sk6

Tuesday, June 16, 2009

Chapter 21: Twinkle Twinkle (FINAL CHAPTER)

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 21: Twinkle Twinkle


Ang Nakaraan

Maliwanag ang buwan at tahimik ang kagubatan, lahat ng nilalang ay nasa kanya kanyang mga lungga. Isangg sigaw ang nanggising sa lahat kaya madami ang nagising at napasugod kung saan nanggagaling ang sigaw.

Kay daming nilalang ang nakatayo sa gitna ng gubat lahat nakatingin sa isang lalakeng sanggol na nakahiga sa lupa. Isang diwata ang lumapit at binuhat ang sanggol kaya lahat napatingin sa kanya.

“Eto na ata ang sinasabi ng namatay na tagapamahala na nilalang na galing sa mga tala” anya at lahat ay nagulat. “Sigurado ka ba Anathea? Baka normal na tao lang yang sanggol” sabi ng isang kapre. “Imposible na makakapasok ang tao dito sa gubat, ni hindi nga nila nakikita ito” sumbat ng isang dwende.

Lumapit tuloy ang lahat ng nilalang sa diwata at pinagmasdan ang sanggol. “Sabi ng yumaong tagapamahala ay ang nilalang na galing sa mga tala ay may taglay na kakaibang kapangyarihan, kailangan natin alagaan ito. Kami na ang bahala sa kanya” sabi ni Anathea. “Hindi kami papayag sa gusto mo, sa tingin mo maangkin niyong mga diwata ang kapangyarihan niya. Gusto din namin siya alagaan” sabi ng isang vampira. “Kami din, at walang pwede mag angkin dyan pagkat atin naman lahat ang gubat na ito at wala naman nasabi ang yumaong tagapamahala kung kanino mapuputa ang batang yan” sabi ng matandang dwende.

Nagkagirian ang mga nilalang at pinag awayan kung kanino mapupunta ang mga bata, isang tikbalang ang lumapit at lahat biglang napatigil. “Nakakahiya kayong mga matatanda, tignan niyo nga pinagmamasdan kayo ng mga bata. Kung yang nilalang na yan galing sa mga tala lahat tayo makikinabang. Tayo lahat mag aalaga dyan para walang away. Sanggol pa yan kaya mag tipon tayo ng mga babae ng bawat angkan, gagawa tayo ng lungga para sa batang yan. Yung mga babae ang mag aalaga dyan hanggang sa marunong na yan mamuhay na mag isa” sabi ng tikbalang at lahat nanahimik.

Mabilis na nakapagpatayo ng tirahan na maliit ang mga nilalang para sa bata, may apat na babaeng nilalang na nag ayos sa titirhan nya. Kinuha nila ang bata at lahat ng mga punong nilalang kusa nila binigay ang bata ngunit napatigil si Anathea. “Kailangan natin bigyan ng pangalan itong sanggol” sabi nya at lahat biglang napaisip. “Paulito” sabi ng isang vampira at nagustuhan ito ng lahat. “Paulito, mula ngayon yan ang itatawag natin sa kanya” sabi ng diwata.

Pagkatapos nila mapatulog ang bata bumalik na ang mga diwata sa kweba nila. Nagmadali na inutos ni Anathea na magbantay ang mga spellcaster sa labas ng kweba at siguraduhin na walang ibang nilalang na makakalapit.

Sa loob ng kweba binabantayan ng dalawang batang diwata ang isang babaeng sanggol at pinapatulog nila ito. “Aneth, Monica, kumusta ang baby?” tanong ng diwata. “Mommy napatulog na namin sya, ano ba ito mommy tao ba ito?” tanong ni Aneth at lumuhod ang punong diwata at pinagmasdan ang sanggol. “Mga anak wag na wag niyo sasabihin kahit kanino na may nahanap tayong sanggol na babae” sabi ni Anathea at tatlong matatandang diwata pa ang lumapit.

“Alam mo naman na pag nalaman ng ibang nilalang yan e magkakagera dito sa gubat Anathea” sabi ng isang matanda. “Alam ko po yon pero ito ang alas natin, lagi nalang tayo inaapi ng ibang nilalang. Pero itong batang ito ang makakapagbago ng lahat. Oo meron pa yung isa ngunit para sa lahat yon” paliwanag ni Anathea.

“Kaduda duda naman ata kung magkakaroon bigla ng diwata na di natin kahawig o may kaparehong abilidad” sabi ng isang matanda. “Alam ko yon kaya gagawin natin lahat para pagmukhain siyang isa sa atin. Ang problema nga lang ang kapangyarihan niya…yun lang ang di natin maibibigay sa kanya” sabi in Anathea. “Pwede naman sabihin na yan ay diwatang minalas, di nagmanifest ang kapangyarihan. Wala naman na siguro magtataka dyan basta di sya lagi nakikita ng ibang nilalang” payo ng isa pang matanda at napatayo si Anathea at napangiti. “Tama kayo…ang itatawag natin sa kanya ay Anhica”

Pagkalipas ng Apat na taon

Nagising si Anhica at lumabas siya ng kweba, nakarinig sya ng umiiyak sa gubat kaya naglakad ang bata at hinanap kung saan nanggagaling ang iyak. Napadpad sya sa tapat ng maliit na lungga, papasok na sana sya pero mula sa puno may sumitsit sa kanya. Pagtingala ni Anhica mga pulang mata ang nakita nya, isang vampirang nagbabantay at pinagbabantaan syang wag papasok. “Iha, lumayo ka na wag mo na ituloy ang binabalak mo” sabi ng vampira. “E umiiyak sya e baka may sakit sya” sagot ng batang diwata. “Sinabi nang uwi ka na e!!!” sigaw ng vampira at sa takot tumakbong pauwi si Anhica.

Kinabukasan ay pinayagan maglaro si Anhica sa gubat, napadpad sya sa may lawa at doon nakita nya ang isang batang lalake na nakahiga sa damuhan. “Ano ginagawa mo?” tanong ng batang diwata at hingal na hingal ang batang lalake. “Pagod ako di ko nahabol yung piggy damo” sagot ng lalake at naupo si Anhica sa tabi nya.

“E bakit mo ba kasi hinahabol yung piggy?” tanong ng batang diwata at naupo narin ang lalake. “E kasi kailangan ko na matuto maghanap ng pagkain ko daw. Kagabi di na nila ako bingyan ng pagkain…gutom na gutom ako kagabi. Pero kanina umaga binigyan ako ng mga sirena ng isda sa almusal sa gutom ko kinain ko agad ang sama ng lasa” sagot ng lalake at tumawa si Anhica. “Di mo ba nacook?” tanong ng diwata. “Nacook?” sumbat ng lalake.

“Oo yung ilalagay mo sa apoy para macook sya, para sasarap sya” sabi ni Anhica at napakamot ang lalake. “Kaya pala di masarap akala ko nilalason ako ng mga sirena kaya kanina pinagbabato ko sila” sabi ng lalake at nagtawanan yung dalawa.

“Ako si Anhica, isa akong diwata” pakilala ng batang diwata. “Ako si Paulito, di ko alam ano ako” sagot ng lalake at nagulat si Anhica. “Di mo alam ano ka?” tanong nya. “Oo e, pag tinatanong ko sa matandang kabayo wala sya sinasabi. Wala nag uusap sa akin masyado, lahat nilalayuan ako. Ikaw palang nag usap sa akin e” sabi ni Paulito.

“Magkaibigan na tayo. Halika tulungan kita habol piggy pero yung maliit lang ha” sabi in Anhica. “O sige kasi fewi ka makakalipad ka diba?” sagot ni Paulito at napasimangot ang diwata. “Useless ako na diwata, di ako makalipad kahit may pagkpak ako, wala din ako powers” sabi ni Anhica at ngumiti si Paulito. “Ayos lang yon, ako din naman wala e. Halika na” sabi ni Paulito at natuwa ang diwata kaya naghanap sila ng baboy sa gubat.

Dalawang oras lumipas at biglang sumigaw si Paulito pagkat may nahuli sya, tumakbo sya papunta kay Anhica at pinakita ang dala nya. “Eto maliit ito pwede na to. Di naman ako matakaw e” sabi ng lalake at ngumiti pa ito ngunit napasimangot si Anhica. “E wabbit yan e, tignan mo ang cute niya o” sabi ng diwata at kinuha nya ang kuneho at niyakap. Napakamot nalang si Paulito at hinimas ang ulo ng kuneho sabay ngumiti. “Okay lang nabusog naman ako kanina sa isda kahit di nacook, bukas nalang ulit sumubok” sabi nya.

May sumulpot biglang isang vampira at inabot ang biik sa dalawang bata, “O eto nakakaawa naman kayo kanina ko pa kayo pinapanood. Patay na yan iluto niyo nalang” sabi ng vampira at iniwan ang biik sabay mabilis na nawala. Nagsaya ang dalawang bata ngunit biglang napatigil si Anhica, tumingin sya sa taas ng puno at nakita doon ang vampira. “Oy, di kami marunong magsindi ng apoy pwede ikaw nalang please” makaawa nya sabay ngiti at nagsimangot ang vampira at sumenyas ito at may lumabas na taong santelmo sa lupa na ikinagulat ng dalawang bata.

“Sinabi bantayan at hindi maging alalay!” sigaw ng santelmo sa vampira. “May anak ka din diba?” sagot ng vampira at nabwisit ang taong apoy. “Dino! Tama na ang pamboboso sa mga sirena at magsibak kayo ng kahoy ni Bobono” utos ng vampira at dalawang dwende ang lumabas mula sa damuhan at nagtatawanan. “Imbes na alagaan natin mga anak natin siya ang binabantayan natin” reklamo ni Bobono pero bungisngis parin siya. “Nagbabantay ba kayo e kanina pa kayo namboboso” sabi ni Virgilio ang taong apoy. “Oo na oo na sige na init ng ulo mo, ay oo apoy ka pala” biro ni Dino at nagtawanan ang dalawang matandang dwende.

Matapos makagawa ng bonfire ang mga dwende umalis na ang mga bantay ni Paulito. “O bantayan mo si piggy maluto ha, may kukuhanin lang ako sa bahay” sabi ni Anhica at iniwan niya ang kuneho kay Paulito. Ilang minuto nakabalik ang batang diwata at napasigaw pagkat sunog na sunog na ang nilulutong biik. “Sabi ko bantayan mo e!” sigaw nya. “Binantayan ko naman, di sya gumalaw” sagot ni Paulito at natawa nalang ang diwata.

Inalis nila ang biik sa apoy at pinagmasdan ito ni Paulito. Pumitas ang batang lalake at sinubo nya sa bibig nya at agad dinura ito. Tawa ng tawa si Anhica at dura ng dura si Paulito. “Ang pait” sabi niya at halos mamatay na sa tawa ang diwata. “Yan ang lasa ng uling” hirit ni Anhica at napasimangot si Paulito. Napatingin ang lalake sa kuneho at ngumisi ito pero niyakap ni Anhica ang hayop.

“Oy wag! Pet nalang natin ito, alagaan natin siya” sabi ni Anhica at napasimangot si Paulito. “Gutom na ako e” sabi ni Paulito at pumitas si Anhica sa nasunog na biik at inabot kay Paulito. “Pait yan e” sabi ng batang lalake at tawa ng tawa ang diwata. “Joke lang, uwi ka na tapos dalhan kita pagkain don. Di naman magagalit si tita e” sabi ng diwata. “Tita? Bakit wala kang mommy at daddy din?” tanong ni Paulito at ngumiti ang diwata. “Meron pero di ko pa nakikita, sabi ni Tita nasa misyon sila e. Halika na, o ikaw muna hawak sa bunny natin. Mauna ka na sa house mo tapos dalahan kita food don” sabi ni Anhica. “Bakit alam mo ba san house ko?” tanong ni Paulito at ngumiti ang diwata.

Nang gabing yon maingat si Anhica nagdadala ng pagkain at kumot papunta sa tirahan ni Paulito, nakatingin siya sa puno ngunit iba na ang nagbabantay doon. Dalawang kapre na nag iinuman at kumaway sa kanya kaya napatigil ang batang diwata ang nagpasimple. “Ah ano kasi…gusto ko lang dalhan ng pagkain si Paulito kawawa naman kasi siya” sabi ni Anhica at nagkatinginan ang dalawang kapre.

Sumenyas ang kapre at hinayaan si Anhica na kinagulat ng isa pang kapre. Agad pumasok ang batang diwata sa lungga at medyo nagalit yung isang kapre. “Pare bakit mo hinayaan yon?” tanong ng isa. “Pare may anak din ako, ayaw ko matulad ang anak ko dyan kay Paulito na walang kaibigan. Kawawa naman siya hayaan mo na bata pa sila” sagot ng isang kapre sabay tumungga ng alak. “Oo nga pare e, hayaan mo na kung mapagalitan tayo bukas. Sabihin nalang natin lasing tayo, at kasalanan mo kasi ang galing mo gumawa ng alak” biro ng isang kapre at nagtawanan sila. “Oo mamanahin ng anak ko ito, tinuturuan ko na nga uminom e” banat ng kapre at lalo natawa yung isa. “Kaya siguro nangongo anak mo pre e dahil sa sobrang alak sa katawan mo” biro ulit ng isa at lalo pa sila nagkatawanan.

Mula noong gabing yon dinadalhan na ng pagkain ni Anhica si Paulito, lagi na sila magkasama at ang mga bantay ng batang lalake tila nanlambot ang puso nila at naging kaibigan nila ang babaeng diwata.

Isang gabi pagkatapos kumain tumayo si Paulito at pinakita kay Anhica ang kanyang ginawa sa kisame ng kanyang lungga. “Higa ka dyan, tignan mo to ang ganda” sabi ng batang lalake at binuksan nya ang kisame at namangha si Anhica pagkat kitang kita niya ang mga bituin sa langit. “Wow, ang daming tala o” sabi ng batang diwata at nahiga sa tabi nya si Paulito.

“Kasi minsan pag di ako makatulog lumalabas ako tapos pinagmamasdan ko mga stars. E minsan di mabait yung bantay kaya di ko nakikita mga tala. Kagabi nagpatulong ako kay Rodolfo para ayusin tong kisame ko para di ko na kailangan lumabas. Bubuksan ko nalang tapos makikita ko na sila” paliwanag ni Paulito.

“E bakit mo ba gustong gusto ang mga tala?” tanong ni Anhica. “Kasi wala ako masyado kaibigan kaya iniimagine ko lahat yan kaibigan ko at nginingitian nila ako” sagot ni Paulito at napangiti ang babaeng diwata. “E magkaibigan naman tayo diba, e pano ako?” tanong ni Anhica at biglang tinuro ng batang lalake ang dalawang magkatabing tala na parehong napakaningning. “Yan tayo o, kaya pag gabi at nalulungkot ako tinitignan ko yang dalawa, naiisip kita” sabi ni Paulito.

“Twinkle twinkle” sabi bigla ni Anhica at napatingin sa kanya si Paulito. “Ano yon?” tanong ng batang lalake. “Yun daw ang tawag sa pagkislap ng mga tala sabi ni tita” paliwanag ni Anhica at muling napatingin si Paulito sa dalawang tala. “Twinkle twinkle…” ulit nya.

Sampung taon lumipas

Isang gabi namamasyal sina Paulito at Anhica sa gubat, katatapos lang na umulan at madilim ang kaulapan. “Twinkle twinkle” sabi bigla ni Paulito at napatingin agad si Anhica sa langit. “Wala namang talaga e” sabi ng dalawa. “Meron, eto o” sagot ng binata at pagtingin ni Anhica may inabot na bulaklak si Paulito sa kanya kaya napangiti ang dalawa.

“O yan o, ngiti mo…twinkle twinkle…parang kislap ng mga tala” sabi ni Paulito at lalong napangiti si Anhica at kinuha ang bulaklak at tinapik nya ang braso ng binata. Di namalayan ng dalawa na napadpad sila sa lugar na pinag gaganapan ng pulong ng mga punong nilalang ng gubat. May isang vampira sumulpot bigla sa harapan ng dalawa at sumigaw ito.

“Punong vampira!!! Magmadali kayo dito!” sigaw ng vampira at ilang saglit pa nagsidatingan ang mga punong nilalang ng gubat. “Nahuli ko itong diwata na nilalandi itong nilalang na galing sa tala” sabi ng vampira at nagulat si Anhica. “Tita hindi totoo yon!” paliwanag ni Anhica nang tignan niya si Anathea.

“Anathea! Ano ito? Inaahas mo ba kami para mapasainyo si Paulito?” tanong ng punong vampira at tinaboy niya ang gwardyang vampira at hinawakan sa leeg si Anhica. Hinawakan ni Paulito ang kamay ng dalagang diwata at sabay pa sila napahawak sa dibdib ng punong vampira. “Bitawan mo siya!!!” sigaw ni Paulito at nagulat ang lahat ng mabutas ang mga itim na ulap at may malakas na sinag ng ilaw ang tumama sa kanilang tatlo.

“Wag mong sasaktan si Anhica!!!” sigaw ni Paulito at lalong nagliwanag sa paligid, pansamantalang nabulag ang mga nilalang at unti unting nalusaw ang punong vampira. Paghupa ng liwanag tanging nakita ng lahat na magkayakap si Paulito at Anhica at ang punong vampira ay naabo na.

Lahat namangha sa kapangyarihan ng binata at sila ay napaatras. Sa isang iglap may sumulpot na gwardyang vampira at inagaw si Paulito, agad ito kinagad sa leeg. Nagsulputan pa ang ibang vampira at pinaligiran ang vampira at binata at sigaw ng sigaw si Anhica. Walang makalapit at ilang sandali pa nawalan ng buhay ang binata at bumagsak sa damuhan.

“Paulito!!!” sigaw ni Anhica at agad niya nilapitan ang patay na binata. “Kinuha niya ang buhay ng punong vampira, kaya kinakailangan din niyang mamatay. Alam niyo naman ang batas natin, buhay sa buhay” sabi ng vampirang pumatay sa binata at nagalit ang mga punog nilalang.

Agad nagsiklab ang laban, naging madugo ito at kakaiba talaga ang bangis ng mga vampira. “Itigil niyo ito!!!” sigaw ng isang tikbalang kaya lahat napatigil. “Pinatay ng mga vampira si Paulito!” sigaw ni Anathea at dinig na dinig pa ang malakas na sigaw ni Anhica. Nilapitan ng tikbalang ang dalaga at hinawakan ito sa balikat.

“May pag asa pa syang mabuhay, wag ka nang umiyak” sabi ng tikbalang at napatingala si Anhica sa tikbalang. “Maari pa syang mabuhay ngunit…vampira na sya…at mabubura ang mga alaala nya” sabi ng tikbalang at niyakap ni Anhica si Paulito at muling umiyak. “Sige na basta buhay siya!” sigaw nya kaya napatingin ang tikbalang sa mga vampira at mabilis na sinakal ang pumaslang sa binata.

“Bubuhayin mo ang binata…ngunit kayong mga vampira di na kayo pwede manirahan dito sa gubat na ito. Para walang gera kinakailangan niyong lumayo!!!” sabi ng tikbalang at takot na takot ang mga vampira sa kanya. Lumapit ang dalawang vampirang kawal sa katawan ng binata ngunit ayaw ito pakawalan ni Anhica. “Iha sige na…if you want to see him alive again let go of him” sabi ni Anetha at bumitaw na si Anhica at napayakap sa diwata.

Apat na taong lumipas

Naglalakbay isang gabi ang mga diwata, may mensahe silang idadala sa vampire town. Sumama sa kanila si Anhica ngunit nalihis ang landas niya at nagtungo sya sa kagubatan katabi ng vampire town.

Sa gubat may nakita siyang mga binatang vampira na nagkakatuwaan, isang vampira na duling ang nagpapatawa at biglang natawa din si Anhica at narinig ito ng mga vampira. Ilang saglit lang napalibutan ang dalagang diwata ng mga vampira, hinawakan sya at pinatayo ngunit may isang vampira na may mahabang buhok ang lumapit. “Bitawan niyo sya, sigurado naman naligaw lang sya siguro” sabi ng vampira at nagulat si Anhica pagkat si Paulito ang nagsalita.

Napayakap agad ang dalaga kay Paulito at nagulat ang ibang vampira. “Uy pare ha, di mo sinasabi may kinakatagpo ka palang diwata” sabi ng isang vampira at gulat na gulat din si Paulito at tinaas nya ang mga kamay nya. “Ah miss, pwede ka na bumitaw kasi di ka naman nila sasaktan e” sabi ng binatang vampira ngunit ayaw bumitaw ni Anhica.

“Naks, kunwari pa o, sige na iiwan na namin kayo dito. Ikaw pare ha masekreto ka talaga ha” tukso ng duling na vampira at napakamot nalang si Paulito. Agad umalis ang ibang vampira at naiwan nalang sa gubat sina Paulito at Anhica. “Ah wala na sila, wag ka na matakot” sabi ng binatang vampira at bumitaw si Annika at nakita ni Paulito na lumuluha ito.

“O bakit ka umiiyak? Tinakot ka ba nila? Sorry ha. Ano kasi ginagawa mo dito sa gubat na ito?” sabi ni Paulito at napasimangot si Anhica pagkat di na sya namumukhaan ng binata. “Naligaw lang ako, papunta kami sa vampire town para ibigay ang isang mensahe tungkol sa mga mandirigmang lalaban kay Fredatoria” sagot ni Anhica at biglang nalungkot si Paulito at napaupo sa damuhan.

“Kami yon, kami ang ipapadala upang magpanggap na kakampi ni Fredatoria” sabi in Paulito at nagulat si Anhica. Agad sya naupo sa tabi ng vampira at napatingin dito. “Ha? Bakit ikaw pa?” tanong ng dalaga at napangiti nalang ang vampira. “Ewan ko bakit ako napili, pero okay lang sigurado ko naman matatalo namin siya. Alam mo ba ako nakaisip ng strategy, kaya siguro ako napili kasi ako nakaisip” sabi ng vampira at biglang napasimangot si Anhica.

“Twinkle twinkle” sabi bigla ni Paulito, “Hindi ako ngumingiti” sumbat ni Anhica pero nang tignan niya ang vampira, nakatingin ito sa langit at tinuturo ang dalawang malaking tala. Napatingin din si Anhica sa mga tala at napangiti sya, “O ayan nakangiti ka na, ganda ng mga tala ano?” sabi ni Paulito at napatingin sa kanya ang dalaga.

“Alam mo pag tinitignan ko ang mga tala ay iniisip ko mga kaibigan ko silang nakangiti sa akin” sabi ni Anhica at nagulat si Paulito, “hahaha ako din, ganon din ang nasa isip ko lagi. Tapos binibigyan ko sila ng pangalan, ako yun o yung isa sa pinakamakislap, tapos yung isa na katabi nya tinatawag kong Anhica yon” sabi ng vampira at lalong napangiti ang dalaga.

“Anhica? Bakit naman yon ang pinangalan mo don?” tanong ni Anhica at napahiga si Paulito at tinuro ang dalawang bitwin. “Ewan ko nga din e, basta nalang sumulpot sa isipan ko yung pangalan na yon” sabi ni Paulito at nakapagpalabas ng napakatamis na ngiti ang dalaga. “Twinkle twinkle” sabi ni Paulito at muli napatingala ang dalaga, “Hindi, yang ngiti mo…parang kislap ng tala” sabi ni Paulito at bigla silang nagtawanan.

“Anhica!!! Nandito ka lang pala, halika na babalik na tayo” sabi bigla ng isang diwata at nagulat si Paulito at napatitig sa dalaga. “Anhica pangalan mo?” tanong nya at ngumiti ang dalaga sa kanya. “Mag ingat ka Paulito ha” sabi ni Anhica at lalong nagulat si Paulito at napatayo. “Kilala mo ako?” tanong ng binata at sumunod na sa mga ibang diwata si Anhica.

“Anhica! Wag kang mag alala, pag natalo namin si Fredatoria dadalawin kita!” sabi ni Paulito at napalingon sa kanya ang dalaga at tinuro ang mga tala. “Twinkle twinkle” at nagngitian silang dalawa.

Limang taon nakalipas

Nagpupumilit pumasok sa kweba si Anhica pero pinipigilan sya ng mga spellcaster. “Sige na gusto ko lang makita ano ginagawa nila kay Paulito” sabi ng dalaga. “Hindi nga pwede e, at pwede ba Anhica itigil mo na alam mo naman na may nobya na tao yan e” sabi ng spellcaster at napasimangot si Anhica. “Alam ko! Pero gusto ko lang siya makita!” sumbat ni Anhica at nagdabog syang naglakad palayo.

Limang oras nakalipas nakaalis na si Paulito at di siya nakita ni Anhica kaya masama ang loob nya. Naglakad lakad sya sa gubat pero agad sya nagtago pagkat nakita niyang nagpupulong ang mga punong nilalang ng gubat.

“Sinubukan na natin lahat, di natin maalis ang sugo sa katawan niya. Di ko din alam kung hanggang kailan niya mapipigilan nag paglabas nito” sabi ng punong diwata. “Nakiusap naman sya na pupuksain niya muna ang mga kampon ng kadiliman bago nya isusuko ang sarili nya” sagot ng matandang dwende. “Oo pero pano kung nakawala ang sugo e di doble ang problema natin” sumbat ng punong kapre.

“Kung ganon kailangan natin gumawa ng sumpa, kung makalabas ang sugo, agad susunduin ang kaluluwa nya para agad mapigilan ito” sabi ng punong mambabarang. “Oo nga, pero kailangan natin ng isang magsasakripisyo, di tayo pwede mamili, kailangan kusang loob ng nilalang na ito ibibigay ang buhay at kaluluwa nya” sabi ng diwata.

Agad lumapit si Anhica at nagulat ang mga punong nilalang. “Narinig ko ang lahat…ako nalang…ako nalang magsasakripisyo” sabi ni Anhica at natulala ang lahat. “Iha wag na” sabi ni Anathea. “Ako! Gusto ko ako! Nawala na sya sa akin minsan at kung mawawala ulit sya gusto ko magkasama kami. Kaya ako na!” pilit ni Anhica at di makapagsalita ang punong diwata.

“Alam namin ang pagkatao nya Anathea, akala mo ba di namin mapapansin. At ang kapangyarihan nila kailangan magkasama sila. Mas maganda narin ito para sa lahat” sabi ng punong dwende at hiyang hiya ang diwata. “Iha sigurado ka ba?” tanong ni Anathea at nakita ng lahat ang determinasyon sa mukha ng dalaga.

Kinabukasan natapos na ang ritwal, namatay na si Anhica at nakalabas na ang kaluluwa nya sa katawan nya. “Iha, sigurado ka dito mo gusto manatili sa batis na ito habang inaantay ang pagbalik nya?” tanong ni Anathea.

“Opo, dito ko sya aantayin…dito kung saan maliwanag ang kalangitan…dito kami muling magsasama ni Paulito. Sige na iwanan niyo na po ako dito. Hindi naman po ako nag iisa e” sabi ng kaluluwa at napatingin ito sa kalangitan.

“Basta nakikita ko ang mga tala…lagi kaming magkasama…twinkle twinkle”


-WAKAS-

Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking likhang kwento. Sana ay nasiyahan kayo sa pagbasa. Maraming salamat ulit.

Paulito