sk6

Wednesday, August 12, 2009

Em En Kay Chapter 5: Tayo

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 5: Tayo

Lunes ng umaga masakit ang ulo ni Tim ngunit si Raymond biglang napangiti. “Oy ano nginingiti mo?” tanong ni Tim sabay masahe sa ulo nya. Sinundan niya ang mga mata ni Raymond at paglingon niya nakita niya si Margaret na nakatayo at kausap si Marwin. “Hoy tado ka bakit mo siya nginingitian?” tanong ni Tim at tumawa si Raymond. “Pare its just a smile, how harmful can a smile be?” sagot niya.

“Akala ko ba e suko ka na?” hirit ni Tim at nag ayos na si Raymond at tumingin sa labas ng bintana. “Pare suko na nga ako e, this is part of moving on, buti nga di ako nagtry manligaw sabay banatan lang ako ng I like you just as a friend. Oooohhh mga palusot nila ayaw pa diretsuhin na pangit ka di kita type kaya kunwari friend lang kita na like pero yung like being considerate sa feelings lang yon lang yon” litanya ni Raymond at tawa ng tawa si Tim at sinuntok ang braso ng kaibigan niya. “Wag kang magpapatawa at masakit ang ulo ko!” sabi ni Tim.

Pagsapit ng lunch break ay tumayo lang si Raymond sa labas ng classroom nila habang pinipilit na siya ni Tim umalis sila. “Teka lang pre, please, two minutes” hiling ni Raymond at sumandal nalang si Tim sa dingding at huminga ng malalim. “Ang labo mo pare, you are still staring at her, ganyan ba ang sumuko na? Paa sa lupa pare, wake up ka nga” sermon ni Tim pero ngumiti si Raymond at nagulat ang kaibigan niya nang nakangiti din si Margaret na papalapit sa kanila.

“Hi, sorry for waiting, ano sa labas nalang tayo lunch?” sabi ni Margaret at halos malaglag ang panga ni Tim sa narinig nya. “Sa labas nalang tayo mas madami pagpipilian” sagot ni Raymond at nagsimula na sila maglakad palabas ng gate pero tulala parin si Tim. “Pare, hindi panaginip to, hindi ka tulog, this is real” bulong ni Raymond sa kaibigan niya sabay tumawa.

Sa isang maliit na karinderya sila kumain at di ulit makapaniwala si Tim pagkat magkatabi sila magkaupo. Habang kumakain ay nahuli ni Margaret na pinagmamasdan siya ni Raymond, “Gusto mo din nitong ampalaya? Eto o kuha ka” sabi ng dalaga pero umayaw si Raymond. Nilagyan ni Margaret ang plato ng binata ng ulam at kinain naman ito ni Raymond. Nanlaki ang mga mata ni Tim at biglang natawa kaya napatingin ang dalaga sa kaniya. “Bakit?” tanong ni Margaret at pasimpleng sumubo si Tim, “Wala, namiss ko bigla girlfriend ko” palusot ni Tim at napangiti ang dalaga.

Dismissal time, inaantay nina Raymond at Tim si Steph para sabay silang tatlo umuwi. “Pare I cant believe it” sabi ni Tim. “Alin pare?” tanong ni Raymond. “Ano ba talaga pare? Friends lang ba talaga o may iba kang binabalak?” banat ni Tim. “Wala pare, di ako ganun pre yung nanunulot. At pare ano naman ang ilalaban ko kay Prince Charming nya no? Face value layo agwat, varsity pa yon at madatung, o sige nga” paliwanag ni Raymond.

“Fine fine, pero pare wag masyado at you never know” payo ni Tim at natawa si Raymond. “O ano nanaman pinaguusapan niyo?” tanong ni Stephanie bigla. “Wala naman, kasi nakipaglunch si Margaret sa amin kanina” sabi ni Tim at tumaas ang kilay ng dalaga. “At nakayanan mo naman silang magsyota pakisamahan?” tanong ni Steph kay Raymond. “Ahem, si Margaret lang kasama wala si Marwin at ang sweet nila ni Raymond” banat ni Tim at napasimangot ng sabay si Raymond at Steph.

“Ano ka ba pare, friendly lang. Sabi nya wala siya kasama pag lunch so ayun sabi ko sumabay siya sa atin” paliwanag ni Raymond. “Ah talaga? Steph ano ang pinakaayaw kaninin ni Raymond tell me?” banat ni Tim. “Ampalaya” sagot ng dalaga at napangisi si Tim at lalong napasimangot si Raymond. “Don’t tell me napakain niya to ng amapalaya?” tanong ni Steph at napangisi muli si Tim. “Himala! Kumain ka ng amapalay” sabi ni Steph sabay tumalikod at naglakad na.

“Alam ko mapait pero pare kanina parang ang sarap bigla ng ampalaya pag siya kaharap ko. Yung tubig naglasang napakatamis at bawat subo parang kay sarap ng aking kinakain” bulong ni Raymond kay Tim at nagtawanan sila bigla. “Bilisan niyo nga maglakad gusto ko na makauwi. Bubulung bulungan pa kayo diyan para kayong mga echoserang palaka!” sermon ni Steph. “Insan bakit parang mainit ang ulo mo bigla?” tukso ni Tim. “Shut up ka! Period ko!” sumbat ni Steph kaya nanahimik nalang yung dalawa.

Kinabukasan ng lunchtime inantay ulit nina Raymond at Tim si Margaret. Pagdating ng dalaga nakiusap si Tim na mag antay pa konti. “Bakit pre di naman dito nag aaral si Karen ha” sabi ni Raymond pero sa kalayuan nakita na nila si Stephanie. “Wala daw siya kasama kaya makikikain daw siya ng lunch sa atin” sabi ni Tim. “Hi, makikilunch ako sa inyo okay lang?” tanong ni Steph pagdating nya. “Oo naman the more the merrier” sagot ni Margaret at biglang umakbay si Steph sa braso ni Margaret na kinagulat ng dalawang lalake. Umakbay din sa braso ni Tim si Raymond at nagbakla baklahan, “Taralets gutom na aketch” banat niya at nagtawanan ang dalawang babae.

Magkatabi sina Raymond at Stephanie at sa tapat nila yung dalawa. Habang kumakain biglang nagdrama si Steph, “Buti nalang meron kayo, nakakayamot kumain ng mag isa. Sana bukas makasabay ko ulit kayo kasi mga friends ko nag iba bigla mga sched kasi yung iba nag drop na” sabi nya. “E di magsama sama tayo araw araw tuwing lunch” sagot ni Margaret at napatingin si Tim kay Raymond na tila walang pakialam sa nangyayari. Susubo sana si Steph ng pansit pero bigla hinawakan ni Raymond ang kamay nya. Napatingin sa kanya ang dalaga at nagkatitigan sila. “Shrimp” sabi ni Raymond at kinuha nya ang buong plato ni Steph at hiniwalay ang mga shrimps na nahalo.

“Ah allergic kasi itong pinsan ko sa sea foods, ang pwede lang nya kainin ay fishball at squidball kasi may halo naman mga yon e” paliwanag ni Tim sabay tawa pero walang nakikinig sa kanya. Parehong nakatitig ang dalawang babae kay Raymond na busy sa paghahanap ng shrimp sa pansit. Nang naalis nya lahat binalik nya ang plato ni Steph at nakita nya nakatingin lahat sa kanya. “What?” tanong nya at nginitian siya agad ni Margaret. “Bruno ha, para kayong magsyota, teka kayo ba?” sabi ng dalaga at nagulat si Steph.

Dinikit ni Raymond ang katawan nya kay Steph sabay ngiti, “Bagay ba kami?” tanong nya at tinutulak siya palayo ng dalaga. Tawa ng tawa si Margaret pero si Tim masama ang tingin sa pinsan nya. “Magkababata lang kami” sabi ni Steph sabay niyuko nya ulo nya at kumain. “Ah kaya pala alam niya, pero kahit na napakasweet ng ginawa mo sana may allergy din ako tapos ganyan din gawin ni Marwin” sabi ni Margaret at napangisi nalang si Raymond.

Araw araw na magkasama ang apat tuwing tanghali at lalo sila naging magkakalapit na magkaibigan. Pagkatapos ng unang subject ng Sabado nasuspendido na ang klase buong araw pagkat may meeting ang mga lahat ng faculty at admin. Walang pasok si Karen kaya sabi ni Tim pupuntahan niya ang girlfriend nya. Di mahanap ni Raymond si Steph kaya nagpasya nalang ito umuwi.

Pagdating nya sa gate nakasalubong niya sina Marwin at Margaret, “Bruno! Uy san ka punta?” tanong ni Margaret. “Yo, M and M! Wala uwi na ako” sagot ni Raymond. “Uy oo nga no, M and M tayo, nice! So pano yan hon, punta na ako sa gym, text nalang kita mamaya” sabi ni Marwin sabay halik sa pisngi ng girlfriend niya. “Di pa ako uuwi, baka punta ako sa mall muna” sabi ni Margaret. “Ha? Ano gagawin mo don?” tanong ni Marwin. “Wala maglilibot kami konti tapos uuwi din lang siguro” sabi ng dalaga.

“O sige, ingat ka nalang, text mo nalang ako” sabi ni Marwin at tumakbo na papasok sa campus. “Gusto mo samahan muna kita dito habang inaantay mo mga friends mo?” alok ni Raymond. “Anong friends?” tanong ni Margaret. “E sabi mo maglilibot kayo sa mall” paliwanag ni Raymond at ngumiti ang dalaga. “Tayo yon, tayo ang maglilibot sa mall, tara na” sabi ni Margaret at natulala si Raymond. “Tayo?” tanong niya at tumawa ang dalaga. “Halika na Bruno, wag ka na maarte wala ka din lang naman gagawin sa bahay niyo” sabi ni Margaret kaya sumama naman si Raymond.

Sa mall naglibot ang dalawa hanggang sa nagutom si Margaret. Sa isang fastfood joint sila kumain at naiilang talaga si Raymond sa dalaga. “Hoy ano ba parang ang tahimik mo masyado. Di tulad nung first time natin nagkakilala” sabi ni Margaret. “Ha? Eh? Kasi overwhelmed lang ako sa lugar na to, walang ganito sa bundok namin e” sagot ni Raymond at tumawa ng malakas si Margaret at napatingin ang lahat ng tao sa kanila.

Halos sumakit ang tiyan ni Margaret pagkat di na huminto sa pagpapatawa si Raymond. “Grabe ang bilis mo ako mapatawa talaga” sabi ni Margaret. “I like making you laugh” biglang banat ni Raymond at sabay sila napatigil at nagkatitigan. Muling natawa si Margaret at pinalo ang kamay ni Raymond, “Uy wag kang ganyan baka maniwala ako” sabi ng dalaga. “Maniwala saan?” tanong ng binata at ngumiti nalang ang dalaga sabay sip sa drink nya.

After lunch muling naglibot ang dalawa at napatigil sila sa harapan ng isang shop, “Tara pasok tayo sa loob” sabi ni Margaret. “Bakit may bibilhin ka ba?” tanong ni Raymond. “Wala naman pero tara pasok tayo” sabi ng dalaga at pumasok ang dalawa at sa loob puno ang shop ng mga bentang mirror. “Mirror shop, may ganito pala. Sa bundok namin kasi kailangan mo pumunta sa batis para makita mo itsura mo sa tubig. Minsan ayos, may times na wrinkled face ko” banat ni Raymond at muling sumabog sa katatawanan si Margaret.

Nang mahimasmasan si Margaret ay napansin nila nakatayo sila sa harap ng isang malaking mirror at nakita nila ang sarili nila doon. Tumayo ng maayos ang dalawa at nagtitigan sa salamin, humakbang palapit si Margaret sa tabi ni Raymond sabay sabi “Tayo”. Nagngitian sila sabay lumabas na ng shop, parang nailang sila sa isat isa kaya tahimik lang sila naglakad. Hinatid na ni Raymond si Margaret sa paradahan nila at pagkalakad niya sa paradahan nila hanggang sa pag uwi napakalaki ng ngiti sa mukha ng binata.

Sa sumunod na Sabado nagpasama si Margaret kay Raymond para manood ng varsity practice ni Marwin. Sa bleachers sila pumwesto at nakita sila ni Marwin at kinawayan sila. “Alam mo kwento ni Marwin mag best of friends kayong tatlo ni Timothy, pero bakit parang di ko nakikita yon sa inyo? Nag away ba kayo?” tanong ni Margaret at sumandal si Raymond at napabuntong hininga sabay tinitigan si Marwin sa court. “Wala naman” sabi nya pero di naniniwala ang dalaga.

“Marwin is such a wonderful guy, siguro di niya lang naipapakita sa inyo yung side na yon. Oo alam ko babaero siya dati at yeah sometimes…ah basta. Sana maayos niyo ang away niyo” sabi ni Margaret. “Wala naman talaga kaming pinag awayan. Kung iniisip mo yung ginawa ko sa kanya sa klase dati, wala yon, kalokohan ko lang talaga yon. We are not fighting” paliwanag ni Raymond. “E ano then?” tanong ng dalaga at di sumagot si Raymond.

“Alam mo wala ako alam sa basketball, since its obvious na part ng buhay niya itong game na ito okay lang ba explain mo sa akin. I mean kahit the basics lang para naman maintindihan ko ginagawa nya” hiling ni Margaret at pinagmasdan niya ang mukha ni Raymond. “Two teams, five members each are allowed at the court at the same time. May basket kayo na proprotektahan, tapos goal niyo to score sa opponent’s basket…” sabi ng binata at tinuro niya ang alam niya habang pinapanood nila ang practice.

Trenta minutos nagpaliwanag si Raymond at medyo naintindihan na ni Margaret ang laro. “I see, so do you think magaling talaga si Marwin?” tanong ni Margaret at walang reaksyon sa mukha ng binata. “Oo siguro varsity e. Mula highschool varsity na” sagot ni Raymond. “I see, e si Tim, kumusta naman siya as kaibigan?” hirit ni Margaret at biglang lumiwagan ang mukha ni Raymond.

“Si Timothy? Ah okay siya. Maasahan yon, focused na tao at loyal sa girlfriend niya. Minsan mahilig magpatawa din, di mo masyado makita kasi magaling sa timing yon. Not like me na taklesa, sige banat ng banat basta may makita. Okay siya na kaibigan” sagot ni Raymond. “Pag si Marwin hirap ka sumagot, pag si Tim ang bilis. Obviously may lamat friendship niyo ni Marwin. So ano ba nangyari?” sabi ni Margaret. Humarap si Raymond sa kanya sabay sabi “Ano sa tingin mo?”

“Kaya nga tinatanong e kasi di ko alam e. Pero if you don’t want to tell its okay” sabi ni Margaret at sumandal ulit si Raymond at huminga ng malalim. Tahimik ang dalawa at pinanood ang practice, halatang masama ang mood ni Raymond kaya sinubukan ni Margaret magpatawa pero wala ito epekto.

“Ei…orientation day…kung di ako sumama sa friends ko sa tingin mo ba…may M and M pa?” biglang tanong ni Margaret at napatingin sa kanya ang binata. Tinignan ni Raymond si Marwin at nakitang tapos na ang practice. Tumayo siya at tinignan si Margaret, “Parating na sya mauna na ako. Sa tanong mo, oo meron at meron parin M and M” sabi niya sabay naglakad patungo sa exit.

Napasandal paatras si Margaret at pinanood si Raymond umalis ng gym. Napasimangot siya at napabuntong hininga. “Stupid ka, wrong answer” bulong niya sa sarili.

Sa labas nakayuko ang ulo ni Raymond na naglalakad palabas ng campus habang paulit ulit binabanggit ang “M and M”. Hanggang sa pag uwi nya yon parin ang binabanggit nya kaya dumiretso sya sa kwarto nya at nahiga sa kama.

“Suntok sa buwan man…M and M…tayo…Margaret and Monching”