sk6

Monday, June 1, 2009

Chapter 9: Mga Disipulo ng Fredatoria

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 9: Mga Disipulo ng Fredatoria

Dalawang araw na ang lumipas at di parin nakakabalik ang espiritu ni Anhica. Wala parin sina Sarryno, Bashito at Mhigito kaya kinakabahan na si Wookie. “Wooks, ano gigisingin ko nanaman si Nella para kumain at maligo tapos papatulugin ko ulit?” tanong ni Vandolphous. Di sumagot ang mambabarang at naglakad lakad lang, “Wag kayo maingay…may narininig ako” sabi ni Bombayno at mula sa gubat lumabas ang tatlong vampira na nanghihina.

“Mhigito nahanap niyo ba?” tanong ni Wookie at bagsak ang tatlo sa lupa, “hindi namin mahanap pero napalaban kami…madaming mga tiyanak at tikbalang…ubos sila pero wala kami mahanap na makain” sabi ni Bashito. “Bombayno ikaw na bahala sa kanila…tsk nasan ka na Paulito!” sabi ni Wookie at nagising bigla si Nella naglakad papunta kina Sarryno. “Wag kang mag aalala medyo pinalatian ko memories niya saglit pero di magtatagal babalik din yan” bulong ni Vandolphous.

Habang abala sila ginagamot at pinapakain ang tatlong vampirang kababalik biglang may maliwanag na ilaw ang bumulag sa kanila saglit. Nang humupa ang ilaw nakita nila si Virgous hawak ang dalawang dwende, kasama nila si Aneth, Leonardo, Paula at madaming diwata at dwende. “Ano nahanap niyo na ba si Paulito?” tanong ni Aneth.

“Bakit ano nangyari kay Paulito?” tanong ni Nella at napakamot si Wookie, lumapit agad si Vandolphous sa dalaga pero tinakpan ni Nella ang mga mata ng vampira. “Tumabi ka nga diyan duling! Anong nangyari kay Paulito? At bakit wala ako maalala sa nangyari kahapon?” hirit ni Nella. Lumapit si Aneth sa kanya at inakbayan ang dalaga, “Mahal na reyna huminahon ka muna, may pinuntahan lang saglit si Paulito” sabi ng diwata.

“Tama na ang pagsisinungalin mo Aneth! Alam niyo tungkol sa sugo, bakit niyo nilihim yon sa amin. Sana natulungan namin siya!” pagalit na sinabi ni Wookie at nagulat ang ibang disipulo. Lumapit sina Sarryno, Bashito, Mhigito, Virgous, Vandolphous, Bombayno, Louis at Ngoybert at napalibutan ang diwata.

Pati ang mga dwende galit na lumapit at tumayo sa may paanan ng diwata pero pareho silang nakangiti. “Ayaw niya ipagsabi…noong unang laban na ipinatawag kayo lumapit siya sa amin upang magpatulong. Sinubukan namin ang lahat para maalis ang sugo sa kanya pero sa kanya talaga dumikit ito” kwento ng diwata.

“Ano to? Anong sugo?” tanong ni Nella. “Noong unang panahon meron isang nilalang, sabi nila demonyo siya at gusto niya sakupin ang buong mundo…nagsimula siya maghasik ng lagim dito sa Plurklandia. Kami na treseng nilalang nagpanggap at sumanib sa kanya para makuha ang tiwala nya. Oo nakagawa kami lahat ng kasamahan pero para lamang pagkatiwalaan niya kami” kwento ni Louis.

“Louis! Itigil mo yan!” banta ni Wookie. “Hayaan mo na para malaman na nila ang katotohanan” sagot ng vampira kaya umatras ang mambabarang at hinayaan si Louis magkwento.

“Tama kami, dahil sa pinakita naming katapatan ay napili kaming trese na maging estudyante ng Fredatoria, at kami ay naging mga disipulo niya. Nabiyayaan kami ng kakaibang kapangyarihan at yon ay ginamit namin laban sa demonyo. Nagtagumpay kami at napatay namin ang demonyo…pero bago siya mawala nagbabala siya na matakot kami sa sugo. Ang sabi ng demonyo ay nakita na niya ang balak namin sa simula palang kaya naghanda siya ng isang nilalang na mas makapangyarihan pa sa kanya at magtutuloy ng adhikain niya”

“Nahirapan na kami sa kanya kaya mas natakot kami sa sugo na sinasabi nya. Halos mamatay na kami sa paglaban sa demonyong yon at nakagawa na kami ng mga bagay na ayaw namin para lang mapatay siya…kaya ganon nalang kami katakot sa sugo…pagkamatay ng demonyo lalo pa kami lumakas…tinawanan namin si Paulito pagkat siya lang ang di nagbago”

“Tinukso namin siya bilang pinakamahina pero dahil sa talino niya napili namin siya bilang pinuno…tulad ng pagpili ng hari ng Plurklandia, ang pinakamahinang nilalang ang pinipili na mamuno…” kwento ni Louis.

“Pero kay Paulito pala sumanib ang sugo…kaya pala siya lagi lumalayo…naiintindihan ko na…ayaw niya ipahalata na nahihirapan na siya kontrolin ang sugo…pero sana sinabi niya sa amin” sabi ni Wookie.

“Nung huling laban na pinatawag kayo…pinuntahan niya kami upang tulungan siya pagkat nasisiraan na siya ng bait…ako, ang punong dwende at iba pang punong nilalang nagsanib pwersa sa mahiwagang gubat at sinubukan ilabas ang sugo. Nailabas namin ito konti pero kahit konti palang madami na agad siyang napatay na nilalang sa paligid…ganon siya kalakas. Nagpasya kami na wag nalang siya ilabas…naisipan namin na patayin nalang si Paulito para mamatay narin ang sugo kasama siya” kwento ng diwata at bigla siyang sinampal ni Nella.

“Pero nakiusap si Paulito…gusto pa daw niya makasama si Felicia…at gusto pa daw niya kayo makasama. Kaya pa daw niya labanan kaya tangin nagawa namin ay magtalaga ng isang sumpa…sa takdang panahon na di na niya kaya kontrolin ang sugo ay kailangan niya mamatay. Nagsakripisyo ang isang puting bruha…binigay niya ang buhay niya para siya ang magsusundo kay Paulit sa takdang panahon. Kinadena namin ang kaluluwa ni Anihca sa batis…sa takdang panahon magtutuwid ang landas nila…at nangyari na yon” kwento ni Aneth at lalo pa siya pinagsasampal ni Nella kaya hinawakan na ni Ngyobert ang reyna.

“Yung multo sa batis…sabi nya matagal na niya inaantay…si Paulito” sabi ni Nella at umiyak na siya. “Pasensya na kayo…yun lang ang naisip naming paraan…di nating pwede hayaan lumabas ang sugo…alam niyo naman yon. Hindi namin ito pinaalam kay Paulito pero sigurado ko nakiusap nanaman siya kaya tumagal ang buhay niya hanggang ngayon” sabi ni Aneth.

Lahat natamik at masama ang tingin sa diwata pero bigla silang nakarinig ng malakas na sigaw galing sa gubat. “Si Chado yon! Bumalik na si Anhica!” sigaw ni Wookie at nagmadali siyang nagtungo sa gubat. Lahat sumunod sa kanya at nadatnan nila si Chado na hilong hilo pa sa lupa.

“Kailangan niyo magmadali! Nandon siya sa pinakamataas na bundok ng Plurklandia…bilisan niyo!!!” sigaw ng multo. “Aneth! Leonardo! Maglabas kayo ng portal dalian niyo! Alam ko na nasan si Paulito” sabi ng mambabarang.

Naglabas ang mga diwata ang dwende ng malaking portal, “Anhica ituro mo ang daan, lahat kayo sundan niyo ako. Walang maiiwan dito pagkat may mga kaaway tayong pasugod dito…alam nila nandito ang reyna” utos ni Wookie. “Pano mo nalaman?” tanong in Leonardo. “Mga bantay na espiritu, bilisan niyo na! Tara na sundan niyo ako!” sigaw ni Wookie.

Lahat pumasok sa portal at walang natira sa Vampire town, ilang segundo lang sinalubong sila matinding ginaw sa itaas ng bundok. Di nila inintindi ang lamig at agad nagkalat para hanapin ang punong disipulo.

“Nandito siya!” sigaw ni Paula. Sa likod ng isang malaking bato nakasandal ang vampira, sumugod ang mga dwendeng manggagamot at diwata, pinigilan muna makalapit sina Nella at mga disipulo.

“Wag muna kayo lumapit! Magtiwala kayo sa amin, gagawin namin ang lahat para mapagaling siya” sabi ni Aneth at di makapagpigil ang mga disipulo pero wala na silang magagawa kaya nag antay nalang sila.

Ibat ibang ilaw ang nakikita nila sa likod ng puno, si Nella palakad lakad lang at kumakanta. “Okay lang siya alam ko, mamaya aakyat nanaman siya sa taas ng puno para bantayan tayo. Mamaya sasama ulit ako sa kanya sa puno para sabay namin pagmasdan ang mga bituin…” sabi ng dalaga at wala nakapansin sa mga luha na tuloy tuloy dumadaloy sa mga pisngi niya.

Pagkatapos ng dalawang oras nakita ng mga disipulo na paalis na sina Aneth mula sa malaking bato, inaantay nila ang kaibigan nila pero hindi nila ito nakita. Lahat napatingin kay Aneth at sa mga manggagamot pero lahat sila nakayuko ang ulo kaya agad tumakbo si Nella papunta sa bato at napasigaw. Takbo ang mga disipulo papunta sa bato, isang nakangiting Paulito ang sumalubong sa kanila, nakayakap sa kanya si Nella at nag iiyak.

“Wow, kumpleto na ulit tayo” sabi ni Paulito at napapikit siya pero niyuga siya ni Nella at muli niya nadilat ang mga mata niya. Hinang hina na ang punong disipulo, pilit na ang ngiti niya at dama yong ng mga kaibigan niya. DI na nila mapigilan ang maluha, kahit nagmamatigas sila di nila maitago ang tunay na nararamdaman nila.

“Mga pre…gusto ko sana kayo makasama…makausap isa isa…pero di ko na talaga kaya. Pwede ba makinig nalang kayo sa akin” hiling ni Paulito at lahat lumuhod at nakinig sa kanya.

“Sorry at di ko sinabi sa inyo tungkol sa sugo…pero okay na…di niyo na proproblemahin pa…sorry din at di ko sinabi sa iba tungkol sa nangyari pagkatapos nung huling laban natin. Di naman sa nagpapabida ako…gusto ko lang maging malaya kayo…pero eto nagsama ulit tayo”

“Mga pre kayo na bahala…kailangan ulit tayo ng kaharian. Kalimutan niyo na yung ginawa nila sa atin…sayang talaga gusto ko makasama ulit kayo. Naalala ko pa yung mga huling laban natin…mga biruan…mga kasiyahan…at kahit sa hirap magkakasama parin tayo”

“Alam ko ang tumatakbo sa isipan niyo…di kayo makakagalaw ng maayos pag wala ako. Hindi totoo yon, kahit wala ako alam ko magiging mahusay kayo…sa totoo nga bilang pinuno wala naman talaga ako ginagawa pagkat alam niyo naman ang kailangan niyo gawin e. Minsan nga lang may nagpapasaway pero siguro kahit wala ako e magpakiramdaman nalang kayo. Bilang pinakamahina dati natuwa ako pinapanood kayo lumalaban, sa likuran ako lagi at kahit papaano di niyo ako pinapabayaan…nakatulong din kayo sa pagsupil ng paglabas ng sugo dahil doon”

“Pero mga pre…kailangan ulit tayo ng kaharian…eto ang reyna…bantayan niyo maigi hanggang sa makaupo sa trono…at kung pwede kahit nakaupo na tulungan niyo parin siya…tapos na ang misyon ko mga pare…napagsama sama ko ulit ang tropa…sa totoo masakit din ito kaya kung pwede wag nalang kayo magsasalita pagkat lalo lang sasakit loob ko…kaya mauna na muna ako ha mga pre” sabi ni Paulito at tumayo ang mga disipulo at niyuko ang mga ulo nila. Isa isa sila nagbigay pugay sa pinuno nila sa pamamagitan ng isang ngiti, isang gawain na kay hirap gawin sa mga sandaling yon pero pilit nila ginawa para sa kanya.

Umalis isa isa ang mga disipulo, lumapit si Leonardo at dala ang isang sanga galing sa mahiwagang puno. “Sino ang sasaksak sa kanya?” tanong ng kapre pero wala pumansin sa kanya at tuloy ang paglakad. Lumapit si Leonardo at inabot ang kahoy kay Nella, “kung tapos na kayo mag usap…para hindi na siya mahirapan” sabi ng kapre. Kinuha ni Nella ang kayo pero muling yumakap kay Paulito at umiyak. Umalis si Leonardo at iniwan ang dalawa, lahat ng nilalang doon nagluluksa.

“Okay lang ba na samahan mo ako sandali pa…gusto ko lang may kasama na pagmasdan ang mga tala” bulong ni Paulito at hinawakan ni Nella ang kamay niya. “Pano na ako? Sino na magliligtas sa akin?” sabi ni Nella. “Madaming magliligtas sa iyo…nandyan pa sila…doseng magigiting na mandirigma…tinipon ko sila para sa iyo…para protektahan ka at bantayan ka pag nakaupo ka na” sagot ng vampira.

“Gusto ko meron ka sa tabi ko!” iyak ni Nella at niyakap siya ng vampira. “Sana nga e pero ito talaga ang nakatakda para sa akin…wag ka na malungkot mahal kong reyna…ipangako mo na mamaging magaling na pinuno ka…pero di ko na kailangan sabihin sa iyo yan pagkat nararamdaman ko ikaw ang magiging pinakamagaling na pinuno ng buong kaharian”

“Wag ka malungkot sa aking pagkawala…wala man ako sa piling mo pero nandyan sila…dose sila para punan ang aking pagkukulang” sabi ni Paulito. “Hindi e! Iba parin pag ikaw kasama ko!” iyak ni Nella at tumawa ang vampira.

“Halika pagmasdan natin ang mga bituin” sabi ni Paulito kaya bumitaw si Nella at naupo sa tabi nya. Naghawakan sila ng kamay at parehong tinignang ang langit. “Nella…tuwing nalulungkot ka tumingala ka lang tuwing gabi sa langit…hanapin mo yung pinakamatingkad na tala…yung pinakamakislap ang ningning niya…isipin mo ako yon at binabantayan ka. Kahit na maulap ang langit pipilitin ko parin magpakita sa iyo…at pag nahanap mo ako wag kang luluha…ngumiti ka lang lagi...”

“Alam mo ba…ikaw din ang nagpabalik ng ngiti sa mukha ko…” sabi ng vampira at ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mga bituin. Sinandal ni Nella ang ulo niya sa balikat ng vampira at hinanap ang pinakamakintad na bituin.

Ilang sandali ng paghahanap nakita ni Nella ang pinakamatingkad na tala, sa tuwa niya tinuro niya ito at niyanig ang vampira. “Ayun o, look the brightest star!” sabi ng dalaga at napatingin siya kay Paulito. “Paulito, nahanap ko na, ayun o tignan mo” sabi niya pero di na gumagalaw ang vampira, nakabukas ang mata niya at nakatingin parin sa langit, may ngiti parin sa mukha niya pero wala na siyang buhay. Humagulgol ng napakalakas si Nella, lahat ng nilalang sa tuktok ng bundok naramdaman na ang pagpanaw ng kaibigan nila.

Ilang minuto nakita na nila si Nella hawak ang kahoy, basang basa ang mukha niya sa luha pero may pilit na ngiti na ipinapakita. “Hoy! Ngumiti kayo!” sigaw niya sabay bitaw sa kahoy. Napaluhod si Nella sa lupa at muling humagulgol. “Wala na siya!!!” sigaw niya. Tumayo ang mga desipulo at naglakad papunta sa may bato, “Wag! Wag niyo siya aalisin diyan! Hayaan niyo siya pagmasdan ang langit at panoorin ang mga tala…hayaan niyo nalang ang araw at kalikasan kumuha sa kanya”

“Ito ang utos ko bilang reyna! Maghanda kayo lahat at lalaban tayo!”