Em En Kay
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 9: Em Em Kay
Lunes ng umaga papasok ang tatlo, kakaibang saya ang nararamdaman ni Steph at napansin ni Tim na masyado malapit ang dikit niya sa kaibigan niya. Pagpasok nila sa campus ay agad sila sinalubong ni Margaret. “Ay sorry about Saturday” sabi agad ni Raymond. “Oh no, okay lang, Marwin picked me up early. Okay na kami. Di ko alam number mo so akala ko pumunta ka sa mall” sabi ni Margaret at napangiti si Steph. “Ah di nga ako nakapunta e, buti naman at okay na kayo” sagot ni Raymond. “Yup, pero I want you to stick around. Yun lang sige see you in class” sabi ni Margaret sabay alis.
Nanlisik ang mga mata ni Steph pero napakamot si Raymond. “Sige alis na ako” sabi ni Steph. “Oist, MMK” sabi bigla ni Raymond at napalingon ang dalaga. “Ano?” tanong niya at ngumiti si Raymond. “MMK!” ulit ng binata. “Bakit yung MMK? Ano ba nangyari sa episode last Saturday?” tanong ni Steph at biglang tumawa si Raymond. “Di yon, wala wala basta MMK” sabi ng binata at naglakad na sila paalis ni Tim. “Hoy, malalaman ko din ano nangyari sa MMK, magtatanong ako!” sigaw ni Steph. “MMK!” sigaw ni Raymond sabay kaway.
Lunch time at muling kasama si Margaret sa grupo pero di mapakali si Steph. “Oy nagtanong na ako sa mga kaklase ko, nakwento nila yung story pero di ko gets ano gusto mo ipahiwatig” sabi ni Steph. “Ano yon?” tanong ni Margaret at di pinansin ni Steph ang dalaga. “Bakit ba kasi? Bothered ka?” tanong ni Raymond. “Ano ba kasi yon?” tanong ulit ni Margaret. “MMK” sabi ni Steph pataray. “O whats with the show? I watched it kasi my mom watched it” sagot ni Margaret at biglang pinakwento ni Step hang nangyari.
For the first time nag usap ng matino ang dalawang dalaga na kinagulat ni Raymond at Tim. “I see, oh Monching don’t tell me ikaw yung sender e babae yung bida” sabi ni Steph at nagtawanan sila ni Margaret. “Or maybe he is trying to tell us na he watches the show, unusual for boys” tukso ni Margaret at lalo pang nagtawanan ang dalawa at nakisama pa si Tim. “Ikaw ha, mahilig ka pala sa ganon ha” biro ni Steph at napangisi nalang si Raymond.
After lunch hihiwalay na si Steph bigla siya binulungan ni Raymond, “MMK” sabi nya at lalong naintriga si Steph. “Oo na oo na, sige sa Sabado samahan kita manood, dalhan kita ng tissue baka gusto mo may kasamang iiyak” biro ni Steph at muli silang naghalakhalakan ni Margaret. “ah wait, lagi ka sa kanila?” tanong ni Margaret. “hmmm minsan, pero usually siya ang pumupunta sa amin” sagot ni Steph at biglang di maipinta ang itsura ni Margaret.
Miyerkules ng gabi dumalaw si Raymond sa kwarto ni Tim at tinulungan niya ang kaibigan niya para mag aral. Pumasok sa kwarto si Steph at nakitabi kay Raymond sa sahig. “Ay oo nga pala, may competition sa Baguio this coming Friday and Saturday, at isa ako sa mga contestants” sabi ni Raymond at nagulat ang magpinsan. “Ikaw? Joketime ba ito?” tanong ni Steph at tumawa si Raymond.
“Totoo e, natatawa nga ako e kasi tamad naman talaga ako mag aral, kaya medyo kinakabahan nga ako di ko naman talaga linya tong palaaral e” sabi ni Raymond at nagtawanan ang tatlo. “Yan kasi paka genius epek dahil hurt broken” tukso ni Steph. “Oo nga pre, di ka naman na hurt broken ah bakit ka pa aral ng aral?” tanong ni Tim. “Hmmm oo di ako hurt broken, pero pare mas masarap pala mag aral pag inspired ka” biglang banat ni Raymond at lalong nagulat ang dalawa.
“Si Margaret malamang” sabi ni Steph. “Di rin, if everything has feelings, imagine niyo ano nararamdaman ng spare tire. Nakatago lang siya sa likod ng kotse. Napakasad niya no? The only chance na mapapansin siya is when bubuksan yung trunk para magkarga ng gamit o may kukunin. The only change magagamit siya is when ang isang gulong nasira. Pag wala nasira e di dun nalang siya sa likod, ready to be used anytime…but that anytime can come like forever or never” drama bigla ni Raymond at tahimik lang yung mag pinsan.
“Pero alam niyo, sometimes masaya din maging spare tire, kasi alam mo kailangan ka. Alam mo magagamit ka in due time. Kumpara naman sa di ka kailangan diba? Pero di rin, hahaha ang gulo ko. Pag spare tire ka alam mo may paglalagyan ka, di mo nga lang alam kailan. Pero ayaw ko din e, so I wanna be brave and try to be a sole tire, yung ako lang talaga ang mapipili. I just wish marunong siya mag unicycle, pag bicycle dalawang gulong yon, gusto ko unicycle lang para ako lang. Pero the sad reality is kokonti lang ang daring enough to use a unicycle so sometimes you just have to be contented by being a spare tire” dagdag niya.
“But if she chooses the unicycle then I will make sure she will never fall” pabulong na sinabi ni Raymond at halos maluha na si Steph. “Hoy bakit ka umiiyak?” tanong ni Tim at biglang nagpunas ng mata ang dalaga at sinuntok sa braso si Raymond. “Ikaw bwisit ka ang drama mo! Ang layo narating ng litany mo! Kung saan saan na napunta ang drama mo!!!” sermon ni Steph at tawa ng tawa ang dalawang binata.
Sumandal si Raymond at pinikit niya ang kanyang mga mata, “Aywen nyubedi nyubedi betchooo” sabi niya ng napakabagal. “Ano nanaman yan?” tanong ni Steph at inulit ng binata ang sinabi nya. “Ano yan?!” kulit ni Steph at biglang kumanta si Raymond. “Aywen nyubedi nyubedi betchoo, nobody nobody but you” sabi nya at biglang humalakhak si Steph at Tim. Tumayo ang dalaga at hinila si Raymond, “Halika ituro ko sa iyo sayaw niyan” sabi ni Steph at nagmatigas si Raymond. “Sinabi kong halika e!!! Pinaiyak mo ako kaya tumayo ka dyan!” sabi ng dalaga at mabilis tumayo si Raymond.
Tinuro ni Steph ang sayaw, tawa ng tawa si Tim pagkat nagmamatigas si Raymond. “Isa! Wag mo ako galitin!” banta ni Steph kaya bumigay na ng todo si Raymond na kinatuwa ni Tim. “Right muna, basta taas mo hand mo tapos point, kembot ka!” utos ni Steph at nagbaklabaklahan si Raymond. “O sway konti sabay bend, pagdating sa but you point two hands, after but you clap” dagdag ni Steph. “Ganyan, ayan game kanta tapos sayaw” sabi ng dalaga at halos mamatay na sa tawa si Tim sa katatawa. “O sa left naman, same movements na, yung nag iba lang sa start yung left hand naman” sabi ni Steph at todo bigay naman si Raymond.
Game na game kumanta ang dalawa at sumayaw sa chorus ng kanta, si Tim di mapakali at tumayo narin at nakisayaw ngunit may napansin siya. “I want nobody nobody but you!” kanta ng dalawa ngunit tuwing umaabot sa “but you” nakita ni Tim na lagi tinitignan ni Raymond si Steph. “I want nobody nobody but you” kanta nila at sabay nagkatinginan si Raymond at Steph at nagngitian sila, parang bulateng kinilig si Tim pero napatingin sa kanya si Raymond kaya tumigil ito sa pagsayaw at pagkanta.
“Late na, uwi na ako” sabi ni Raymond at nakangisi si Tim sa kanya. “Oy kailan kayo aalis?” tanong ni Steph. “Ah bukas pa ng hapon after dismissal” sagot ni Raymond. “Ah okay sige, saka na tayo sasayaw pagbalik mo” sabi ng dalaga. “But you” biglang sabi ni Tim tinignan si Steph, nakita ni Raymond at alam niyang inaasar siya ng kaibigan nya. “Pare naman, sige na uwi na ako” sabi ni Raymond at umalis na.
Takbo agad si Steph sa may binatana at pinanood si Raymond makauwi sa kanila. “Insan, sa tingin mo sumuko na siya kay Margaret?” biglang tanong ni Steph. “Ewan ko, they kissed remember” sagot ni Tim at nainis si Steph. “Oo nga pero she had her chance to choose, and she chose Marwin again. Sa tingin mo nawalan na ng gana si Monching?” hirit ng dalaga. “Ewan ko wala naman siyang binigay na definite answer, sabi nya spare tire siya pero gusto nya maging sole wheel, labo pa e. Siguro in between” sabi ni Tim.
“Alam mo buti pa siya spare tire e, eh ikaw ano ka? If you like him then start making a move. Malay mo diba? It’s a dog eat dog world insan, if you like someone you cant wait for that someone to like you back. If you like someone sabihin mo agad, if you cant say it show it” payo ni Tim. Huminga ng malalim si Steph at naglakad sa pinto, “O san ka pupunta?” tanong ni Tim. “Mag aaral mag unicycle!” sigaw ng dalaga sabay labas ng pinto.
Kinabukasan ng dismissal sabay pang nakisabay sa pag uwi si Raymond. “Anong oras ba kayo luluwas?” tanong ni Steph. “E kailangan daw kasi tapusin ang classes e, bukas excused kami. Okay lang susunduin naman nila ako sa bahay” sabi ni Raymond. “E late na kayo makakarating ng Baguio, e maaga ata bukas competition niyo” sabi ni Steph. “Yup, well bahala na. Less expectation, lesser impact. More expectation, more impact if you fail. So be happy and don’t worry” banat ni Raymond.
Sa bahay ni Raymond sumama si Steph at muli niya binungkal ang laman ng bag ng binata at inayos ang gamit. “Grabe ka, ayusin mo naman, saksak ka lang ng saksak ng gamit sa bag. Look mas madami kang makakarga pag maayos ang gamit” sabi ni Steph. “Grabe ka naman, two days lang yon no. As if naman mawawala ako ng matagal” sumbat ni Raymond habang nahiga siya sa kama niya.
Naayos na ni Steph ang bag at nilapag ito sa sahig, “Sinara mo na ba yung bag?” tanong ni Raymond. “Oo bakit may ikakarga ka pa ba?” tanong ni Steph at tinignan niya ang binata. “Meron sana pero malamang di kasya” sabi ni Raymond. “Asan? Kaya ko ipasok yan, basta wag lang naman exaj ha like upuan or unan” sabi ni Steph sabay tawa. “Hindi wag na may text naman e” mabilis na sinabi ni Raymond. “Ha? Ano? Ano sabi mo?” tanong ni Steph at agad nilabas ni Raymond ang phone nya.
“Sabi ko may text ako, paparating na daw sila” sagot ng binata. Tumayo si Raymond at kinuha ang bag nya, sabay sila nagtungo sa labas. “Galingan mo ha” sabi ni Steph. “Ninenerbyos nga ako e, kasi di ko talaga linya to” sabi ni Raymond at nagtawanan sila. “Wala ka na magagawa yang ang pinili mong landas e, isipin mo nalang yung nag iinspire sa iyo and you will do fine” banat ni Steph. “Yep I will” sagot ni Raymond at nagsmile pa kaya nainis ang dalaga. “Is there a letter P?” tanong ni Steph. “Yep! Galing mo ah” sagot ni Raymond at nagpigil na si Steph pero pinilit parin niya ngumiti.
“Steph, MMK” sabi ni Raymond at dumating narin ang van na susundo sa binata. “Ah gets ko na, you want me to watch this Saturday, okay sige manonood ako” sabi ng dalaga. “Steph its not the show, basta MMK” sagot ni Raymond at nainis yung dalaga. “Ano ba kasi yon, aalis ka na tapos iiwanan mo pa ako ng pag iisipan ko. Dagdag isip pa. Magworry na nga ang tao sa biyahe mo tapos sa competition mo tapos eto may dagdag ka pang MMK na nalalaman. Ano ba kasi yon?” sabi ni Stephanie.
“Ah eh…mami” pabitin na sinabi ni Raymond at pinapapasok na sya sa van. “Anong mami?” tanong ng dalaga. “Hahaha mamimimomu, babebibobu, bye bye, text text nalang” banat ni Raymond at medyo natawa ang dalawa at agad tuloy nakalimutan ang lahat. “Ingat ka Monching!” sigaw ni Steph at umalis na ang van.
Friday ng gabi biglang sumugod si Steph sa kwarto ni Tim at sigaw ng sigaw. “Yes!!! Nakapasok sila sa final round!!!” sabi ng dalaga at pinabasa niya ang text ni Raymond. “Wow! Hanep ah” sabi ni Tim. “If by chance manalo kami o maka place baka Sunday na kami uuwi kasi baka magcelebrate kami dito konti. Pag bukas nandyan na ako that means talo kami” binasa ni Steph mula sa phone niya. “Hmmm ano kaya irereply ko?” tanong ng dalaga.
“Monching I love you so much” banat ni Tim at biglang tumawa si Steph. “Sira! Pero pwede din naman” sabi ng dalaga sabay kinilig. “As if naman kaya mo itext yon” hamon ni Tim at napasimangot ang dalaga. “Talaga? Akala mo ha” sabi ni Steph sabay nag text sya agad. “Asus, weak ka! If I know take care lang pinadala mo” banat ni Tim at tumawa ang dalaga.
“Gusto ko talaga itext yon pero naninigas ang thumb ko e. So sabi ko nalang na make sure Sunday ka uuwi. Syempre I want him to win. Alam mo ba pag masaya siya parang masaya narin ako. Nakakahawa siya, pag sad sya sad din ako. Ah basta mananalo yon alam ko” sabi ni Stephanie. “Oy marunong ka na ba mag unicycle?” tanong ni Tim at nagkatitigan sila. Ngumiti si Steph at nahiga sa kama, “Kahit di ako marunong alam ko he wont let me fall, so ang importante willing ako mag unicycle” banat ng dalaga.
Buong Sabado walang natanggap na text si Steph kaya kinakabahan siya. Sumapit na ang gabi at sinubukan niya tawagan si Raymond ngunit nakapatay ang phone ng binata. “Shet nasan na yon? Nanalo kaya sila? Gabi na diba so that means they won diba? Kasi wala pa siya dito diba?” tanong niya at nakukulitan na si Tim sa kanya.
Nagpunta ang dalaga sa bintana at sinubukan tawagan si Raymond, “Monching!!!” biglang sigaw ni Steph at tumakbo siya palabas ng kwarto. Napatayo si Tim at dumungaw sa bintana at nakita ang kaibigan niya parang matamlay na naglalakad pauwi. “Oh shet this is bad” bulong niya sa sarili.
Sa labas nagkita si Steph at Raymond, napansin ng dalaga ang malungkot nyang mukha. “Di pa Sunday ha” sabi ni Steph. “Kaya nga e” sagot ni Raymond at di na humirit ang dalaga at tinabihan nalang si Raymond. “Okay lang yon Monching, biglaan naman kasi e. At least diba nakapasok kayo sa finals so okay lang yon” sabi ng dalaga at napangiti si Raymond.
Sumama si Steph sa loob ng bahay nina Raymond at naupo sila sa salas kasama ang mga magulang ng binata. Matamlay parin ang itsura ni Raymond kaya tahimik lang ang lahat. “Monching cheer up na, wag mo na isipin yon” sabi ni Steph at biglang nagring ang phone ng binata. “Kanina pa kita tinatawagan nakapatay phone mo” sabi ni Steph. “Ah napatay ko, kanina ko lang na on sorry” sagot ni Raymond at naintindihan ni Steph bakit. “O sige sagutin mo na” sabi nya at sinagot ng binata ang telepono.
“Oo nakauwi na po ako sir. Kumusta kayo diyan? Musta ang party?” narinig nilang sinabi ni Raymond kaya biglang napatayo si Steph at nilapitan ang binata. “Opo sir nandito na ako sa bahay honest. Yes sir, salamat sa concern sir. Sige po sir enjoy po kayo kita kita nalang po tayo sa Monday” sabi ni Raymond at pinatay niya ang phone.
“Party?” tanong agad ni Steph at napangiti si Raymond. “Oo naiwan sila sa Baguio at nag party. Alam mo naman na I don’t like parties diba?” sagot ng binata at lumaki lalo ang ngiti ng dalaga. Naupo si Raymond sa sofa at agad siya tinabihan ni Steph, “You mean…teka teka nalilito ako. Nanalo kayo?” tanong niya. “We lost, second place lang kami” sabi ni Raymond. “Second? Okay na yon! Hahaha kaya pala nagparty. Okay na ang second no, grabe ka naman pag magluksa gosh ang galing second place wow!” biglang sabi sa tuwa ni Steph.
“Yeah, second lang, the medal is in my bag” sabi ni Raymond at agad binungkal ni Steph ang bag ng binata. “Hay naku Monching, pag nagamit mo na ifold mo parin! Wag saksak ng saksak sa bag! Diba sinabi ko sa…” sabi ng dalaga pero bigla siya napatigil. “Bakit dalawa? Second place team competition…First place individual…” sabi nya sabay napatingin sya sa binata.
“Oo may individual competition din pala I forgot to say” sabi ni Raymond at natuwa ang nanay ng binata. “Im proud of you anak” sabi ng nanay sabay niyakap ang anak nya. Sumunod na yumakap ang tatay pero biglang sinuntok ni Steph ang braso ng binata. “Ikaw! Pinapakaba mo ako! Bwisit ka! Nung makita ko ang sad face mo nalungkot narin ako akala ko talo kayo. Pero nanalo ka pala ng first place! Bwisit ka!” sabi nya sabay tawa. “ E syempre I feel sad din kasi we lost, nakalimutan ko nanalo pala ako e” banat ni Raymond at sinuot bigla ni Stephanie ang medal sa leeg nya at tumakbo palabas ng bahay.
“Tim! Tignan mo o! Nanalo si Monching first place! Woohooo! Look look!” sigaw ni Steph. “Oist nakakahiya sa kapitbahay ang ingay mo!” sumbat ni Tim pero sobrang tuwa si Steph sa labas ng bahay at pilit siya inaawat ni Raymond.
“Hoy bakit ka umuwi agad, kung ayaw mo makiparty at least you could have stayed naman. Baka isipin nila mafeeling ka” sabi ni Steph. “Hindi, I gave them a reason naman na they understood” sagot ng binata. “At ano naman yong rason na yon aber?” tanong ng dalaga.
“NMK” sabi ni Raymond. “Nanaman? MMK tapos NMK!? Ano bang ka ekekan yan kasi?” tanong ni Steph at tumawa lang si Raymond. “Ah ganon ayaw mo sabihin, ano ang MMK? Isa!” banta ng dalaga. “Wala na yung MMK, nalaos, kaya NMK na no” sabi ni Raymond. “Sige pagod ako sa biyahe, sleep na ako, hawakan mo muna yang medal ko” sabi ng binata at naglakad papunta sa pinto nila.
“Hoy ano yung NKM?” kulit ni Steph at nilingon siya ni Raymond. “Na miss kita” sabi nya sabay ngiti at pumasok na sa bahay. Parang estatwa si Steph na nakatayo sa gitna ng kalsada, napangiti siya mag isa at biglang nagsitawa at kinilig sobra. “Oy para kang bulateng nilagyan ng asin, pasok na late na” sabi ni Tim pero di makapag pigil si Steph sa sarili.
“MMK…mami miss kita…hahaha tanga ko…NKM…na miss kita ahahaha” bulong nya pinagmasdan niya ang medalya at hinalikan. Tinignan niya ang bintana ni Raymond, Nakabukas ang ilaw sa loob pero nakasara ang bintana.
“MMK…Monching Mahal kita” bulong niya.