TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 10: Bagong Pinuno
Isang huling sulyap sa malaking bato sabay tingin sa langit, huminga ng malalim si Nella at muling pinunasan ang mga mata nya. Hinawakan ni Paula ang kamay nya at pumasok na sila sa portal habang ang mambabarang ay napalingon sa bato at nakita si Anhica nakatayo at pinagmamasdan ang patay na vampira.
“Halika na” sabi ni Wookie. “Dito ko nalang aantayin ang tatlong araw ko” sagot ng multo. Nilabas ni Wookie ang manika niya at binulungan ito ng dasal, ilang saglit pa lumalapit na sa kanya si Anhica pero sinusubukan nito pumiglas. “Sinabi ko iwanan mo na ako dito e!” sigaw ng multo pero lalo pa siya napalapit sa mambabarang hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa manika. “Hindi kami galit sa nagawa mo, kung lalaya ka na doon ka nalang sa mahiwagang gubat” sabi ni Wookie at pumasok narin siya portal at tuluyan na itong nagsara.
Sa mahiwagang gubat sila napadpad, si Nellat dumiretso sa ilalim ng isang puno at doon tinuloy ang pag iiyak. Bawat vampirang disipulo nagsiakyatan sa tuktok ng isang puno at tumayo bilang pugay sa namayapa nilang pinuno. Ang dalawang dwende tumayo sa tig isang kabute at tila gumaya sa mga kaibigan nilang vampira.
Sa loob ng gumat nagtipon sina Ngyobert, Virgous, Bashito, at Sarryno, ang tatlo pinapanood ang tikbalang habang may tinitimpla siyang mga likido. “Oy anong ginagawa mo?” tanong ni Virgous. “Ngalak” sagot ni Ngyobert. “Ha? Ikaw ang gumagawa ng alak?” tanong ni Bashito sa gulat. “Ngenyo ango” sabi ng tikbalang at kahit na gusto nila tumawa di nila mailabas ito pagkat mas nangingibabaw ang lungkot.
“Pero pare ha, di ko maintindihan e, immortal tayong lahat e…pano namatay si bossing?” tanong ni Sarryno. “Oo nga e, ang alam kong makakapatay sa kanila ay pagsaksak ng kahoy, pagpugot ng ulo, at hayaan malusaw ng sinag ng araw…iniwan si boss don…pagsikat ng araw…” din a tinuloy ni Virgous ang sinasabi nya at lalo sila nalungkot.
“Mga pre…di na nakayanan ni Paulito ang paglaban sa Sugo…imagine ilang taon narin niya dala dala yon sa katawan niya. Di niyo ba napapansin tuwing napapalaban tayo nag iiba siya, nawawala siya bigla tapos kay daming mga pangyayaring na gumugulat sa atin sa laban…bigla nalang bubulagta ang kalaban o kaya madali natin sila napapatay. Trigger ang violence para sa sugo, magigising siya at gusto makilaban…kaya ginulat nalang tayo ni Paulito nung kinalaban niya yung mga kaibigan nating vampira” sabi ni Wookie.
“Oo mga pre, nung ako pinuntahan niya…di ko naman talaga siya balak patayin e. Pero saktan oo kasi akala ko talaga trinaydor niya tayo. Pero nagulat nalang ako sa lakas niya. Tapos eto tignan niyo nagawa niya para sa akin” sabi ni Virgous. “E bangit ango wanga?” tanong ni Ngyobert. “Tado yang pagkangongo mo inborn na yan, buti kung sumpa siguro inalis niya” banat ni Bashito at medyo natawa sila pero saglit lang.
“So ibig mo sabihin nilamon ng sugo ang kaluluwa ni bossing kaya siya namatay?” tanong ni Sarryno sa mambabarang. “Hindi pare, yung babae sa batis, yung kagagawan ng mga diwata at ibang punung nilalang…sinundo siya pagkat alam nila lalaban na ang sugo. Imbes na sumama…nakiusap si boss na patapusin muna siya sa misyon niya bago niya isusuko ng kusa ang kaluluwa niya. Pumayag ang multo at sumanib kay boss…mga kaluluwa nila nagsama…pag pinaghiwalay mo sila dalawang araw lang itatagal ni boss.”
“Nagawa niya misyon niya pero nakakawala na yung sugo, mautak talaga siya at kahit sa huling sandali naisipan pa niyang kalasin ang kadena na nagsasama sa kaluluwa nila ng multo. Alam niya pag nalayo siya sa multo manghihina siya…at walang magagawa ang sugo…kaya doon siya sa bundok nagtago. Hanggang sa huling sandali pinakita niya bakit siya talaga ang pinuno natin…at walang pwedeng pumalit sa kanya” sabi ni Wookie. Nakayuko lang ang lahat at naghiwa hiwalay, sa sarili nilang paraan nagtuloy ang kanilang pagluluksa.
Sa ikalawang gabi tanging si Tuti nalang ang nakatayo sa pinakamataas na puno ng gubat habang ang ibang vampira at mga disipulo ay nagtipon tipon. “Tawagin niyo naman siya para makasama siya sa atin” bulong ni Louis. “Hayaan mo siya pare magluksa, he will join us when he is ready” sagot ni Bombayno.
Nilabas ni Ngyobert ang alak, nagpaapoy si Virgous, nagdala ng mga hayop na makakain sina Sarryno at Bashito at muling nagsama sama ang mga disipulo tulad ng gusto ng namayapang punino nila. Huling dumating si Wookie dala ang manika niya, “Ano gusto mo na ba lumaya?” bulong ng mambabarang sa manika. “Ayaw ko…wala ako mukhang ihaharap sa ibang diwata…konti lang may alam kasi tungkol don…ay oy tignan mo nga kung saan ka humahawak!” sabi ng multo at nabitawa ni Wookie ang manika. “Sorry, di ko sinasadya” sabi ng mambabarang.
“Oy Wookie di ka pa nakakainom kinakausap mo nanaman sarili mo” tukso ni Chado at nagtawanan ang mga disipulo. Naupo ang dose sa harap ng bonfire at nagkwentuhan. Pinag usapan nila kung ano nangyari sa kanila matapos sila maghiwa hiwalay pagkatapos nung huling laban.
Sa malayo nakaupo parin si Nella sa ilalim ng puno at tinabihan siya ni Aneth. Pinanood nila ang mga disipulo na nagtatawanan at nagsasaya, kaya medyo nagalit si Nella. “Dalawang araw palang tapos nag gaganyan na sila. Akala ko ba matagal na silang magkakaibigan?” tanong ni Nella at natawa ang diwata. “Nagluluksa parin sila. Sana makita mo lang gaano sila kagulo noon, ngayon ko nga lang sila nakitang disiplinado e” sabi ng diwata.
“Dahil sa akin nangyari ito…siguro may galit sila sa akin lalo na si Tuti” sabi ni Nella. “Hindi totoo yan, walang nagbibintang sa iyo ng nangyari” sagot ni Aneth. “Oo e, sana nahanap nalang ako agad nung mga tauhan ng hari para di nangyari ito” drama ng dalawa. “Hmmm…tapos hindi mo na siya makikilala kung ganon” sumbat ng diwata at napaisip si Nella. “Oo nga e…siguro mas maganda nang hindi ko siya nakilala para di ganito kasakit ang nararamdaman ko…siguro mas makakayanan ko pa na patayin ako kesa na habang buhay kong dadalhin tong sakit na to” sabi ni Nella.
“Bata ka pa Nella, makakahanap ka ulit ng mamahalin mo” sabi ni Aneth at nagulat si Nella. “Ano sinasabi mo? Anong mamahalin? Ako at si Paulito? Hindi ha” reklamo ng dalawa at tumawa ang diwata. “Sabi mo e…pero bakit kung magluksa ka akala mo kung magkarelasyon kayo?” banat ni Aneth at natawa si Nella. “Weh ilang araw palang kami magkakilala kaya” sagot ni Nella. “Ay okay sabi mo e” sabi ng diwata at sumandal si Nella sa puno at niyuko ang ulo niya. “Oo ata…pero wala na siya” bulong ng dalaga at muling tumulo ang mga luha niya.
Habang nagsasaya ang mga disipulo napansin ni Darwino na naglalakad lakad ang manika ng mambabarang. “Wookie bakla ba yung dolly mo, kasi kumekembot siya nyahahaha” sabi ng dwende. “Oo babae nga siya” seryosong sagot ni Wookie. Nagkatingin ang dalawang dwende sabay nilapitan ang manika. “Excuse me miss” banat ni Bobbyno sabay kalbit sa manika. Dahan dahan humarap ang manika at nanlaki ang mga mata ng dwende. Ang mukha ng manika naging bungo kaya tumalikod bigla sina Darwino at Bobbyno para tumakbo. Nahawakan ni Anhica ang mga paa nila kaya napadapa sa lupa ang dalawang dwende. “Wooookiiieeee may mumu!!!” sigaw ni Darwino at bigla sila bunihat ng manika at pinaghahampas sa lupa.
“Oy Wookie brutal naman na yan” sabi ni Mhigito, napatingin lang ang mambabarang sa mga dwende saka humarap sa grupo. “Hayaan mo sila, nakahanap sila ng katapat nila” sabi ni Wookie at nagtawanan ang mga disipulo.
Pinunasan ni Nella ang mga mata niya at pinagmasdan ang mga disipulo, “Aneth, talagang magaling ba si Paulito na pinuno?” tanong ng dalaga. “Sobra, look ako bilang punong diwata at si Leonardo bilang punung mahistrado ng kagubatan sumusunod kami sa kanya. E dapat siya sumunod sa amin, halos lahat ng nilalang dito may respeto sa kanya” sagot ng diwata.
“Bakit? Pano nangyari yon? E bakit ako reyna ako diba? E parang walang sumunod sa sinabi ko. Sabi ko maghanda para sa laban pero nagluluksa naman lahat. I was expecting na susugod tayo sa kalaban agad e…pero parang walang nakinig sa akin” sabi ni Nella. “Oo alam ng lahat na ikaw ang reyna at ikaw ang pinuno namin” sabi ni Aneth. “O bakit walang sumunod sa utos ko?” tanong ng dalaga.
“Nella oo ikaw ang reyna pero bago mo mapasunod ang lahat you have to earn their respect. Tulad ng ginawa ni Paulito. Alam mo madaming klaseng pinuno, meron yung namumuno na ginagamit ang pananakot at kapangyarihan, takot ang mga tauhan niya kaya sumusunod sila sa kanya. Meron yung pinuno na nanunuhol, laging may kapalit ang bawat utos niya para lang sumunod ang mga tauhan niya. Meron yung mga pinuno na pangalan lang taglay nila, tanggap sila bilang pinuno pero wala sumusunod sa kanya. At meron yung mga tulad ni Paulito na nirerespeto ng lahat, kahat kahit wala siya iuutos ay lahat ng tauhan niya gumagalaw at nag iisip para sa sarili nila. Pero pag nag utos siya sigurado agad na susundin ng mga tauhan niya pagkat ganon katindi ang respeto at tiwala nila sa kanya”
“Yung inutos mo oo nagmukha kang matapang Nella, napalukso mo konti ang dugo namin pero halata din na di ka nag iisip at emosyon mo lang ang nagsalita. Ang mga disipulo mandirigma mga yan, siguro nagtataka ka bakit nandito sila nagsasaya imbes na nandon nakikilaban para ibuhos ang galit nila. Wala ka mapapala pag sumugod ka na dala ng emosyon mo, hati ang utak mo pag ganon” paliwanag ni Aneth.
“So I am useless” bulong ni Nella. “Hindi, wag mo isipin yan. Nasa dugo mo ang pagiging pinuno. Matututo ka din don’t worry” sabi ng diwata. “E Aneth, kung nandito si Paulito ano sa tingin mo ang gagawin niya?” tanong ng dalaga at napaisip si Aneth. “Pag sinabi ko gagayahin mo lang…gusto mo bang matawag na gaya gaya?” sagot ng diwata. “No, if I cant be with him, I want to be like him” sabi ni Nella at napansin ng diwata ang determinasyon sa mga mata niya.
“Ah ok, sige umakyat ka narin sa puno at magbantay ka” biro ni Aneth at nagsimangot si Nella pero nakarinig sila ng tawa kaya napatingin sila sa taas ng puno at nakita nila si Tuti tumatawa. “Naman ito e nagseseyoso na nga ako” sabi ni Nella at nagtampo. “Alam mo Nella di ko pwede sabihin sa iyo ang gagawin ni Paulito, ikaw nakasama mo naman siya e kahit konting panahon lang…he is a great leader…yun bang gusto mo or do you want to be a greater leader para maging proud siya” sabi ng diwata at napatingin si Nella sa mga bituin.
Nahawaha ang diwata ang napatingin narin siya sa langit pero biglang tumawa ng malakas si Nella. Nagulat ang diwata at akala niya nasisiraan na ng bait ang dalaga, narinig din niya tumatawa si Tuti na nasa puno, pagtingin niya sa mga disipulo pati sila nagtatawanan. “Ha? Bakit ka tumatawa Nella?” tanong ni Aneth. “Si Bashito nagpapatawa doon” sabi ni Nella at tawa parin siya ng tawa. Di makapaniwala si Aneth pagkat ang layo ng mga disipulo sa kanila, naiintindihan niya kung bakit tumatawa si Tuti pero si Nella hindi. “Bakit naririnig mo sila?” tanong ni Aneth. “Oo kaya, bakit ikaw di mo ba nagets yung joke?” tanong ng dalawa at natulala ang diwata. “Ah, di kasi ako nakikinig e” sagot ng diwata at tawa parin ng tawa si Nella. Di makapaniwala ang diwata sa nakikita niya, di niya maintindihan bakit nagkakaganon ang reyna. Biglang tumayo si Nella at hinila si Aneth, “Alam ko na ano gagawin ko, kikilalanin ko sila at makikisama ako. Oy Tuti alam ko naririnig mo ako, halika sama tayo don” sabi ni Nella at nagpunta sila sa grupo ng mga disipulo.
Tumayo ang dalawang babae at nagbigay ng space ang mga disipulo para sa kanila. Lumapit ang mga dwende at tumayo sa ilalim ng paa ng diwat at bungisngis ang dalawa. Mabilis nagpacute si Sarryno, nagtransform ito muli sa lobo at suot suot pa niya ang pink ribbon sa leeg nya, lumapit ito sa dalaga at hinawaka ni Nella ang ulo niya.
Papasahan na sana ni Bombayno ng pagkain ang dalawa nang biglang napahiga si Sarryno sa lupa, lahat ng vampira nagtakip ng ilong at lahat napatingin kay Aneth. Nanigas sina Darwino at Bobbyno sabay nahimatay, namula ang mukha ng diwata at napahiya. “Oy excuse me ha” sabi ni Aneth. May narinig silang bumagsak at napalingon sila at nakita nila si Tuti nakahiga sa lupa tinatakpan ng kamay niya ang ilong niya. Nagtawanan ang mga disipulo at hiyang hiya na ang diwata. Pati yung manika napahiga sa lupa at nangisay ngisay pa. “Ay sobra na yan ha, exaj na masyado” reklamo ng diwata at lalong nagsaya ang buong grupo.
Umalis saglit si Nella, nagtuloy magsaya ang mga disipulo kasama na si Aneth at si Leonardo. Ilang saglit pa kasama ni Nella ang ibang nilalang upang makisama sa kasiyahan. Agad na napabilib ang punong diwata at punong mahistrado sa dalaga, ito ang di nagawa dati ni Paulito, ito ang landas na gusto niya tahakin para maging pinuno.
Lahat ng nilalang nagdiwang habang si Nella tumingala sa langit at ngumiti. “Napansin mo din ba?” bulong ni Aneth kay Leonardo. “Oo nga eh…bilib talaga ako don” sagot ng kapre. “So this is the path she is going to take” sabi ni Aneth habang pinagmamasdan nila ang dalaga. “I can sense na di sya makukuntento just giving orders…I can sense that she really wants to be like him” sabi ni Leonardo.
“Pero sa tingin mo ba papayag ang mga disipulo? Iisipin nila na magiging distraction lang siya” sabi ni Aneth at tumawa yung kapre. “I don’t think they have to worry about her that much…akala ko ba napansin mo?” sabi ni Leonardo.
“Napansin ang alin?” tanong ni Aneth at lalo tumawa yung kapre. “Oy ano ba yung napansin mo?” tanong ng diwata. “E ano kasi yung napansin mo muna?” sumbat nung kapre. “I was talking about her determination to be a leader” sabi ni Aneth. “Ah okay” sagot ng kapre. “Teka ano ba yung napansin mo?” hirit ng diwata at muling tumawa ang kapre.
“Sabihin mo na kasi kung hindi gagawin kitang palaka” banta ng diwata. “Secret!” banat ng kapre sabay tawa ng malakas hanggang sa napatingin ang lahat sa kanila. Tumayo ang diwata at nagbagang dilaw ang kamay nya at hinawakan ang kamay ng kapre. “Akala mo di ko tototohanin ha!” sigaw ni Aneth at biglang naging malaking palaka ang kapre.
“wokakakakaka wakaakakaka” tawa ng palakang kapre at sumabog sa katatawanan ang lahat nang maghabulan ang diwata ang higanteng palaka.