TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 1: Nella
Sa pinakadulong rehiyon ng kaharian, may isang lugar na di pa naabot ng mga sundalo ng hari. Natatakot sila pagkat parang sinadya ng mga diyos na ihiwalay ang lugar na ito sa buong kaharian, may malaking biyak sa lupa at isang hanging bridge na tanging daanan. Walang nakakaalam kung gano kalalim ang biyak, madami nang nalaglag at di na nakabalik pa.
Iilan lang ang naglakas loob manirahan sa lugar na ito at isa na dito si Ella, isang disi otso anyos na ulila. Si Nella ay isang magandang dalaga, paborito siya ng lahat ng nakatira sa lugar na yon. Ang mga magulang niya namatay noong limang taong gulang pa siya dahil sa isang sakit na di maipaliwanag. Mula noon kinupkop siya ng mga tao, ayaw manatili sa isang pamilya ni Ella kaya palipat lipat siya ng pamilyang tinitirhan.
Napamahal sa kanya ang lahat at marami nagsasabi na may angking hiwaga na taglay si Nella, tao man o ibang nilalang napapaamo niya. Isang taong nang naninirahan ng mag isa si Nella, ginawan siya ng bahay ng mga tao sa pinakadulong bahagi ng lupain. Araw araw siya dinadalhan ng pagkain ng mga kalalakehan at tanging bayad sa kanila ay ang matamis niyang ngiti.
Sa lugar ni Nella madaming bulaklak ang mahahanap, mga halaman na di nakikita kahit saan man. Madaming haka haka na isa siyang diwata ngunit hirap silang maniwala pagkat lumaki ang dalaga na kapiling sila. Napanood nila paano siya umiyak, matuwa, maglaro at masugatan, kaya hindi sila naniniwala na si Nella ay kakaibang nilalang.
Isang gabi nakadungaw si Nella sa bintana niya, may malamig na hangin sa paligid na dumadampi sa mga pisngi niya. Sa isang puno sa malayo napatingin si Nella at dalawang pulang mata ang nasilayan niya. Napasigaw si Nella, bumilis ang tibok ng puso niya at agad niya sinara ang bintana. Kinuha niya ang isang patalim at naupo sa kama niya at pinapakiramdaman ang kanyang paligid.
Nakatulog si Nella at pagmulat ng mata niya umaga na, naglakas loob siyang buksan ang bintana niya at sariwang hangin ang sumalubong sa kanyang mukha. Napangiti si Nella at inisip na guni guni nalang niya yung nangyari.
Wala nang pagkain si Nella, hindi pa nagdadala ang mga taga nayon at naalala niya na pahanon pala ng ani kaya siguro hindi nila maharap dalhin ang pagkain sa lugar niya. Nagpasya siya na tumungo sa nayon at siya nalang ang kukuha ng mga kailangan niya.
Habang nasa daan may napansin si Nella sa itaas ng isang puno, namangha siya sa nakita niya at napangiti. Isang lalakeng nakaitim ang nakatayo sa isang sanga ng mataas na puno, mahaba ang buhok nya at nagwawagayway kasabay ng hangin. “Magandang umaga sa iyo!” sigaw ni Ella at biglang kumapit ang lalake sa puno at hinawakan ang puso niya.
“Wag mo naman ako tatakutin ng ganyan…muntik na ako maatake sa puso” sagot ng lalake at tumawa si Nella. “Binabae ka ba? Bakit mahaba ang buhok mo tulad ko?” tanong ni Nella. “Ha? Lalake ako…bakit hindi ko ba bagay ang mahabang buhok?” sagot ng lalake at napangiti si Nella. “Ayos lang pero di lang ako sanay nakakakita ng lalakeng may mahabang buhok. Teka ano ginagawa mo diyan? At anong pangalan mo?” tanong ni Nella.
“Ha? Pangalan? Di ko matandaan e…ikaw ano pangalan mo?” tanong ng lalake. “Nella, bakit hindi mo matandaan pangalan mo? O ayaw mo lang sabihin?” sagot ni Nella. “Hindi ko alam e…hindi ko din alam pano ako napadpad sa lugar na ito” sabi ng lalake. “Ay naumpog ka ba? Halika baba ka at ipapagamot kita sa nayon” alok ni Nella at lalo napakapit ang lalake sa puno.
“Natatakot ako e…ang taas taas nito…may hagdanan ka ba o ladder?” tanong ng lalake at tumawa si Nella. “Ay akala ko ang galing galing mo sa taas diyan takot ka pala, sige pagbalik ko hihingi ako ng tulong sa iba para makababa ka. Pano ka ba nakaakyat diyan?” sabi ni Nella sabay tawa pa. “Di ko din alam e…uy pwede bilisan mo kasi natatakot na talaga ako…please” sabi ng lalake at tawa ng tawa si Nella.
Apat na oras bago nakabalik si Nella kasama ang ilang kalalakehan, bigla sila nagtawanan pagkat ang lalakeng nakaitim ay yakap yakap ang puno ng mahigpit pero two feet nalang ay lupa na. “Bakit ang tagal mo? Sinubukan ko bumaba pero natatakot talaga ako” sabi ng lalake na nakapikit pa mga mata niya sa takot. Wala masagot si Nella at yung mga lalake, tawa lang sila ng tawa sa nakikita nila.
Lumapit si Nella at kinalbit yung lalake na lalong nagpanic at yumakap sa puno. “Wag ka namang ganyan” sabi ng lalake. “Buksan mo mata mo kasi, malapit ka na sa lupa” sabi ni Nella at pagmulat ng lalake ang mga mata niya bumitaw siya agad sa puno at tumalikod pagkat hiyang hiya siya. Tumakbo bigla ang lalake papasok ng madilim na kagubatan, hahabol sana si Nella pero pinigilan siya ng mga kasama niya.
“Bakit siya tumakbo?” tanong ni Nella. “Napahiya siguro” sagot ng isang lalake sabay nagtawanan ulit sila. Napasimangot si Nella at hinarap ang mga lalake. “Uy wag naman kayo ganyan, sabi niya nakalimutan niya sino siya at hindi niya alam pano siya nakapunta dito. Kawawa naman siya” sabi ni Nella at natahimik ang mga lalake.
Pagkatapos manggabihan si Nella ay muli siya dumungaw sa bintana niya at nagulat siya nang makita niya yung lalake kayakap ang alaga niyang baboy at kakagatin na sana. “Oy! Ano ginagawa mo?” tanong ni Nella at mabilis siyang lumabas ng kanyang bahay. Nagpumiglas ang baboy pero hinabol ito ng lalake, muli itong niyakap at kakagatin na sa leeg. “Hoy! Gutom ka? May pagkain sa loob” sabi ni Nell at humarap sa kanya ang lalake at naluluha na. “Ito nalang, gutom na ako e” iyak ng lalake at muling natawa si Nella.
Hinila ni Nella ang lalake at nakawala ang baboy, “Bobby come back to meeee im hungry na” sabi ng lalake pero kinakaladkad siya ni Nella habang tumatawa. Pagdating nila sa pinto tumayo ang lalake at pumasok na si Nella. “Halika na may pagkain ako sa loob” sabi ni Nell at tinignan lang siya ng lalake at niyuko ang ulo niya. “You have to invite me in” sabi ng lalake. “Kaya nga halika na” sabi ni Nella.
“You have to invite me in” ulit ng lalake at napakamot si Nella. “Hay naku, fine, come inside my house please” sabi ni Nella at mabagal na naglakad ang lalake at pumasok sa bahay. Sinara ni Nella ang pinto at biglang kinabahan ang lalake. “Arte mo ha, kung may matatakot dapat ako” sabi ni Nella at napalingon lingon yung lalake at biglang inamoy amoy si Nella.
Nakiliti si Nella pagkat inamoy amoy ng lalake ang liig niya, tinula ni Nella ang lalake at tumawa. “Gutom na ako, nasan yung pagkain?” tanong ng lalake kaya pumunta sila sa kusina. Pinaupo ni Nella ang lalake sabay binigyan ng tinapay at yung natirang pagkain niya. “Gulay?!” sigaw ng lalake. “Oo vegetarian ako e” sagot ni Nella at muling naluha ang lalake. “Bakit ka may baboy at baka sa labas? Pwede sila nalang?” tanong ng lalake at talagang lumuha siya at muling natawa si Nella.
“Hindi na sige na matuto kang kumain ng gulay, masarap naman yang tinapay e. Isipin mo nalang na karne yan” sabi ni Nella at kumagat ang lalake sa tinapay. “Lasang tinapay parin e” sabi ng lalake at halos mamatay na sa tawa si Nella pagkat muling tumulo ang luha ng lalake. “Eto gatas, hindi siya mainit nga lang” sabi ni Nella at uminom yung lalake at dinura ang gatas. “Panis e, san ba galing yan? Sa kambing?” tanong ng lalake at humawak na si Nella sa tyan niya at tawa ng tawa. “Ay sorry nakalimutan ko kahapon pa pala yan, sorry talaga ha, magtubig ka nalang” sabi ni Nella.
Pagkatapos kumain ng lalake ay nagtungo sila sa salas at dumungaw ang lalake sa isang bintana. “I see dead people” sabi ng lalake at natakot bigla si Nella. “Ha? Saan?” tanong ni Nella at tumakbo sa tabi ng lalake para makisilip. Tinuro ng lalake ang dalawang puntod sa labas ng bahay at muling tumawa si Nella. “SIra, magulang ko yan, diyan sila nilibing, kaya dito din ako nagpagawa ng bahay para makasama ko sila” sabi ni Nella.
“Julio at Nerina” sabi ng lalake at nagulat si Nella. “Nababasa mo mula dito?” tanong niya. “Oo, kumain ako ng gulay e. Kumain ka din kasi” biro ng lalake at tumawa si Nella. “Teka sigurado ba na hindi ka sundalo ng hari?” tanong ni Nella at napatingin sa kanya ang lalake. “Sundalo ng hari?” tanong ng lalake.
“Oo masamang tao sila, kinukuha nila lahat at wala tintira pero sa awa ng diyos di pa sila pumupunta dito” sabi ni Nella. “Pano kung pumunta sila dito?” tanong ng lalake. “Ewan ko na, pero ang kwento ng iba kinukuna nila ang mga lalake tapos ginagawang sundalo tapos mga babae ginagawa nilang trabahador. Ang mga birhen dinadala nila sa hari bilang alay” kwento ni Nella.
“E pano kung nakapunta na sila dito?” tanong ulit ng lalake at nalungkot si Nella. “Ewan ko na…sana totoo yung alamat ng Fredatoria…sana bumalik ang mga disipulo para iligtas kami” sabi ni Nella. Tahimik ang lalake at tinignan ang buwan, “Hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong ng lalake bigla. “Hindi naman, bakit may masama ka bang binabalak?” tanong ni Nella at tinabihan niya ang lalake at tinignan din ang buwan.
Tumingin ang lalake sa kanya at muli siyang inamoy, nagbukas ang mga bibig nya at kakagat na sana sa leeg pero humarap si Nella at nagkatitigan sila. “May masama ka bang balak?” tanong ni Nella at nagsara ang mga bibig ng lalake at naglakad palayo. “Wala naman…bakit ka hinahayaan ng mga taga nayon na manatili mag isa dito. Babae ka at walang magliligtas sa iyo kung sakali sumugod ang sinasabi mong mga sundalo” tanong ng lalake.
“Kasi bago ka makarating dito dadaan ka muna sa nayon, kung sumugod ang mga kalaban haharapin sila ng mga tao doon. Pag natalo e di wala na…ganon din lang naman kung may magbabantay sa akin dito diba?” sabi ni Nella.
“Sige ako nalang magbabantay sa labas habang natutulog ka…pinakain mo ako kaya ito lang ang maibabayad ko sa kabaitan mo” sabi ng lalake. “Maginaw sa labas, dito ka nalang kesa na nag aalala ako” sabi ni Nella. “uy concerned agad sa akin” biro ng lalake at tumawa si Nella.
“Pero iisa lang ang kama mo” sabi ng lalake at nagulat si Nella pagkat hindi pa niya pinapakita ang kwarto niya. “Pano mo alam na iisa?” tanong ni Nella at nanahimik ang lalake. “Ay mag isa ka alangan na dalawa kama mo…sige pumasok ka na sa kwarto mo at dito nalang ako sa salas” sabi ng lalake.
“hindi pa ako inaantok, gusto mo kwentuhan muna tayo?” tanong ni Nella. “hindi ka ba natatakot sa akin?” tanong ulit ng lalake. “Hindi…sabi nila nababasa ko daw ang laman ng isipan ng bawat tao pero ikaw hindi ko mabasa…pero di ko alam bakit kampante lang ang loob ko sa iyo” sagot ni Nella.
“Sige kwentuhan mo ako tungkol sa alamat na sinasabi mo” sabi ng lalake at nakitabi si Nella sa lalake at habang nagkwekwento siya ay inamoy amoy ulit siya ng lalake. Nasanay na si Nella sa ginagawa ng lalake, at sa haban ng kwento niya nakatulog siya sa sofa.
Dinala siya ng lalake sa kwarto at pinahiga sa kama, lumabas ulit ang lalake at dumungaw sa bintana. Muli niya nakita yung baboy at napanganga ang lalake at unti unti lumabas ang mga pangil niya. Sa isang iglap katabi na ng lalake ang baboy at mabilis na binaon ang mga pangil niya sa leeg nito.
Tila nabuhayan ang lalake sa pag inom ng dugo ng baboy. Sampung minuto lumipas at wala nang natirang dugo ang hayop at mabilis tumalon papunta sa itaas ng puno ang lalake at doon nagbantay.
Kinaumagahan bumangon si Nella at pagbukas ng bintana niya napasigaw agad siya sa nakita niyang patay na katawan ng baboy. Nagkalat ang dugo sa labas kaya agad niyang hinanap yung lalake. Halos naikot na ni Nella ang buong bahay pero hindi niya mahanap ang lalake pero biglang tumahol ang alaga niyang aso kaya sinundan niya ito.
Sa ilalim ng bahay nakita niyang nakasingit ang katawan ng lalake, nagtatago sa sinag ng araw. Duguan ang mga bibig niya at nakalabas ang mga pangil. Natakot si Nella sa umpisa ngunit sanay na siyang nakakakita ng ibang nilalang, pero ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase.
“Akala ko ubos na ang tulad niyo…isa kang vampira” sabi ni Nella at nanginginig ang lalake sa ilalim at mga balat niyang naabot ng sinag ng araw umuusok at parang naluluto. Mabilis kumuha ng kumot si Nella at binalot ang lalake sabay pinasok sa loob ng bahay.
Tinago niya ito sa ilalim ng kama niya kung saan madilim at medyo nanumbalik ang lakas ng lalake. “Akala ko ubos na ang mga tulad niyo?” tanong ni Nella. “hindi…madami pang tulad ko ang nagkalat…nakatago lang kami” sagot ng lalake. “Karamihan sa mga disipulo ng Fredatoria…mga vampira…isa ka ba sa kanila?” tanong ni Nella at napangiti ang lalake.
“Ako si Paulito, punong disipulo ng Fredatoria…nandito ako para iligtas ka…mahal na reyna”