sk6

Monday, August 17, 2009

Em En Kay Chapter 13: Closure

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 13: Closure

Lingo ng umaga sa kwarto ni Tim, nandon si Steph at si Karen. Nakahiga ang magsyota sa kama habang si Steph nakatayo at game na game nagkwekwento. “Oo grabe imagine pinapunta ako don tapos seafoods pala lahat ng handa. Hay grabe nakita niyo sana si Monching talaga ang galing niya” kwento ng dalaga sabay kinikilig.

“Di bagay ang pink sa green sabi nya don sa bitch na yon ah. Tapos muntik sila mag away ni Marwin pero ang galing galing nya talaga grabe. Ano gusto mo gwapong lumpo o pangit na varsity? Di nadadaan sa kagwapuhan ang suntukan. Kung nakadecide ka ano gusto mo puntahan mo ako” sabi ni Steph habang gaya gaya ang tono ni Raymond at aliw na aliw ang dalawa sa kama.

“Hay naku Steph kanina mo pa umaga inuulit ulit yang kwento na yan” sabi ni Tim. “Oo nga, ang gusto namin sabihin mo yung nangyari after at ano sinagot mo?” sabi ni Karen at napangiti si Steph at naupo sa sahig. “Like what is said, teka teka kinikilig nanaman ako…sabi nya mahal niya ako” kwento ni Steph at kinilig din yung dalagang nasa kama.

“And then? Ano sinabi mo sa kanya?” tanong ni Karen at napasimangot si Steph. “Alam niyo grabe parang dinig na dinig ko ang pintig ng puso ko na napakalakas. Automatic akong napangiti, di makagalaw mga labi ko, parang gusto ko lang maulit ulit niya sabihin mahal niya ako. At that moment I was so happy, so happy, but…parang nagkadoubt ako. I mean oo aminado ako I do really like him, love him oo I do but parang bakit may doubt ako?” sabi ni Steph.

“Ha? Sira ka talaga! So what did you tell him?” tanong ni Karen na biglang napaupo. “I said…I don’t believe you” sagot ng dalaga at pati si Tim napabangon sa kama. “Yan na sinasabi ko e, ikaw may problema e. Yan na nga ang gusto mo tapos sasabihin mo you don’t believe him? Kristine Stephanie Vera ikinahihiya kita! Ahahaha joke lang pero insan siraulo ka ba?” banat ni Tim at lalong napasimangot si Steph.

“Karen maiintindihan mo ako diba? I do love him but may doubt ako e. I mean bakit now lang? E sino ba nag inspire sa kanya mag aral ng mabuti? Sabi mo nga insan na he studies para di niya maisip si Margaret diba? Tapos sabi din niya hindi si Margaret ang talagang iniisip niya lagi, si Pipay. Oo wala na si Margaret pero may Pipay pa naman ah. E ano ako? Bakit ako never niya nabanggit before? Ayun ang gumugulo sa isip ko. Ano ako last resort? Napansin ba niya na love ko siya so nagdecide siya na magsabi ng ganon sa akin?” drama ni Steph at tumayo na si Karen at nakitabi sa kanya.

“So anong sinabi niya after?” tanong ni Karen at huminga ng malalim si Steph at naluha. “Karen…ramdam ko ang kalungkutan niya nang sinabi ko di ako naniniwala sa kanya. Parang nakita ko namuo mga luha niya. Pero nagpatawa nalang siya at nag iba ng topic pero bakit ganon? Naniniwala ako sa kanya na hindi. Shet parang pumalpak nanaman ako Karen” sabi ni Steph at tuluyan na siyang naiyak.

“Gaga wag kang ganyan, the good thing is he admitted na he loves you. Okay lets take it from there. Now sabi mo may doubt ka diba?” sabi ni Karen. “Oo eh pero normal lang naman yon diba?” sagot ni Steph. “Oo normal lang yon, gusto mo lang matanggal yung doubt talaga so ask him. Ganon lang kasimple yon” payo ni Karen. “Ask him what?” tanong ni Steph.

“Ask him about yung doubts mo. Ask him about Pipay. Alam ko naman siya nalang humahadlang e diba?” sabi ni Karen. “Oo nga e, sino ba kasi yang Pipay na yan? Kung wala lang siya okay na sana e” sabi ni Steph. “So kung gusto mo maliwanagan then go to him and ask him. Diretsuhin mo, sabihin mo ang tunay mong nararamdaman ang force Pipay out” payo ni Karen at pinunasan ni Steph ang mga luha niya at biglang tumayo.

Naglakad siya palabas ng kwarto at sinara ang pinto. Ilang saglit lang ay bumalik siya at biglang tumawa. “Pero sinabi nya sa akin na mahal niya ako” sabi nya bigla at kinilig ulit. “Sinabi niya mahal niya ako, sinabi niya mahal niya ako. Hayaan ko na kaya si Pipay? Kasi sinabi nya mahal niya ako e” sabi ni Steph sabay tumawa.

“Pipay…Pipay…Pipay…Pipay” paulit ulit na sinabi ni Tim at biglang tumigil si Steph. “Oo nga, hay no choice talaga” sabi ni Steph at biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Raymond. “Anong meron dito?” tanong niya at nagsenyasan si Tim at Karen at tumayo sila. “Sige iwan muna namin kayo dito at may lakad kami” sabi ni Tim at lumabas sila ng kwarto ni Karen.

“Ah sige uwi narin ako Steph” sabi ni Raymond pero biglang humarap sa kanya ang dalaga. “Dito ka lang, upo ka dito” sabi ng dalaga at tinuro niya ang kama. Naupo si Raymond sa kama at naglakad lakad si Steph sa kwarto.

“Monching…yesterday” sabi ni Steph. “Ay yon, kalimutan mo na yon” sabi ng binata. “Tsk, anong kalimutan?” sagot ng dalaga. “Hayaan mo na yon” ulit ni Raymond. “Wait, listen, hay, alam mo Monching happy talaga ako sobra nung sinabi mo na mahal mo ako” kwento ni Steph. “Oo na Steph pero hayaan mo na pag di ka naniniwala” sabi ni Raymond.

“Shut up nga at makinig ka” pagalit na sinabi ni Stephanie. Huminga ng malalim si Steph at tumayo sa harapan ng binata. “Oo di ako naniniwala pero gusto ko maniwala kasi…Mahal din kita Monching matagal na” sabi nya at nanlaki ang mga mata ng binata at napanganga.

Pareho sila napangiti at nagkailangan ngunit napayuko nalang si Raymond. “Stephanie Mahal kita, just tell me what I need to do to prove it to you” sabi ng binata. “Monching mahal na mahal kita matagal na. Kay daming beses na ako halos mamatay sa selos, I really want to believe you pero recent events e parang nabigyan mo ako ng doubt. Kilala kita matagal na, yesterday nung sinabi mo I believed you pero sorry bigla ko naisip ang madaming bagay e. Mga bagay na di pwedeng kalimutan at tumatak na at nagdulot ng hapdi” banat ng dalaga at sabay pa sila natawa.

“Steph do you want to sit down and lets talk about the pighatis?” tanong ni Raymond at bigla nalang siya niyakap ng dalaga. Pareho sila nagyakapan ng mahigpit at naging tahimik ng ilang segundo.

“Steph mahal kita” bulong ni Raymond. “Mahal din kita Monching” sagot ng dalaga at bumitaw na siya. Naupo si Steph sa tabi ng binata at nagharap sila. “I must admit masarap ang yakap ha, pwede ulet?” sabi ni Raymond at pinalo ng dalaga ang kamay niya. “Saka na pag ayos na, game nasa hot seat ka” sabi ng dalaga at huminga ng malalim si Raymond. “Ready na tita Kwis” sabi nya.

“Okay, wag ka din magagalit kay Tim kasi nagkwento din siya sa akin. Oo by force. Una, about Margaret” banat ng dalaga at napangiti si Raymond. “Steph matagal na kitang gusto, kaya lang di laging maganda ang turing mo sa akin pero di naman nawala ang gusto ko sa iyo e” sabi ni Raymond at kinilig ang dalaga pero pinalo siya. “Ang layo ng sagot mo sa tanong ko” reklamo niya.

“I am starting from the beginning Steph, so listen to me naman” paliwanag ni Raymond at huminga ng malalim ang dalaga at pinagmasdan ang mahal niya. Steph sabi ko nga matagal nang nahulog loob ko sa iyo, alam mo naman siguro how you treat me dati so parang sa tagal na ganon lagi nawalan ako ng lakas ng loob na ituloy but never ka nawala sa puso ko”

“Then Margaret came, oo she caught my attention. Yeah I liked her. Pero not that much, I still liked you better. The moment I mentioned I liked her I saw your reaction, medyo naguluhan ako sa totoo. Di ako makapaniwala talaga pero parang nakita ko nagselos ka kaya masaya ako kaya ko dinikdik talaga. I wanted to prove na tama napansin ko so tinuloy ko na saying I really like Margaret, I really did but not that much. Sana maintindihan mo yon” kwento ni Raymond at napapangiti ang dalaga pero pinipigilan lang niya.

“First day of classes, seeing with Margaret with Marwin, masakit? Medyo pero expected na. Pero alam mo mas nasaktan ako nung nakita kang may kaakbay na lalake, si Eric. Oo don talaga ako nasaktan” kwento ni Raymond at nagtakip ng bunganga si Steph at nanlaki ang kanyang mga mata. “Sobrang sakit na talagang di ko alam gagawin ko. Shet first love ko may kasama nang iba, don talaga ako nasaktan. I tried to act normal in front of you, ginagawa kong rason ang nakita ko kay Margaret, ganda nga ng timing talaga e. I was really hurt seeing you with that Eric, lalake ba talaga yon?” sabi ni Raymond at tumingin sa malayo si Steph at pinigilan ang tawa niya pero natauhan din lang.

“So ayon, di ko mabura sa isipan ko yon. So I studied. Pero nalito ako, nawala bigla si Eric. Tapos yon nanaman e, nakita ko ata nagseselos ka kay Margaret, the lunch thing. Then si Margaret naman nagseselos din sa iyo. That point I admit gusto ko makabawi parang ganon or make sure tama yung nakita ko sa iyo na selos. Pero confused din ako. Then the kiss came, sorry pero oo naging masaya ako kasi naman first e. Pero sabi ko nga sa iyo about the kiss, I don’t have to repeat it, how I wished my first kiss was with you, pero medyo kasi remember I kissed you on the cheeks several times, kung malakas lang loob ko non sa labi sana pero sapat na sa cheeks” kwento ng binata at nagtawanan silang dalawa.

Nahiga Raymond sa kama at tumingin sa kisame, “Honestly Steph its all about you. Pero oo aminin ko nagkagusto ako sa iba, yeah its normal pero kahit na ganon I still felt guilty alam mo ba? Ahaha kahit di naman tayo I really felt guilty liking Margaret. Nakakatawa ano? Feeling ako, feeling ko girlfriend kita at nagtataksil ako kahit di naman” sabi ni Raymond at sumandal din si Stephanie sa kama at napangiti. “Pero still you kissed her” kulit niya at napasimangot ang binata.

“Steph pag di ka naniniwala sa akin its okay. Mahal kita matagal na, naging complicated, torpe ako, di ko na alam ipapalusot ko sa mga nangyari pero ayaw ko din magrason. If I have hurt you, I am sorry. I feel so happy knowing that mahal mo din ako, pero kung may doubt ka then I am willing to wait, I am willing to do anything para mapatunayan ko sa iyo na mahal kita. Pero pag wala ka talaga tiwala sa akin, tanging hiling ko nalang ay sana wag maging awkward pagsasamahan natin from now on. If you don’t believe me wish ko kalimutan nalang natin ang mga nangyari and sana we still be the same, act the same. Kasi okay lang na sabihin mo wala ka tiwala sa akin kesa naman na tuluyan kang mawawala” drama bigla ni Raymond.

Nakangiti lang si Steph at pinagmamasdan si Raymond, napatingin sa kanya ang binata at napangiti din. “O sumagot ka naman” sabi nya. “Mahal mo talaga ako?” tanong ng dalaga. “Oo, pero kahit sabihin ko oo di ka naman naniniwala” sumbat ni Raymond. “Naniniwala ako at mahal din kita…pero…” sabi ni Steph at napataas ang kilay ng binata.

“Pero ano?” tanong ni Raymond. “I believe your story but parang may nakalimutan ka isama e” biglang banat ni Steph at tumawa ng malakas si Raymond. “Don’t tell me si Pipay?” sabi nya at napasimangot si Stephanie at biglang tumawa si Raymond.

“Steph mahal kita, at mahal mo din ako diba?” tanong ni Raymond. “Oo pero may Pipay pa” sabi ng dalaga. “So habang may Pipay it wont work out for us?” tanong ni Raymond. “Tandaan mo ang drama mo Monching, gulong ka, gusto mo ng unicycle, willing ako mag unicycle pero gusto ko ako lang. Ayaw ko na may nakiki unicycle gets mo?” banat ni Steph at muling natawa si Raymond.

Tahimik si Raymond pero nakangiti, nainis bigla si Steph at pinagpapalo siya. “Oy, ano na?” tanong ng dalaga. “You are worried about Pipay?” tanong ni Raymond at napasimangot ang dalaga. “Oo! Tandaan mo tumatak ang sinabi mo about her, akala mo masarap pakinggan mga sinabi mo? Hello! Deep wounds yon! Akala mo ikaw lang di nakakatulog sa gabi kakaisip sa akin…well ako naman di makatulog sa gabi kakaisip diyan sa Pipay na yan! Sino ba yan? Kung wala kayo I want you to introduce me to her, ipakita mo siya sa akin. Kahit yon lang Monching, para naman may closure. Kaya mo ba gawin yon?” sabi ni Steph at huminga ng malalim si Raymond.

“You really want to meet Pipay?” tanong ni Raymond sabay tinitigan ang dalaga. “Yes I want to meet her, or even just see her. Lagi kita kasama araw araw so I know walang nagaganap sa inyo, so I just want to see her para naman magkamukha yang babaeng pinagseselosan ko” sagot ni Steph.

“If I show her to you will we be okay?” tanong ni Raymond. Huminga ng malalim si Steph at hinawakan ang kamay ng binata.

“Oo Monching, bigyan mo lang mukha yung pinagseselosan ko at okay na tayo”