sk6

Sunday, August 30, 2009

Bertwal Chapter 6: Liko Moves

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 6: Liko Moves

Dalawang linggo nang magkachatmate at textmate sina Joanna at Marco at dalawang linggo narin ang natitira sa bakasyon. Isang umaga naglilinis ng kwarto si Joanna at tumunog ang phone niya pero di niya ito pinapansin. Pumasok ang nanay niya sa kwarto at muling tumunog ang phone. “Aba himala, ano nakain mo at naglilinis ka ng kwarto? Tumunog phone mo” sabi ng nanay niya.

“Hayaan mo siya” sabi ni Joanna at nagsimangot. Tumunog nanaman ang phone at lumapit ang nanay niya sa kama at kinuha ang phone. “Babasahin ko na sige ka” biro ng nanay at nagsimangot lang ang dalaga. “Sige lang, I don’t care” sabi ni Joanna at talagang binasa ng nanay niya ang mga text message.

“Hanna, sorry talaga. Pumikit lang ako talaga tapos you know” bigkas ng nanay niya. “Lagi naman e, lagi nalang ganyan” bulong ni Joanna at tuloy ang pagsisinop sa cabinet niya. “Hanna please sorry talaga, di na mauulit, alam ko ang score ay 5-2 na. Sorry talaga” sabi ng nanay at lalong napasimangot si Joanna. “Teka nga, sino si Hanna? Bakit ayaw mo ba name mo na Joanna?” tanong ng mommy niya at sinara ng dalaga ang cabinet at nakitabi sa nanay niya sa kama.

“Di po, Hanna parang codename. Para di niya talaga alam sino ako. O diba safe?”paliwagan ni Joanna at napangiti ang nanay niya. “O so ano naman ang pangalan nitong lalake?” tanong ng nanay niya. “Paolo, of course codename din” sagot ni Joanna. “So siya ba ang nagpapatawa at nagpapangiti sa iyo lately?” tukso ng nanay niya at napasimangot si Joanna. “At nagpapasimangot ma” sabi ng dalaga at natawa ang matanda.

“Hanna sorry naman na o. Oo na antukin na ako pero naka dalawa ka din naman ah. Pero oo naka lima na ako kahit sa totoo apat lang pero yung iba diyan sign of old age kaya sabi five. Pero sige five na. Pero sorry talaga” basa ng nanay niya at sabay pa sila napatawa. “O ayan nagmamakaawa na pansinin mo na kasi” sabi ng ina niya at kinuha ni Joanna ang phone at nagtype ng mensahe. “O sige Paola, ano gusto mo pala lunch?” tanong ng nanay niya. “Ma, order nalang tayo pizza” sabi ng dalaga. “O siya siya wag masyado Paola ha” paalala ng nanay at tumawa si Joanna. “Hanna po ma” sabi nya

Sa bahay nina Marco nakahiga ang binata sa sofa at nakasimangot. Hawak hawak niya ang phone niya nang bigla ito tumunog.

Hanna: Hi. Sorry late reply. I was busy cleaning my room. Wala yon ano. I understand.

Biglang napaupo si Marco at napabomba ng kamay sa ere. “Oy exaggerated ka na ha” sabi ni Lianne at natawa ang binata. “E akala ko galit na siya sa akin e” sabi ni Marco. “Asus, kuya akala ko ba e no strings attached yan. Bakit parang masyado ka affected sa ganyan ha? Ha? Ha?” tukso ni Lianne at napangiti nalang si Marco at nagtype sa phone niya.

Paolo: Hay thank God. Sorry talaga ha

Hanna: Kulit. Sabi ko ayaw ko ng makulit diba?

Paolo: Ahahaha okay. Pero Hanna sorry talaga. I really thought you were mad at ayaw ko naman na mawala ka

Hanna: Ha? Ano?

Paolo: Ay alam mo pinadownload ko yung sinasabi mong kanta sa sis ko. Tama ka ganda nga

Hanna: Ha? Wait wait naguguluhan ako

Paolo: Yung oldies na Stitches and Burns. Remember?

Hanna: Ah oo nga

Paolo: Yeah, I think I can sing this

Hanna: Ows? You sing? Saan sa kubeta? Ahahaha

Paolo: Oo. Hahaha joke!

Hanna: Di nga? You sing? As in sing na kumakanta talaga?

Paolo: Meron bang sing na tumutula? Sing as in kaya naman, di silang hahaha

Hanna: Ows? Wow! Ako din

Paolo: Hahaha maybe one time pwede tayo magduet

Hanna: Ha?

Paolo: I mean online, kasi nga yung deal diba?

Hanna: Hahaha oo nga naman. Or you can call

Paolo: The deal remember?

Hanna: Ah yeah right. Ei, tuloy ko paglinis sa kwarto. Text you later

Paolo: Okay clean well

Huminga ng malalim si Joanna at tinitigan ang cellphone niya, nahiga siya ng maayos sa kama at muling binasa ang mga mensahe sa phone niya. “I really thought you were mad, ayaw ko naman na mawala ka” bigkas niya sabay ngiti. Saktong pumasok ang mommy niya sa kwarto at nakangiti parin si Joanna. “Paola, para kang baliw dyan. Anong flavor gusto mo sa pizza?” tanong ng mommy niya.

“Kahit ano na ma” sabi ng dalaga at natawa ang mommy niya. “Hay naku nga naman, nakalimutan ko favorite mo e, ano na yon?” hirit ng mommy niya. “Its okay ma kahit ano talaga” sabi ni Joanna. “Naku naku, parang ang layo ng isip mo. Saan ba niya dinala pag iisip mo?” tanong ng mommy niya. “Hay ma, muntik na pero lumiko naman. Meat lover’s flavor ma” sabi ni Joanna. “Ayun nga pala, o sige na baka nadistoro kita diyan” biro ng mommy niya at ngumiti nalang si Joanna.

Dumating ang pizza at agad bumaba si Joanna at humarap sa dining table. “Hay naku nakakamiss sina daddy mo at ate mo” sabi ng mommy niya. “Manang kain na po tayo!” sigaw ni Joanna at kumuha ng slice ng pizza at nilagay sa plato niya. Humarap narin ang kasambahay nila at si Joanna napatingin sa phone niya. Huminga siya ng malalim at kumagat sa pizza niya at di niya natiis at kinuha ang phone niya at nagtext.

“Ma, do you think its possible na a person can really like another person kahit di pa sila nagkikita?” tanong bigla ni Joanna at nagulat ang nanay niya. “Bakit? Do you like Paolo already?” sumbat ng mommy niya. “Ay siya ba yung katext mo lagi?” tanong ni manang Ruby. “Ay teka teka wag kayong magkonek nagtatanong lang ako no” sabi ni Joanna at nagtawanan ang tatlo.

“Okay sabihin na natin merong si Paola na katext niya si Paolo” banat ng mommy niya at biglang tumawa si Joanna. “Mommy!” reklamo ng dalaga. “Sino si Paola at Paolo?” tanong ni manag Ruby at lalo natawa ang mommy ni Joanna. “Kunwari lang naman e, codename nila okay? O sige, di nga sila nagkikita pero nag uusap sa internet at text sabihin na natin. Ilang weeks na ba? Tatlo? Dalawa? Sa internet kahit di ko pa alam yan e pwede ka magpanggap ng kahit ano diba? Kasi di ka nga nakikita diba?” sabi ng mommy niya.

“Madaling magsinungaling sa internet. Kung kaharap mo nga kaya magsinungaling sa iyo yan pa kayang di nakikita diba?” sabi ng mommy ni Joanna. “Tama ka ma” sagot ng dalaga. “Ako kung marunong ako mag internet pwede ako magpanggap na lets say eighteen years old at kumarengkeng din ako sa chat chat at text diba?” dagdag ng mommy niya at tawa sila ng tawa. “O baka madami mainlove sa akin, post ko picture mo tapos bolahin ko lang konti mga boys o ha. Baka magkaroon ako ng madaming cyber boyfriends” landi ng nanay niya at ang lakas ng tawa ni Joanna.

“Mommy! Kadiri ka ha!” sabi ni Joanna. “I am just saying iha diba?” sagot ng nanay niya. “Ate pag ginawa niyo yon sabihin niyo magpadala ng load tapos bigay niyo number ko” banat ni manag Ruby at muling nagtawanan yung tatlo. “Mamaya nga kargahan mo yung chat chat yung laptop” sabi ng mommy ni Joanna at tumaas ang kilay ng dalaga. “Para makachat ko daddy mo ano ka ba” sabi ng ina niya sabay kindat sa kasambahay at tawa ulit sila ng tawa.

Huminga ng malalim si Joanna at ngumuya ng pizza, “Pero iha, its easy to like someone who is being good to you or showing goodness. Ganyan tayong mga tao. I am sorry but I have to bring up Ferdinand, o tignan mo nainlove ka sa kanya. Nung nainlove ka ba nalaman mo na gagawin niya yon sa iyo? Hindi diba? You fell in love with him kasi nga madami siyang ugali na gusto mo, mabait siya sa iyo, pero in the end babaero pala. Ganyan din sa kachat mo, ganyan pinapakita now, good side, but do you know his bad side? Baka niloloko ka lang niyan” sabi ng mommy nya at lalo nalungkot si Joanna.

“Ang tao sa internet pag may gusto magpapanggap yan hanggang sa nakuha ang gusto. Pero anak, yang si Paola at Paolo mukhang okay sila” sabi bigla ng mommy niya. “Ha? Nakaklito ka ma” sabi ni Joanna. “Nagset kayo ng rule agad na no strings attached, so sa tingin mo ano pang gusto niya makuha? Ano pang rason para magsinungaling siya sa iyo? Kung alam niya agad na hanggang kausap lang siya bakit pa siya magsisinungaling o magpapanggap sa iyo? Kung may ibang hinahanap yan sa iyo at alam niya umpisa palang no chance bakit ka pa kakausapin diba?” paliwanag ng nanay niya at medyo napangiti si Joanna.

“Kayo may usapan kayo, agad may hadlang na pero he still likes to chat and text with you. O ano naman kaya purpose niya? Diba? Its right to have doubts pa but malaking bagay yung deal niyo sa umpisa. Ano pang rason niya magsinungaling sa iyo? Am I right?” tanong ng nanay niya at ngumiti si Joanna.

“Napapatawa ka niya, naibalik niya ngiti mo, hmmm its okay to like him kasi ganyan tayong tao. We have a tendency to like people like that. Malas mo at may deal kayo kaya hanggang diyan ka nalang” sabi bigla ng nanay niya at natauhan si Joanna. “So ma sa tingin mo totoong tao siya?” tanong ni Joanna. “Of course,ano pang habol ba niya sa tingin mo? Wala diba?” sagot ng mommy niya.

“So its okay to like someone like that right?” hirit ni Joanna. “Teka bakit ba ang kulit mo ha? Do you like that Paolo?” sagot ng mommy niya at napasimangot si Joanna. “Hay mommy, as a friend, di ba nga may rules diba?” sagot ni Joanna. “Sabi ko nga, kulit mo e” sabi ng mommy niya at nagsimula magtext si Joanna.

Hanna: Ei. Wassup?

Paolo: Yo. Eto kumakain. Tara kain pizza!

Hanna: Weh! Liar!

Paolo: Ha?

Hanna: Imposible ka na. We are eating pizza din e

Paolo: Ahahaha coincidence again? Grabe ha. Pero ano magagawa ko fave ko to e

Hanna: Ako din kaya! Imposible ka na!

Paolo: Yup, we ordered Meat Lover’s Pizza

Gulat na gulat si Joanna at napatingin sa box ng pizza. Kinuha niya ang resibo at agad nagtext.

Hanna: O sige nga how much?

Paolo: 654, medium lang kasi kami lang ni bunso kakain nito hahaha.

Hanna: Shet same price nga. Same brand pa ata ahahaha

Paolo: O ha! Soul Resonance nanaman tayo

Hanna: Soul Resonance?

Paolo: Yup, ah fave anime ko yun. Soul Eater. Basta hard to explain.

Hanna: Sus, anime fan din ako. Try me!

Paolo: Wow! Basta watch mo nalang siya. Parang ako si Blackstar at ikaw si Tsubaki

Hanna: Nosebleed! Sige sige try ko watch. Soul Resonance ha

Paolo: Oo kaya. Their souls connect, they become one. Parang tayo parang same

Hanna: Tayo? Same?

Paolo: Oo, I mean madami tayong same likes and dislikes. You know

Hanna: Ahahaha oo nga e. Ayos sana kung walang hadlang e no?

Paolo: Hadlang?

Hanna: Wait BRB tawag ako ni mommy may ipapagawa. BRB ha

Paolo: Okay sige sige

Nagtakip ng bunganga si Joanna at nilayo ang phone niya. Bigla siyang kinilig at tumawa mag isa at napatingin sa kanya ang nanay niya at kasambahay. “Hmmm ano nanaman yan Paola?” tanong ng nanay niya pero agad kumuha si Joanna ng dalawa pang pizza at nilagay sa plato niya. “Ma pwede ba ako don sa kwarto ko?” tanong ni Joanna at pumayag ang nanay niya. Nagmadaling umakyat ang dalaga at napakamot si Ruby. “Joanna Paola ba pangalan niya ate?” tanong ng kasambahay at tumawa ang mommy ni Joanna. “Pwede rin” sagot niya.

Nag aagawan sina Marco at Lianne sa huling piraso ng pizza nang biglang tumunog phone ni Marco at naagaw ng bunso ang huling piraso. “Ahahaha thank you Hanna!” sigaw ni Lianna sabay tawa. “Hope you choke” biglang banat ni Marco at napatigil si Lianne sa pagkagat sa pizza. Sumimangot ang bunso at biglang tumawa ang binata. “Ang bad mo kuya” sabi ni Lianne. “Uy joke yon no. Na adopt ko kay Hanna” sabi ni Marco at tumawa siya.

Hanna: Hi. Grabe pig out ako sa pizza. Sarap e no lalo pag madami keso

Paolo: Sinabi mo pa. Kung pwede nga lang panay keso nalang pero syempre konting karne naman

Hanna: Hahaha baka gusto mo cheese nalang kainin mo at magprito ka nalang ng hotdog

Paolo: Aaahaha pizza pa ba yon?

Hanna: E di tawagin mong pizza ala Paolo

Paolo: Nyahahaha Pizza ala ututino

Hanna: Sira! Hahahaha wag masyado sa keso at baka magkalat ka ng lagim

Paolo: Look who’s talking kaya

Hanna: Ano gusto mo mabadtrip ulit ako sa iyo?

Paolo: So nabadtrip ka talaga?

Hanna: Ano sa tingin mo?

Paolo: Uy sorry naman na o. Di na talaga mauulit
Hanna: Che!

Paolo: Uy Hanna, sorry talaga kagabi. Akala ko ba okay na?

Hanna: Lagi nalang ganon e. Sus, o baka ngayon bigla ka mawawala ulit sabihan mo naman ako

Paolo: Di na talaga promise. Kung kinakailangan tatayo na ako sa gabi pag katext kita para lang di matulog

Hanna: At bakit mo gagawin naman yon?

Paolo: Para di ako makatulog. Para di ka magalit sa akin.

Hanna: Bakit ayaw mo ako magalit?

Paolo: Siyempre naman kasi you know

Hanna: Know what?

Paolo: Know that too much cheese make you fart so much

Biglang napangisi si Joanna at nanggigil bigla. Sinakal niya cellphone niya sabay kagat sa pizza. “Lumiko ka nanaman loko ka” sabi nya sabay tumawa. Tumunog ang phone niya at napangiti siya.

Paolo: Still there? Pagpikit tulog?

Hanna: Hahahaha. Di ah. Hay Pao Pao

Paolo: Bakit?

Hanna: Ikaw talaga grrrr hahahaha

Paolo: O bakit nanaman? May nagawa ba ako?

Hanna: Hahaha wulah!

Paolo: whew! Kala ko meron nanaman.

Hanna: Wala no. Naaliw lang ako sa iyo

Paolo: Ha?

Hanna: Hahaha oy fast learner ako

Paolo: Ano?

Hanna: Wala. Kumain ka nga lang dyan

Paolo: Ubos na no

Hanna: Halika dito meron pa

Paolo: Ahem, the deal remember?

Hanna: E di tanggalin

Paolo: Ano?

Hanna: Ahahaha sabi ko madami pa dito. Hmmm sarap. Be Jealous, be very very jealous


(bukas wala na update muna at magbabakasyon din ako ahahahah)