Em En Kay
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 10: YAM!
Lunes ng umaga nagkaroon ng gathering ang lahat ng IT students sa auditorium, nakaupo sa harapan sina Raymond, Tim, Margaret, at Marwin. “Ano ba kasi ang meron?” tanong ni Margaret. “Ewan ko sabi nila awarding, mas maganda na to no kesa sa lecture” sagot ni Marwin. “Nasan na siya?” bulong ni Raymond. “Sino pre?” tanong ni Tim. “Si Steph, nasa kanya yung medal ko” sabi ni Raymond.
Nagsimula na ang event at isa isa nang pinatawag sa stage ang mga estudyanteng nakisali sa competition. Nagulat sina Marwin at Margaret nang umakyat sa stage si Raymond. “Kasama siya?” tanong ni Margaret. “Yup, kaya siya absent nung Friday” sagot ni Tim. “Wow, pero I heard second lang sila, hahaha more practice” banat ni Marwin at napangisi lang si Tim.
Naaward na ang second place trophy at medals sa mga estudyante pero tingin ng tingin si Raymond sa may entrance. Pati si Tim lingon ng lingon at inaantay ang pagdating ni Steph. “Achieving second place at a competition like this is already a big achievement. We received the invitation just last week so our participants did not have enough time to prepare but still we were able to get second place. Just imagine if they had time to prepare” sabi ng Dean at biglang nagpalakpakan ang lahat ng mga estudyante.
“But the good news does not stop there. Aside from the team competition, there was likewise an individual event. Don’t judge a book by its cover, the famous saying goes, and this first year student of ours really proved that saying to them. The individual event was open to all year levels, and a single first year student was crowned the grand champion. It takes great pride and honour to introduce our very own, Raymond Deguzman, the 2009 IT grand champion!!!” sigaw ng dean at matinding palakpakan ang naganap.
Nakatayo si Margaret na sumisigaw at pumapalakpak ngunit napatigil ang dean pagkat nawawala ang medal. Sakto biglang nagbukas ang auditorium door at sinenyasan ni Raymond na bilisan ni Steph. Lahat napalingon kay Stephanie kaya takbo siya palapit sa stage. “Sorry late ako, nag seatwork kami, eto o” sabi ni Steph sabay abot ng medal. “Akyat ka dito” sabi ni Raymond at bigla nagtawanan ang lahat.
Sinabit ang medal sa leeg ni Raymond pero nung kukunan na sila ng picture ay tinawag niya si Steph na umakyat. Nagkantyawan ang lahat at nahiya ang dalaga umakyat pero nagpamulit si Raymond. Wala nagawa si Steph kundi tumabi kay Raymond at kasama ang dean at ibang contestants na magpapicture. “Nakakahiya naman” bulong ni Steph pero tumawa si Raymond. Tinanggal ni Raymond ang isang medal nya at sinuot kay Steph, “O ayan para di ka magmukhang outcast” sabi nya at nagtawanan ang lahat sa stage at tuloy ang picture taking.
Sumikat ng todo si Raymond sa campus pagkat may nakapaskill na pictures nila sa announcement board. Tuesday ng lunch halos di makakain si Raymond pagkat ang dami bigla pumapansin sa kanya. “Hi Raymond!” sabi ng isang babaeng dumaan sa lamesa nila sabay nagpacute sa binata. Ngiting aso lang si Raymond sabay sinusubukan hilain si Stephanie papalapit sa kanya. “Ano ba?” tanong ng dalaga. “Yam!” sagot ni Raymond. “Anong yam?” sumbat ni Steph at napakamot si Raymond at may lumapit ulit na babae at nginitian siya.
“O ayaw mo niyang ang daming girls na pumapansin sa iyo o” tukso ni Steph. “Sus, nakilala lang nila ako dahil sa nagawa ko, pero do they know me? Nah, maniwala pa ako pag pinansin ako nang wala ako ginagawa. Now that I did something good tapos papansinin ako? No thanks” sabi ng binata at tumawa si Steph. “Uy lumalaki na ulo niya o, porke celebrity na nagiging choosy na” sabi ng dalaga at natawa si Raymond.
“Ah basta siya lang, at wala nang iba pa” sabi ni Raymond. “Sino?” tanong agad ni Margaret. “Sino pa kung di si Pipay niya” sabi ni Steph. “Who is Pipay?” tanong ni Margaret. “Isang fictional character na inlove na inlove si Raymond” sagot ni Tim at nagtawanan ang lahat. “Oy she does exist, sus tignan niyo lang kung napasagot ko siya” sabi ni Raymond. “Does she study here too?” tanong ni Margaret. “Yup, no more questions” sagot ni Raymond.
“Bakit di mo tinuturo sino siya?” tanong ni Steph. “Ah basta, she goes to this school too. You have seen her but of course you don’t know its her, hahaha sa dami ba naman ng students dito for sure in passing you have seen her many times or a few times or maybe never. But she does exist” sagot ni Raymond. “So nililigawan mo ba siya?” tanong ni Margaret. “Hay, di pa. Maybe I will soon” sagot ng binata at parang nainis si Margaret.
Biglang lumapit si Raymond kay Steph at inakbayang ang isang kamay nito. “Iskirimay iskirimay” sabi nya at nagtaka sila lahat. “Ano nanaman pinagsasabi mo?” tanong ni Steph at pumipiglas sa hawak nya. “Shhhh…iskirimay iskirimay pokepis pokepis…kanina pa kaway ng kaway yong babae don, e iskiri ang itsura nya parang witch” sabi ni Raymond at bigla sila nagtawanan.
“Ah by the way Raymond, may gagawin ka ba this dismissal, pasama sana ako sa practice ni Marwin e” sabi ni Margaret. “Yup, sorry ha pero I promised Yam to help her out” sagot ng binata at lahat napatingin sa kanya. “Yam?” tanong ni Margaret. “Yam? Nabanggit mo na yang name nung picture taking ah, sino siya don?” tanong ni Steph. “Ah basta, someone lang. Uy tara na magbebell na” sabi ni Raymond kaya umalis sila pero ang dalawang dalawa pareho naintriga.
Nauna naglakad palabas ang mga boys habang nagpahuli ang dalawang babae. “Do you know who Yam is?” tanong ni Margaret. “Di ko alam, pero nabanggit nya nung picture taking, di ko sure kung kasama sa stage or nasa crowd pero nakasmile siya e” pabulong na sagot ni Steph. Biglang may nilabas na medal si Margaret at nagulat si Steph, “I got it from him, sweet nya no?” sabi ni Margaret at napangiti nalang si Steph pero sa totoo sumasakit ang dibdib nya.
Dismissal nag aabang si Steph sa gate nang pasimpleng lumabas si Raymond. “Dali tara na baka makita pa tayo” sabi ng binata. “Buti nabasa ko pa text mo uuwi na talaga sana ako. Pag magtext ka kasi agahan mo tulad ni Tim na pinuntahan si Karen” sermon ni Steph. “Oo na sorry na dali na lets go” sabi ng binata. “Go? Where? Akala ko ba kasama mo yung Yam!?” sabi ni Steph at tumawa si Raymond. “Sinabi ko lang yon no, para may palusot ako, tara na dali baka mamaya makita pa ako” sabi ng binata at nagmadali umalis ang dalawa.
“Hoy di dito ang daan pauwi” sabi ni Steph. “Alam ko, e it so happens na may cash prize ano so treat kita” sabi ni Raymond at napangiti ang dalaga. “E bakit ako lang? Kawawa naman si Tim baka magtanim ng sama ng loob” sabi ni Steph. “Hindi, binigyan ko siya ng pera para idate nya si Karen” sagot ng binata at nagulat si Steph. “Ha? Ginawa mo yon? Hala! Alam mo bang monthsary nila today at namromroblema siya ng pera, hala ang galing ng timing mo naman” sabi ni Steph.
“Sus, bestfriend nga e. Alam ko ang kunot ng mukha ni Tim pag wala siyang pera, alam ko din ang kunot ng mukha niya pag wala siyang pera at kailangan niya talaga. So it happens may prize money, so ayun” paliwanag ni Raymond at napabilib sa kanya ang dalaga. “E di sana kasama naman parents mo” sabi ni Steph. “Tsk wag na take out nalang sa kanila, tara na mamili ka saan tayo, don’t hold back at medyo malaki talaga prize” sabi ni Raymond at natuwa naman si Steph.
“Ikaw nalang mamili, treat mo naman e” sabi ng dalaga. “Sus, anong point kung magtreat ako kung ako lang ang masaya, parang forced ka lang sumama pag ganon. So mas maganda pag nasiyahan ka diba? Worth it ang treat pag ganon, so you choose” sabi ni Raymond at halos nanginginig na ang bibig ni Steph, di nya alam kung ngingiti siya o magsasalita.
Sa isang mamahaling restaurant sila tumapat at tumigil si Steph. “Alam mo masarap daw yung steak nila dito” sabi ng dalaga at natawa bigla si Raymond. “Asus, okay dito tayo” sabi ng binata. “Oist, mahal dito, sa iba nalang sa mas mura” sabi ni Stephanie. “Alam ko gusto mo dito so dito tayo” sabi ni Raymond. “Uy wag naman ganyan, sa mas mura nalang okay na ako don, burger nalang tayo” sabi ni Stephanie. “Alam ko iniisip mo yung pera na gagastusin, look di ako magtatagumpay kung di mo inayos bag ko” sabi ni Raymond at biglang tumawa si Steph.
“Ano naman konek non sa pagkapanalo mo?” tanong ng dalaga. “Aba madami, o lets say di ka sumama sa bahay that day, o malay mo ano nangyari sa akin. Or malay mo may nakalimutan ako like jacket ko, e ang ginaw sa Baguio pa naman, o diba? Basta connected lahat yan so nakatulong ka din” sabi ni Raymond at tawa ng tawa yung dalaga. “Alam mo ang labo ng paliwanag mo pero sige, gutom na ako e” sabi ni Steph at masaya sila pumasok sa resto.
Pagkaupo nila agad bumulong si Raymond sa waiter, lumapit ang waiter kay Steph at pinakita ang menu pero nakatakip ang presyo. “Hala, akin na” sabi ni Steph. “Maam utos ni sir takpan, mamili nalang po kayo” sabi ng waiter. “Sige na mamili ka na, alam ko naman gagaawin mo una mong titignan ang presyo. Wag ganun, basahin mo nalang ang name ng food, maglaway ka sa drawing nya tapos basahin ang description. Pero nakakapeke ang picture kasi ang laki ng picture pero pagdating ng pagkain ang liit pala” banat ni Raymond. “Di naman sir, baka sa iba lang yon” sabi ng waiter at biglang natawa si Steph.
Habang inaantay ang pagkain ay pinansin ni Raymond ang mga table napkin. “First time ko kumain sa ganito kaya ignorante ako, pero look sharp lang para di halata ng iba” sabi ng binata at bungisngis ang dalaga. “Sira, itong table napkin, its either nilalagay ito sa may shirt, siksik mo ganito or place it on your lap” paliwanag ni Steph. “Alam ko, ano ako tanga? Ilalagay mo ito sa shirt, chest para habang inaantay mo pagkain masalo nya ang laway mo, kasi maglalaway ka e” banat ni Raymond at biglang sumabog sa tawa si Steph at napalingon ang mga tao sa kanila.
“Oy Steph, chill down, baka sabihin nila wala tayong breeding” bulong ni Raymond kaya nagpigil ng tawa si Steph. “Tapos ilalagay mo ito sa lap pag may pagkain na para di ka maihi sa sarap ng pagkain” tuloy nya at muling tumawa ng malakas si Steph at sinipa niya ang paa ni Raymond para tumigil sa pagpapatawa.
“Look ang daming spoon at fork, iba ibang sizes pa o. Pero oo alam ko ano gamit nila kasi may breeding ako. Big spoon pag madami ka pang kanin, pag pakonti ng pakonti paliit din ng paliit gagamitin mo. Then pag butil butil nalang natira ito nang pinakamaliit na spoon gagamitin mo para sulit. Ganon din sa form, pag tingi tingi nalang para class parin tignan small pork gamitin mo” sabi ni Raymond at muling sumabog sa tawa si Steph. “Small pork” ulit ng dalaga at naluluha na sya sa katatawa.
Dumating na ang pagkain nila at talagang nag enjoy ang dalawa sa pagkain. Sa bawat subo nagpalitan sila ng ngit at tawanan. Isang oras din sila kumain at pagkalabas ng resto ay masayang masaya si Stephanie. “O akala ko ba mag take out ka para sa parents mo?” tanong nya. “Di na, saka na sila, they can understand siguro. Di ko nalang sasabihin na may cash prize. Sapat na ang medal sa kanila, although treat ko din sila don’t worry” sagot ng binata at biglang nalungkot si Steph.
“Medal, oo isa nalang maipapakita mo sa kanila pag uwi mo” drama ni Steph bigla. “Oo nga e” sabi naman ni Raymond at tuluyan nang napasimangot ang dalaga. Nagpara sila ng taxi para makauwi at doon sa loob masama bigla ang loob ng dalaga.
“Eto pala o, I want you to keep this for me” sabi ni Raymond sabay abot sa dalaga nung champion medal niya. “Ha? Keep? E ano na maiiwan sa bahay niyo?” tanong ni Steph. “Etong isa pa, diba dalawa? O you keep this one and my parents will keep this one” sabi ni Raymond at nalito si Steph. “Ha? But you gave Margaret one already” sabi nya.
“Ah, yon? Di akin yon. Bakit ko naman siya bibigyan no? Remember nung picture taking? Well pinahawak nung isang kasama ko medal niya, e si Margaret lumapit at hiningi ang medal, binigay ko naman” sabi ni Raymond. “Ha? Hala e pano na yung medal ng kasama mo?” tanong ni Steph. “Malay ko don, problema na niya yon, and look pina engrave ko na name ko so this two are definitely mine, and I want you to keep this one” sabi ni Raymond at inabot nya sa kamay ng dalaga ang medal.
Super ngiti si Steph at hinawakan ng mahigpit ang medal sabay tinignan si Raymond. “Ei, Monching, ano…date ba to?” pabulong na tanong ni Steph. Napatingin sa kanya yung binata pero agad tumingin sa relo niya. “August 11, bakit?” sagot ni Raymond at napangiti nalang ang dalaga at lalong hinigpitan ang hawak sa medal. “Wala naman, pasandal ha, inaantok ako” sabi nya at sumandal siya kay Raymond.
Pagdating sa kanila hinatid ni Raymond si Steph sa pintuan ng bahay nila. “Grabe I had a wonderful time talaga” sabi ni Stephanie at ngumiti si Raymond. “Yup ako din naman, sige na pasok na at magrereview ka pa, midterms na remember?” sabi ni Raymond pero parang ayaw pa pumasok ni Steph.
“Yam” sabi bigla ni Steph at tumawa si Raymond. “Bakit ka tumatawa?” tanong ni Stephanie. “Do you know what YAM is?” tanong ng binata. “Hay naku, the correct question is, do you know who Yam is?” sabi ng dalaga. “Nope, tama ako, do you know what YAM is?” ulit nya at nalito si Steph.
“Hay naku Raymond tigilan mo na ako, nagpapalusot ka nanaman. I really had fun so wag mo na sisirain pa ang gabi ko. Sige na papasok na ako” sabi ni Steph at tumalikod na si Raymond.
“YAM! It stands for….You and Me” sabi ni Raymond at nanigas si Steph bigla hawak hawak ang doorknob. “Psst, Monching…” sabi ni Steph at nilingon siya ni Raymond sabay tinuro siya sabay tinuro sarili nya. “You and Me” ulit ni Raymond sabay nginitian ang dalaga at kinawayan.