sk6

Thursday, August 27, 2009

Bertwal Chapter 3: Open Sesame

Bertwal

by
Paul Diaz



Chapter 3: Open Sesame

Kinabukasan ay sinindi ni Marco ang PC at nakita ang mga offline messages niya. “pwede ko din gamitin nick mo” basa ni Liann kaya napalingon ang binata at nakita ang bunsong kapatid niya nakatayo sa likuran niya. “Ano ibig niya sabihin kuya? Bakit parang bumait siya?” tanong ng bunso at humarap si Marco sa computer at may lumitaw na pop up sa screen. “Bettyfly wants to add you as a friend, do you accept?” basa niya. “Wag! Deny mo! Pag friend mo na madali ka nalang mahahanap niyan” sabi ni Liann.

“Liann, add as a friend nga e. Maybe she wants to be friends, di naman sinabi na add as enemy” paliwanag ni Marco sabay click sa accept. Nagsimangot si Liann at sinakal ang kuya niya, “Okay payn! Pero kuya pag inaway ka niya tawagin mo ako ha. Add mo din ako sa friends list mo, eto turo ko sa iyo pano” sabi ni Liann at tinuruan niya ang kuya niya pano mag add ng kaibigan.

“O ayan, pag online friends mo makikita mo sa sidebar, pag offline parang matamlay color name nila” sabi ng bunso. “Highlight tawag don” sabi ni Marco. “Whatever basta iilaw okay? Oy umiilaw name ni Bettyfly, dali click mo tapos awayin mo agad, unahan mo na!” sabi ng bunso at tumawa. “Ano ka ba? Pero pwede niya gamitin nick ko daw” sabi ni Marco.

“Slow jao ka! Natural napagtaksilan din siya. Birds of the same feather find each other” tukso ni Liann at tumawa ng malakas. “Ah Liann, yung sinasabi kong kanta the other day nadownload mo ba?” tanong ni Marco. “Ay oo kuya sandali kunin ko laptop” sabi ng bunso at lumabas siya ng kwarto. Agad tumakbo si Marco sa pinto, “Saka na pala, matutulog ako!” sigaw ni Marco sabay sara at lock sa pinto.

Pagkaupo ni Marco nagdadabog si Liann sa pinto niya, “Oy Kuya!! Buksan mo to! Makikichat ka sa kalaban ano? Kuya!!! Sige na buksan mo to! Kaaway yan kuya tandaan mo!” sigaw ni Liann pero di siya pinansin ni Marco. “Bahala ka add ko siya at ako mang aaway sa kanya! Sasabihin ko na ikaw ay ako! Sige akala mo nagbibiro ako ha, watch and learn ka din!” banta ni Liann at natawa nalang ang binata.

Naupo ng maayos si Marco at napatingin sa screen, ginalaw ang mouse at tinutok sa pangalan ni Bettyfly. Nagdalawang isip siya at nilayo ang pointer at tinutok sa close software pero biglang may pop up chat screen na lumabas.

Bettyfly: Uy! Thanks sa pag add. Peace?

Natuwa si Marco at agad nagtype sa keyboard. Di niya nagustuhan natype niya kaya binura niya lahat at nagtype ulit. Napakamot ang binata at natawa sa sarili, “Pano nga ba?” bigkas niya sa sarili at parang di siya mapakali. Bigla siyang may naisip at muling nagtype.

Tinitron: Hello!

Bettyfly: Hi! Paolo tama? Sorry talaga last time ha?

Tinitron: Hello Hanna! Oo okay lang yon. Lets just say we started at the wrong put!
Bettyfly: Put?

Tinitron: Nagpapatawa lang, syempre foot yon ahahahaha

Bettyfly: Hahaha LOL!

Napatawa si Marco pero napakamot sa nabasa niya. “Sabi mo peace tapos tatawagin mo akong ulol?” sabi niya kaya tumayo siya at lumabas ng kwarto. Sa hallway nakita niya si Liann at inakbayan niya kapatid niya. “Tara meryenda tayo, libre kita sa store” sabi ni Marco at natuwa naman si Liann kaya agad sila lumabas.

Samantala sa bahay ni Joanna tinatapik tapik niya lamesa at inaantay sagot ni Tinitron. “Don’t tell me nawalan nanaman sila ng kuryente” sabi nya at biglang type sa keyboard.

Bettyfly: Still there?

Isang minuto at di sumagot si Tinitron kaya tumayo ang dalaga at lumabas ng kwarto. “Joanna hanggang kailan ka ba magkukulong sa kwarto mo iha? Sana nag summer classes ka nalang pag ganyan na wala ka naman pala ginagawa” sabi ng mommy niya na sabay sila pababa ng hagdanan.

“Ma, I will graduate on time don’t worry” sabi ni Joanna. “Oo alam mo matalino ka pero tignan mo ate mo, she finished early and look where she is now? Maganda na trabaho, ano ba ginagawa mo sa kwarto mo at lagi ka nalang nagkukulong dyan?” tanong ng mommy niya. “Wala naman ma, nag aaral ng stuff sa net or plain and simple nothing” sagot ng dalaga. “Nothing will get you nowhere, ah oo nga pala turuan mo ako gamitin yung laptop para naman ako na mismo mag email sa ate mo at daddy mo” sabi ng mommy niya at biglang yumakap ang dalaga sa kanyang ina.

“Ma may saying na you cant teach old dogs new tricks” lambing ng dalaga at natawa ang nanay niya. “But this old dog can cut your allowance” bawi ng nanay niya at pareho sila tumawa. “Di lang email ituturo ko sa inyo, kung gusto niyo pati na programming pero baka apo niyo na magtuloy sa inyo pagturo” biro ni Joanna at bigla siya hinarap ng nanay niya. “Joanna! Buntis ka?” tanong ng ina nya at natawa si Joanna. “Ma! One year na ako walang boyfriend remember?” sagot ni Joanna. “Ah kaya pala nagkukulong ka sa kwarto mo dahil dinadasal mo bumalik siya” banat ng nanay niya at biglang nagsimangot si Joanna.

Samantala sa may store sa kabilang dako masayang kumakain ang magkaptid. “Kuya kung balikan ka ni ate Dana papayag ka ba?” tanong bigla ni Liann at napatawa si Marco. “Lol! Bakit mo naman natanong yan bigla?” sagot ni Marco. “Wala lang, uy si kuya may pa lol lol na” sabi ni Liann. “Ay sorry, di ko sinasadya tawagin kang ulol” sabi ng kuya niya at natawa ang bunso.

“Kuya, LOL, laughing out loud, duh! Patawa ka talaga kuya” sabi ni Liann at inakala niyang nagpapatawa lang kuya niya. Napakamot si Marco at nagmadaling inumin ang softdrinks niya, hinila niya agad si Liann at nagtungo sa bahay. “Kuya! Di ko pa ubos drink ko!” sigaw ng bunso. “Ha? Di maganda sa iyo ang sobrang softdrinks, at iwasan mo yang junkfood” sabi ni Marco at nalito si Liann. “E bakit mo ako nilibre ng softdrinks at junkfood?” tanong ni Liann. “Ah? Last na yan, eat healthy food para lalo ka gumanda” hirit ni Marco at natuwa naman ang kapatid niya.

Nagmadali si Marco sa kwarto niya at hinarap ang computer, nabasa niya naiwan na message ni Bettyfly sa screen at di siya mapakali.

Tinitron: Oh sorry, i treated my sis sa kanto. Ang kulit niya e. Sorry ha.

Tamang tama kababalik ni Joanna at may dalang snacks, medyo malungkot pa siya pagkat pinaalala nanaman ng nanay niya ang nangyari sa kanya. Nagtype siya agad sa keyboard at uminom ng juice

Bettyfly: Ah ok. Ako din I went to get a snack.

Tinitron: Oh, kakain ka muna?

Bettyfly: Nah, multi tasking LOL

Tinitron: LOL! Ah you said pwede mo din gamitin nick ko.

Bettyfly: Oo

Tinitron: Still hurting?

Bettyfly: Yeah. You?

Tinitron: Honestly yes. Trying to move on pero hirap gawin

Bettyfly: LOL! Oo nga e. Sabi sila ng sabi move on as if ang dali

Tinitron: Korek! I mean okay lang sana e basta walang memories

Bettyfly: Uy oo tama ka! Parang okay ka na then next thing may makikita ka that reminds you of…. Basta!

Tinitron: Yeah, no matter how bigla nalang papasok sa isip mo and then you feel empty and alone after

Bettyfly: Ayaw mo pa lumabas kasi baka makita mo sila mas gusto mo mag isa

Tinitron: Hahahaha pareho tayo. Di ko na nakasama friends ko ng 3 months

Bettyfly: Ako a year

Nabigla si Marco sa nabasa niya at huminga siya ng malalim. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng kausap niya pero sa isip niya mas higit pa ata ang dinadamdam ng kachat niya. Natulala lang si Marco at tila nanigas ang mga daliri niya, wala siya maisip na sasabihin at tinitigan lang ang screen.

Bettyfly: ei, still there?

Tinitron: yup, wala lang ako maisip na maisagot sa nasabi mo

Bettyfly: Ahahaha sira akala ko kung nag black out ulit diyan o nagutom ulit sis mo.

Tinitron: Nyahahaha. Bayad na kami sigurado at busog na si sis. Naging spitz lang

Bettyfly: Spitz?

Tinitron: Oo Japanese spitzless

Sumabog sa tawa si Joanna at nabuhos pa ang juice sa damit niya. Nag ayos siya saglit at muling naupo, huminga siya ng malalim at napangiti.

Bettyfly: Patawa ka din no. Anyway, iniyakan mo ba siya?

Tinitron: Hindi

Bettyfly: So you didn’t love her then

Tinitron: Di ko siya iniyakan kasi buhay pa siya. Pero umiyak ako, siguro naka one million tears ako sa left eye, tapos 1.5 million sa right. Mas emo right eye ko e.

Bettyfly: Bwahahahahaha! Sira!

Tinitron: O eto nanaman plus one sa left eye, ikaw kasi pinapaalala mo pa e

Bettyfly: Hahahaha! Sakit ng tyan ko katatawa. Kala ko ba boys don’t cry

Tinitron: We do. We just don’t show it kasi you know tough guy epek. Pero pag mag isa baka mas malala pa kami sa inyo umiyak. But tigasin parin at macho epek na iyak

Bettyfly: Hahahaha loko loko ka, di ko alam kung seryoso ka o nagpapatawa lang.

Tinitron: Ganito lang talaga ako. Nagpapatawa para itago ang sakit. Sa totoo noon palang I felt something fishy going on pero sige ngiti lang and think positive. Kahit na obvious na ngiti parin, then nakita ko sila magkasama I still smiled at them, but that was the most painful smile. Took me all my strength to keep the smile on my face

Bettyfly: Ha? Di mo ba sila sinugod? I mean hello! Di ka ba nagalit?

Tinitron: Call me stupid pero oo I did feel angry but ano magagawa ko, she just stood there, obviously guilty, if she walked towards me I could have forgiven her on the spot. Pero nakatayo lang siya don e, that said a lot, that she chooses him over me. Ayaw ko pilitin sarili ko sa kanya knowing that she likes someone else.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Joanna, nararamdaman niya ang sakit na naramdaman ni Tinitron. Nanginginig ang mga kamay niya kaya pinunasan niya muna ang mga luha niya bago siya nagtype muli sa keyboard.

Bettyfly: Sorry.

Tinitron: Okay lang past is past

Bettyfly: Ako din I felt something was off. I tried to do everything in my power to make him love me more pero bigla nalang siya nawala. He didn’t reply sa mga text ko, sa mga email. Then one day nakatanggap ako ng text saying na tapos na daw kami. Di ko alam ano irereply ko sa kanya that day, naiyak nalang ako bigla. It was so painful, I felt so helpless, di ko alam ano dahilan talaga pero I just blamed myself nalang para di masyado masakit. But six months ago when I thought I was okay already and ready to move on I saw sa social network site their pictures. Sobrang sakit kasi bumalik ulit ang memories then this time mas masakit kasi alam ko na ang rason.

Napailing si Marco at huminga ng malalim, namuo na ang mga luha sa mga mata niya pero nagmatigas siya. Di nanaman niya alam ang isasagot niya sa sinabi ng kachat niya. Pumasok bigla sa kwarto si Lianne at tumabi sa kuya niya, “Sabi ko na nga ba kachat mo ang kalaban e” sabi ng bunso at binasa niya ang nakasulat sa screen at dahan dahan nagbago ang itsura niya.

“Kuya…ano isasagot mo?” tanong ng bunso at napangiti si Marco. “Di ko alam ano ang tamang isasagot diyan. Walang tamang sagot para diyan. She isn’t a bad person Lianne, pareho lang kami, magkaiba man ng sitwasyon pero parehong nasaktan” sabi ni Marco. “Pero kuya you have to comfort her” sabi ng bunso at biglang nagtype si Marco sa keyboard.

Tinitron: Woof!

Ang lumuhang Joanna napatingin sa screen at nabasa ang simpleng nakasulat. Bigla siyang napangiti at agad nagpunas ng luha. “Woof” inulit niya sa sarili at natawa na bigla. “Joanna halika ka na, lunch time!” narinig niyang sigaw ng mommy niya kaya nagmadali siyang nagtype.

Bettyfly: LOL! Nagdradrama na bigla mo ako napatawa, thanks. Ei kakain na kami lunch. Chat you later. BRB.

Nabasa ni Marco ang chat at napailing, “BRB, barbarian?” banat niya at natawa ang kapatid niya. “Be right back kuya, teka bakit woof?” tanong ng bunso at tumawa nalang ang binata. “Uy kuya ano yung woof?” kulit ni Lianne at nagtype bigla si Marco sa keyboard.

Tinitron: Ah ok. KEN!

Bettyfly: Sira, BRB as in be right back hindi Barbie.

Tinitron: Alam ko yon. KEN as in Kaen! BRB!

Bettyfly: Hahahaha. Ok ka! KEN!