Chapter 2: The Now
Kinabukasan ng dismissal nagtipon ang boys sa malayo upang makibalita kay Pipoy. “Ano pre kayo na ba?” tanong ni Vashty at pangiti ngiti lang si Pipoy. “Wow kayo na ano? Congrats pre, pinatagal niyo pa kasi e from the start naman alam namin magiging kayo din e” sabi ni Sarry pero tahimik lang si Pipoy. “Pare silence does not always mean yes…tol ano nangyari?” tanong ni Robert at namuo na ang mga luha sa mata ni Pipoy kaya napatingin siya sa malayo.
Pasimple lang yung mga kaibigan niya na di siya tinitignan pagkat naramdaman na nila ang kanyang isasagot. “Ok lang yan pre, madami pa naman diyan” sabi ni Sarry agad. “Tinawanan niya lang ako” sabi ni Pipoy at napatingin sa kanya ang tatlo. “Ha? Baka naman nagpatawa ka kasi pare” sabi ni Robert. “Hindi pare..sinabi ko sa kanya galing sa puso ko na I like her…tinawanan niya lang ako” bulong ni Pipoy at nakita nila na may luhang nagpababa sa pisngi niya kaya nilayo nanaman nila ang tingin nila.
Tinulak ni Vashty si Robert palapit kay Pipoy, “Eto pre shoulder ni Robert o, iiyak mo lang yan pre come on don’t be shy” banat ni Vashty at bigla natawa si Pipoy at halos tumalikod na sa mga kaibigan niya. “Tama na ang macho macho epek” sabi ni Robert at inakbayan niya si Pipoy, “Pre okay lang yan, lahat tayo magdadaan sa ganyan talaga. Hindi kumpleto ang buhay pag di mo nararanasan daw ang ganyan. Kaya ok lang yan pre, alam namin masakit pero sana isipin nalang niya na may nagmamahal sa kanya. If she cannot love you back pare wag mo na dibdibin, diba sabi its better to give than to receive” payo ni Robert at natulala yung dalawa sa kanya.
“Robert is that you?” biro ni Vashty at nagtawanan sila at pati si Pipoy napatawa. “Move on ka nalang pare, at least best friend mo parin siya, ipakita mo nalang na kahit ganon na tinawanan ka niya nandon ka parin para sa kanya. Move on pare madami pa diyan” sabi ni Sarry. “Nawala yung sumanib sa akin kanina, lumipat ata sa iyo pre” biro ni Robert at lalo pa sila nagtawanan.
“No…I wont move on…I will move along…sasama nalang ako sa agos…the waves may reach the shore but the water always moves back to where it was…wag lang sana ako yung maiwan sa buhangin at matuyo” sabi ni Pipoy at napatahimik ang tatlo. “Amen” biglang sabi ni Vashty at nagtawanan nanaman sila.
“Pipoy!!!” narinig nila ang sigaw ni Annika. “Shet naman o…panyo nga” bulong ni Pipoy. Lumapit sa kanya si Robert at pumulot ng lupa. “Tol, kunwari tatapunan kita sa mata, kaya pumikit ka” bulong niya. “Tado ka ba si Annika yan, magwawala yan pare pag nakita niya ginawa mo” bulong niSarry. “Ok lang ako pag initan nya basta di niya pwede makitang ganito si Pipoy” sabi ni Robert, “Pre pikit dali” sabi ni Robert at tinapon niya ang lupa sa mukha ni Pipoy.
Tumawa ng malakas si Robert sabay kunwari pinunasan ni Pipoy ang mata niya. Mabilis lumapit si Annika at pinagpapalo si Robert, “Bakit mo ginawa yon! Pwede mabulag ang bespren ko! Ikaw bastos ka talaga Robert ka!” sigaw ni Annika at tuloy ang pagsasapak at pagpapalo niya kay Robert. “Annika I am okay, biro lang yon” sabi ni Pipoy at sinubukan niya awatin ang kamay ni Annika. Biglang sinipa ni Annika si Robert kaya niyakap na siya at nilayo ni Pipoy. “Hoy ikaw tignan mo may araw ka sa akin, di magandang biro yan para kang bata” sabi ni Annika.
“Tama na yan Annika, katuwaan lang namin. Bakit ka ba nandito?” tanong ni Pipoy at pinunanasan ni Annika ang mukha niya gamit ang panyo. “Wala uuwi na tayo kanina pa kita hinahanap” sagot ni Annika. Napatingin si Pipoy sa mga barkada niya sabay kay Annika, “May pupuntahan sana kami e, mauna ka nalang umuwi” sabi ni Pipoy. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Annika at pasimpleng tumingin si Pipoy kay Vashty.
“Ah, kasi may PS3 na si Sarry kaya punta kami sa kanila para itesting” sabi ni Vashty at nanlaki ang mga mata ni Annika. “Ows? Talaga? PS3? Sige sasama ako” sabi ni Annika. “Ah hindi kasi conservative parents niya at bawal babae don” sabi ni Robert at napangisi si Sarry at siniko niyang pasimple si Robert. Tumaas ang isang kilay ni Annika at nagdududa na siya, “Saan talaga kayo pupunta?” tanong niya at napatingin yung tatlo kay Pipoy.
“Di na ako sasama sa kanila, tara na uwi na tayo. Mauna ka na don kunin ko lang gamit ko” sabi ni Pipoy at inirapan ni Annika yung tatlo. Pagkaalis ni Annika kinuha ni Pipoy ang gamit niya, “Tol lagi ka naman nagpapa under kasi sa kanya e, lumaban ka din naman minsan” sabi ni Sarry. “Pare di ko siya matiis, ganon ko siya kamahal pare” sabi ni Pipoy. “Oo pero may buhay ka din naman e” sagot ni Sarry. “
“Pipoy Superman…Annika Kyptonite…kailan mo pa nakita si Superman na di nanghina sa harap ng Kryptonite?” banat ni Pipoy at natahimik yung tatlo. “Tado ka naman Poy nagpapaiyak ka pa” sabi ni Vashty. Biglang pumulot ng lupa si Robert at tinapon sa mukha ni Vashty. “O ayan para di makita tears mo” banat ni Robert at nagkatawanan sila.
“Pipoy!!!” sigaw ni Annika, “Sige friendships una na kami” sabi ni Pipoy at hinarap niya si Robert at kinamayan, “Thanks pre” bulong ni Pipoy pero sumigaw ulit si Annika kaya nagmadali na si Pipoy umalis.
Pinagmasdan ng tatlo si Pipoy habang naglakad palapit kay Annika, pagkatabi palang nila kinuha ni Pipoy ang bag ni Annika at siya ang nagsuot nito. “Pre di kaya bading si Pipoy kasi look o parang kering keri nya magsuot ng shoulder bag” sabi ni Sarry at nagtawanan sila habang naglalakad na palayo ang magbespren. “Oo nga no tapos yung kanina drama niya lang yon, isa pala sa atin ang type niya. Magkakutsaba siguro yang dalawang yan no?” sabi ni Vashty at bigla sila nangilabot sila at nagtawanan.
“Hindi pare talagang mahal lang ni Pipoy si Annika, kahit siguro pag suotin pa ni Annika ng palda si Pipoy siguro gagawin niya e. Pag mahal mo kasi pare di ka mahihiya e kahit ano na sabihin ng iba” sabi ni Robert. “Kanina ka pa ikaw ba talaga yan pare?” biro ni Sarry. “Pero tignan mo oh kahit sabihin mo tinawanan ni Annika si Pipoy look, dinidikit niya katawan niya kay Pipoy kulang nalang magholding hands sila e” pansin ni Vashty.
“Pero bilib din ako kay Pipoy pare, alam ko nasa dugo niya ang basketball, alam ko nangangati na yan maglaro pero talagang tinitiis niya no. Kahit sinasabi na ng iba di siya loyal sa school at pinagdadamot niya talent niya okay lang sa kanya” kwento ni Vashty. “Oo nga, di pa nga nya alam ano ang Dota, dami na niya namimiss sa teenage life pero okay lang sa kanya” sabi ni Robert. “Di ba sila nagsasawa sa isat isa? Lagi nalang sila magkasama, ano nalang ang pinag uusapan nila kaya?” tanong ni Sarry. “Girl stuff, you know” banat ni Robert at tawa sila ng tawa.
“Di ko alam kung under siya o bading e, pero di rin siya bading e kasi lagi nga siya naghahanap ng away” sabi ni Vashty. “Ogag, di mo ba napansin ganon lang si Pipoy pag alam niya nasa malapit si Annika. Saka lang siya nag aastig astigan na palaaway pag nandyan siya kasi alam niya papagalitan siya ni Annika. Style niya lang yon para kunin atensyon ni Annika ano” sabi ni Robert at namangha yung dalawa. “Pare nagbago ka na talaga, tara Vashty nagpa novena tayo para bumalik na yung tunay na Robert sa atin” biro ni Sarry.
Pagkauwi nila Pipoy at Annika dumiretso si Pipoy sa bahay nila, “Annika, doon ang bahay niyo” sabi ni Pipoy at natauhan si Annika, “Ay oo nga, nasanay na kasi ako. Gusto mo magmeryenda sa bahay?” tanong ni Annika. “Hindi na, madami pa ako gagawin” sagot ni Pipoy. “Tulad ng?” tanong ni Annika. “Stuff, ayusin kwarto ko at gamit ko” sagot ni Pipoy. “Papalitan mo itsura ng kwarto mo? E pano kung makikitulog ulit ako dyan?” tanong ni Annika.
“Bakit ka pa makikitulog dito e may sarili ka namang kwarto at di naman na aalis mommy mo” sumbat ni Pipoy. “At tignan mo naman ang kwarto ko, itsura pambabae, pink? E pano kung invite ko sila maki sleep over e di tatawanan nila ako. Baka isipin pa nila na bading ako” sabi ni Pipoy at napasimangot si Annika. “Sige” sabi nalang niya at umuwi narin siya.
Umakyat si Pipoy sa kwarto niya, nahiga siya sa kama at pinagmasdan ang kwarto niya. Bawat saan siya titingin naalala niya si Annika, pati play station 2 niya may nakatatak na Annika sa second controller. Napaharap si Pipoy sa side na hinihigaan ni Annika, kinuha niya ang unan sabay niyakap ito. Lalo siya nalungkot pagkat hindi na siya gigising ng maaga para lang pagmasdan matulog si Annika, wala narin yung kakapit sa kanya tuwing malakas ang kulog at kidlat.
Biglang pumasok sa alalaala niya ang itsura ni Annika na tumatawa nung nagtapat sya kahapon. Sumakit ang dibdib niya pero lalo niya niyakap ang unan. Tumulo nanaman ang luha niya pero ngayon di na niya ito pinigilan pagkat wala naman nakakakita sa kanya.
Nagbukas bigla ang pinto nya at bigla siya nanigas, “Akala ko ba babahuhin mo itsura ng kwarto mo?” tanong ni Annika. Pasimple niya pinunasan ang mga luha niya pero ayaw niya humarap. “Ah inantok ako e” sabi lang ni Pipoy. “Bangon ka dinalhan kita ng meryenda, halika na sabay tayo kumain” sabi ni Annika.
“Sige lang inaantok ako e” sabi ni Pipoy pero pilit siya pinapabangon ni Annika. “Halika na alam mo naman di ko kaya kumain ng wala ka e” sabi ni Annika. “Kailangan mo sanayin na, hindi naman lagi na meron ako sa buhay mo e” sabi ni Pipoy at bigla tumahimik si Annika at naupo sa tabi ng kama. “Di na ako kakain, hayaan ko nalang na magutom ako” drama ni Annika kaya mabilis pinunasan ni Pipoy ang mga mata nya sabay humarap na sa kanya.
“Hay naku Annika you have to embrace change, di naman habang buhay magkasama tayo. Eventually makakahanap ka ng boyfriend mo or mag aasawa ka one day at ako din ganon” sabi ni Pipoy. “Masyado advance utak mo, live in the present, dali na bangon na” sabi ni Annika at naupo sa tabi niya si Pipoy.
“Oo nga pero kailangan mo din isipin yung future paminsan minsan para mapaghandaan mo” sabi ni Pipoy at inabutan siya ni Annika ng sandwich. “Oo alam ko yan di mo kailangan sabihin sa akin yan” sagot ni Annika at napakagat si Pipoy sa sandwich at nasarapan siya. Pinunasan ni Annika ang bibig ni Pipoy, “Ito talaga ang baboy baboy kumain” sabi nya. “E masarap e” sabi ni Pipoy at napangiti si Annika.
Naubos ni Pipoy agad ang sandwich niya kaya binigay ni Annika ang sa kanya. “Di na sa iyo yan e” sabi ni Pipoy. “Sige na kainin mo na, ito gusto pa ata magpasubo e” sumbat ni Annika at binuka ni Pipoy ang bibig nya at sinubo naman ni Annika ang sandwich. “Sana naman nagdala ka din ng pantulak” hirit ni Pipoy. “May ballpen diyan gusto mo?” biro ni Annika at nagtawanan sila. “Uy korny” tukso ni Pipoy at tumawa si Annika. “E tumawa ka naman diba?” sumbat ni Annika.
“E lahat naman ng joke mo tinatawanan ko kahit korny e” sabi ni Pipoy. “Dapat lang kasi nakaktawa naman talaga sila e” banat ni Annika. “E bakit di ko naririnig na sinasabi mo jokes mo sa friends mo?” hirit ni Pipoy at tumawa si Annika. “Kasi alam ko ikaw lang yung matatawa e” sabi nya. “O tignan mo e di parang umamin ka rin” sabi ni Pipoy. “Bakit korny ba talaga?” tanong ni Annika. “Oo kaya” sagot ni Pipoy at napasimangot si Annika at nalungkot. “Sige di nalang ako magjojoke” drama niya.
“Iabot mo nga yung ballpen” sabi ni Pipoy . “Aanhin mo?” tanong ni Annika. “Pantutulak ko” biro ni Pipoy at bigla sila nagtawanan. “O kita mo natatawa ka naman talaga sa joke ko e” sabi ni Annika. “Oo basta ikaw yung nagsabi ng joke matatawa ako” sabi ni Pipoy at napangiti nalang si Annika.
“Kulang ah, wala na ba?” tanong ni Pipoy at tumayo si Annika at hinila siya. “Tara na kasi doon sa bahay para gawan pa kita” sabi ni Annika. “Ikaw gumawa nung sandwich? Kailan ka pa natuto e di ka nga marunong magluto” sabi ni Pipoy at lumabas sila ng kwarto.
“E kasi kagabi di ako makatulog, itetext sana kita pero patay na lights mo. May nakita ako cookbook so sinubukan ko gumawa. Happy ako at nagustuhan mo, di bale madami pa doon aaralin ko lahat tapos gagawan kita” sabi ni Annika at nakalabas na sila ng pinto ng bahay nina Pipoy.
“Wow baka mamaya di lang sandwich niluluto mo ha” sabi ni Pipoy. “Siyempre basic muna tapos mamaya meal na, tapos lahat ng favorite mo baka kaya ko narin lutuin” sagot ni Annika. Napangisi nalang si Pipoy at nginitian siya ni Annika. “Pag ganyan swerte mapapangasawa mo lagi siyang busog sa masarap na pagkain” sabi ni Pipoy.
“Hay Pipoy, focus on the now kasi”