sk6

Sunday, August 16, 2009

Em En Kay Chapter 11: Wammy!

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 11: Wammy!

Wednesday ng umaga magkatabi si Raymond at Tim na naglalakad, si Stephanie naman nagpapahuli at pinapanood yung dalawa. “Pare…” sabi ni Tim pero sinuntok bigla ni Raymond ang braso ng kaibigan nya. “Pare wag mushy mushy, okay lang yon” sabi ng binata at nagkiskisan sila ng kamao. “Thanks pare” sabi ni Tim.

Si Steph tulala lang na naglalakad at nag iisip habang pinagmamasdan ang likod ni Raymond. Tinuturo nya sarili nya sabay tinuturo nya ang binata sabay ngumingiti. Napalingon sa kanya si Tim at nahuli ang dalaga sa ginagawa niya. “Hoy” pansin ni Tim at biglang tumigil si Steph at nagsimangot. “Steph bakit ka nandyan sa likod? Dito ka sa tabi ko” sabi ni Raymond at napangiti ang dalaga at tumabi sa kanya.

Lunch time tulala parin si Steph at napansin siya ni Margaret. “Sis parang ang lalim ng iniisip mo” sabi ng dalaga. “Hmmm wala lang” sagot ni Steph at bigla nalang nilapit ni Raymond ang kutsara sa bibig nya. “Aaaahhh” sabi ng binata at nagkatitigan sila. “Sira ka talaga, marunong naman ako kumain mag isa” sabi ni Steph. “Aahhhhh” ulit ng binata at natawa ang dalaga at sinubo ang kutsara. Napataas ang kilay ni Margaret habang pinapanood ang dalawang tila nag eenjoy na nagkakatitigan.

After lunch pabalik na sila sa classroom at magkasabay naglakad si Steph at Raymond, si Margaret at Tim ay nahuli. “Tim, si Raymond at pinsan mo ba ay…you know” pabulong na tanong ni Margaret. “Ha? You mean magbf gf?” sagot ni Tim at sumenyas ang dalaga na wag maingay. “Yeah parang ganon” sabi ni Margaret. “Hmmm wala naman ako alam or napapansin” sabi ni Tim. “Sure ka?” hirit ng dalaga. “May girlfriend ako so if ever may nangyayari sa kanila alam ko, e lagi ko sila kasama e” sabi ni Tim. “Ah okay, I see” sumbat ni Margaret. “Pero kahapon nagdinner sila sa labas, treat ni Raymond kasi may cash prize pala yong panalo nya e” pahabol ni Tim at napangisi si Margaret. “I see…bait niya naman” sagot ng dalaga.

Pagdating gabi nandon sa kwarto ni Tim si Steph at naupo siya sa may bintana. Dumating si Raymond para turuan si Tim pero agad niya napansin ang dalaga. “Steph! Bumaba ka diyan. Tim bangon na, review na tayo” sabi ni Raymond. “Pare five minutes lang, pikit ko lang mata ko” sabi ni Tim kaya nakisiksik si Raymond sa tabi ni Steph sa may bintana.

“Ikaw ang tigas tigas ng ulo mo, sabi ko wag ka uupo dito pero sige upo ka parin ng upo dito sa bintana. Akala ko ba natanggal mo na ang ugaling ganito?” sabi ni Raymond. “E gusto ko nga nakaupo dito e, parang ang ganda kasi” sabi ng dalaga. “Asus, namimiss mo lang yung kitten mo nung bata tayo e, ano na ba tawag mo dati sa kitten?” tukso ni Raymond at biglang tumawa si Steph at pinalo ang binata.

“Sige subukan mo ipaalala at itutulak kita talaga” banta ng dalaga at tumawa si Raymond. “Oo na di na, pero alam mo wag ka na uupo dito, delikado dito talaga. Ang taas ng babagsakan mo o” sabi ng binata at sabay sila napatingin sa baba. “Oo pero nandito ka naman ah” sagot ni Steph. “Oo ngayon nandito ako, pero may times na nakikita kita nakaupo dito, o diba? Wag ka na uupo dito, kung gusto mo maupo dito make sure nandito ako” sabi ni Raymond at napayuko ang dalaga at napangiti.

Sampung minuto lumipas at gusto na bumaba ni Steph para makapag review narin siya pero di makaalis ang dalawa sa bintana. “Ayan pano na tayo aalis dito?” tanong ng dalaga at nagtawanan sila. “Nung bata tayo kasyang kasya tayo dito at ang dali umikot at bumaba. This is the part where we go ooops” sabi ni Raymond. “Tim! Di kami makababa dito tulungan mo nga kami” utos ni Steph at bumangon si Tim at tinignan ang dalawa sabay tumawa. “Para kayong sardinas diyan, manigas kayong dalaga, pinasok niyo yan so kayo din umalis diyan” sabi ni Tim sabay tawa.

Sinubukan ng dalawa makababa pero pareho sila nahirapan, tawa ng tawa yung dalawa habang si Tim patuloy ang pang aalaska sa dalawa. “Teka isa lang ang paraan, magpapahulog ako paatras, it’s the only way” sabi ni Raymond. “Hoy wag na, pag magpapahulog ka sasabay ako” banta ni Steph. “Tsk wag, ako muna, don’t worry mababa lang yan, hayaan mo na akong mabukulan wag lang ikaw” sabi ni Raymond at inayos na niya ang pwesto nya para magpalaglag.

Nagpalaglag si Raymond sa sahig at kumabog ang likod nya, “Okay ka lang?” tanong agad ni Steph at ngumiti lang ang binata. Pumalakpak si Tim ngunit nakita nyang nagkatitigan ang dalawa at nagngitian. “Papalaglag ako” sabi ni Steph, “Saluhin kita” sumbat ni Raymond sabay binuka nya ng kamay nya. Sobrang ngiti ang dalaga at hinarap ang binata at nagpalaglag. Sakto siya bumagsak sa ibaba ni Raymond at agad siya niyakap ng binata. “Okay ka lang?” tanong ni Raymond at muli sila nagkatitigan at nagngitian.

“Ay potek! Ang sweet niyo shet!!! Paalala mo nga na maupo din kami ni Karen dyan at gawin ko din yan” banat ni Tim at biglang nahiya si Steph kaya agad siya tumayo. “Ano pare review na tayo?” tanong ni Raymond at dahan dahan siya tumayo. “Di na pare, kaya ko na, bukas nalang sa major natin” sabi ni Tim. “O sige then uwi na ako” sabi ni Raymond at umalis na siya.

Naupo si Steph sa tabi ng kama at di nya matanggal ang ngiti sa mukha niya. “Magpapalaglag ako” tukso ni Tim at pareho sila natawa. “Oy anong nangyayari sa inyo?” tanong ni Tim at kinilig bigla ang dalaga. “Wulah!” sabi ng dalaga at nagpunta ulit siya sa may bintana at umakyat sabay naupo. “Matigas ulo mo talaga, sabi nga ni Monching mo na wag ka uupo diyan pag wala siya diba?” tukso ni Tim pero di siya pinansin ng dalaga.

Nilaro laro ni Steph ang mga paa nya habang pinagmamasdan niya ang kwarto ni Raymond. “Oy diba sabi ko sa iyo wag kaa uupo diyan pag wala ako” biglang narinig ni Steph ang boses ni Raymond at pagtingin niya sa baba ay nandun ang binata. “Hala, ano ginagawa mo diyan?” tanong ni Steph. “Ikaw ano ginagawa mo diyan?” sumbat ni Raymond.

“Wala lang, gusto ko lang maupo talaga dito, pero ikaw ano ginagawa mo diyan? Akala ko umuwi ka na?” tanong ni Steph. “I knew uupo ka ulit dyan e, and sabi ko nga di kita hahayaan malaglag, sasaluhin at sasaluhin kita” sabi ng binata at napapikit si Steph at kinilig. “Sige na bababa na, sige na uwi ka na” sabi ni Steph sabay bumaba na. “Goodnight Steph” sabi ni Raymond. “Goodnight Monching” sagot ng dalaga. “Hoy Tim! Alam ko nandyan ka, good night din sa iyo sige uwi na ako” sabi ni Raymond.

Parang bulateng nalagyan ng asin si Steph sa sahig at aliw na aliw si Tim sa kanya. “Pero alam mo mali din siya e” sabi bigla ni Tim at nagulat si Steph. “bakit naman?” tanong ng dalaga. “You only sit there sa window pag alam mo he is nearby, or pag alam mo paparating na sya” banat ni Tim at biglang tumawa ng malakas si Steph. “Che! Wag kang makikialam, siyempre alam ko naman na papansinin niya ako e” sabi ng dalaga at di siya mapakali. “Steph, ayaw ko magsound bad ha, don’t forget Margaret and Pipay, di ko sinasabi na playboy si Raymond pero don’t you think na he is being that way kasi nga kababata at parang sister ka nya?” banat ni Tim at napatigil bigla si Steph at tinignan ng masama ang pinsan niya.

“Alam mo totoo yang sinabi mo, naisip ko din yan pero wag mong sisirain ang good mood ko!!! Bwisit ka talaga!!! Di siya ganon!!!” sigaw ng dalaga at nag walkout.

Kinabukasan pagkatapos turuan ni Raymond si Tim ay dumalaw ang binata sa kwarto ni Stephanie. “Oy, bakit ka tulala diyan?” tanong ni Raymond pagkat nakita nya si Steph nakaupo lang at nakatanga. “Wala, alam mo yung YAM?” tanong ni Steph at natahimik si Raymond. “Well may naisip akong mas magandang version” sabi ni Steph. “Ows sige nga” sabi ng binata at tumawa si Steph at nahiya.

“Wag na nakakahiya baka sabihin mo korny ako” sabi ng dalaga at tawa siya ng tawa. “Sige na, game let me hear it” sabi ni Raymond. Tumayo si Steph at naglakad lakad habang tumatawa, “tatawanan mo lang ako e” sabi nya. “Sus, sige na game parinig na version mo” sabi ni Raymond. “O sige basta wag ka tatawa” sabi ni Steph.

“Hmmm…alam mo ba yung kantang…ah…nakakahiya e” sabi ni Steph at seryoso siya tinignan ng binata. “Ano nga?” sabi ni Raymond at huminga ng malalim ang dalaga. “Yung kanta na ganito lyrics…imagine you and me, and me and you…gets mo? W-A-M-M-Y, Yammy!” sabi niya at biglang sumabog sa tawa si Raymond at napasimangot si Steph.

“See tatawanan mo ako e” sabi ng dalaga. “Hindi, okay nga pero bakit W?” tanong ni Raymond at biglang napaisip ang dalaga at sumabog sa katatawa. “Ay oo tanga ko, hahaha dapat Y yon, sorry, shet Y-A-M-M-Y dapat, you and me and me and you nga” sabi ni Steph at pareho sila nagtawanan. “WAMMY!” ulit ni Raymond at lumapit ang dalaga sa kanya at sinakal ang leeg niya.

“Yammy yon!” sabi ni Steph. “Wammy!” ulit ni Raymond at tawa pa sila ng tawa. “So happy together, na na na na na na” kanta ng binata at sumabay sa kanya ang dalaga. Ilang saglit pa pumasok sa kwarto si Tim at nakitang nagsasaya ang dalawa. “Oy, ano yan?” tanong niya at tumayo bigla si Raymond at nagpaalam nang umuwi. Pagkaalis ng binata ay nagsimangot si Steph, “Ikaw killjoy ka talaga ever!” sigaw nya at nagtungo siya sa kabilang kwarto.

Sa kwarto ni Tim dumunga si Steph sa bintana at eksaktong nakita si Raymond sa kwarto nya. “Oy bumalik ka na sa kwarto mo, matutulog na ako” sabi ni Tim. “Shut up ka nga” sabi ni Steph. Kinuha niya ang unan at pinagpapalo ang pinsan niya, “Ikaw talaga killjoy ka, nakakainis ka talaga! Bwisit ka talaga!” sigaw niya at tuloy ang pagpapalo niya nang biglang napatigil siya pagkat may narinig silang kanta na galing sa kwarto ni Raymond. “Hay naku ano nakain non at ang lakas magpatugtog e gabi na” sabi ni Tim pero tuwang tuwa si Steph na dumungaw sa bintana.

“Imagine you and me, and me and you….” sabi ng kanta at tawa ng tawa si Steph pagkat kinakanta niya lang kanina pero ngayon pinapatugtog ng malakas ni Raymond sa kwarto niya. Dumungaw din si Raymond at sumigaw, “WAMMY!!!” at lalong sumabog sa katatawa ang dalaga.

Inulit ulit ni Raymond ang first line ng kanta at bigla niya tinuro si Steph at sarili nya, ganon din ang ginawa si Steph at nagtataka si Tim kung bakit nagtuturuan ang dalawa. Parang sinasaniban ang dalawa pagkat sa buong kanta nagtuturuan sila, di makarelate si Tim pero naaliw siya pinapanood ang dalawa.

Kinabukasan papasok sa paaralan ay biglang bumanat si Raymond, “Wammy!” sabi nya at natawa nalang bigla si Steph. Napakamot si Tim at lalo pa nagulat nang nagkantahan bigla ang dalawang kasama niya. “Ah ewan ko sa inyo, para kayong nakadrugs” sabi ni Tim.

Lunch break at habang kumakain ay si Steph naman ang biglang bumanat ng Wammy at nagkantahan sila bigla ni Raymond na kinainis ni Margaret. “Ano nakain nila?” tanong ni Margaret kay Tim at biglang nagharapan sina Raymond at Steph at nagtuturuan. “Imagine you and me, and me and you…” kanta nila sabay tuloy ang turuan. Paulit ulit ang kanta nila at di nabubuo ang lyrics ngunit halatang nagsasaya ang dalaga. “So happy together, na na na na na” kanta nila at biglang gumaya si Margaret at nakikanta at nakituro ngunit biglang tumigil ang dalawa at tinignan siya.

“O bakit kayo tumigil?” tanong ni Margaret. “Ha? Eh tapos na yung kanta e” sagot ni Raymond at biglang tumawa si Steph. Kumain ulit sila at masama ang titig ni Margaret kay Stephanie.

“Ah siya nga pala, may gagawin ka ba Sabado?” tanong ni Margaret kay Raymond. “Wala naman bakit?” tanong ng binata. “Ah wala naman, birthday ko lang, punta ka, sama mo siya” sabi ni Margaret. “Oo ba, sige Sabado” sabi ni Raymond. “Ahem, hello nandito din ako” sabi ni Tim. “Ah sure you too” sabi ni Margaret at tumawa si Tim. “Di na, may lakad kami ng girlfriend ko, sila nalang” sagot ni Tim.

“Ah sige ikaw nalang Monching” sabi ni Steph pero tinignan siya ni Margaret. “Oh no you should come, aasahan kita don” sabi ng dalaga. “Oo pupunta kami sa birthday mo” sabi ni Raymond at biglang nagkatinginan ang magpinsan pero napayuko nalang si Steph at kumain.

“Oh at yung kinakanta niyo, mali siya. It should be imagine me and you and you and me” sabi ni Margaret at parang nagkaroon ng tensyon sa lamesa. “You may sing a song the right way but it has no meaning, singing it the way you want and being happy is a different story” biglang depensa ni Raymond at napangisi konti si Steph pero muli siyang tinignan ng masama ni Margaret.

Habang naglalakad pauwi kumalas si Tim para makipagkita kay Karen, “Monching, di na ata ako sasama sa Sabado, ikaw nalang” sabi ni Stephanie. “You and me and me and you we will go there together” kanta bigla ni Raymond at tumawa si Steph at tinuloy ang kanta, “Na na na na na na na na “ kanta niya at tila naalis ang dinadamdam niya.