sk6

Wednesday, May 27, 2009

Chapter 14: Break Ups

Chapter 14: Break Ups

Lunes ng dismissal galit na galit si Anne at hinarap si Pipoy. “Wag ka na magsisinungaling nagdate daw kayo ni Miyu nung sabado” sabi niya kay Pipoy. “Di totoo yan, kasama lang siya sa grupo, you were not there” sumbat ni Pipoy. “Liar! Humiwalay daw kayo e tapos nagdate kayo” hirit ni Anne. “We just talked, that’s just it. Mas naniniwala ka pa sa source mo kesa sa akin” sagot ni Pipoy. “Eesh wag ka na magdedeny pa” sabi ni Anne. “Well pag ayaw mo maniwala then fine, as him if he saw what really happened” sabi ni Pipoy at biglang natahimik si Anne at umalis na si Pipoy.


Naupo si Pipoy sa bench kasama ang mga boys at pinanood nila dumaan si Anne. “Pare di mo ba siya ihahatid?” tanong ni Sarry pero napatingin si Pipoy sa mga girls, “Uy si Miyu” sabi nya at mabilis siya nagtungo sa mga babae. “Ano nangyayari sa kanya?” tanong ni Robert. “Ewan ko, its not like him” sagot ni Vashty.

Lumapit si Pipoy sa mga girls at agad tinabihan si Miyu, umakbay agad si Miyu at tumayo sila at nagtungo sa store. Gulat na gulat si Annika at agad siya napatingin kay Ella. “Hoy ano yon?” tanong ni Annika. “Ewan ko…I asked her about Saturday pero ayaw niya sumagot” sabi ni Ella. “Lumabas si Pipoy kahapon e, siya ba kasama niya?” tanong ni Annika. “Miyu does not live with us no, kaya ewan ko” sagot ni Ella at nagsimangot si Annika.

Bumalik si Miyu at Pipoy at napaka sweet nila sa isat isa, nagsusubuan sila ng junkfood at lalo nainis si Annika. “Pipoy diba may girlfriend ka?” banat ni Vem. “Meron nga, bakit?” sagot ni Pipoy. “Do you think matutuwa si Anne pag nakita kayo na ganyan?” tanong ni Beverly. “She isn’t here diba? At wala naman kaming ginagawang masama ah. Gusto mo subuan din kita?” sabi ni Pipoy at naninibago sila sa asta niya.
“Di ako susunduin ni Bobby, Poy uwi na tayo” alok ni Annika. “Sige mauna ka na, ihahatid ko pa si Miyu sa kanila” sagot ni Pipoy at tumayo sila at kinuha ni Pipoy ang bag ni Miyu at naglakad na sila palayo. “Ella ano ito?” tanong ni Annika. “Ewan ko talaga, ano ba purpose mo kasi dapat?” tanong ni Ella. “I just wanted Anne to get jealous pero I didn’t expect Pipoy to like Miyu” sabi ni Annika.

Lumapit ang boys at pati sila nagulat sa nakita nila, “Oy akala ko ba acting lang si Miyu?” tanong ni Sarry. “E bakit parang dinidiskartehan na ni Pipoy si Miyu?” hirit ni Robert. “E what do you expect kasi? Miyu looks like Annika, Pipoy likes Annika but she has Robert. So siguro select the closest one who resembles Annika” paliwanag ni Vem. “Pero she isn’t me!” sigaw ni Annika.

“Well sis nag backfire ata ang plano mo” sabi ni Ella. “Ayusin mo to Ella, sige na. Nagseselos nga si Anne pero mukhang natamaan na si Pipoy sa pinsan mo e. Uy Ella ayusin mo naman to, wag mo na papuntahin dito si Miyu” pakiusap ni Annika at nagtawanan yung iba. “E what if Pipoy and Miyu really like each other? Sa tingin mo kaya ko pa pigilan yan?” sumbat ni Ella at nag walk out na si Annika.

The next day tumambay sa store si Pipoy at Miyu, inaantay nila lumabas si Anne. “Alam mo di ko gets e, sino ba ang pinagseselos mo ang girlfriend mo o si Annika?” tanong ni Miyu at tumawa si Pipoy. “Maybe both” sagot niya. “Hala kuya, if si Annika I understand pero si Anne parang napakabad mo naman na” sabi ni Miyu. Eksaktong lumabas ng gate si Anne at lalong dumikit si Pipoy kay Miyu at tumalikod, “Ayan na siya, wag mo titignan pero nakita na tayo sigurado” bulong ni Pipoy. Nakita nga sila ni Anne, tumigil siya saglit pero umalis na agad.

“Now you want to know why, halika sundan natin” sabi ni Pipoy. Sinundan nila si Anne at dumistansya sila para di mahalata. Nakayuko si Anne at nagtetext kaya mabagal siya maglakad, kinailangan pa nina Pipoy tumigil para mapanatili ang malayong distansya. Hindi sa paradahan nagtungo si Anne, pumasok siya sa isang fast food resto at sa may binatan naupo kaya sa pumwesto sina Miyu at Pipoy across the street para makita siya.

After thirty minutes may dumating na lalakeng naka cap at tumabi kay Anne, nagkiss sila at nagulat si Miyu at napatingin kay Pipoy. “So tama nga ako” bulong ni Pipoy at kumapit si Miyu sa kamay niya. “Uy are you okay?” tanong in Miyu at ngumiti si Pipoy. “Oo okay lang” sagot ni Pipoy pero nakita ni Miyu ang mga kamao niyang naninigas at nanginginig. Hinawakan ni Miyu ang kamay ni Pipoy, “Oy Pipoy treat mo nalang ako, gutom na ako” sabi ni Miyu at biglang natawa si Pipoy. “Alam mo nagsisisi na ako sa planong ito, bubutasin mo kasi bulsa ko” sagot ni Pipoy at nagtawanan sila.

“Ayan, laughter helps you know, kahit ngumiti ka nararamdaman parin na masama loob mo. Alam ko pag uwi mo doon ka iiyak kasi ganon naman kayong lalake e. Halika na treat mo na ako, hayaan mo na yang babaeng yan” sabi ni Miyu at napakamot si Pipoy at muling napalingon kina Anne at kasama niya. Huminga siya ng malalim at inakbayan si Miyu.

“Mukhang single na ulit ako after this ends, ikaw single ka din diba?” biro ni Pipoy habang naglalakad sila palayo. “Loyal ako kay kuya, sinabi ko bang mayaman na mayaman siya” sagot ni Miyu at biglang bumitaw si Pipoy at tumawa si Miyu. “Pero Miyu what if si kuya may nahanap na iba?” tanong ni Pipoy. “Naisip ko narin yan, bata pa naman ako e, if that happens maybe someday I will get over it pero mahal ko parin siya. That’s the way love should be, di porke may iba na siya di mo na siya love. Pag tumigil ang love mo for that reason then minamahal mo siya na may kondisyon…hindi na love yon. So I will still love him no matter what, but of course I also have to move on but love ko parin siya” paliwanag ni Miyu at muling inakbayan ni Pipoy si Miyu at napangiti. “Swerte naman ng matandang yan” banat ni Pipoy at bigla syang siniko ni Miyu at nagtawanan sila.

“So ano na plano mo?” tanong ni Miyu. “Well I guess I just have to love her still” sagot ni Pipoy. “Kahit na meron siyang iba?” tanong ni Miyu. “Yup, you taught me something important so salamat” sagot ni Pipoy. “So you will pretend na di mo nakita yon?” hirit ni Miyu at tumaw si Pipoy. “Ah, I was talking about Annika” sabi ni Pipoy at napangiti si Miyu. “Fight fight fight!” sigaw ni Miyu at muli sila nagtawanan. “So break na ba tayo?” tanong ni Miyu. “Not yet, may isa pa tayong misyon” sabi ni Pipoy.

The following day tinaas nina Pipoy at Miyu ang level ng acting nila, magkaholding hands na sila at sweet na sweet sa isat isa pero wala si Annika pagkat sinundo siya ni Bobby. Habang masayang magkatabi ang dalawa sa tambayan ng mga girls ay dumating si Anne at kinalbit si Pipoy. “Mag usap tayo” sabi ni Anne kaya agad tumayo si Pipoy at lahat nanahimik.

Tumayo sa malayo ang dalawa at kitang kita nila na sinampal ni Anne si Pipoy. “How could you do this to me?” sabi ni Anne at tahimik lang si Pipoy. “Akala ko iba ka e, akala ko mabait ka. Pero you are just the same like other guys. Pinaglalaruan niyo lang puso namin” sermon ni Anne. “O bakit di ka mapakapagsalita?” tanong ni Anne at niyuko lang ni Pipoy ang ulo niya.

Muling sinampal ni Anne si Pipoy at ngumiti lang si Pipoy sa kanya. “Ang kapal ng mukha mo talaga, I cant believe kaya mo pang ngumiti” sabi ni Anne. “I cant believe ang galing mo mag acting” bulong ni Pipoy. “Ano sabi mo?” tanong ni Anne at ngumisi lang si Pipoy. “Tapos na tayo! I don’t want to see you or talk to you ever again!” sigaw ni Anne at madaming nakarinig nito. Naglakad na palayo si Anne pero tinawag ni Pipoy ang pangalan niya kaya napalingon siya. “Sabihin mo sa kanya di niya bagay ang naka cap” sabi ni Pipoy at gulat na gulat si Anne at natulala. Tumalikod si Pipoy at naglakad pabalik sa tambayan ng girls, si Anne nakatayo parin at tulala pero dahan dahan niyuko ang ulo at naglakad na palayo.

Pagkaupo ni Pipoy sumugod ang boys para makitsika, hinaplos ni Miyu ang pisngi ni Pipoy pero nakangiti parin siya. “Bakit mo hinayaan na sampalin ka niya, parang siya tuloy ang nakipag break sa iyo e siya naman yung totoong taksil” sabi ni Miyu at gulat na gulat ang boys pero ang girls pasimple lang at tahimik.

“E pangit naman na malaman ng iba na siya yung taksil e. At diba sanay na ang public na lalake yung taksil so to spare her the shame kahit ako nalang ang magmukhang masama” paliwanag ni Pipoy at nagulat ang lahat sa kanya. “Totoo naman e, Anne is weak at di marunong lumaban, pag nilait siya ng tao knowing na taksil siya then I fear that di niya makakayanan ang mga pangutya ng tao sa kanya. Okay lang pag ako ang kutyain, sanay na ako diyan remember?” paliwanag ni Pipoy.

“Poy sorry, we wanted to tell you about it sana pero natakot kami baka magwala ka” sabi ni Vem. “Don’t worry I knew it matagal na, i just didn’t know who was the guy so I had to be sure first” sagot ni Pipoy. “So kilala mo na sino yung guy?” tanong ni Ella. “Nasan si Annika?” tanong ni Pipoy. “Ah sinundo ni Bobby, pero alam mo what a coincidence talaga, alam mo ba she is going to break up with Bobby today?” sabi ni Beverly.

“Saan sila pumunta?” tanong ni Pipoy at napansin nila na galit siya. Sinabi nila ang favorite hangout nila kaya tumayo bigla si Pipoy, “Uy Poy ano binabalak mo?” tanong ni Robert. “Sama kayo baka di ako makapagpigil” sabi ni Pipoy at umalis ang boys at kinabahan ang mga girls.

“Teka di ko gets e, bakit mainit ang ulo ni Pipoy?” tanong ni Miyu. “Shet don’t tell me si Bobby…” sabi ni Vem. “Ha? Pero di ko nakita face niya, kailan ba nakita ni Pipoy si Anne at yung guy?” tanong ni Beverly. “Kahapon” sagot ni Miyu at lahat napatingin sa kanya. “Kilala mo naman si Bobby diba? Siya ba yon?” tanong ni Ella at napaisip si Miyu. “Hindi ko kasi tinignan yung guy e nagugutom kasi ako kaya sa poster na may food ako nakakaconcentrate” sagot ni Miyu at bigla sila nagtawanan.

Sa labas ng resto nagtago sa labas ang mga boys at inutusan si Sarry para silipin sina Annika at Bobby. Bumalik si Sarry at agad nagbalita, “Pare nag walk out na si Annika going the other direction, si Bobby nakayuko ang ulo na nakatayo sa may pinto pero yan ang kotse niya kaya dito dadaan yan sigurado” sabi nya. “Sige, layo na muna kayo” utos ni Pipoy at lumapit si Pipoy sa kotse ni Bobby at doon nag antay.

Naglakad na si Bobby papunta sa kotse niyang nakangiti, nilabas niya ang phone niya at may tinawagan. Sumulpot bigla si Pipoy sa harapan niya at gulat na gulat si Bobby. “Smiling after a break up…smells funny” sabi ni Pipoy at tulala lang si Bobby. Nilapit ni Pipoy ang mukha niya sa phone, “Hi Anne, mag uusap lang kami saglit ni Bobby. Patayin mo yan at itago mo” sabi ni Pipoy at mabilis na binulsa ni Bobby ang phone niya.

“Di mo talaga bagay mag cap pare, and I told Anne that. Oh siguro nagtext siya sa iyo saying that I know. Pero busy ka with Annika as she was breaking up with you. Bakit pare? Were you expecting more from Annika? Sa tingin mo easy to get siya? At nang di napansin mo di mo makukuha gusto mo naghanap ka ng iba?” sabi ni Pipoy at tahimik lang at nanginginig si Bobby.

“If you really love someone gagawin mo ang lahat to make that person happy pero I never saw Annika really happy with you. Lahat ng naririnig ko panay reklamo about you. And I never saw you suffer pare, like the way I suffered just to make her happy kahit bestfriend lang ako. And sigurado ako hindi mo pa nakakalimutan ang usapan natin…you break her heart, I break you face” sabi ni Pipoy.

“Teka teka pare, foul na yan” sabi ni Bobby. “Anong foul don pare? Pretty boy, rich boy pretending to fall in love just to take what you want…pag di nakuha hanap ng iba. Wow, basang basa kita pare. Sa dami daming babae si Anne pa sinunod mo, why? Oh I remember why? Kasi napahiya kita kaya gusto mo ako maisahan? I am not like you! Kayo ang sumisira sa pangalan ng lalake e, oo mga tulad mo. You think you can have it all…you think armed with good looks and money makes you a god who can take what they want”

“Eto pare para matauhan ka” sabi ni Pipoy at bigla niya binuntal si Bobby sa mukha. Bagsak si Bobby sa semento at lumapit si Pipoy. “If you are a god di mo dapat naramdaman yon, pero masakit diba? That means tao ka and that does not give you the right to do what you want!” sigaw ni Pipoy.

“Teka pare, please, di ako lalaban” makaawa ni Bobby at lumabas na ang ibang boys kaya lalo sya natakot. “Bring out your phone and call Anne…explain to her ano binabalak mo sa kanya talaga” sabi ni Pipoy at napailing si Bobby. “Poy ayaw niya ata e, ano gulpihin na natin ito tapos benta natin kotse niya por kilo” sabi ni Robert at nilabas na ni Bobby ang phone niya.

“Pero pare I can tell her personally nalang” sabi ni Bobby. “Tawagan mo na ngayon na!” sigaw ni Pipoy at nagdial agad si Bobby at kinausap si Anne. Kinuwento ni Bobby kay Anne ang lahat, sabay kinuha ni Pipoy ang phone at kinausap ni Anne. “I hope you are happy, and yes I don’t want to talk to you too ever again” sabi ni Pipoy sabay bato ng phone sa katawan ni Bobby.

“If I learn that nilalapitan mo si Anne, or if even you come close to our school…dudurugin ko talaga ang mukha mo kahit makulong pa ako” sabi ni Pipoy. “Kahit makulong pa kami” singit ni Vashty at tumayo na si Bobby at niyuko ang ulo niya. Sumakay si Bobby sa kotse niya at di makatingin kay Pipoy. “O nagbubulong pa siya o” sabi ni Robert. “No, im not!” sabi ni Bobby at nagtawanan ang apat. “Sa ibang lugar ka maghasik ng lagim” pabaon ni Pipoy nang umalis na ang kotse.

“Oo nga nagtataka din ako ang layo ng school nila tapos don siya sa school natin dadayo para manligaw. E ang dami kayang magaganda don sa school nila, mga rich girls pa” sabi ni Vashty. “Siyempre para di malaman ang baho niya don. Alam mo na masisira ang pangalan ni papa” sagot ni Robert at nagtawanan sila.

“Poy I think you should go to Annika and console her, pero will you tell her about Bobby?” sabi ni Sarry. “She doesn’t have to know, at least she broke up with her for her own reasons, ang kawawa si Anne. Sige I have to make things the way they should be” sabi ni Pipoy at nagtinginan ang tatlo. “Anong the way they should be?” tanong ni Vashty at ngumiti si Pipoy.

“Teka Pipoy, bakit parang from the start palang kampante ka about them? Parang you knew this would happen to them” sabi ni Sarry at tumawa si Pipoy. “I let her go but I never left her side…sumama ako sa kanya” sabi ni Pipoy at muli siyang tumawa at sumakay na ng taxi habang hindi naintindihan ng mga barkada niya ang sinabi nya.

Pagdating ni Pipoy sa kanila agad niya tinignan ang bintana ni Annika pero nakasara ito, agad siya nagtungo sa likod ng bahay nila at doon niya nakita Annika nakaupo sa ilalim ng puno at yakap yakap ang isang regalo.

Huminga ng malalim si Pipoy at nilapitan ang kanyang minamahal.

(to be concluded)