Chapter 7: Feelings
Kinabukasan ng dismissal inaantay ni Annika si Pipoy habang ang mga girls nagtatago. Nahanap sila ni Sarry at tinawag na para magpractice, “Oy halina kayo at magpractice na tayo” sabi ni Sarry. “Sarry nasan si Pipoy?” tanong ni Annika. “Ay andun sila ni Anne nagprapractice” sagot ni Sarry at hinihila niya si Beverly. “Bakit ako di ako kasama?” tanong ni Annika at nagtawanan sila. “Sige ikaw nalang pumalit sa akin ayaw ko sumayaw” sabi ni Ella. “Di rin ako marunong sumayaw, di ba pwede trio nalang kami nina Pipoy?” tanong ni Annika at lalo pa sila nagtawanan. “Marunong ka ba kumanta?” tanong ni Beverly at ngumitisi si Annika. “Kaya nga may practice diba?” sagot niya.
Kahit hindi kasama ay sumama si Annika at doon nakita niya si Anne at Pipoy na nagtatawanan. “Akala ko ba practice e bakit sila nagtatawanan?” tanong ni Annika at natawa si Vem. “Nagseselos ka ba?” tukso ni Ella. “Sus hindi ah, bakit naman ako magseselos e may boyfriend naman ako” sagot ni Annika. “E bakit mo di mo siya kasama akala ko ba susunduin ka niya today, o bakit ka nandito?” tanong ni Robert at di siya pinansin ni Annika. “Alangan na kasama ko siya nalang lagi, nakakasawa na yon” sumbat ni Annika at nagtaas ng kilay.
“E bakit di ka nagsasawa kay Pipoy? O parang ikaw ang buntot niya, kung saan siya nandon ka din” tukso ni Sarry at nagtaray na at nagawala si Annika at lahat ng tao sa kwarto napatingin sa kanya. “Miss Ramirez kasama ka ba dito?” tanong ni miss Kristine. “Hindi po mam pero gusto ko tumulong” sabi ni Annika. “Ay good, sige iha make yourself useful doon sa planning at decoration committee” sabi ng guro at napasimangot si Annika.
Lahat napatigil nang biglang kumanta si Anne, tulala ang lahat sa ganda ng boses nya at pati si Annika napanganga nalang. Hanggang matapos ang kanta wala parin gumagalaw hanggang sa nagpatawa si Pipoy na lalo pa niya pinalakihan ang mga mata sabay nganga at tinignan si Anne. Napatawa si Anne pero palakpakan ang lahat ng nasa kwarto maliban kay Annika na sumubok din kumanta pero silang kaya nagtawanan ang mga girls.
“Ah shet yang babaeng yan, bwisit makapag help na nga sa decoration committee” bulong ni Annika at habang naglalakad siya biglang si Pipoy naman ang kumanta.
“Mayroon akong nais malaman, maari bang magtanong…” kanta ni Pipoy tumayo ang lahay ng balahibo ni Annika at lalo siya napanganga. “Sige” sumbat naman ni Anne kaya napatigil si Pipoy at tumawa. “Wag mo ako papatawanin kasi” sabi ni Pipoy at bumalik si Annika sa tabi ng mga kaibigan niya. “Si Pipoy ba yon?” tanong ni Annika at nagulat ang girls at boys. “Don’t tell me di mo alam he can sing?” tanong ni Beverly. “Di sya kumakanta” sabi ni Annika.
“Meron akong nais malaman, maari bang magtanong…alam mo bang matagal na kitang iniibig, matagal na akong naghihintay….ngunit mayroon ka nang ibang minamahal, kung kayat di mo ako pinapansin…ngunit ganon pa man nais kong malaman mo..ang puso kong ito para lang sa iyo….” kanta ni Pipoy at muling natulala si Annika pagkat sa kanya nakatingin si Pipoy kaya siya ay napangiti pero biglang tinignan ni Pipoy si Anne at tinuloy ang kanta.
Tinapos ni Pipoy ang buong kanta mag isa, bumirit pa sya at palakpakan ang lahat. Super ngiti si Annika kahit na tapos na ang kanta kaya kinailangan pang yugyugin sya para matauhan. “Oy don ka na sa committee mo” sabi ni Vem at super ngiti parin at kinikilig si Annika. Naglakad na siya papunta sa committee pero si Anne naman ang kumanta ng same song at pagtingin niya ang lagkit ng tingin ni Anne kay Pipoy kung kaya nairita ulit siya at bumalik sa grupo.
“Shet talaga yang babaeng yan” bulong nya ang nanggagalaiti sya sa galit. Parang batang nagtatantrum si Annika at lakad ng lakad sa kwarto hanggang sa matapos ang kanta. Nakita niya na paalis na si Pipoy kaya agad niya sinundan ito. “Poy san ka punta?” tanong ni Annika. “Uuwi na, tapos na kami, bukas na itutuloy daw para di mabinat ang vocal chords” sagot ni Pipoy. “Tara na, saka na ako tutulong sa decors” sabi ni Annika at pumayag naman si Pipoy.
Habang naglalakad ay binabangga ni Annika si Pipoy at tuluyan na siyang napatingin sa kanya. “Bakit?” tanong ni Pipoy. “Ikaw ha, di mo sinasabi magaling ka kumanta” sagot ni Annika at tumawa si Pipoy. “Kumakanta naman ako pag birthday mo ha, sumasabay pa kami nina mommy at daddy” biro niya at kinurot siya ni Annika at nagulat si Pipoy pagkat ngayon niya lang ginawa nito. “Iba yon, yung tulad kanina na kanta” paliwanag ni Annika.
“Ah wala yon tsamba lang, di ko nga din alam marunong ako e” palusot ni Pipoy at nagtawanan sila. “Pero, uy…uy…type mo si Anne ano?” biglang tukso ni Annika at natawa si Pipoy. “Anong pinagsasabi mo? Kaklase ko lang yon tapos nagkataon lang na napili kami magduet no” sabi ni Pipoy. “E she is pretty kaya, uy aminin” hirit ni Annika at nakita nyang napangiti si Pipoy. “Hmmm oo nga, pero alam mo lately ko lang nareeralize na nakikipag usap na ako sa ibang babae. Dati kasi kayo lang apat, tapos pag ibang babae na nahihiya na ako pero now…lots of things are changing” sabi ni Pipoy sabay napatingin sya sa langit. Alam ni Annika dumating ang pagbabago sa kanya mula nung nagkaroon siya ng boyfriend.
“Pero do you like her?” hirit ni Annika at muling natawa si Pipoy. “Annika di porke maganda si Anne like ko na agad. Oo maganda siya, magaling kumanta, o di ko pwede sabihin like ko na agad, admire siguro kasi magaling kumanta. Pero like? Di pa” sagot ni Pipoy at napasimangot si Annika. “Anong hindi pa? So ibig mo sabihin you will like her ganon?” tanong ni Annika at tinignan ni Pipoy ang kaibigan niya. “Why? Siya ba yung napili mo para sa akin?” sumbat ni Pipoy at natahimik si Annika.
“What if oo?” sabi ni Annika at tinignan niya si Pipoy pero bigla siya niyakap ng kaibigan niya at nagkatitigan sila sa mata. Bumilis ang tibok ng puso ni Annika at nangsimula siya manginig, “Annika watch where your going…look muntik ka na tumama sa poste” sabi ni Pipoy at pagtingin niya may poste nga talaga.
“Si Anne ba ang gusto mo para sa akin?” tanong ni Pipoy at kahit masakit sa loob niya sumagot si Annika ng oo kunwari. Bumitaw si Pipoy at nagtuloy ang lakad nila pero tahimik lang siya kaya muli siya binangga ni Annika. “Ano, what is she is the one I like for you…liligawan mo ba?” tanong ni Annika. “Nope” sagot ni Pipoy pero hindi maniwala si Annika. “Uy…ayaw pa aminin e ang sweet niyo kanina” tukso ni Annika. “Ah basta no parin” sagot ni Pipoy at natuwa si Annika.
Nakaabot sila sa kanila, hinatid ni Pipoy si Annika sa pinto nila sabay naglakad narin papunta sa bahay nila. “Poy, bakit naman ayaw mo si Anne?” tanong ni Annika at tumigil si Pipoy at nilingon ang kaibigan niya. “Coz she isn’t you” sabi nya at binilisan na ang lakad niya papunta sa kanila. Lumukso ng todo ang puso ni Annika, sa sobrang tuwa tumalikod sya at bigla siya naumpog sa pinto, di pa pala ito nakabukas.
Naging kampante si Annika, nag quit na siya sa committee at pati yung ibang girls umayaw sa pagsayaw nadamay tuloy ang mga partner nila. Araw araw may practice si Pipoy kaya di sila nagsasabay ni Annika. Si Bobby lagi kasama ni Annika at lalo sila napapalapit sa isat isa.
Isang Huwebes half day lang sila nagmamadaling umuwi si Pipoy pero nahabol siya ni Annika. “Poy! Sandali” sigaw ni Annika. Tumigil si Pipoy, “Poy favor naman o pakigawa naman yung report ko, nakalimutan ko gawin e tapos bukas na ipapass” lambing ni Annika. “Annika wag ngayon kasi…” sagot ni Pipoy pero lalo pa siya nilambing ni Annika. “Sige na Poy, please…please…please…Poy sige na” sabi nya. “Annika pwede mamayang gabi nalang?” tanong ni Pipoy
Nagsimangot si Annika at nagdabog, “Bakit kasi hindi mo ginawa? Parang di ikaw yan. Yan ba ang number one sa school? Ano ba pinag gagawa mo kasi?” tanong ni Pipoy at guilty si Annika pagkat lagi niyang kasama si Bobby lately kaya medyo nakakalimutan niya ang mga takdang aralin niya. “Kung ayaw mo wag nalang, di ko nalang gagawin di rin lang aabot…ikaw sana kasi mabilis ka magtype at pagdating sa reports mag magling ka sa akin” drama ni Annika at huminga ng malalim si Pipoy at parang sumakit ang ulo.
“Sige alis na ako” sabi ni Annika. “Akin na nga” sabi ni Pipoy at agad ngumiti si Annika at inabot ang report papers kay Pipoy. “Thank you talaga Poy, thank you thank you thank you” sabi ni Annika sabay hinalikan niya si Pipoy sa pisngi. Bumalik sa school si Annika pero paglingon niya nakita niya si Pipoy na nakayuko at nakahawak sa ulo niya.
Sinundo ni Bobby si Annika at kumain sila sa labas pagkat half day din sila. Bandang alas dos nakipagkita sila sa mga team mates ni Bobby at medyo nabwisit si Annika pagkat manonood nanaman siya ng practice nila at wala nanaman siyang makakausap. Sumama nalang siya pero nagtataka siya bakit papunta sila sa school nila. “Bobby bakit dito kayo sa school namin pupunta?” tanong ni Annika. “First game ng championship today, school namin at school niyo ang maglalaban” sabi ni Bobby at natulala nalang si Annika sa gulat.
Pagdating nila ng campus nakita ni Annika sina Beverly at Sarry, “Si Pipoy?” tanong ni Annika, “Baka nandon na sa loob, bili lang kami makakain” sagot ni Sarry. Nakahinga ng maluwag si Annika kaya sumama na siya kina Bobby. Sa loob ng gym nakiupo si Annika sa mga kaibigan niya at pilit niya hinahanap si Pipoy. “Nasan si Pipoy?” tanong ni Annika. “Nasa dug out pa sila baka nagdadasal, don’t worry lalabas narin sila any moment” sagot ni Robert pero kinakabahan si Annika.
Lumabas na ang school team at nagsigawan na ang crowd, hindi mahanap si Pipoy kaya tumayo si Annika at nilabas phone niya. Sinubukan niya tawagan si Pipoy pero nakapatay ang phone nito, di mapakali si Annika at nagdasal na dumating sana si Pipoy.
Nagsimula na ang laro at wala talaga si Pipoy, madaming nakatingin kay Annika tila hinahanap si Pipoy sa kanya. Umalis si Annika at tumakbong pauwi, thirty minutes after nakarating na siya doon at dumiretso sa bahay nina Pipoy. Pinapasok siya ng mommy ni Pipoy at dumiretso si Annika sa taas.
Pagbukas niya ng pinto napansin ni Annika ang uniform ni Pipoy sa kama, nakita niya ang kaibigan niyang nakaharap sa computer at ginagawa ang report niya. “Poy, sorry talaga hindi ko alam na game niyo today” sabi ni Annika. “Okay lang” sagot ni Pipoy. “Poy baka pwede ka pa humabot” sabi ni Annika. “Its too late Annika, pagdating ko doon tapos na” sagot ni Pipoy at tinutuloy nya lang ang pag gawa ng report ni Annika.
Di alam ni Annika ang sasabihin niya, sobra siyang nahihiya kaya naupo nalang siya sa kama at pinagmasdan ang kaibigan niya. “Poy sorry talaga sana nakinig ako sa sasabihin mo kanina, sana tumanggi ka nalang” sabi ni Annika at tinignan siya ng kaibigan niya. “Annika alam mo naman na di kita kaya tanggihan, don’t worry just have faith nalang sa school team natin. It’s a team game naman” sabi ni Pipoy. “E pano kung matalo?” tanong ni Annika. “E di talo, may game two pa naman, and if we win there magkakaroon ng game three pa, so tiwala lang” sagot ni Pipoy. “Ako nalang magtuloy niyan” alok ni Annika. “Ako na, malapit narin matapos ito, sige na uwi ka na kaya ko ito and don’t worry about the game” sabi ni Pipoy. Masama parin ang loob ni Annika at hiyang hiya talaga siya, iniwan niya si Pipoy at umuwi at lalo pa syang nadismaya nang nagtext si Ella para sabihin na talo sila.
Biyernes ng umaga sabay pumasok sa school ang dalawa, inabot ni Pipoy ang report at di parin nakayanan ni Annika ngumiti. Nang malapit na sila sa school ay sinalubong sila ni Vashty at galit na galit ito. “Pare ano nanaman ba nangyari?” tanong niya. Sasagot sana si Annika pero hinawakan siya ni Pipoy sa braso at tinago sa likod niya, “Sorry pare sumakit tyan ko at din a ako nakapagtext” palusot ni Pipoy. “Tsk pare sayang yon e…hay naku Pipoy pare…pag ako sa iyo wag ka nang pumasok” sabi ni Vashty at nagulat si Annika.
Dumating narin ang iba nilang kaibigan at pinipigilan pumasok si Pipoy. “Pare mag palate ka nalang pare, inaabangan ka ng marami” sabi ni Sarry. “Galit na galit sila pare lalo na yung mga natalo sa pustahan. Tinatawag ka nga nilang kakutsaba ng kalaban e” kwento ni Robert at napangisi nalang si Pipoy. Hiyang hiya si Annika at napaluha na siya, niyakap siya ni Pipoy at pinapakalma. “Pare will you make sure na safe siya, mamaya narin kayo pumasok…ako na muna” sabi ni Pipoy.
“Pare wag na, antayin nalang natin yung mga teachers natin. Pumunta sina Beverly at Ella para tawagin sila” sabi ni Sarry. “Hindi pare, this is my fault so haharapin ko ito. Sige na layo na muna kayo at papasok na ako” sabi ni Pipoy at hinarang siya ni Vashty. “Tol wag na, makinig ka sa amin antayin nalang natin mga teachers para walang gulo” sabi nya pero tinitigan siya ni Pipoy at pinatabi.
Hinawakan ni Robert si Annika pagkat kumapit siya kay Pipoy, naglakad na papasok ang kaibigan niya at doon ang daming nag aabang na estudyante na galit na galit sa kanya. “Traydor!!!” may isang sumigaw at biglang natamaan ng itlog ang paanan ni Pipoy pero nagtuloy sya sa paglalakad. Pinagbabato si Pipoy ng kamatis at itlog, tumayo lang siya sa gitna at niyuko ang kanyang ulo.
Naiyak na si Annika at wala siyang magawa kundi panoorin ang kaibigan niyang pinagbabato at pinagsisigawan ng mga schoolmates. Halos dalawang minuto na pinagbabato si Pipoy, madungis na ang suot niya sa nagkalat na kamatis at itlog. Ilang beses din siya natamaan sa ulo pero hindi niya ininda ito. Humupa ang mga estudyante at tinignan sila lahat ni Pipoy.
“Sana kuntento na kayo sa nagawa niyo. Kung hindi pa sige kumuha pa kayo ng bala niyo at maghihintay ako dito!” sigaw ni Pipoy at lumabas na ang mga guro at nilapitan siya. Nagdisperse na ang mga estudyante pero di parin matigil ang pagsisigaw nila ng masamang salita tungkol kay Pipoy.
“Siguro may kinalaman ka dito?” bulong ni Vem kay Annika habang pinapatahan niya ito. “I really didn’t know…alam niyo naman ako wala ako hilig sa sports…di ko alam may game kahapon…pero kasalanan ko talaga kasi di ko nagawa report ko…shet ang gaga ko” sabi ni Annika at lalo pa siyang humagulgol habang pinapanood niya si Pipoy na pinupunasan nina Anne at Ella.
“I didn’t know…dapat nakinig ako sa kanya pero pinilit ko siya…para gawin ito…di ko talaga alam na may game sorry talaga sa inyo” sabi ni Annika at lumapit na si Vashty sa kanya at hinaplos ang likod.
“Annika, game or no game gagawin lahat ni Pipoy para sa iyo. Tignan mo ang patago niyang tiniis last year, ayaw niya ipagsabi ang pinagdaanan namin. Yung pagtanggap niya ng pag gawa ng report mo he knew the consequence kung matalo man kami. Pero he still did it, di na niya inisip yung mangyayari sa kanya basta importante yang hawak mong report diba?” sabi ni Vashty at napatingin si Annika sa report na gawa ni Pipoy.
Doon sa report may nakasingint na maliit na note na nalaglag sa lupa kaya pinulot ni Vem at inabot kay Annika.
“Whatever happens today always remember its not your fault. Lagi kita uunahin”
(itutuloy)