sk6

Monday, August 17, 2009

Em En Kay Chapter 12: Peshe

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 12: Peshe

Friday ng gabi ay pinatawag ni Raymond si Steph sa kanila, pagdating ng dalaga ay dumiretso sila sa kwarto. Kinakabahan ang dalaga at pagsara ng pinto ay di siya mapakali. “Ah Steph, tulungan mo nga ako mamili kung ano ang isusuot ko para sa party bukas” sabi ni Raymond at ang kaba napalitan ng pagkainis. “Asus party lang yon so kahit ano isuot mo” sabi ng dalaga.

“E di nga ako marunong pumorma e, sige na, party yon at rich sila malamang dapat presentable” sabi ng binata. “Dami naman arte nito birthday lang, poporma porma pa e alam mo na nga may boyfriend siya” pabulong na sinabi ni Steph pero dinedma siya ni Raymond. May pinili si Steph pero ayaw ni Raymond, nahiga si Raymond sa kama at si Steph ang nagkalkal sa cabinet ng binata.

Trenta minutos ang lumipas ang wala parin nagustuhan si Raymond. “Ang dami mong arte, ang dami ko na tinuro ayaw mo naman. Bakit mo pa ako tinawag dito kung ayaw mo din lang naman yung pipiliin ko?” sabi ni Steph sabay nahiga sa tabi ng binata at napansin niya bigla ang malaking calendar sa pinto. “Oy bakit may malaking number two sa August 11?” tanong niya. Tahimik si Raymond at kinakalikot ang kanyang phone. “Oy sagutin mo tanong ko” sabi ni Steph.

“Ah yan? Wala yan, wala lang ako magawa that time so 11 is one plus one equals two, so ayan two” sagot nya at biglang napansin ni Steph na nakabilog ng pula ang petsa ng August 15. “wow naman nakabilog pa ng pula ang August 15 o” sabi ni Steph at ngumiti si Raymond. “Siyempre, special day e” sagot ni Raymond at tumayo si Steph at naglakad papunta sa pinto. “Ikaw na bahala mamili! Wala ka naman gusto sa sinasabi ko e” drama ng dalaga.

“E pano naman lahat ng pinili mo di babagay sa green” sumbat ni Raymond at napatingin sa kanya ang dalaga. “Green? Bakit green ba ang motif?” tanong ni Steph. “Hindi, diba favorite mo ang green, maganda yung green dress mo, so dapat terno tayo diba?” sabi ni Raymond at muling nanigas si Steph at napangiti. Bumalik siya sa cabinet at namili muli, pinakita niya kay Raymond pero dinedma siya ng dalaga. “Oy tignan mo na kasi” sabi nya.

“Ikaw na bahala basta iterno mo sa green dress mo” sabi ni Raymond at busy siya naglalaro sa kanyang PSP. “Sino ba kasi nagsabi yun ang isusuot ko?” tanong ni Steph. “Ha? Di mo isusuot yon? Oh di kahit ano na basta iterno mo sa isusuot mo then” sabi Raymond at natuwa ang dalaga na namili. “Pero alam mo maganda yung green dress mo” sabi ni Raymond at lalong natuwa ang dalaga at sa wakas nakapili siya. “O sige na nga eto na, sige na may gagawin pa ako” sabi ni Steph at biglang tumayo si Raymond.

“Hatid na kita” sabi ng binata. “Aysus para lang diyan sa tapat ihahatid pa, wag na maglaro ka nalang diyan” sabi ni Steph at napansin ni Raymond ang damit na napili ng dalaga. “So you are going to wear it then?” tanong ng binata. “Natural, gusto mo yon e, sige na uwi na ako, bukas nalang” sabi ni Steph sabay umalis. Sinara ni Raymond ang pinto nya at sa petsang 15 minarkahan niya ng malaking tres sabay ngiti.

Sa kwarto ni Tim biglang pumasok si Steph dala ang green dress niya. Sinusukat niya ito sa sarili niya at naglalakad lakad. “Oy insan ang laki ng ngiti mo ata. Hoy anong ginawa mo kina Raymond?” tanong ni Tim. “Wulah!” sabi ni Steph at nagsasayaw siyang parang prinsesa habang hawak niya ang dress niya.

“hmmm…I smell something peshe” sabi ni Tim at tumawa si Steph. “Anong peshe naman? Grabe ka its just a birthday party that we are going to attend together” sagot ng dalaga at lalong naintriga ang pinsan niya. “Birthday ni Margaret yon” paalala ni Tim at ngumiti parin si Steph. “So what? She invited me too, so kami ni Raymond pupunta don together” sagot ng dalaga.

“Together? Hmmm talagang dinidiin mo yung word na yan, hmmm really peshe ha” sabi ni Tim at tawa ng tawa si Steph. “Insan wag mo na sisirain ang mood ko please, let me have this moment insan, I don’t care kung may feelings pa sya kay Margaret but I don’t know, lately parang nakakakonek kami e. Not just childhood friends, I feel something different about him. Mas maganda na yon insan kesa sa wala, tiisin ko na ang selos basta insan, happy talaga ako. Please wag mo na alisin tong munting kasiyahan ko” sabi ni Steph at napangiti nalang si Tim.

Kinabukasan sabay lumabas ang tatlo at nakipagkita muna kay Karen sa malapit na store. “Wow naman, terno ah, san naman ang lakad niyong dalawa?” tanong ni Karen. “Makikibirthday” sabi ni Raymond. “Peshe” sabi ni Tim at nagtawanan silang dalawa ng girlfriend niya. “Ano namang peshe dito?” tanong ni Steph at nginitian lang ng magsyota ang dalawa.

Dumiretso na sa bahay ni Margaret ang dalawa, madaming tao ang nandon kaya medyo nahiya sila at sa isang sulok lang tumayo. Suot ang isang pink dress lumapit si Margaret at pinansin ang dalawa, “Wow, save the earth movement ba kayo?” tukso ng birthday girl. “Halikayo tara doon” sabi ni Margaret at biglang umakbay kay Raymond. Naglakad sila at naiwan si Steph pero lumingon ang binata at inabot ang kamay niya. Napangiti si Steph at humawak sa kamay ng binata sabay sabay sila naglakad at napag gitnaan si Raymond ng dalawang nagsisigandahang dalaga.

Paikot ikot sila sa loob ng bahay at talagang sinusubukan ni Margaret agawin si Raymond palayo ngunti di binibitawan ng binata ang kamay ni Stephanie. May lumapit na isang babae at nakipag beso beso kay Margaret sabay bigay ng regalo, inabot ng birthday girl ang regal Raymond at pinahawak. Dumating bigla si Marwin at mabilis na hinila ni Margaret si Raymond palayo. “Samahan mo ako saglit” sabi ng birthday girl, “Marwin samahan mo muna siya” pahabol niya.

“Gumaganda ka Steph ha” banat ni Marwin at nainis ang dalaga at sinusundan ng tingin si Raymond na lingon din ng lingon sa kanya. “Di ka ba worried at sinasama sama ni Margaret si Raymond imbes na ikaw?” tanong ni Steph. “Si Raymond? Why should I worry? Pero Steph grabe gumaganda ka talaga” sagot ni Marwin. “Thank you naman, period” sagot ng dalaga at nagtaka si Marwin.

“Period? Bakit may period?” tanong niya. “Slow ka talaga, period meaning hanggang don ka nalang. Kaya kahit ilang beses mo pa ulit ulitin at ambunan ako ng magagandang salita tandaan mo hindi ikaw siya” paliwanag ng dalaga at napatingin si Marwin kay Raymond. “Siya? Ahahaha malabo ba mata mo Steph?” banat ni Marwin. “Bakit Marwin pag umiibig ka mata ba ginagamit mo? Pag ang mata mo di na gusto ang nakikita niya don narin ba nagtatapos ang pag ibig mo? Pag ang mata mo nagsawa na sa nakikita niya di mo na siya mamahalin? Pag ganon tanga ka, maaring 20/20 ang vision mo pero ang puso mo may depekto, magpatingin ka na.” banat ng dalaga at lumayo.

Oras na para sa kainan at lahat pinagtipon sa malaking hall, buffet style ang pagkain at may mga waiter na nagbigay ng mga plato sa mga guests. Nahihiya si Steph kaya tumayo lang siya sa isang sulok habang napatingin siya sa sentro kung saan nandon ang birthday girl. Sa bawat tabi ng dalaga nakatayo si Marwin at Raymond, “Okay no more singing the birthday song, kain na kayo lahat. Enjoy!” sabi ni Margaret.

Di makapaniwala si Raymond sa nakita niya, lahat ng nakahanda ay seafoods. “Tara kain na tayo” sabi ng dalaga at masama ang tingin ni Raymond sa kanya. “You bitch” bulong niya at nagulat ang dalaga at umentrada si Marwin. “Hoy ano sabi mo?” tanong niya at tinulak si Raymond. “Wala pare, sabi ko bagay kayo” sagot niya sabay umalis.

Sa isang sulok nakakuha na si Steph ng pagkain, tinititigan niya lang ang mga nakuha niyang seafoods at tinusok niya ng tinidor ang isang breaded fish at huminga ng malalim. Isusubo na sana niya pero may biglang humawak sa kamay niya. “What are you doing?” tanong ni Raymond. “Nakakahiya naman kasi pag di ako kumain” sabi ng dalaga. Inagaw ni Raymond ang plato at nilapag sa lamesa, hinawakan niya ang kamay ni Stephanie at dumiretso sila sa pinto.

“Hoy, san tayo pupunta?” tanong ni Steph. “Raymond wait!” sabi naman ni Margaret at hinabol ang dalawa. “Okay I am sorry, but you have to understand” sabi ng birthday girl at masama ang tingin ng binata sa kanya. “You bitch! Sinadya mo to e” sabi ng binata at umentrada nanaman si Marwin at muling tinulak ang binata. “Sumusobra ka na ah” sabi ni Marwin.

“Nagsasabi lang ako ng totoo pare” sabi ni Raymond at muli siyang tinulak ni Marwin. “Pare isa pang tulak at pagpipiliin kita, pangit na varsity player o gwapong lumpo” banat ni Raymond at hinarap si Marwin. “Teka nga kayong dalawa don’t fight here” sabi ni Margaret.

“Tara Steph alis na tayo” sabi ni Raymond at bigla siya hinawakan ni Margaret. “Uy wag naman” hiling ng dalaga. “Di mo ba nakikita? Ang pink di bumabagay sa green, you two you deserve each other. Isang selfish at isang greedy, together you two really smell peshe” banat ni Raymond at nagulat yung magsyota.

“Anong smell peshe?” tanong ni Margaret. “Peshe in your case malansa, beauty no brains nga naman. O ikaw wag kang poporma porma pag di mo kaya. Di nadadala ng kagwapuhan ang suntukan, remember the choices I gave you at pag may nagustuhan ka anytime pare puntahan mo ako” sabi ni Raymond at hinawakan ang kamay ni Steph at umalis na sila.

Nang makalayo sila di mapigilan ni Steph ang mapangiti, masayang masaya siya pagkat alam niyang wala na si Margaret sa buhay ni Raymond. “Oy Raymond, don’t you think you went overboard naman?” tanong ng dalaga at ang galit na galit na itsura ng binata biglang nagbago at ngumiti sya. “Tama lang, they deserve it” sagot nya. “So pano na yan? Di ba type na type mo siya?” tukso ni Steph at napangisi ang binata.

“We all make mistakes, lahat natutukso, buti nalang nalang nilabas niya agad pangil niya bago ako nakagat” banat ng binata at biglang tumawa si Steph. “So wala na siya?” hirit ng dalaga at tinignan siya ni Raymond. “E dati naman siyang wala ah, parang hangin na dumaan lang” banat ni Raymond at muli silang nagtawanan. “But you kissed her” sabi ng dalaga at napabuntong hininga si Raymond. “Oh well yeah I did” sabi nya.

“First kiss and you liked it” hirit ni Steph. “E first kiss e, ano magagawa ko ba? Wala naman ako comparison kasi first nga. To hell with the first kiss, inaantay ko parin ang the best kiss, yun ang importante” sagot ng binata. “Hmmm bakit di ba pwede maging best kiss yung first kiss?” tanong ni Steph. “Pwede naman, lalo na pag di nasundan yung first hahaha e di wala ka nang pag compare” sagot ni Raymond.

“So ano naman sa tingin mo makakahalik ka ulet ng iba?” biglang banat ni Steph at natawa si Raymond. “Ah ganon, parang iniismall mo ako ganon?” sumbat ng binata at nagtawanan sila. “No naman I was just saying if naman e. Diba?” paliwanag ni Stephanie. “Well pag di na ako nakahalik ng iba then that would be sad, still my first kiss wont be my best kiss kasi alam ko I missed the chance to have my best one” drama ni Raymond at di mapalagay ang dalaga.

“So sino nga ba ang magbibigay ng best kiss mo?” tanong ni Steph. “Syempre the one you really really really like, not the like na like mo lang, but the like na lagi mo siya iniisip, kahit ayaw mo isipin iisipin mo parin siya. Sayang nga at di sya yung naging first kiss ko, o di sana first and the best agad” sagot ng binata at lalong napaisip si Steph.

“Steph madami kang tanong, nagugutom ako, wala ako masyado dala dito kaya okay lang ba kung burger lang?” sabi bigla ni Raymond. Madami pa sana gusto tanungin ang dalaga pero tumigil na sya at nginitian ang binata. “Pero di ba masyado tayong formal?” sagot niya. “Bagay naman ah” sumbat ni Raymond at natawa si Steph. “Sige, tara gutom narin ako e” sagot ng dalaga at agad sila sumakay ng jeep.

“Ang pink di bumabagay sa green” pabulong na sabi ni Steph at ngumiti si Raymond. “So saan ba bumabagay ang green?” tanong ng dalaga at dinikit ni Raymond ang katawan niya sa kanya. “Sira to tayo lang nakaupo dito nakikisiksik ka pa” sabi ni Steph. “Sira ito sagot ko, o” sabi ni Raymond at muli niyang dinikit ang katawan niya sa dalaga.

Nagtakip bigla ng bibig si Steph at natawa, siniko niya ang binata at pareho sila tumawa. Di niya maintindihan ang nararamdaman niya ngunit naintindihan niya ang nais iparating ng binata. “August 15, binilugan pa ng red o” biglang sabi ni Steph at ngumisi si Raymond. “Special day e, alam mo ba nasulatan ko yon ng three” sabi nya at biglang napaisip ang dalaga. “Dapat hindi ko susulatan e, pero ewan ko sinulatan ko lang siya ng three” hirit ni Raymond.

“Three? Bakit three e ang one plus five di naman three?” sabi ni Steph. “E sa totoo ang eleven di naman talaga one plus one yon equals two e, palusot ko lang yon” paliwanag ni Raymond at lalo naintriga ang dalaga. “Hmmm peshe ah” sabi ni Steph at nagtawanan sila bigla.

Nakarating sila sa favorite fastfood resto ni Steph at nag order ng burger at drinks. Iniisip parin ng dalaga ang ibig sabihin ng mga number pero gulong gulo siya. “So kung may two at three, malamang may one right?” tanong ng dalaga. “Yup, korek ka dyan” sabi ni Raymond. “So anong date mo sinulat ang one? Sige na para di na ako mag isip” sabi ni Steph at biglang nagseryoso si Raymond.

“Kailan nga ba Steph? That day…after class…right at this place…oo dito naganap yung one din” sabi ni Raymond at biglang nabitawan ni Step hang burger niya at nagkatitigan sila. Natatandaan ni Steph ang araw na yon, naipagtugma tugma na niya ang mga ibig sabihin ng mga numero, bumilis ang tibok ng puso nya pagkat ang mga araw na yon ay araw na magkasama sila.

“Monching…ano to? Ano ibig sabihin nito? Why are there so many acronyms and numbers?” tanong ni Steph at napailing si Raymond. “Steph kilala mo naman ako e, dati I cant express my feelings and I do regret it, but now I am trying little by little, oo takot pa ako pero through simple acronyms and numbers I am doing it. I actually prepared another acronym for this day too. Oo I marked this day red not because birthday ni Margaret, but this day sana I was supposed to give you another acronym ulet pero siguro mas maganda na sabihin ko nalang sa iyo” sabi ni Raymond at nanginginig na si Steph.

“Steph…gusto ko sabihin sa iyo na…ahahaha shet ang hirap acronym nalang mas madali, kaya MK!” sabi ni Raymond at lumukso bigla ang puso ng dalaga at natawa. “MK? Ano yan? Explain” banat ni Steph at napailing iling si Raymond at napatingin sa paligid. “Basta MK nga” ulit ng binata. “Anong MK nga?” tanong ni Steph at tawa sila ng tawa.

“Basta yon na yon, MK” sabi ni Raymond. “E malay ko ba sa MK na yan. Sus baka iba interpretation ko or translation, so tell me kasi ano yon” hirit ni Steph at huminga ng malalim si Raymond at tinignan ang dalaga.

“Mahal Kita”