Chapter 13: Boom Boom, Shake Shake
Enero na nang nakabalis sina Annika at mommy niya mula sa Hong Kong, unang nakita ni Annika pagkabalik niya ay ang kaibigan niyang si Pipoy na tinuturuan magmaneho ng ama niya. “Pipoy! Marunong ka na magdrive?” sigaw ni Annika nang harangin niya ang kotse, sa gulat napapreno agad si Pipoy at pareho silang nagulat ng tatay nya. “Annika!!! Ano ka immortal? Kotse ito tapos haharangin mo?!!” sigaw in Pipoy. “Weh! Di mo naman ako babanggain e, teka teka sakay ako wait!” sabi ni Annika at nagmadali siyang sumakay sa likod at humawak sa balikat ni Pipoy. “Game na! Andar na” sabi ni Annika.
Pinaandar ni Pipoy ang kotse, di pa nakakagalaw ay nagsisigaw na si Annika, “Pipoy wag masyado mabilis!” sigaw ni Annika. “E hindi pa nga gumalaw e” sabi ni Pipoy. “Sinasabi ko lang, kasi wala ka pang license, sige na go na” sabi ni Annika at umandar na ang kotse at talagang kumapit si Annika at tawa ng tawa. “Pipoy mababangga tayo!” sabi ni Annika at tumawa si Pipoy at tatay niya.
“Relax Annika wala na ginawa si Pipoy kundi magpractice araw araw habang wala ka” sabi ni Pepito. “Ha? Bakit di mo kasama girlfriend mo?” tanong in Annika. “Ah nagbakasyon sila sa probinsya” sabi ni Pipoy. “Ay e di malungkot ang Christmas mo?” tanong ni Annika at ngumiti lang si Pipoy. “Di bale ako din naman e” drama ni Annika.
“Nak, itabi mo…bababa ako bago ako maiyak sa drama niyong dalawa” biro ni Pepito at tinabi nga ni Pipoy ang kotse. “Nagbibiro lang ako ano ka ba” sabi ni Pepito at tumawa ang magkaibigan. Nagpalibot libot sila saka bumalik at nakita pa ang mga bagahe nagkalat sa tapat ng bahay.
“Annika yung susi di ako makapasok” sabi ni Aika at mabilis na lumabas ng kotse si Annika. “Poy tulungan mo kami magpasok ng bagahe” sabi ni Annika kaya tinabi ni Pipoy ang kotse at tinulungan ang mag ina.
Nauna pumasok si Aika sa loob, madaming pinakarga si Annika kay Pipoy at nagtungo na sila sa pinto. “So kumusta ka naman?” tanong ni Annika. “Okay lang, malungkot…mahirap pala mawalay sa taong nasanay mo nang kasama” sagot ni Pipoy. “Aysus, pasukan na makikita mo na siya” sabi ni Annika. “Nakita ko na nga e” sabi ni Pipoy at biglang kinilig si Annika at naglakbay sa malayo ang isipan nya. “Annika” sabi ni Pipoy at mabilis na humarap sa kanya si Annika. “Tignan mo dinadaanan mo mauumpog ka na sa pinto” sabi ni Pipoy at pagharap ni Annika ay nakasarang pinto ang kaharap niya kaya tumawa siya at binuksan ang pinto.
Pinatawag ang mga magulang ni Pipoy at nagsimula na ang mag ina buksan ang mga dala nila. Inabot nila ang mga regalo ni Eunice at Pepito, may nakita si Pipoy na isang regalong nakabalot kaya inabot niya ito mula sa box at bigla ito inagaw ni Annika. “Hindi sa iyo ito!” sigaw niya at nagulat si Pipoy at napaatras. Natapos ang bigayan ng regalo at wala natanggap si Pipoy, napatingin si Aika sa anak niya pero hinakot lang ni Annika ang mga gamit niya at nagtungo sa kwarto niya. Umalis na ang pamilya ni Pipoy at medyo sumama ang loob niya pero tanggap na niya pagkat may Bobby na si Annika sa buhay niya.
Sa kwarto ni Annika inayos niya ang wrapping ng regalong nahawakan ni Pipoy, muli niyang dinikit ang maliit na card, “To Pipoy, Merry Christmas, I love you…Annika” nakasulat sa card. Niyakap ni Annika ang regalo sabay dumungaw sa bintana niya at tinignan ang bintana ni Pipoy.
First day ng pasukan at kalalabas lang ni Pipoy, di niya mahanap ang boys kaya dumiretso siya sa tambayan ng mga babae. Inagaw niya yung kinakain na cake ni Annika pero pagkasubo niya napansin niya hindi yon ang kaibigan niya. Di makagat ni Pipoy ang cake at nanlaki ang mga mata niya pero nagtawanan na ang mga girls. “Hindi ikaw si Annika, oh my I am sorry” sabi ni Pipoy at inaabot niya pabalik ang cake kay Miyu.
“Pipoy this is my cousin Miyu” sabi ni Ella at tulala parin si Pipoy pero agad nagpacute si Miyu.
“Ate ang gwapo naman ng friend niyo, ano name niya?” landi ni Miyu at napangiti si Pipoy at napakamot. “Ako si Paul Francis but you can call me Pipoy” sabi ni Pipoy sabay abot ng kamay niya. “Hug nalang” sabi ni Miyu at agad niya niyakap si Pipoy at lahat nagtawanan, tinaas ni Pipoy ang dalawang kamay niya at nanggigil si Miyu sa pagyakap sa kanya.
“O friend na kita halika na treat mo ako dali” sabi ni Miyu at hinila niya si Pipoy papunta sa store. Walang nagawa si Pipoy kundi sumunod at lalo nagtawanan ang mga girls. “Ella sigurado ka okay lang ito?” bulong ni Beverly. “At first di ako payag kasi ayaw ko makialam, pero malinaw naman yung nakita natin diba?” sagot ni Ella. “I think we should tell Pipoy what we saw” sabi ni Vem. “Sira alam mo naman ugali niya, I think hayaan nalang natin na ganito at panoorin nalang natin ang mangyayari” sabi ni Ella.
Pabalik na si Miyu at Pipoy galing sa store, nakayakap si Miyu sa kamay ni Pipoy at halatang naiilang ang lalake. Lumabas sa gate si Anne at nagkaharap silang tatlo at pilit kinakalas ni Pipoy ang kamay niya. “Anne its not what you think, eto si Miyu pinsan ni Ella. Miyu ito si Anne ang girlfriend ko” sabi ni Pipoy at nagsimangot si Anne at nagtaas ng kilay. Bumitaw si Miyu at tinitigan si Anne sabay inirapan niya ito at naglakad pabalik sa ibang girls.
Naglakad si Anne halatang galit at sumabay si Pipoy sa kanya. “Anne, promise wala yon” sabi ni Pipoy. “Oo alam ko pero bakit parang guilty ka?” tanong ni Anne. “Di naman, worried lang ako baka iba isipin mo” sabi ni Pipoy. “She looks like Annika you know” sabi ni Anne. “Oo nga e akala ko nga siya yon inagaw ko tuloy yung kinakain niya kaya I had to buy her another cake” sagot ni Pipoy at tumahimik si Anne.
Wedenesday ng dismissal nandon nanaman si Miyu at umiwas na si Pipoy sa girl at nakitambay sa mga boys. Lumapit si Miyu na may suot pang earphones sa tenga at dinikitan si Pipoy, “Miyu lumayo ka konti baka lalabas na si Anne” sabi ni Pipoy pero di siya narinig. “Boom boom shake shake” kanta ni Miyu at napasabay ang mga boys maliban kay Pipoy. Inalis ni Miyu ang isang earphone at nilagay sa tenga ni Pipoy, “O sayaw ka ganito” sabi ni Miyu at kinembot kembot niya ang pwet nya at tawa ng tawa ang mga boys.
“Ang tigas ng katawan mo e, ganito dapat” sabi ni Pipoy at siya ang sumayaw at tawa ng tawa si Miyu. Game na game sumayaw si Pipoy pero napansin niyang tumahimik ang boys, pagtingin niya nakita niya si Anne at nakasimangot ito at parang galit. “Wag mo na ako ihahatid, kaya ko umuwi mag isa” sabi ni Anne at naglakad na siya palayo. Inalis ni Pipoy ang earphone at hinabol si Anne sabay napatingin ang mga boys kay Miyu.
“It’s the second time I caught you with that girl…kapal ng mukha niya ha she isn’t even from our school” sabi ni Anne. “E pinsan siya ni Ella e” sabi ni Pipoy. “At ano? That gives you the right to make landi with her?” sumbat ni Anne. “Anong landi? Nakikinig lang kami ng sounds tapos tinuturuan ko lang sumayaw ano” sumbat ni Pipoy. “Ow talaga? Gustong gusto mo naman kasi she looks like your best friend” sabi ni Anne.
“Ano ba problema? Bakit ayaw mo maniwala sa akin? Friendly lang naman ako e. Ano gusto mo gawin ko? Maging snob?” tanong ni Pipoy. “Ewan ko sa iyo, do what you want” sabi ni Anne at binilisan niya ang lakad niya.
Sabado ng umaga nagtipon ang magbabarkada sa mall, mag isa ni Pipoy nagpakita at lahat hinahanap si Anne pero nang nakita nila ang itsura ni Pipoy nanahimik nalang sila. Magkasama sina Bobby at Annika at nandon nanaman si Miyu na kasama sina Ella at Robert.
Lahat sila kumain at napansin ni Pipoy na parang natatakot si Bobby sa kanya. Tumayo si Pipoy at hinawakan si Bobby sa balikat, “Pare saglit nga usap tayo” sabi ni Pipoy at tumayo agad si Bobby at lahat napatingin sa kanila. “Guys saglit lang to” sabi ni Pipoy at naglakad sila palabas ng resto.
Hinarap ni Pipoy si Bobby at di makatingin sa kanya ang boyfriend ni Annika. “Pare may problema ba?” tanong ni Pipoy. “Tol wala naman, bakit?” sagot ni Bobby. “E bakit parang naiilang ka sa akin?” tanong ni Pipoy. “Wala pre, talaga wala to, puyat lang ako siguro kaya medyo out of this world ang galaw ko” sagot ni Bobby. “Sigurado ka wala tayo problema?” tanong ni Pipoy. “Wala tol, ito naman ang init ng ulo e” sabi ni Bobby. “Sige akala ko kasi meron e” sabi ni Pipoy at pumasok na si Bobby.
Bumalik sa upuan si Pipoy at napatingin kay Miyu, nilapit ni Miyu ang upuan niya kay Pipoy at inalis ni Pipoy ang isang earphone sa tenga niya at kinabit sa kanya. Inabot ni Miyu ang ipod niya kay Pipoy at namili siya ng kanta at bigla silang kumanta ng sabay ng “Boom book shake shake and drop” with matching body movements kung saan naaliw ang lahat.
“Ah di ba dapat move move shake shake” sabi ni Annika at nagtinginan si Miyu at Pipoy, “Boom boom shake shake” kanta nila at tumayo pa ang dalawa at sumayaw. Kahit na madami nakatingin sa kanila sa resto nagsayaw parin ang dalawa at nagtawanan.
“Alam mo ang kulang talaga dito si Anne e, para partner partner tayo lahat” sabi ni Vashty at bigla siya siniko ni Vem. Napatingin si Pipoy kay Miyu bigla, “Ikaw may boyfriend ka ba?” tanong ni Pipoy at napatahimik ang lahat. “Ah…parang ganon kasi matanda siya pero treat ko siyang boyfriend ko” sagot ni Miyu. “So sa totoo hindi kayo?” tanong ni Pipoy. “Oo pero magiging kami” sabi ni Miyu at napangiti si Pipoy. Hinawakan bigla ni Pipoy ang kamay ni Miyu at tumayo siya, “Halika pasyal tayo” sabi ni Pipoy at nanalaki ang mga mata ni Miyu at napatingin siya kay Ella at Annika.
“Halika na, mag partner din tayo” hirit ni Pipoy at napatayo na si Miyu at bigla siya inakbayan ni Pipoy. Lingon ng lingon si Miyu at pulang pula ang mukha niya, lahat pinanood silang lumabas ng pinto at nagkatinginan sila. “Ano yon seryoso ba yon?” tanong ni Ella. Lumipat ang tingin ng lahat kay Annika na napansin nilang tulala pa, “Seryoso ba yon?” tanong ulit ni Ella, “Ewan ko, pero he didn’t laugh, pag biro yon tatawa sya” sagot ni Annika.
Sa isang fastfood resto lumipat sina Pipoy at muling nag order ng pagkain at hinarap niya si Miyu. “Uy Pipoy, may sasabihin ako sa iyo” sabi ni Miyu at tumawa si Pipoy. “Relax, medyo gets ko na, magkano ba binabayad ni Annika sa iyo?” sabi ni Pipoy at nagulat si Miyu. Di sumagot si Miyu at ngumiti nalang siya, “Pero pinsan ko talaga si Ella” sabi niya. “Oo I believe that part, nakakatawa na gagawin in Annika ito, she thinks that porke kamukha mo siya maiinlove na ako sa iyo” sabi ni Pipoy at nagsimangot si Miyu.
“So sinasabi mo na di ka attracted sa akin kahit konti?” tanong ni Miyu at tumawa si Pipoy. “Maganda ka Miyu, kung physical attraction oo, you may look like Annika pero you are not her” paliwanag ni Pipoy. “Ei nakwento sakin ni ate Ella na magbestfriend kayo tapos you like each other pa, e bakit hindi kayo kasi?” tanong ni Miyu.
“Hay, alam mo ba umamin ako sa kanya at tinawanan niya lang ako?” kwento ni Pipoy. “I know how you feel, si kuya din ganon, I tell him I love him pero di ko alam bakit di niya ako sineseryoso. Di naman siya gwapo like you, pero ang bait niya kasi tapos maalalahanin. Basta I like him for who he is” sabi ni Miyu at napangiti si Pipoy. “Buti ka pa you see love that way, so you still like him kahit di ka niya sineseryoso?” tanong ni Pipoy.
“Oo naman, you just cant give up on love. Alam ko may chance na masasaktan ako in the end pero may chance din na he will love me back diba? You just cant give up…pero ikaw bakit ka nag give up?” tanong ni Miyu at natawa si Pipoy.
“I didn’t give up, I just set her free” sagot ni Pipoy at si Miyu naman ang tumawa. “Achos, set her free and if she comes back she is yours forever, chaka na yan. Favorite quotation ng mga martyr, let her be happy kahit nasasaktan ka? Pag mahal mo talaga fight fight fight!” sabi ni Miyu at sabay sila tumawa. “E ikaw bakit ka di nag fight fight fight?” tanong ni Pipoy. “E kasi bata pa ako e, tignan lang niya pag umabot ako ng eighteen, at talagang fight fight fight ako” sagot ni Miyu at lalong natawa si Pipoy.
“Natatawa ako sa inyo ni Annika, pero at least gumagawa siya ng paraan, fight fight fight…e how about you?” banat ni Miyu at natauhan si Pipoy. “I can tell na di niya type talaga si Bobby na yon kahit na mas gwapo siya sa iyo in fairness. Kita naman sa mata niya na ikaw gusto niya, at di naman niya gagawin ito pag di ka nya gusto. E ikaw seryoso ka ba talaga kay Anne o panakip butas lang siya at pambawi kay Annika kasi may Bobby siya?” tanong ni Miyu at lalo pang napaisip si Pipoy.
“Hay naku its all your fault, natural lang sa babae magkagusto o maatract sa gwapo no, pero ikaw kasi you set her free kaya ayan nawala talaga siya. Tapos ikaw siguro nag emo emo ka so chaka, tapos down na down ka tapos eto si Anne natouch konti heart mo kumagat ka naman. Pero do you really like her?” banat ni Miyu at napangiti si Pipoy.
“I really like her…but not as much as how I like Annika…teka bakit mo kinain yung pagkain ko?” sabi ni Pipoy at tumawa si Annika. “E ikaw e pa emo epek ka kasi, dapat sa mga emo din a kumakain para pumayat nalang sila at manghina, tutal type nila maglaslas, mas maganda na mamatay sila sa gutom” sagot ni Miyu at tawa sila ng tawa.
“Alam mo okay ka Miyu, tama ka fight fight fight dapat. So will you help me? Wala ako pera like Annika pero as a friend will you help me?” tanong ni Pipoy. “Oo naman, pero pakainin mo ako lagi” banat ni Miyu at natawa ulit si Pipoy.
“Oo ba, I want us to pretend super close tayo…parang magsyota na” sabi ni Pipoy at gulat na gulat si Miyu. “Ha? Papatayin ako ni Annika at ate ko” sabi ni Miyu at tumawa si Pipoy. “Hindi naman basta play your role right, parang bigyan natin sila ng in your face moves, gets mo ba?” sabi ni Pipoy at tumawa si Miyu.
“E teka pano si Anne, hala aawayin ka niya tapos masasaktan siya” sabi ni Miyu. “No she wont” sagot ni Pipoy. “Ha? E girlfriend mo siya tapos ako magkukunwari na girlfriend mo, o baka patayin niya ako…hala mahurt sya ano” hirit ni Miyu. “Trust me she wont” seryosong sinabi ni Pipoy.
“Pano mo nalaman na she wont?” tanong ni Miyu.
“If you love someone, tapos naging kayo, sa lagi niyong pagsasama parang mafeefeel mo na ang nararamdaman niya. And even the simplest change in that person mapapansin mo at mararamdaman mo”
“So trust me di siya masasaktan…baka matuwa pa siya…malas niya di ako manhid at tanga. So we are just going to boom boom shake shake things”
(itutuloy)