Em En Kay
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 6: Kami
Lunes sa klase napansin ni Tim na tahimik si Raymond at muling nakatingin sa labas ng bintana. “Pare kanina ka pa tinitignan ni Margaret, parang worried siya. May nangyari ba sa inyo?” bulong ni Tim. “Kami? May nangyari sa amin? Nagpapatawa ka ba? Wala no” sagot ni Raymond sabay humarap na sa pisara.
Lunch time at nagmamadaling naglakad si Raymond at hinabol siya ni Tim. Nasalubong sila ni Stephanie at medyo gulat ang dalaga pagkat wala si Margaret. “Nasan siya?” tanong ni Steph. “Gutom na ako tara na” sagot ni Raymond at nagkatinginan ang mag pinsan. “Hoy antayin niyo naman ako” narinig nilang sigaw ni Margaret pero diretso ang lakad ni Raymond.
Pagdating sa karinderya di makakain si Margaret at pinapanood lang si Raymond kumain. Pinaglalaruan niya lang pagkain nya kaya pinansin na sya ni Tim. “Wala ka ata gana kumain” sabi ni Tim. “Wala nga e” sagot ni Margaret at kay Raymond lang siya nakatingin pero di siya tinitignan ng binata. Naguguluhan si Tim ngunit si Stephanie natutuwa sa nakikita nya. Sobrang laki ang ngiti sa mukha ni Steph kaya tinapakan ni Tim ang paa nya. “Steph masarap ata yang kinakain mo” banat ni Tim. “Yup, sobrang sarap nga e” sagot ng dalaga at natawa pa sya.
Tumayo bigla si Raymond at lahat napatingin sa kanya. “Kuha lang ako toothpick” sabi nya sabay umalis. Mabilis siya sinundan ni Margaret at naiwan ang mag pinsan sa mesa. “Tuwang tuwa ka naman sa nakikita mo” banat ni Tim. “Sobra…parang sumasarap tuloy ang pagkain” sagot ni Steph at nagtawanan sila. Sa may counter nagkatabi si Raymond at Margaret at binangga ng dalaga ang binata. “Uy bakit ka nagkakaganyan?” tanong ni Margaret.
“Wala naman, masama lang gising ko” sagot ni Raymond at nahuka ang toothpick sabay pabalik na sana sa lamesa ngunit pinigilan siya ni Margaret. “Bruno naman, wag ka naman ganyan o” drama ni Margaret. “Dumidistansya lang Margaret, halika na balik na tayo at di ka pa kumakain” sabi ng binata. “Wala ako gana na” sumbat ng dalaga. “Imposibleng wala, halika na” pilit ni Raymond. “Wala na talaga ako gana kumain” sabi ni Margaret.
“What will make you eat?” tanong ni Raymond at nagkatitigan sila. “Ikaw kasi e. Im bothered with you being like that” sabi ni Margaret kaya napahinga ng malalim ang binata. “Okay di na, so kakain ka na?” sagot ni Raymond pero nakasimangot parin ang dalaga. “I wish Saturday never happened at di ka sana ganyan” sabi ni Margaret. “Wag naman, kasi I enjoyed Saturday…except sa last part. Pero i did really enjoy” sabi ng binata at napangiti narin ang dalaga. “Ako nga rin e, I don’t know why but I really did” sagot nya at natahimik sila at nagngitian.
Bumalik ang dalawa sa lamesa at di parin kumakain si Margaret. “Kain ka na” utos ni Raymond. “Can we erase the last part, as if it never happened?” biglang sabi ni Margaret at nagkatitigan sila. “Okay” sagot ng binata at nagsimula nang kumain Margaret. Bawat subo nagngingitian ang dalawa at unti unti napapasimangot si Steph. “Ang pait ah” sabi niya bigla at natawa si Tim. “Bakit ano nakain mo?” tanong ni Raymond. “Ewan ko ba, basta sobrang pait” sagot ni Steph sabay sipa sa paa ni Tim pagkat tawa siya ng tawa.
Pagkatapos ng midterm exam nagpainom si Timothy sa bahay nila. Nandon si Karen, Margaret at Marwin, pati si Stephanie ngunit wala si Raymond. “Bakit wala pa si Raymond?” tanong ni Marwin at medyo naghinala si Margaret. “Itext mo siya” banat ni Stephanie kay Margaret. “Ah di ko alam number niya e” sagot ng dalaga at nagulat si Steph pero nagpasimple. Ilang sandali dumating na si Raymond, naupo siya sa tabi ni Marwin sabay inakbayan ang balikat nito. “O pare youre here” banat niya agad. “Pare late ka, san ka nagpunta?” sagot naman ni Marwin.
“Oh just here and there you know pare, buti nga may nagtext sakin or else di ako nakapunta dito e” sagot ni Raymond at nagtinginan ang lahat. “Diba sinabi ko sa iyo magpapainom ako, sino nagtext sa iyo?” tanong ni Tim. “Nakalimutan ko nga e, buti nalang tinext ko sarili ko ayun naalala ko bigla” banat ni Raymond at sumabog sila sa katatawanan. “OO ganito talaga ang mga self supporting e, tinetext ko sarili ko wer na u? Dito na me. Kumain na ba ako? Musta na ako? I miss me. Gastos sa load e” hirit ni Raymond at lalo pa sila nagtawanan.
Nang matapos nila ang isang bote, tumayo si Tim para bibili pa sana. “Wag na, tama na yon, social drinking lang to. Maglaro nalang tayo ng games” sabi ni Margaret. “Ano parang bata?” banat ni Marwin. “Sige anong game?” tanong ni Raymond. “Hmmm parang truth or consequence pero iba, magtatanong tayo ng one general question, tapos lahat tayo isusulat ang sagot sa isang paper then fold it then place it here in this pouch. Tapos bunot tayo ng isa then hulaan natin sino yung sumagot non” paliwanag ni Margaret at wala magawa ang iba at pinagbigyan siya.
“Okay, first question, sinong first kiss mo” sabi ni Margaret at lahat nagsimula magsulat sa kanilang papel. “Effortless” sabi ni Raymond sabay tiklop agad sa papel nya at nagtawanan na ang lahat. Nagsimula ang bunutan at unang bumunot si Marwin, “Hahaha wala nakasulat, Raymond!!!” banat niya at nagtawanan ang lahat, tumayo pa si Raymond at nagbow. Si Margaret ang sumunod na bumunot at isa din blanko na papel ang nakuha niya. “Teka binalik mo ba papel ni Raymond? Bakit blanko nanaman?” tanong ng dalaga. Nagkatinginan ang lahat at tumawa si Raymond. “Ah baka the other me nagsulat din, pati siya never been kissed e, maghalikan sana kami pero ew!” banat niya at nagtawanan sila.
“Ako yan” sabi bigla ni Stephanie at lahat napatingin sa kanya. “Ha? As in?” tanong ni Margaret at namula ang mga pisngi ni Steph. “Kaswerte naman nung mauuna” sabi ni Marwin at nagkatinginan si Margaret at Marwin. “Ano? I was just saying” palusot ni Marwin. Huling bumunot si Raymond at agad sumigaw si Marwin, “Name ko yan pustahan tayo” sabi nya. “Bakit pare nagpalit ka na ba ng name? Ikaw na ba si Joseph?” tanong ni Raymond at agad napatingin si Marwin kay Margaret. “Ha? Ikaw lang ang di pa nabubunot, akala ko ako first boyfriend mo?” tanong ng binata.
“Oo nga pero it does not mean I never kissed a guy before” sagot ni Margaret at halatang nagkakaroon ng tensyon sa kwarto. “Okay okay next, ako magtatanong na” sabi ni Karen at lahat naglabas ng papel pero halatang nag aaway na sina Margaret at Marwin. “Game, sino ang true love mo?” sabi ni Karen at lahat nagsimula magsulat. “Joseph pala ha” bulong ni Marwin. “Past is past, bakit nagseselos ba ako sa mga naging ex mo?” bawi ni Margaret. Lahat nakatiklop na ngunit si Raymond busy parin nagsusulat. “Oy pare isa lang, at dapat yung tunay at di kasama ang mga pinagpapantasyahan mo” banat ni Tim at tumawa si Raymond. “Shhhh walang pakialaman pare” sumbat ni Raymond at patuloy ang pagsusulat niya.
Nailagay na ni Raymond sa pouch ang papel niya saka inabot ito kay Marwin. “O pre sige bunot na” sabi nya. “Parang ayaw ko nab aka Joseph nanaman makita ko dyan” sabi ni Marwin. “Asus malaman di ko din makikita pangalan ko diyan” banat ni Margaret at nagsumbatan bigla ang magsyota. “Hoy Tim at Karen, help, kayo may alam ng ganito. Awatin niyo sila” sabi ni Raymond sabay nakitabi siya kay Steph.
“Hay, tignan mo sila, isang couple peaceful, yung isa chaos” bulong ni Raymond habang inaawat ni Tim at Karen ang mga nag aaway. “Buti pa tayo pag nagkasyota tayo wala silang pagseselosan” sabi ni Steph at biglang natawa si Raymond. “Korek ka dyan, pero gusto mo gawa tayo ng pagseselosan nila?” banat ni Raymond sabay tinitigan si Steph. Namula agad ang mukha ng dalaga at tinulak palayo si Raymond. “Loko loko ka talaga” sabi ni Steph sabay tawa. “If I know natutuwa kang nakikita silang ganyan e” hirit nya at napasimangot si Raymond. “Di rin, kasi diyan mo makikita kung mahal talaga ng isa yung isa. Selos plays a big factor sa relationship. Oo may selos na sobra naman pero the mere fact na nagseselos ang isa mean talagang mahal nila yung isa” sabi ni Raymond at biglang tumigil ang mga nag aaway.
“Wow pare malaman yung sinabi mo ah” sabi ni Tim. “Sorry na” biglang sabi ni Marwin at nagyakapan sila ni Margaret. “Pero yan ang masakit” bulong bigla ni Raymond kay Steph at naawa ang dalaga sa kanya. “Salamat Doctor Monching, hahaha” sabi ni Margaret at ngumiti lang ang binata sa kanya. “Tutal wala nang tensyon mag isip bata na tayo at maglaro tayo ng taguan” sabi ni Karen at pumayag ang lahat.
Unang naging taya si Raymond at trenta minutos din bago nya nahanap ang lahat. Sumunod na taya si Marwin at game na game ang lahat sa laro. “Oy walang lalabas ng compound o mag uuwian ah. Okay game” sigaw nya at nagsimula na siyang magbilang. Takbo si Raymond sa garden at nagtagpo sila ni Margaret, narinig na nila ang boses ni Marwin papalapit, “Ang daya talaga niya, wala pang ten ah” sabi ng dalaga pero sinesnyasan siya ni Raymond na tumahimik.
Sa likod ng bahay sila nagtago, naupo sila sa lupa at sumandal sa dingding. Narinig nila si Marwin na papalapit kaya nagpigil sila ng tawa. Dumaan si Marwin at nakahinga sila ng maayos, sumilip si Raymond saglit saka naupo. “Para tayong mga bata” sabi nya at nagtawanan sila. “Oo nga e…ei…malaman yung sinabi mo kanina ah” sagot ni Margaret. “Ha? Alin don?” tanong ni Raymond.
“About sa selos thing” sagot ni Margaret. “Ah, e totoo naman yon e. If you really like someone or love someone, parang gusto mo ikaw lang. Di maiwasan ang selos, pero oo may selos din na sobra. Sabi ng iba di maganda ang pagseselos but you cant help it, talagang ganon tayong tao e. Selos will always be a part of a relationship, diba? Malas na kung di nagseselos yung isa, sus ano siya robot or parang almighty na feeling confident masyado?” paliwanag ni Raymond at napabilib ang dalaga sa kanya.
“Ei…you say in a relationship…pano kung wala sila ugnayan but still you feel jealous” sabi ni Margaret at napatigil si Raymond. “Ah..oo pwede din yon. Pag ganon na case e you really like that person kaya nagseselos ka. Tipong nagwiwish ka na kami nalang…di maiwasan ang ganyan sabi ko nga” sagot ni Raymond at bigla siya tinignan ng dalaga sa mata. “Raymond…be honest with me…nageseselos ka ba?” tanong bigla ni Margaret at gusto man iwasan ng binata ang mga titig nya di na nya magawa.
“Oo eh” sagot nya at biglang napangiti si Margaret at napakamot nalang si Raymond. “Shet this is so awkward” sabi ng binata. “Alam mo the time na hiniwalay mo mga shrimps sa food ni Steph…ewan ko ba I really felt so jealous” sabi ni Margaret at nagulat si Raymond. “ikaw nagselos? Bakit naman?” tanong niya at muli sila nagkatitigan. “Ewan ko, remember that day sa practice sa gym, yun ang gusto ko malaman from you, a direct answer na nagseselos ka kasi…I don’t know. Maybe I should have not met with my friends nung orientation day…ewan ko ba…I really wanted to stay…I wish I stayed…siguro walang M and M if I stayed with you” biglang sabi ni Margaret at lalong lumagkit ang mga titigan nila.
Papalapit ng papalapit ang mukha nila sa isat isa, “meron parin” bulong ni Raymond. “R and M?” tanong ni Margaret. “M and M…Margaret and Monching” sagot ng binata at nagdampi ang mga labi nila at nagkatitigan sila lalo sa mata. “B and M…Bruno and Margaret” bulong ng dalaga at tuluyan na silang naghalikan. Mga kamay nila nakatungkod sa lupa, tanging mga labi ang magkadikit. Biglang kumalas si Margaret at parang nailang, “Mali ata to, may boyfriend na ako” sabi nya at nagkadikit ang mga noo nila at napasimangot si Raymond.
“Yeah…oo nga pala I am sorry” bulong ni Raymond pero biglang nagkiskisan ang mga ilong nila. “It feels wrong but it feels so right at the same time…I am torn” paliwanag ni Margaret. Napatingin si Raymond sa mga kamay nila, dahan dahan hinaplos ni Margaret ang isang kamay ng binata sabay muling dinikit ang mga labi sa labi ni Raymond. Muli silang naghalikan at napayakap si Raymond sa dalaga. Naging mas mainit ang halikan nila ngunit biglang narinig nila ang boses ni Marwin na papalapit.
Agad tumayo si Margaret at tumakbo palayo. “Boom Margaret!!” sigaw ni Marwin at nagtakbuhan sila pabalik sa base pero dumiretso ang dalaga palabas ng pinto ng bahay. Nagtaka si Marwin at lumabas bigla si Karen at Tim na nagulat sa nangyari. “Bakit yon?” tanong ni Karen. “Ewan ko nga e” sabi ni Marwin. “Ogag habulin mo!” sigaw ni Tim at tumakbo si Marwin papunta sa pinto.
“Hoy teka itong bag at cellphone pouch niya” sabi ni Karen at binalikan agad ito ng binata. Pagkalabas ni Marwin naupo ang magsyota sa sofa at nagtataka sa nangyari. “Look o I found my old charcoal pencil, grabe imported to galing kay tita Fay, ayan pwede na ulit ako mag drawing” sabi ni Steph.
Pumasok sa living room si Raymond na nakangiti. “Oy ano nangyari kay Margaret, bigla nalang nag walk out e” sabi ni Tim. Di sumagot si Raymond at nakitabi sya sa sofa kay Steph. “Oy alam mo ba anong nangyari?” tanong ni Karen at sobra ang ngiti sa mukha ng binata.
“Naghalikan” sabi ni Raymond at lahat napatingin sa kanya. “Sila? E bakit siya nagwalkout? Nakita mo sila?” tanong ni Steph. “Hindi sila…kami” sabi ni Raymond at biglang nabali ang hawak hawak ni Steph na charcoal pencil. “Ano sabi mo? Ikaw at si Margaret?” tanong ni Tim sa gulat at talaga di mabura ang ngiti sa mukha ng kaibigan niya.
“Oo pre, naghalikan kami”