TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 2: Reyna
Paglubog ng araw minulat na ni Paulito ang kanyang mga mata, lumabas siya sa ilalim ng kama at mabangong pagkain ang naamoy niya. Agad siya nagtungo sa kusina at nakita si Nella nagluluto.
Tinabihan niya si Nella at inamoy amoy niya ulit ang leeg nito at muling nakiliti ang dalaga kaya siniko siya pero sa kabila siya biglang sumulpot. “Mabilis ka gumalaw pala” sabi ni Nella. “Of chors, hmmmm fork shof” sabi ni Paulito. Tumawa si Nella at sinalang ang susunod na piraso ng karne. “Pork chop” linaw ni Nella. “Hello! Kung ikaw din kaya ang may fangil, sige nga fronounce mo ang fork shof…lumalabas fangil fag gutom” paliwanag ni Paulito at tawa ng tawa si Nella.
Nagtabi sila sa lamesa para mag gabihan, inamoy amoy muli ni Paulito si Nella at muling nakiliti ang dalaga. “Bakit mo ba ako inaamoy?” tanog ni Nella. “Di parin ako sanay sa amoy ng tao, matagal ako nakakulong” sabi ni Paulito. “Ha? Nakakulong? Bakit ka nakulong?” tanong ni Nella at tahimik lang ang vampirang kumain. “Baka may ginawa kang masama kaya ka kinulong” sabi ni Nella at bigla siyang tinignan ng masama ni Paulito. “How I wish I did” sagot ng vampira at natakot si Nella.
“Ei, bakit mo pala ako tinawag na reyna?” tanong ni Nella. “Kasi reyna ka daw, wala na ako alam basta yon ang sinabi sa akin” sagot ni Paulito. “Sinong nagsabi?” hirit ng dalaga. “Sila, basta sila” sagot ng vampira at nahalata ni Nella na naiinis si Paulito kaya tumahimik nalang siya. Tumayo si Nella at kumuha ng mga bawang at nilapit ito bigla sa vampira. Tinitigan siya ni Paulito at nagulat si Nella at tumawa, “Ay akala ko manghihina kayo sa bawang” sabi ng dalaga at napangisi ang vampira.
“Hindi totoo yan, malakas ang pang amoy namin kaya nakakairita ang amoy niyan, nakakaamoy kami ng utot kahit isang kilometro ang layo” sabi ng vampira at muling tumawa si Nella. Hinawakan bigla ni Paulito ang kamay ni Nella at sinenyasan niya tumahimik ang dalaga. Sa isang iglap nakatayo ang vampira sa may bintana at tumakbo si Nella sa tabi nya.
Isang nilalang ang biglang nagpakita sa bintana at napasigaw si Nella kaya niyakap siya ni Paulito. “Okay lang kilala ko siya…Tuti bakit ka nandito?” sabi ni Paulito at dahan dahan tinignan ni Nella si Tuti. Isang payat na nilalang at magulo ang buhok at tinitigan niya, “Bosssing, dalhin mo daw ang reyna sa sacred groundsss mamayaaaahh” sabi ni Tuti at binuka niya ang bunganga niya at susunggabin na sana si Nella pero natawa ang dalaga.
“Bungi siya” sabi ni Nella at tawa siya ng tawa. Inabot ni Tuti ang kamay nya kaya napasigaw ang dalaga. “Relax, di ka nya pwede abutin because you are inside your home…you have to invite him in bago siya makapasok…just like you did to me kaya nandito ako sa loob” sabi ni Paulito kaya nakampante ang dalaga. “Bungi!” asar ni Nella at nairita lalo si Tuti pero walang magawa ang toothless vampire.
“Sige na Tuti, susunod kami mamaya, kumakain pa ako” sabi ni Paulito at masama ang tingin ni Tuti kay Nella at tinuro siya bago mabilis na umalis. “Bakit ang payat non?” tanong ni Nella. “Dati mataba yan, mabangis at matakaw. Walang patawad kahit anong hayop titirahin, one time hinamon namin na yung rhinocerous ang kagatin niya. Sa sobrang yabang ginawa nga nya, ayun naputol lahat ng ngipin niya. Di na tumubo ulit kaya umaasa nalang yan sa ibang bampira para kumain” kwento ni Paulito at tawa sila ng tawa.
Pagkatapos kumain ay naghanda na sila, lumabas sila ng bahay at humarap si Paulito sa madilim na gubat. Bigla niya binuhat sa kamay niya si Nella, napahiga ang dalaga at napangiti, “wag mo ako tititigan ng ganyan” sabi ng vampira at nagsimula na siyang tumakbo ng mabilis. “weeee…teka wala ako makita sakay nalang ako sa back mo” sabi ni Nella kaya tumigil sila para makalipat ng pwesto ang dalaga. Pagkasakay ni Nella sa likod ng vampira tumakbo ulit siya ng mabilis at nagawa pang umakyat ng puno at tumalon talon sa bawat sanga.
Tuwang tuwa si Nella at napayakap siya ng mahigpit sa vampira, ilang minuto din sila naglakbay hanggang sa naabot nila ang sentro ng madilim na gubat. Tumayo si Paulito at tinago niya sa likod niya si Nella, “Nandito na ang reyna!” sigaw ng vampira. Takot na takot si Nella pagkat wala siyang makita, napakadilim ng paligid kaya todo kapit siya kay Paulito.
“Hindi ba kayo nasundan?” tanong ng isang boses at lalo natakot si Nella pagkat di niya alam saan nanggagaling ang malalim na tinig. “Nasundan kami…tatlong diwata, limang dwende, si Tuti at isang tikbalang…pero lahat galing sa kampo niyo kaya di ko sila sinaktan” sagot ni Paulito at biglang tumawa ng malakas ang boses. “Mahusay ka parin Paulito, di kami nagkamali upang piliin ka…liwanag!” sigaw ng boses.
Ang paligid biglang nagliwanag sa nagkalat na alitaptap, may lawa pala kaya namangha si Nella at lumabas sa likod ni Paulito. Doon nagsilabasan ang mga ibat ibang nilalang, mga dwende, kapre, tikbalang, tiyanak, mga engkanto at diwata. Sa tubig nagsilabasan ang mga siyokoy at sirena na lalong ikinatuwa ng dalaga.
Sa taas ng puno bumama ang isang higanteng kapre at binati ang dalaga, “Mahal na reyna, ako si Leonardo, ikinagagalak ko na makilala ka” sabi ng kapre at muling nagtago si Nella sa likod ni Paulito. “Magsipilyo ka muna kaya…sama ng amoy ng bunganga mo” sabi ng vampira at nagkagirian ang dalawa.
“Itigil niyo yan!” sigaw ng isang babaeng tinig at may isang diwatang lumapit kina Paulito at Nella. “Mahal na reyna, Nella ako si Aneth, punong diwata ng kagubatang ito…wag kang matatakot sa amin…matagal ka na naming inaantay” sabi ni Aneth at naglakad palayo si Paulito. “Saan ka pupunta, wag mo ako iiwanan dito” sabi ni Nella. “Wag kang mag aalala, makinig ka sa kanila. Ipatawag mo nalang ako pag kailangan mo ako” sabi ni Paulito at mabilis siyang umalis.
Inakbayan ni Aneth si Nella at nagtungo sila sa gitna, lahat ng nilalang sa gubat biglang nagsiluhod sa isang paa at nagbigay pugay sa kanilang reyna. “Lahat kami Nella ay tauhan mo, ikaw ang tunay na tagapagmana ng kaharian, at ikaw lang ang ituturing at gagalangin naming reyna” paliwanag ni Aneth at naguguluhan pa ang dalaga.
“Ha? Bakit ako? Hindi ko kaano ano ang hari at pamilya niya” sabi ni Nella. “Kailangan mo na malaman ang katotohanan…ang iyong mga magulang ang totoong hari at reyna…pero isa sa mga katiwala ng ama mo noon nakikutsaba sa mga kampo ng kadiliman upang maagaw niya ang pagkahari. Buntis ang nanay mo noon at may mangkukulam na tinakot ang iyong ama na papatayin ang nanay mo. Sinuko ng ama mo ang trono para mailigtas ang ina mo, upang hindi mahalata ng mga tao at ibang nilalang ang nangyari nagpalit ng anyo ang katiwala, kinuha niya ang itsura ng iyong ama. Isang bruha ang pumalit sa iyong ina, at ang mga magulang mo hinayaan tumakas.
Akala nila makakalaya na sila ngunit hinabol sila, napadpad ang mga magulang mo sa kagubatan namin noon, ipinagtanggol namin sila at kinopkop hanggang sa maisilang ka. Isa sa amin ang nagtraydor at sinumbong sa hari ang nangyari, muli sinugod ng kampo ng kadiliman ang gubat namin at nahanap kayo. Isang bruha at naglagay ng sumpa sa iyo ngunit kinontra ito ng aking ina, binigay ng aking ina ang buhay niya sa iyo, at naglabas ng sarili niyang sumpa. Walang makakagalaw sa iyo hanggang sa maging disi otso anyos ka na” kwento ng diwata.
“Pero bakit namatay ang mga magulang ko?” tanong ni Nella at nalungkot si Aneth, “bago namatay ang bruha nagawa pa niya maglabas ng isa pang sumpa sa magulang mo, isang sakit na limang taong naming sinubukan pagalingin ngunit bigo kami…humihingi ako ng patawad sa iyo Nella” sabi ng diwata at lumuhod ito at hinawakan ang kamay ni Nella. Naiyak nalang si Nella at pinatayo ang diwata at niyakap ito, “hindi niyo kasalanan…maraming salamat at limang taon ko din nakasama ang mga magulang ko” bulong ni Nella.
“Ano ang magagawa ko ngayon? Kahit tawagin niyo akong reyna e may hari naman na nakaupo” sabi ni Nella at muling lumapit si Leonardo. “May taglay na hiwaga ang trono ng kaharian, noong unang panahon nagsama sama ang lahat ng nilalang at mga tao, bilang pinaka mahina napagpasyahan ng lahat na tao ang maghahari. Kaming mga nilalang namili ng isang tao na malinis ang puso at ang ninuno mo ang napili namin. Hindi kami nagkamali pagkat naging mahusay ang pamamahala ng haring yon. Nung namatay siya ang anak niya ang pumalit…paulit ulit ang proseso hanggang sa namatay ang lolo at ama mo ang pumalit sa kanya.
Ang trono lang ay maipapasa sa isang anak ng hari, pero kailangan nasa tamang edad ang anak na yon. Disi otso anyos…pag namatay ang hari at wala pang disi otso anyos ang anak niya mababakante ang trono hanggang sa umabot sa tamang edad ang tagapagmana. Trese na taon nang bakante ang trono mula nung namatay ang iyong ama…may impostor ngang pumalit pero hindi namin siya kinikilala. Mapapansin mo ang mga nilalang na tulad namin hindi tumutulong sa pagpapalago ng lupain at mga yaman ng kalikasan…naalala mo pa ba Nella noong bata ka mas maganda ang mga bulaklak, mas sariwa ang hangin at mas masaya ang lahat ng tao at nilalang?” sabi ng kapre.
“Pero pag ganon bakit hindi kayo nagreklamo o nakialam man lang? Alam niyo naman na impostor ang hari, bakit wala kayong ginagawa?” tanong ni Nella. “Hindi sa wala kaming ginagawa…hindi kami makaporma sa mga alagad ng hari. Yung gubat namin noon hawak nila, itong gubat na ito…dito lang kami tumakas kasama ka…dito kami nanirahan para mabantayan ka namin…madami ang naiwan sa dating gubat namin, wala na kaming komunikasyon sa kanila…hindi namin alam kung buhay pa sila” sabi ng kapre at lalong nalungkot si Nella.
“Ang trono hahanapin niya ang tunay na tagapag mana, at pag buhay pa ang tunay na tagapagmana at iba ang nakaupo magluluksa ang lupain ng kaharian, mamatay ang lahat ng halaman at hayop hanggang sa maupo ang tunay na tagapagmana. At kung hindi mangyayari yon, mamatay tayo lahat” sabi ni Aneth.
“Ah…kaya pala naghahakot ang hari ng pagkain, mga yaman...” sabi ni Nella. “Oo Nella, naghahanda siya, pinapaikot niya ang mga sundalo niya upang mahanap ka…upang iapapatay ka…at pag napatay ka mamimili muli ang mga nilalang ng bagong hari at natatakot kami na hindi kami kasama sa pagpili ngunit ang mga kampon ng kadiliman ang mamimili…pero buhay ka Nella at ikaw ang tunay na tagapagmana kaya may pag asa pa tayo” sabi ni Leonardo.
“E di tara na at magpakita na tayo doon” sabi ni Nella. “hindi ganon kadali mahal na reyna, pag nagpakita ka doon sigurado papatayin ka nila agad…kailangan natin lumaban…kailangan natin makuha ang gintong corona at maisuot mo sa ulo mo…makikilala ka agad ng mahiwagang corona ngunit hindi ganon kadali makuha yon…sigurado ko inaabangan ka nila” sabi ni Leonardo.
“Ano ang gagawin natin?” tanong ni Nella. “Lalaban tayo…kokonti lang tayo kaya humingi kami ng tulong kay Paulito…sana makumbinsi niya ang iba pang disipulo ng Fredatorya…sila ang pag asa natin…pag nakumpleto sila saka nalang ako makakahinga ng maayos” sabi in Aneth at napalingon sila lahat sa isang puno kung saan nakaupo si Paulito sa isang sanga at natutulog.
“Bakit parang may alitan kayo? Nasan ang ibang disipulo?” tanong ni Nella at napasimangot ang diwata at kapre. “Noong panahon pagkatapos ng nila mapigilan ang kampon ng kadiliman sa paghimagsik…natakot ang mga tao sa mga nilalang…ang mga disipulo ng Fredatoria ay malalakas na nilalang at naging mabangis sila…oo nailigtas sila ang buong kaharian ngunit sila naman ang kinatakutan ng mga tao. Natatakot ang mga tao na baka sila naman ang magbalak…kaya nagtipon kaming mga nilalang at napagpasyahan na watakin ang mga disipulo at ikulong” paliwanag ni Leonardo.
“Ha? Bakit ganon? E niligtas nila ang lahat, bakit wala tiwala sa kanila ang mga tao. Dapat nga nagpapasalamat sila sa kanila” sabi ni Nella. “Hindi ko alam…pero si Paulito nakiusap na siya nalang ang ikulong at palayain ang iba…inutusan niya magtago ang ibang disipulo at sumuko siya sa hari. Kinulong siya…at nakalimutan na. Kamakailan lang nakinegosasyon kami sa kanya, na mapapalaya na siya basta maging gwardya ka niya. Hindi pa namin nababanggit sa kanya ang tunay na balak namin na tipunin niya ulit ang mga kasama niya” sabi Aneth.
“Oy baka nakakalimutan niyo malakas pandinig namin!” sigaw bigla ni Paulito at tumayo siya sa sanga. “Kailangan niyo kami? Tapos pag nagtagumpay ipapakulong niyo ulit kami? Ganon ba yon? Ni hindi niyo kami pinagtanggol man lang noon! Ibalik niyo nalang ako sa kulungan!” sigaw ni Paulito at bumaba siya sa puno at humarap kay Leonardo at Aneth.
“Hindi na kami magpapagamit sa inyo…mas pinili niyo pang magpabango sa mata ng mga tao kesa suportahan at ipagtanggol kami! Tapos eto hihingiin niyo ulit ang tulong namin? Pagkatapos matatakot ulit ang mga tao sa amin at papanig ulit kayo sa kanila at iapaptapon niyo ulit kami? Wag na! Ikulong niyo nalang ako ulit!” sigaw ni Paulito sabay inabot niya ang dalawang kamay niya sa dalawang nilalang.
“Noon yon Paulito, iba na ngayon, malay mo maiintindihan na ng mga tao” sabi ni Aneth. “E kung hindi? Kanino kayo kakampi?” sumbat ni Paulito at napaisip ang dalawa.
“Kung totoo ang sinasabi nila na ako ang reyna…at kung magtatagumpay tayo…ako mismo ang papanig sa inyo” sabi ni Nella at nagulat ang lahat ng nilalang. Tahimik lang si Paulito at hinarap si Nella.
“Kung ano man sabihin ko susundin niyo ba?” tanong ni Nella kay Aneth. “Oo mahal na reyna, lahat ng mga nilalang na nandito ay susunod sa iyo” sagot ng diwata.
“Matagal ko nang naririnig ang alam ng Fredatoria, nabasa ko gano sila kabangis at kagaling. Humanga ako sa punong disipulo nila, sabi sa alamat hindi man siya ang pinakamalakas, hindi man siya ang pinakamagaling pero siya ang pinakikinggan ng lahat at sa pamumuno niya nagtagumpay ang mga disipulo sa pagpuksa ng kasamaan…Paulito ang pangalan niya…at kung ikaw yon kailangan ko kita pamunuhan ang rebelyon na ito” sabi ni Nella.
“May kokontra ba sa desisyon ko?” tanong ni Nella at walang umimik.
“Paulito nasa sa iyo na ang kaligtasan ng buhay ko…ikaw na ang bahala sa aming lahat” sabi ni Nella at muling napaluhod ang lahat ng nilalang upang magbigay pugay sa vampira.
“Pano ako makakatanggi sa isang hiling ng magandang dilag…hindi ito magaging madali sinasabi ko na sa inyong lahat. Kokonti lang tayo at kailangan ko pa hanapin ang iba pang disipulo. Tatanggapin ko ang malaking alituntunin na ito…kaya iiwan ko muna ang reyna sa pangangalaga niyo habang maglalakbay ako para hanapin ang iba” sabi ni Paulito.
“Sasama ako sa iyo” sabi bigla ni Nella. “Bakit wala ka bang tiwala na babalik ako? Hindi naman ako tatakas” sagot ni Paulito. “May tiwala ako sa iyo at mas ligtas ako sa piling mo” sabi ni Nella at napangiti ang vampira. “Paula, sumama ka sa kanila” utos ni Aneth at isang magandang diwata ang lumapit. “Tuti, sumama ka din sa kanila” utos ni Leonardo at muling natawa si Nella.
“Ayossss tawagin natin na Tuti Team” sabi ni Tuti at nagtawanan ang lahat ng nilalang. “Paulito sapat na ba sila sa paglakbay niyo?” tanong ni Leonardo. “Oo kaya iligtas itong dalawa, at kailangan namin si Tuti para malibang kami” sagot ni Paulito at tumawa ng malakas si Nella. “Si Paula ay diwatang mandirigma kaya di mo na siya kailangan bantayan” paliwanag ni Aneth.
“Paulito at Palito” sabi ni Nella at tawa siya ng tawa. “Oy pasalamat ka reyna ka, kahit bungi at payat ako mabangis din ako…loko to” sagot ni Tuti. Huminga ng malalim si Paulito at sumakay si Nella sa likod niya, “Miss sakay ka din sa likod ko” sabi ni Tuti kay Paula pero biglang lumipad sa ere ang diwata. “Shwet” sabi ni Tuti at muling tumawa si Nella.
“Unang hahanapin natin ay ang mga mahiwagang dwende…kapit ng mahigpit Nella!” sigaw ni Paulito at mabilis sila umalis.