butas sa suot mo sa may pwet” bigkas ng dwende at nagulat ang mga vampira nang kapain ni Nella ang pwet nya. Agad nag silent scream si Bombayno at galit na galit ang dwende.

“Sino sa inyo ang kumagat sa kanya?” tanong ni Bobbyno. “Pare wala ha, bakit namin siya kakagatin alam mo naman na bawal gumalaw ng tao” sagot ni Chado. “Oh come on, alam niyo naman na kakaibang lakas ang naidudulot ng dugo ng tao. Look hindi siya vampira pero ang mga senses niya lumakas, may kumagat talaga sa kanya pagkat nakita ko ang mga kagat sa leeg nya. Sino sa inyo ang nagpapalakas?” tanong ng dwende at tumayo ang mga vampira at nagkatitigan.

“Ahoy!! Anong kaguluhan itech?” sabi ni Wookie nang lumapit siya, agad niya napansin ang tensyon na namumuo sa mga vampira. “Isa sa kanila kinagat si Nella” sabi ni Darwino at nagalit ang mambabarang. “Sino?! Alam niyo naman na nabibiyayaan na tayo ng kapangyarihan tapos gusto niyo pa?” pagalit na sinabi ni Wookie. “There is only one way to find out, Wookie ikaw na bahala. Darwino at Bobbyno maghanda kayo ng kahoy at pag nahanap ni Wookie kung sino sa amin ang kumagat sa kanya saksakin niyo agad. Remember yun ang deal natin lahat” sabi ni Louis.

Naupo ang mga vampira at nilabas ni Wookie ang manika niya. Yumuko ang lahat ng vampira at nagtawag si Wookie ng mga espiritu ng kagubatan at sumanib ang bawat isa sa mga vampira. “Ngayon, hindi kayo pwede magsinungaling sa akin…aamin at aamin ang kumagat sa reyna. Sino sa inyo ang kumagat sa reyna itaas ang inyong kamay” sabi ni Wookie at pinagmasdan nila ang mga vampira.

Walang nagtaas ng kamay pero nagduda si Wookie kaya nagpatawag pa siya ng mga espiritu na lalong magpapahirap sa mga vampira. Halata sa mga mukha ng mga vampira na parang sasabog na ang ulo nila pero wala parin nagtataas ng kamay nila. Dumami pa ang mga espiritu at napahiga na sa lupa ang mga vampira at sumisigaw na ang lahat. Lumapit si Nella kaya napatigil si Wookie, pinaalis niya ang mga espiritu at nakahinga ng maluwag ang mga vampira.

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Nella. Nagkatinginan ang mga vampira sabay tinignan si Wookie. “I guess it was him bago siya lumaban sa vampire town…pero wala na din lang” bulong ni Wookie at nalungkot ang mga vampira. “Ano? Anong sinasabi niyo?” tanong ng dalawa pero biglang lumapit si Tuti at may nilabas mula sa isang itim na sako. “Mahal na reyna ito ang espada ni Paulito, sa iyo na ito” sabi ni Tuti at inabot ang epada kay Nella.

Kinuha ng dalaga ang espada at nagulat siya pagkat magaan ito, makintab ang espada at nang iwasiwas niya parang nagliliyab na pula ang espada. “Magaaan siya pero gawa yan sa pinakamatibay na bakal, ang mga diwata at dwende ang humulma niyan sa ilalim ng bulkan. Yan ang ginamit ni Paulito upang saksakin ang puso ng dragon nung huling laban namin” kwento ni Tuti at napangiti si Nella.

Napatingin ang mga vampira kay Bobbyno kaya mabilis tumayo ang dwende, “Mahal na reyna halika na turuan na kita siguro kaya mo na pag yan gamit mo” sabi ng dwende at bigla nalang tinoktok ni Nell ang dulo ng espada sa ulo ni Darwino. “Yan kasi kanina mo pa ako sinisilipan” sabi ng reyna at nagtawanan ang lahat paghat nagkabukol ang dwende. “Arawts youre so cruel naman” sabi ni Darwino.

Nilayo ng mga dwende si Nella at dumating narin ang ibang mga disipulo galing sa gubat. “Ano gagawin natin kay Nella? Obvious na kinagat siya ni Paulito pero di natin alam anong rason bakit niya ginawa yon” sabi ni Chado. “Well obvious na ayaw niya magpasenyorita at gusto niya lumaban, we all know hindi siya si Paulito pero sa tingin ko kaya natin tulad ng dati” sagot ni Mhigito.

“Oo kaya natin, lumalaban tayo habang prinoprotektahan si Paulito noon, pero naloko niya tayo ha” banat ni Virgous at tumawa sila lahat. “Mga pre I really think we don’t have to worry about Nella” sabi ni Wookie at lahat napatingin sa kanya. “Bakit mo naman nasabi yan?” tanong ni Virgous. “Alam ko iniisip mo pareng Wookie…it depends when he bit her tama ba?” sabi ni Vandolphous. “E ano ngayon? So what if he bit her, he is dead already” sumbat ni Bombayno.

Ngumiti si Wookie at huminga ng malalim, “If he bit her before he broke that chain then he is dead” sabi ng mambabarang. “Oh come on, how could he bite her after the chain was broken we were all there….ahhh” sabi ni Bashito at napangiti silang lahat. Tumayo ang mga disipulo at tinignan si Nella, nakita nila na todo bigay siya sa pag aaral ng basic sword fighting. Naalala nila tuloy si Paulito noong panahon na tinuturuan din ni Bobbyno, “Well parang buhay parin si bossing, kaya lang si Nella di siya tactician, pero sige susundan ko siya” sabi ni Louis.

“Sa tagal natin magkakasama alam narin natin ang takbo ng utak ni bossing so wala nang problema yon, yeah I do agree we follow her” sabi ni Virgous at lahat sila sumangayon. “So we follow the queen” sabi ni Wookie at bigla sila nagtawanan nang aksidenteng nalaslas ni Nella si Bobbyno sa braso. “Ahahaha, si Paulito yung left arm noon, ngayon right arm naman, pantay na” biro ni Sarryno at nagtawanan sila lahat.

Sa labas ng gubat nakatayo sa mataas na puno ang dalawang vampira, “Sigurado ba kayo dito? Wala naman ako nakikita” sabi ni Joule. “Oo pero di ko maintindihan bakit wala sila…ngayon lang pumalpak tracking skills ko” sagot ni Jepristo na lumulutang sa ere. “Ako din naamoy ko sila dito baka naman patibong lang nila para mawala tayo” sabi ni Jepong na tiniklop niya ang mga pakpak niya sabay tumungtong sa isang sanga.

“Ah sinasayang niyo oras natin, doon nalang tayo magtungo sa tuktok ng bundok para kunin ang labi ng punong disipulo” sumbat ni Eric. “Sige mabuti pa para matuwa naman si Monica, hoy bakla ikaw na maiwan dito” sabi ni Aldabhest. Bumaba sa lupa ang baklang tikbalang at tinignan ang mga kasama niya, “Hoy mga panget na walang silbi wag niyo maliitin ang federasyon kow…hala Gora!!” landi ni Sir Carlos at sinensyasan niya ang mga kpawa niyang tikbalang para maghanap sa gubat.

Lumipad ang dalawang vampire hunter buhat buhat nila ang dalawang vampira, mabilis na naglibot ang mga tikbalang pero wala talaga silang makita. Isang oras naghanap ang mga tikbalang at muli sila tinipon ni Sir Carlos, “nagsasayang lang tayich ng oras ditich. Mega chaka na tracker na mga yan, bweno, may I gora tayich vampire town, hala gora gora!” utos ng baklang tikbalang kaya agad nagtakbuhan ang mga tikbalang.

“Wawan! Wan! Come come to mamah!” sigaw ni Carlos at dalawang mga baklitang tiyanak ang lumabas mula sa lupa. Dalawang kambal na tiyanak ang tumayo sa harapan ng tikbalang at parehong naglagay ng bulaklak sa tenga nila at nagpacute. “Yes mamas an?” sabay binigkas ng mga malanding tiyanak. “So nakakacutey cute cute kayo hmmm…kayo magbantay dito ha, paparating na ang mga aswang at manananggal para magbantay, libutin niyo ulit ang lugar” utos ng tikbalang at bigla ito nag disappear.

Namulot ng mga bulaklak ang dalawang tiyanak at nagpalakad lakad sa may gubat. “Wawan, gusto kow makakita ng fewi sabay sabunutan sila ng buhowk” sabi ng isang tiyanak. “Kalvong fewi ew so yucky nyahahaha…the face the face so skewi nyahahha” sagot ng isa at nagkantahan sila habang naglilibot.

Trenta minutos ng paglilibot at napatigil ang mga tiyanak, naglabas sila ng salami at nagpakaganda nang biglang nagpalit ang anyo ng gubat. Nakatayo sa harapan nila ang mga spellcaster na diwata na pagod na pagod kaya nanlaki ang mga mata ng dalawang tiyanak at sabay napaatras.

“Aha! May I hidden churvah sila Wawan!” sabi ng tiyanak. “Ahahahy…icha fewi oh look sistah, fewi nyahahaha….i outs mo na ang paniki to call the others” landi ng isa at nilabas ng isa mula sa bag niya ang isang paniki na lumipad sa ere.

Pumurma ang dalawa at humarap sa mga diwata na takot na takot

“Kami ang kambal sa Chuma! Mga fewi maghanda kayooowww…nahanap namin sila!!!”


(PWEDE BA WAG NIYO IPOST ANG MGA KWENTO KO SA IBANG FORUM...PWEDE BA MAHILING YON? SALAMAT...PAG NAKITA KO O NALAMAN KO NAPOST ITO SA IBANG FORUM KAYO NALANG MAGTULOY NITONG KWENTO)