sk6

Tuesday, August 25, 2009

Bertwal Chapter 2: Basagan

Bertwal
by
Paul Diaz


Chapter 2: Basagan

Isang linggo ang lumipas at muling dumalaw si Jane sa bahay nina Joanna. “O kumusta pagchachat natin?” tanong ni Jane. “Boring, sus wala matino makausap. Can you imagine meron mga imbes na start topic for conversation e ask agad kung may picture? Ano ito pag pangit dedmahan nag anon ba?” reklamo ni Joanna at tumawa si Jane. “I am sure pag nilagay mo picture mo sa avatar mo e dudumugin ka ng friend requests” sabi ni Jane at tumawa si Joanna. “Oo at mapupuno ng manyakis ang friends list ko, dapat may new friends category na Manyak section” banat ng dalaga at tawa sila ng tawa.

“And can you imagine start palang ng chat e mga tanong may FS ka? May FB ka? Add naman kita o. Tapos sino may Sun? Ano digits mo? Ha? Di pa kayo magkakilala tapos ganyan na? Kaya ewan ko pangit tong chat na tinuro mo” kwento ni Joanna at tumaas ang kilay ni Jane. “Oh? E bakit naka open yang chat software mo?” tanong ng kaibigan niya at nagsimangot si Joanna. “Wulah, pag start ng PC e nagbubukas narin e” sagot ng dalaga. “Hmmm pwede mo naman patayin…unless nangangarap ka na may matino din na makausap” sabi ni Jane at natawa si Joanna.

Samantala sa bahay ni Marco kababalik lang ng internet connection nila at isang linggo din sila nawalan. “Lian halika saglit!” sigaw ni Marco at tumakbo ang bunso papunta sa kwarto ng kuya niya. “Yes kuya?” tanong ng bunso. “Ano password ng account ko?” tanong ni Marco at lumapit si Liann at tinype sa keyboard. “Sorry nakalimutan ko sabihin, B-U-D-D-H-A” sabi ng bunso sabay tawa. “Di ko nalang sana tinanong, hinulaan ko nalang sana” sabing pagalit ni Marco. “Hala to tampo agad, kuya pwede mo naman palitan no, o ayan settings change password, sige na palitan mo na” sabi ni Liann.

Pinalitan ni Marco ang password niya sabay pumasok sa chatroom, “Saan na kaya yung Bettyfly?” tanong niya. “Bakit siya hinahanap mo e ang dami mo naman pwede makausap o. At hello ang daming chatroom diyan, look nasa chatroom number 134 ka, up to 300 kaya yan” sabi ni Liann. “Oo nga no, sayang di ko na add sa friend list” sabi ni Marco. “Asus, wow parang nagpalitan lang ng ASL as if may konek na kayo. Haler nawalan kaya ng connection that time” sabi ni Liann.

“Yun na nga e, baka sabihin niya bastos ko naman at iniwan ko siya sa ere” sagot ni Marco. Tumawa si Liann at inagaw ang mouse, “Kuya, internet ito, its okay. Di ka naman nila kilala e” sabi ng bunso. “Kahit na, pangit naman na first impression yon diba? At kahit sabihin mo na oo di nila ako kilala but still ako parin yon” sagot ni Marco.

“Di man ako marunong magchat Liann, pero kung may account ako, say ito Tinitron, kung ano inasal ko sa chat, doon ako makikilala. Kung pinakita ko masama e sino pa gusto makipag usap sa akin? Diba? Ano pang point na magchat pa ako pag wala gusto makiusap sa akin?” payo ni Marco at tumaas ang kilay ni Liann at tinitigan ang kuya niya. “Very wise indeed Buddha” biro niya at pareho sila tumawa.

Nakipagchat si Marco habang nagmistulang supervisor si Liann sa tabi niya. Ilang chatmates ang lumipas at di matiis ni Liann ang matawa. “Kuya pansin ko lang bakit laging may hahahaha sa bawat chat mo?” tanong ng bunso. “Ewan ko, pati naman sa text ganon ako” sabi ni Marco. “Yun na nga e, dito sa chat parang ang daldal mo at dahil sa hahaha parang masiyahin ka. E sa totoo di naman, ang tahimik mo” sabi ng bunso at natawa si Marco.

“Tabi tabi ka dali” sabi ni Liann at umurong si Marco. May ginawa si Liann at biglang nagulat ang binata pagkat nandon na picture niya sa avatar. “Hoy bakit mo nilagay picture ko diyan?” tanong ng binata. “E bakit kasi? Gwapo ka naman e, dadami chatmates mo maniwala ka, pero ingat at may mga posers, hahaha mga akala mo girl pero swordfighters din pala” sabi ni Liann at sabay sila tumawa.

Tulad ng sinabi ng bunsong kapatid ay biglang madami ang pumansin kay Marco, “Hoy ano ginagawa mo?” tanong ni Liann. “Blocking them” sabi nya. “Ha? Hello pinapansin ka na nga e o” reklamo ng bunso. “Hay Liann, pakibura nga picture ko dyan please” sabi ni Marco at napakamot ang dalaga. “Sira ka talaga, you are weird kuya” sabi nya.

Nang matanggal ang picture ay napangiti si Marco, “Liann, do you post your picture?” tanong ng binata. “Picture ni ate nialalgay ko, kasi mas maganda siya e” sagot ng bunso sabay tawa. “So madami kang chat friends na lalake?” tanong ng kuya niya. “Yup, as in madaming madami” sagot ni Liann at napangisi si Marco.

“Liann, ilang sa mga friends mo ang gusto ka talaga makachat because of who you really are?” tanong ni Marco at tahimik ang bunso. “Kanina nung wala ako pic, napapansin ba ako? Then you place my pic nagkaroon, so what does that say?” hirit ni Marco. “Na gwapo ka?” sagot ni Liann at tumawa ang binata. “Ang ibig sabihin non may basis sila ng gusto nila kausapin, face value. Pag wala ka non wala ka din sa kanila. So sa tingin mo gusto ko pa kausapin ang mga ganyan? Di na siyempre that is why I blocked them.”

“Now, ganitong walang pic, tapos may mga gusto makichat sa iyo dahil sa pinapakita mong ugali, would that be better?” tanong ng kuya niya. “Oo naman” sagot ng bunso. “You see Liann, there are people who want to chat with you because of who you are, and there are some na dahil lang sa itsura mo. We cant blame them kasi lahat naman tayo may gustong standards, at least sila sinasala na nila gusto nila makausap. Ikaw ba pag sinilip ko friends list mo e ano ba makikita ko doon?” tanong ni Marco at napasimangot ang bunso. “Pero kuya sila naman nag add sa akin e” hirit ng bunso.

“Ikaw ba ang inadd nila o si ate?” banat ni Marco at napabuntong hininga ang bunso. Tumawa si Marco ng malakas at napakamot, “Grabe I am trying to teach you something pero mali ata approach ko, ganito nalang…may crush ka ba?” sabi ni Marco. “Syempre naman” sagot ng bunso. “Gwapo?” tanong ng kuya. “Super kuya as in pero I don’t like him, crush lang and that’s it” sabi ni Liann. “O bakit naman?” tanong ni Marco at ngumiti ang bunso. “Kasi ang sama ng ugali niya, bully siya sa school. So crush lang, never like” paliwanag ni Liann at nakahinga ng maigi si Marco. “Ah I see, you will be just fine then. Baka mas matured ka pa sa akin” sabi ni Marco at nagtawanan sila.

“Palitan na nga lang natin tong chatroom, sige pick a number kuya” sabi ni Liann. “Fourteen” sabi ni Marco at nagpipindot si Liann at agad may nakita ang binata at tinuro sa screen. “Yon siya o!” sigaw ni Marco. “Wow kuya excited naman masyado, oo na sige na click, gosh parang first love naman daw” tukso ni Liann. “Sige na dali na say sorry for me” sabi ng binata. “Ikaw nalang kaya, o dito ka at ikaw magsorry” sabi ng bunso at nagpalit sila ng pwesto.

Sa bahay ni Joanna pinagtritripan ng magkaibigan ang isang laro sa computer nang biglang bumagal ang PC. “Hala bakit ganito?” sabi ni Jane. “Ganyan talaga, mababa memory e, di pa ako nakabili. Ayan kasi may nag pop up na chat” sagot ni Joanna.

Tinitron: Sorry

“Uy o si Tinitron o, sorry daw” sabi ni Jane at napasimangot si Joanna. “Eesh nang iiwan sa ere tapos may alam alam na sorry, eto sa iyo” sabi ni Joanna.

Bettyfly: Sorry mo mukha mo!

“Hala napaka mean mo naman, nagsosorry na nga ang tao e” sabi ni Jane at tumawa ng malakas si Joanna. “Who cares, di naman niya ako kilala e. So kung hurt siya e di magpagamot siyaaaahhh…ohkaaay” sabi ng dalaga at tawa ng tawa yung dalawa.

Tinitron: I am really sorry last time. Nawalan kami ng kuryente

“Nawalan ng kuryente your face” sabi ni Joanna at nagtype sa keyboard. “Sira ka talaga, naghahanap ka lang ng kaaway mo” sabi ni Jane. “Para naman di boring. Sana lumaban siya para naman masaya” sabi ng dalaga sabay tawa.

Bettyfly: Magbayad naman kasi kayo ng kuryente niyo!
Tinitron: Its paid. It just so happened nawalan bigla pero bumalik din at net connection naman ang nawala. Ahahahaha

“Aba english speaking, it so happened ahahaha” sabi ni Joanna at natawa si Jane. “Grabe ka berserk mode ka nanaman sis, nakakamiss pag ganyan ka” sabi ng kaibigan niya. “Saktan na natin to!” sigaw ni Joanna at nagtype sa keyboard.

Bettyfly: Oh? Bakit may hahahaha pa? May nakakatawa ba?
Tinitron: Ow sorry. Habit siguro to make the conversation seem not too much serious
Tahimik si Joanna at napatingin si Jane sa kanya. “May point siya ha. At obviously parang may pinag aralan” sabi ni Jane. “So what? Ayaw mo mapikon ah, sige nga sige nga. Eto nga” sabi ni Joanna.

Bettyfly: Tinitron? Bakit parang tatak ng TV nick mo? Nasan yung R? Ahahaha to you!

Bettyfly: O baka naman Tiny Tron? Kasi tiny yung… alam mo na yon! Ahahaha again!

Tumawa ng malakas ang dalawang dalaga at si Jane kinurot ang kaibigan niya. “Hala sis ang bad mo. Baka mamaya di na sasagot yan” sabi ni Jane. “So what? Sino ba siya? Magpakalalake ka naman boy at lumaban ka!” sigaw ni Joanna at tuloy ang tawanan nila.

Sa bahay nina Marco tumaas ang kilay ni Liann at tinutulak niya palayo ang kuya niya. “Ang bastos nitong bruhang to ah, tabi kuya ako bahala diyan” sabi ng bunso. “Liann, relax, kaya ko to” sagot ni Marco. “Anong kaya? Wala sa ugali mo ang ganyan kaya ako na, ako na titira diyan” pilit ni Liann. “Ako na, relax ka lang” ulit ni Marco at nagsimangot ang bunso. “Relax ka diyan e binabastos ka na, at pano ka naman babawi e ang bait bait mo. Di mo naman linya ang ganyan kasi peace lover ka or whatever that is” sermon ni Liann at napangisi nalang si Marco. “Watch and learn” sabi ng binata.

Tinitron: Kung yun ang interpretasyon mo then I will respect it.

“See! Gosh, ano yan? Sign of defeat?” tanong ni Liann. “Nope, just watch” sabi ni Marco.

Bettyfly: Respect your face! Tini tini weeny weeny yellow polka dot bikini!

“Biyatch! Kuya! Ano ba?” sigaw ni Liann at tumawa si Marco. “Masyado ka affected sis” sagot ng binata. “E syempre ayaw ko ginaganyan kuya ko!” sabi ni Liann at napatigil si Marco at napangiti. “Ramdam kita sis…watch and learn” sabi ng binata.

Tinitron: Bettyfly? Nagrepeat ka ba ng day care? Bettyfly? Hahaha. Mwammy mwammy look it’s a bettyfly! That’s the one from the carterpilay right mwammy?

Napanganga si Liann sa nabasa niya, dahan dahan niya tinignan ang kuya niya at nagkatitigan. “Pwede!” sigaw ni Lian at sumabog sila sa katatawanan. “Kuya meron ka palang tinatagong ganyan na ugali ha” tukso ng bunso. “Of course, kailangan may tinatago ka ding alas paminsan minsan” pasikat ni Marco at lalo pa sila nagtawanan.

Sa kabilang dako tawa ng tawa si Jane sa nababasa niya habang si Joanna nag iinit ang ulo. “Sis naisahan ka solid o!” sabi ni Jane at halos magsalubong na ang kilay ng kaibigan niya. “Ah ganun, fine! Lalaban ka pala ganon ha!” sabi ni Joanna at nag isip siya ng malalim.

Bettyfly: Harharhar! Tuwang tuwa ka siguro! E ikaw Tinitron ano yan tinusok na turon?

Tinitron: At least edible at masarap. E ang bettyfly? Parang salitang imbento ng
illiterate!
Bettyfly: Illiterate your face! Ikaw Tinitron tinidor na robot!

Tinitron: At least uso! E ikaw bettyfly? Ano nga ba? Salitang Neanderthal ba yan? Sorry I don’t understand ninuno talk e. Bwahhahaha in your face!!

Bettyfly: Tawa ka dyan! Its just a nickname. Kitid utak mo!

Tinitron: Pikon! You started it and I played your game and now your showing sign of weakness…if you play the game, play fair. Learn to take blows if you know how to throw them!

Bettyfly: Weh! Shut up! Tinitron alyas tinorotot robot hahaha brokebak!

Di makapagpigil si Jane sa katatawa at si Joanna game na game makipag away sa kachat niya. “Sis tama na ang sakit na ng tyan ko” sabi ni Jane. “Anong tama na, kulang pa to. Sasaktan ko pa to hanggang umiyak to!” sabi ni Joanna sabay tawa.

Sa kabilang bahay tumatalon na si Liann sa tuwa, “Sige kuya isip ka pa, banatan mo yan ng matindi. Pikon nay an kaya below the belt na tira niya” sabi ng bunso. “Wow, matalino ka talaga sis ha, alam mo ang mga ganyan. Wag tayo bumaba sa level niya. Pag bumaba tayo sa level niya e di parang talo din tayo” sabi ni Marco.

Tinitron: 1-800-TISSUE, hanapin mo si Sarry at mag order ka na at wag mo punasan sa shirt mo luha at uhog mo!
Bettyfly: As if! Tinitron as in tinitron na illiterate talk din ng belt! Bleh!

“Marco, Lianne! Kain na!” sigaw ng nanay nila at tumayo na ang dalawa at nagpahabol pa si Marco. “Hayaan mo na kuya, halata naman na pikon na siya. The damage has been done” sabi ni Liann. “Oo last na” sabi ni Marco at inakbayan na niya ang kapatid niya at lumabas sila ng kwarto.

Tinitron: Have to go, tara kain! Oh by the way, TINITRON is the nick my sis gave me. Funny but she said it stands for Tinaksilang Robot. Bye.

Napatigil si Jane at Joanna, tahimik sila bigla at iniintindi ang huling mensahe ni Marco. “Sis, tinaksilang robot. As in pinagtaksilan din siya o” sabi ni Jane. “Oo nga e. Pareho pala kami, big revelation ha” sagot ni Joanna at napabuntong hininga siya. “Oy anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Jane. “Wala naman, pero you think we are feeling the same way…I mean alam mo na” sabi ni Joanna.

“Maybe, you will never know now kasi inaway mo agad e” sabi ni Jane. “Oo nga e. But look sa last na sinabi niya. Parang okay lang yun and sabi niya it’s a game, so maybe pwede pa diba?” tanong ni Joanna. “Hmmm sa start he sounded like a good guy, pero marunong din maging bad pero oo look inalok ka pa kumain at nagpaalam pa siya in fairness” sabi ni Jane. “Oo nga, and he even explained his nick knowing na pwede kong ipanira sa kanya. Pwede ko ibala sa pagbanat sa kanya but same kami pala sis” sabi ni Joanna at parang nayanig ang utak niya.

“Hay naku tara na kain narin tayo, kanina pa tumatawag mommy mo” sabi ni Jane. “Oo sige mauna ka na may gagawin ako saglit” sabi ng kaibigan niya at nagtype siya sa keyboard.

Bettyfly: My nick stands for…wulah naisip ko lang. Sorry for being rude.

Bettyfly: Sige kakain narin kami.

Bettyfly: btw…pwede ko din gamitin nick mo. Bye. Eat well too.