sk6

Saturday, June 13, 2009

Chapter 18: Fredatoria

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 18: Fredatoria


Tumayo ang mga disipulo at para silang nabuhayan nang makita nila nagbalik ang kanilang kaibigan. Takbo si Tuti at napayakap kay Paulito at ang dalawang dalaga sa tabi nya lalong napakapit sa kamay nya. “Musta Tuts?” sabi ng punong disipulo at hagolgol lang ang sagot ng bunging vampira sa kanya.

Di makapaniwala si Monica sa nakikita nya, biglang sumakit ang ulo nya at napaluhod sya sa lupa. Napahawak siya sa kanyang ulo at nagsisigaw ito, nagbabagang pula ang buong katawan nya at ang buong paligid ay napuno ng madilim na aura.

“Mga pre okay lang ba kayo?” tanong ni Paulito at lahat ng disipulo napatingin sa bruha. “Oo pre, saka mo nalang ikwento ang nangyari” sagot ni Chado. “Nasan si Wookie?” tanong ng punong disipulo at doon lang nila napansin na nawawala ang mambabarang. “Kinuha siya ng mga itim na espiritu kanina, wala ako nagawa para salbahin siya…sorry” bulong ni Anhica at niyuko niya ulo niya.

Nilapit ni Paulito ang bibig niya sa tenga ni Anhica sabay bulong, “I remember everything now” sabi nya at nagulat si Anhica at napatingin sa kanya. “Twinkle Twinkle” sabi ng vampira at napangiti si Anhica at agad tumingin sa malayo. “Lahat ba naalala mo na?” bulong ng dalaga. “OO, ako na to e” sumbat ng vampira. “Ano pinaguusapan niyo?” tanong ni Nella at ngumiti nalang si Paulito.

“Wala naman…Tuts, ikaw na bahala kay Nella sandali at may aasikasuhin lang ako” sabi ng vampira at naglakad siya palapit sa nakaluhod na bruha. Mga disipulo agad tumabi sa kanya, “Pare just like before ba?” tanong ni Virgous. “Pero wala si Wookie pare” sabi ni Bombayno. Lumapit bigla at sumingit si Anhica para tumabi kay Paulito, “Ako papalit sa kanya pansamantala” sabi ng dalaga at nagulat ang mga disipulo at napatingin lahat kay Paulito.

Nagkatinginang si Paulito at Anhica sabay nagngitian, “Hindi mga pre…di tulad ng dati…because this time…we are going to be awesome!” sabi ng punong disipulo at pumorma na sila. Nagsabog ng pulang ilaw ang katawan ni Monica, napasigaw siya at humihingi ng tulong. “Anong nangyayari sa akin?!!!” sigaw nya. “Aahhh tulungan niyo ako!!!”

Umatras ang mga disipulo habang pinanood nila dahan dahan tumayo si Monica, sigaw parin siya ng sigaw at lalo lumalakas ang nararamdaman nilang dark aura. “Anong nangyayari sa kanya?” tanong ni Bobbyno. “Kasalanan niya yan, akala nya makokontrol niya ang espiritu ni Fredatoria. Siguro kung di nya tayo nakaharap ay maari nya nagawa yon ngunit alam ni Fredatoria nandito tayo at gusto niya maghiganti sa ginawa natin” paliwanag ni Paulito.

Tayong tayo na ang bruha at nakikita nilang may dalawang espiritung naglalabanan sa katawan niya. Pagkalipas ng ilang segundo tumigil ang mga sigaw at napayuko ang ulo nito. Tumawa bigla si Monica pero hindi na niya tinig ang naririnig ng mga disipulo, ngunit tinig ng nilalang na minsay muntik nang sinira ang buong kaharian.

“Ang aking mga disipulo nagagalak ako at sinalubong niya ang aking pagbabalik ahahaha” bulong ni Fredatoria. Tinignan ni Monica isa isa ang mga disipulo at bigla siya napatigil kay Anhica, “Hmmm…wala akong natatandaan na babae…may manika ka pero di naman ikaw si Wookie…o ikaw si Wookie pero nagladlad ka na ahahahahahaha!!!” asar pa ng nilalang pero agad niya tinignan si Paulito.

“At ang paborito ko sa lahat…ang inakala kong magtutuloy sa aking adhikain…ang dakilang traydor!!! Nautakan mo ako talaga vampira ka, alam mo na pipiliin ko ang may pinakamahinang loob…nagpanggap ka at naniwala naman ako kaya ikaw napili kong paglipatan ng sugo…pero ngayon naiintindihan ko na bakit…” sabi ng Fredatoria pero biglang tinaas ni Paulito ang kamay nya at isang kidlat ang tumama sa may paanan ng kalaban.

“Tumahimik ka na! Madami kang satsat tapusin na natin ito!” sigaw ng vampira at tumawa ang demonyo. “Bakit ayaw mo malaman nila kung sino ka talaga?” tanong ni Fredatoria pero nagulat ang lahat nang sumugod na si Paulito na di niya karaniwang ginagawa. “Sinabi ko tumahimik ka na eh!!!” sigaw ng vampira at nagawa nyang isaksak ang espada nya sa tyan ng bruha pero tawa ng tawa si Fredatoria.

“Malamya ka!” sigaw ng demonyo at naglabas ito ng malakas na pulang ilaw at naipatapon lahat palayo. Tumaas sa ere ang demonyo at sumigaw ito ng malakas. “Kay tagal ko nang gusto gumanti sa inyo, kaya eto ang sa inyo!!!” sigaw ni Fredatoria at mula sa lupa may treseng kalansay ang lumabas.

Bagsak sa lupa ang katawan ni Monica at mula sa katawan nya lumabas ang treseng pulang espiritu na sumanib sa mga kalansay. Nagbago ang mga anyo ng mga kalansay at nagulat ang mga disipulo pagkat tumayo sa harapan nila ang mga sarili ilang mga imahe.

“Tignan natin kung pano niyo haharapin ang mga sarili niyo ngayon mga traydor!!!” sabay sabay na sinigaw ng mga impostor na disipulo. Mabilis nagkaharap ang mga impostor sa tunay na disipulo, sina Nella di masabi kung sino ang tunay at sino ang peke. Isa lang ang kakaiba pagkat hinarap ni Anhica ang impostor na Wookie.

“Nica sigurado mo kaya mo yan?” tanong ni Paulito. “Oo wag kang mag alala ako to e” sagot ng dalaga at nilabas niya ang manika nya at nakita ito ng vampira. “Ako naman yan e” sabi ni Paulito at pareho sila natawa.

Naghiwahiwalay ang mga disipula at para silang nakatingin sa salamin, si Ngyobert tinitigan niya ang impostor niya at ginagaya nito ang bawat galaw nya. Bubuwelo palang sana siya pero narapido na ang mukha niya ng suntok mula sa impostor nya. Ganon din ang nangyari sa lahat, si Chado mabilis na nayakap ng impostor nya kaya agad nya tinakpan nya ang tenga nya pagkat sinusubukan bumulong ng kalaban nya.

Si Virgous tumawa nang magpaapoy ang impostor nya, bilib na bilib syang walang talab ito sa kanya pero tumakbo sya at nagsisigaw pagkat kauna unahang pagkataon na naramdaman niyang masunog. “Hoy anong klaseng apoy yan?!!” sigaw ni Virgous habang tumakbo sya. Si Mhigito di makatakbo pagkat lagi sya nahuhuli ng impostor nya, si Bombayno nabingi sa sigaw ng kalaban nya.

“Anong nangyayari, si yung mga kakampi natin?” tanong ni Paul pagkat nalilito talaga sila sa mga nakikita nila, di nila alam kung sino ang mga nasasaktan. “Di ba tayo pwede tumulong?” tanong ni Chiara. “Fwedee fero shino thuthulungan mo dhiyan magkakamuhhwah shila, vaka mashaktan nathin mga kashama nathin” sagot ni Tuti. Habang yung tatlo kinakaban, ibang kaba ang nararamdaman ni Nella.

“Tuti, bakit parang magkakilala si Paulito at Anhica? Bakit parang close sila e…bakit ganon Tuti?” bulong ng dalaga. “Di ko alam, ngayon ko lang din nakasama si Anhica” sagot ng vampira kaya napatingin si Nella kina Paula at Chiara. “Teka nasan si Yui?” tanong ng dalaga at napalingon sila at di nila mahanap ang dwendeng spellcaster. “Hindi ko naman nakitang nasaktan yon, kasama ni Darwino kanina diba?” sabi ni Paula.

“Baka pumasok siya sa palasyo para hanapin ang corona” sabi ni Chiara at nagkatinginan sila lahat. “Oo nga nakalimutan natin, tara na sa loob at hanapin ang corona” sabi ni Paula. “Teka, e pano kung may kalaban pa sa loob?” tanong ni Nella. “Magtiwala ka naman sa amin mahal na reyna, at wala na din tayo magagawa dito. Magtiwala ka din sa mga disipulo, di tayo pwede tumayo lang dito” sabi ni Paula. Napatingin si Nella sa dalawang Paulito at huminga siya ng malalim, “Tara na, tama kayo kailangan natin gumalaw din” sabi nya kaya mabilis silang umiwas sa labanan at nagtungo sa loob ng palasyo.

Si Darwino pilit pinapakain ng golden ball ng impostor nya habang si Bobbyno nabuhat at pinaghahampas sa lupa. Wala din magawa si Louis at kaya magpalit palit sya ng anyo ginagaya lang siya at laging naiisahan ng impostor nya. Si Sarryno gumapang sa lupa pagkat kinagat sya sap wet ng lobong impostor habang si Bashito ay tumatakbo pagkat hinahabol siya ng isang elepante.

Si Vandolphous nakatayo parang estatwa, nahulog sya sa kapangyarihan ng impostor nya, ilang sandali pa inuumpog niya sarili nya sa isang puno habang tawa ng tawa ang impostor nya. Si Paulito nakaluhod lang sa lupa at pinagsisipa siya ng kalaban nya, di sya lumalaban at tinatanggap nya ang bawat banat sa kanyan ng kalaban nya.

“Pau! Pano to?” sigaw ni Virgous habang tumatakbo sya pagkat hinahabol siya ng nagbabagang imahe niya. Di sumagot ang punong disipulo, prinotektahan nya lang sarili nya sa mga tira ng kalaban nya, paglingon niya sa paligid nakikita nyang naghihirap ang mga kaibigan nya at namumuo na ang galit sa loob nya.

Ilang sandali pa sumulpot si Yui sa balikat ni Paulito, “Yui nagawa mo ba yung pinapagawa ko?” tanong ng vampira. “Oo, ayos na” sagot ng dwende. “Sige samahan mo na sina Nella, pumasok sila ng palasyo kami na bahala dito” sabi ni Paulito at nawala ulit ang dwendeng spellcaster.

“Mga pre makinig kayo sa akin…oo ako to si Paulito…alam ko naririnig niyo ako sa isipan niyo. Wag niyo na itanong pano pero makinig kayo sa sasabihin ko. Yan mga kalaban niyo kayo din lang yan…maging kalmado lang mga pre…kung magpapakita kayo ng galit lalong lalakas mga yan pagkat dyan nabubuhay mga yan. Sa kasamaan natin sila humuhugat ng lakas…isipin niyo maigi kung sino talaga kayo at subukan niyo sila utakan…mas kilala niyo sarili niyo”

“Natatandaan niyo yung sinabi ko na alam ko lahat ng kahinaan niyo…kasi matagal ko na kayo pinapanood at inoobserbahan. Alam niyo ang kahinaan niyo…alam niyo din ang kalakasan niyo…dito sa laban na ito hindi ito tungkol sa gano tayo kalakas ngunit kung gano tayo kahina…alamin niyo ang kahinaan niyo at doon niyo mahahanap ang paraan upang talunin ang impostor niyo” sabi ni Paulito sa isipan nila.

Lahat ng disipulo lumuhod sa lupa at tinanggap ang parusa na binibigay ng mga kalaban nila. Naging kalmado sila lahat at unti unting humihina ang mga tira ng mga kalaban nila. Ilang sandali pa nakatayo nalang ang mga kalaban nila at tila nag aantay ng mga galaw nila.

“hahaha pare tama ka ah, tignan mo to sipa ng sipa sa akin pero wala ako nararamdaman” sabi ni Louis. “Pero pare si Fredatoria ito bakit ganito nangyayari?” tanong ni Chado. “Gusto nya ipatikim sa atin ang mga kapangyarihan natin, pero nagkamali sya, sa kalansay niya binuhay ang mga imahe natin. At yang mga kalansay na yan kumukuha ng lakas sa ating emosyon at kasamaan…kaya maging kalmado lang pag isipan maigi ang igagalaw niyo bago kayo umatake. Isipin niyo ang kahinaan niyo at yon din lang ang kahinaan nila” paliwanag ni Paulito.

Isang minuto ang lumipas at tumigil ang mga impostor at naupo narin sa lupa, maliban sa impostor ni Wookie na nakikipaglaban pa kay Anhica. “Kaya mo pa ba?” tanong ni Paulito at nahihirapan na yung dalaga sa pagkontrol sa mga espiritu pero kinakaya pa nya. “Oo pero bakit di tumitigil itong kalaban ko?” tanong ng dalaga. “Malamang si Wookie ay nakikipaglaban sa mga oras na ito…sana ayos lang siya” sagot ni Paulito. Pinagmamasdan lang nila ang mga disipulo kaya sabay sabay sila nagsalita “Ano ba binabalak niyo mga traydor kayo!!! Labanan niyo ako!!! Pakita niyo ang tapang niyo sa akin!!!”

“Pare kanina pa ako nag iisip ng kahinaan ko di ko alam!” sigaw ni Virgous at biglang nagpaapoy ang impostor nya. “Pare kalma lang tignan mo pag galit ka lumalakas kalaban mo” paalala ni Bombayno. “Sige isipin niyo pa maigi ang kahinaan niyo, mas kilala niyo sarili niyo” sabi ni Paulito kaya nanahimik ulit sila at pinagmasdan ang mga kalaban.

“Ngasengo ango” sabi bigla ni Ngyobert at naglabas sya ng dalawang bote ng alak at inabot ang isa sa kalaban nya. Nagulat ang mga disipulo nang mag inuman ang dalawa kaya bigla sila natawa. “Wag niyo tawanan, alam ni Ngyobert ang weakness nya, ayan nilalabas niya…buti pa gumaya kayo sa kanya” sabi ni Paulito at lalo pa sila nag bungisngis nang tinatapon ni Ngyobert ang kanyang inumin habang tinutungga ng kalaban nya ang alak.

Nahiga si Bashito sa lupa at pinikit nya ang mga mata nya, gumaya ang impostor nya kaya mas lalo natawa ang lahat. “Mga pre alam niyo naman antukin ako pero mabilis din naman ako gumising…kaya paki timing naman pag gising sa akin o pero wag din sana gisingin ng kalaban niya yung impostor ko” bulong ni Bashito at sabay pa sila humikab ng kalaban nya.

“Oh shwet…pano ko uutakan ang sarili ko?” sabi ni Vandolphous at napakamot sya. “Artista ka diba pare, so get into the groove” banat ni Sarryno at napangiti ang artistahin vampira. “Nagbibigay ka advice e ikaw naisip mo na ba strategy mo?” tanong ni Louis at pinagmasdan ni Sarryno ang kalaban nya.

Napasigaw si Anhica pagkat natatalo na ang mga espiritu nya, napansn din nilang nanghihinaang impostor na Wookie kaya lahat sila kinabahan. Tumayo bigla ang dalawang dwende at nagtinginan sila, “Mukhang tayo ang pag asa ng lahat, tayo ang mitsa ng himagsikan” drama ni Darwino. “Oo nga, kahit mahirap gawin ito basta para sa ikabubuti ng lahat” sagot ni Bobbyno at tumayo din ang mga impostor nila.

“Louis pare, kailangan namin ang tulong mo” sabi in Darwino at tumayo si Louis pati impostor niya napatayo. Si Virgous napangiti nalang bigla at dahan dahan tumayo, sunod sunod na ang mga disipulo at tila nabuhayan sila. Huling tumayo ang punong disipulo at lahat sila nagkatinginan.

“Sa palagay ko natuklasan niyo na ang kahinaan niyo?” tanong ni Paulito at nagkatawanan silang lahat. “Pero pare bakit ikaw…ikaw pinakamautak dito dapat kanina mo pa napatay yang impostor mo” sabi ni Bombayno pero napasimangot si Paulito. Ang mga ngiti nila napalitan ng kaba at muling niyuko ng punong disipulo ang ulo niya at naupo.

“Oo nga naman kanina ka pa walang kibo, bakit pre nakabalik ka ba pero naiwan utak mo?” biro ni Vandolphous at napangisi nalang ang vampira. “Oh shwet…wag mong sasabihin na…nasa loob mo parin ang sugo” sabi ni Virgous at huminga ng malalim si Paulito. “Hindi pre…” sagot ng vampira at nakahinga sila ng maluwag.

“Bilisan niyo na sana diyan sa mga kalaban niyo…kasi kailangan ko tulong niyo…di ko alam ang kahinaan ko…di ko alam pano talunin itong impostor ko…” bulong ni Paulito at nagtaka silang lahat.

“Ako na kasi yung Sugo ng Fredatoria”