TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 6: Babae sa Batis
Dumami na sila sa grupo at nasa teritoryo na sila ng kalaban kaya maingat silang naglakbay papunta sa Vampire Town. Upang di mahalata kinailangan nila maglakad at makibagay sa ibang nilalang.
“Pwede naman tayo magshortcut papuntang vampire town bakit pa natin kinakailangan dumaan sa itim na gubat?” tanong ni Virgous. “May susunduin tayo sa gubat” sagot ni Paulito at tumahimik ang lahat. “Look o a giant bird” sabi ni Bobbyno kaya lahat napatingin sa langit at may malaking ibon na lumilipad sa ibabaw nila. Biglang nilabas ni Darwino ang gintong tirador niya at tinira ang ibon. Sapol ang ibon sa ulo at bumagsak ito sa malayo.
“Sayang ang layo ng binagsakan, gusto ko sana makita yung giant egg nya ahahaha…dalawa kaya yon?” landi ng dwende at napatawa sila lahat. Trenta minutos sa paglakbay may humarang sa kanilang malaking oso at galit na galit ito. Aatakehin na sana ni Bobbyno ang oso pero pinigilan siya ni Paulito. “Tignan mo ulo niya…may bukol” sabi ng vampira at biglang nagtawanan ang mga disipulo.
Natakot si Nella kaya nagtago sa likod ni Paulito pero humakbang palapit ang vampira sa oso at yung ibang disipulo ganon din ang ginawa. “Wag mo sabihin yan ang pananghalian natin?” sabi ni Nella kay Paula. “Hindi po, kung di ako nagkakamali ay isa sa mga disipulo yan” sagot ng diwata at nagulat si Nella.
“Mukhang pinagtripan ka nanaman ng isang kaibigan natin ha…kumusta ka na Bashito?” sabi ni Paulito at nilagay nya ang kamay nya sa ulo ng oso at nagliwanag sa paligid. Napasigaw ang oso at napaatras ang mga disipulo, di nila alam ano ang ginagawa ni Paulito pero unti unting nagiging tao na ang oso.
Ilang sandali pa isang pamilyar na mukha ang nakita nila pero agad sila nagtawanan. “Wahahaha may bukol parin sa ulo!” biro ni Darwino at bigla siyang binatukan sa ulo ni Bashito. “Tado! Tinirador mo ako kanina e!” sigaw ng kaibigan nila. “Wahahaa ikaw yung bird? Sorry pare” sagot ng dwende at lalo pa sila nagtawanan.
Nagsaya ang pitong disipulo habang nagmasid lang sina Tuti, Paula at Nella. “Oy Paula, ano yung ginawa ni bossing kay Bashito?” bulong ni Tuti. “Hindi ko din alam e…walang sinabi sa akin si Aneth tungkol sa kapangyarihan na ganyan. Nagtataka din ako kung pano niya napatay ang mga sunog ni Virgous” sagot ng diwata. Napalingon sa kanila si Paulito kaya pasimple silang naghiwalay.
“After nung huling laban natin at nung pinagtago tayo nag away kami ni Wookie, bwisit yon pinagtripan ako at din a ako makabalik sa anyong tao. Mula noon hanggang ngayon papalit palit lang ako ng anyong hayop” kwento ni Bashito at tawa ng tawa ang mga dwende. “E pano ka nag aano…hahaha…hayop!” landi ni Bobbyno at sumabog ang lahat sa katatawa maliban kay Bashito.
“Ah bumawi ako talaga araw araw nagiging ibon, pagnakita ko nakaligo na siya tataehan ko siya sa ulo” kwento ni Bashito at halos mamatay na sa tawa ang dalawang dwende. “Pero isang taon na ako tumigil, binabantayan ko nalang siya…nasiraan na ata siya ng bait e” hirit nya at nagulat ang lahat. “Di ba dati na may topak yan at kinakausap niya manika niya?” tanong ni Sarryno.
“Oo pero mas malala ngayon, di lang isa ang kausap nya, madaming manika na. Binuha niya sila…basta mamaya nalang puntahan natin siya” sabi ni Bashito sabay tingin kay Paulito. “Di namin itatanong pano mo nagamot si Virgous at si Bashito, alam namin lilituin mo lang kami pagkat mautak ka. Pero si Wookie…kaya mo din ba ibalik sa dati?” tanong ni Bobbyno.
“Tara na, Bashito ituro mo ang daan” sagot lang ni Paulito at tinignan niya si Nella na agad naglakad sa tabi nya. “Bossing dito nalang sumakay yung girls” sabi ni Bashito at bigla siyang naging malaking kabayo. Tuwang tuwa ang mga babae pero biglang sumakay sa likod ni Bashito si Ngyobert. “Nyed Nyors! Nyeeedyap!” sigaw ng kapre at muli sila nagtawanan pagkat bagsak ang katawan ng kabayo sa lupa. “Tado ka Ngyobert!” sigaw ni Bashito.
“Wah! Nagsasalitang horsey! Wahahaha ishamirakol!” sabi ni Darwino at nauwi sa katatawanan ang lahat kaya nagpasya na mananghalian muna sila sa lugar na yon. “Oy Bashito kaya mo ba talaga maging kahit anong hayop?” tanong ni Sarryno. “Oy parang ayaw ko yang nasa isip mo” sagot ni Bashito at muling tumawa ang mga dwende. “Vrookvack vroockvack!!!” sigaw nila. “Pero oo kaya ko kahit ano” pasikat ni Bashito at nagkatinginan ang mga dwende at si Sarryno.
“Sige nga, malaking manok nga…FRIED CHIKEN!” sigaw ni Darwino at lalo pa nag asaran ang ibang mga disipulo. “Virgous pagkatransform nya sya chicken tostahin mo na siya agad nyahahaha” banat ni Paulito na ikinagulat ng lahat pagkat bihira siya makisali sa mga katatawanan. Nagkatinginan ang mga disipulo saglit sabay sumabog nananam sila sa katatawanan. “Ngoink ngoink ngalang” hirit ni Ngoybert at halos mamatay na sila sa katatawa.
“Ganyan ba talaga mga yan? Parang di tuloy ako makapaniwala na mandirigma sila” bulong ni Nella sabay tawa. “Oo ganyan sila, mas grabe pa pag nakumpleto sila…pero pagdating sa laban magugulat ka at mag iiba ugali nila” sagot ni Tuti. “Pano ba sila napili maging disipulo ng Fredatoria? Sa alamat wala sinabi kung ano ang Fredatoria basta nalang sinabi na sila yon” sabi ni Paula. “Sila lang nakakaalam non at di nila pinagsasabi maski sa akin hindi. Pero minsan may nadulas sa kanila at nabanggit ang Sugo ng Fredatoria, doon ko lang sila nakita natakot lahat…walang nagkibuan…maski si bossing nakita ko takot sa mata niya for the first time” kwento ni Tuti.
“Tuti!” biglang sigaw ni Paulito at tumayo sa takot ang vampira. Nagkatitigan sila ng matagal at niyuko ni Tuti bigla ang ulo niya at mabilis na umalis. Lumapit si Nella kay Paulito at hinila ito. “Bakit ano ginawa mo kay Tuti?” tanong ni Nella. “Pinakuha ko ng pagkain” sagot ng vampira. Di naniniwala si Nella kaya tinitigan niya si Paulito sa mata, bago pa siya makakapagsalita naunahan na siya ni Paulito. “Mag ingat ka sa sasabihin mo…narinig mo ang kwento ni Tuti…wag mong susubukan banggitin yon” bulong ni Paulito at natakot si Nella pagkat nakita niya ang galit sa mga mata ng vampira.
Pagkatapos mananghalian ay nagtuloy sila ng lakad, sa unahan si Bashito pagkat alam niya ang daan papunta kay Wookie. Nasa likuran ang mga babae at napansin nila na nawawala si Paulito. Lumingon sa paligid si Nella at di talaga niya mahanap ang vampira. Pagkaharap niya nagulat nalang siya pagkat katabi na niya si Paulito at may inaabot sa kanyang rosas. Napangiti si Nella bigla at kinuha ang bulaklak at inamoy, “Sorry kanina” sabi ng vampira sabay diniretso na ang tingin niya.
Dalawang oras ng paglalakad biglang tumigil si Bashito at sinenyasan silang manahimik. Dumapa siya sa lupa at lumapit ang lahat sa kanya at dumapa din. Sa malapit may nakatayong barong barong at sa tapat nakaupo si Wookie, nag itsurang matanda na haba ng balbas at buhok nya. Tumatawa mag isa si Wookie at sa harapan niya may treseng manika na nagsasayaw. “Ah kutchi kutchi kutchi kutchi jai ho!” kanta ng mambabarang at nagpipigil ang grupo sa pagtawa.
Humupa ang tawa ng mga disipulo pagkat napansin nila ang mga manika, bawat isa ay kapareho ang itsura sa mga disipulo ng Fredatoria. Tumigil ang sayaw ng mga manika, tuloy ang kanta ng mambabarang, may isang dragon na manika ang lumabas at nagkalat ang mga manika sa lupa. Ganito ang nangyari nung huling laban nila ilang taon nang lumipas, bawat galaw ng mga manika parehong pareho sa mga ginalaw ng mga bida noon.
Tumigil ang kanta ni Wookie pero tuloy ang aksyon ng mga manika na lumalaban sa dragon. Natalo ang dragon at nagtipon tipon ang mga manika pero isa isa din lang naglakad palayo. Napansin ng lahat na umiiyak si Wookie kaya tumayo bigla si Paulito, “dito lang kayo” utos niya at mabilis siyang lumapit kay Wookie.
Pagkalapit ni Paulito biglang tumayo si Wookie at nagpunas ng mata, kahit ilang beses niya linisin ang mata, ang kaibiga niya ang talagang nakatayo sa harapan niya. Tumakbo si Wookie at pinulot ang isang manika, pinagmasdan nya ito sabay tinitigan si Paulito. Tumawa bigla si Wookie at inabot ang vampirang manika sa kaibigan nya. Sabay napayuko ang magkaibigan pero nilagay ni Paulito ang kamay niya sa ulo ni Wookie, may malamig na ihip ng hangin sa paligid at isa isang naglalaho ang ibang mga manika. Pati ang hawak ni Paulito na manika at nawala sa kamay nya, ngunit isang manika lang ang natira at ito ang Wookie doll ng mambabarang na kahawig nya.
“Ahoy!” sabi ni Wookie at kinawayan ang ibang disipulo. Tumawa ng malakas ang mambabarang at tumayo ang ibang disipulo at sumugod papunta sa kanya. Naiwan sina Tuti, Paula at Nella na luhaan pagkat masyadong madrama ang muling pagkikita ng mga magkakaibigan.
Pinulot ni Wookie and manika niya at biglang binatukan si Bashito, “Tado ka! Halos makalbo na ako sa paulit ulit kong pagliligo araw araw” sabi ni Wookie at tawa ng tawa ang mga dwende. “Bawi bawi lang” sumbat ni Bashito at nagkamayan sila. Doon na sila namalagi, malapiyesta ang pagkain pagkat madaming hayop sa gubat na yon.
Nagulat ang lahat pagkat may dalang alak nanaman si Ngyobert at di talaga nila alam saan niya kinukuha ang mga yon. Habang ang lahat nagsasaya napansin ni Nella na wala yung dalawang maingay na dwende. “Baka naligo si Paula sa batis tapos binosohan nanaman nila” sabi ni Tuti. “Oy nandito ako no” sabi ni Paula at nagulat sila na nasa taas sya ng puno at nakaupo sa isang sanga. “Ano ginagawa mo diyan?” tanong ni Nella. “Nagbabantay, sinusubukan ko maging useful kasi last time…hay sorry about that” sabi ng diwata at napangiti si Nella.
“Tuti bakit ayaw mo makisaya sa kanila?” tanong ni Nella. “Utos ni boss bantayan kita, mamaya salitan kami. Ako naman doon at siya dito” sagot ni Tuti. “Ok lang naman e kasama ko naman si Paula” sabi ni Nella. “Oo nga yan din sinabi mo last time diba?” sagot ni Tuti at biglang may pine cone na bumagsak sa ulo ng vampira. “Hoy! Noon lang yon, promise di na mauulit yon” reklamo ni Paula at nagtawanan ang tatlo.
Habang nagkakatuwaan ang iba narinig nila ang mga sigaw ng dalawang dwende. Hindi nila ito pinansin pagkat nasanay na sila sa mga biro nung dalawa. “Paulitooooo…help!!!” sigaw ni Darwino at Bobbyno at pagdating nila sa grupo basang basa sila at hingal na hingal. “Ano nanaman yang gimik niyo?” tanong ni Bashito.
“Sa batis…may babae” sabi ni Darwino at nanginginig siya. “Binosohan niyo nanaman siguro” sabi ni Sarryno. “Oo pero wala makita…mumu siyaaa!!!” sigaw ni Bobbyno at tumawa ang mga disipulo. Tumigil sila pagkat di matigil ang panginginig ng dalawa at bakas ang takot sa kanilang mga mata.
“Kayo natatakot sa mumu?” tanong ni Paulito sabay tingin kay Wookie na pasimpleng nilayo ang tingin niya. “Oo nagtatawag ako ng mga espiritu pero nakita ko na yang sinasabi nila at takot ako diyan” sabi ni Wookie kaya lalo natakot ang lahat. Lumapit na sina Nella, Paula at Tuti para makibalita. “Pwamis…nakakatakot siya…white lady” sabi ni Darwino. “O Paula, kanina nagtatapang tapangan ka, sige nga puntahan mo nga” biro ni Tuti at kumapit ang diwata kay Nella.
Malakas na hangin ang naramdaman nila, kakaibang lamig taglay nito kaya lahat sila nagkatinginan. “Wookie! Puntahan mo na, mambabarang ka linya mo yan” sabi ni Paulito. “Weh! Kutchi kutchi ikaw nalang…ikaw leader e” sumbat ng mambabarang. “Oo nga ikaw leader, ikaw mauna” sabi ni Virgous. “As leader I command you Bashito to go to the batis” sabi ni Paulito. “Lul! Walang leader leader pag ganito” sagot ni Bashito.
“Matagal na kita inantay” sabi ng babaeng tinig kaya napalingon sila kina Nella at Paula. “Hindi kami yon!” sigaw ni Nella at nagkapitan sila ng diwata. Lalo natakot ang lahat tinutulak si Paulito para magpunta sa batis.
“Matagal na kita inantay” muling sabi ng babaeng boses kaya humawak ang vampira kay Ngyobert. “Wag nalang natin kaya puntahan?” sabi ni Paulito pero pilit nila siya tinutulak. “Oy parang di kayo lalake! Tayo nalang kaya lahat pumunta!” hirit ni Paulito pero tinutulak parin nila ang vampira. “OO punta tayo lahat basta ikaw sa harapan” sabi ni Wookie.
“Okay wag niyo ako itutulak, pupunta ako” sabi ni Paulito kaya tumigil sila pero muli nila narinig ang tinig ng babae kaya sinubukan niya tumakbo at kumapit sa tali ni Sarryno. “Oy magpakalalake ka naman o, pinapanood ka ni Nella” tukso ni Bobbyno at napakamot ang vampira. Tumayo si Paulito at hinarap ang mga kasama niya, “Bakit kailan pa ba tayo naging mga duwag? Disipulo ng Fredatoria…tayo ay matatapang at magigiting kaya tara na at harapin natin ito lahat!” sabi ng vampira.
“Oo nga! Tara na…basta mauna ka!” sagot si Wookie at huminga ng malalim si Paulito. “Fine, sige. Mga duwag! Panoorin niyo ako” sabi ni Paulito at naglakad siya patungo sa batis pero napansin ng lahat na nanginginig ang mga tuhod nya kaya tinawanan nila siya. Tuloy ang lakad ng vampira at lahat sinundan siya.
Pagdating nila sa batis napatigil ang lahat pagkat may babaeng nakaputi sa gitna. Maliwanag na puti ang suot nya at di ito nakaharap sa kanila. “Lapit ka sa akin” sabi ng babae at nanigas si Paulito at nanginig ang buong katawan. Lahat sila nabalot ng takot pagkat kakaibang aura ang nararamdaman nila.
Di lahat makagalaw pero napansin nila na humahaba ang kuko ni Paulito, napalingon sa kanila ang vampira at nanlilisik na pula ang mga mata niya. Nakalabas ang mga pangil nya at tumigil ang panginginig. “Diyan lang kayo” utos nya at naglakad na si Paulito papunta sa babae.
“Tuti alalayan mo si boss” utos ni Virgous pero nakanganga sa takot ang vampira at nalaglag pa ang pustiso nya. “Ihkaw nalang” sagot ni Tuti. “Pray over ka namin Paulito!” sigaw ni Darwino habang nagtago siya sa likod ng paa ni Ngyobert.
Nakaabot si Paulito sa multo at bigla itong humarap sa kanya, napaluhod ang vampira sa takot pati na ang mga kasama niya napadapa sa lupa. Walang mukha ang multo pero unti unti nagkakaroon ng imahe ng bungo ang mukha niya. Nahimatay na si Nella at Paula sa takot kasama na ang dalawang dwende.
“Ang tagal kong nag antay sa iyong pagdating Paulito…kalasan mo ako sa mga kadeng ito” sabi ng babae at parang robot nalang na sumunod ang vampira at pinasok ang mga kamay nya sa tubig para maalis ang kadenang nakakabit sa mga paa ng multo.
Tinuro ng babae ang mga natirang gising na kasama ng vampira at isa isa silang napahiga sa lupa at nakatulog. “Anong ginawa mo sa kanila?” tanong ni Paulito at muling humarap ang multo sa kanya. Nagulat ang vampira pagkat ang bungo na mukha nagkakaroon na ng taong itsura, mula sa bungo lumalabas ang mga itim na buhok at ilang saglit pa isang napakagandang itsura ng babae ang humarap sa kanya.
“Ako si Anhica…at nandito ako para sunduin ang kaluluwa mo ginoong vampira”