sk6

Wednesday, May 20, 2009

Chapter 4: Fairy Tale

Chapter 4: Fairy Tale

Two weeks lumipas, dismissal noon at nagtipon ang mga girls bago sila mag uwin. Habang sila ay nagtsitsikahan may lumapit na mga lalake galing sa ibang school upang makipagkilala sa kanila. Sa malayo nakita ni Robert ang pangyayari at tinuro niya ito kay Sarry. “Pare look may boys nakikipagkilala sa kanila o” sabi nya. “Oo nakita ko teka tinetext na ko na nga si Bekang e” sabi ni Sarry. Ilang seguno lumipas nakatanggap si Sarry ng text at binasa niya ito, “Kay Annika sila interested” nakasulat sa text na galing kay Beverly. Nakahinga ng maluwag si Sarry at hinanap si Pipoy.


“Nasan ba si Pipoy at Vashty?” tanong ni Sarry. “May short meeting daw sila ng team” sabi ni Robert pero bigla sila ginulat ng dalawa na nagtatago lang pala sa tabi. “Ano meron?” tanong ni Pipoy at tinuro nila ang mga girls na may kasamang mga lalake, pinabasa ni Sarry ang text kay Pipoy at singbilis ng kidlat umalis ito at nagtungo sa mga girls. Sinundan nila si Pipoy at naghanda baka mapapaaway sila.

Pangiti ngiti lang si Annika habang binobola siya ng mga lalakeng taga ibang school, biglang may umakbay sa balikat niya at paglingon niya si Pipoy yon. Bungisngis ang ibang girls habang parang nairita ang mga dayo. “Ano uwi na ba tayo?” tanong ni Pipoy kay Annika at game na game naman sumandal si Annika sa dibdib ni Pipoy. Dumating narin ang ibang boys at nalula ang mga dayo sa tangkad ni Vashty at Pipoy. Aakbay din sana si Sarry kay Beverly pero naunang siya ng siko kaya pasimple siyang namilipit.

“Ah sige mauna na kami” sabi ng isang dayo. “Sige, ingat” sagot din ni Pipoy. “Wow linya ni John Loyd yun ah” biro ni Vashty, umalis ang mga dayo pero lingon sila ng lingon kina Pipoy. “Diretso lang lakad wala nang lingon lingon pa” sabi ni Robert at mukhang nairita ang mga dayo pero di na sila lumingon pa.
“Uy alam mo bagay kayo” tukso ni Ella kina Pipoy at Annika. “Sanayin ko na nga kaya ang ganito?” sagot ni Pipoy habang ngumiti sya at hinigpitan ang akbay kay Annika. Napatingin ang girls kay Annika at nakita nilang nagpipigil siya ng ngiti pero siniko niya si Pipoy at lumayo. “Ah akala nila makukuha nila ang girls natin ha, di ata nila kaya talunin ang F4, e sila C4 lang sila” banat ni Sarry.

“Ano yung C4?” tanong ni Beverly. “C4 as in Chaka 4” sumbat ni Sarry at nagtawanan sila lahat. “E kayo ano naman ibig sabihin ng F4?” tanong ni Vem at biglang sumayaw ang apat sabay kanta. “Oh baby baby baby…oohh baby baby” at sobra ang mga tawanan ng girls at lahat ng nakakita sa kanila.

“Yak! Ang korny niyo talaga, nakakahiya kayong kasama!” sabi ni Ella at tawa ng tawa ang mga boys. “Oy bakit sila natatawa o, look around and see how famous we are” sabi ni Pipoy. “Ang baduy pa ng kanta niyo grabe” sabi ni Annika at natigil si Pipoy at napatingin siya sa mga kabarkada niya. “Boys sinusubukan nila tayo, kailangan natin ipakita ang killer move natin” sabi ni Pipoy at napasimangot si Robert. “Tol masisira image ko pare” sabi nya. “Arte mo, makisama ka nalang” sabi ni Vashty.

“Sige nga patingin nga ng killer move niyo” sabi ni Annika. “O talagang sinusubukan nila tayo o, Robert on the guitar, Pipoy on vocals, Sarry and Vashty back up dancers and singers” sabi ni Pipoy at kahit wala pang ginagawa ang boys tawa na ng tawa ang girls. “Pasensya na kayo kulang kami sa practice pero eto” sabi ni Pipoy at biglang nagsayawan ang boys habang kinanta ni Pipoy ang Mambo number 5.

“….a little bit of Annika in Pipoy’s life…a little of Bekang in Sarry’s side….a little bit of Vem is what Vashty needs….a little bit of Ella is what Robert needs…” kanta ni Pipoy at manghang mangha ang mga girls sa kanila pagkat talagang kumekembot ang boys at pati na si Robert na kontra kanina napapasayaw narin siya habang kunwari nagpapatugtog ng imaginary guitar.

Aliw na aliw ang mga girls at napapsabay narin sila sa pagsaway. Ilang sandali pa natapos na ang kanta at nag final pose pa ang mga boys at tawa ng tawa ang ibang mag aaral sa paligid. Biglang natahimik ang girls at nagtaka ang mga boys, lumapit isang guro at tumayo sa atensyon ang mga boys.

“Sorry po sir Miggy” sabi ni Pipoy pero biglang tumawa ang guro. “Oh no, I actually liked it, so magpeperform kayo sa anniversary ng school natin. Bawal na tumanggi at illista ko na pangalan niyo” sabi ng guro at umalis na siya pero napapasayaw parin kaya tawa ng tawa ang mga girls.

Nagkatinginan ang mga boys at nanlaki ang mga mata nila, “Shet makikilala na tayo!” sigaw ni Pipoy at nagtawanan silang apat. “Pare nakita mo yung ngiti ni Ella, shet kahit na masira image ko basta nakikita ko syang ganon okay lang” bulong ni Robert kay Vashty at nagtilian silang parang bakla.

“Oy, ano naman meaning ng pag partner partner niyo ng names?” tanong bigla ni Vem at tumahimik ang boys. Umakbay ulit si Pipoy kay Annika, “Tara na Annika uwi na tayo” sabi ni Pipoy at sumama naman si Annika sabay kaway sa mga girls at boys. Halos di makasalita sina Robert at Vashty pero si Sarry sumaya pagkat maganda ang ngiti ni Beverly sa kanya.

Nang nakalayo na sina Pipoy at Annika tuloy parin ang pag akbay niya sa kanyang bestfriend. “Poy, bakit mo ako inakbayan agad kanina nung meron yung mga dayo?” tanong ni Annika. “Di ko sila type para sa iyo” sagot ni Pipoy at napangiti si Annika. “Akala ko ba wala kang pakialam sa mapipili ko?” hirit ni Annika. “I changed my mind, baka chaka ang mapili mo e you deserve better so para patas ako din ang mamimili para sa iyo” sabi ni Pipoy.

“E bakit ka parin nakaakbay sa akin?” tanong bigla ni Annika at parang nanigas ang kamay ni Pipoy at natulala siya. “Ah saka ko na aalisin pag may nakita na akong deserving, so far wala pa naman o” sabi nya at nagtawanan sila. “E pano kung walang deserving?” hirit ni Annika. “E di sanayin mo nang ganyan yan habang wala, ay teka ayaw mo ba na inaakbayan kita?” sabi ni Pipoy.

Sinandal ni Annika ang katawan niya kay Pipoy at lalo pang bumagal ang lakad nila. “Hindi sige lang, sasanayin ko nang ganyan….muna” sabi ni Annika. Ganitong ganito ang pangarap ni Pipoy kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti. Alam niyang wala siyang espasyo sa puso ni Annika kaya nilasap nalang niya ang bawat segundo na kaakbay niya ang bespren niya. Ang di alam ni Pipoy ganon din ang nararamdaman ni Annika, may ngiti din siya sa mukha niya at kanina pa niya gustong yakapin si Pipoy pero nahihiya siya.

“Poy ano nga pala ibig sabihin ng F4 niyo?” tanong ni Annika. “Ha? Funny 4” sagot ni Pipoy at napatingin sa kanya si Annika. “Funny 4 talaga?” tanong niya at napangisi si Pipoy. “Fafabol 4” banat ni Pipoy at biglang tumawa si Annika at napayakap sya sa katawan ni Pipoy. Mabilis din lang siya bumitaw at nagpasimple na walang nangyari.


Isang dismissal sinundo ni Aika ang anak niya sa school para kumain sila ng dinner sa labas. Hindi nakasama si Pipoy pagkat may basketball practice siya. Pagkatapos ng practice nagtagpo ang boys sa tambayan nila at biglang namiss ni Pipoy si Annika. Sabay si Sarry at Pipoy nagpauwi at biglang inakbayan ni Pipoy si Sarry. “Pare ano ka ba?” tanong ni Sarry sabay tinulak niya palayo si Pipoy.

“Namimiss ko si Annika, lately inaakbayan ko siya pag umuuwi kami, pare kunwari ikaw si Annika” sabi ni Pipoy at muli niyang inakbayan si Sarry na pumiglas. “Pagbibigyan mo ako o hindi?” banta ni Pipoy at natawa si Sarry. “Pare naman brokebakness to no” sabi ni Sarry. “Pretend lang naman e, halika na” sabi ni Pipoy at inakbayan niya ulit si Sarry. “Wag kang magsasalita baka sirain mo imagination ko” sabi Pipoy at natatawa nalang si Sarry.

“Pare alam mo sinasandal ni Annika ang head niya sa chest ko” sabi ni Pipoy at kumalas ng tuluyan si Sarry at tawa ng tawa si Pipoy. “Kabaklahan na yan pare ha” sabi ni Sarry at halos mamatay na sa tawa si Pipoy. “Ayaw ko na amoy araw ulo mo e, si Annika mabango” sabi ni Pipoy at pareho silang tawa ng tawa pero biglang nagseryoso si Sarry. “Oy pare wag ka masyado magsasaya tandaan mo mataas ang babagsakan mo, baka di ka namin maiahon in the end” sabi ni Sarry.

Napasimangot si Pipoy at huminga siya ng malalim, “Pare right now, me and Annika kahit ganito lang its like I am living in my dream. Never ako naging happy na ganito pero oo alam ko in the end ako din lang masasaktan…this might be the first fairy tale that ends up sad” sabi ni Pipoy. “Malay mo pare your story hindi pang fairy tale” sabi ni Sarry at napaisip si Pipoy. “E ano naman daw?” tanong ni Pipoy. “Kwento ng mga martyr at bayani, aaralin ka sa elementary, Pipoy ang dakilang martyr!” biro ni Sarry at tawa sila ng tawa. “Sige pare dito na me, there na you, bukas!” sabi ni Pipoy at naghiwalay na sila ng landas.

Isang Friday, dismissal mag isa ni Annika sa waiting shed inaantay tumila ang ulan. Maganda ang sikat ng araw nung nagsimula ang umaga pero bigla nalang sumama ang panahon. Nasa practice si Pipoy at mag isa niya uuwi ngayon, medyo humina na ang ulan kaya nagpasya na siyang maglakad.

Bigla nalang lumakas ulit ang ulan, pinatong nalang ni Annika ang bag niya sa ulo niya pero biglang may dumikit na katawan sa kanya at tumigil ang patak ng ulan sa mukha niya. Paglingon niya nandon si Pipoy, may dalang payong at nakangiti sa kanya. “Akala ko may practice ka?” tanong ni Annika. “Meron pero alam ko din wala kang payong so nagpaalam ako na umuwi ng maaga” sagot ni Pipoy at inakbaya niya si Annika at naglakad na sila.

“Kanino naman daw yang payong?” tanong ni Annika. “Akin, nagbabaon ako ng payong araw araw just in case mangyari ang tulad ngayon, actually dalawa nga dala ko kasi alam ko tamad ka magdala ng payong e” sabi ni Pipoy at natawa si Annika. “Ano ilabas ko yung isa?” tanong ni Pipoy at tinignan siya ni Annika, hindi siya sumagot pero kumapit sya as isang kamay ni Pipoy at tuloy na sila naglakad.

“Kahit umulan man o umaraw, payong ko iyoy maasahan, di ka na mababasa ng ulan…” kanta bigla ni Pipoy at napatingin si Annika sa kanya at tumawa sila pareho. “Di ka na mababasa ng ulan ellla ella ella” tuloy ni Pipoy at tumawa si Annika. “Sa English naman yong ella ella e” sabi niya. “E kasi pag de de de parang bastos e kaya ella ella ella nalang” sabi ni Pipoy.

Sabay na sila kumanta habang silay naglalakad, “…di ka na mababasa ng ulan ella ella ella…” kanta nila at pakembot kembot pa sila ng sabay at tawa ng tawa. Biglang niyakap ni Annika ang kamay nya sa baywang ni Pipoy at napatingin sa kanya ang bespren niya. Nagpacute lang si Annika sabay tinuloy ang kanta at nakisabay narin si Pipoy at mas hinigpitan niya ang akbay nya.

Kahit na lumakas pa yung ulan silang dalawa lang ang nag eenjoy na naglalakad sa kalsada.

Kinabukasan ay first game nina Pipoy, kasama ni Annika ang magulang ni Pipoy tapos sumabit narin ang mga girls. Nandon din si Sarry at Robert na nagmistulang cheering squad, at di nagpapawat ang tatay ni Pipoy na si Pepito sa pagsisigaw kahit di pa nagsisimula ang laro.

Warm up palang sina Pipoy at kinakabahan na si Annika, “Sis may tinatago ba si Pipoy?” tanong ni Ella. “Bakit?” tanong ni Annika. “Kasi tignan mo medyas niya pink, tapos yung sweat band niya sa ulo pink din” sabi ni Ella at natawa sila lahat pero ngumiti lang si Annika. “Yung medyas akin, di niyo nakikita pero basta exams suot niya yan, lucky charm daw nya” sabi ni Annika. “Tapos yung sweatband akin din yan, head band ko kaya yan” dagdag ni Annika at bigla siya tinukso ng mga girls.

“Yung suot niyang undershirt sa iyo din” sabi bigla ng mommy ni Pipoy at namula na si Annika pagkat lalo pa sya tinukso ng mga kaibigan niya. Tapos na ang warm up at pumunta na ang starting five ng school team sa gitna at lumabas narin ang manlalaro ng visiting school team.

Nagkamayan sila pero tinatawanan si Pipoy ng mga kalaban dahil sa suot niya. Hindi napapansin ni Pipoy ang mga biro pagkat nakatitig lang siya kay Annika. “Hoy pare focus” bulong niVashty. “Oo pare alam ko, pero sobrang saya ko talaga ngayon. First time ako mapapanood ni Annika at what I do best, shet ayaw ko magkalat pare” sagot ni Pipoy. “Don’t worry I got your back pre” sabi ni Vashty at pumwesto na sila sa labas ng bilog at magsisimula na ang laban.

Bungisngis parin ang mga kalaban pero nanlisi ang mata ni Pipoy, si Vashty ang naki jump ball at mabilis niya ito natapik papunta sa point guard nila. Takbo si Pipoy at agad pinasa sa kanya ang bola, mabilis humarap ang gwardya niya pero tinitigan niya ito. “Tawa tawa kayo dyan ah, kainin niyo to” sabi ni Pipoy sabay mula sa three point line tinira niya ang bola at pasok ito agad sa ring. Binomba ni Pipoy ang kamay niya sa ere sabay turo kay Annika.

Nagtilian at nagsigawan ang mga girls, si Annika nakaupo lang at gusto din sumigaw pero iba ang nararamdaman niya sa dibdib nya. Ngayon niya lang napanood si Pipoy maglaro, dati sila lang dalawa nag shoshooting sa likod ng bahay nila. Kitang kita niya ang tuwa ni Pipoy habang naglalaro pero lalo siya natutuwa tuwing ituturo sya pagkatapos ng bawat shoot, ngayon naiintindihan na niya ang ginagawa ni Pipoy mula nung bata sila. Bawat shoot ni Pipoy sa maliit na ring tinuturo niya si Annika, ngayon niya naintindihan na bawat shoot ni Pipoy ay inaalay niya yon sa kanya.

“GO PIPOY!!!!” biglang sigaw ni Annika at lahat ng tao napatingin sa kanya. “Annika ano ka ba time out ano” bulong ni Ella at hinila siya pabalik sa upuan niya. Hiyang hiya si Annika pero pumunta bigla si Pipoy sa gitna ng court at tinuro si Annika. “AAANNNIIKAAAAA!!!! Artista na ako!!!” sigaw niya sabay kumaway kaway siya pero pinituhan siya ng refree kaya bumalik sya agad sa bench. Sobra ang tawanan ng mga tao pero ayos lang pagkat malaki ang lamang ng home school.

Pagkatuloy ng laro pinatid si Pipoy at napasigaw si Annika, gumulong si Pipoy sa court pero ang bilis niya tumayo sa atensyon at tinaas ang mga kamay niya sa ere sabay tingin sa taas. Palakpakan ang mga tao sa ginawa ni Pipoy, di mapigilan ni Annika sa katatawa sa ginawa niya pero sadyang palatawa si Pipoy.


Pagkatapos ng game panalo ang school team, hindi sila nagsasaya dahil sa panalo pero sa sayaw ni Vashty at Pipoy sa gitna ng court pagkatapos ng laro. “Pare pwede na ako mamatay…she watched me play the whole game pare” sabi ni Pipoy habang pinapalakpakan sila ng crowd. “Oo nga e pati si Vem pare kaya medyo gumanda laro ko din” sabi ni Vashty at nagtawanan sila.

“Annikaaaaaaa!!!” biglang sigaw ni Pipoy at lahat napatingin kay Annika na nahiya nanaman pero tumayo siya at tinuro si Pipoy, “Pipoooooyyyy!!!” sigaw din ni Annika. “Annikaaaaaa!!!” sigaw ulit ni Pipoy at sobrang tawanan ng lahat ng tao dahil sa palitan nila.

“This is what fairy tales are made of pare”

(itutuloy)