sk6

Thursday, May 21, 2009

Chapter 6: Kalayaan

Chapter 6: Kalayaan

Isang sabado lumabas ang grupo at nanood ng sine, pagkatapos ay kumain sila sa isang fastfood resto. “Ano darating ba sina Annika?” tanong ni Ella at lahat napatingin kay Pipoy. “Ano ba? Tuwing babanggitin niyo si Annika titignan niyo ako. You don’t have to do that” sabi ni Pipoy. “Oo daw kasama niya si Bobby kaya antayin nalang natin bago tayo mag order” sabi ni Vem. “Better pa para gatasan natin yang rich kid na yon” sabi ni Robert at nagtawana sila.

After ten minutes dumating si Annika, malayo palang nakita nanila ang dalawa at magkaholding hands. Nagkatitigan si Pipoy at Annika saglit at napabitaw si Annika sa kamay ni Bobby. “Nameet mo na yung girls, so boys eto si Bobby ang boyfriend ko. Bobby this is Sarry, Robert, Vashty and Pipoy” sabi ni Annika at tinignan ni Bobby si Pipoy. “Ah Pipoy the bestfriend” sabi ni Bobby at nagkamayan sila lahat.

“Sige my treat, ano gusto niyo?” tanong ni Bobby. “Ikaw na bahala, treat mo e” sabi ni Vashty. “Oh okay sige, ah I need help” sabi ni Bobby at napatingin siya kay Annika. “Ako na” sabi ni Pipoy at bigla siya tumayo at lahat napatingin sa kanya. Nagpunta yung dalawa sa counter at medyo kinabahan si Annika. “Uy may sinasabi ba si Pipoy?” tanong niya. “Wala naman, ano naman dapat niyang sabihin?” tanong ni Robert. “Kasi matagal na kaming di nag uusap e, pero wala ba talaga siya sinasabi, uy be honest naman” sabi ni Annika.

“Wala nga talaga. Ano ba ineexpect mo kasing sabihin niya?” tanong ni Vashty at napatingin si Annika kay Bobby at Pipoy. Samantala sa counter di makapili si Bobby kung ano ang kukunin niya para sa lahat. “She does not like chicken, she likes cheeseburgers, no extra fillings, she does not drink softdrinks too” sabi ni Pipoy at napatingin sa kanya si Bobby at napatawa. “Alam na alam mo ha, o sige how about the others?” tanong ni Bobby at napangisi si Pipoy.

Pagbalik ng dalawa nanlaki ang mga mata ng iba pagkat ang dami nilang dalang pagkain. Naupo na yung dalawa at dinistribute ang food sa lahat. Nagulat si Annika pagkat pagkain niya lang ang naiiba pero yun nga ang mga paborito niya, tinignan niya si Pipoy at ngumiti lang ito sabay uminom ng softdrinks kaya napasimangot din lang si Annika.

“Wow pare ang dami nito ha, salamat talaga” sabi ni Sarry. “Oo, basta kaibigan ni Annika” sagot ni Bobby. Kumain na ang lahat pero halos di makakain si Annika pagkat pinapanood niya si Pipoy kumain ng mga pinagbabawal niyang pagkain. “Sarap pala ng fries at coke” sabi ni Pipoy at tumawa si Vashty. “Dahan dahan pare deadly combo yan, yung Coke sa bunganga ang release ng hangin, yung patatas sa pwet” sabi ni Vashty at nagkatawanan ang lahat.

“Uy pare wag kang mahihiya sa amin ha, relax ka lang” sabi bigla ni Pipoy kay Bobby at tumawa ito. “Oo nga e medyo nahihiya pa ako sa inyo” sagot ni Bobby. “Wag kang mahiya, pero expect mo na palabiro kami at kalog” sabi ni Pipoy. “Ah sige, ah oo balita ko malakas daw basketball team niyo ah, member din kasi ako ng school team. Kilala niyo ba yung sinasabi nilang Paul Francis, yung number eleven” tanong ni Bobby. “Bakit yon?” tanong naman ni Vashty bigla. “Ah, kasi balita ko magaling daw yon e at siya nagdadala ng team niyo. Kaya daw lumakas kayo bigla, gusto ko lang naman siya makita maglaro minsan kaya sana umabot team niyo sa Finals para school niyo tapos school namin maglaban” sabi ni Bobby at medyo nahanginan sila sa kanya.

“Ah, number 10 jersey ko di niyo ba ako nababalitaan?” biro ni Vashty at nagtawanan sila lahat. “Ah so member ka ng school team, sana umabot kayo para makapaglaro tayo sa finals” banat ni Bobby. “Pero kayo matangkad din kayo ah, player din kayo?” tanong ni Bobby kay Robert at Pipoy. “Dehins pare, di ko linya yan, musikero ako” sabi ni Robert kaya napatingin si Bobby kay Pipoy na nagpapakababoy sa fries. Di nakuntento kinuha pa niya fries ni Ella at doon lang niya napansin na lahat nakatingin sa kanya.

“What?” tanong ni Pipoy as if di sya nakikinig sa usapan. “Yan si Pipoy yung hinahanap mo, real name niya Paul Francis” sabi bigla ni Annika at ngumiti lang si Pipoy kay Bobby na nagulat. “Ah I see, so ikaw pala yung sinasabi nila” sabi ni Bobby. Uminom si Pipoy ng softdrinks at nginisian niya si Bobby, “Now you know” sabi niya at parang nagkatensyon bigla.

“Well sa finals nalang tayo magkita” sabi ni Bobby. “Kung makaabot kayo” banat ni Pipoy at kinakabahan na ang iba pagkat iba na ang inaasta ni Pipoy, at tuwing ganito siya makikipag away na ito. Kinuha ni Annika ang atensyon ni Bobby para humupa ang tension, ganon din ang ginawa ni Ella at Robert kay Pipoy.

Matapos nila kumain nagpaalam na sina Annika at Bobby pero biglang tumayo si Pipoy. “Pare sandali nga usap tayo saglit” sabi ni Pipoy at tumabi sila ni Bobby, napatayo na yung iba pero sumenyas si Pipoy na maupo sila. Tumalikod sila at may inabot si Pipoy kay Bobby na papel. “Pare eto nakalista ang mga gusto niya at mga ayaw niya” bulong ni Pipoy. Nagulat si Bobby at napangiti, “Uy salamat pre ha” sabi nya at ngumiti din si Pipoy. Nagkamayan sila pero namilipit sa sakit si Bobby bigla, “Pare break her heart and I will break your face” bulong ni Pipoy at mabilis bumitaw si Bobby.

Naupo ulit si Pipoy at tinignan siya ni Annika, dinedma lang siya ni Pipoy inagaw ang natitirang fries na isusubo na sana ni Sarry. Umalis na sina Annika at pagkalayo nila biglang nagkatuwaan ang grupo. “Tado ka talaga Pipoy, sasabihin mong relax siya tapos ikaw din lang magteterrorize sa kanya” sabi ni Vem at tawa sila ng tawa. “Hanep sa linya, now you know pa ha, ala pacman” sabi ni Vashty. “Di siya pumalag e, sana pumalag sya para narinig niya yung susunod na linya ko, try one now…sabay buntal sa face” banat ni Pipoy at lalo pa sila nagtawanan.

Hapon na nang nakauwi si Annika at napatingin siya sa bintana ni Pipoy at nakitang nakasara ito. Sumilip siya sa back yard ng bahay at nakita niya si Pipoy na hawak hawak ang bola at nakatingin lang sa ring. Lumapit si Annika at inagaw ang bola pero di parin siya pinansin ni Pipoy. “Poy…ano tinitignan mo sa ring?” tanong ni Annika. Hinarap siya ni Pipoy at napangiti, “Ah wala, may iniisip lang ako. Kumusta ang date niyo?” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika at parang masiyahin ang kaibigan niya.

“Okay lang…tagal din natin di nag usap ha…namiss kita” sabi ni Annika at napakamot si Pipoy. “Namiss din kita, uy may game kami bukas baka gusto mo manood” sabi ni Pipoy at napasimanot si Annika. “Ah oo siguro may laro din sina Bobby, okay lang” pahabol ni Pipoy. “Sana sinabi mo mas maaga, nauna siya e at naka oo na ako” sabi ni Annika. “Okay lang yon” sagot ni Pipoy at naninibago talaga si Annika sa kanya.

“Ei Poy, pasensya ka na at may pagkamayabang si Bobby ha” sabi ni Annika at nagsimula siya idribble ang bola. “May ipagmamayabang naman talaga siya e, eight years straight school nila ang champion” sabi ni Pipoy. “Pero alam mo halos pareho lang kayo, protective din siya at thoughtful like you” sabi ni Annika. “Dapat lang lang or else mapapatawag siya kay doc Bello ng di oras” sabi ni Pipoy. “Ano?” tanong ni Annika at tumawa lang si Pipoy. “Wala, sige na shoot na” sagot niya.

“Pero sana Poy walang magbabago sa atin” hiling ni Annika. “Hmmm…I cant promise that…merong changes magaganap pero don’t worry di affected ang friendship natin” sagot ni Pipoy at napangiti si Annika. “Bestfriends still?” tanong ni Annika at ngumiti si Pipoy. “Of course, remember we made that promise at this same spot nung bata tayo. Na forever tayo magiging bestfriends…so bestfriends we shall be” sabi ni Pipoy sabay inagay niya ang bola.

Di alam ni Annika kung matutuwa siya o malulungkot siya sa sinabi ni Pipoy. Natatandaan pa niya yung pangako nila nung bata sila, napatingin si Annika sa ring at nandon parin ang mga tinali nilang rubber noong araw na ginawa nila yung pangako na yon. Yon din siguro ang tinitignan ni Pipoy kanina naglaro sa isipan niya pero di niya alam bakit parang masakit sa dibidib ang pagkasabi niya.

Kinabukasan sa basketball game kakaiba ang aura ni Pipoy, wala na yung mga suot niyang pink sa katawan pero super laki ng ngiti niya sa mukha. “Pare naka drugs ka ba?” tanong ni Vashty nang maglakad sila papunta sa center court para sa jump ball. “No pare, happy lang ako” sabi ni Pipoy at nagtataka ang kaibigan niya. Nakapwesto na sa bilog si Vashty pero nakatingin parin siya kay Pipoy, “Para kang baliw, baka naman peke yang ngiti mo, alam mo nagluluksa ka pa” sabi ni Vashty at tumawa si Pipoy. “No pare, i am not hurting anymore, I can do so many things now…malaya na ako…just watch me pare” sabi ni Pipoy.

Buong laro tahimik ang gym at pinanood nila ang mistulang nadedemonyong si Pipoy. Bawat bola hinahabol kahit saan mapunta, ilang beses siyang nag dive at nadapa para mahabol ang bola, bawat pukol niya pumapasok. Pati si Vashty kinakalaban niya sa rebound. Nang matapos ang laro tahimik parin ang gym pagkat dumadayo lang sina Pipoy, wala nang magawa ang mga crowd kung tumunganga at tignan ang taong nagpatahimik sa kanila.

“Pare grabe ka ano ba nakain mo?” tanong ni Vashty nang lumapit na si Sarry at Beverly. “Pare alis na tayo dito ang sama na ng tingin nila sa atin” sabi ni Sarry at nagawa pa ni Pipoy tumawa. “Sana naman pare pinaabot mo sila ng 20, demonyo ka talaga” sabi ni Robert nang lumapit siya kama si Ella at Vem. “Hindi ba sila umabot ng 20?” biro ni Pipoy at nagtawanan sila. “!30-20, pare alis na tayo dito sabi ko sa iyo parang nararamdaman ko na kumukulo ang dugo nila” sabi ni Sarry.

“Now they know” banat ni Pipoy at pagtingin niya sa bench ng kalaban, nandon nakaupo ang mga players nakayuko ang ulo tila nagluluksa at nawalan na ng gana mabuhay pa. Huminga ng malalim si Pipoy, maganda ang pakiramdam niya, napatingin siya kay Ella at Vem at ngumiti. “Bakit parang ngayon ko lang napansin na ang gaganda niyo pala?” sabi ni Pipoy at bigla siyang siniko ni Vashty. “Brod walang talo talo” sabi ni Vashty at tumawa si Pipoy.

Samantala sa ibang lugar nag aantay si Annika, naka huddle pa sina Bobby matapos ang laro na pinanalo nila. Lumapit na si Bobby at nahalata ni Annika na malungkot ito. “O bakit ang sad mo e nanalo naman kayo at ang galing mo pala maglaro” sabi ni Annika. “Dahil sa bestfriend mo, nagakilala na siya ng todo” sabi ni Bobby at nalito si Annika. “Si Pipoy? Bakit si Pipoy?” tanong ni Annika. “Nagpadala kami ng scouts para panoorin laro nila, shet di ako makapaniwala na ganon nalang nila tinalo yun, yung team na yon ang kinalaban namin sa finals last year, nahirapan kami sa kanila. Tapos yung team niyo parang mani mani lang na tinalo sila, can you imagine 110 points na lamang” kwento ni Bobby at nanlaki ang mata ni Annika.

Hindi marunong sa technical terms ng basketball si Annika pero alam niya yung tungkol sa score. “Ows grabe ginawa yon ng school namin?” sabi ni Annika. “Bestfriend mo ang gumawa, shet I cant believe it tinalo pa nya scoring record ko na 40 points, he scored 80 points, di nakuntento 20 rebounds, at talagang nagpakitang gilas 15 steals…ano ba yang bestfriend mo?” sabi ni Bobby at napangiti nalang si Annika pero hindi niya ito pinakita kay Bobby.

The next morning nagsabay pumasok sina Annika at Pipoy, napansin ni Annika at kakaibang ngiti sa mukha ni Pipoy. “Congrats pala kahapon” sabi ni Annika at binangga lang siya ni Pipoy at nagtawanan sila. “Alam mo natatakot na sina Bobby sa iyo” kwento ni Annika. “They should kasi ewan ko I feel different, parang madami na ako kayang gawin” sagot ni Pipoy. “Bakit naman?” tanong ni Annika. Tumingin sa langit si Pipoy at ngumiti, “Kasi Annika…malaya na ako” sabi ni Pipoy.

Bago maka react si Annika pinagkaguluhan na si Pipoy sa campus at tangin nagawa ni Annika at pagmasdan si Pipoy nang palibutan siya ng mga schoolmates. “Excuse me excuse me…give way to the manager…mamaya na po ang mga autograph” banat ni Sarry pero bigla din syang yumakap kay Pipoy. Sumali na sa gulo si Robert at Vashty na pinagpapalo si Pipoy sa ulo at nanlisik ang mga mata ni Annika kaya tumigil sila.

“Sis, Pipoy looks so happy ano?” tukso ni Vem kay Annika pero di sya sumagot at pinanood lang si Pipoy. “Alam mo dapat pinanood mo siya kahapon, eto may nakuha video si Sarry sa phone look” sabi ni Beverly at pinanood ni Annika. Ten minutes ang video pero the whole nakangiti si Annika, pagtigil ng video napatingin siya kay Beverly, “Sorry naubos na memory e kaya lang nakuha namin” sabi nya kay Annika.

“Parang ang bilis niya magbago, its as if ibang Pipoy ang nakikita ko” sabi ni Annika bigla nang iplay niya ulit ang video pero tumunog na ang bell. “Sis mamaya send mo sa phone ko yan” sabi ni Annika at napatingin siya kay Pipoy at nakita niya na kumakaway sa kanya. Kumaway din si Annika at ngumiti pero deep inside parang may namumuong sakit.

Dismissal na at trinatransfer ni Beverly ang video sa phone ni Annika, inaantay nila ang paglabas ng boys pero ang tagal nila. Nagpasya sila pumasok sa campus at doon nila nakita ang boys kasama si sir Miggy at miss Kristine na guro nila.

“Miss Kristine itong boys nagpromise na magperform sa anniversary ng school, I saw them and they were good” sabi ni Sir Miggy. “Promise of forced?” banat ni Robert at nagtawanan ang apat. “Ah good naman, sino ba sa kanila ang marunong kumanta?” tanong ni miss Kristine at agad nila tinuro si Pipoy. “Oh Paul Francis, okay so you will be partnering with Anne, duet kayo” sabi ng guro at tinawag si Anne para lumapit.

“Anne o eto pala si Paul Francis marunong kumanta, so okay ba kung duet nalang kayo?” tanong nung guro at napatingin si Anne kay Pipoy at nagngitian sila. “Okay lang po mam” sagot ni Anne. “Teka e di masisira na yung boy group namin” hirit ni Sarry at nagtawanan sila. “Si Robert has a band so we can invite them, then itong dalawa magperform kayo ng ballroom dance” sabi ni sir Miggy at nagkatinginan si Sarry at Vashty.

“Ako yung lalake!” sabay pa nila sinagaw at lalo nagkatawanan. “Sige kung gusto niyo kayong dalawa mag partner, I was going to look for two girls para partner niyo sana” biro ni sir Miggy at nagngitian sina Sarry at Vashty. “Sir kami nalang maghanap pero kayo mag force sa kanila” suggest ni Sarry. “Okay sino ba?” tanong ni sir Miggy. “Si Beverly at si Vem po” sabi nila at parang nainggit si Robert. “Sir kahit metal ako dadance narin ako sir” sabi ni Robert at lalo nagkatawan. “Hmmm at sino naman ang partner mo?” banat ni sir Miggy at napasmile si Robert. “Sir si Ella sana” bulong pa nya at nilista ng guro ang panglalan at nagtilian na parang bakla ang tatlo.

Masayang lumapit ang tatlong boys sa grupo nina Annika kasama nila ang dalawang guro samantalang sina Pipoy at Anne naglakad sa campus. “So anong kakantahin natin?” tanong ni Anne. “Ewan ko nga e, ay nag thank you na ba ako for before…you know” tanong ni Pipoy. “Try one now” sagot ni Anne at napatingin sa kanya si Pipoy, “Ah, thank you pala noon ha” sabi nya at biglang tumawa si Anne. “SIra yung commercial yon” sabi nya at napatawa si Pipoy at napakamot. “Nadali mo ako doon ha” sabi ni Pipoy at nagtawanan sila.

“Ayon…so I don’t know yung range ng voice mo maybe we could practice tapos decide later” sabi ni Anne. “Okay, sorry wala ako alam sa range range ha, pero sige sabihin mo lang kung kailan” sagot ni Pipoy. “Ikaw, baka nalang pag free ka baka may lakad kayo ng girlfriend mong si Annika” sabi ni Anne. “She is not my girlfriend, best friend ko lang, may boyfriend sya galing ibang school” sagot ni Pipoy. “Ah okay so bukas after class okay lang?” tanong ni Anne. “Yup sige, sunduin nalang kita sa class mo” sabi ni Pipoy at tumawa si Anne. “Baliw magkaklase tayo kaya” sabi ni Anne at napakamot sa hiya si Pipoy.

Sa grupo nina Annika tila manhid si Annika sa sinasabi ng mga guro pagkat nakatitig lang siya kina Pipoy at Anne. Di man lang niya namalayan na nagwawala na ang mga kaibigan niya pagkatapos umalis ng mga guro habang tumawatawa ang boys. “Hoy Annika bakit tulala ka diyan?” tanong ni Ella.

“Bakit sila nag uusap?” tanong ni Annika at napalingon ang lahat kina Pipoy at Anne na tumatawa. “Ah duet sila, kakanta sila” sagot ni Sarry at lalo napasimangot si Annika. “Ah…pero maganda si Anne ano?” biglang tanong ni Annika at sa kaniya naman napatingin ang lahat. “Annika ano ba problema mo?” tanong ni Beverly at napangiti nalang si Annika at tinignan sila.

Nakipagtsikahan na si Annika pero plastic ang mga tawa at ngiti niya, pasulyap sulyap parin siya kina Pipoy at habang tumatagal lalong sumasakit ang dibdib niya sa kanyang nakikita.


(itutuloy, wag po atat mahirap magsulat din)