Chapter 11: Broken Promise
Isang dismissal sa malamig na Disyembre nakatambay si Annika at mga girls sa labas. Nakita nila lumabas si Pipoy at Anne pero parang dedma lang si Annika. “Nag aaway ba ulit kayo sis?” tanong ni Ella. “Hindi naman, pero namimiss ko lang na magkasama kami, last time kami nagsama umuulan non pero after that bihira na. Bihira narin kami mag usap” kwento ni Annika. “E syempre ganyan talaga kasi may kanya kanya na kayong love interest” sabi ni Ella at napasimangot si Annika.
“I know, pero sana naman di niya makalimutan ang birthday ko sa 11” sabi ni Annika. “Ay oo nga no, maghahanda ka ba sa house niyo?” tanong ni Ella. “Oo daw sabi ni mommy, pero teka nasan si Vem?” tanong ni Annika. “Ayun nagdate sila ni Vashty” sagot ni Beverly. “Ows? Sila na ba?” tanong in Annika. “Hay sis, parang di mo napapansin, matagal na sila no…pero ang dapat na tanong mo ay kailan sasagutin ni Ella si Robert” banat ni Beverly at biglang namula si Ella. Tinukso nila si Ella at nagpakamaldita si Annika at pilit siyang pinapaamin.
The following day sumama si Pipoy sa grupo at lahat sila kumain sa labas. Nagtabi si Annika at Pipoy pero napansin ni Annika na walang pagkain ang kaibigan nya. “Poy, bakit di ka mag order?” tanong ni Annika. “Hindi ako gutom” palusot ni Pipoy. “Ikaw? Hindi gutom?” tanong ni Annika at nagtawanan yung iba. “Wala kang pera ano?” tanong in Annika at napailing si Pipoy.
“Wala ano? Hay naku saan mo ba inuubos pera mo?” tanong ni Annika at napangiti lang si Pipoy pagkat nahihiya sya sa mga barkada niya. “Hay nagka girlfriend ka lang ganyan ka na, my God Pipoy naman. Ano gusto mo? Sige na ako na bibili” sabi ni Annika at napakamot nalang si Pipoy sa hiya habang nagbubungisngisan ang mga boys.
Pagbalik ni Annika nagulat si Pipoy pagkat may fries ang softdrinks na kasama ang burger niya, mga dating ayaw niya ipakain sa kanya. “Ikaw talaga inuubos mo lahat sa babaeng yan, siguro kaya di ka din nagtetext sa akin ano?” sermon ni Annika at napatingin si Pipoy sa fries. Dumampot si Annika ng isa sabay sinubo sa bibig ni Pipoy at lalo nagtawanan ang iba.
“Alam niyo ang sweet niyo” banat ni Ella at natauhan bigla si Annika pero si Pipoy nakangiti at kinakain ang fries. Napatingin si Pipoy sa fries at softdrink sabay tinignan si Annika, “O diba gusto mo niyan? Sige na wag ka na mahiya pa” sabi ni Annika at lalo pa sila tinukso. “Sugar mommy” sabi ni Sarry at natawa si Pipoy pero binato ni Annika si Sarry ng isang pirasong fries.
Habang kumakain ang lahat napatingin si Annika kay Pipoy, “Poy, siya nga pala, next Wednesday may party sa bahay nina Vem, punta tayo ha” sabi ni Annika kaya nagulat si Vem. “Wednesday? Ay sorry ha, may lakad kami ni Anne after class e” sagot ni Pipoy at napatingin siya kay Vem. “Ah okay lang” sagot ni Vem pero nanlaki ang mga mata ni Annika kaya kumambyo siya. “Ah Pipoy pero sana nandon tayo lahat kasi, di ka ba makakahabol man lang?” tanong ni Vem at ngumiti si Annika pero nang napatingin sa kanya si Pipoy pasimple siyang kumagat sa cheeseburger niya.
“Try ko ha, pero no promises, sorry talaga ha kasi nakapagplano na kami e” sabi ni Pipoy at halos di makagat ni Annika ang pagkain niya. “Dibale nandon naman si Annika, siya nalang ang proxy ko, at siya na din ang kakain ng share ko matakaw naman yan e” banat ni Pipoy at di kumibo si Annika at binalot ang pagkain niya sa wrapper.
Naging mailap si Pipoy at lalong nalungkot si Annika, araw ng birthday niya lahat nagtipon sa main gate pero di man lang dumaan si Pipoy at umalis sila agad ni Anne. Di maipinta ang itsura ni Annika at napasandal nalang siya sa balikat ni Vem. “Nakalimutan na niya talaga” sabi ni Annika. “Sana sinabi mo sa kanya kasi” sabi ni Ella. “E di parang pilit yon diba? Bakit dati lagi niya naalala, kahit malayo pa binabati na niya ako, nagkagirlfriend lang siya parang nalimutan na niya ako bigla” drama ni Annika.
Dumating na ang kotse ng mommy ni Annika at nagsisiksikan sila sa loob, nagpaiwan nalang si Robert at Vashty at makikisabay nalang sila kina Bobby pagdating nila.
Pagdating sa bahay sobrang lungkot ni Annika at kahit anong gawin ng girls talagang hindi nila ito mapangiti. “Annika ano ka ba birthday mo, mag smile ka naman kahit konti” sabi ni Beverly at huminga ng malalim si Annika at ngumiti. “Okay na ako, tanggap ko na” sabi niya at eksaktong dumating ang sasakyan ni Bobby. “Knight in shining armor” biro ni Vem at tumawa si Annika. “Siguro nga” sabi ni Annika sabay tingin sa may bintana ni Pipoy.
First time ganito kalaki ang party ni Annika, for the past few years maliit lang ang party niya, laging nakakauwi ang mommy niya para sa birthday niya at sila lang at ang pamilya ni Pipoy ang nagdiriwang. Ngayon kasama na ang mga kaibigan niya at kanyang boyfriend pero kahit pilitin ni Annika ngumiti nalulungkot parin siya pagkat wala don si Pipoy.
Natapos nila kantahan si Annika at pinikit niya ang mata niya bago niya hipan ang mga kandila sa cake niya. Napatagal ang pikit ni Annika, pagmulat niya nagulat siya pagkat lahat nakatingin sa kanya. Hinipan niya ang mga kandila at lahat nagsiya na.
“Sige na kain na” sabi ng mommy ni Annika kaya nagkagulo na sa lamesa. Dumikit si Ella kay Annika sabay bulong, “Uy, anong winish mo?” tanong ni Ella. “Siya” sabi ni Annika at nang sundan ni Ella ang tingin ni Annika doon nakatayo si Bobby at nakangiti sa kanila. “Uy” tukso pa ni Ella pero ang di niya alam hindi naman si Bobby ang tinitignan ni Annika, nagkataon lang na nakatayo doon si Bobby sa may Bintana at natatakpan ang view sa binatana ni Pipoy.
Kumakain na ang lahat, kinuhanan ni Bobby si Annika ng pagkain pero hindi niya ito ginalaw. “Bakit parang malungkot ka?” tanong in Bobby. “Hindi, speechless lang ako kasi first time ganito sa birthday ko” palusot ni Annika. “Ah, at oo nandito mommy mo na for good, di na siya yung nagmamadaling aalis” dagdag ni Bobby at napangiti si Annika at muling napalingon sa nakasarang bintana ni Pipoy.
Natapos na ang lahat sa pagkain at nagkaroon ng munting kasiyahan sa salas. Nag usap sa isang tabi si Bobby at Annika at parang nahihiya ang boyfriend niya. “Uy wala pa akong gift, nabigla naman ako sa pagtext mo kanina, di tuloy ako nakabili ng regalo mo” sabi ni Bobby. “Ah okay lang, ayaw ko na nakakatanggap ako ng gifts ever since bata ako. Di ko alam bakit basta okay na nandito ka” sagot ni Annika at hinawakan ni Bobby ang kamay niya.
Alas otso na ng gabi at nagpasya nang umuwi ang iba, nag alok si Bobby na ihahatid ang lahat kaya nagsitakbuhan ang iba sa van. Hinalikan ni Bobby si Annika sa pisngi at nagpaalam na, huling lumabas ng pinto si Ella at tinabihan ang kaibigan niya.
“Sis bakit parang malungkot ka? Siya namang yung winish mo diba?” sabi Ella. “Hindi siya…siya” sabi ni Annika sabay tingin sa bintana ni Pipoy at nagulat si Ella. “Ay sorry sis, dibale babawi siguro yon sa next. Uy di ka pa kumain, kain ka na after namin umalis ha” sabi ni Ella at nagyakapan silang magkaibigan.
Pinanood ni Annika umalis ang van, siya ang naiwan sa labas at muli siyang napatingin sa bintana ni Pipoy pero nakasara parin ang bintana at nakapatay ang ilaw. Papasok na sana siya pero bigla siyang nakarinig ng pagdribble ng bola, ang bilis niyang tumakbo papunta sa likod ng bahay nina Pipoy pero at nagulat siya pagkat mommy nya at magulang in Pipoy ang nandoon.
“Sorry, napag utusan lang kami” sabi ni ng tatay ni Pipoy at nagtaka si Annika. “Napag utusan?” tanong ni Annika at lahat sila ngumiti sa kanya. Lumapit ang tatay ni Pipoy at inabot ang susi kay Annika at nagtataka parin siya, “Susi?” tanong ni Annika pero namukaan niya ito pagkat meron din siyang spare key dati para sa bahay nina Pipoy. “Sige na kanina pa siya naghihintay” sabi ng tatay ni Pipoy at nagulat si Annika at tumakbo ng mabilis papunta sa pinto.
Pagkasaksak niya ng susi sa may pinto bigla sya napatigil at naalala niya ang nakaraan. Kada birthday niya lagi nawawala si Pipoy at nagkukulong sa kwarto niya. Laging pumupunta si Annika sa kwarto para sunduin siya pero laging may surpesang nakahanda. Halos maluha siya konti pagkat siya pala ang nakalimot at hindi ang kaibigan niya.
Agad niyang binuksan ang pinto at dumiretso sa taas, agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Pipoy at sa dilim biglang may nagsindi, isang kandila sa ibabaw ng isang cup cake at nagsimula nang kumanta si Pipoy. Napaluha si Annika, hindi siya nakalimutan ni Pipoy ngunit siya ang nakalimot sa dati na nilang nakasanayan.
Pagkatapos ng kanta pinunasan ni Pipoy ang luha ni Annika sabay hinipan ni Annika ang candle. Ibinaba ni Annika ang cupcake at niyakap si Pipoy ng mahigpit. “I thought you forgot…ako pala ang nakalimot” sabi nya. “Annika…never akong makakalimot” sagot ni Pipoy at biglang naalala ni Annika ang unang birthday niya sa bahay na yon.
Eleven Years Ago
“Tita nasan si Poy?” tanong ng batang Annika. “Ha? Kasi sabi nya wag ko daw sasabihin e” sabi ni Eunice at nagsimangot si Annika. “Bertday ko pa tapos wala si Poy” drama ni Annika at malapit nang iiyak. “Imbes na umiyak ka hanapin mo nalang siya” sabi ni Pepito at pinunasan ni Annika ang luha niya at agad tumakbo palabas ng bahay at nagtungo sa likod. Wala si Pipoy doon kaya nagsimula nang umiyak si Annika at bumalik sa bahay.
“O umiiyak ka nanaman, di mo pa naman natry lahat” sabi ni Eunice sabay turo sa taas. Natuwa si Annika at ang bilis umakyat ng hagdanan kaya nag nerbyos ang mag asawa at sinundan siya. Sumugod siya sa kwarto nila at doon niya nahanap si Pipoy na may hawak na cupcake at kandilang maliit. “Teka ang daya e tinuro ni mommy e” sabi ni Pipoy at tumalikod siya para itago ang cupcake.
Lumapit si Annika at pilit sinisilip ang tinatago ni Pipoy, “Nakita ko na yan!” sigaw ni Annika kaya nainis si Pipoy at humarap na. Nakaturok na yung kandila sa cupcake at inabot niya ito kay Annika. “O happy bertday” sabi ni Pipoy at ngumiti si Annika. “Bakit wala sindi, sindihan mo” sabi ni Annika. “E di nga tayo pwede humawak ng match diba?” reklamo ni Pipoy at pumasok na sa kwarto si Pepito at sinindihan ang kandila, mabilis din lumabas ng kwarto at sinara ang pinto.
“Oh blow mo na candle dali baka tumulo candle sa cake mo” sabi ni Pipoy at agad hinipan ni Annika ang candle. “Teka pala nagwish ka ba?” tanong ni Pipoy. “Wish?” tanong ni Annika. “Oo dapat magwish ka muna, teka Daddy! Alam ko nandyan kayo sindi mo ulit!” sigaw ni Pipoy at muling nagbukas ang pinto at agad sinindi ni Pepito ang kandila. Nagpasok din si Eunice ng mga pagkain at sabay na sila umalis. Nagbungisngisan ang mag asawa at iniwan na ang dalawa sa kwarto.
“O sige na wish ka muna, close mo eyes mo para magkatotoo tapos blow mo” utos ni Pipoy at pumikit si Annika saglit at agad hinipan ang kandila. “O wag mo sabihin wish mo sakin kasi hindi magkakatotoo” sabi ni Pipoy at hinawakan ni Annika ang cupcake. Inalis ni Pipoy ang kandila at naupo na siya sa sahig.
“Pano hatiin ito?” tanong ni Annika nang naupo siya sa tabi ni Pipoy. “Hindi na hati, sa iyo yan e, cake mo yan” sabi ni Pipoy. “E bakit mo pa ako binigyan ng ganito e may mas malaki sa baba?” tanong ni Annika. Napakamot si Pipoy at tumawa, “E wala ako pera e at di ko alam ano gusto mo kaya bumili nalang ako ng laruan ko tapos yan nalang sa iyo” sagot ni Pipoy at ngumiti si Annika. Hinati ni Annika ang cupcake at inabot ang isang hati kay Pipoy. “O kainin mo yan kung hindi di na tayo bati” sabi ni Annika at kinuha ni Pipoy at agad kinagad ang hati niya.
Sumandal si Annika sa katawan ni Pipoy at sabay nila kinain ang cupcake. “Poy, pag birthday ko wag mo na ako bigyan gift ganito nalang lagi, basta hati tayo lagi ha” sabi ni Annika at niyakap siya ni Pipoy at hinalikan sa pisngi. “Basta birthday mo lagi tayong ganito promise” bulong niya.
Sa kasalukuyan
Bumitaw si Pipoy at Pinaupo si Annika sa sahig, kinuha ni Pipoy ang cupcake at hinati ito sa dalawa. Napansin ni Annika na may nakahandang pagkain sa tabi pero mas pinili niyang kainin yung cupcake nila. “Akala ko nabreak mo na yung promise natin noon e” sabi ni Annika. “Actually I did” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika at napatingin kay Pipoy.
Biglang may nilabas si Pipoy na gift at inabot kay Annika, “Alam ko nag promise tayo na wag magbibigay ng gifts pero nung nakita ko kasi yan agad kita naalala kaya pinag ipunan ko” sabi ni Pipoy at agad sinira ni Annika ang wrapper at pagbukas ng box wala itong laman kaya napatingin siya kay Pipoy at tumawa ito. “Kasi maliit yang box di kasya kaya di ko na pinasok, eto yung gift mo” sabi ni Pipoy at tawa ng tawa si Annika pero nanlaki ang mga mata niya nang isang mamahaling cellphone ang inabot ni Pipoy.
“Ayan, kasi mahilig ka magsketch at draw, dyan pwede, P1 yan, pwede ka magsketch dyan at magdrawing” sabi ni Pipoy at muling naluha si Annika pagkat matagal na siyang tumigil magdrawing. Yayakap na sana si Annika kay Pipoy pero pinatigil siya ng kaibigan niya at may isa pang nilabas. “I know hate na hate mo magsuot ng mga alahas, pati nga butas sa tenga wala ka, pero siguro pagbibigyan mo ako pag binigay ko ito sa iyo” sabi ni Pipoy.
Nilabas ni Pipoy ang isang necklace na may ginting letter A na pendant. Nanalaki ang mata ni Annika pero agad binuklat ni Pipoy at nilapit sa kanya. Tinaas ni Annika ang buhok nya at sinuot ni Pipoy ang kwintas sa leeg niya. Hinawakan ni Pipoy ang face ni Annika at pinagmasdan siya, “Bagay mo nga” sabi ni Pipoy at tuluyan nang yumakap si Annika sa kaibigan niya.
“For you I will wear this everyday” bulong ni Annika. “Happy birthday Annika” bulong ni Pipoy at mahigpit silang nagyakapan. “May nakakalimutan ka pa” bulong ni Annika at napatingin si Pipoy sa kanya. “Kiss diba?” paalala ni Annika at napangiti si Pipoy.
Nilapit ni Pipoy ang labi nya sa pisngi ni Annika pero hinarap ni Annika ang mukha niya, nagkatitigan sila saglit at sabay na bumilis ang tibok ng puso nila. “Its just a birthday kiss” bulong ni Annika at matagal sila nagkatitigan pa. “Maybe it is” sagot ni Pipoy at muling nagdikit ang mga labi nila.
(Itutuloy…sensya na pag matagal ang susunod…sira pc but I will find a way)