sk6

Saturday, May 23, 2009

Chapter 9: Crooked Smile

Chapter 9: Crooked Smile

Malapit na ang second grading nila at nagsimula nang manligaw si Pipoy, dismissal noon at inantay niya lumabas si Anne. Sa malayo nagmamasid si Annika kasama ang ibang girls at boys, “Annika bakit ka nakangiti?” tanong ni Vem. “Shhhh…tignan ko lang kung makornihan si Anne sa kanya ahahahah” sabi ni Annika sabay tawa. “Bakit kasi ano ang tinuro mo sa kanya?” tanong ni Robert. “Invisible flowers” sabi ni Annika at bigla sila nagtawanan. “Sabi ko sa kanya bigyan niya ng invisible flowers, ang kory sigurado basted siya” sabi ni Annika at lahat napatingin sa kanya.

“Grabe ka naman Annika, do you still feel bitter na naka move on na sya?” tanong ni Beverly. “Ah basta wag kayo makialam” sabi ni Annika. “Napaka selfish mo naman, sabi mo nga he gave Bobby a list of likes ang dislikes mo, tapos ikaw ganyan ka” sermon ni Ella. “E so bakit niya kasi binigyan, basta manood nalang tayo” sagot ni Annika at eksaktong lumabas na si Anne.

Magkasingtangkad si Anne at Annika, maiksi ang buhok niya at may matamis na ngiti. Hinarang siya ni Pipoy at kunwari napatingin siya sa langit at natawa tuloy si Anne. “Oy, ano ginagawa mo” tanong ni Anne. “I came to give you flowers” sabi ni Pipoy at parang may hinahawakan siya sa kamay niya at inabot niya ito kay Anne. Tinignan ni Anne ang kamay niya at wala naman bulaklak don kaya natawa ulit ito at napatingin sa kanya.

“Ah...to be honest…ah…natotorpe ako at this moment at nangangatog tuhod ko” sabi ni Pipoy at lalo natawa si Anne. Huminga si Pipoy ng malalim at di niya kaya tignan si Anne sa mata. “Ang hirap naman nito pala” bulong ni Pipoy at lalo pang tumawa si Anne. “Bakit ano ba talaga gusto mo sabihin?” tanong ni Anne at napangiti si Pipoy pero parang namilipit ang katawan niya. Nag deep breathing si Pipoy at tinignan niya si Anne sa mata pero mabilis lang nilayo tingin niya. “This was much easier when we were just singing” banat ni Pipoy at napangiti si Anne.

“E di imagine mo kumakanta tayo ulit…and instead of singing tell me yung gusto mong sabihin” sabi ni Anne at kahit obvious na nag antay parin siya. Naghum si Pipoy at bigla nalang niya tinignan sa mata si Anne, pareho sila napangiti, “Tama ka nga…I like you” sabi ni Pipoy at napasimangot si Anne at nagulat siya.

“Dapat naman banggitin mo muna name ko” sabi ni Anne at napanganga si Pipoy pero biglang tumawa si Anne at napangiti, tumayo sila nagngingitian saglit pero biglang ginawa ni Anne ang kamay ni Pipoy. “I like you too” sagot niya at lalo pang tumamis ang mga ngiti nila. Napatingin si Anne sa kamay ni Pipoy, “So ano dapat yan?” tanong niya.

“Ah..alam ko korny siguro ito..invisible flowers for you…kasi we don’t know each other that much yet but I am willing to get to know you better. I like you and I wanted to give you a flower to signify my true feelings but I didn’t know what kind of flowers you like. So instead of failing sa first try ko…I will give you this imaginary flower…and as the days go by and I will learn more about you…unti unti narin magkakakulay yan sa tamang bulaklak na hilig mo…sana mabigyan mo ako tsansa para magawa ko yon” sabi ni Pipoy at natulala si Anne at halos napaluha sinabi niya.

Napakamot si Pipoy at natawa, “Ay nasobrahan bas a pagkakorny?” tanong niya pero ngumiti si Anne at kinuha mula sa kamay niya ang invisible flower. Sa malayo natulala ang mga barkada ni Pipoy lalo na si Annika na hindi makapaniwala sa mga pangyayari.

Tumulo talaga ang isang luha sa mata ni Anne kaya pinunasan ito ni Pipoy at halos magwala na si Annika sa kanyang nakikita. “Ikaw talaga pinaiyak mo ako agad” sabi ni Anne. “Sinasabi ko lang naman yung totoo e…pero ano naman yang hawak mo?” tanong ni Pipoy. “Balloon” sagot ni Anne at bigla nalang sila nagtinginan at nagtawanan. “Ano magkakakulay din at hugis ito?” biro ni Pipoy at kinurot siya ni Anne at bigla niya naalala ang pagkurot ni Annika sa kanya kaya napalingon siya pero wala na yung mga barkada niya dooon.

“Bakit?” tanong ni Anne. “Ah wala naman akala ko nabitawan ko yung balloon” palusot ni Pipoy at muling tumawa si Anne. Nilayo ng iba si Annika pagkat nagwawala na siya, pagsilip nila ulit palayo nang naglalakad sina Pipoy at Anne. Gustong sumunod ni Annika pero pinigilan siya ng iba, “Annika wag kang childish, you had your chances already so let him go” banat ni Beverly at super simangot si Annika at naupo sa lupa na parang bata.

“Oo korny si Anne kasi korny yung invisible flower ahahaha…I cant believe na gumana yung korny teknik na yon” sabi ni Annika at tumawa siya. “Di mo kilala si Pipoy, mabilis mag isip yan at may pagka hidden romatiko” sabi ni Sarry at nagtawanan ang boys. “Hay naku Annika, he is still by your side kahit nagka boyfriend ka, so you should do the same. You have Bobby and he has Anne, pero bestfriends parin naman kayo diba?” sabi ni Ella. “Unless…ayaw niya lang ng bestfriends” banat ni Vashty at tinukso nila ni Annika na nag walkout at umuwi na.

Kinabukasan nag antay si Annika sa labas ng school habang hinatid ulit ni Pipoy si Anne sa paradahan nila. Nagulat si Pipoy na makita ang kaibigan niya mag isa, “Ano ginagawa mo dito akala ko nakauwi ka na?” tanong ni Pipoy. “Inindian ako ni Bobby” sinungaling ni Annika at nakita niya nainis si Pipoy. “Tado talaga yon, pag nakita ko pagsasabihan ko yon” sabi nya.

Nagsabay na sila naglakad pauwi at napansin ni Annika at ngiti sa mukha ni Pipoy. “Annika, I told her yesterday I liked her tapos she said she liked me too…ano na ibig sabihin non?” tanong ni Pipoy at parang dagok sa puso ni Annika pero ngumiti lang siya. “Ah you two like each other” sabi nya at tumawa si Pipoy. “So hindi pa kami ganon?” tanong ni Pipoy. “Of course not” sumbat ni Annika at napangiti nalang si Pipoy. “Okay lang I can wait, no rush naman, at least she likes me too” sabi ni Pipoy at di na kaya ni Annika ngumiti kaya tumingin nalang siya sa malayo.

“Shet, di ko pa mahahawakan kamay niya…pero gusto ko sana kargahin bag niya pero nahiya ako…ah oo nga akin na bag mo” sabi ni Pipoy at ayaw ibigay ni Annika. “Wag na ako na, at baka makita bigla ni Anne o kaibigan niya ano pa masabi” sagot ni Annika. Inagaw ni Pipoy ang bag niya at nilagay sa shoulder niya, “Ah shadap, tagal ko na ginagawa ito if she cant accept my bestfriend then I don’t like her anymore” sabi ni Pipoy at biglang napangiti ng tunay si Annika at binangga ang katawan ni Pipoy.

“At hellow bagay ko kaya ang naka shoulder bag noh” pabaklang sinabi ni Pipoy at tumawa si Annika. “Di ko na maantay na maging kami…holding hands parang korny ata” sabi ni Pipoy at biglang hinawakan ni Annika ang kamay niya pero di niya tinignan si Pipoy. “Sabi ko siya hindi ikaw” banat ni Pipoy. “consider this practice para pag kayo na di ka na maiilang” sagot ni Annika. “Good good…pero alam mo somehow this feels really good” sabi ni Pipoy at wala nagawa si Annika kundi napangiti nalang pagkat pati siya masaya na hawak niya kamay ni Pipoy.

Biyernes ng dismissal sinundo ni Bobby si Annika, niyaya niya ang girlfriend inya kumain sa labas pero ayaw pa umalis ni Annika. Ilang minuto lumabas si Pipoy kasama si Anne, halos magunaw ang mundo ni Annika nang makita niya ang mga kamay nilang magkahawak. “Sis sila na” bulong ni Ella at napasimangot si Annika at dumikit kay Bobby.

Lumapit sina Pipoy at nagkatitigan sila ni Bobby, “Pare no hard feelings” sabi ni Pipoy at inabot niya kamay niya at nakipagkamay naman si Bobby. “Sige may lakad pa kami” paalam ni Pipoy at umalis na sila ni Anne. Nakita ni Annika si Beverly at Sarry na magkahawak kamay din habang si Robert at Ella nagiging sweet sa isat isa. “Nasan si Vem at Vashty?” tanong ni Annika. “Ah mukhang nahawa si Vashty kay Pipoy at ewan…nagdate ata sila” sabi ni Sarry. Inis na inis si Annika, dinikit ni Bobby ang kamay niya sa kamay ng girlfriend niya pero tumalikod si Annika at nainis.

“Bakit?” tanong ni Bobby. “Tara na nga” sabi ni Annika at mukhang kawawa si Bobby na tinatawanan ni Benjie at Ryan. Habang kasama ni Annika si Bobby lalo niya namimiss si Pipoy pagkat ibang iba nga talaga ang boyfriend niya sa best friend niya. Parang di makagalaw ng maayos si Annika kaya lalo siya nagdaramdam. Sinubukan niya banggain si Bobby, tulad ng ginagawa niya kay Pipoy pero tinanong lang siya ng boyfriend niya kung nanghihina siya. Ngayon din lang niya napansin na mabigat din pala ang bag niya habang naglalakad sila ng malayo.

Sabado ng umaga lalabas na sana si Annika ng bahay para makipagkita kay Bobby pero napalingon siya sa bintana ni Pipoy at nakita niya ang kaibigan niya na nakadungaw sa bintana. “Wala ba kayo date ni Anne?” tanong ni Annika. “Wala, may pupuntahan sila ng parents niya. Ikaw san ka punta?” tanong ni Pipoy. “Ah wala naman, punta ako diyan” sabi ni Annika. “Sige dali na” sagot ni Pipoy kaya mabilis na nagpunta si Annika sa bahay nila.

Just like the old days nahiga sila sa kama ang nagkwentuhan, tunog ng tunog ang phone ni Annika kaya nilagay niya ito sa silent. “Baka si Bobby yan, sige lang sagutin mo o replayan mo” sabi in Pipoy. “Ah manigas siya, bonding moment natin ito at kasama ko naman na siya kahapon e” sabi ni Annika at natawa si Pipoy. “Baka pag nalaman niya ito sabihin niya inaagaw ko atensyon mo sa kanya” hirit ni Pipoy.

“Ah like you said, kung di niya matanggap bestfriend ko e di manigas nalang siya” sumbat ni Annika at nagtawanan sila. “O nakita ko nagholding hands kayo kahapon, so kayo na pala” sabi ni Annika. “Ah ewan ko nga e. Nung lumabas kami ng klasrum e…nagdikit kamay namin at parang nakuryente ako tapos next thing I know kinakawit ng pinky ko yung fingers niya. Ahahahha tapos ayon na, di na nagbitaw mga kamay namin. Sa totoo nga di namin pinag usapan yon basta nalang ganon” sabi in Pipoy na tuwang tuwa.

“Girlfriend mo na sya” sabi ni Annika at nagulat si Pipoy. “Ows? Hahaha…shet pagdating dito wala talaga ako alam…may girlfriend na ako” sabi ni Pipoy at kitang kita ni Annika ang tuwa sa mukha niya at nakingiti nalang siya kahit na masakit sa damdamin niya. “E kumusta naman kayo ni Bobby?” tanong ni Pipoy at napasimangot si Annika. “Hay ewan ko boring siya. Wala na sila pinagusapan kundi basketball at Dota” sagot ni Annika.

“E how about yung friends niya okay lang ba sila?” tanong ni Pipoy. “Okay lang, si Benjie tahimik lang tapos si Ryan kalog, pag kasama ko sila parang out of place ako. Lalo kita namimiss…I mean namimiss ko yung barkada natin” sabi ni Annika. “E di isama mo yung ibang girls kasi para may kasama ka” sabi ni Pipoy. “Ayaw nila e, loyal sila sa iyo” sabi ni Annika at natawa si Pipoy. “Di naman siguro, baka di lang nila type ang crowd nina Bobby, well ganyan naman ata ang relationships, pakikibagay narin, di bale one time mag hangout tayong apat nina Anne. O diba at least nandon ako” suggest ni Pipoy.

“Hay change topic nalang nga pwede?” sabi ni Annika at napatingin sa kanya si Pipoy. “Annika…bakit parang ayaw mo si Anne para sa akin bigla?” tanong ni Pipoy at napalingon din si Annika sa kanya. “Ha? Anong pinagsasabi mo?” sumbat ni Annika.

Hinawakan ni Pipoy ang pisngi ni Annika at kinukurot ito, “Napansin ko ang ngiti mo lately…tabingi siya. Tagal na natin magkasama at alam ko ano itsura ng tunay na ngiti mo at alam ko din pag peke” paliwanag ni Pipoy. “Uy hindi naman ha, I am happy for you” palusot ni Annika. “Really? Parang kasi hindi e…di ko naman sinunod yung sinabi mo e. Sabi mo noon si Anne bagay sa akin. Di ko naman dinibdib yon, nagkataon lang na lagi kami magkasama noong practices at nakakatawa nga kaklase ko pa pala. Pero be honest, nagkakaganyan ka ba bilang bawi sa nagawa ko kay Bobby nung game?” sabi ni Pipoy.

Humawak din si Annika sa pisngi ni Pipoy at kinurot niya ito, di nakuntento dalawang kamay na ang humawak sa pisngi ni Pipoy. “Hindi ako galit” sabi ni Annika at nanggigil kay Pipoy. “Aray…e parang galit ka e…o baka naman nagseselos ka” banat ni Pipoy at biglang nanigas si Annika.

Kinurot ng madiin ni Annika ang mga pisngi ni Pipoy, “Oo nagseselos ako!” sabi ni Annika pero nalito si Pipoy pagkat tumawa siya. Humawak din sa dalawang pisngi si Pipoy at kinurot ang kaibigan niya. “Bakit ka nagseselos?” tanong ni Pipoy at tawa sila ng tawa. “Aray..Pipoy!!!” sigaw ni Annika. “Sabihin mo muna bakit ka nagseselos” banat ni Pipoy. “Kasi inaagaw ka nya sa akin!” sigaw ni Annika at napatigil si Pipoy. Totoo ang sinabi ni Annika, galing yon sa puso niya pero dinadaan niya lang ito sa biro, di rin maintindihan ni Pipoy pero gumanti siya.

“Inagaw ka din ni Bobby sa akin ha” sabi nya saby pisil pa sa pisngi ni Annika. Tawa sila ng tawa at sinisipa na ni Annika ang mga paa ni Pipoy. “Pipoy my face!” sigaw ni Annika at bumitaw si Pipoy pero lalo pang nanggigil si Annika sa pagpisil sa mga pisngi niya. Kiniliti ni Pipoy si Annika at napabitaw ito, napatalikod si Annika pero niyakap siya ni Pipoy.

Super ngiti si Annika at sumandal siya sa katawan ng kaibigan niya, “Annika, wag kang magselos, kahit na may boyfriend ka at girlfriend ako, bestfriends parin tayo. Nothing will change remember that” sabi ni Pipoy at tahimik lang si Annika at inenjoy ang sarili.

“So sana matanggap mo din si Anne tulad ng pagtanggap ko kay Bobby” bulong ni Pipoy. “Okay” sagot ni Annika at lalo pang niyakap ni Pipoy ng mahigpit ang kaibigan niya.
“Annika, may gusto ako itanong” sabi ni Pipoy. “E di itanong mo lang” sagot ni Annika. “Ah…nagkiss na ba kayo ni Bobby?” tanong ni Pipoy at biglang tumawa si Annika. “Hala you should not ask things like that” sabi ni Annika. “Ay sorry, sorry hayaan mo na” sabi ni Pipoy.

“Bakit ba kasi?” tanong ni Annika. “Wala, kasi eventually magkikiss kami ni Anne diba…hahaha…shet di ako marunong…o baka magmukha akong engot” sabi ni Pipoy at nagtawanan sila. “Sira wag mo planuhin kasi para mas maganda, tulad nung holding hands niyo diba?” sabi ni Annika.

“Ganon din ba kayo ni Bobby nagkiss na wala sa plano?” tanong ni Pipoy. “Kasasabi ko lang” sumbat ni Annika at biglang kinilig si Pipoy. “Ay oo nga sorry, wala lang kasi iniimagine ko lang ano yung feeling o pano yung pangyayari pero di naman ako nag eexpect pero diba mangyayari at mangyayari naman yon?” hirit ni Pipoy. “Oo basta don’t expect” sabi ni Annika.

“Ahahahha..kahit sabihin mo don’t exepct e parang excited ako…ano kaya feeling ano? Ganito din ba kalambot lips niya like mine? Pero di ko maisip talaga…shet baka naman magkamali ako or baka ayaw niya…or baka gusto niya tapos inaantay lang pala ako. Pero gusto ko lang sana malaman yung feeling…hahaha para akong engot na nito” sabi ni Pipoy.

Biglang humarap sa kanya si Annika at hinalikan siya sa labi. Nagulat si Pipoy pero biglang pinikit niya ang kanyang mga mata. Limang segundo nagtagal ang halik nila nang bumitaw si Annika at muling tumalikod. Tahimik lang silang dalawa pero yumakap si Pipoy kay Annika. “Annika bakit mo ako hinalikan?” tanong ni Pipoy.

“Wala. Para tumigil ka na, o now you know what it feels like” sabi ni Annika at napangiti siya ng malaki. Natawa si Pipoy at pati siya nakangiti, “First kiss ko yon Annika” sabi ni Pipoy at tumawa sila pareho, “Sorry wala na nakuha ko na” biro ni Annika at napayakap nalang sa kanya si Pipoy ng mahigpit. Pareho sila nakangiti pero di nila nakikita. Wala sila masabi sa isat isa kaya nanahimik nalang sila.

Masaya si Pipoy sa first kiss niya pero di niya alam masaya din si Annika pagkat unang halik din niya yon.

(itutuloy…see you tomorrow)