sk6

Monday, August 31, 2009

Bertwal Chapter 7: Palipad Hangin

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 7: Palipad Hangin

Isang linggo nalang at pasukan na, tapos na mag enroll sina Marco at Joanna ngunit isang linggo narin may prinoproblema ang dalaga.

Paolo: Ano is he still harassing you sa chat at email?

Hanna: Yeah, nakakainis nga e. Alam kasi niya email ko e ayaw ko naman na magpalit ng email sana. Kahit ignore ko e lagi naman siya nakakagawa ng new nickname. Ok na sana sana sa chat kasi madali ignore pero sa email lagi meron

Paolo: Wag ka muna kasi magchat at sa email report as spam mo nalang kasi. Better yet Wag ka na mag online muna, okay naman tayo sa text diba?

Hanna: Ano?

Paolo: Hahaha ah sorry, wala sige lang pala

Hanna: Ah, yeah sige di na ako muna mag online

Paolo: Okay. Ei, samahan ko lang sis ko saglit ha. Text kita mamaya.

Hanna: Okay, Ingat ka

Parang baliw na niyakap ni Joanna ang phone niya, tinitigan niya ito at binasa ng malakas ang sinabi ni Paolo. “Okay naman tayo sa text diba? Diba? Diba? Oo! Oo! Oo!” sigaw niya sabay tumawa mag isa. “Hmmm para ka nanamang bulateng binudburan ng asin” sabi bigla ng mommy niya na pumasok sa kanyang kwarto. Tumigil si Joanna saglit pero muli siyang natawa mag isa. “Si Paolo nanaman siguro yang katext mo” sabi ng mommy niya.

“The one and only” sumbat ni Joanna. “Hay naku Paola, mas kinikilig ka pa sa kanya kesa kay Ferdy” sabi ng nanay niya habang binubuksan ang mga kurtina ng kwarto. “Ma! Don’t say bad words! Paolo is such a nice guy, I can tell kahit sa text lang” sabi ng dalaga. “A nice guy that you will never meet kasi yan deal deal niyo. Kaya hinay hinay lang” paalala ng nanay niya. Nalungkot bigla si Joanna at tinitigan ang phone niya, nahiga siya sa kama at huminga ng malalim.

“Ma, sa tingin mo ba papayag siyang bawiin namin yung deal namin?” tanong ng dalaga at lalabas na sana ng kwarto ang mommy niya pero tumigil. “Hmmm siguro if it goes two way, pero malay mo baka one sided lang, do you think he likes you too?” sabi ng mommy nya sabay lumabas na ng kwarto. Napaisip si Joanna at napatingin sa kisame, di maipinta ang mukha niya kaya muli niyang binasa ang mga lumang mensahe ni Paolo. “Maybe…he is just being nice” bulong niya sa sarili niya.

Samantala naglalakad sina Marco, Lianne at Angelo sa isang lugar na ngayon lang nila narating. “My God naman pare ano ba iniisip mo kasi? Yang Hanna na yan chatmate mo lang bakit ka masyado apektado sa problema niya? Delikado tong ginagawa natin e” reklamo ni Angelo. “She is not just a textmate or chatmate, kaibigan ko na siya, at pag ikaw din naman may problemang ganito alam mo naman gagawa at gagawa ako ng paraan diba?” sagot ni Marco. “Pero pare kabaliwan na ito e, yang stalker niya or nambabastos sa kanya sa net that is her problem, ignore nalang niya. Pero grabe ka makikipagkita tayo sa stalker niya?” sabi ni Angelo.

“Kung ayaw mo sumama umalis ka na pare, thank you nalang” sabi ni Marco. “Di sa ganon pare. Alam mo naman na walang iwanan pero…okay okay fine so pano niyo na set up tong stalker na to?” tanong ni Angelo. “Pinain ako ni Kuya” sabi ni Lianne bigla at lalo nagulat si Angelo. “What the…pare sarili mong kapatid? Siraulo ka ba?” tanong ng kaibigan niya. “Pumayag ako kasi sira PSP ko, kapalit nito PSP niya so why not” sabi ni Lianne at napakamot si Angelo.

“Pare kung ako makikichat sa kanya sa tingin mo papansinin niya ako? Pwede ako magpanggap na babae pero bakit pa? And I wont let my sister get into trouble, oo na bad na kasi I used her to draw out this stalker, di ko naman hahayaan masaktan kapatid ko. At pag si Lianne sigurado mabibighani yung animal na yon kasi maganda kapatid ko” sabi ni Marco at napangiti si Lianne saglit. “Oy wag ka nang magpapalakas bibilhan mo parin ako ng bagong memory card” sabi ng bunso at natawa nalang si Marco.

“Relax pare kakausapin lang natin siya, lahat nadadaan sa magandang usapan” sabi ni Marco at nakahinga ng maluwag si Angelo. “So bakit mo pa ako sinama?” tanong ng kaibigan niya. “Kasi you know kung-fu” sagot ni Marco at muling napakamot si Angelo. “Ang gulo mo! Sabi mo kausap lang, e marunong ka din naman ng kungfu ah” sabi ng kaibigan niya at natawa si Marco. “Oo pare kausapin lang pero malay mo may kasama siya tapos mag init ulo niya so we have to defend ourselves diba? Marunong ako pero ano to action film na isa bida tapos one million kalaban tapos mananalo pa siya? Be real pare, this is real life so just be a friend for now” sabi ng binata at napabuntong hininga si Angelo sabay kinasa ang mga kamao niya, “Okay fine, lets do this!” sabi niya.

Sa isang computer shop sila pumasok pero napasilip si Lianne sa kabilang store, “Kuya wait treat mo muna ako diyan o” sabi ng bunso. “Mamaya na Lianne okay?” sabi ni Marco at nagsimangot ang bunso. “Pare sure kayo dito? E wala naman tao sa loob pa o” sabi ni Angelo. “Oo pare, at maaga pa naman kaya pwesto na tayo, dito sila mag eyeball” sabi ni Marco kaya pumasok na sila at si Lianne sa malayong terminal nagrenta habang ang dalawa nagshare sa isang sa malayo. “Pare wag masyado close sa akin baka pagkamalan tayong magjowa” sabi ni Marco at natawa si Angelo. “Ogag magandang cover yon, tara magbading badingan tayo” sabi niya kaya game na game silang nag inarteng magcomputer.

Tinitron: Sis relax ka lang nandito lang kami

LilyAnne: Sus kayo nga ang mas kabado e. Kayo mag relax

Tinitron: Hahaha fine.

LilyAnne: Wag kayo lingon ng lingon sa akin obvious no

Tinitron: Okay sige basta steady lang


Dumami ang tao sa shop at nakatitig lang ang dalawang binata sa entrance. May isang lalakeng pumasok at nagrenta ng computer at tatayo na sana si Marco pero pinigilan siya ni Angelo. “Pare chill, di tayo sure siya yan” sabi ng kaibigan niya. “May hinala ako siya yan” sabi ni Marco. “Pare mahirap na magkamali at ano ba? Kakausapin diba?” paalala ni Angelo kaya kumalma si Marco.

LilyAnne: Kuya siya na to. Nagmessage siya sa akin.

Tinitron: Sige, sabihin mo kakawayan mo, wag kang tatayo!

Sumilip si Lianne sabay may kinawayan na lalake, tatayo na sana yung lalake pero sa likod niya sumandal si Marco at inakbayan siya. “Wag kang tatayo kupal ka, wag kang mag eeskandalo kung ayaw mo masaktan” bulong ng binata at nagnerbyos yung lalake. “Tol ano problema mo?” tanong nung lalake. Napatingin si Marco sa screen at nakita niya ang nick na gamit ng lalake, “JhongXxX, ikaw nga…o nagpapadala ka pa ng message kay Bettyfly” bulong ni Marco at halatang kabado na yung lalake.

“Eto ang gusto kong mangyari, titigilan mo na si Bettyfly at kapatid ko naintindihan mo ba ako?” bulong ni Marco sabay diin ng siko sa balikat ng lalake. “Oo pare” sagot niya. “Tandaan mo pare kilala na kita, makarinig lang ako kay Bettyfly na ginugulo mo pa siya makakatikim ka sa akin. Hahanapin talaga kita” banta ni Marco at di na nakasagot ang lalake. Tumayo ng tuwid si Marco at nagyabang pa yung lakake, nagdikit ang mga kilay ni Marco sabay sabunot sa ulo ng lalake. “Marco!” sigaw ni Angelo at napatigil ang binata. “Wag sa keyboard!” sigaw ng kaibigan niya. “Ay oo nga” sabi ni Marco kaya inumpog ni Marco ang ulo ng lalake sa lamesa dalawang beses at dumugo agad ang ilong nito.

“Ano? May angal ka?” tanong ni Marco pero napahawak lang yung lalake sa ilong niya. “Sis tara na!” sabi ni Marco at nagmadali lumapit ang bunso sa kuya niya. Nanggigil si Lianne at sinabunutan din yung lalake sabay nagisisgaw, “Jhong Manyakis ka! Pervert ka!” sigaw ng bunso sabay umpog ng ulo sa mesa. Lahat ng nasa shop nakatingin sa kanila kaya inawat na ni Marco si Lianne. Binayaran na ni Angelo ang rental nila at nagmadali sila lumabas.

Humabol yung may ari ng shop sa kanila at medyo kinabahan sina Marco. “Salamat sa ginawa niyo, madami na nagrereklamo diyan e. Siga siga kasi yan dito. Taga diyan lang yan sa isang kanto. Dibale iban ko narin yan dito pero salamat talaga” sabi ng babae at nakahinga ang grupo ng maluwag. Yumakap si Lianne sa kuya niya at naglakad sila papunta sa katabing store. “Uy tama na Lianne, eto na o ano gusto mo treat na kita” sabi ni Marco at agad sumaya ang bunso. “Ayan o ensaymada” sabi ng bunso at pati si Angelo nagturo. “Ako din kuya napagod din ako, madaya kayong dalawa nakabanat kayo ako wala” reklamo ni Angelo at tumawa si Marco. “Ikaw nga yung scared kanina e tapos sasabihin mo sayang?” sagot ni Marco at tawa sila ng tawa.

Naglakad na sila palayo habang kumakain, nasarapan si Marco sa ensaymada kaya napalingon siya sa pangalan ng store. “Oh shet!” sabi niya bigla sabay labas ng phone. “Bakit pare?” tanong ni Angelo. “Malamang ibabalita nanaman niya sa loves nya etong kinakain niya, ganyan naman yan e. Bawat kinakain namin nirereport niya kay Hanna!” sabi ni Lianne. Di nakikinig si Marco at nagtuloy sa pagtext, napangiti siya at napatingin ulit sa pangalan ng store.

Paolo: Ei! Guess what? Tama ka! Grabe sarap nga ng ensaymada dito sa Big Vinz’s Store. Oh so yummy. My sis even bought cheese rolls. Hmmm be jealous!

Pagkabasa ni Joanna sa text nanlaki ang mga mata niya at napasigaw ng malakas. “Oh my God!!!” sigaw niya at nagmadaling magbihis. Napatakbo ang nanay niya sa kwarto at ninenerbyos. “Bakit ano nangyari?” tanong ng mommy niya. “Ma! Oh my God! Nasa store siya sa kanto!” sabi ni Joanna. “Ano? Si Paolo?” tanong ng ina niya.

“Opo ma, as in OMG! OMG! Teka teka teka kunwari bibili ako teka” sabi ni Joanna sa kaba. “Teka akala ko ba may deal kayo?” sabi ng nanay niya. “Oo nga pero as in coincidence. Di ko sinabi na dito tayo nakatira. Siguro napadaan lang sila kasi he texted me saying yung ensaymada, wait ma wait bibili ako” sabi ni Joanna at nagmadali siyang tumakbo palabas ng kwarto. “Joanna! Ano ka ba? Bilhan mo din ako ng cheese roll!!!” sigaw ng nanay niya.

Nakarating si Joanna sa store pero wala nang tao na bumibili, huminga siya ng malalim at napasimangot. “Shet sayang” bulong niya pero napansin niya na may nagsisigawan sa may katabing computer shop. Lumapit ang dalaga at sa pinto palang patakbo palabas ang lalake na dumudugo ang ilong. Napatigil silang dalawa at nagulat si Joanna, “Ian? Napano ka?” tanong ng dalaga pero napayuko ulo ni Ian. “Sorry Joanna, basta sorry” sabi niya at tumakbo palayo.

Pumasok si Joanna sa loob at huminahon na ang mga tao doon. “Ate bakit yon?” tanong ni Joanna at bumalik na sa counter ang may ari. “Kilala mo ba yon si Ian? Siya pala yung nambabastos sa chat e. Ano yon Jhong ata gamit niya at madami siya nabastos na babae” paliwanag ng may ari at nagulat si Joanna. “Ha?!! Si Ian si Jhong? Shet yon ah!” sigaw ng dalaga. “O pati pala ikaw nabiktima niya” sabi ng shop owner.

“Gago yon ah!” sabi ni Joanna. “Hayaan mo na, nakatikim na siya kanina sa isang customer. Ayon pinadugo nila ilong niya, ilang beses inumpog mukha niya sa lamesa” sabi ng may ari at napatigil si Joanna at napaisip. “Ah ate yung lalake ba may kasamang kapatid na babae?” tanong ni Joanna. “Kapatid? Siguro kasi sis ang tawag niya, pero may kasama pa silang isang lalake” sabi ng may ari at napangiti si Joanna at agad nilabas ang phone niya.

Nagpunta siya sa katabing store at namili at nagsimula magtext.

Hanna: Thank you!

Paolo: Thank you for what? Sarcasm ba yan dahil iniinggit kita?

Hanna: No. Basta thank you.

Paolo: Uy ano yan? Sorry na kung ininggit kita. Sorry na.

Hanna: Hahaha lagi kang worried. Masama ba mag thank you?
Paolo: Para saan nga?

Hanna: Para sa lahat. For being you. Thank you.

Paolo: Hanna naka drugs ka ba?

Hanna: Nope. Sige text you later. Mwah!

Super ngiti si Marco at natisod pa siya. Pagkatayo niya tinatawanan pa siya nina Lianne at Angelo. “O pare ano nanaman yan kasi?” sabi ni Angelo. “Pare ano isasagot mo sa text pag MWAH ang sinabi niya?” tanong ni Marco sabay tumawa. “Why binida mo bas a kanya yung ginawa mo?” tanong ni Lianne. “Hindi ah, never ko sasabihin sa kanya no” sagot ni Marco. “So expression lang yan don’t mind it” sabi ni Lianne. “Pero thank you siya ng thank you e di ko naman alam ano nagawa ko” sabi ni Marco. “Sigurado ka di ka nagpabida?” tanong ng bunso. “Di nga talaga, di ako ganon” sagot ng kuya niya. “O di she likes you” sabi ni Lianne at super ngiti ang kuya niya.

Pagkauwi ni Joanna agad niya niyakap ng mahigpit ang mommy niya. “Pinagtanggol niya ako” sabi nya at nanlaki ang mga mata ng nanay niya. “Nagkita ba kayo?” tanong ng mommy niya. “Nope, pero pinagtanggol niya ako ma, pinagtanggol niya ako dun sa nambabastos sa akin sa net” kwento ni Joanna. “Oh di okay, he likes you” sabi ng ina niya. “Now I know!” banat ni Joanna sabay takbo sa hagdanan. “Oy di ka ba kakain nitong binili mo?” tanong ng mommy niya. Napalingon si Joanna at napangiti, “Di na ako depressed ma, I am…happy!” sabi ni Joanna sabay akyat sa kwarto niya.

Sumapit na ang gabi at di nagawang itext ni Joanna si Marco. Sa bawat pagpindot niya sa phone niya di niya makayanan ituloy ang pagpadala ng mesahe. Di siya mapakali kaya humarap sa PC at hinanap kung naka on ang kachat niya. Di niya ito makita kaya kahit offline nagpadala siya ng mensahe dito para mabasa nalang pagka online siya.

Bettyfly: Where were you when I needed you?

Napangiti si Joanna at huminga ng malalim sabay tinuro ang pangalan ni Tinitron. “Badtrip ka di mo ako tinext maghapon! Pero okay lang” sabi niya sabay patay na sa computer at nahiga sa kama. Pinikit niya ang mga mata pero biglang tumunog ang phone niya at singbilis ng kidlat niya ito nakuha at agad binasa ang mensahe.

Paolo: I was standing beside you but you were looking the other

Hanna: No matter where I looked no one was there

Paolo: I was but you were not just looking hard enough. But I was beside you all the time

Hanna: Shet! Teka! Online ka kanina?

Paolo: Hindi. Mga offline messages ko diretso sa CP

Hanna: Hahaha sorry naman. So musta? Busy ka ata maghapon

Paolo: Di ah. I was waiting for your text. Akala ko ikaw ang busy

Hanna: Hahaha di kaya. Anyway musta? Ano gawa mo?

Paolo: Eto nakahiga, nakatitig sa bintana nakikita ang buwan

Hanna: Uy Emo siya

Paolo: Di naman. If you look at the moon, it looks so small. Move your hand forward, it looks as if my hands are bigger but no matter how much I try to capture the moon I cant. It is just so far away

Hanna: Its not as far as you think. You can do it

Paolo: Its impossible, I wish I had bigger hands

Hanna: You don’t need bigger hands. Just be yourself and reach for it.

Paolo: Anyway late na ah matutulog ka na?

Hanna: Medyo sleepy na

Paolo: Ah okay tara tulog na tayo. Bukas nalang

Hanna: Okay. Goodnight Pao. Sleepwell

Paolo: Goodnight Hanna. Sleepwell.

“Di pa ako inaantok!!! Eesssh nakakainis ka!!!” sigaw ni Joanna pero bigla siyang ngumiti at napatili konti. Lumingon lingon siya sa paligid at tila may hinahanap, “O wala ka naman e” sabi niya sabay tawa. Pagtingin niya sa phone niya, “Ayon pala e” sabi nya at pagtingin sa PC, “O nandyan ka din pala” bigkas nya sabay tumawa ng malakas. Nahiga siya sa kama at ngumiti, napatingin sa bintana at tinuro ang buwan, “Kaya mo Pao” bulong niya sabay pinikit ang kanyang mga mata.

Si Marco bumangon at nagpunta sa bintana, huminga ng malalim at tinitigan ang phone niya. “Bakit wala ng mwah?” bulong niya sa sarili. Scroll down sa mga mensahe at binuksan ang natanggap na text mula kay Hanna nung umaga, “Ayan o meron e” sabi niya at tumawa siya mag isa. Tinignan niya yung buwan at tinuro ito, binuklat ang mga kamay niya at sinubukan hawakan.

“Kahit may hadlang aabutin kita”

Sunday, August 30, 2009

Bertwal Chapter 6: Liko Moves

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 6: Liko Moves

Dalawang linggo nang magkachatmate at textmate sina Joanna at Marco at dalawang linggo narin ang natitira sa bakasyon. Isang umaga naglilinis ng kwarto si Joanna at tumunog ang phone niya pero di niya ito pinapansin. Pumasok ang nanay niya sa kwarto at muling tumunog ang phone. “Aba himala, ano nakain mo at naglilinis ka ng kwarto? Tumunog phone mo” sabi ng nanay niya.

“Hayaan mo siya” sabi ni Joanna at nagsimangot. Tumunog nanaman ang phone at lumapit ang nanay niya sa kama at kinuha ang phone. “Babasahin ko na sige ka” biro ng nanay at nagsimangot lang ang dalaga. “Sige lang, I don’t care” sabi ni Joanna at talagang binasa ng nanay niya ang mga text message.

“Hanna, sorry talaga. Pumikit lang ako talaga tapos you know” bigkas ng nanay niya. “Lagi naman e, lagi nalang ganyan” bulong ni Joanna at tuloy ang pagsisinop sa cabinet niya. “Hanna please sorry talaga, di na mauulit, alam ko ang score ay 5-2 na. Sorry talaga” sabi ng nanay at lalong napasimangot si Joanna. “Teka nga, sino si Hanna? Bakit ayaw mo ba name mo na Joanna?” tanong ng mommy niya at sinara ng dalaga ang cabinet at nakitabi sa nanay niya sa kama.

“Di po, Hanna parang codename. Para di niya talaga alam sino ako. O diba safe?”paliwagan ni Joanna at napangiti ang nanay niya. “O so ano naman ang pangalan nitong lalake?” tanong ng nanay niya. “Paolo, of course codename din” sagot ni Joanna. “So siya ba ang nagpapatawa at nagpapangiti sa iyo lately?” tukso ng nanay niya at napasimangot si Joanna. “At nagpapasimangot ma” sabi ng dalaga at natawa ang matanda.

“Hanna sorry naman na o. Oo na antukin na ako pero naka dalawa ka din naman ah. Pero oo naka lima na ako kahit sa totoo apat lang pero yung iba diyan sign of old age kaya sabi five. Pero sige five na. Pero sorry talaga” basa ng nanay niya at sabay pa sila napatawa. “O ayan nagmamakaawa na pansinin mo na kasi” sabi ng ina niya at kinuha ni Joanna ang phone at nagtype ng mensahe. “O sige Paola, ano gusto mo pala lunch?” tanong ng nanay niya. “Ma, order nalang tayo pizza” sabi ng dalaga. “O siya siya wag masyado Paola ha” paalala ng nanay at tumawa si Joanna. “Hanna po ma” sabi nya

Sa bahay nina Marco nakahiga ang binata sa sofa at nakasimangot. Hawak hawak niya ang phone niya nang bigla ito tumunog.

Hanna: Hi. Sorry late reply. I was busy cleaning my room. Wala yon ano. I understand.

Biglang napaupo si Marco at napabomba ng kamay sa ere. “Oy exaggerated ka na ha” sabi ni Lianne at natawa ang binata. “E akala ko galit na siya sa akin e” sabi ni Marco. “Asus, kuya akala ko ba e no strings attached yan. Bakit parang masyado ka affected sa ganyan ha? Ha? Ha?” tukso ni Lianne at napangiti nalang si Marco at nagtype sa phone niya.

Paolo: Hay thank God. Sorry talaga ha

Hanna: Kulit. Sabi ko ayaw ko ng makulit diba?

Paolo: Ahahaha okay. Pero Hanna sorry talaga. I really thought you were mad at ayaw ko naman na mawala ka

Hanna: Ha? Ano?

Paolo: Ay alam mo pinadownload ko yung sinasabi mong kanta sa sis ko. Tama ka ganda nga

Hanna: Ha? Wait wait naguguluhan ako

Paolo: Yung oldies na Stitches and Burns. Remember?

Hanna: Ah oo nga

Paolo: Yeah, I think I can sing this

Hanna: Ows? You sing? Saan sa kubeta? Ahahaha

Paolo: Oo. Hahaha joke!

Hanna: Di nga? You sing? As in sing na kumakanta talaga?

Paolo: Meron bang sing na tumutula? Sing as in kaya naman, di silang hahaha

Hanna: Ows? Wow! Ako din

Paolo: Hahaha maybe one time pwede tayo magduet

Hanna: Ha?

Paolo: I mean online, kasi nga yung deal diba?

Hanna: Hahaha oo nga naman. Or you can call

Paolo: The deal remember?

Hanna: Ah yeah right. Ei, tuloy ko paglinis sa kwarto. Text you later

Paolo: Okay clean well

Huminga ng malalim si Joanna at tinitigan ang cellphone niya, nahiga siya ng maayos sa kama at muling binasa ang mga mensahe sa phone niya. “I really thought you were mad, ayaw ko naman na mawala ka” bigkas niya sabay ngiti. Saktong pumasok ang mommy niya sa kwarto at nakangiti parin si Joanna. “Paola, para kang baliw dyan. Anong flavor gusto mo sa pizza?” tanong ng mommy niya.

“Kahit ano na ma” sabi ng dalaga at natawa ang mommy niya. “Hay naku nga naman, nakalimutan ko favorite mo e, ano na yon?” hirit ng mommy niya. “Its okay ma kahit ano talaga” sabi ni Joanna. “Naku naku, parang ang layo ng isip mo. Saan ba niya dinala pag iisip mo?” tanong ng mommy niya. “Hay ma, muntik na pero lumiko naman. Meat lover’s flavor ma” sabi ni Joanna. “Ayun nga pala, o sige na baka nadistoro kita diyan” biro ng mommy niya at ngumiti nalang si Joanna.

Dumating ang pizza at agad bumaba si Joanna at humarap sa dining table. “Hay naku nakakamiss sina daddy mo at ate mo” sabi ng mommy niya. “Manang kain na po tayo!” sigaw ni Joanna at kumuha ng slice ng pizza at nilagay sa plato niya. Humarap narin ang kasambahay nila at si Joanna napatingin sa phone niya. Huminga siya ng malalim at kumagat sa pizza niya at di niya natiis at kinuha ang phone niya at nagtext.

“Ma, do you think its possible na a person can really like another person kahit di pa sila nagkikita?” tanong bigla ni Joanna at nagulat ang nanay niya. “Bakit? Do you like Paolo already?” sumbat ng mommy niya. “Ay siya ba yung katext mo lagi?” tanong ni manang Ruby. “Ay teka teka wag kayong magkonek nagtatanong lang ako no” sabi ni Joanna at nagtawanan ang tatlo.

“Okay sabihin na natin merong si Paola na katext niya si Paolo” banat ng mommy niya at biglang tumawa si Joanna. “Mommy!” reklamo ng dalaga. “Sino si Paola at Paolo?” tanong ni manag Ruby at lalo natawa ang mommy ni Joanna. “Kunwari lang naman e, codename nila okay? O sige, di nga sila nagkikita pero nag uusap sa internet at text sabihin na natin. Ilang weeks na ba? Tatlo? Dalawa? Sa internet kahit di ko pa alam yan e pwede ka magpanggap ng kahit ano diba? Kasi di ka nga nakikita diba?” sabi ng mommy niya.

“Madaling magsinungaling sa internet. Kung kaharap mo nga kaya magsinungaling sa iyo yan pa kayang di nakikita diba?” sabi ng mommy ni Joanna. “Tama ka ma” sagot ng dalaga. “Ako kung marunong ako mag internet pwede ako magpanggap na lets say eighteen years old at kumarengkeng din ako sa chat chat at text diba?” dagdag ng mommy niya at tawa sila ng tawa. “O baka madami mainlove sa akin, post ko picture mo tapos bolahin ko lang konti mga boys o ha. Baka magkaroon ako ng madaming cyber boyfriends” landi ng nanay niya at ang lakas ng tawa ni Joanna.

“Mommy! Kadiri ka ha!” sabi ni Joanna. “I am just saying iha diba?” sagot ng nanay niya. “Ate pag ginawa niyo yon sabihin niyo magpadala ng load tapos bigay niyo number ko” banat ni manag Ruby at muling nagtawanan yung tatlo. “Mamaya nga kargahan mo yung chat chat yung laptop” sabi ng mommy ni Joanna at tumaas ang kilay ng dalaga. “Para makachat ko daddy mo ano ka ba” sabi ng ina niya sabay kindat sa kasambahay at tawa ulit sila ng tawa.

Huminga ng malalim si Joanna at ngumuya ng pizza, “Pero iha, its easy to like someone who is being good to you or showing goodness. Ganyan tayong mga tao. I am sorry but I have to bring up Ferdinand, o tignan mo nainlove ka sa kanya. Nung nainlove ka ba nalaman mo na gagawin niya yon sa iyo? Hindi diba? You fell in love with him kasi nga madami siyang ugali na gusto mo, mabait siya sa iyo, pero in the end babaero pala. Ganyan din sa kachat mo, ganyan pinapakita now, good side, but do you know his bad side? Baka niloloko ka lang niyan” sabi ng mommy nya at lalo nalungkot si Joanna.

“Ang tao sa internet pag may gusto magpapanggap yan hanggang sa nakuha ang gusto. Pero anak, yang si Paola at Paolo mukhang okay sila” sabi bigla ng mommy niya. “Ha? Nakaklito ka ma” sabi ni Joanna. “Nagset kayo ng rule agad na no strings attached, so sa tingin mo ano pang gusto niya makuha? Ano pang rason para magsinungaling siya sa iyo? Kung alam niya agad na hanggang kausap lang siya bakit pa siya magsisinungaling o magpapanggap sa iyo? Kung may ibang hinahanap yan sa iyo at alam niya umpisa palang no chance bakit ka pa kakausapin diba?” paliwanag ng nanay niya at medyo napangiti si Joanna.

“Kayo may usapan kayo, agad may hadlang na pero he still likes to chat and text with you. O ano naman kaya purpose niya? Diba? Its right to have doubts pa but malaking bagay yung deal niyo sa umpisa. Ano pang rason niya magsinungaling sa iyo? Am I right?” tanong ng nanay niya at ngumiti si Joanna.

“Napapatawa ka niya, naibalik niya ngiti mo, hmmm its okay to like him kasi ganyan tayong tao. We have a tendency to like people like that. Malas mo at may deal kayo kaya hanggang diyan ka nalang” sabi bigla ng nanay niya at natauhan si Joanna. “So ma sa tingin mo totoong tao siya?” tanong ni Joanna. “Of course,ano pang habol ba niya sa tingin mo? Wala diba?” sagot ng mommy niya.

“So its okay to like someone like that right?” hirit ni Joanna. “Teka bakit ba ang kulit mo ha? Do you like that Paolo?” sagot ng mommy niya at napasimangot si Joanna. “Hay mommy, as a friend, di ba nga may rules diba?” sagot ni Joanna. “Sabi ko nga, kulit mo e” sabi ng mommy niya at nagsimula magtext si Joanna.

Hanna: Ei. Wassup?

Paolo: Yo. Eto kumakain. Tara kain pizza!

Hanna: Weh! Liar!

Paolo: Ha?

Hanna: Imposible ka na. We are eating pizza din e

Paolo: Ahahaha coincidence again? Grabe ha. Pero ano magagawa ko fave ko to e

Hanna: Ako din kaya! Imposible ka na!

Paolo: Yup, we ordered Meat Lover’s Pizza

Gulat na gulat si Joanna at napatingin sa box ng pizza. Kinuha niya ang resibo at agad nagtext.

Hanna: O sige nga how much?

Paolo: 654, medium lang kasi kami lang ni bunso kakain nito hahaha.

Hanna: Shet same price nga. Same brand pa ata ahahaha

Paolo: O ha! Soul Resonance nanaman tayo

Hanna: Soul Resonance?

Paolo: Yup, ah fave anime ko yun. Soul Eater. Basta hard to explain.

Hanna: Sus, anime fan din ako. Try me!

Paolo: Wow! Basta watch mo nalang siya. Parang ako si Blackstar at ikaw si Tsubaki

Hanna: Nosebleed! Sige sige try ko watch. Soul Resonance ha

Paolo: Oo kaya. Their souls connect, they become one. Parang tayo parang same

Hanna: Tayo? Same?

Paolo: Oo, I mean madami tayong same likes and dislikes. You know

Hanna: Ahahaha oo nga e. Ayos sana kung walang hadlang e no?

Paolo: Hadlang?

Hanna: Wait BRB tawag ako ni mommy may ipapagawa. BRB ha

Paolo: Okay sige sige

Nagtakip ng bunganga si Joanna at nilayo ang phone niya. Bigla siyang kinilig at tumawa mag isa at napatingin sa kanya ang nanay niya at kasambahay. “Hmmm ano nanaman yan Paola?” tanong ng nanay niya pero agad kumuha si Joanna ng dalawa pang pizza at nilagay sa plato niya. “Ma pwede ba ako don sa kwarto ko?” tanong ni Joanna at pumayag ang nanay niya. Nagmadaling umakyat ang dalaga at napakamot si Ruby. “Joanna Paola ba pangalan niya ate?” tanong ng kasambahay at tumawa ang mommy ni Joanna. “Pwede rin” sagot niya.

Nag aagawan sina Marco at Lianne sa huling piraso ng pizza nang biglang tumunog phone ni Marco at naagaw ng bunso ang huling piraso. “Ahahaha thank you Hanna!” sigaw ni Lianna sabay tawa. “Hope you choke” biglang banat ni Marco at napatigil si Lianne sa pagkagat sa pizza. Sumimangot ang bunso at biglang tumawa ang binata. “Ang bad mo kuya” sabi ni Lianne. “Uy joke yon no. Na adopt ko kay Hanna” sabi ni Marco at tumawa siya.

Hanna: Hi. Grabe pig out ako sa pizza. Sarap e no lalo pag madami keso

Paolo: Sinabi mo pa. Kung pwede nga lang panay keso nalang pero syempre konting karne naman

Hanna: Hahaha baka gusto mo cheese nalang kainin mo at magprito ka nalang ng hotdog

Paolo: Aaahaha pizza pa ba yon?

Hanna: E di tawagin mong pizza ala Paolo

Paolo: Nyahahaha Pizza ala ututino

Hanna: Sira! Hahahaha wag masyado sa keso at baka magkalat ka ng lagim

Paolo: Look who’s talking kaya

Hanna: Ano gusto mo mabadtrip ulit ako sa iyo?

Paolo: So nabadtrip ka talaga?

Hanna: Ano sa tingin mo?

Paolo: Uy sorry naman na o. Di na talaga mauulit
Hanna: Che!

Paolo: Uy Hanna, sorry talaga kagabi. Akala ko ba okay na?

Hanna: Lagi nalang ganon e. Sus, o baka ngayon bigla ka mawawala ulit sabihan mo naman ako

Paolo: Di na talaga promise. Kung kinakailangan tatayo na ako sa gabi pag katext kita para lang di matulog

Hanna: At bakit mo gagawin naman yon?

Paolo: Para di ako makatulog. Para di ka magalit sa akin.

Hanna: Bakit ayaw mo ako magalit?

Paolo: Siyempre naman kasi you know

Hanna: Know what?

Paolo: Know that too much cheese make you fart so much

Biglang napangisi si Joanna at nanggigil bigla. Sinakal niya cellphone niya sabay kagat sa pizza. “Lumiko ka nanaman loko ka” sabi nya sabay tumawa. Tumunog ang phone niya at napangiti siya.

Paolo: Still there? Pagpikit tulog?

Hanna: Hahahaha. Di ah. Hay Pao Pao

Paolo: Bakit?

Hanna: Ikaw talaga grrrr hahahaha

Paolo: O bakit nanaman? May nagawa ba ako?

Hanna: Hahaha wulah!

Paolo: whew! Kala ko meron nanaman.

Hanna: Wala no. Naaliw lang ako sa iyo

Paolo: Ha?

Hanna: Hahaha oy fast learner ako

Paolo: Ano?

Hanna: Wala. Kumain ka nga lang dyan

Paolo: Ubos na no

Hanna: Halika dito meron pa

Paolo: Ahem, the deal remember?

Hanna: E di tanggalin

Paolo: Ano?

Hanna: Ahahaha sabi ko madami pa dito. Hmmm sarap. Be Jealous, be very very jealous


(bukas wala na update muna at magbabakasyon din ako ahahahah)

Saturday, August 29, 2009

Bertwal Chapter 5: Pagpikit, Tulog!

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 5: Pagpikit, Tulog!

Isang umaga nagising si Joanna dahil sa sinag ng araw na sumilip sa kanyang bintana. Binunaksan ng dalaga ang kanyang mata at napalingon sa bedside table niya. Kinuha niya ang cellphone niya at biglang nagtype ng mensahe pero nagdalawang isip kaya muling binaba ang telepono. Sinubukan niya kunin muli tulog niya pero muli niya nakita ang telepono niya kaya agad ito kinuha at nagpipindot ulit sabay pinadala ang text message.

Hanna: Good Morning!

Samantala sa bahay nina Marco kumpleto ang pamilya nila at sabay sabay sila kumakain ng almusal. Biglang sila nakarinig ng batang nagsasalita kaya lahat sila napatigil. “Ano yon?” tanong ng ama ni Marco at tumawa yung bunso. “Message tone ni Kuya” sabi ni Lianne. Tumayo si Marco at kinuha ang telepono niya at binasa ang mensahe, agad siya nagtype sa cellphone at agad siya tinukso ng ate niya. “No strings attached?” sabi niya at napangiti si Marco. “Ate, good morning lang naman e” sabi ni Marco. “Diyan nagsisimula yan” hirit ni Nerissa. “Hayaan niyo na nga siya, sige na kain na” sabi ng nanay nila.

Paolo: Good Morning. Musta?

Hanna: Eto just woke up. Ikaw?

Paolo: Eating breakfast. Tara kain tayo.

Hanna: Ay sorry, sige eat well. Ano ulam?

Paolo: Fried rice, eggs, and danggit

Hanna: Shwet! Nakakainis ka! Gusto ko yan!

Paolo: Hmmm sarap o. Kadadating ni daddy dami niya dalang danggit

Hanna: I hate you! Pinapatakam mo naman ako. Grrrr!

Paolo: Hahahaha. Tara kain!

Hanna: Hope you choke!

Paolo: Hahaha. Ei may lakad ka today?

Hanna: Wulah. Nakakainis ka talaga gusto ko ng danggit!

Paolo: Hahaha. Well remember the deal. Pag walang deal e di sana pinadalhan na kita

Hanna: Oo nga. Anyway magpapabili ako kay mom. Wala ako lakad, you?

Paolo: Wala din. Ei text you later Barbi muna. Tara Ken!

Hanna: Okay. Eat well. Later!

Bumangon si Joanna at agad bumaba sa kusina kung nandon ang mommy niya, “Ma gusto ko ng danggit” sabi ng dalaga at napalingon sa kanya ang nanay niya sabay pinakita ang binubuksang supot. “Eto ba?” tanong ng mommy niya at nanlaki sa tuwa ang mga mata ng dalaga. Agad niyakap ni Joanna ang nanay niya at nanggigil. “Matagal pa ba maluto yan?” tanong ni Joanna. “Eat it raw you like?” biro ng nanay niya at natawa ang dalaga. “Bilisan mo magluto ma” lambing ni Joanna. “Bakit naglilihi ka ba?” tanong ng nanay niya at tumawa si Joanna.

“Di ah, yung textmate ko kasi ininggit ako, danggit din kinakain nila at nainggit ako” sabi niya. “Aysus, don’t tell me bukas kung ano kinakain niya gusto mo narin ha” sabi ng nanay niya at tumawa si Joanna. “Ma coincidence lang naman no, it so happens na isa sa favorite ko yan” sagot ng dalaga. “Oo na sige na tulungan mo ako mag sangag ng kanin” utos ng ina niya. “Ma, pati eggs din luto ka” sabi ni Joanna. “Itanong mo narin kaya ano iniinom niya at ano dessert para mahanda ko narin” biro ng nanay niya at nagtawanan sila.

Pagkatapos maligo ni Joanna sinindi niya ang computer niya sabay naupo at pinapatuyo ang buhok niya. Nakita niya muli ang phone niya pero di ito pinansin at agad binuksan ang chat software. Nakita niya di naka online si Tinitron kaya agad niya kinuha phone niya.

Hanna: Uy, OL ka?

Paolo: Hindi e. Ikaw online ka ba?

Hanna: Hindi rin. Katatapos ko lang maligo

Paolo: Hahaha oh? Di naman kita nakita sa banyo katatapos ko din maligo

Hanna: Nyahaha sira!

Paolo: Sorry

Hanna: Sorry for what?

Paolo: It was a bad joke

Hanna: Baliw! Ayos lang no. Baka magulat ka pag ako nagbiro

Paolo: Ah talaga? Pero sorry parin

Hanna: Kulit mo! Oy magsaplot ka muna bago ka magtext no

Paolo: Hahaha pano mo alam wala ako saplot? Nakikita mo ako?

Hanna: Hahaha oo! Baka kailangan mo ng alone time sabihin mo lang.

Paolo: Hahaha oy oy. Hey I was just kidding okay?

Hanna: I am not

Paolo: Ha?

Hanna: Hahaha joke lang! Kita mo na, I told you

Paolo: Hahaha ok ka. Sige saglit lang at magsasaplot na ako

Hanna: Di nga? Patingin!

Paolo: Hahahaha oy wag masyado

Hanna: Hahahaha weak! Sige sige text mo ako pag nakasaplot ka na

Pinatay ni Joanna ang computer niya sabay sinindi ang component niya. Namili siya ng magandang FM station at nahiga sa kama niya. Di niya nagustuhan ang kanta kaya pinondot ang remote ng component sabay nagplay ang mp3 disc compilation nag ginawa niya. Unang kanta pala na tumugtog pinikit niya ang kanyang mga mata at sinabayan ang kanta. “The skies are not as blue, when you're not with me. The stars, they never seem to shine as bright…”

Samantala sa kwarto ni Marco pati siya kumakanta ng malakas at sinasabayan ang tumutugtog sa kanyang i-pod. “And the hours crack like days across the ages. And a year or two pass by with every night…” kanta niya at biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Lianne.

“Kuya! Nagpapaka EMO ka nanaman ha! Ano ba yang kantang yan napakasad naman niyan!” sabi ng bunso at ngumiti lang si Marco at tinuloy ang kanta. “Find me...look hard, and don't stop, I'll be waiting 'till then” kanta ng binata at naupo sa tabi niya si Lianne at nagustuhan din bigla ang kanta. “Kuya ano title niyan?” tanong ng bunso. “Find Me by David Gates, ganda no?” sabi ni Marco at napatingin sa kanya ang kapatid niya. “Kuya iniisip mo parin ba si ate Dana? Kaya kinakanta mo yan?” tanong ni Lianne at napaisip si Marco at sumandal sa kama niya.

“Dati oo, pero di na” sabi ng binata. “E bakit mo parin kinakanta yan?” tanong ni Lianne. “Hmmm maganda yung kanta, dati oo parang may wish na bumalik siya kaya tumatak tong kanta pero now iba na. I feel I was destined to be with someone out there…sana I find her or she finds me…” drama bigla ni Marco at tumayo si Lianne. “E pano mo mahahanap e nandito ka lang sa bahay, kung gusto mo siya hanapin e di lumabas ka kung sino man siya” sermon ng bunso at napangiti si Marco. “Opo ate” sagot niya at tumawa si Lianne.

Kinabukasan maaga magkachat sina Bettyfly at Tinitron.

Bettyfly: Ei good morning.

Tinitron: Good morning. Aga mo nagising ah!

Bettyfly: Ahahaha sira 10am na kaya

Tinitron: Oo nga, ano oras ka nagising?

Bettyfly: Six, kasi tumawag friend ko at sabi lalabas daw kami

Tinitron: Ah sige baka you have to go now

Bettyfly: Di no, mamaya pa

Tinitron: Ah okay, ako din makikipagmeet ako sa friends ko

Bettyfly: Pareho pala tayo. Ikaw pinasakit mo tiyan ko. Tawa ako ng tawa

Tinitron: Ay sorry pala ha. Pumikit lang ako saglit, pagmulat umaga na. Sorry ha

Bettyfly: Hahaha sira okay lang yon. 2am narin kaya yon at sakto drain na ako

Tinitron: Oo pero sorry talaga. Grabe 4 hours sleep ka lang sure ka okay ka lang?

Bettyfly: Oo kaya. E ikaw ano oras ka ba nagising mister antukin?

Tinitron: hahahaha 7am. Sorry talaga, di bale di na mauulit

Bettyfly: Ano ka ba sabi ko okay lang e. Sige pag nangulit ka di na kita kakausapin

Tinitron: Ay wag naman.

Bettylfy: Ei I have to go. Text nalang tayo ha. Bye!

Tinitron: Ah okay sige ingat ka!

“Hoy Marco sabi mo check mail ka lang, tara na ano nag aantay na yung iba” sabi ni Angelo kaya nag log out si Marco at tumayo. Inayos niya ang upuan sa rental at naglabas ng pera. “Sige pre mauna ka na magbabayad lang ako” sabi niya at nauna na sa labas si Angelo at nagtungo ang binata sa counter.

“Miss wala ka bang barya? Ubos barya namin e” sabi ng nagbabantay sa shop kaya sinilip ni Joanna ang wallet niya. Sakto dumating si Marco sa counter at nagkita ang dalawa. “Uy” sabi ni Joanna. “Uy” sagot din ni Marco. “Miss wala akong barya talaga e” sabi ni Joanna. “Sige dito nalang, magkano ba?” tanong ni Marco. “ten pesos sir” sabi ng taga bantay. “Sige ako na” sabi ni Marco sabay abot ng fifty pesos.

“Uy thank you ha bayaran kita mamaya” sabi ni Joanna. “Its okay, wag mo na bayaran” sabi ni Marco. “No I will pay you later” sabi ng dalaga. “Ikaw bahala” sagot ni Marco at pagtanggap niya ng sukli ay sabay sila lumabas ng shop.

“You are Marco right?” tanong ni Joanna at di siya tinignan ni Marco pero napakamot lang ang binata. “Ay oo, sorry I forgot your name” sabi ng binata at napasimangot ang dalaga. “Joanna, friend ni Jamie na girlfriend ng friend mong si Richard” paliwanag ng dalaga at napayuko ang ulo ni Marco sa hiya. “Ay oo pala sorry, o ayan na sila o” sabi ni Marco at nagmadali siyang nagtungo kay Angelo.

“Sis nakakagulat ka ha, magkasama kayo ni Marco?” bulong ni Jane kay Joanna. “Nagkataon lang, pareho kami galing sa computer shop” sagot ng dalaga at napansin ng kaibigan niya ang simangot sa mukha niya. “O bakit parang bad mood ka?” tanong ni Jane. “Wala, ipaalala mo nga na may utang akong sampu diyan sa supladong yan” sabi ni Joanna at natawa si Jane. “O ano ba nangyari?” tanong ng kaibigan niya. “Can you imagine he doesn’t know my name, as if last time I didn’t exist ganon ba? Porke gwapo akala mo kung sino na. Eeesh!” sabi ni Joanna.

“Sis relax, pero nakakatawa ha, first time na snob ang beauty mo” sabi ni Jane at tawa siya ng tawa. “Ah shut up ka diyan care ko! Bakit sino ba kasi siya? Anyway san ba tayo pupunta? Gutom na ako e” sabi ni Joanna. “Kailan ka ba di nagutom? Oo kakain tayo” sabi ni Jane. “Bakit di ba makapagdate yung dalawa na sila lang? Bakit kasama pa tayo?” tanong ni Joanna. “Treat ni Richard daw” sagot ni Jane. “Ay tara, buti sinasama tayo lagi” sabi ni Joanna at nagtawanan yung dalawa.

Sa isang mamahaling restaurant sila kumain, eat all you can buffet ang tema. Di sila magkasya sa isang lamesa kaya dalawang lamesa na magkatabi ang kanilang pinwestuhan. Habang kumakain ay busy nagtetext si Joanna kaya bigla siya napuna ni Jamie.

“Wow first time na di matakaw si Joanna, may sakit ka ba?” tanong ni Jamie. Napangiti lang si Joanna at nagtuloy sa kanyang pagtext habang pasubo subo ng pagkain. “Shhhh katext niya loves niya ata” biro ni Jane. “Oy di ah, kain lang ng kain libre e” sabi ni Joanna sabay napatingin siya kay Richard. “Ay sorry” bawi niya. “No its okay, kasi next week si Jamie naman daw” sabi ni Richard at nagtawanan sila.

“Rich, okay lang ba yung friends mo? Nahiwalay sila dito, sana kasi mas malaki mga lamesa dito e” sabi ni Jame sabay napatingin sila lahat sa dalawang binata na nasa kabilang table. “Oo naman, matatakaw mga yan kaya buti nahiwalay” sabi ni Richard. “Ay dapat don din nakaupo si Joanna e, ay pero not now kasi may sakit ata siya” biro ni Jane pero tuloy sa pagtext si Joanna.

Hanna: Ay talaga naiinis ako sa guy na friend ng friend ko

Paolo: Hahaha chill ka lang. Ano ba kasi nangyari?

Hanna: Ah basta naiinis lang ako talaga

Paolo: Ah baka naman he likes you

Hanna: Duh! Likes me? He doesn’t even know my name. I had to remind him

Paolo: Ah I see. Hahaha affected ka masyado may ganyan talaga. Baka naman…

Hanna: Baka ano?

Paolo: Ah wala

Hanna: Ano? Baka ano?

Paolo: Wala no forget it

Hanna: Isa! Di kita titigilan. Baka ano?

Paolo: Baka he likes you. May mga ganyan na kunwari di ka kilala baka shy lang siya

Hanna: Hahaha baliw! He doesn’t even look at me. Anyway musta?

Paolo: Okay lang naman. Eto kumakain

“Oy pare kanina ka pa dyan text ng text, ano kukuha na ulit kami pagkain” sabi ni Angelo at nakatayo na siya. “Ah sige pre sunod ako” sabi ni Marco at nakatitig lang siya sa phone niya habang inaantay ang sagot ni Hanna. Medyo natagalan kaya tinuloy niya ang pagkain niya.

“Shet naman check op pa” bulong ni Joanna at talagang tuliro siya. Nakatayo na sina Jane, Jamie at Richard para kumuha ng pagkain at si Joanna hinila si Jane. “Sis pahiram naman phone mo isang text lang” sabi ni Joanna. “Sorry sis wala ako extra load e” sabi ni Jane at nagsimangot si Joanna at tinuloy ang pagkain niya. Nakita ni Joanna na naiwan si Marco sa kabilang table pero nahiya siyang makitext sa binata.

Nakita ni Joanna na tumayo si Marco at hawak ang phone at plato kaya naglakas loob na siya. “Uy, kukuha ka food?” tanong ni Joanna at napalingon ang binata sa kanya. “Yeah, tara?” sabi ni Marco at natuwa naman ang dalaga pagkat inalok siya nito. “Tara” sagot niya at sabay sila nagpunta sa food table.

Pabalik na sina Jane at tinitigan niya si Joanna, “Uy sis coincidence ulit?” tukso ni Jane at napasimangot si Joanna at binigyan ng dirty finger ang kaibigan niya. Tawa ng tawa si Jane at Jamie at si Angelo nagulat din makitang nagsabay ang dalawa. “Sila na ba?” tanong niya bigla. “Not yet but soon” sabi ni Jane at nagtawanan ang dalawang dalaga.

Habang kumukuha ng pagkain sina Joanna at Marco ay halos nagkakabanggaan sila pagkat pareho ang gusto nilang pagkain. “Sige you first” sabi ni Marco. “Ah sige” sabi ni Joanna at nang nakargahan niya plato niya kumuha ulit siya ng pagkain at kinargahan ang plato ni Marco. “Okay na ba yan?” tanong ni Joanna at napangisi si Marco. “Konti pa please” bulong niya at nahiya pa. Natawa si Joanna kaya nagkarga pa ng two servings ng mash potato sa plato ni Marco. Kumuha ulit si Joanna, “Ay tama na” sabi ni Marco bigla. “Not for you, for me” sabi ni Joanna at napahiya ang binata pero tumawa si Joanna. “Ang takaw ko ano?” bulong ng dalaga. “Di halata” sagot ni Marco sabay inagaw niya ang serving spoon at nagkarga pa ng isang serving sa plato niya at sa plato ni Joanna. “Nahiya ako kanina pero ngayon may kasama na ako why not diba?” sabi nya at lalo sila nagtawanan.

Di nila alam pinagtitignan sila ng mga kaibigan nila mula sa malayo at di makapaniwala ang grupo sa nakikita nila. “I cant believe it” sabi ni Jamie. “Oo nga e, kanina lang nagrereklamo reklamo siya” sabi ni Jamie. “Reklamo about what?” tanong ni Richard. “Ah wala wala, parang close na sila ano?” sabi ni Jamie at tumawa sila. “Pero so you know, rare mo makikita si Marco na ganyan, as in mahiyain sa babae yan pero look at them ahahaha sooo cheesy” sabi ni Richard at biglang lumingon si Angelo sa kanila. “Pare nakikita mo ba nakikita ko?” sabi nya at bigla nalang sila nagtawanan. “Bakit parang gulat na gulat kayo ha?” tanong ni Jamie. “Hay naku sige nga tell me if tinitigan ka na sa mata ni Marco or nakausap ka na ba niya?” tanong ni Richard at napangiti nalang yung dalawang dalaga. “Ang suplada at mahiyain nagsama” bulong ni Jane at tawa sila ng tawa.

Nang pabalik na sila sa table ay naglakas loob si Joanna, “Ay nakita ko kanina may phone ka, pwede makitext ng isa?” tanong niya at pagdating sa lamesa ay nilabas ni Marco ang phone niya at binigay kay Joanna. “Do you know how to use it?” tanong ni Marco at tumaas ang kilay ni Joanna pero nagpigil. “I know” sabi niya. “Ah okay, paki iwan nalang kay Angelo at mag cr ako” sabi ng binata at muling nainis si Joanna pero nagsimula magtext.

Pagbalik ni Marco ay nakita niya ang phone niya kay Angelo at nagtetext ang binata. “Oy pare nakitext ako ng isa pala” sabi ng kaibigan niya. “Okay lang pare, wala bang nagtext sa akin?” tanong ni Marco. “Ay oo meron pare pero grabe complicated tong phone mo, makikitext ako sana nabuksan yung message e, tapos natuliro ako nadelete ko pare sorry” sabi ni Angelo. “Ha?! Badtrip naman pare e. Ano nabasa mo ba pare?” tanong ni Marco. “Oo pero di nakasave yung number dito, tapos sabi nakikitext lang daw siya at naubos load niya. Sorry pre talaga” sabi ni Angelo pero napangiti lang si Marco at naupo. “Ah kaya pala di na nagreply, okay lang pre. Tara kain ulit” sabi ng binata.

Si Joanna parang galit na galit na kumakain at tinititigan ang likod ni Marco. “Antipatiko talaga, badtrip” bulong niya. “O bakit sis?” tanong ni Jane. “Yang ewan na yan akala mo kung sino e. Imagine itatanong pa ako if I know how to use a phone? Eesh ano ako taga kweba? Di niya alam pareho nga kami phone e” bulong ni Joanna sa galit at muling natawa si Jane. “Akala ko okay na kayo kanina?” tanong ni Jane. “Duh! Timing lang yon para makitext ako, grabe sana di nalang” sabi ni Joanna at talagang galit na galit siya.

Late na sila nakauwi at pagkatapos magbihis ni Joanna ay nahiga siya sa kama at nagregister sa unlimited text. Pagka approve ng request niya agad niya tinext si Paolo.

Hanna: Ei! Musta? Sorry kaloload ko lang

Paolo: Eto just got home din. So how was your day?

Hanna: I don’t want to talk about it. Pero ang dami kong nakain grabe

Paolo: Hahaha same here. Namiss ka ng phone ko ah

Hanna: Hahaha sira. As in galit na galit ako di kita matext. Wala pa ako makitang reload center

Paolo: Its okay, magkatext naman na tayo e

Hanna: Oo nga. Matutulog ka na ba?

Paolo: Not yet naman, why?

Hanna: Wala naman just asking. So Wassup?

Paolo: Eto sound trip lang.

Hanna: Same tayo ahahaha. Ano naman pinapakinggan mo?

Paolo: Find Me

Hanna: Di nga!?

Hanna: I am listening to that din right now. Yung by David Gates diba?

Hanna: Still there? I really like that song.

Hanna: Pagpikit tulog. Sleepwell Pao. Goodnight.


HAPPY BIRTHDAY WOOKIE!!! XOXO

Friday, August 28, 2009

Bertwal Chapter 4: Konek

Bertwal

by Paul Diaz


Chapter 4: Konek

Tatlong araw na magkachat sina Tinitron at Bettyfly, malaking pagbabago ang nagaganap sa bahay ni Joanna. “Joanna! Ang lakas ng tawa mo naririnig sa baba, nakakahiya at may bisita ako” sabi ng nanay ng dalaga. “Si Tinitron kasi e” sagot ng dalaga sabay turo sa screen at tuloy ang kanyang pagtawa. Lumapit ang nanay niya at binasa ang nakasulat sa screen. “Ah ewan ko sa iyo, keep it down nalang. At least mas maganda nang ganyan ka na naririnig kita na buhay ka pa kesa sa pinagnenerbyos mo ako pag tahimik ka” sabi ng nanay ni Joanna.

Magtatype na sana si Joanna nang nakatanggap siya ng text galing sa kaibigan niya. Agad niya ito binasa at saka nilapag ang phone. Ngumiti ang dalaga at nagsimula magtype sa keyboard.

Bettyfly: Sorry, mom came in to check on me. Ikaw kasi e natawa ako sa joke mo.

Tinitron: Is she mad?

Bettyfly: No, actually happy daw at naririnig niyang buhay ako. LOL

Tinitron: LOL ka rin ahahahaha

Bettyfly: Hahaha. Sira yan ka nanaman e. Nagtext friend ko asking me to go out

Tinitron: O baka kailangan mo na magbihis sige lang

Bettyfly: Nah, di ako sumagot. So Wassup?

Tinitron: Wulah naman. Alam mo you should go out naman. Para maarawan ka at maalis ang mga tumubong moss sa katawan mo hahaha.
Bettyfly: O, look who’s talking kaya. Ikaw din baka puno ka na ng
amag ahahaha

Tinitron: How did you know? Konti na nga lang ilalagay na ako sa aquarium dahil mukha na daw akong fossil

Bettyfly: Bwahahahaha! Sira ka talaga. I go out if you go out.
Tinitron: Together?

Bettyfly: Ha?

Tinitron: hahahaha, just kidding. Tumawag nga friend ko asking me if I want to go with them eh. Pero sabi ko busy ako

Bettyfly: O yun naman pala e, sige ganito nalang para fair. If you go out ako din I go with my friends. At least we have to start somewhere diba?

Tinitron: Good idea. Sige. Pero medyo scared ako parang I don’t know how to socialize anymore
Bettyfly: Haler! Ilang months ka lang, e ako kaya one year no. Ano deal?

Tinitron: Sige. Pero pag pumalpak hanap ako shop para makachat kita

Bettyfly: Hahaha baliw! E nasa labas ako kaya, better yet text tayo.

Huminga ng malalim si Marco at napatingin sa cellphone niyang sira. Napakamot siya pero biglang may nag abot ng phone sa tabi niya. “O eto gamitin mo, sa iyo na” sabi ng ate niya at nagulat ang binata pagkat nandon sa likod niya ang ate niya at bunsong kapatid. “Kanina pa kayo diyan? Grabe what happened to privacy?” sabi ni Marco at tumawa si Liann. “Kuya concerned lang kami, sobrang nag eenjoy ka sa kachat mo di mo man lang kami namalayan pumasok” sabi ng bunso.

“Sige na replayan mo na and get her number” sabi ni Nerissa at agad sumagot si Marco. Tinitigan ni Marco ang phone pero biglang lumapit si Lianne at nakasimangot. Bago ang phone ng ate niya at halatang gusto ito ng bunsong kapatid niya, “Fine, sige palit tayo” sabi ni Marco at natuwa si Lianne at agad nilabas ang phone niya. “Ops, pwera sim card, mamumulubi ako kay Lianne, palit phone wag lang sim. My sim stays with you Marco” sabi ng ate nila kaya agad pinagpalit ni Lianne ang mga sim card at napatingin si Marco sa ate niya. “Thank you” sabi niya at ngumiti lang ate niya.

Bettyfly: Ikaw magsend ng digit at itext kita para alam ko number mo
Napakamot si Marco pero nagsimula bigkasin ng ate niya ang number at agad niya tinype sa keyboard. “Ate bakit walang laman tong phone mo, teka uploadan ko na” sabi ni Lianne at lumabas na siya ng kwarto. “Ate pag tumatanda ba talaga bumabait ang tao?” banat ni Marco at bigla siya binatukan ng ate niya. “I miss the Marco na makulit, Marco na patawa, I will do everything to bring my brother back” sagot ng ate niya at natahimik si Marco.

“Ate, thank you talaga. Don’t worry ako parin si Marco” sabi ng binata. “I know, naranasan ko na din ang ganyan” sabi ni Nerissa. “Thank you talaga ate, dibale ako nalang magpapaload nito” sabi ng binata at biglang bumulong ang ate niya, “Corporate account yan, unlimited text basta same network, pati tawag magsawa ka, shhhh don’t tell Lianne” sabi ng ate niya at natuwa si Marco.

“Pero wag mo siya tawagan agad, wag mo pakita na atat ka. Ang panliligaw step by step, so text muna” sabi ni Nerissa at nagulat si Marco. “Ate! I am not courting her, we are just chatmates” sagot ng binata at natawa ang ate niya. “Wushu, showbiz ka. We are just friends chorvah, hay naku I am just saying na text muna” ulit ni Nerissa. “Hahaha ate trust me chatmate lang siya and we made a deal na no mentioning of real names, or giving of specific details” sabi ni Marco at nagulat ang ate niya.

“At bakit ganyan naman ang naisip niyo?” tanong ni Nerissa. “Kasi ate nakakagulat at pareho kami pag iisip e. We both need someone to talk to, yung no string attached, but honest to goodness conversation. Walang hadlang o balakid, unlike yung iba, pag nakita na picture…oops dedma na kasi di niya type. Parang ganon, or pag may nalaman na ganito pala sa totoong buhay kachat niya aayaw na. So we are like two anonymous people, but honest and true to each other” paliwanag ni Marco.

“Talaga lang ha? Tignan natin” sabi ni Nerissa at naglakad na palabas ng kwarto at saktong nakatanggap ng text si Marco. “Trust me ate, chatmate lang to” sabi ni Marco sabay basa sa text. Napangiti ang binata at muling sumilip ang ate niya, “Chatmate lang tapos first text grabe na ngiti mo” asar ng ate niya at natawa si Marco. “E kasi ate she sent me a joke, sige na ate at magbibihis pa ako at sasama ako kina Angelo” sabi ni Marco at lalong nagulat si Nerissa. “Wow, tignan mo nga naman ang nagagawa ng CHATMATE LANG no? Anyway sige, ingat ka” sabi ni Nerissa sabay sara sa pinto.

Hanna: Don’t tell me Bettyfly parin name ko sa cp mo?

Paolo: Hahaha muntik na, so ano ba dapat bang ilagay ko?

Hanna: Hahaha wise ka ha, muntik ko na binigay name ko, ulyanin e di Hanna!

Paolo: Joke lang, oo kanina pa nakasave as Hanna. E ako ano nakalagay?

Hanna: Doggy! Hahaha woof woof ka e. Joke! Ei Pao bihis na ako.

Paolo: Sige ako din. Text nalang mamaya. Ingat ka.

Nagpunta si Marco sa nasabing meeting place, nakita niya agad ang kaibigan niyang si Angelo na nakaupo sa isang table sa labas ng fastfood restaurant. “Oh shet! Himala! Sabi mo di ka lalabas?” sabi ni Angelo at tumayo ito para kamayan ang kaibigan niya. Naupo si Marco at huminga ng malalim, “Wow, ang inet!!! Bwisit!” sabi ni Marco at tawa ng tawa si Angelo. “Pare naman I was expecting you to say its good to be back pero pwede narin” sagot ng kaibigan niya.

“Hay pare naninibago ako nakakakita ng madaming tao, baka makita ko sila bigla ewan ko na” sabi ni Marco at tinapik siya ni Angelo. “Pare move on, so what kung makita mo, mas mahihiya pa sila sa iyo pare trust me” sabi ng kaibigan niya. “Oo nga, o nasan na si loverboy, sabi mo may girlfriend na siya” tanong ni Marco. “Ayun sinamahan niya si Jamie at yung isang friend nila para sundin pa ang isang friend nila” sagot ni Angelo at nagtawanan sila. “Bakit ano ba yung friend nila kinder?” banat ni Marco at tawa sila ng tawa.

“Gutom na ako, wag na natin sila antayin” sabi ni Marco at sabay sila tumayo at pumasok sa resto. “Ay grabe namiss ko ang ganitong pagkain, dali na pare pila ka na o” sabi ni Marco sabay nilabas ang phone niya. “O may phone ka pala, bakit di mo sinabi? Ano yan bago?” tanong ni Angelo. “Dehins pare, kay Lianne to, bale pinahiram niya sa akin, maya bigay ko number ko” sagot ng binata at nagsimula siya magtext.

Paolo: Hi. Musta ka na?

Hanna: Ok lang, eto nag aantay sa meeting place. Ang tagal ng friends ko

Paolo: Ahahaha tiis lang. Kami nakapila order ng food

Hanna: Buti ka pa, gutom narin ako. Ano orderin mo?

Paolo: Syempre my favorite, twister fries tapos Coke and garlic cheeseburger!

Hanna: Di nga!?

Paolo: Oo, why?

Hanna: Wala naman, it so happens na favorite ko din ang twister fries at Coke.

Paolo: E yung garlic cheeseburger?

Hanna: Okay lang. Nakakainis ka nagutom tuloy ako. Ah wait nakikita ko na sila

Paolo: Ah ok sige. Maya nalang. Hmmmm sarap ng twister fries o, you want?

Hanna: Che! Wag kang mang inggit at mamaya talagang kakain ako niyan!

Paolo: Ah sige, ingat ka then.

Tinago ni Joanna ang phone niya at sinalubong ang mga kaibigan niya. “Himala at nakipagkita ka sis” sabi ni Jane. “Ahem, Sis eto pala si Richard” sabi ni Jamie at ngumiti lang si Joanna at dumikit kay Jane. “Ah okay ah, tatlo pala kayong J ang pangalan” sabi ni Richard. “Uy tara na nakakahiya naman kay Angelo nag aantay don” sabi ni Jamie at napatingin si Joanna kay Jane. “Ah friend ni Rich, nagreserve ng table kaya nagpaiwan” sabi ni Jane.

“Uy sis dito ka lang sa tabi ko at naiilang ako baka mamaya makita natin siya” bulong ni Joanna habang papunta na sila sa restaurant. “Relax sis, if ever makita natin sila ako na aaway. Move on sis” sumbat ni Jane at binilisan nila ang lakad.

Nakarating na ang grupo sa resto at agad nilapitan sina Angelo at Marco na kumakain. “Ang daya niyo kumakain na kayo” sabi ni Richard. “Etong si Marco e nagutom na, alam mo naman bulate neto pag nagutom non stop” sagot ni Angelo. “Ah siya nga pala Jamie, eto si Marco” sabi ni Richard at tinungo lang ng binata ang ulo niya at sinubukan ngumiti pero punong puno ng pagkain ang bunga nga niya. “And this are my friends, Jane and Joanna” sabi ni Jamie. “O upo kayo o” alok ni Angelo pero napatingin si Joanna sa fries na kinakain ni Marco kaya dinikitan niya si Jane. “Sis gutom narin ako” bulong niya.

Nagpunta sa loob sina Jamie, Jane at Joanna habang nagpaiwan ang mga boys sa labas. “Uy sis, gwapo si Marco ano?” bulong ni Jane at napasimangot si Joanna. “So? Malamang ututin, nakita mo naman kinakain niya panay fries lang. At suplado e” sabi ni Joanna at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Oy yan din sinabi mo kay Ferds ah, sabi mo type mo mga suplado” tukso ni Jamie. “People change sis, at ano ba kasi order na tayo dami niyo pa ekek” sabi ni Joanna at napatingin sa food panel display.

“Garlic cheeseburger” bigkas niya at napatingin sa kanya ang dalawa. “Ew! Badbreath ka after” sabi ni Jamie. “Yun ang order ko, tapos twister fries at coke” sabi ni Joanna. “Ha? Sure ka?” tanong ni Jane. “Yeah, I wanna taste it” sagot ni Joanna. “Ikaw bahala sis” sabi ni Jamie at nag order na siya sa counter.

Samantala sa labas masayang nagtatawanan ang boys pagkat biglang sumakit ang tyan ni Marco. “Yan kasi panay fries kinain mo” sabi ni Angelo. “Banatan ba naman ako ng sir would you like to wait for fifteen minutes for the garlic cheeseburger? Hell no! Naglalaway na ako tapos pag aantayin pa ako so eto nalang fries” sagot ni Marco. “Gutom na gutom ka na sa island na mag isa ka, tapos makakita ka ng piggy, pagkaluto mo lalabas bigla kaluluwa ng piggy sabihin sir are you willing to wait fifteen minutes? Baka mabura yung island sa paglalaway ko” banat ni Marco at ang tindi ng tawanan ng mga kaibigan niya.

“Namiss kong maglaro ah” sabi bigla ni Marco at nagtinginan sila ni Angelo. “Oy wag naman mga pre, samahan niyo naman ako dito” sabi ni Richard. “Oo nga tara Marco, tutal wala naman tayong partner e, tara laro nalang tayo” sabi ni Angelo at sabay sila tumayo. Tamang tama bumalik ang mga girls at lilima lang ang upuan pero anim sila. Napatingin si Marco sa hawak na tray ni Joanna at nakita niya ang gusto niya dapat kainin.

Hinila ni Marco ang upuan para kay Joanna at naupo naman ang dalaga. “Thanks” sabi ni Joanna pero nagulat ang lahat ng mabilis naglakad palayo si Marco. “Ah sige iwan muna namin kayo dito, may pupuntahan lang kami saglit” sabi ni Angelo at naupo na ang mga girls. “Ei Rich, ayaw ba nila kami makasama?” tanong ni Jamie. “Ah hindi, maglalaro lang sila ng billiards saglit” sagot ng binata.

“Oh? He plays? I play too” sabi ni Joanna. “Yeah, pero Marco is really good” sabi ni Richard at biglang napangisi si Jamie. “Ahem, magaling din si Joanna ano, one of the guys siya e” sabi nya at natawa si Richard. “Dapat pala maglaro kayo ni Marco e” sabi niya at napasimangot si Joanna. “Ah wag muna siguro” sabi ni Jane at nagulat si Richard. “Medyo di pa siya naka get over sa break up niya at naiilang siya sa boys. Lets say wala tiwala” bulong ni Jamie sa boyfriend niya. “Oh sorry” sabi ni Richard at napatingin nalang sa malayo si Joanna at sinubukan ang garlic cheeseburger.

Ang malungkot na mukha niya biglang sumaya habang nginunguya niya ang pagkain. “Shet sarap pala nito ha” sabi ni Joanna. “Garlic cheeseburger? Dati ayaw na ayaw mo yan kasi sabi mo badbreath after” sabi ni Jane. “Well people change, sarap talaga try mo o bite ka” sabi ni Joanna at kumagat naman si Jane. “Oo nga, in fairness ha. Ano ba naisip at nagdecide ka magtry?” tanong ni Jane. “Wulah, a friend told me” sagot ni Joanna.

“A friend? Uy sino siya?” tukso ni Jamie. “Ah siguro si Tinitron!” sabi ni Jane at tumawa si Joanna. “Oo siya nga, sabi niya he likes this at alam mo ba he texted me a while ago sabi niya ganito kinakain niya” sagot ni Joanna at nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya. “Uy, nagtetext sila o!” tukso ni Jane. “Baka naman mamaya pinapakilala mo na siya sa amin ha” banat ni Jamie at napangisi lang si Joanna. “Nah, chatmate lang siya. Nagtext lang kami kasi nga lalabas kasi kami e. At di ako interesado makirelasyon pagkat wala ako tiwala na sa mga lalake, oh sorry Richard” sabi ni Joanna at napangiti lang si Richard at napakamot.

“Anyway, we are just chatmates and we agreed on that. No real names, no details, basta usap lang that’s it” sabi ni Joanna. “And text” pahabol ni Jane at nagtawanan sila. “Wushu sinasabi mo lang yan pero eventually magiging close kayo tapos next thing you know magmeet kayo tapos kayo na” sabi ni Jamie at napasimangot si Joanna. “Hay naku pareho kami at we have a deal, alam ko he will stick to the deal. Tama na nga ayaw ko na pag usapan ang mga ganyan” sagot ni Joanna at nilabas niya ang phone niya. Tumahimik ang iba at nagtuloy nalang kumain.

Hanna: Musta? Badtrip mga friends ko.

Sa malapit na billiard hall ay tumitira si Angelo nang ilabas ni Marco ang phone niya para basahin ang text. “Teka lang pre sagutin ko lang sige tira ka lang” sabi niya.

Paolo: Ei cheer up. First step in moving on. At least nakalabas ka diba?

Hanna: OO nga, btw, guess what I am eating?

Paolo: Fries?

Hanna: Yup and garlic cheeseburger too

Paolo: Oh wow parang nagugutom nanaman ako

Hanna: Hahaha. So kumusta naman lakad niyo?

Paolo: Hmmm okay lang. Namiss ko friends ko. Steady lang naman pero parang uneasy

Hanna: Oo nga ako din. I missed them too pero inaasar nila ako e. They know we are chatting at tinutukso nila ako

Paolo: ahahaha did you tell them about our deal?

Hanna: Yup, di sila naniniwala

Paolo: Well, lets show them

Hanna: Oo nga. O sige enjoy your day

Paolo: Yeah you too. Ingat ala John Loyd!

Biglang tumawa ng malakas si Joanna mag isa at lahat ng mga kaibigan niya nakatingin sa kanya. “Oy para kang sira ulo sis” sabi ni Jane at tumigil si Joanna at tinago ang phone niya.

Tinago narin ni Marco ang phone niya at pumwesto sa lamesa. “Ako na ata ang pinakamalas na tao ngayong araw” sabi niya. “O bakit naman pare?” tanong ni Angelo. “Imagine, nag order ako ng garlic cheeseburger, tapos wala. Then bago ako umalis nakita ko meron na. Tapos itong katext ko sabi niya yun ang kinakain niya, o malas talaga ako. How can this be? Dati di naman ganito ah” kwento ni Marco at natawa si Angelo. “Di naman siguro malas pre wrong timing lang” sabi niya

“Wrong timing at malas pareho lang yon, iniba mo lang spelling. Pero sino ba nag order nung garlic cheeseburger kanina?” tanong ni Marco. “Meron ba?” tanong ni Angelo. “Oo kabisado ko wrapping non, pero di ko maalala sino may hawak” sabi ng binata. “Sakit mo yan pare, makitid ang vision mo, makasarili ka kasi” tukso ni Angelo at natawa si Marco. “Pare alam mo na pag may babae di ako makatingin at kanina nauutot ako kaya agad ako lumayo” sabi ni Marco at tawa ng tawa si Angelo.

“So ganon parin sakit mo pare? Weak ka sa mga babae?” tanong ni Angelo. “Duh! Natanggal lang nung naging kami ni…Dana. Diba? Kahit sinong babae kaya ko tignan pero nung…nawala siya e bumalik e. Ni di ko nga nakita mga itsura ng kasama nating girls e pati girlfriend ni Richard di ko nakita maigi” sabi ni Marco at natawa si Angelo. “Hay naku balik ka talaga sa dati, anyway maganda yung Joanna pare” sabi ni Angelo. “Kahit sabihin mo maganda ang nakita ko lang don kayong dalawa, kamukha mo ba siya? So maganda ka ganon?” tukso ni Marco at tawa ng tawa ang magkaibigan.

Thursday, August 27, 2009

Kayamanan

Kayamanan
by Paul Diaz

Akoy sumisisid sa ilalim ng dagat upang mangisda
Ninanais mapunan ang kumakalam na sikmura
Madilim ang gabi ngunit di ako natinag
Nangangarap na makabingwit kahit iisang dalag

Wala ako makita kaya nagpatuloy sa pangangapa
Mga isday madulas at akoy nawawalan ng pag asa
Sa gitna ng dilim may napansin akong kuminang
Isang perlas na katumbas ay lahat ng isda sa karagatan


Perlas ay aking inuwi at kay tagal tinitigan
Napuno ang isip ko ng mabibili nitong kayamanan
Di ko kaya ipalit at perlas ay itinago
Kalam ng aking sikmura biglang umatikabo

Akoy namalimos at akoy nabiyayaan
Pagkain na sapat upang araw ay masilayan
Akoy naglakbay perlas nakatago sa kamao
Hayaan nang akoy masaktan wag lang mawala ito

Isang araw akoy napagod at perlas pinagmasdan
Gaganda ang aking buhay pag itoy naging kayamanan
Sawa na ako sa bukay ko at nawalan ng gana
Tanging perlas na hawak ang nagbibigay pag asa

Akoy napaisip kung ano ang aking silbi
Sa mundong malupit at di nakakaintindi
Akoy nanalangin at kay daming katanungan
Sagot ni bathala, dalagang puno ng kabaitan

Marikit na dalaga puso koy tumibok
Kaakit akit na mata at kay haba ng buhok
Isang ngiti niya lang lahat ng problemay nawala
At ang ngiti na yan ang lagi kong gusto makita

Naalala ko na kung bakit buhay akoy nasira
Dahil din ito sa isa pang dalaga
Puso koy niyurak niya at akoy tumamlay
Ngunit akoy nanatiling huminga at nagtuloy ang buhay

Sa dalagang kay bait akoy muling napaibig
Unti unti nanumbalik tunay na kulay ng daigdig
Sa bawat tinig niya puso koy kinakantahan
Ngiti niyang kay tamis tiyak na siyay pag aagawan

Lalo kong ikinatuwa nang akoy ibigin niya
Buhay koy nanumbalik sa dati nitong sigla
Akoy tumingala sa buwan at mga bituin
O bathala higit siya sa aking panalangin

Bawat hinga ko sa kanya inaalay
Hindi ako kumpleto pag wala ka sa aking buhay
Marikit na dilag akoy iyong pakinggan
Ikay mamahalin ko magpakailanman

Perlas sa aking kamay muli kong sinilayan
Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ko ito bitawan
Perlas na itoy sa singsing maninirahan
Isusuot ko sa daliri niya isang araw sa simbahan

Ngayon alam ko na ang tunay na kayamanan
Yaman na di nabibili at di natutumbasan
Buhay ko sa kanya tangi kong maiaalay
Siya lang ang tanging yaman na
kailangan ko sa aking buhay

Palms and Pockets (poem)

Palms and Pockets
by Paul Diaz


It took me some time to admit it to you
These feelings inside me that are so true
Such strong emotions gathered inside of me
In love with you i am completely


What made the occasion remarkable and oh so sweeter
Was when i told you and hearing your response after
I never expected those words from you
those four words you said, i love you too.


A mere mention of you name makes my heart pump faster
I wish time stops so i can be with you forever
Sleeping at night and dreaming of your smile
Makes waking up the next day and living worthwhile


But then one day that smile became crooked
I felt quite alone and then unwanted
You would still flash your smile when you look at me
With your back turned still smiling, but not at me


The lie shall set me free i tell you
the truth shall make me stay beside you
With that lie i have no choice but leave and let go
With the truth i can forgive and be forever with you


Am i in your palm that you hold close to your heart?
Or do you put me in your pocket when we are apart?
In you palms that is where i would like to be
Not in your pocket, only brought out when you need me


Whatever choice you make my love for you shall remain
Just pick one answer, there is no need to explain
Dont worry about my feelings, i will learn to forget
So tell me my love, am i in your palm or in your pocket?


(story coming out on November)

Bertwal Chapter 3: Open Sesame

Bertwal

by
Paul Diaz



Chapter 3: Open Sesame

Kinabukasan ay sinindi ni Marco ang PC at nakita ang mga offline messages niya. “pwede ko din gamitin nick mo” basa ni Liann kaya napalingon ang binata at nakita ang bunsong kapatid niya nakatayo sa likuran niya. “Ano ibig niya sabihin kuya? Bakit parang bumait siya?” tanong ng bunso at humarap si Marco sa computer at may lumitaw na pop up sa screen. “Bettyfly wants to add you as a friend, do you accept?” basa niya. “Wag! Deny mo! Pag friend mo na madali ka nalang mahahanap niyan” sabi ni Liann.

“Liann, add as a friend nga e. Maybe she wants to be friends, di naman sinabi na add as enemy” paliwanag ni Marco sabay click sa accept. Nagsimangot si Liann at sinakal ang kuya niya, “Okay payn! Pero kuya pag inaway ka niya tawagin mo ako ha. Add mo din ako sa friends list mo, eto turo ko sa iyo pano” sabi ni Liann at tinuruan niya ang kuya niya pano mag add ng kaibigan.

“O ayan, pag online friends mo makikita mo sa sidebar, pag offline parang matamlay color name nila” sabi ng bunso. “Highlight tawag don” sabi ni Marco. “Whatever basta iilaw okay? Oy umiilaw name ni Bettyfly, dali click mo tapos awayin mo agad, unahan mo na!” sabi ng bunso at tumawa. “Ano ka ba? Pero pwede niya gamitin nick ko daw” sabi ni Marco.

“Slow jao ka! Natural napagtaksilan din siya. Birds of the same feather find each other” tukso ni Liann at tumawa ng malakas. “Ah Liann, yung sinasabi kong kanta the other day nadownload mo ba?” tanong ni Marco. “Ay oo kuya sandali kunin ko laptop” sabi ng bunso at lumabas siya ng kwarto. Agad tumakbo si Marco sa pinto, “Saka na pala, matutulog ako!” sigaw ni Marco sabay sara at lock sa pinto.

Pagkaupo ni Marco nagdadabog si Liann sa pinto niya, “Oy Kuya!! Buksan mo to! Makikichat ka sa kalaban ano? Kuya!!! Sige na buksan mo to! Kaaway yan kuya tandaan mo!” sigaw ni Liann pero di siya pinansin ni Marco. “Bahala ka add ko siya at ako mang aaway sa kanya! Sasabihin ko na ikaw ay ako! Sige akala mo nagbibiro ako ha, watch and learn ka din!” banta ni Liann at natawa nalang ang binata.

Naupo ng maayos si Marco at napatingin sa screen, ginalaw ang mouse at tinutok sa pangalan ni Bettyfly. Nagdalawang isip siya at nilayo ang pointer at tinutok sa close software pero biglang may pop up chat screen na lumabas.

Bettyfly: Uy! Thanks sa pag add. Peace?

Natuwa si Marco at agad nagtype sa keyboard. Di niya nagustuhan natype niya kaya binura niya lahat at nagtype ulit. Napakamot ang binata at natawa sa sarili, “Pano nga ba?” bigkas niya sa sarili at parang di siya mapakali. Bigla siyang may naisip at muling nagtype.

Tinitron: Hello!

Bettyfly: Hi! Paolo tama? Sorry talaga last time ha?

Tinitron: Hello Hanna! Oo okay lang yon. Lets just say we started at the wrong put!
Bettyfly: Put?

Tinitron: Nagpapatawa lang, syempre foot yon ahahahaha

Bettyfly: Hahaha LOL!

Napatawa si Marco pero napakamot sa nabasa niya. “Sabi mo peace tapos tatawagin mo akong ulol?” sabi niya kaya tumayo siya at lumabas ng kwarto. Sa hallway nakita niya si Liann at inakbayan niya kapatid niya. “Tara meryenda tayo, libre kita sa store” sabi ni Marco at natuwa naman si Liann kaya agad sila lumabas.

Samantala sa bahay ni Joanna tinatapik tapik niya lamesa at inaantay sagot ni Tinitron. “Don’t tell me nawalan nanaman sila ng kuryente” sabi nya at biglang type sa keyboard.

Bettyfly: Still there?

Isang minuto at di sumagot si Tinitron kaya tumayo ang dalaga at lumabas ng kwarto. “Joanna hanggang kailan ka ba magkukulong sa kwarto mo iha? Sana nag summer classes ka nalang pag ganyan na wala ka naman pala ginagawa” sabi ng mommy niya na sabay sila pababa ng hagdanan.

“Ma, I will graduate on time don’t worry” sabi ni Joanna. “Oo alam mo matalino ka pero tignan mo ate mo, she finished early and look where she is now? Maganda na trabaho, ano ba ginagawa mo sa kwarto mo at lagi ka nalang nagkukulong dyan?” tanong ng mommy niya. “Wala naman ma, nag aaral ng stuff sa net or plain and simple nothing” sagot ng dalaga. “Nothing will get you nowhere, ah oo nga pala turuan mo ako gamitin yung laptop para naman ako na mismo mag email sa ate mo at daddy mo” sabi ng mommy niya at biglang yumakap ang dalaga sa kanyang ina.

“Ma may saying na you cant teach old dogs new tricks” lambing ng dalaga at natawa ang nanay niya. “But this old dog can cut your allowance” bawi ng nanay niya at pareho sila tumawa. “Di lang email ituturo ko sa inyo, kung gusto niyo pati na programming pero baka apo niyo na magtuloy sa inyo pagturo” biro ni Joanna at bigla siya hinarap ng nanay niya. “Joanna! Buntis ka?” tanong ng ina nya at natawa si Joanna. “Ma! One year na ako walang boyfriend remember?” sagot ni Joanna. “Ah kaya pala nagkukulong ka sa kwarto mo dahil dinadasal mo bumalik siya” banat ng nanay niya at biglang nagsimangot si Joanna.

Samantala sa may store sa kabilang dako masayang kumakain ang magkaptid. “Kuya kung balikan ka ni ate Dana papayag ka ba?” tanong bigla ni Liann at napatawa si Marco. “Lol! Bakit mo naman natanong yan bigla?” sagot ni Marco. “Wala lang, uy si kuya may pa lol lol na” sabi ni Liann. “Ay sorry, di ko sinasadya tawagin kang ulol” sabi ng kuya niya at natawa ang bunso.

“Kuya, LOL, laughing out loud, duh! Patawa ka talaga kuya” sabi ni Liann at inakala niyang nagpapatawa lang kuya niya. Napakamot si Marco at nagmadaling inumin ang softdrinks niya, hinila niya agad si Liann at nagtungo sa bahay. “Kuya! Di ko pa ubos drink ko!” sigaw ng bunso. “Ha? Di maganda sa iyo ang sobrang softdrinks, at iwasan mo yang junkfood” sabi ni Marco at nalito si Liann. “E bakit mo ako nilibre ng softdrinks at junkfood?” tanong ni Liann. “Ah? Last na yan, eat healthy food para lalo ka gumanda” hirit ni Marco at natuwa naman ang kapatid niya.

Nagmadali si Marco sa kwarto niya at hinarap ang computer, nabasa niya naiwan na message ni Bettyfly sa screen at di siya mapakali.

Tinitron: Oh sorry, i treated my sis sa kanto. Ang kulit niya e. Sorry ha.

Tamang tama kababalik ni Joanna at may dalang snacks, medyo malungkot pa siya pagkat pinaalala nanaman ng nanay niya ang nangyari sa kanya. Nagtype siya agad sa keyboard at uminom ng juice

Bettyfly: Ah ok. Ako din I went to get a snack.

Tinitron: Oh, kakain ka muna?

Bettyfly: Nah, multi tasking LOL

Tinitron: LOL! Ah you said pwede mo din gamitin nick ko.

Bettyfly: Oo

Tinitron: Still hurting?

Bettyfly: Yeah. You?

Tinitron: Honestly yes. Trying to move on pero hirap gawin

Bettyfly: LOL! Oo nga e. Sabi sila ng sabi move on as if ang dali

Tinitron: Korek! I mean okay lang sana e basta walang memories

Bettyfly: Uy oo tama ka! Parang okay ka na then next thing may makikita ka that reminds you of…. Basta!

Tinitron: Yeah, no matter how bigla nalang papasok sa isip mo and then you feel empty and alone after

Bettyfly: Ayaw mo pa lumabas kasi baka makita mo sila mas gusto mo mag isa

Tinitron: Hahahaha pareho tayo. Di ko na nakasama friends ko ng 3 months

Bettyfly: Ako a year

Nabigla si Marco sa nabasa niya at huminga siya ng malalim. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ng kausap niya pero sa isip niya mas higit pa ata ang dinadamdam ng kachat niya. Natulala lang si Marco at tila nanigas ang mga daliri niya, wala siya maisip na sasabihin at tinitigan lang ang screen.

Bettyfly: ei, still there?

Tinitron: yup, wala lang ako maisip na maisagot sa nasabi mo

Bettyfly: Ahahaha sira akala ko kung nag black out ulit diyan o nagutom ulit sis mo.

Tinitron: Nyahahaha. Bayad na kami sigurado at busog na si sis. Naging spitz lang

Bettyfly: Spitz?

Tinitron: Oo Japanese spitzless

Sumabog sa tawa si Joanna at nabuhos pa ang juice sa damit niya. Nag ayos siya saglit at muling naupo, huminga siya ng malalim at napangiti.

Bettyfly: Patawa ka din no. Anyway, iniyakan mo ba siya?

Tinitron: Hindi

Bettyfly: So you didn’t love her then

Tinitron: Di ko siya iniyakan kasi buhay pa siya. Pero umiyak ako, siguro naka one million tears ako sa left eye, tapos 1.5 million sa right. Mas emo right eye ko e.

Bettyfly: Bwahahahahaha! Sira!

Tinitron: O eto nanaman plus one sa left eye, ikaw kasi pinapaalala mo pa e

Bettyfly: Hahahaha! Sakit ng tyan ko katatawa. Kala ko ba boys don’t cry

Tinitron: We do. We just don’t show it kasi you know tough guy epek. Pero pag mag isa baka mas malala pa kami sa inyo umiyak. But tigasin parin at macho epek na iyak

Bettyfly: Hahahaha loko loko ka, di ko alam kung seryoso ka o nagpapatawa lang.

Tinitron: Ganito lang talaga ako. Nagpapatawa para itago ang sakit. Sa totoo noon palang I felt something fishy going on pero sige ngiti lang and think positive. Kahit na obvious na ngiti parin, then nakita ko sila magkasama I still smiled at them, but that was the most painful smile. Took me all my strength to keep the smile on my face

Bettyfly: Ha? Di mo ba sila sinugod? I mean hello! Di ka ba nagalit?

Tinitron: Call me stupid pero oo I did feel angry but ano magagawa ko, she just stood there, obviously guilty, if she walked towards me I could have forgiven her on the spot. Pero nakatayo lang siya don e, that said a lot, that she chooses him over me. Ayaw ko pilitin sarili ko sa kanya knowing that she likes someone else.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Joanna, nararamdaman niya ang sakit na naramdaman ni Tinitron. Nanginginig ang mga kamay niya kaya pinunasan niya muna ang mga luha niya bago siya nagtype muli sa keyboard.

Bettyfly: Sorry.

Tinitron: Okay lang past is past

Bettyfly: Ako din I felt something was off. I tried to do everything in my power to make him love me more pero bigla nalang siya nawala. He didn’t reply sa mga text ko, sa mga email. Then one day nakatanggap ako ng text saying na tapos na daw kami. Di ko alam ano irereply ko sa kanya that day, naiyak nalang ako bigla. It was so painful, I felt so helpless, di ko alam ano dahilan talaga pero I just blamed myself nalang para di masyado masakit. But six months ago when I thought I was okay already and ready to move on I saw sa social network site their pictures. Sobrang sakit kasi bumalik ulit ang memories then this time mas masakit kasi alam ko na ang rason.

Napailing si Marco at huminga ng malalim, namuo na ang mga luha sa mga mata niya pero nagmatigas siya. Di nanaman niya alam ang isasagot niya sa sinabi ng kachat niya. Pumasok bigla sa kwarto si Lianne at tumabi sa kuya niya, “Sabi ko na nga ba kachat mo ang kalaban e” sabi ng bunso at binasa niya ang nakasulat sa screen at dahan dahan nagbago ang itsura niya.

“Kuya…ano isasagot mo?” tanong ng bunso at napangiti si Marco. “Di ko alam ano ang tamang isasagot diyan. Walang tamang sagot para diyan. She isn’t a bad person Lianne, pareho lang kami, magkaiba man ng sitwasyon pero parehong nasaktan” sabi ni Marco. “Pero kuya you have to comfort her” sabi ng bunso at biglang nagtype si Marco sa keyboard.

Tinitron: Woof!

Ang lumuhang Joanna napatingin sa screen at nabasa ang simpleng nakasulat. Bigla siyang napangiti at agad nagpunas ng luha. “Woof” inulit niya sa sarili at natawa na bigla. “Joanna halika ka na, lunch time!” narinig niyang sigaw ng mommy niya kaya nagmadali siyang nagtype.

Bettyfly: LOL! Nagdradrama na bigla mo ako napatawa, thanks. Ei kakain na kami lunch. Chat you later. BRB.

Nabasa ni Marco ang chat at napailing, “BRB, barbarian?” banat niya at natawa ang kapatid niya. “Be right back kuya, teka bakit woof?” tanong ng bunso at tumawa nalang ang binata. “Uy kuya ano yung woof?” kulit ni Lianne at nagtype bigla si Marco sa keyboard.

Tinitron: Ah ok. KEN!

Bettyfly: Sira, BRB as in be right back hindi Barbie.

Tinitron: Alam ko yon. KEN as in Kaen! BRB!

Bettyfly: Hahahaha. Ok ka! KEN!

Tuesday, August 25, 2009

Bertwal Chapter 2: Basagan

Bertwal
by
Paul Diaz


Chapter 2: Basagan

Isang linggo ang lumipas at muling dumalaw si Jane sa bahay nina Joanna. “O kumusta pagchachat natin?” tanong ni Jane. “Boring, sus wala matino makausap. Can you imagine meron mga imbes na start topic for conversation e ask agad kung may picture? Ano ito pag pangit dedmahan nag anon ba?” reklamo ni Joanna at tumawa si Jane. “I am sure pag nilagay mo picture mo sa avatar mo e dudumugin ka ng friend requests” sabi ni Jane at tumawa si Joanna. “Oo at mapupuno ng manyakis ang friends list ko, dapat may new friends category na Manyak section” banat ng dalaga at tawa sila ng tawa.

“And can you imagine start palang ng chat e mga tanong may FS ka? May FB ka? Add naman kita o. Tapos sino may Sun? Ano digits mo? Ha? Di pa kayo magkakilala tapos ganyan na? Kaya ewan ko pangit tong chat na tinuro mo” kwento ni Joanna at tumaas ang kilay ni Jane. “Oh? E bakit naka open yang chat software mo?” tanong ng kaibigan niya at nagsimangot si Joanna. “Wulah, pag start ng PC e nagbubukas narin e” sagot ng dalaga. “Hmmm pwede mo naman patayin…unless nangangarap ka na may matino din na makausap” sabi ni Jane at natawa si Joanna.

Samantala sa bahay ni Marco kababalik lang ng internet connection nila at isang linggo din sila nawalan. “Lian halika saglit!” sigaw ni Marco at tumakbo ang bunso papunta sa kwarto ng kuya niya. “Yes kuya?” tanong ng bunso. “Ano password ng account ko?” tanong ni Marco at lumapit si Liann at tinype sa keyboard. “Sorry nakalimutan ko sabihin, B-U-D-D-H-A” sabi ng bunso sabay tawa. “Di ko nalang sana tinanong, hinulaan ko nalang sana” sabing pagalit ni Marco. “Hala to tampo agad, kuya pwede mo naman palitan no, o ayan settings change password, sige na palitan mo na” sabi ni Liann.

Pinalitan ni Marco ang password niya sabay pumasok sa chatroom, “Saan na kaya yung Bettyfly?” tanong niya. “Bakit siya hinahanap mo e ang dami mo naman pwede makausap o. At hello ang daming chatroom diyan, look nasa chatroom number 134 ka, up to 300 kaya yan” sabi ni Liann. “Oo nga no, sayang di ko na add sa friend list” sabi ni Marco. “Asus, wow parang nagpalitan lang ng ASL as if may konek na kayo. Haler nawalan kaya ng connection that time” sabi ni Liann.

“Yun na nga e, baka sabihin niya bastos ko naman at iniwan ko siya sa ere” sagot ni Marco. Tumawa si Liann at inagaw ang mouse, “Kuya, internet ito, its okay. Di ka naman nila kilala e” sabi ng bunso. “Kahit na, pangit naman na first impression yon diba? At kahit sabihin mo na oo di nila ako kilala but still ako parin yon” sagot ni Marco.

“Di man ako marunong magchat Liann, pero kung may account ako, say ito Tinitron, kung ano inasal ko sa chat, doon ako makikilala. Kung pinakita ko masama e sino pa gusto makipag usap sa akin? Diba? Ano pang point na magchat pa ako pag wala gusto makiusap sa akin?” payo ni Marco at tumaas ang kilay ni Liann at tinitigan ang kuya niya. “Very wise indeed Buddha” biro niya at pareho sila tumawa.

Nakipagchat si Marco habang nagmistulang supervisor si Liann sa tabi niya. Ilang chatmates ang lumipas at di matiis ni Liann ang matawa. “Kuya pansin ko lang bakit laging may hahahaha sa bawat chat mo?” tanong ng bunso. “Ewan ko, pati naman sa text ganon ako” sabi ni Marco. “Yun na nga e, dito sa chat parang ang daldal mo at dahil sa hahaha parang masiyahin ka. E sa totoo di naman, ang tahimik mo” sabi ng bunso at natawa si Marco.

“Tabi tabi ka dali” sabi ni Liann at umurong si Marco. May ginawa si Liann at biglang nagulat ang binata pagkat nandon na picture niya sa avatar. “Hoy bakit mo nilagay picture ko diyan?” tanong ng binata. “E bakit kasi? Gwapo ka naman e, dadami chatmates mo maniwala ka, pero ingat at may mga posers, hahaha mga akala mo girl pero swordfighters din pala” sabi ni Liann at sabay sila tumawa.

Tulad ng sinabi ng bunsong kapatid ay biglang madami ang pumansin kay Marco, “Hoy ano ginagawa mo?” tanong ni Liann. “Blocking them” sabi nya. “Ha? Hello pinapansin ka na nga e o” reklamo ng bunso. “Hay Liann, pakibura nga picture ko dyan please” sabi ni Marco at napakamot ang dalaga. “Sira ka talaga, you are weird kuya” sabi nya.

Nang matanggal ang picture ay napangiti si Marco, “Liann, do you post your picture?” tanong ng binata. “Picture ni ate nialalgay ko, kasi mas maganda siya e” sagot ng bunso sabay tawa. “So madami kang chat friends na lalake?” tanong ng kuya niya. “Yup, as in madaming madami” sagot ni Liann at napangisi si Marco.

“Liann, ilang sa mga friends mo ang gusto ka talaga makachat because of who you really are?” tanong ni Marco at tahimik ang bunso. “Kanina nung wala ako pic, napapansin ba ako? Then you place my pic nagkaroon, so what does that say?” hirit ni Marco. “Na gwapo ka?” sagot ni Liann at tumawa ang binata. “Ang ibig sabihin non may basis sila ng gusto nila kausapin, face value. Pag wala ka non wala ka din sa kanila. So sa tingin mo gusto ko pa kausapin ang mga ganyan? Di na siyempre that is why I blocked them.”

“Now, ganitong walang pic, tapos may mga gusto makichat sa iyo dahil sa pinapakita mong ugali, would that be better?” tanong ng kuya niya. “Oo naman” sagot ng bunso. “You see Liann, there are people who want to chat with you because of who you are, and there are some na dahil lang sa itsura mo. We cant blame them kasi lahat naman tayo may gustong standards, at least sila sinasala na nila gusto nila makausap. Ikaw ba pag sinilip ko friends list mo e ano ba makikita ko doon?” tanong ni Marco at napasimangot ang bunso. “Pero kuya sila naman nag add sa akin e” hirit ng bunso.

“Ikaw ba ang inadd nila o si ate?” banat ni Marco at napabuntong hininga ang bunso. Tumawa si Marco ng malakas at napakamot, “Grabe I am trying to teach you something pero mali ata approach ko, ganito nalang…may crush ka ba?” sabi ni Marco. “Syempre naman” sagot ng bunso. “Gwapo?” tanong ng kuya. “Super kuya as in pero I don’t like him, crush lang and that’s it” sabi ni Liann. “O bakit naman?” tanong ni Marco at ngumiti ang bunso. “Kasi ang sama ng ugali niya, bully siya sa school. So crush lang, never like” paliwanag ni Liann at nakahinga ng maigi si Marco. “Ah I see, you will be just fine then. Baka mas matured ka pa sa akin” sabi ni Marco at nagtawanan sila.

“Palitan na nga lang natin tong chatroom, sige pick a number kuya” sabi ni Liann. “Fourteen” sabi ni Marco at nagpipindot si Liann at agad may nakita ang binata at tinuro sa screen. “Yon siya o!” sigaw ni Marco. “Wow kuya excited naman masyado, oo na sige na click, gosh parang first love naman daw” tukso ni Liann. “Sige na dali na say sorry for me” sabi ng binata. “Ikaw nalang kaya, o dito ka at ikaw magsorry” sabi ng bunso at nagpalit sila ng pwesto.

Sa bahay ni Joanna pinagtritripan ng magkaibigan ang isang laro sa computer nang biglang bumagal ang PC. “Hala bakit ganito?” sabi ni Jane. “Ganyan talaga, mababa memory e, di pa ako nakabili. Ayan kasi may nag pop up na chat” sagot ni Joanna.

Tinitron: Sorry

“Uy o si Tinitron o, sorry daw” sabi ni Jane at napasimangot si Joanna. “Eesh nang iiwan sa ere tapos may alam alam na sorry, eto sa iyo” sabi ni Joanna.

Bettyfly: Sorry mo mukha mo!

“Hala napaka mean mo naman, nagsosorry na nga ang tao e” sabi ni Jane at tumawa ng malakas si Joanna. “Who cares, di naman niya ako kilala e. So kung hurt siya e di magpagamot siyaaaahhh…ohkaaay” sabi ng dalaga at tawa ng tawa yung dalawa.

Tinitron: I am really sorry last time. Nawalan kami ng kuryente

“Nawalan ng kuryente your face” sabi ni Joanna at nagtype sa keyboard. “Sira ka talaga, naghahanap ka lang ng kaaway mo” sabi ni Jane. “Para naman di boring. Sana lumaban siya para naman masaya” sabi ng dalaga sabay tawa.

Bettyfly: Magbayad naman kasi kayo ng kuryente niyo!
Tinitron: Its paid. It just so happened nawalan bigla pero bumalik din at net connection naman ang nawala. Ahahahaha

“Aba english speaking, it so happened ahahaha” sabi ni Joanna at natawa si Jane. “Grabe ka berserk mode ka nanaman sis, nakakamiss pag ganyan ka” sabi ng kaibigan niya. “Saktan na natin to!” sigaw ni Joanna at nagtype sa keyboard.

Bettyfly: Oh? Bakit may hahahaha pa? May nakakatawa ba?
Tinitron: Ow sorry. Habit siguro to make the conversation seem not too much serious
Tahimik si Joanna at napatingin si Jane sa kanya. “May point siya ha. At obviously parang may pinag aralan” sabi ni Jane. “So what? Ayaw mo mapikon ah, sige nga sige nga. Eto nga” sabi ni Joanna.

Bettyfly: Tinitron? Bakit parang tatak ng TV nick mo? Nasan yung R? Ahahaha to you!

Bettyfly: O baka naman Tiny Tron? Kasi tiny yung… alam mo na yon! Ahahaha again!

Tumawa ng malakas ang dalawang dalaga at si Jane kinurot ang kaibigan niya. “Hala sis ang bad mo. Baka mamaya di na sasagot yan” sabi ni Jane. “So what? Sino ba siya? Magpakalalake ka naman boy at lumaban ka!” sigaw ni Joanna at tuloy ang tawanan nila.

Sa bahay nina Marco tumaas ang kilay ni Liann at tinutulak niya palayo ang kuya niya. “Ang bastos nitong bruhang to ah, tabi kuya ako bahala diyan” sabi ng bunso. “Liann, relax, kaya ko to” sagot ni Marco. “Anong kaya? Wala sa ugali mo ang ganyan kaya ako na, ako na titira diyan” pilit ni Liann. “Ako na, relax ka lang” ulit ni Marco at nagsimangot ang bunso. “Relax ka diyan e binabastos ka na, at pano ka naman babawi e ang bait bait mo. Di mo naman linya ang ganyan kasi peace lover ka or whatever that is” sermon ni Liann at napangisi nalang si Marco. “Watch and learn” sabi ng binata.

Tinitron: Kung yun ang interpretasyon mo then I will respect it.

“See! Gosh, ano yan? Sign of defeat?” tanong ni Liann. “Nope, just watch” sabi ni Marco.

Bettyfly: Respect your face! Tini tini weeny weeny yellow polka dot bikini!

“Biyatch! Kuya! Ano ba?” sigaw ni Liann at tumawa si Marco. “Masyado ka affected sis” sagot ng binata. “E syempre ayaw ko ginaganyan kuya ko!” sabi ni Liann at napatigil si Marco at napangiti. “Ramdam kita sis…watch and learn” sabi ng binata.

Tinitron: Bettyfly? Nagrepeat ka ba ng day care? Bettyfly? Hahaha. Mwammy mwammy look it’s a bettyfly! That’s the one from the carterpilay right mwammy?

Napanganga si Liann sa nabasa niya, dahan dahan niya tinignan ang kuya niya at nagkatitigan. “Pwede!” sigaw ni Lian at sumabog sila sa katatawanan. “Kuya meron ka palang tinatagong ganyan na ugali ha” tukso ng bunso. “Of course, kailangan may tinatago ka ding alas paminsan minsan” pasikat ni Marco at lalo pa sila nagtawanan.

Sa kabilang dako tawa ng tawa si Jane sa nababasa niya habang si Joanna nag iinit ang ulo. “Sis naisahan ka solid o!” sabi ni Jane at halos magsalubong na ang kilay ng kaibigan niya. “Ah ganun, fine! Lalaban ka pala ganon ha!” sabi ni Joanna at nag isip siya ng malalim.

Bettyfly: Harharhar! Tuwang tuwa ka siguro! E ikaw Tinitron ano yan tinusok na turon?

Tinitron: At least edible at masarap. E ang bettyfly? Parang salitang imbento ng
illiterate!
Bettyfly: Illiterate your face! Ikaw Tinitron tinidor na robot!

Tinitron: At least uso! E ikaw bettyfly? Ano nga ba? Salitang Neanderthal ba yan? Sorry I don’t understand ninuno talk e. Bwahhahaha in your face!!

Bettyfly: Tawa ka dyan! Its just a nickname. Kitid utak mo!

Tinitron: Pikon! You started it and I played your game and now your showing sign of weakness…if you play the game, play fair. Learn to take blows if you know how to throw them!

Bettyfly: Weh! Shut up! Tinitron alyas tinorotot robot hahaha brokebak!

Di makapagpigil si Jane sa katatawa at si Joanna game na game makipag away sa kachat niya. “Sis tama na ang sakit na ng tyan ko” sabi ni Jane. “Anong tama na, kulang pa to. Sasaktan ko pa to hanggang umiyak to!” sabi ni Joanna sabay tawa.

Sa kabilang bahay tumatalon na si Liann sa tuwa, “Sige kuya isip ka pa, banatan mo yan ng matindi. Pikon nay an kaya below the belt na tira niya” sabi ng bunso. “Wow, matalino ka talaga sis ha, alam mo ang mga ganyan. Wag tayo bumaba sa level niya. Pag bumaba tayo sa level niya e di parang talo din tayo” sabi ni Marco.

Tinitron: 1-800-TISSUE, hanapin mo si Sarry at mag order ka na at wag mo punasan sa shirt mo luha at uhog mo!
Bettyfly: As if! Tinitron as in tinitron na illiterate talk din ng belt! Bleh!

“Marco, Lianne! Kain na!” sigaw ng nanay nila at tumayo na ang dalawa at nagpahabol pa si Marco. “Hayaan mo na kuya, halata naman na pikon na siya. The damage has been done” sabi ni Liann. “Oo last na” sabi ni Marco at inakbayan na niya ang kapatid niya at lumabas sila ng kwarto.

Tinitron: Have to go, tara kain! Oh by the way, TINITRON is the nick my sis gave me. Funny but she said it stands for Tinaksilang Robot. Bye.

Napatigil si Jane at Joanna, tahimik sila bigla at iniintindi ang huling mensahe ni Marco. “Sis, tinaksilang robot. As in pinagtaksilan din siya o” sabi ni Jane. “Oo nga e. Pareho pala kami, big revelation ha” sagot ni Joanna at napabuntong hininga siya. “Oy anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Jane. “Wala naman, pero you think we are feeling the same way…I mean alam mo na” sabi ni Joanna.

“Maybe, you will never know now kasi inaway mo agad e” sabi ni Jane. “Oo nga e. But look sa last na sinabi niya. Parang okay lang yun and sabi niya it’s a game, so maybe pwede pa diba?” tanong ni Joanna. “Hmmm sa start he sounded like a good guy, pero marunong din maging bad pero oo look inalok ka pa kumain at nagpaalam pa siya in fairness” sabi ni Jane. “Oo nga, and he even explained his nick knowing na pwede kong ipanira sa kanya. Pwede ko ibala sa pagbanat sa kanya but same kami pala sis” sabi ni Joanna at parang nayanig ang utak niya.

“Hay naku tara na kain narin tayo, kanina pa tumatawag mommy mo” sabi ni Jane. “Oo sige mauna ka na may gagawin ako saglit” sabi ng kaibigan niya at nagtype siya sa keyboard.

Bettyfly: My nick stands for…wulah naisip ko lang. Sorry for being rude.

Bettyfly: Sige kakain narin kami.

Bettyfly: btw…pwede ko din gamitin nick mo. Bye. Eat well too.

Bertwal Chapter 1: Chat


BERTWAL EBOOK COVER


Bertwal

By
Jonathan Paul Diaz

(THIS IS JUST A SHOWCASE COPY OF THE STORY. IF YOU WANT TO READ THE WHOLE STORY, THE EBOOK VERSION WILL BE SOLD SOON )


Chapter 1: Chat

Joanna

Patapik tapik sa mesa ang dalaga, huminga ng malalim at muling nagtype sa keyboard. Di nagustuhan ang nasulat binura ito at nag isip muli. Sa likod niya dahan dahan papalapit ang kaibigan niya, tahimik at biglang pinindot ang bawat tagilirian.

“Sheeetttt!!!” sigaw ng dalaga at napatayo. Tawa ng tawa ang kaibigan niya at ilang sandalli natawa narin ang dalaga. “Grabe ka naman Jane! As in natakot ako doon” sabi ni Joanna at di parin makapagpigil sa tawa ang kaibigan niya.

“Sis namiss ka na namin kaya eto dinalaw kita. Di ka na nagtetext man lang o nagpaparamdam” sabi ni Jane at sinilip ang mga nakasulat sa monitor. “Busy ako e” sagot ni Joanna at pinatay ang screen. “Oist, teka wag mo patayin, ano nanaman yang nilalagay mo sa blog mo? Mga emo emo nanaman. My God Joanna, one year na get over him already ano!” sermon ni Jane.

“Yeah yeah so easy to say. Sana ikaw din maranasan mo para alam mo. Kaya pag di mo alam gano kasakit then shut up ka nalang kesa nagsasabi ng move on move on. Gosh kung ganon kadali e di sana naglalandi na ako tulad mo. Oops pero di ako tulad mo, teka malandi ka ba?” tanong ni Joanna at tawa sila ng tawa.

“Oist wag ka naman mag berserk mode sa akin. Oo na sige na take your time to move on. Pero grabe ka naman wag kang magkukulong dito sis. Sayang beauty mo, tapos online ka nga pero di ka naman kasali sa mga social networking. Lagi nakapatay cellphone mo. O pano ka namin makontak? Ano to cave? Bakit di ka pa maghubad at wag ka narin maligo kaya” tukso ng kaibigan niya at lalo sila nagtawanan.

Naupo ang dalawa sa kama at nagkwentuhan, pumapasok naman si Joanna pero bihira siya magpakita sa mga kaibigan niya. Diretso uwi sa hapon at diretso pasok sa umaga. “So sis ano na lang ba ginagawa mo dito sa kwarto mo? Sabi ng mom mo as in dito ka lang lagi e” tanong ni Jane. “Wulah, ayan blog, minsan browse browse or manood ng videos online” sabi ni Joanna. “Grabe ka naman, magtext ka naman kasi. Ano ba problema nahihiya ka ba? Wag mo sarilihin ang problema mo kasi at pwede ba sis mag move on ka na kasi Ferdinand already did diba?” sermon ni Jane.

“Yeah I know sis…tanggap ko na yon pero parang nawalan ako ng self confidence. Ewan ko ba parang sinisisi ko sarili ko. Don’t worry I am okay sis” sabi ni Joanna. “Why not sama ka sa amin ni Jamie, oh may boyfriend na si Jams, his name is Richard” kwento ni Jane at nagulat si Joanna.

“Talaga? Nakahanap din siya ha, grabe dami nanliligaw sa kanya sa wakas may sinagot siya” sabi ni Joanna. “Oo nga buti pa siya” drama ni Jane at bigla sila nagtitigan at nagtawanan. “Don’t tell me off nanaman kayo?” tanong ni Joanna at ngumiti si Jane. “Well its complicated, pero don’t worry okay lang kami” sagot ng kaibigan niya.

Di napapayag ni Jane na lumabas si Joanna, ngunit tumambay ang dalaga kasama ang kaibigan niya pagkat namiss niya ito. Pagsapit ng hapon nagpapaalam na si Jane pero bigla ito lumapit sa computer ni Joanna at sinindi ito. “Alam mo sis may alam ako para slowly but surely bumalik trust mo sa tao. I know you need someone to talk to at nahihiya ka sa amin so why not chat?” sabi ni Jane.

“Chat? Sa net?” tanong ni Joanna at naupo si Jane sa harapan ng computer at nagconnect sa internet. “Oo chat, para lang masanay ka ulit sa tao. Don’t worry you can pretend to be someone else pero pwede mo din ilabas nararamdaman mo. O diba? Di ka na kilala pero other people can listen to your real story” sabi ni Jane at humila ng upuan si Joanna.

“Oy di ako tanga, alam ko ang chat pero parang weird lang” sabi ni Joanna. “Hay naku, parang socializing lang ito. Yung iba nagpapakatotoo, yung iba peke, yung iba predator lang, basta alam ko wise ka naman at marunong kumilatis. Maraming chatrooms, madami ka pwede makausap at makaibigan. Most lonely people, I repeat lonely people chat to take away the pain in their hearts. Kasi madami naman makikinig sa iyo or makakashare ng same experience. Well iwasan mo lang yung mga bolero at madaming manyak sa net” sabi ni Jane at nagtawanan sila.

Ilang minuto pa nakaset up na ang chat software at gumawa na si Jane ng account para sa kaibigan niya. “O ayan, may account ka na, ano gusto mo chat nickname?” tanong ni Jane. “Joanna ano pa nga ba?” sagot ng kaibigan niya. “Hindi, parang codename, ako gamit ko mysteriouzchix, so dapat mag isip ka din ng parang codename mo” sabi ni Jane.

Matagal napaisip si Joanna at tinatawanan na siya ng kaibigan niya. “Hello Joanna, kahit anong nickname pwede. Sus talagang pinag isipan pa e” tukso ni Jane at natawa si Joanna. “Teka lang kasi…ahmmm…ano nga ba…hmmm Betterfly” sabi ni Joanna at biglang tingin sa kanya si Jane at sumabog sa katatawanan. “Baka Buttyfly?” tanong niya. “Wag ka nang makialam, e yung nga gusto ko e. Napakasimple naman kung butterfly lang so Bettyfly nalang” sabi ni Joanna at tinype ni Jane ang nick nya pero tawa ng tawa.

“O ayan Bettyfly sit down at turuan kita” sabi ni Jane at naupo sa harap ng computer si Joanna at madami siyang nakitang pangalan sa chatroom. “O ano na gagawin ko dito?” tanong niya. “Mamili ka ng kakausapin mo, tapos sige go ang chat lang” sabi ni Jane kaya nagtingin sila sa listahan ng mga pangalan at biglang may tinuro si Joanna at bigla sila nagtawanan.

“TINITRON!!!” sabay nila sinigaw at tawa sila ng tawa. “Sis may mas malala pa sa iyo sa kakornihan ng nick” tukso ni Jane at si Joanna di maipinta ang mukha sa katatawa. Halos mapahawak na siya sa tawa, malakas at di mapigilan. “Oy sis ano ka ba? Over na yang tawa mo ha pero alam mo nakakamiss yang tawa mong yan” sabi ni Jane. “Tinitron o” sabi ni Joanna at naluluha na siya at nalaglag sa upuan sa katatawa.

“Oy sis may chat ka, si Tinitron!” sigaw ni Jane at napasilip si Joanna sa screen at muling natawa. “ASL daw, age, sex, location” sabi ni Jane. “17, never, at home” sagot ni Joanna at bigla sila nagtinginan ni Jane. “Oo gaga alam mo joke lang yon no, 17, female, at home…ako na nga…pero si Tinitron nga o” sabi niya at tawa ulit siya ng tawa.


Marco

Nakahiga si Marco sa sofa at nanonood ng telebisyon, ang bunsong kapatid niya nasa tapat ng computer at tumatawa mag isa. “Liann, wag masyado para ka nang baliw diyan” sabi ni Marco. “Kung siya baliw ano ka?” tanong ng ate niya at naupo ang ate niya sa may dulo ng sofa.

“Marco, whats happening to you? Dati dati wala ka lagi sa bahay. Now naninibago kami at nandito ka lagi” tanong ni Nerissa. “Ate, hurt broken, hurt broken I repeat” sigaw ni Liann at napasimangot si Marco.

“So its about your break up with Dana? My God Marco ang bata niyo pa ganyan na kayo. That is part of life no, ako din naman I had my fair share of break ups” sabi ng ate niya. “Good for you ate ikaw nagdudump sa kanila, e ako?” sagot ni Marco.

“She does not deserve you bro, kaya pag ako sa iyo go out with your friends and get on with your life already” sabi ng ate niya. “Ate, ang dami niyang friends, nakakahiya. Nanliliit ako pag nakikita ko sila” sagot ni Marco. “Bakit ka mahihiya? E it didn’t work out so ganon lang yon” sabi ni Nerissa. “Didn’t work out? Or caught with another guy?” banat ni Liann at nagulat si Nerissa.

“Not me ate, di ako gay. Siya” sabi ni Marco at napasimangot ang ate niya. “Talagang masamang tao pala yon so tama na yang emo emo mo at go out and enjoy life. Para kang di lalake e” tukso ng ate niya. “Tinatamad ako ate, manonood nalang ako ng tv” sagot ni Marco. “Aha, at kailan ka pa naging interesado sa cooking shows?” tanong ni Nerissa at tumawa si Liann.

“Baka si kuya yung caught with another guy?” tukso ni Liann at tinignan siya ng masama ng ate nila. “Sorry…joke lang” pabulong na sabi ng bunso nila. “Hay naku Marco, kung ganyan ka magpakalbo ka nalang at maging monghe, sige magkulong ka dito sa bahay” sabi ng ate niya sabay tayo. “Buddha bless you” banat ni Liann at nagtawanan sila ng ate niya.

Ilang minuto pa bumalik si Nerissa at inabot ang laptop kay Marco. “O ayan, sa iyo na yan” sabi ng ate niya. Nagulat si Marco at napaupo sa sofa hawak hawak ang laptop. “Akin na to? E pano sa work mo?” tanong ng binata at biglang lumapit si Liann at nakatitig sa laptop. “Its okay, I have a company issue. Personal laptop ko yan so sa iyo na” sabi ng ate nila.

“Ateeehh..pano ako?” tanong ni Liann at hinaplos ang laptop. “Grabe ka, halos sinolo mo na yang PC natin at di mo pinagbibigyan si Marco e” sabi ni Nerissa. “Pero ate gusto ko ng laptop para sa kwarto nalang ako” drama ni Liann at inabot ni Marco sa kanya ang laptop at natuwa ang bunso.

“Marco? Binigay ko nga yan sa iyo para naman may connection ka sa outside world e. Tapos ibibigay mo pa kay Liann?” tanong ni Nerissa. “Eh she likes it eh, makikigamit nalang ako sa PC” sabi ni Marco at bigla siyang hinalikan sa pisngi ni Liann. “Kuya, sa iyo na yang PC, gusto mo iakyat natin sa kwarto mo? Tara na help kita” sabi ni Liann at napangiti nalang si Nerissa.

Nang naakyat na sa kwarto ang PC ay palabas na sana ng kwarto si Liann. “Sis, teka saglit” sabi ni Marco at bumalik si Liann. “Ano yon?” tanong niya. “Kanina, tumatawa ka, ano yung tinatawanan mo sa PC?” tanong ni Marco at babanat sana si Liann pero nakita niya ang kalungkutan sa mata ng kuya niya.

“Kuya chat yon, kachat ko kaibigan ko. Actually di ko talaga kaibigan. Nakilala ko lang sa chatroom” sabi ni Liann. “Ah, chat pala” sabi ni Marco at biglang kumandong si Liann at nagpipindot sa PC. “Eto o kuya, eto gamit kong software, dito madami kang makakausap din. Sige gawa tayo account mo” sabi ni Liann at tahimik lang si Marco at pinapanood ang bunsong kapatid niya.

“Tama kuya makichat ka nalang kesa magbrowse ka ng porn” banat ni Liann at tumaas ang kilay ni Marco. “Anong pinagsasabi mo? Mula nung mabili ito dalawang beses ko lang nagamit” sabi ni Marco. “Joke lang, ito talaga, o now nasa kwarto mo na e di pwede na diba?” biro ni Liann at nagtawanan sila. “Pero kuya, tama si ate, nagbago ka talaga. Di ka na nagpapatawa lately” sabi ng bunso.

“Oo nga e, kaya ikaw Liann, magpakabait ka ha. May nanliligaw na ba sa iyo?” tanong ni Marco. “Kuya 14 palang ako hello! Pero meron na but sooo chaka” sagot ng bunso at natawa si Marco. “O ayan kuya nakaset na may account ka na” sabi ni Liann at pagtingin ni Marco bigla siya natawa.

“Tinitron?” tanong niya at tawa ng tawa si Liann. “Diba? Mahilig ka sa robots, o ayan Tinitron” sagot ng bunso at napakamot si Marco at natawa. “Ano naman ibig sabihin ng Tinitron?” tanong niya. “Tinaksilan na robot, kaya Tinitron!” sagot ni Liann at biglang napasimangot si Marco.

Nag alala si Liann at nagpipindot nanaman sa keyboard, “Sorry kuya, palitan ko nalang” sabi ni Liann pero pinigilan siya ng kuya niya. “Wag, its okay parang bagay nga sa akin” sabi ni Marco at nag alala si Liann. “Hindi kuya palitan ko nalang” pilit niya. “No, its okay I like it” sagot ng binata. “Owkeeeyyy…kasi pag papalitan natin sana Buddha nalang” banat ni Liann at nagtawanan sila.

Tumayo si Liann at humarap na si Marco, “Mamili ka lang diyan ng gusto mo kachat kuya, o eto sample o” sabi ni Liann at inagaw ang mouse at pinindot. “Bettyfly?” tanong ni Marco. “Wala lang eto nakita ko e, parang testing lang naman, o tapos type mo A-S-L-? tapos click mo enter or press enter” sabi ni Liann.

“Okay na kuya?” tanong ni Liann. “Yup okay na, expert ka talaga sa ganito ah. Di bale pag may tanong ako tawagin kita” sagot ni Marco at lumabas na ng kwarto ang bunso. Ilang segundo may sumulpot sa screen at sumagot si Bettyfly.

Bettyfly: 17 female, at home
Bettyfly: NASL?

Napailing si Marco at napakamot, “NASL, name, age, sex, location” sabi bigla ni Liann at nagulat si Marco. “Akala ko lumabas ka na?” tanong ng binata. “Concerned ako sa iyo kuya” sagot ni Liann sabay tawa. “Okay, so name is Marco, age 18, at home din” sabi nya pero pinigilan siya ni Liann.

“Kuya don’t use your real name or ibigay ang real address mo. Malay mo masamang tao yan” sabi ni Liann kaya binura ni Marco ang tinype niya. “E ano gagamitin ko?” tanong ng binata. “Polo, para Marco Polo” banat ni Liann at tumawa siya mag isa. Biglang nagtype si Marco at napatingin si Liann.

Tinitron: Paolo, 18, at home din

“Nice, okay na yan kuya, sige kaya mo yan” sabi ni Liann. “Sis thanks ha” sabi bigla ni Marco at ngumti ang bunso. Lumabas na si Liann at sinara ang pinto, humarap na si Marco sa screen at nagbasa.

Bettyfly: Hi Paolo, I am Hanna
Tinitron: Hi Hanna, nice to meet you







BERTWAL EBOOK NOW AVAILABLE
By
Paul Diaz

EBOOKS FOR SALE



meet the real TINITRON @ Plurk