sk6

Friday, August 14, 2009

Em En Kay Chapter 8: Ito

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 8: Ito

Biyernes ng hapon palabas na sana ang tatlo ng gate ngunit may tumawag sa pangalan ni Raymond. Paglingon nila nakita nila si Marwin na papalapit. “Pwede tayo mag usap?” tanong ng binata. Kinabahan sina Tim at Steph at napahawak ang dalaga sa braso ni Raymond. “Its okay, I have to face him. Sige na mauna na kayo” bulong ni Raymond pero ayaw umalis ng dalawa.

“Okay lang pare sila, ano yon pare?” tanong ni Raymond. Nailang si Marwin at napatingin sa dalawa. “Si Margaret kasi pre e” sabi ni Marwin at lalong kinabahan ang dalawa. “OO pare, about Margaret and that day na nag walk out siya..” sabi ni Raymond pero mas madiin ang paghawak ni Steph sa braso nya kaya napatigil siya. “Oo pare tama ka, she has been acting strange since that day. Tsk pare parang dinibdib nya yung pagsita ko sa kanya sa Joseph na yon e” sabi ni Marwin at nagulat ang tatlo pero nakahinga sila ng maluwag.

“Ah akala ko kasi hinalikan ko siya” sabi ni Raymond at nagulat si Steph na napatingin kay Marwin. Nagkatitigan ang dalawang binata pero agad tumawa ng malakas si Marwin. “Kaw talaga pare galing mo magpatawa, ganda ng timing mo pare. Thanks I needed that kasi yun nga may problema kami ni Margaret” sabi nya. Muling nakahinga ng maluwag sina Steph at Tim pero di nagpaawat si Raymond. “Pare totoo I kissed your girlfriend” sabi nya at lalo tumindi ang tawa ni Marwin. “Sira pare serious na ako, I came here kasi I don’t know her friends. E ikaw lang naman nakikita ko lagi kasama niya so pare I came to ask for your help” sabi ni Marwin.

“Oo pare sige ako na bahala, I get it. Wala pasok bukas so do you know where I can find her now?” tanong ni Raymond. “Ah thanks pre, oo nandon siya sa library. Pare big thanks talaga. Sige I have to go at may practice kami. Pare please lang ha, ayon sige” sabi ni Marwin sabay tumakbo nang paalis. Nakayuko ang ulo ni Raymond at mga kamao nya buo at nanginginig. “Uy, okay ka lang?” tanong ni Steph. “Ang baba ng tingin niya sa akin. Shet, ganon ba talaga ako? I told her I kissed her girlfriend pero tumawa lang siya. Alam mo I really felt bad that I kissed her kasi nga may boyfriend sya, but now parang tama lang e” sabi ni Raymond.

“Sige puntahan ko lang si Margaret para magkaayos na sila” sabi ni Raymond. “Monching wag na, hayaan mo nalang sila” sabi ni Steph. “Steph I have to fix things, uwi din lang ako. Sige na mauna na kayo” sabi ng binata at nagtungo na sya sa library habang ang dalawa nagsimula nang maglakad pauwi.

Malaki ang library pero mabilis na nahanap ni Raymond si Margaret at tinabihan niya agad ito. Tumayo agad ang dalaga at naglakad papunta sa exit pero agad siya sinundan ni Raymond. Hanggang sa nakaabot sila ng gate ay nagkunwaring papara ng taxi si Margaret, “Alam mo susundan kita hanggang sa kausapin mo ako” sabi ni Raymond. “Papara na ako ng taxi” sabi ni Margaret. “Ako din, tapos susundan ko taxi mo” sagot ng binata.

“Uuwi na ako” sabi ni Margaret. “Mag aantay ako sa labas kahit abutin ako ng bukas o kailan pa man” banat ni Raymond at napapangiti na si Margaret pero nagpipigil. “Madami kaming aso, malalaki pa sila” banat ni dalaga. “Handa ako magpakagat” sumbat ni Raymond na buong tapang pa niya tinuwid ang katawan niya. “Strikto dad ko” sabi ni Margaret. “Maamong tupa ako, hi daddy, bless po” banat ni Raymond at sumabog na sa tawa ang dalaga.

“Monday to Friday, Marwin tried to talk to me but he failed. Ikaw wala pang isang oras eto napatawa mo ako agad” sabi ni Margaret at napakamot si Raymond. “Would you like to go to a place where we can talk and get some snacks?” tanong ng binata at biglang tumawa si Margaret. “Napaka formal mo naman, oh yes I would love to” sabi ng dalaga. “Oist bihira mangyari to, yan palang natutunan ko sa english class” banat ni Raymond at tawa ng tawa si Margaret.

Sa loob ng isang fastfood resto sila kumain at nag usap, nagkakailangan ang dalawa kaya patawa nalang ng patawa si Raymond. “Margaret, bakit ka galit kay Marwin? Dapat siguro sa akin ka lang galit” sabi bigla ng binata. Huminga ng malalim si Margaret at tinitigan si Raymond. “I am torn, I am not mad. Yeah I kissed you so I feel guilty din pero part of me feels good. Part of me wants to go with you, part of me wants to stay with him” sabi niya.

“Hindi, its my fault. I should not let you have kissed me. Its not that I didn’t like it, yun na nga guilty feelings din e” sabi ni Raymond. “Alam mo ba nung orientation day I really liked to stay, I wish I stayed talaga. Pero eto, I am really torn e. Parang ang hirap, oo may boyfriend ako, I do like him so much but I also like you. May times na pag kasama ko siya I wish ikaw nalang siya, pero pag iisipan ko naman na iwanan siya di ko naman kaya. Ang hirap, then the kiss…lalo nagpahirap e” kwento ni Margaret.

“Ah I see. Siguro mas madali pag ako nalang lalayo. It would be easier for you. And look, ngayon ko lang nakita tumino si Marwin. Yeah may konti pa syang kailangan ayusin pero with you magagawa niya yon. Don’t get me wrong, it pains me already saying this so just listen. Mas maganda pag wala ako sa eksena. If things don’t work out with you two then…you know” sabi ni Raymond at nagsimangot si Margaret.

“Bingi ka ba? I said I am torn so I don’t want to lose you both. Selfish na kung selfish pero di ko alam e. Alam ko di pwedeng dalawa, I want to choose one but parang pareho sa timbang e. Yan ang gumugulo sa isip ko kaya ayaw ko kayo kausapin” paliwanag ng dalaga.

Naglabas ng dalawang fries si Raymond, parehong sukat, parehong itsura saka nilapag sa lamesa ngunit magkalayo. “Look, di pwedeng dalawa. You have to decide, ito or ito, isa lang ang pwede mo piliin. Yes you have two hands, you can hold both at the same time if you want. Pero diba it would be better pag yung isa hawak mo ng dalawang kamay to call it yours truly?” sabi ni Raymond at huminga ng malalim si Margaret.

Napatingin sa relo si Margaret at biglang tumayo, “Shet may family dinner pala kami I forgot, I have to go. Ah…wait, can we meet sa mall bukas around say 10?” sabi ng dalaga. “Bukas? Sige tara hatid na kita” sagot ni Raymond. “Wag na, I can manage, magtataxi ako” sabi nya pero agad niya inagaw yung dalawang fries at kinain. “Still undecided, may tomorrow I will choose one. Wag mo ako indyanin ha” sabi ng dalaga at umalis na.

Nakarating si Raymond sa kanila ngunit nakita niya si Stephanie nakaupo sa bintana ng kwarto ni Tim. “Oy malalaglag ka dyan! Bumaba ka nga diyan!” sigaw ng binata at dinilatan lang siya ng dalaga. Lumapit si Raymond sa bahay nila Tim at tumingala, “Baba ka diyan sabi delikado ang ganyan Steph” ulit nya. “Paki mo, so ano nakapag usap ba kayo ni Margaret?” tanong niya. “Oo, baba ka dyan” sagot ni Raymond.

“Ano tapos na ba ang problema?” tanong ni Steph. “Di pa, basta bumaba ka na dyan” sabi ni Raymond. “Magkwento ka, ano nangyari tapos bababa ako” sabi ng dalaga. “Wag na, bumaba ka nga diyan!” banta ng binata at muli siyang dinilatan ng dalaga. “Di ako bababa dito hanggang di ka magkwento” parang bata na sinabi ni Stephanie.

“Bahala ka, di ako aalis dito hanggang di ka bumababa diyan” sagot ni Raymond at tahimik silang nag antayan. “Ang arte mo di na ako bata, umuwi ka na nga” sabi ni Steph. “At kung mahulog ka sino sasalo sa iyo?” sumbat ni Raymond. Nag acting na tatalon si Steph at agad binuka ni Raymond ang mga kamay niya sa aktong sasalo. Tumawa si Steph at kumapit sa bintana, “Wow talagang sasaluhin mo naman ako ha” tukso nya”

“Oo outrageous man isipin pero sasaluhin kita. Baba ka na nga diyan kasi” sabi ni Raymond at napangiti ang dalaga kaya bumaba na siya sa bintana. “O ayan happy?” banat ni Steph. “Yes, wag ka na uupo diyan sa bintana, if you want tawagan mo ako para mahawakan kita” sabi ni Raymond at kinilig bigla ang dalaga kaya nagtago saglit. “Sige uwi na ako at maaga pa kami magkikita bukas” sabi ni Raymond at biglang nag liyab sa galit si Steph. Binato niya ng tsinelas si Raymond at nasapol ito sa ulo. Paglingon ng binata sinara na ng dalaga ang bintana niya.

Kinabukasan paglabas ng bahay ni Raymond ay nakita niya agad si Steph nakaupo muli sa bintana. Agad niya ito nilapitan at pinilit pababain. “Ano ba problema mo kasi? Sige na baka malate ka pa sa date nyo!” banat ni Steph. “Tim! Tim! Pababain mo nga tong pinsan mo!” sigaw ni Raymond. “Wala siya, wala sila, ako lang nandito” sabi ng dalaga. “Sige naman na o bumaba ka na diyan” makaawa ni Raymond.

“Sige na pumunta ka na” sabi ni Steph pero di umalis si Raymond at nag antay lang. Trenta minutos ang lumipas at napatingin sa relo si Steph, “Hoy, hala ka late ka na. Alis ka na baka makahabol ka pa” sabi ng dalaga. “Tapos pano kung nalaglag ka? Sige nga” sagot ni Raymond. “Sige na nga bababa na ako” sabi ni Steph at nakita niyang naglakad pauwi si Raymond.

“Hoy, bakit di ka pa pumunta?” tanong ni Steph. “Di na, late na ako e. Sa mall kami magkikita e” sabi ng binata at nagulat si Steph. “Ha? Akala ko sa school lang. Hala shet sorry ha” sabi ni Steph. “Okay lang, sige uwi na ako” sagot ni Raymond.

“Hoy, labas tayo” sigaw ni Steph at napalingon si Raymond sa kanya. “Sige bihis ka na” sagot ng binata. “Talaga? Lalabas tayo?” dagdag ni Steph at biglang sumandal si Raymond sa poste. “Oo, sige na bihis ka na at antayin kita dito” sagot nya at nagmadaling magbihis ang dalaga.

Twenty minutes lumipas ay lumabas na ng bahay si Steph at nagulat si Raymond. “Ano ba yang suot mo!? Hoy magpalit ka nga! Bakit ang iksi ng skirt mo?” tanong ng binata. “Duh! Uso to kaya. Arte mo ha, tara na” sabi ni Steph. “Magbihis ka! Kung di ka magbibihis di tayo tuloy” sabi ni Raymond. “Ang arte arte mo, so what pag maiksi skirt ko kasama naman kita. Dami mo arte” sumbat ni Steph at naglakad si Raymond pauwi sa kanila. “Oy, oy ano ka ba? Monching! Tara na kasi” sabi ni Steph pero kumayaw lang si Raymond at pumasok sa loob ng bahay.

Trenta minutos lumipas at lumabas ng bahay si Raymond, “Oy wala ka talagang balak na lumabas tayo no?” sabi ni Steph na nakaupo sa may pinto nila. “Meron pero di ko type suot mo kanina. Mas okay pa ganyan sana na nakapambahay ka” sagot ni Raymond. “Asus, excuses pa o. O san ka punta?” sabi ni Steph. “Bibili, sama ka?” tanong ni Raymond. “Libre mo ako?” pacute ni Steph at tumawa ang binata. “Tara na” sabi ni Raymond at mabilis na sumama sa kanya ang dalaga.

Bago makarating sa store bigla tumigil si Raymond at tinignan si Steph. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at naglakad sila papunta sa paradahan. “Oy san tayo pupunta?” tanong ni Steph. “Sa mall” sabi ni Raymond sabay tawa. “Sira nakapambahay tayo!” sigaw ni Steph at tawa ng tawa ang binata. “So what, tara na. At least mas decent yang suot mo kesa kanina” sumbat ni Raymond at natatawa narin si Stephanie.

“Monching naman, nahihiya ako kasi” sabi ni Steph. “Sus dikit ka lang sa akin. Pero mas okay suot mo, eto ngang shorts ko butas sa pwet e. Be brave, isipin mo nalang na foreign tourists tayo. O diba? Sila simple manamit samantala tayong pinoy gusto pa magara. For a change tara try natin naman” sabi ni Raymond at tawa sila ng tawa.

Pagdating sa mall napataas ang kilay ng sekyu sa dalawa, “Madami kaming perang wawaldasin” sabi ni Raymond at napangiti nalang yung guard at sumabog sa katatawa si Stephanie pagkat taas noo pa ang binata. “Steph, wag kang mahihiya. Kahit pagtitignan tayo ng tao who cares. Ang importante enjoy ka diba? So what kung kutyahin tayo sasaya ba sila? So heads up and walk rich” banat ni Raymond at talagang lakad mayaman ang ginawa niya. Naiwan konti si Steph at nakita niya ang butas sa shorts ng binata kaya napaupo siya sa katatawa.

Sa loob ng isang resto kumain ang dalawa at nahihiya parin si Steph. “Look at the people outside the window, ang porma pero do you see them eating inside? Porma lang sila, di naman sa nanlalait ako pero kung lalaitin tayo dahil sa suot natin, weh sino ba ang busog at sino ang gutom? Diba?” banat ni Raymond at tawa ng tawa si Steph. “Ganyan din sa totoong buhay, you don’t have the right to judge someone” biglang banat ni Raymond at tinukso siya agad ng dalaga. “Uy di pa niya makalimutan ginawa ni Marwin” sabi nya at napangiti nalang si Raymond.

“Tawa lang siya pero I did kiss his girlfriend. In your face, sorry carried away lang” sabi ni Raymond. “Oo nga pala what did you two talk about yesterday?” tanong ni Steph bigla. Nakwento ni Raymond ang nangyari at nainis si Steph. “That bitch, pwede ba yon?” sabi ng dalaga at napabuntong hininga nalang si Raymond. Tahimik ang dalawa nang biglang si Raymond dahan dahan kumain ng fries habang nakatitig sa labas ng bintana. “Oy ano ineemote mo dyan?” tanong ni Steph. “Shhhhh” sumbat ni Raymond at tinuloy nya ang mabagal na pagkain.

“Oy ano ba ginagawa mo?” tanong ni Steph. “Look, pinapatakam mo mga nasa labas. Hmmm sarap ng fries…oy tignan mo ako, hmmm inggit ka ano?” sabi ni Raymond at muling natawa ang dalaga. “Alam mo I asked her, if matimbang kami pareho, she has to choose, so naglabas ako ng dalawang fries na ganito, then asked her, ito or ito?” kwento ni Raymond at naglapag siya ng dalawang fries na magkaparehong sukat sa mesa.

“Ano? Ano naman kinalaman ng fries?” tanong ni Steph. “Wala parang symbolization, itong nasa left si Marwin at itong nasa right ako. Sabi nya pareho daw kami timbang so same size and I asked her to choose. She took them both and ate them” paliwanag ni Raymond.

“Ito!” sabi ni Steph sabay agaw ng fries sa kanang kamay ni Raymond at kinain. Nagkatitigan sila saglit at biglang nagngitian, inalok pa ni Raymond ang isang fries pero kinuha lang ni Steph ito at tinapon sa sahig.