sk6

Monday, June 1, 2009

Chapter 7: Vampire Town

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 7: Vampire Town

Sumilip ang araw at isa isa bumangon ang mga disipulo, nagulat sila pagkat maayos ang pagkahiga nila sa lugar ni Wookie. “Pano tayo napunta dito?” tanong ni Virgous. “Huling maalala ko nasa batis tayo” sabi ni Sarryno. “Huwat! Huwat am I doing outside of my house?!” sigaw ni Wookie pero saktong nagbukas ang pinto ng kubo nya at lumabas ang dalawang babae.

“Pano kami napasok don?” tanong ni Paula at nagkatinginan ang lahat at napansin nila na nawawala si Paulito. “Baka nandiyan siya o, burol” turo ni Darwino kaya binungkal nila ang lupa at si Tuti ang nakita nila kaya tinabunan nila ulit ito. Nagsimula na magpanic si Nella kaya sinubukan nila siya pakalmahin.

“Relax, look maayos tayo nakabalik dito. Kayo nakapasok sa kubo, yan ang mga tipong gawain ni boss. Sinisigurado nya safety ng lahat, so sure ako nandyan lang yon” sabi ni Bashito. “Pero last na nakita ko kaharap niya yung multo e, ngayon lang ako nakaramdam ng ganon e” sabi ni Virgous at binatukan siya ni Ngyobert. “Ongey na nga eh, ngapos ngangatukin ngo ungi” sabi ng kapre at muling nagpanic ang reyna.

Lumabas si Tuti mula sa lupa at tinuro ang isang puno, napalingon lahat at nakita nila paparating si Paulito, balot na balot at may dalang mga manok at itlog. Takbo si Nella at agad niyakap ang vampira, “I am fine” bulong ni Paulito pero ayaw bumitaw ni Nella sa kanya.

Nagluto na si Tuti at Paula ng almusal habang ang iba naligo sa batis. Si Nella nilinisan ang kubo ng mambabarang at si Paulito naupo sa ilalim ng isang puno. Napansin ni Wookie ang katamlayan ni Paulito, nagulat siya nang may nakita siyang espiritu sa tabi ng vampira. “Ah mahal na reyna, may muta ba ako sa mata?” tanong ni Wookie at napatingin si Nella sa kanya. “Wala naman bakit?” sagot ni Nella. “Ah parang malabo ang tingin ko, kasi parang may katabi si Paulito doon” sagot ng mambabarang. Napatingin si Nella sa vampira sabay tumawa, “Hala, malabo na mata mo, wala naman siyang katabi e” sabi ni Nella at nakitawa nalang si Wookie.

Bumalik sa paglilinis si Nella, dinampot ni Wookie ang manika niya sabay nilapitan si Paulito. “Pare tayo ka at maglakad tayo saglit” sabi ng mambabarang at sumama sa kanya ang vampira. Naglakad papunta sa gitna ng gubat ang dalawa sabay tumigil si Wookie at hinarap ang kaibigan niya. “Pare siya ba yung kagabi?” tanong niya sa vampira.

Pawis na pawis si Paulito at nanghihina, niyuko niya ulo niya at nanahimik. Hinawakan ni Wookie ang manika niya at pinikit ang kanyang mga mata, tinusok niya ng isang karayon ang dibdib ng manika at napasigaw ang multong babae. Lumabas ito sa katawan ni Paulito at bumagsak ang vampira sa lupa.

“Peste kang mambabarang ka! Wag ka nang makikialam at may usapan kami…di mo ako mapapaalis sa katawan niya tignan mo!” sabi ni Anhica at napatingin si Wookie sa mga paa ni Paulito. May kadenang nakakabit sa isang paa niya at yung isang dulo sa isang paa ng multo. “Nakita mo na. Kaya kahit anong gawin mo di mo na ako mapapaalis dito” sabi ng magandang multo.

Diniin ni Wookie ang karayon sa dibdib ng manika at napasigaw muli ang multo, nilapit ng babae ang mukha niya sa mukha ng mambabarang at pinakita ang malabungong itsura nya. “hindi mo ako matatakot sa ganya…umalis ka sa katawan ng kaibigan ko!” sigaw ni Wookie. “Hahahahaha…subukan mo ako alisin at mamatay siya…ang kaluluwa nya ay sinusundo ko…nakiusap siya sa akin na sasama siya ng kusa basta matapos ang misyon niya. Sige saktan mo pa ako at siya din lang naman ang masasaktan din” sabi ni Anhica.

Doon lang napansin na mamimilipit na sa sakit ang vampira kaya hinugot na ni Wookie ang karayom sa dibdib ng manika. Lumuhod si Wookie at inasikaso si Paulito, “Bakit mo kinukuha ang kaluluwa ng kaibigan ko ano ang nagawa niya sa iyo?” tanong ng mambabarang. “Matagal ko na siya sinusundo, pesteng Aneth yan at mga ibang diwata at pinigilan nila ako. Kinadena nila ako sa batis ilang taon nang nakalipas…yan kaibigan mo kasi…” kwento ng multo pero sumingit ang vampira. “Anhica! Tama na! Di na niya kailangan marinig ang buong kwento” sabi ni Paulito na dahan dahan tumayo.

“Hindi ba pwedeng umalis ka muna sa katawan niya? Kasi pag nasa loob ka ng katawan niya lalo siya manghihina” sabi ni Wookie. “Sigurista ako, this time I am really taking his soul with me” sagot ni Anhica. “Kung mamatay si Paulito mawawala kadin alam mo ba yon?” sabi ni Wookie. “Of course, goal oriented ang vampirang ito kaya alam ko hindi siya magpapakamatay…if mamatay siya sa laban then that is the risk I have to take…pero alam ko naman na hindi niyo siya hahayaan…pagkat kailangan niyo siya” paliwanag ng multo.

“Pare okay lang…kaya ko ito…wag mo na ipagsabi sa iba lalo na sa mga diwata” sabi ni Paulito. “Kahit hindi ko sabihin mapapansin din nila” sagot ni Wookie. “Wala na sila magagawa…kasalanan din nila ito pero hayaan mo na…tipunin mo na sila at aalis na tayo…magpapalakas lang ako saglit” sabi ni Paulito at umalis na si Wookie.

“Natatawa ako sa iyo, pretending to be tough kahit na hindi ahahaha remember connected na ako sa iyo kaya alam ko ang nararamdaman mo” bulong ng multo sa vampira. Tumakbo si Paulito at kumapit ang multo sa kanya, nakakita siya ng malaking baka at agad niya ito sinaksak sa puso gamit kamay nya. “Ooohh scary…hoy pansinin mo naman ako snob ka!” sabi ni Anhica. “At ano? Sasabihin ng iba na kausap ko sarili ko? Magmukha pa akong tililing” bulong ni Paulito at tumawa ng malakas ang multo.

Kinagat ni Paulito ang leeg ng baka at sinipsip ang dugo nito. “EW!!! Kadiri ka naman! Sabihan mo naman ako bago mo gagawin yan!” sigaw ni Anhica at tumawa si Paulito at tinuloy nya ang pagpapalakas niya. Pumulot ng bato ang multo at pinagpopokpok ang ulo ng vampira. “Aray ko! Bakit ka nananakit?!” sigaw ni Paulito. “Kadiri ka kasi e! Manners naman ano pwede ka naman gumamit ng baso. Ew ka talaga!” reklamo ng multo at muling tumawa ang vampira. Natapos kumain si Paulito at naglinis ito ng sarili, “Hmmm bakit hindi ko mabasa…may tinatago kang motibo…bakit yon parte ng isip mo hindi ko mabasa?” tanong ni Anhica.

“Just get inside my body and shut up” sabi ni Paulito at muli siya pinokpok sa ulo ng multo. “Yabang! Hoy tandaan mo to guguluhin kita lagi, remember saka nalang ako maalis sa katawan mo pag tigok ka na ahahahaha” sabi ng multo. “Fine with me…pakita ko sa iyo ang mga di mo pa nakikita…you will wish that you never entered my body” sabi ng vampira at mabilis bumalik sa grupo.

“Handa na ba ang lahat? Papasok tayo sa Vampire town, delikado dito kaya maging alerto ang lahat” sabi ni Paulito. “Ei boss bakit nakatayo ang buhok mo?” tanong ni Tuti at biglang natawa si Wookie pagkat siya lang nakakakita sa multong pinagtritripan ang buhok ng vampira. Sinuot ni Paulito ang hood niya sabay sumakay na si Nella sa likod niya. “Oy type mo siya no?” bulong ni Anhica kay Paulito pero di niya ito pinapansin. “Snabero ka bwisit ka!” sabi ng multo. “Shut up nga” bulong ni Paulito. “Ha? Shut up ako? Wala naman ako sinasabi” sumbat ni Nella at tumawa si Paulito. “Ah wala yon, hindi ikaw. Kausap ko sarili ko, parang hinahanda ko lang sarili ko” palusot ng vampira at tumawa ang multo.

Gabi na nang nakarating sila sa pinakasulok ng kaharian, lugar kung saan hindi nasisikatan ng araw. Tago ang lugar na ito at tanging mga vampira lang ang nakakaalam. Ito ang Vampire Town.

“Mabuti pa maiwan nalang kayo dito at kami nalang ni Tuti ang papasok” sabi ni Paulito pero ayaw bumitaw ni Nella sa kanya. “Sama sama tayo pare” sabi ni Virgous. “Sige, basta dikit lang kayo sa amin ni Tuti, Tuts sa likod ka” sabi ni Paulito at pumwesto si Tuti sa likod ng grupo. Pumasok na sila sa gate at lahat ng vampira doon napatingin sa kanila.

Lumalapit ang mga vampira sa kanila pagkat naamoy nila si Nella. “Oy amin nalang yang dala mong tao” sabi ng isang vampira pero di ito pinansin ni Paulito. Kapit ng mahigpit si Nella sa vampira at yung dalawang dwende nagtago sa bulsa ni Wookie. Di sila makalayo pagkat napalibutan na sila ng mga vampira, naakit talaga sila sa amoy ng tao. Kaya nilayo ang mga vampira para di sila kumain ng tao, ang hari sinisigurado na madaming supply ng hayop sa paligid ng Vampire town para masustentuhan ang mga vampira.

May nakahawak sa paa ni Nella kaya napasigaw ito, “Ngyobert, kunin mo si Nella” utos ni Paulito pero ayaw bumitaw ng dalawa. “Nella sumama ka kay Ngyobert pagkat ayaw mo makita ang mga susunod” sabi ng vampira kaya agad binuhat ng higante si Nella at pinaupo sa balikat niya. Di tuloy maabot ng mga vampira si Nella pagkat pinalibutan ng ibang mga disipulo ang kapre.

“Virgous, you know what to do diba?” sabi ni Paulito at nagliyab ang buong katawan ni Virgous at gumawa ng apoy na nagpalibot sa kanila, napalayo ng todo ang mga vampira pero umalis si Paulito sa apoy. “Hoy saan ka pupunta?” tanong ni Virgous. “Diyan lang kayo, hindi sila makakalapit, Tuti ilabas mo yung mga kahoy at ibigay mo sa kanila” sabi ni Paulito.

Si Paulito namang ang pinalibutan ng mga vampira pagkat hindi sila makalapit sa ibang disipulo, “Hoy dayo…bago ka makapasok dito kailangan mo magbayad ng entrance…yung tao ang gusto namin” sabi ng isang vampira. “E kung ayaw ko ibigay?” tanong ni Paulito. “Ahahaha…talagang hindi ka taga rito…kung ayaw mo magbayad hindi ka makakatuloy sa loob looban, at hindi din kayo makakalabas ng buhay” sabi ng vampira at tumawa si Paulito.

Inalis ni Paulito ang coat nya, sabay hinubad ang pantaas na saplot nya. Nagulat si Nella nang makita ang malaking naghilom na sugat sa likod niya. “Ano nangyari sa kanya bakit may malaking laslas sa likod niya?” tanong ng dalaga. “Dahil sa akin, nung pupugutan ako ng ulo nag dive siya sa ibabaw ko at siya yung nalaslas” sabi ni Tuti at lalong napabilib si Nella sa vampira. “Kaya kahit ano sabihin ni boss gagawin ko, di ko siya iiwan” pahabol ni Tuti.

Nag inat si Paulito at lumabas na ang mga kuku niyang matalim at mga pangil, “Oy wag mo sasabihin na kaya mo silang lahat” bulong ng multo at tumawa muli si Paulito. “Tandaan mo ikaw ang pinakamahina sa mga disipulo kaya wag ka na mafeeling” hirit ni Anhica. “Pinakamahina ba?” tanong ni Paulito at muli siya tumawa. Nagtataka narin ang mga kalaban na vampira pagkat kinakausap niya ang sarili niya.

Nagulat ang lahat nang biglang nawala si Paulito, lahat ng kalaban na vampira napalingon sa paligid at hinahanap kung saan siya napunta. “Saan na siya?” tanong ni Paula. “Ewan ko hindi ko napansin din, nasan na yon?” tanong din ni Tuti at pati ang mga disipulo nagulat sa pagkawala ng vampira.

“Pahiram pala nito” sabi ni Paulito at nagulat si Bashito nang kunin ng vampira ang kahoy at bigla nanamang nawala. “Shwet nakita niyo yon?” tanong ni Bashito at tulala ang lahat at di makapaniwala sa nakita nila.

Napanood nila ang mga kalaban na vampira isa isang nagbabagsakan at naabo, lahat may saksak sa dibdib. Kahit saan sila tumingin pareho ang nakikita nila, mga vampirang namamatay pero ni anino ni Paulito hindi nila makita. “Oy sigurado kayo si Paulito pa yan o baka naman si Mhigito nay an na nagpapaganggap lang na bossing natin” sabi ni Bobbyno. “Ewan ko e pero kailan pa nakakagalaw ng ganitong kabilis si Pau?” sagot ni Darwino. “Noon pa ata e pero di lang niya pinapakita tunay na lakas nya. Remember nung nacorner tayo ng mga aswang at itim na dwende? Halos di natin nakita ang nangyari pero tigok sila agad lahat. Sabi lang ni boss si Mhigito yon pero nung tanungin natin si Mhigito wala siyang alam. Akala natin nagpapacute lang siya” kwento ni Sarryno.

Habang tumatagal napapansin nakikita na ng mga disipulo ang mga galaw ni Paulito, ang di nila alam nanghihina na ito dahil sa multo. Hingal na hingal si Paulito at humarap sa iisang kalaban na natira. Napaluhod sa lupa si Paulito at tumawa ang kalaban niya.

“Hanep sa pasiklab ah, pero bibigay ka din pala sa huli” sabi ng kalaban pero inagaw ni Anhica ang kahoy at biglang sinaksak ang kalaban sa dibdib nya. Mabilis na naabo ang kalaban at lalong nagulat ang mga disipulo. “Nakita niyo yon? May telekinesis ata si bossing” sabi ni Virgous at tumawa si Wookie pagkat siya lang ang nakakita ng tunay na nangyari.

“Salamat” bulong ni Paulito at hingal na hingal parin siya. “Shhh…ayaw ko pa mamatay no…pasikat ka kasi o ayan e di hindi ka na makatayo” sabi ng multo at natawa si Paulito.

Pinatay na ni Virgous ang apoy at nilapitan nila agad si Paulito. Nilabas ni Tuti ang dala niyang dugo at pinainom sa bossing niya. Bumaba si Nella at inasikaso si Paulito nang bigla nalang natumba si Ngyobert na ikinagulat ng lahat. Sumunod natumba si Bashito at Sarry, “Shwet! Si Mhigito! Tuti ipunin ang lahat, Virgous tulad ng dati. Nella sumama ka sa kanila” utos ni Paulito. “Pano ikaw?” tanong ng dalaga. “Sa akin sila galit, so sige na punta na” sagot ng vampira.

Mabilis na naipon ni Tuti ang mga bumagsak at nagpaapoy nanaman si Virgous para di sila malapitan ni Mhigito. Medyo nanumbalik na ang lakas ni Paulito kaya tumayo siya pero may tumama na suntok sa mukha niya kaya napatumba siya muli sa lupa.

Tumayo sa harapan niya si Mhigito at nagkatitigan sila. “Ano ginagawa mo dito traydor? At kayo bakit kayo sumasama dito?” tanong ni Mhigito at tinitigan niya bawat isa sa mga disipulo. “Mhigito mag usap tayo” sabi ni Paulito at mabilis ito nawala.

Tumayo si Paulito pero napabagsak ulit siya, “hindi ko siya makita!” sigaw ni Anhica at natawa si Paulito. “So concerned ka na sa akin? Umalis ka sa katawan ko para makalaban ako ng patas” sabi ng vampira. “Eh gustuhin ko man e di na natin maalis ang kadena, shwet” sabi ng multo pero naitapon palayo si Paulito at nagdugo na ang mga labi nya.

Wala magawa ang mga disipulo, nanggagalaiti na sila sag alit habang pinapanood nila ang pinuno nilang naipapatapon kung saan saan. Di na nakayanan ni Nella ang pinapanood niya kaya pumikit nalang siya at nagsisigaw.

Tumayo si Paulito at nakailang segundo narin na walang tumatama sa kaniya. Pinunasan niya ang dugo sa mukha niya pero biglang nakarinig siya ng pagbubulong.

“Takpan niyo ang tenga niyo!!! Nandito din si Chado!!!” sigaw ni Paulito kaya lumuhod ang lahat sa loob ang apoy at nagtakip ng mga tenga nila. Palakas ng palakas ang mga bulong pero hindi nagtakip ng tenga si Paulito.

“Chado! Wag mo sila idadamay. Alam ko galit kayo pero may paliwanag ako…kung makikinig lang kayo sa akin. Pero kung ayaw niyo sige lalaban ako pero wag niyo na sila idamay dito!” pakiusap ni Paulito.

“Ahahahahaha…traydor ka!!! Pero sige uunahin kita…pero galit ako sa mga traydor kaya pagkatapos mo isusunod ko sila!” sigaw ng boses at di alam ni Paulito kung saan nanggagaling.

“Anhica…ayaw mo pa mamatay diba? Kaya kailangan ko ang tulong mo” bulong ni Paulito at tumawa ang boses. “Estupido! Naririnig kita loko…pero sige naaliw ako sa iyo pagbibigyan kita kausapin ang sarili mo” sabi ni Chado.

“Sige…ano gagawin ko?” tanong ng multo. “Di ko pwede sabihin…basahin mo utak ko dali” sagot ni Paulito. “Naintindihan mo?” tanong ng vampira. “Oo sige” sagot ni Anhica.

“Chado! Halika ipapatikim ko din sa iyo ang kapangyarihan mo!”