sk6

Monday, May 18, 2009

Chapter 1: Eleven Years Later

Chapter 1: Eleven Years Later

Isang umaga nakaupo lang si Pipoy sa tabi ng kama niya at pinagmamasdan niya si Annika habang natutulog. Ilang sandali pa nagising si Annika at nakita niya si Pipoy na nakabihis na at ready na pumasok sa school. “Gising ka na baka malate nanaman tayo” sabi ni Pipoy. Nag inat si Annika at nginitian siya, “Five minutes pa, ang aga mo lagi nagigisng…sinasabi mo late e lagi naman tayo maaga dumadating sa school” sabi ni Annika.


“At my God naman Pipoy first day of classes ngayon” sabi ni Annika habang hinila pa niya ang kumot. “Yeah I know pero a lot of things will change already” sagot ni Pipoy. “Huh? Like what?” tanong ni Annika. “Fourth year na tayo, last year in high school. Tapos dadating na mommy mo and she will be staying here for good. Makakabalik ka na sa bahay niyo…masosolo ko na tong kwarto ko” sabi ni Pipoy at tumawa si Annika. “Mamimiss mo ako ano? Aminin mo” tukso ni Annika. “Sus bakit naman kita mamimiss e dyan lang bahay niyo sa tabi” sagot ni Pipoy.

“Uy, malungkot si Bespren, pwede pa naman ako makitulog dito ah. Ito naman parang magugunaw na ang mundo” sabi ni Annika. Tumayo si Pipoy at nagpunta sa pinto, “Bumangon ka na at maligo ka na” sabi nya. “Five minutes pa!” sumbat ni Annika at napabungtong hininga si Pipoy at lumabas ng kwarto.


Nahiga si Annika at pinagmasdan ang kwarto ni Pipoy, napangiti siya pagkat parang kwarto ito ng babae. Eleven years siyang nakitira kina Pipoy, at iisang kama lang ang pinagtutulugan nila. Madaming nagkalat na picture frames sa kwarto at laman ng lahat ay picture nila magkasama. Bumangon si Annika at isa isa niya itong tinignan at inalaala ang nakaraan. Isang larawan ang nakapukaw ng atensyon niya, ang pinakaunang picture nilang dalawa ni Pipoy nung sila at four years old pa. Nakaupo sila sa ilalim ng puno sa likod ng bahay at nakasandal sila back to back. Naalala pa niya yon pagkat ganon sila magkwentuhan lagi ni Pipoy nung bata sila.

Kinuha ni Annika ang larawan at pinasok niya ito sa bag niya, muli niyang pinagmasdan ang kwarto at tila nagpapaalam na. Mamayang gabi doon na siya sa kwarto niya, kasama na niya ang mommy niya na uuwi na galing abroad.


Maaga sila dumating sa school pero nandon narin ang mga barkada nila, naghiwalay sila at nagpunta sa kanya kanyang mga barkada. Nagtungo si Pipoy sa isang bench kung saan naghihintay ang mga kaibigan niyang lalake, agad sila gumawa ng espasyo para makaupo siya.


“Whats up Pipoy!?” sabi ni Vashsty. “Doing fine…tsk last year na natin dito pare” sagot ni Pipoy nang naupo siya. “Kaya dapat this year enjoy na natin kasi last na to, hindi na mauulit ito sa buhay natin” sabi ni Sarry at bigla sila nagtawanan. “Kailangan na natin maghanap ng girlfriend at kailangan natin matuto nang uminom!” sigaw ni Robert at lahat napatingin sa kanya. “E umiinom ka na diba?” tanong ni Vashty. “Oo pero kailangan natin matutuong uminom nang di nagblack out!” sabi ni Robert at lalo pa sila nagtawanan.


May napadaan sa harapan nila ang isang grupo ng emo na estudyante kaya napatigil sila. “EMOTICONS transform!!!” sigaw ni Pipoy at sabay sabay ang apat na nag acting na umiiyak at nagluluksa. Tumigil ang grupo ng emo at may humarap na siga. Tumayo si Pipoy at nanliit tuloy yung lalakeng emo pagkat six footer siya. “You have a problem with us? You don’t understand what we have been through” sabi ng lalakeng emo sabay pakita ng kamay niya. May pitong laslas doon at tumawa si Pipoy. “Kayo ipapasikat niyo ang laslas niyo, for what? To get sympathy? May tinatawag na moving on! Kung gusto niyo maglaslas sa leeg, tapos laliman niyo! Laslas sa kamay asus takot din lang kayo mamatay…sa leeg!!” sigaw ni Pipoy at nagkapormahan na.

“Pipoy!!!” biglang sigaw ni Annika at nilapitan niya si Pipoy. “Sige na sige na move along people” sabi ni Annika nang paalisin niya ang mga grupong emo. “Ikaw Pipoy ilang beses ko sasabihin wag na wag kang nakikipag away e” sermon ni Annika at napakamot lang si Pipoy. Bungisngis ang mga barkada ni Pipoy pero di sila pinagpas ni Annika. “Hoy kayo din wag niyo idadamay sa away itong bespren ko ha!” banat ni Annika at lahat sila tumahimik.

“Sige na papasok na kami” sabi ni Annika at sinundan siya ng tatlong babae. “Hi Bekang!” sabi ni Sarry at tumalikod ang isang kasama ni Annika at hinarap si Sarry. “Ang kulit mo talaga! Wag mo akong tatawaging Bekang! Beverly pangalan ko!” sigaw ni Bekang. “Annika o nakikipag away si Bekang o” hirit ni Sarry at bigla siya pinokpok sa ulo ni Bekang ng folder. “Sige pa magsawa ka basta ikaw Bekang my love” hirit ni Sarry at lahat sila nagtawanan.


Pagkaalis ng grupo ni Annika inakbayan ni Vashty si Pipoy, “Pare under ka talaga don sa bestfriend mo ah” biro niya at napangiti lang si Pipoy. “Siguro kaya di ka nanliligaw kasi kailangan dumaan pa sa kanya ano?” sabi ni Robert at natawa si Pipoy. “Hindi pare, wala lang ako talaga makitang type ko” sagot ni Pipoy. “Kasi pare si Annika ang type mo, look pare daming nagpapacute sa iyo kasi tangkad mo tapos gwapo ka pa like us” banat ni Vashty at muli sila nagtawanan. “Oh baby baby baby…oh baby baby…” sabay sabay sila kumanta at nagtawanan.

“Hindi, seriously pare ha napapansin ko lang how you look at Annika. Tignan mo ang ganda ni Annika pare o, perfect match kayo sa totoo lang pare” sabi ni Robert. “So ano ba talaga pare gusto mo ba siya o talagang bestfriend mo lang siya?” tanong ni Sarry. Huminga ng malalim si Pipoy at napatingin kay Annika sa malayo. “Pare I really like her…very much” bulong ni Pipoy at biglang nagtilian naparang bakla ang tatlo. “Kailan pa pare?” tanong ni Vashty at napangiti si Pipoy, “Matagal na pare e, pero natatakot kasi ako talaga ayaw ko masira friendship namin if di man maganda ang kinalabasan” sagot ni Pipoy.


“Pare di mo malalaman yan hanggang di mo sinubukan…tignan mo ako at si Beverly…pare kami na pero secret ha” sabi ni Sarry at lahat napatingin sa kanya sa gulat. “Ows? Pwera stir pare” sabi ni Vashty. “Oo pare, akala niyo playboy ako pero si Bekang talaga ang love ko. Sinagot niya ako nung summer pare pero ayaw muna namin ipagsabi” kwento ni Sarry at napabilib sila sa kanya.


“Wow pare congrats ikaw nauna sa atin na nagkagirlfriend, akala talaga natin si Pipoy mauuna e. Sino mag aakala yung manyakis pa ang nauna” banat ni Robert at nagkatawanan sila. “Kaya Pipoy kung gusto mo talaga si Annika go for it. Wag kang matakot pare if it does not work basta try mo lang, e malay mo she feels the same way din” sabi ni Sarry. “Oo nga pare, tignan mo nalang yung kanina concerned siya pare ayaw niya napapaaway ka, tagal niyo nang magkasama. Araw araw sabay pumasok, araw araw sabay uwi tapos magkapitbahay pa kayo” sabi ni Vashty. “Oo pare be brave pare we will pray for you” banat ni Robert at nauwi nanaman sa tawanan. Nagring na ang bell kaya nagpunta na sila sa kanya kanyang mga classroom.


Pagsapit ng lunch break sinundo ni Annika si Pipoy sa classroom nila, dumiretso sila sa cafeteria para sabay kumain. Ganito ang daily routine nila, lagi lang silang dalawa tuwing lunch at ayaw ni Annika ng may ibang kaibigan pagkat di daw siya komportable kumakain sa harap ng ibang tao.

Habang kumakain si Annika pinagmamasdan lang siya ni Pipoy. “Oy di mo pa nagagalaw pagkain mo. May problema ka ba?” tanong ni Annika. “Wala” sagot ni Pipoy. “Ganyan ka naman lagi e, sinasarili mo problema mo lagi. Ako open ako sa iyo pag may problema ako, lagi mo ako natutulungan. Ano may problema ka ba?” sabi ni Annika. Ngumiti lang si Pipoy at sumubo na, “Hay Bespren, wag mo sasarilihin ang problema mo or else mababaliw ka. Ayaw ko na bibisita ako sa mental no, kung may problema ka alam mo naman nandito lang ako diba?” sabi ni Annika at muling napangiti si Pipoy.


Pagsapit ng dismissal muling nagsama sama ang mga boys pero agad dumating si Annika para sunduin si Pipoy. “Yan na sundo mo pre” bulong ni Sarry at nagbungisngisan sila. “Pipoy go for gold!” sigaw ni Robert at napantingin si Annika sa kanya. “Kasi sasali daw ulit si Pipoy sa basketball team” palusot ni Robert. “Bakit magbabasketball ka nanaman? Diba sabi ko sa iyo na wag na, mag aral ka nalang para matalo mo naman ako. Lagi ka nalang second over all” banat ni Annika at napayuko si Pipoy.

“Oy Annika di mo pa kasi nakita maglaro si Pipoy e, sayang tangkad niya pag di siya maglaro ano” sabi ni Vashty at tumaas ang kilay ni Annika. “E kung malampa siya? O pano na ang bestfriend ko? Alangan na tinutulak ko nalang wheelchair niya papasok dito sa school no, hay kayo talaga, tara na uwi na tayo” sabi ni Annika at inabot niya ang bag niya kay Pipoy. Nagtawanan bigla ang tatlo at tinukso si Pipoy.

“Bruha mga to, hmp! Hampasin ko kayo ng shoulder bag ko hmp!” sabi ni Pipoy at pinaghahamapas niya ang mga barkada niya. “Pipoy!” sigaw ni Annika at agad sumunod si Pipoy sa kanya. “Sige mga sis see you tomorrow mwah mwah!!” sabi ni Pipoy at lahat sila binibigyan siya ng thumbs up.


Pagdating nila sa bahay napansin ni Annika bukas na ang mga ilaw ng bahay nila, “Nandito na mommy ko!” sigaw niya at tumakbo papasok ng bahay nila. Naiwan si Pipoy sa labas kaya umuwi narin siya sa kanila.

Nagkulong si Pipoy sa kwarto niya, at bago pa siya makahiga at pumasok bigla si Annika sa kwarto niya. “Oy bakit di ka sumama, hanap ka ni mommy” sabi ni Annika. “Sige mamaya na dito naman kayo magdidinner e” sabi ni Pipoy at napasimangot si Annika. “Parang di ka masaya na nandito mommy ko” drama niya at biglang bumangon si Pipoy.

“Uy hindi ah, masaya nga ako para sa iyo kasi makakasama mo na siya at din a siya aalis muli” sumbat ni Pipoy. “E kanina ka pang umaga e, pati nung lunch di tuloy ako makakain ng maigi kasi parang wala kang gana. Tapos ngayon ganyan ka pa, may problema ka ba?” sabi ni Annika at huminga ng malalim si Pipoy at nahiga sa kama niya.

Hiniga ni Annika ang ulo niya sa dibdib ng bestfriend niya, “Uy mag oopen na siya, nairirnig ko ang heartbeat mo ang bilis. Sige na bestfriend sabihin mo na baka matulungan pa kita” sabi ni Annika at tinuloy niya ang pagdinig sa puso ni Pipoy.


Muling huminga ng malalim si Pipoy at nanginginig ang mga labi nya, pinikit niya ng todo mga mata niya at nag ipon ng lakas ng loob. “Sige na Poy, sabihin mo na problema mo sa akin” sabi ni Annika. “Annika…ah…alam ko mula bata friends na tayo…para pa tayong magkapatid. Ah…wag nalang” sabi ni Pipoy at bumangon si Annika at tinignan siya. “Pipoy! Ano ba problema mo? Ikaw narin may sabi na we have been friends for a long time at para tayong magkapatid. O if you have a problem let me know it. Kung di mo ilalabas yan aysus makukulong yan sa dibdib mo at baka mabaliw ka talaga” sermon ni Annika.

“I like you” sabi ni Pipoy at tumaas ang kilay ni Annika at tinitigan siya. “Ano?” tanong niya at tumingin sa malayo si Pipoy. “I said I like you…not as friends…not as brother and sister…I like you...like as in like…I like you” sabi ni Pipoy at nanlaki ang mga mata ni Annika at nagkatitigan sila.

Matagal napatitig sa mata ni Pipoy si Annika pero bigla siyang tumawa. “You like me…ahahahahaha!!!” tawa ni Annika at napasimangot si Pipoy. Sobra ang tawa ni Annika kaya bumangon si Pipoy at iniwanan siya sa kwarto. Naupo sa salas si Pipoy at nanood ng tv, sumunod si Annika at nung nagkatitigan sila muling napatawa si Annika at tinabihan siya. Di parin makapigil si Annika pero unti unti nang nababasag ang puso ni Pipoy. Limang minuto bago nahimasmasan si Annika, ang di niya alam umiiyak na sa loob si Pipoy pero di niya lang pinapakita.


“Teka seryoso ka ba?” tanong ni Annika at tila namanhid na si Pipoy kaya kinayanan nalang niyang ngumiti. “Sira pinapatawa lang kita” sagot niya at muling natawa si Annika at pinilit nalang makisabay ni Pipoy para pigilan ang mga luha na namumuo sa mga mata niya.


(para sa mga mambabasa nais ko lang sabihin na parang teleserye ito ahahah...magpopost ako ng chapter basta meron akong matapos...ongoing kasi ang pagsusulat ko..SALAMAT)