Em En Kay
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 4: Dito!
Sumapit ang Agosto at special day ni Timothy pagkat birthday niya. Maganda ang timing pagkat Sunday kaya abalang abala ang tatlo inaayos ang bahay pagkat madami dadating na mga bisita. “Ah Raymond pre, ah mamaya kasi e…” sabi ni Tim pero sinaway siya ng kaibigan niya. “Pare whatever it is okay lang kasi birthday mo today. Kahit ano hilingin mo pre sabihin mo lang” sabi ni Raymond at nagkatinginan lang ang magpinsan.
“Pre e may mga pupuntang mga friends” sabi ni Tim, “Pare naman, your friends are my friends too, oy birthday mo pare maupo ka nga lang at kami na mag aayos” sabi ni Raymond at di parin mapakali ang birthday boy. Pati si Stephanie nag aalala at wala na siya magawa kundi mapatingin sa pinsan niya.
Isang oras pa at nagsidatingan na ang mga bisita, nagsimula ang kainan at abalang abala sina Raymond at Steph na nagserve ng pagkain. Natapos ang kainan nagtipon tipon ang lahat para sa inuman, naupo si Raymond sa tabi ng bestfriend niya habang si Steph ay inasikaso ang mga kumakain pa.
Kinakantyawan ng lahat si Raymond na uminom pero tumanggi ito. “Sorry mga pre, panata ko talaga never ako titikim ng alcohol for life, iba nalang ipagawa niyo, o kaya kiss ko nalang si Tim” sabi nya at hinalikan niya ang birthday boy sa pisngi at ang tindi ng tawanan ng lahat. “Pare happy birthday, I love you pare” banat ni Raymond at lalo pang nagwala ang lahat. “Oy Raymond nagseselos na ako” sabi ni Katrina kaya yumakap naman si Tim sa girlfriend niya at hinalikan sa pisngi. “Ay Ay Ay break na tayo!!!” patawa ni Raymond at halos sumakit na ang tyan ng lahat sa pagpapatawa niya.
Para makibagay si Raymond ang naging tanggero ng grupo at habang nagbubuhos siya ng alak ay may bumati ng malakas. “Happy birthday Timots!!! Sorry late kami!!!” sigaw ni Marwin sabay kaway sa birthday boy. Ngumiti si Tim sabay ngiti pero agad tinignan ang kaibigan niya na nakayuko ang ulo at pinagmamasdan ang baso na may alak. “Tim, happy birthday pare, okay lang ako” sabi ni Raymond sabay bigla niya tinungga ang laman ng baso na kinagulat ng lahat. Pati si Steph nabigla sa nakita niya at biglang sumigaw si Raymond.
“Ang laswa ng lasa!!! Whoooo!!! This is a good time to learn how to drink!! Tagay pa!!!” sigaw ni Raymond. Pinuno ulit ni Raymond ang baso sabay tinungga, lumapit si Steph at nag alala. “Pareho parin ang lasa, malaswa!!! Ang init!!! Whooo!!” sigaw ni Raymond at nagkatawanan ulit ang grupo. “Hoy! Ano ka ba?” sabi ni Steph pero nginitian lang siya ni Raymond. “Pigilin mo nga yan insan” utos ni Steph pero walang magawa si Tim at Karen.
Naupo si Steph sa tabi ni Raymond, “Insan asikasuhin mo naman sina Marwin” sabi ni Tim. “Sus, matanda na yan at alam naman siguro nila nasan ang pagkain” sumbat ni Steph sabay tinignan siya ni Raymond. “Appear tayo! May kakampi pala ako dito. Shhhh baka marinig ahahaha tagay pa!!!” sabi ni Raymond at nagpaikot ulit sya ng baso.
Sa malayo naupo si Marwin at Margaret habang sila ay kumakain, nakatitig lang sa kanila si Raymond at di sya mapakali. “Bagay ni Marwin ang red shirt ano? Ilabas ang mga toro!!! Bring in the bulls!!!” sigaw niya at matindi ang naging tawanan. Napatingin si Marwin sa kanila kaya agad nagpasimple si Raymond. “Oooohhh am scared…hahahaha” bulong niya. “Oy tamado ka na, wag ka nang iinom” sabi ni Steph pero tinitigan siya ni Raymond. “Concerned ka?” tanong niya at nagsimangot si Steph pero tinukso sila ng mga nag iinom. “Ay ewan ko sa iyo” banat ng dalaga.
Ilang sandali pa pinansin nanaman ni Raymond si Marwin, “Mga pre, look o, ang alam ko ang salamin sinusuot sa mata, e bakit sya nakataas sa ulo o. Nakasuot sa ulo nya, ahaha kasi malabo ang utak. Kung baga sa computer, Operating System not found” pabulong na banat ni Raymond at ang tindi ng tawanan ng grupo. “Di ka naman bitter sa lagay na yan?” tanong ni Karen bigla at napatigil at napasimangot si Raymond. “He is bitter but she chose him e” sabi ni Steph at biglang tumawa si Raymond.
Walang ibang tumawa kaya tumigil siya, “Minsan lang magpapatawa si Steph kaya tumawa kayo!!! Yes I am bitter than him” banat ni Raymond at sumabog sa katatawanan ang grupo. Napatingin si Raymond kay Steph at nginitian siya, “Am I bitter?” tanong nya. “Oo naman, you are bitter…you are the beast” hirit ng dalaga at biglang kumahol si Raymond at mas matinding tawanan ang naganap kaya biglang lumapit na sa grupo sina Marwin at Margaret.
Sumama sa grupo si Marwin pero si Margaret naupo nalang sa malayo. Nagtuloy ang inuman at pagkatapos ng ilang minuto tumayo bigla si Raymond at napatingin lahat sa kanya. “Excuse me po, bibisita lang sa banyo” sabi nya na parang maamong bata at natawa lahat. Lahat pinanood siya maglakad pero bigla tumawa si Raymond, “Oy di ako weak! Porke first time ko akala niyo tutumba ako ha” sabi nya pero bigla siya nadapa at lalong napalakas ang tawanan. “Oops ganito na nga lang para di mapahiya” sabi ni Raymond at parang aso siya naglakad papunta sa banyo.
Tumayo si Steph at pinabangon si Raymond, “Uy wag mo naman ganyanin sarili mo” bulong niya. “Bakit tumatawa naman sila ha” sagot ni Raymond. “Eeesh, oo pero witty ka at doon sa witty jokes mo natatawa sila, di mo kailangan idown sarili mo para matawa sila lalo” sermon ng dalaga kaya biglang tumayo si Raymond. “Oy wag kang iinom” sabi ni Raymond bigla, “Di maganda ang uminom, sige kaya ko na” dagdag niya at naglakad na papunta sa banyo ang binata.
Trenta minutos nawala si Raymond at nag alala na si Tim. Sakto nakitabi si Margaret kay Marwin at biglang nainis si Steph pero napangiti nalang sa kanya. “Nasan na yon?” tanong ni Tim at tatayo na sana si Steph pero nauna si Margaret. “Hanapin ko siya” sabi ng dalaga pero tumayo din si Steph. “Hindi ako na, sige dyan ka lang” sabi ni Margaret. “Oo nga Steph, upo ka lang hayaan mo na si Margaret, diba Marwin?” banat ni Tim. “Oo sige hanapin mo nga yon, check mo baka nasa garden” sagot ni Marwin.
Sa hardin nagtungo si Margaret at doon nakita niya si Raymond nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. “Uy ano ginagawa mo diyan?” tanong ng dalaga at napatingin sa kanya si Raymond na halatang lasing na. “Umiinom ka mag isa?” tanong ni Margaret at tumawa ang binata. “Di ah, may kasama ako dito, inaantay ko nga at tagay na niya e” sagot ni Raymond.
“Ha? Sino siya?” tanong ni Margaret. “Si Casper” sagot ni Raymond at nagkatitigan sila saglit pero biglang tumawa ng malakas si Margaret. “Alam mo namiss ko mga pagpapatawa mo” sabi ng dalaga at nakiupo siya sa tabi ni Raymond at nilayo ang bote at baso. “Hehe namiss ko nga din tawa mo e” sagot ng binata at nagtawanan sila. “Uy ikaw ha, di pala joke yung orientation day ha” sabi ni Margaret. “Ha? Anong di joke?” tanong ni Raymond.
“Ikaw genius ka pala talaga” sabi ni Margaret at natawa ulit si Raymond. “Ah di talaga no, totoo yung orientation day…doon nagsimula ang lahat…anywaaaay kumusta ka naman?” sagot ni Raymond. “Eto parin, magkaklase tayo pero di tayo nagkakasama” drama ng dalaga. “E may boyfriend ka e” banat ni Raymond.
“E ano ngayon? Lagi nga wala yon e, lagi nalang nasa practice ng basketball. Minsan pag lunch hahabulin ko sana kayo pero ang bilis niyo maglakad ni Tim e” paliwanag ni Margaret. “Anong klaseng boyfriend ba naman yan o, kanina iniwan ka lang niya mag isa sa sulok habang nakikipag inuman siya. Ganyan ba dapat ang boyfriend material?” banat ni Raymond at natawa si Margaret. “Oist hayan mo na minsan lang naman tong mga birthday e, ayaw ko naman maging killjoy” sagot ng dalaga.
“Matagal na ba kayo?” tanong ni Raymond bigla. “Nung hapon ng orientation, nung naghiwalay tayo well nameet namin siya ng friends ko tapos ayun niligawan niya ako” paliwanag si Margaret. “Ang bilis ah” banat ni Raymond at biglang napangiti ang dalaga, “E sobrang gwapo kaya niya” hirit ng dalaga at napatingin sa langit si Raymond. “Ah face value” pabulong niyang sinabi. “Tapos ang sweet nya at mabait naman” dagdag ni Margaret kaya biglang napaubo si Raymond pasabay sabi “Bulsyet ggrmmm bulsyet ahem” at pinalo ng dalaga ang likod nya akala totoong umuubo siya.
“Pero alam mo di siya humorous tulad mo, never pa nga niya ako napatawa e. Kaya pag bored ako naalala kita” biglang sabi ni Margaret at nag init ang mukha ni Raymond pero agad siya tumingin sa malayo at ngumiti. “Uy sama niyo naman ako minsan tuwing lunch, mga friends ko kasi ibang course at schedule e” hirit ni Margaret at lalong napangiti ang binata. “Oo ba sige starting bukas…pero ang sakit” sagot ni Raymond.
“Ha? Saan?” tanong ng dalaga. Patagong tinuro ni Raymond ang puso nya sabay sabi “dito” at biglang humawak ang dalaga sa ulo niya at minasahe ito. “Ganyan talaga sasakit ulo mo pag uminom ka” sabi ni Margaret at napasimangot si Raymond. “Ahhh…oo nga” tanging nasagot nya.
“Halika higa ka sa lap ko at massage ko head mo” sabi ni Margaret sabay hinila ang katawan ni Raymond pero pumiglas ito. “Ah hindi oy baka makita tayo ni Marwin” sumbat ng binata. “Sus e ano ngayon halika na wag ka na maarte” sabi ng dalaga at hiniga naman ni Raymond ang ulo nya sa hita ng dalaga. Minasahe ni Margaret ang ulo ng binata at napangiti ito. “Hulog ka ng langit” biglang banat ni Raymond at natawa ang dalaga at piningot ang ilong niya.
“Balita ko first time mo uminom, alam mo wag ka na iinom wala maganda idudulot yan” payo ni Margaret at biglang tinitigan siya ng binata. “Meron din” sabi nya. “Ano naman?” tanong ng dalaga at ngumiti lang si Raymond at pinikit ang kanyang mga mata. “Secret” patawang sinabi ng binata. “Aysus may pasecret secret ka pang nalalaman, ano nga?” hirit ng dalaga at muling binuksan ni Raymond ang mga mata niya. “Ikaw, para akong nasa ulap ng kalangitan na ginagabayan ng isang magandang anghel” banat ni Raymond at tumawa ng malakas ang dalaga at muling pinongot ang ilong niya.
“Sira ka talaga, kita mo na alcohol ang nagsasalita” sabi ni Margaret at napasimangot si Raymond. “Oo nga siguro” sagot nya sabay napabuntong hininga siya. “Wag ka na iinom ha, para bukas makakapasok ka para lunch time magsama tayo” bulong ni Margaret sabay masahe sa ulo ng binata. “Ganon ka ba talaga kabored?” tanong ni Raymond. Tahimik lang si Margaret at napatingin sa langit, “Oo eh, pero bukas siguro di na” drama nya. “Oo asahan mo yan kasi kasama mo na ako” sumbat ni Raymond at napangiti ang dalaga.
Lumipas ang isang oras at kinalbit ni Stephanie si Margaret na nakasandal ang katawan sa pader at nakatulog. “Oy aalis na daw kayo” sabi ni Steph. “Ha? Nakatulog ako…teka pano to…ah halika ikaw dito kasi natutulog siya” sabi ni Margaret at inangat nya dahan dahan ang ulo ni Raymond at nagpalit sila ng pwesto ni Steph. “Wag mo na siya papainumin ha” pahabol ni Margaret at hinaplos agad ni Steph ang ulo ng binata. “Oo sige ako na bahala sa kanya” sagot ni Steph at umalis na si Margaret.
“Oooy wag kang magalaw at nahihilo ako” bulong bigla ni Raymond at pinagmasdan lang ni Stephanie ang mukha ng binata. Bumilis ang tibok ng puso nya at lalong napapalapit ang mukha niya sa mukha ni Raymond. Nilapit pa lalo ni Step ang mga labi nya sa labi ng binata at pinikit ang kanyang mga mata. “I like you so much” biglang bulong ni Raymond kaya napatigil ang dalaga at binuksan niya ang kanyang mga mata. Nilayo nya ang ulo nya at nakaramdam ng sakit sa puso pagkat alam nya di para sa kanya ang mga salitang yon.
“Wala na siya, umalis na sila” sabi ni Steph na nagsisimangot. “Alam ko” sumbat ni Raymond na kinagulat ng dalaga. “E alam mo pala nagsasabi sabi ka pa ng ganyan” banat ni Stephanie at napangiti si Raymond at tinitigan sya. “Praktis lang yon” sabi ng binata sabay tawa. “Asus umaasa ka pa na masasabi mo yan” sabi ni Steph. “Oo maniwala ka sa tamang panahon masasabi ko yon at that moment mark my words, with full conviction ko sasabihin yon” sumbat ni Raymond at nainis si Steph at tatayo na sana pero pinigilan siya. “Steph, pwede ganito muna?” hiling ni Raymond at huminga ng malalim si Steph at sumandal sa pader.
“Alam mo ba ang torpe ko talaga, hahaha sabi ko sa kanya masakit. Akalain mo ba naman minasahe nya ulo ko” sabi ni Raymond sabay tawa. “Dapat dito!” sabi ni Steph sabay hawak sa dibdib ng binata na kinagulat niya. Napatingin si Raymond kay Steph, “Oo paano mo alam?” tanong ng binata. “Sus saan pa nga ba?” sumbat ng dalaga at napangiti si Raymond.
“Dyan nga, pero pano mo ba mamasahiin pag yan ang sumakit?” tanong ni Raymond. Napailing si Steph at muling huminga ng malalim. “Ewan ko nga e, kung alam ko lang matagal ko nang ginawa” pabulong na sagot nya.
“Ano sabi mo? Ang bilis mo magsalita tapos ang hina pa” reklamo ni Raymond at napatingin nalang si Stepanie sa langit at napasimangot.
“Wala, sabi ko genius din ako”