sk6

Wednesday, May 27, 2009

Chapter 15: Bespren

Bespren

By Jonathan Paul Diaz









BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos







Chapter 15: Bespren


Ten Years Ago

“Annika iha halika meryenda ka muna” sabi ni Eunice. Mabilis tumakbo si Pipoy sa lamesa at sinimulan kumain. “Pipoy how was your first day in school anak?” tanong ni Eunice. “Okay lang ma, madami na akong friends, di ko na nga maantay pumasok bukas e. Pero sayang di ko kaklase si Annika” sagot ni Pipoy at napangiti ang nanay niya.

“O bakit di pa bumababa si Annika? Tignan mo nga” sabi in Eunice at mabilis umakyat si Pipoy sa kwarto nila pero di niya nahanap ang kaibigan niya. Agad siya tumakbo pababa ng hagdanan at sumilip sa kusina, “Wala pa siya?” Wala siya sa taas e. Sabay naman kami sinundo ni daddy, di naman siya naiwan sa car kasi nandon sa taas bag niya at kasama ko naman siya umakyat kanina” sabi ni Pipoy. “O sige hanapin mo baka magtatago” sabi ni Eunice.

Lumabas si Pipoy ng bahay at hinanap si Annika, nagpunta siya sa likod at nakita si Annika sa ilalim ng puno nakaupo sa lupa at umiiyak. Tumakbo agad si Pipoy sa kaibigan niya at lumuhod at pinunasan ang mga mata ni Annika. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Pipoy at lalo pa lumakas ang hagulgol ng kaibigan niya. “Uy Annika bakit ka umiiyak, wag ka na iiyak at naiiyak naarin ako pag nakikita kiya umiiyak” sabi ni Pipoy at naluluha narin siya.

Tumayo si Pipoy at naupo sa likod ng kaibigan niya, sumandal siya sa likod ni Annika at ganon din ang ginawa ng kaibigan niya. Back to back sila naupo sa ilalim ng puno at dinadamayan ni Pipoy si Annika. “Annika wag ka na iiyak o” sabi ni Pipoy. “Kasi sila sa school ang bad nila. Nadapa ako tapos tinawanan ako” kwento ni Annika.


“Wag ka na iiyak bad talaga sila, pag nadapa din sila tawagan mo ako at tawanan din natin sila” sabi ni Pipoy at pinunasan niya mata niya pagkat may namuong luha narin. “Buha sila” sabi ni Annika. “Anong buha?” tanong ni Pipoy. “Buha, diba witch yon” sagot ni Annika at tumawa si Pipoy. “Bruha ang witch” sabi ni Pipoy at natawa narin si Annika.

“Bakit kasi di tayo klasmeyt?” tanong ni Annika. “Di ko alam, baka alam nila na magbespren tayo. Dibale bukas hatid kita klasrum mo tapos turo mo sino tumawa sa iyo at awayin ko” sabi ni Pipoy. “Wag, wag kang makikipag away at bad yon. Basta hatid mo ako tapos sundo mo ako” sabi in Annika. “Sige pero pag inasar ka ulit nila aawayin ko sila talaga. Ayaw ko sinasaktan nila at pinapaiyak bespren ko” sabi ni Pipoy.

Inabot ni Annika ang kamay niya at nakita ni Pipoy kaya hinawakan niya ito. “Pipoy pano na pag matanda na tayo bespren parin ba tayo?” tanong ni Annika. “Oo naman” sagot ni Pipoy. “Susunduin mo parin ako sa klasrum?” tanong ni Annika. “Ay baka sabihin nila magboypren tayo” sagot ni Pipoy at nagtawanan sila bigla. “Baka sabihin nila nagkikiss tayo, yuck!” sabi ni Annika at lalo pa nagtawanan ang magkaibigan.

“Halika na meryenda na tayo” sabi ni Pipoy. “Wag pa, dito pa tayo. Di na ako malungkot. Sana ikaw din pag umiyak ka ganito ulit tayo tapos ako din magpapasaya sayo” sabi ni Annika. “Di ako umiiyak!” sagot ni Pipoy. “E kanina sabi mo naiiyak ka na din weh” sumbat ni Annika. “E ikaw kasi e umiiyak ka. Ayaw na ayaw ko nakikita kita umiiyak e, pero pag ibang bagay di ako iiyak, matapang ako” sagot ni Pipoy.

“Basta pag umiyak ka dito tayo lagi mag uusap” sabi ni Annika.

“Sige. Pero tandaan mo ikaw lang ang makakapag paiyak sa akin” sagot ni Pipoy.


Kasalukuyan

Naupo si Pipoy sa likod ng kanyang kaibigan, sumandal siya at nagdikit ang mga likod nila. Napayakap ng mahigpit si Annika sa regalo at sabay sila huminga ng malalim. Tulad nung bata sila nandon parin ang puno na nagpasilong sa kanila. Nagbago na ang basketball ring ni Pipoy, tumaas na ito. Tumanda na silang dalawa pero muli silang pinagsama ng tadhana sa lugar na ito.

“I broke up with Bobby” sabi ni Annika. “Anne broke up with me” sagot naman ni Pipoy. Parehong malungkot ang tinig nila pero pareho din silang nakangiti. “Why did you break up with Bobby?” tanong ni Pipoy. “Hay…naiirita ako sa kanya. Ang dami niyang ginagawang ayaw ko. Sinubukan ko tiisin pero paulit ulit niya ginagawa. Manhid siya at di marunong makiramdam, he isn’t like you” kwento ni Annika at lalong napangiti si Pipoy.

“Wont you give him another chance? Malay mo he can still change” sabi ni Pipoy. “Never, he had his chances. Sawa na ako, I regret it all. Sana di ko siya naging boyfriend” sagot ni Annika. “Maybe ikaw din may fault, alam mo naman ang ugali mo, mataray ka palagi at may pagka nagger ka” banat ni Pipoy. “E kung ganon ako bakit mo ako natitiis?” sumbat ni Annika.

“E ikaw, why did Anne break up with you?” tanong naman ni Annika. “As if you don’t know” sagot ni Pipoy at napangiti ng todo si Annika. “I don’t know, tell me” sagot ni Annika. “Taksil daw ako” sabi ni Pipoy. “Totoo naman e” sumbat ni Annika. “What do you mean totoo?” tanong ni Pipoy.

“Yang Miyu na yan!” sabi ni Annika at natatawa na si Pipoy pero talagang nairita si Annika. “E pakawala mo naman si Miyu diba?” sumbat ni Pipoy at tahimik lang si Annika. “E bakit mo ba kasi sinuhulan si Miyu? Ano reason?” hirit ni Pipoy at napangisi siya pero di sumagot si Annika.

“Ah basta, ano ba nakikita mo diyan sa Miyu na yan?” tanong ni Annika. “Bakit ba kasi? Its your fault naman e” sumbat ni Pipoy at lalong nainis si Annika at malapit na sasabog sa tawa si Pipoy. “Oo nga pero ano ba kasi nakikita mo kay Miyu?” hirit ni Annika. “Bakit nagseselos ka ba?” tanong ni Pipoy. “Ha? Hindi ha!” sagot ni Annika.

“O di pala e so why bother asking?” banat ni Pipoy at nainis si Annika. “E gusto ko lang malaman e, bespren tayo diba and we promised na di tayo magtatago ng secrets. So sige na sabihin mo na” sabi ni Annika at natawa si Pipoy. “Did we really make that kind of promise? Kailan naman?” sagot ni Pipoy.

“Ah basta meron ganon na promise. So sige na sabihin mo na bakit mo type si Miyu?” tanong ni Annika. “I really don’t remember us making that promise, kailan ba natin ginawa yang promise na yan?” sagot ni Pipoy at natatawa na siya.

“Oo na nageseselos ako!” sigaw ni Annika at napangiti si Pipoy. “Ano ba nakikita ko kay Miyu? I guess…the girl who I always have loved…and still love” sabi ni Pipoy at biglang kinilig si Annika at napapikit siya. “And who is that girl?” hirit ni Annika. “Sasabihin ko tapos pagseselosan mo nanaman?” tukso ni Pipoy.

“Sabi mo napakaengot naman ng tao kung pagseselosan niya sarili niya” sagot ni Annika at nagulat si Pipoy. “Naintindihan mo yung sinabi ko that time?” tanong in Pipoy at tumawa si Annika. “You always talk with your mouth full, nasanay na ako sa Pipoy language” banat ni Annika at nagtawanan sila.

Tumahimik silang dalawa at parehong nakangiti, sinandal paatras ni Annika ang ulo niya sa balikat ni Pipoy at gumaya din ang kaibigan niya. Napalingon sila saglit sa isat isa at nagngitian.

“Annika…why did you laugh at me that time?” tanong ni Pipoy. Tumingin sa langit si Annika at huminga ng malalim. “Binigla mo ako e…sa totoo those were the words I have always wanted to hear from you…sa dream ko nasa beach tayo…tayong dalawa lang…remember nung akala natin naiwan na tayo nina tito at tita sa beach nung bata tayo? We just held hands and faced the water…akala natin mamatay na tayo sa gutom…sa dream ko that same spot doon mo sinabi na mahal mo ako. Lagi ganon ang dream ko, nasanay na ako iniimagine yon kaya nung bigla mo sinabi that day I was so happy. Di ko alam paano ako sasagot at parang nanigas ang mga labi ko, all I could do was laugh at myself pero deep inside I was really happy” kwento ni Annika.

Muli sila nagtinginan at nagngitian, “Pero Pipoy…why did you let me go?” tanong ni Annika. “If you love someone talagang ipaglalaban mo siya diba? Ipaglalaban mo pag ibig mo…just like what you did…you made a way na maghiwalay kami ni Anne. You used Miyu kasi she looks like you…” kwento ni Pipoy at muling nainis si Annika.

“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko!” reklamo ni Annika at natawa si Pipoy. “Let me finish. I know what you were trying to do so kumagat ako, I talked to Miyu at sabi ko we pretend, we act…to make you jealous” sabi ni Pipoy at tumawa si Annika. “So yung kayo ni Miyu acting lang yon?” tanong niya. “Yup, purely acting, she may look like you but still she isn’t you Annika” sabi in Pipoy at napangiti si Annika.

“Teka…bakit ako lang goal mo pagselosin? How about Anne?” tanong ni Annika. “Hay, I don’t want to talk about Anne” sabi ni Pipoy at huminga siya ng malalim. “But still you let me go Pipoy” sabi ni Annika.

“Sa totoo hindi…siguro kaya nainis ka lagi kay Bobby…kaya lagi siya palpak…ako may gawa non” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika. “What do you mean?” tanong ni Annika. “The list…the things you like and don’t like…the ones you really like nilagay ko sa dislikes. Tapos yung mga kinaiinisan mo talaga nilagay ko sa likes. Pero siyempre nilagyan ko din ng mga tama para di obvious” sabi ni Pipoy at biglang tumawa si Annika ng malakas.

“Ginawa mo talaga yon?” tanong ni Annika. “Yup, may kopya nga ako e, araw araw ko tinitignan baka may nailagay akong like mo so much at di ko nailagay sa dislike. Well it seems tagumpay naman ako” sagot ni Pipoy at tawa sila ng tawa.

“Nagdasal nalang ako na sana engot siya at di niya mapansin yon, engot nga” hirit ni Pipoy at tawa ng tawa si Annika. “I just prayed na sana maaga sila magbreak pero tumagal kayo…kinabahan na ako…and if you didn’t send Miyu to me…I would have given up on you pero kahit wala pala si Miyu fate had something else in store for us” sabi ni Pipoy.

“What do you mean?” tanong ni Annika at natawa nalang si Pipoy. “Hayaan mo na, nangyari na yung kailangan mangyari…Annika I have to say I don’t like you anymore” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika at biglang sumakit ang dibdib nya.

“Yeah I realized that nung nagka boyfriend ka. I don’t just like you anymore…Annika…I love you” sabi ni Pipoy at muling nayanig ang utak ni Annika, bumagsak ang pulso niya kanina pero muling tumibok ang puso niya ng mabilis. Hindi niya maigalaw ang mga labi nya at gusto nanaman niya tumawa pero pinigilan niya ang sarili niya. Tinanggal ni Annika ang maliit na card sa regalo at inabot kay Pipoy.

Binasa ni Pipoy ang card, “To Pipoy, Merry Christmas, I love you, Annika” basa ni Pipoy at sabay sila kinilig at napatawa. “So akin pala talaga yan?” tanong ni Pipoy. “Tayo ka pero wag kang haharap sa akin” sabi ni Annika at sabay sila tumayo. Sinira ni Annika ang balot at nilabas ang regalo niya para kay Pipoy.

Malaking pulang cape na may logo ni Superman ang binuklat niya at sinuot niya sa likod ng kaibigan niya. Pumunta si Annika sa harap ni Pipoy at tinali ang cape sa leeg niya. Umatras si Annika at nginitian si Pipoy at nagpaikot ikot si Pipoy at nagposing na parang superhero sabay hinarap si Annika.

Lumapit si Pipoy kay Annika, naglapit ang katawan nila, humawak si Pipoy sa baywang ni Annika at nilagay naman ni Annika ang mga kamay niya sa balikat ni Pipoy. Nagkatitigan sila sa mata at nagngitian. Naglapit ang mga mukha nila at nagkiskisan ang mga ilong.

“Mawawalan ako ng silbi pag wala ka…you are my Superman…and I will always be your Kryptonite” sabi ni Annika.

“I love you Annika”

“I love you Pipoy”

Sa pangatlong beses muling nagtagpo ang mga labi nila ngunit ngayon mas matamis ang paghahalikan. Wala nang nagpipigil pa sa kanila upang ipadama sa isat isa ang tunay nilang nararamdaman.

Ang pag ibig ay makapangyarihan sabi nila. Tayoy papahirapan nito ng husto bago natin siya makamtan. Maraming susuko at marami din ang mahuhulog sa inaakala nilang pag ibig ngunit sa huli sila ay luhaan.

Mapagbiro ang tadhana kung minsan ngunit pinaglaban nilang dalawa ang gusto nila. At sa huli si Annika at Pipoy, ang magbespren ay ngayon higit pa doon.

“Pepito ano ginagawa mo?” bulong ni Eunice sabay batok sa ulo ng asawa niya. “Shhhh…hayde…este hidden camera…para balang araw sa kasal nila may video footage tayo ilalabas” sagot ni Pepito. Sabay na piningot ni Aika at Eunice ang dalawang tenga ni Pepito sabay hinila siya palayo. “Hayaan mo na sila ano ka ba” sabi ni Eunice at sumama na palayo si Pepito.

“Sabi ko na nga ba mula noon nagkita sila alam ko na sila magkakatuluyan” sabi ni Aika at nagtawanan ang dalawang babae. “Parang kami ni Pepito, childhood friends din kami. Siya na talaga ang gusto ko mula noon pa” sabi ni Eunice. “E bakit minsan sa panaginip ko may sumusulpot na Katrina?” banat ni Pepito at muli siya binatukan ni Eunice. “Ano sabi mo?!” sigaw ni Eunice at tumakbo si Pepito. “Honey, panaginip lang yon ano, sus alam mo naman na loyal ako sa iyo e” sagot ni Pepito.

Sa ilalim ng puno napatigil ang halikan ng dalawang magkasintahan, sabay sila huminga ng malalim at nagngitian. “Kailangan ko na talaga lumabas ng kumbento” sabi ni Pipoy at nagulat si Annika. “Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Annika.

Napakamot si Pipoy pagkat pati siya di niya maintindihan ang sinabi niya, tumawa nalang siya at muling tinuka si Annika sa labi. “Nakakasira ng ulo din pala ang halik mo no” sabi ni Pipoy at natawa si Annika.

Pumunta sa likod ni Pipoy si Annika at nagpakarga, naglakad sila pabalik sa mga bahay nila pero biglang tumigil si Pipoy.

“Bespren?” tanong ni Pipoy.

Bumulong si Annika sa tenga niya at napangiti nalang ng todo si Pipoy.


-THE END FOR THE FREE BLOG-

MISSING CHAPTERS SHALL BE RELEASED WITH THE SALE OF THE COMPLETE EBOOK

Bespren

By Jonathan Paul Diaz









BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos