TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 16: Mga Elemento
Dahan dahan itinayo ni Wookie si Nella at biglang tumawa yung dalaga ng malakas pero boses lalake. Napaatras palayo sina Eric, Joule at Jepristo at pinanood nila magpalit ng anyo ang dalaga. Pati ang dwendeng si Yui nagliwanag at nagpalit ng anyo kasama na si Paula at Chiara.
Ang inaakala nilang si Nella ay si Louis pala, si Bobbyno naman ang Yui, si Bombayno ang Paula at si Chado ang nagpanggap na Chiara. Nagamit ni Louis ang kapangyarihan niya ng maayos kaya tawa siya ng tawa, mga spellcaster na nagtago ng anyo ng iba nakapagpahinga narin.
Hinawakan ni Louis ang mga sugat nya pero ngumiti lang siya, “Wala dito yung dalaga!!!” sigaw ni Aldhabest at tumawa ang mga disipulo. “Ngyangyangyangya!” tawa ni Ngyobert at sinuntok nya agad ang tikbalang sa baba kaya nahilo ito. Di nagsayang ng oras ang mga disipulo at inatake narin nila ang natirang hunter at dalawang vampirang kalaban.
Samantala sa karagatan sakay ng isang bangka sina Nella, Chiara, Paula, Tuti at Darwino at sa tubig may kasama silang mga battle siyokoy at sirena. Sa ere lumilipad sina Aneth at ibang ibang mga diwata at ibang pinunong nilalang.
“Ayan na ang papasok sa mahiwagang gubat ng Mainland” sabi ni Aneth kaya naghanda ang mga battle siyokoy. May lumitaw na malaking water dragon mula tubig at napasigaw si Nella, tumayo si Tuti pero mabilis na humarap si Aneth sa dragon.
“Hindi kami napunta dito upang lumaban o sumalakay…ako si Aneth nais kong kausapin ang namamahala sa gubat na ito!” sigaw ng diwata pero nagalit ang dragon at nagwala ito. “Kahit anong gawin niyan wag kayong lalaban” utos ni Aneth kaya napakapit ang mga laman ng bangka pagkat nagulo ng todo ang tubig.
Nakita ng lahat ang kadena sa paa ng dragon kaya dumistansya lang sila sa di kaya nito abutin. Lumakas ang mga alon kaya kumapit ang mga siyokoy sa bangka para di ito tumaob. “Tiis lang tayo at mapapansin din ng mga nilalang ng gubat na nandito tayo” sabi ni Dag-ol. “E kung yan lang ang bantay ng gubat madami naman patayin yan e, baka kalaban na ang nasa loob ng gubat” sabi ni Nella.
“Hindi ganon kadali patayin yang dragon na yan, tatlo dati yan at nagawa ng kalaban patayin ang dalawa pero madami sa pwersa nila ang nasakripisyo. At kahit mapatayo mo pa yan di basta basta makakapasok sa gubat hanggang di ka niyaya ng mga nilalang sa loob. Ganyan kahigpit ang seguridad nila dito” paliwanag ni Aneth.
Ilang minuto pa biglang kumalma ang dragon at lumubog ito sa tubig, lumiwanag ang isang bahagi ng gubat at may diwatang lumabas. Agad lumapit si Aneth at nagharap ang dalawang diwata. “Ako si Aneth” sabi ng diwata. “Oo kilala kita…yan ba yung reyna?” tanong ng isang nilalang sabay tingin kay Nella. “Oo siya nga si Nella, ang tunay na tagapagmana” sagot ni Aneth. “Matagal na namin kayo inaantay, di namin inasahan na darating ang araw na ito…magtuloy kayo pero magmadali” sabi ng diwata kaya sumenyas na si Aneth at lahat pumasok na sa mahiwagang gubat.
Sa bukanan ng Mainland nagtuloy ang bakbakan nakailag si Bashito sa suntok ni Aldhabest pero nang gaganti ito bigla nalang ito naantok at nahiga sa lupa. Nagulat ang tikbalang at napatingin kay Bashito pero mula sa likod dalawang kamay kinabog ni Ngyobert ang ulo ng tikbalang. Bagsak si Aldhabest sa tabi ni Bashito pero bigla nalang siya umangat sa ere at nakita ang maliit na dwende pa ang bumuhat sa kanya. Tinapon ni Bobbyno ang tikbalang sa direksyon ni Virgous na agad nagpalabas ng apoy. Nasunog ang buong katawan ni Aldabest pero nanggigil pa si Ngyobert at pinagmamaso ang katawan nito.
Si Bombayo humarap sa ibang tikbalang at sumigaw ito ng malakas at nanigas ang mga kalaban. “Thanks pare, ako naman” sabi ni Mhigito at armado gamit ang dalawang espada mabilis siya gumalaw at pinagtataga ang mga nanigas na tikbalang.
Halos ubos na ang mga kalaban at nanginginig na sa takot sina Eric, Joule, at Jepristo. Napalibutan sila ng iba pang disipulo at nagsimula sila magmakaawa. Bago pa makagalaw ang mga disipulo biglang lumiwanag ng sobra ang buong paligid at lahat ng mandirigma at nilalang pansamantalang nabulag at nagtakip ng mata.
“Brauio! Wag mo kami idamay wala din kami makita!” sigaw ni Joule pero may mga tinig na biglang nagtawanan. “Di namin kayo kaano ano mga kutong lupa! Sa bawat gera may tinatawag na casualties of war ahahaha…sabihin nalang namin kay Monica na…OOPS sorry” sagot ni Brauio at muling nagtawanan ang apat na elemento.
Sa sobrang liwanag masakit masyado ito sa mata, lahat napaluhod sa lupa ang kinapa ang daanan nila. “Boymbano!!!” sigaw ni Chado pero naunahan na siya ng kasama niya, sumigaw ng napakalakas si Bombayno at narinig nila napasigaw ang mga elemento. Akala ng lahat naka isa na sila ngunit biglang lumakas ang hangin, nakakasugat ang pagdampi nito sa balat. Ang mga mandirigma naman ang mga nagsigawan at nawalan ng bisa ang kapangyarihan ni Bombayno.
Wala magawa ang lahat kundi mahiga sa lupa dahil sa kakaibang hangin, lahat nagtakip ng mukha at tiniis nalang ang ibang sugat na dala ng hangin. “Mhigito wala ka bang magawa?” tanong ni Wookie. “Wala pare, wala ako makita masyadong maliwanag” sagot ng vampira. “Teka may idea ako” sabi ng mambabarang at bigla sya nagtawag ng mga espiritu at inutusan hanapin ang mga elemento.
Nagpagulong gulong ang mga disipulo hanggang sa magtabi tabi sila, nakabalik ang mga espiritu at nagbulong sila sa mambabarang. “Mga pre alam ko nasan sila, Bombayno, diretso lang tingin, doon mo itutok boses mo. Mhigito dalhin mo si Chado, lahat tayo maghanda at dapat mabilis tayo gumalaw para di sila makabanat” sabi ni Wookie.
“Balooooottttt!!!” sigaw ni Bombayno gamit ang buong lakas nya, nilabanan niya ang lakat ng hangin, tumayo na siya at kahit na nasusugatan na siya lalo pa niya binuhos ang lakas niya. Humina ang hangin at pati ang liwanag bahagya humina, nakatayo ang mga disipulo at mabilis sumugod si Mhigito at Chado.
Nalapitan agad nina Mhigito ang mga elemento at mabilis nilang inatake mga ito. Sa close combat wala pala kaya ang mga elemento kaya mabilis silang pinagbubugbog ni Mhigito. Nayakap ni si Chado kay Bruio at nabulungan niya ito. Bagsak sa lupa ang elemnto at nagulat yung tatlo. “Brauio!!!” sigaw ni Lucio at sag alit nagpaapoy sya at napatakbo sina Mhigito at Chado.
Sumugod ang mga disipulo ngunit nagwala narin si Ereneo at Windro. Mas malakas na hangin at mas nakakasugat ang naramdaman ng mga disipulo ngunit tiniis nila ito at lumapit pa. Mula sa lupa naglabasan ang mga kamay na gawa sa lupa at nahawakan ang lahat ng mga disipulo at pinagbubugbog sila. Malang makakalas sa kanila at ilang sandali pa lahat ng mga mandirigma nahawakan narin at nakatikim ng kapangyarihan ni Ereneo.
Lumipad sa ere ang tatlong elemento at pinagtuloy ni Ereneo ang pagpaparusa sa lahat ng mandirigma. Sumali narin sa eksena si Windro at gamit ang hangin niya pinaglalaslas niya ang mga balat ng mga mandirigma. Nakakabinging mga hiyaw at sigaw ang nailabas ng lahat pero ang di nila nakikita ay ang nagbabagang katawan ng apoy na elemento.
“Tostado kayo ngayon!” sigaw ni Lucio at lalo pa sya nagbaga, uminit ang kapaligiran at nagsilabasan na ang mga apoy sa katawan ng elemento. Maglalabas na sana ng apoy si Lucio nang bigla nabuhusan siya ng tubig kaya napasigaw siya. Malaking alon na di alam ang pinanggalingan ang tumama sa tatlong elemento at napabalik sila sa lupa.
Nakawala ang mga mandirigma at sa kalayuan nakita nila si Nella at iba nilang kasama. “Anong kaguluhan ito?” sigaw ni Nella at napalingon din sa kanya ang mga elemento. Pumorma ang tatlo at si Lucio tinutok ang kamay niya sa dalaga at may lumabas na malaking apoy, dalawang nilalang ang sumulpot bigla sa harap ni Nella at yung isa naglabas ng isa pang alon at natamaan ang tatlong elemento at napatumba.
“Lityo! Sedes! Dapat sa amin kayo kumakampi!” sigaw ni Windro pero tumawa lang yung dalawang elemento. “Patay na ang mga kilala namin, kayo ay impostor!” sigaw ni Lityo at muli niya tinamaan ng nagraragasang tubig ang dalawa. Di makaporma ang tatlong elemento, tinuro ni Lityo ang mga disipulo at agad naman sila tumayo.
“Hindi namin pwede saktan pa sila, kahit impostor sila nandito parin sa puso namin ang mga alalaala. Kayo na ang bahala sa tatlong ito” sabi ni Sedes at tinitigan niya ang mga disipulo. Naintindihan agad ni Bashito at sarino ang gusto sabihin ng elemento, “Mga pare, kapit kayo sa amin dali” sabi ni Sarryno at kumapit ang mga kasama nya.
Tumalikod ang dalawang elemento na kaharap ni Nella at sa isang iglap dumilim ng todo ang kapaligiran. Walang ni isang nilalang o tao ang mamakita sa sobrang dilim maliban sa mga disipulo. Mabilis umatake sina Bashito, Sarryno at mga vampira, kahit sa dilim alam nila nasan ang mga kalaban nila.
Tanging naririnig sa kadiliman ay mga sigaw ng tatlong elemento, at pagkatapos ng ilang sandali tahimik na ang lugar at unti unti nang lumiwanag. Natirang nakatayo ang mga disipulo at sa paanan nila ang mga napaslang na katawan ng tatlong elemento.
“Tapos na ang trabaho namin dito” sabi ni Seres at biglang nawala ang elemento ng dilim at tubig. Tumakbo si Nella palapit sa mga disipulo at tinawag nya ang mga ibang diwata upang asikasuhin ang mga sugat nila. Napansin ng mga disipulo ang mga bagong mukha ng mga mandirigma na kasama ni Nella pero lumapit si Aneth sa kanila upang magpaliwanag.
“Oo naging tagumapy ang plano ng reyna, sila ang mga mandirigma na galing sa gubat dito at sasama sila sa atin” sabi ng diwata. “Madaliin ang pag gamot sa lahat ng nasugatan, susugod na tayo sa palasyo!” utos ni Nella at lahat ng nasugatan ay agad na hinarap ng mga manggagamot pero napansin nila na nawawala ang ibang mga kalaban nila.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na sa bukanan ang mga nasanibang mga tao, tumayo si Mhigito at pinulot ang sandata niya pero pinigilan siya ni Wookie. “Pare sandali, hindi natin sila pwede saktan, mga tao yan na nasaniban lang” sabi ng mambabarang.
“Aneth kailangan ko ang tulong ng mga spellcaster, di ko kakayanin ito mag isa. Mga disipulo kayo na sumugod sa Palasyo” sabi ni Amon at naglabas siya ng madaming espiritu mula sa tungkod nya. “Amon kaya kita tulungan” sabi ni Wookie. “Tama si Amon, dalhin niyo na si Nella sa palasyo, sasama sa inyo ang ibang mandirigma. Di natin pwede saktan ang mga taong ito pero kaya namin sila pakalmahin sandali at bahala na si Amon upang paalisin ang mga sanib na espiritu” sabi ni Dag-ol.
Wala nang sinayang na oras ang mga disipulo at nagtungo na sila sa palasyo. Pinalibutan ng mga spellcaster ang mga nasanibang tao at sinimulan na nila ang pagtatanggal ng sanib na espiritu.
Sa ilalim ng palasyo hindi maipinta ang itsura ni Monica, wala na sa dingding ang tiyanak ngunit ang nagkalat na laman niya nasa sahig. Binasag ni Monica ang dalawang bola nya at pinagtatapon ang lahat ng gamit.
Lumabas si Monica sa harap ng palasyo at napatingin sa langit, “Nella gusto mo ako subukan pwes sige, masira na kung masira ang kaharian!” sigaw niya at tinaas nya ang dalawang kamay nya sa ere at pinikit ang mga mata.
“Espíritus malignos oscuros le convoco!” sinigaw nya at lalong dumilim ang kalangitan. Nang ulitin niya ang sinabi nya nagsimula nang umulan at nakakabinging kulog ang narinig sa buong kaharian.
Mula sa lupa naglabasan ang mga itim na espiritu at nilapitan si Monica pinalibutan siya. Tumawa ang bruha ng malakas ngunit hindi pa siya tapos. “Malo dragón oscuro le convoco” sigaw nya at biglang kumidlat ng malakas sa tabi nya. “Malo dragón oscuro le convoco!” ulit ni Monica at lumakas lalo ang ulan at mas madami pang mga itim na espirtu ang naglabasan sa lupa.
“Malo dragón oscuro le convoco!!!” sigaw ni Monica at may mga pulang espiritu na lumabas galing sa lupa at nagsanib sila, padami ng padami ang lumabas na espirtu at sa harapan ng bruha isang malaking dragon ang nabuho. Tulog ang dragon pero hinawakan ni Monica ang katawan nito at biglang nagbaga ang katawan ng dragon.
“Gising na aking alaga…oo di mo man ako namumukhaan ngunit ako ito…gising na at kailangan ko ang iyong lakas” bulong ni Monica sa tenga ng dragon at biglang nagbukas ang mga mata nito. Bumangon ang alaga ni Monica at nagpakawala ng napakalakas na sigaw. Sumabay ang malakas na tawa ni Monica sa tuloy tuloy na sigaw ng dragon at mga itim na espiritu nagpaikot ikot sa kanilang dalawa.
Sa bahay in Nella pinagmamasdan parin ni Leonardo ang katawan sa ilalim ng kama ng dalaga. Narinig nila ang sigaw ng dragon kaya napatingin ang dwendeng kapre sa bintana. “Matagal ko nang hindi narinig ang sigaw na yon…pero teka…delikado si Nella!” sigaw ni Leonardo at bigla siya tumayo.
“Magmadali kayo ipaabot niyo kina Nella na wag susugod sa palasyo! Hawak niya ang espada…yun ang unang pupuntiryahin ng dragon pagkat yun ang pumatay sa kanya noon! Bilisan niyo sabihin niyo itapos sa malayo ang espadang yon!” utos ng dwendeng kapre at mabilis umalis ang dalawang diwata.
“Leonardo!!!” sigaw ng isang dwende kaya napalingon siya, “Ano yon?” tanong ni Leonardo at nakita niya ang gulat sa mukha ng dwende.
“Gumalaw ang kamay niya!”