Em En Kay
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 14: Pipay
Lumipas ang ilang araw at di pinapakilala ni Raymond kay Steph si Pipay. Sa galit di na pinapansin ng dalaga si Raymond. Sabado ng umaga dumalaw si Raymond sa kwarto ni Tim at galit na galit ang kaibigan niya. “Hoy tado ka, pati ako galit si Steph, ipakilala mo na kasi si Pipay” sabi ni Tim at tumawa lang si Raymond.
“Hayaan mo siya magalit” sabi ni Raymond at naupo sa tabi ng kaibigan niya. “Anong hayaan? Sus ikaw ba ang nakatira dito? Buti ikaw di ka lang niya pinapansin, e ako? Diyos ko pare araw araw siya nagbubuhos ng galit dito, araw araw siya nagtatantrum. Kaya please pare nagmamakaawa na ako please” hiling ni Tim.
“Pero pare, mahal mo ba talaga si Steph?” tanong bigla ni Tim at tinignan ang kaibigan niya. “Oo pare, okay lang ba na maging kami?” sagot ni Raymond at natawa si Tim. “Tado to o, bakit ka pa nagpapaalam sa akin? Pag ikaw wala ako problema, kilala na kita pare pero please lang pare si Pipay ipakilala mo na” sabi ni Tim at nagtawanan sila. Tumayo bigla si Raymond at huminga ng malalim. “Galit na galit na galit na ba talaga siya pare?” tanong niya at bigla siya sinuntok ni Tim sa braso. “Ano gusto mo antayin mo akong makalbo bago ka maniwala?” sabi nya at tawa sila ng tawa.
Kumatok si Raymond sa pinto ni Steph pero ayaw buksan ng dalaga. “Steph, usap tayo” sabi ng binata. “Shut up, go away” sabi niya. “Steph sige na please” pakiusap ni Raymond pero di nagsasalita ang dalaga. Sinandal ni Raymond ang ulo niya sa pinto at lumipas ang sampung minuto at di talaga ito binubuksan ng dalaga.
“Steph pupunta tayo sa mall at titignan si Pipay” sabi ni Raymond at agad nagbukas ang pinto at nagulat siyang makita si Steph na nakabihis na. “Tara” sabi ng dalaga at umakbay sa kamay niya. “Wow bilis ah” sabi ni Raymond. “Pinagloloko mo ba ako?” tanong ni Steph at napakamot si Raymond. “No joke, this is it” sabi niya. “Good, tara na, time is gold” sabi ni Steph at lalo niyang hinigpitan ang pag akbay sa kamay ng binata.
“Ahem ah Steph akala ko ba ka sa akin e bakit yan?” sabi ni Raymond sabay turo sa pagyakap ng dalaga sa kamay niya. “Oo galit ako sa iyo pero namiss kita” sagot ng dalaga at napangiti si Raymond. “Dapat pala ginagalit kita lagi e” banat ni Raymond at bigla siyang sinikmuraan ng dalaga. “Ganyan gusto mo? Sige galitin mo pa ako at di lang yan matitikman mo” banta ni Steph. “Okay lang Steph…kahit masaktan pa ako basta ikaw” sagot ni Raymond at napangiti ang dalaga pero balik poise kunwari galit.
Nakarating sila sa mall at biglang kinakabahan si Steph. “Uy Monching is she pretty?” tanong ni Steph. “Hmmm yup she is” sagot ng binata at bigla siya kinurot ng dalaga. “Ah ganon, so pretty pala siya, e di magsama kayo” banat ni Steph at tumawa si Raymond. “O bakit di ka bumibitaw?” tanong ni Raymond at napangiti si Steph. “Nagbibiro lang ako bakit may reklamo ka?” sumbat ni Steph at napangiti nalang ang binata.
“Mon, ano ba? Did you text her or call her to meet us? Ano? Ah does she work sa mall or may shop ba sila?” tanong ni Steph at tahimik lang ang binata. “Oy pag nagtanong ako sagutin mo ha” sermon ng dalaga at tumawa lang si Raymond. “Malapit na tayo, ano ready ka na ba?” tanong ng binata at lalong kinabahan si Steph.
Sa tapat ng isang shop sila tumayo at kinakabahan si Steph, “Tara na” sabi nya pero di gumalaw si Raymond. “Steph, you want closure, you go see her yourself” sabi ng binata at nagulat si Stephanie. “Ha? Ako lang? E pano ko siya makikilala?” tanong dalaga. “Don’t worry siya lang yung babae diyan sa shop na yan. Pero Steph promise me that you wont do anything bad” seryosong sinabi ni Raymond at napalunok si Steph. “Yeah I wont, I just want to see her” sabi ng dalaga at humarap sa shop at naglakad papasok.
Dalawang minuto lumipas at mabilis na lumabas ng shop si Stephanie at galit na galit ito. Dinaanan niya lang si Raymond at dirediretso siya nagtungo sa exit. Sinundan siya ni Raymond at pagdating nila sa labas ay agad nagpara ng taxi si Steph. “Sakay! Ikaw magbayad!” utos niya kaya sumakay sila ng taxi pauwi.
Pagdating sa kanila agad pumasok si Steph sa bahay nila at sinusundan lang siya ni Raymond. Dinaanan niya ang mga magulang ni Tim na parang bagyo at si Raymond napakamot nalang at napayuko ng ulo. “LQ” banat ng tatay ni Tim at nagtawanan silang mag asawa.
Pumasok si Steph sa kwarto ni Tim at gulat na gulat pa ang pinsan niya pagkat galit talaga ang itsura ng dalaga. Pumasok din sa kwarto si Raymond at nagkatinginan silang magkaibigan. “Labas!” sigaw ni Steph at tinuro ang pinto. “Oy oy oy teka kwarto ko to, may sarili kang kwarto ah” sumbat ni Tim. “Sinabing labas!” sigaw ni Steph at napatingin si Tim sa kaibigan niya. “Pare you heard her, labas ka daw” sabi ni Raymond. “Pati ikaw!” sigaw ng dalaga kaya lumabas ng kwarto ang dalawa.
“OMG! OMG naman pare e, ano nanaman kasing ginawa mo tignan mo nakick out pa ako ng sarili kong kwarto” sabi ni Tim at nagtawanan silang magkaibigan bumaba sa salas. “Ano pa nga ba pare kundi ipakita si Pipay” sagot ni Raymond. “Ha? As in pare nakita niya si Pipay?” tanong ni Tim. “Malamang pare” sabi ni Raymond. “Oh shet, this is bad, nakita niya si Pipay tapos nag ganyan siya?” hirit ni Tim.
“Yep, pagkalabas niya ng shop yan na, berserk mode na pare” sabi ni Raymond. Lumapit bigla ang tatay ni Tim at hinaplos ang ulo ni Raymond. “So ano na itatawag ko sa iyo? Pamangkin narin ba?” biglang banat ng matanda. “Dad, on hold at nag aaway sila” sabi ni Tim at nagtawanan ang tatlong lalake. “Shet! Karma down Plurk ko!” biglang sigaw ng nanay ni Tim at lalong nagtawanan ang dalawang binata. “Alam mo iho, puntahan mo siya, kausapin mo. At kung ano man ang pinag awayan niyo I am sure maayos niyo yan kasi kitang kita naman noon pa na gusto niyo isat isa e” biglang banat ng nanay ni Tim.
Umakyat sa taas si Raymond at pumasok sa kwarto ni Tim. Nakahiga sa kama si Steph at nakatingin lang siya sa kisame. Nahiga si Raymond sa tabi niya pero di siya pinapansin ng dalaga. “Why are you mad?” tanong ni Raymond at bigla siyang tinignan ng dalaga.
“Ano sa tingin mo?” biglang sagot ni Steph. “Sabi mo gusto mo makita si Pipay, oh so now bakit ka nagkakaganyan?” tanong ni Raymond. “My God I don’t know what kind of game you are playing pero alam mo lalo mo lang ako ginagalit kaya pag wala kang magandang masabi shut up. Pinapunta mo ako doon para magmukhang tanga, walang babae don kaya nagtanong pa ako kung may kilala silang Pipay. Wala daw, I really am starting to hate you” sabi ng dalaga.
Huminga ng malalim si Steph at tumingin ulit sa kisame, hinaplos ni Raymond ang kamay ng dalaga pero nilayo ni Steph ang kamay niya. “Pipay” sabi ni Raymond at napasimangot si Steph. “Pipay” ulit ni Raymond at nagliliyab muli sa galit ang dalaga. “Pipay” hirit ni Raymond at di na natiis mapatingin sa kanya ang dalaga.
“Ano ba? Nang aasar ka pa ba? Ha? Gusto mo talaga ako magalit?” sabi ni Steph at nakangiti sa kanya ang binata. “Pipay” ulit ni Raymond at naguguluhan na si Stephanie. “Ano?” tanong ng dalaga at muling inulit ni Raymond, “Pipay” sabi nya at napanganga ang dalaga at napakamot. “Tinatawag mo ba akong Pipay?” tanong niya at muli siyang nginitian ni Raymond.
“The shop, ano benta sa loob?” tanong ni Raymond at biglang napatigil si Steph at napaisip. “You went inside, Pipay was there, and you saw her” sabi ni Raymond. “Sa shop…panay mirror…” sabi ni Steph at ngumiti muli si Raymond. “Pipay” sabi niya at nanginig bigla ang mga labi ng dalaga at ngayon niya lang naintindihan ang lahat. “Pipay? Ah…ha? Ako si Pipay?” tanong ni Stephanie.
“Steph Steph bopeph banana rama bobeph PIPAY momeph…Steph” kanta ni Raymond at tuluyan nang napangiti ang dalaga at sinuntok si Raymond sa braso. Bigla nalang tumawa si Stephanie at di talaga niya mapigilan ang sarili niya, “Ako si Pipay?” ulit niya at muli siyang tumawa. “Pinagseselosan ko ang sarili ko?” banat ni Steph at lalo pang lumakas ang tawa niya.
“Ikaw si Pipay, sabi ko naman sa iyo kasi torpe ako, and you know that. I have been in love with you and you alone. Kahit ano pa itawag ko sa iyo, or anong codename man ang gamitin ko, ikaw at ikaw parin yon Steph…Pipay…ikaw ang mahal ko” sabi ni Raymond sabay haplos sa pisngi ni Stephanie.
Nagkatitigan ang dalawa at tila may pwersang naglalapit sa kanilang mga mukha. “Ngayon naniniwala ka na ba sa akin?” tanong ni Raymond at talagang di nila maalis ang titig sa isat isa. “Oo…pero ano pa bang codename tawag mo sa akin?” bulong ng dalaga. “Hmmm may isa pa akong acronym, MNK, pero di na importante yon” sabi ng binata.
“MNK? Meaning mahal na kita? E nasabi mo nang MK e bakit may MNK pa?” tanong ni Steph at napangiti si Raymond. “Di siya mahal na kita, pero pwede din, but there is a deeper meaning to it, pero it can wait for another day” sabi ni Raymond.
“Why? Why not tell me now?” tanong ng dalaga at halos nagdikit ang labi nila. “Kasi right now Steph, I would really like to kiss you” sabi ni Raymond at napangiti ang dalaga. “My first” bulong ni Steph. “My best” sumbat ni Raymond. “…my first and my best…with you” sagot ng dalaga at sabay sila napapikit ng mata at tuluyan nang nagdikit ang kanilang mga labi.
Napayakap sila sa isat isa at kahit ilang beses sila mapatigil sa halikan para tignan ang isat isa muling nagdidikit ang kanilang mga labi. Pagkatapos ng sampung minuto ay biglang may naalala si Steph. “Siya nga pala, what did you write down sa piece of paper?” tanong ni Steph. “If you have it, you can open it now” sagot ni Raymond at bumangon ang dalaga at inabot ang bag niya. Nilabas niya ang maliit na papel mula sa bag at muling nahiga. “It would be easier if you tell me” ulit ng dalaga pero ngumiti lang si Raymond. “Open it” sabi nya.
Binuksan ni Steph ang papel dahan dahan at bigla siya napangiti at natawa. “Raymond” sabi ng dalaga at nagtawanan sila. “Ah ganon parang sure ka nung sinulat mo to na ikaw magiging first kiss ko ganon?” sabi ni Steph. “No Steph I was not sure, pero sabi ko nga sa iyo na give me a chance to be right, and you gave me that chance. Kaya eto ako sa harapan mo ngayon masayang masaya, umaapaw sa kaligayahan” sabi ni Raymond. “Ang daldal mo” sabi ni Steph at muli niyang hinalikang ang binata.
“Oy! Wag niyong dudungisan ang kama ko!” bigla nilang narinig si Tim kaya agad naghiwalay ang dalawa at bumangon. “Kahit kailan killjoy ka!” sigaw ni Steph at sabay tumayo ang dalawa at tawa ng tawa si Tim. “SPOTTED! XOXO K-I-S-S-I-N-G!” banat ni Tim at tawa siya ng tawa. “Insan ngayon lang ako naging literal na killjoy no! Ahahaha if you know what I mean” hirit ni Tim at biglang hinila ni Steph ang kamay ni Raymond at hinilang palabas ng kwarto.
Nagtungo ang dalawa sa kwarto ni Stephanie at ayaw pumasok ni Raymond sa loob. “Ano pa inaantay mo?” tanong ni Steph. “Ah the last time ako nakapasok sa kwarto mo nung bata pa tayo” sabi bigla ng binata at binuksan ng todo ni Steph ang pinto.
“Wanna sit where we used to sit?” tanong ng dalaga at napangiti si Raymond. Binuksan ni Steph ang bintana niya at nauna siyang naupo sa bintana. Sumunod na naupo si Raymond ang bigla silang nagtawanan.
“Dati dati e kasiya tayong tatlo ng cat mo, laging nauupo kasi dito yung kitten mo at feeling mo noon pusa ka naman” paalala ni Raymond at natawa si Steph. “Oo nga patago ako nag alaga ng pusa kasi nga may asthma ako, nasan na kaya si Mingming?” sabi ng dalaga at sumandal siya sa balikat ni Raymond.
“Kutine” biglang sabi ni Raymond at natawa si Steph at kinurot siya. “Wag na wag mo akong tawagin by that name! Kaya ko nga di na ginagamit ang Kristine dahil sa inyong dalawa ni Tim e. Lagi niyo ako tinatawag na Kutine porke mahilig ako sa pusa. Pero nakakatuwa din alalahanin ang old days ano? Hoy umamin si Tim sa akin ikaw daw ang nagbansag sa akin na Kutine” sabi ng dalaga at tawa sila ng tawa.
“Ano yon Kutine?” tukso ni Raymond at lalo pa sila nagtawanan. “MNK” sabi ni Raymond at hinawakan niya ang kamay ng dalaga. “Ano ba ibig sabihin niyan?” tanong ni Steph at nginitian siya ng binata.
“Monching n Kutine”
-THE END FOR THE FREE BLOG-
MISSING CHAPTERS SHALL BE RELEASED WITH THE SALE OF THE COMPLETE EBOOK
By
Paul Diaz