sk6

Monday, May 25, 2009

Chapter 12: Jelly Fish

Chapter 12: Jelly Fish

Christmas break na at nagpasyang magdouble date sina Pipoy at Annika kasama ang mga karelasyon nila. Unang dumating sa mall sina Bobby at Annika at habang inaantay nila sina Pipoy at parang may nakita si Annika na kaibigan ni Bobby. “Tinawag mo din ba friends mo?” tanong ni Annika. “Hindi, bakit?” sagot ni Bobby. “Ah wala baka mali yung nakita ko akala ko friend mo” sagot ni Annika.

Sa malayo nakita na ni Annika si Pipoy, nakwento ng kaibigan niya na ayaw ni Anne ang nagpapaakbay in public kaya biglang nademonyo si Annika at binalak inggitin ang kaibigan niya. Nakasandal si Bobby sa wall kaya pumunta si Annika sa harapan niya at sumandal sa katawan niya. Hnila ni Annika ang mga kamay ni Bobby at binalot sa katawan niya. Pagkalapit ni Pipoy nakita niya ang dalawa at napansin ni Annika na tumingin agad sa malayo si Pipoy kaya tumawa siya. “Uy nandito na pala kayo” sabi ni Annika at nakita niya napanganga si Pipoy.

“Oh shet…Bobby halika dito” sabi ni Pipoy at agad tumabi si Bobby sa kanya. “Tol tignan mo yon o” turo ni Pipoy at sabay sila nangilabot. Nagtinginan si Annika at Anne at sumilip sa tinitignan nila at bigla sila tumawa. Nandiri sina Bobby at Pipoy at parang nasusuka sila habang ang dalawang girls inalalayan sila at tawa ng tawa.

“Pare ang tindi ng barkada mo, walang ganyan sa barkada ko” sabi ni Pipoy at tulala parin si Bobby at diring diri. “Sabi ko sa iyo kanina parang may nakita akong friend mo e” sabi ni Annika at muling sumilip ang girls at nakita nila na isang barkada ni Bobby na magkaholding hands ang nagkikiskisan ng pisngi sa isang sulok ng mall. “Yuck!” sabi ni Anne at tawa ng tawa si Annika.

Nilabas ni Bobby ang phone niya at may tinawagan, “Jie…pare may sasabihin ako sa iyo” sabi ni Bobby pero nagtakip ng tenga si Pipoy at niyugoyog niya ang ulo niya. Pagkatapos ang tawag nagpasya nalang sila pumasok sa isang fastfood resto pero tulala parin ang dalang boys. Pagkatapos nila mag order naupo na sila at halos di parin sila makakain.

“Alam niyo you should respect his decision, kung yun ang gusto niya sa buhay then kailangan niyo accept sino siya” sabi bigla ni Anne. “Oo pero nakakagulat lang e, all this time kasakasama mo knowing na guys kayo lahat then may hidden kitten pala. Oo wala problema kung gay siya, pero kakagulat lang talaga na tagal mo na kasama tapos nakikita mong ganyan” sagot ni Bobby.

“Pre nag sleep over pa ata siya sa inyo” banat ni Pipoy at tinakpan ni Bobby ang mukha niya. “Kaya naman pala maalagain siya nung lasing kami one time” sabi ni Bobby at tuluyan tinakpan ang mukha niya at tawa ng tawa si Annika. “Alam mo Bobby kung aamin ka di ako magagalit” biro ni Annika at tumawa si Bobby. “Honest siya lang yon” sabi ni Bobby. “Pare pag aamin ka aamin din ako” biro pa ni Pipoy at lalo sila nagtawanan.

Tinuloy ni Annika ang pag iingit sa kaibigan niya, sinusubuan niya si Bobby at yakap siya ng yakap sa kanya. Parang parusa kay Pipoy ang nakikita niya, akala niya nagkakalapit pa sila lalo ni Annika pero ngayon nailagay nanaman siya sa tamang pwesto niya. Napatingin nalang siya kay Anne na ngumiti sa kanya, huminga ng malalim si Pipoy at minanhid ang sarili sa nakikita niya kay Annika at Bobby.

Kinabukasan masaya si Annika na dumungaw sa bintana niya, naisipan niya tawagin si Ella at ibalita sa kanya ang kanyang ginawa kahapon. “Sis alam mo yesterday nag double date kami, tapos ininggit inggit ko si Pipoy and I could see he was jealous” landi ni Annika sabay tawa. “Sira ka talaga sis, bakit mo naman ginagawa kasi yan?” sabi ni Ella sa phone. “Wala lang, seeing him jealous makes me happy, nakikita ko na mahal niya talaga ako” sagot ni Annika at tumawa si Ella. “Pareho kayong sira, at ano ba talaga si Bobby sa iyo ha?” tanong ni Ella.

“Hay yang Bobby na yan naiinis na ako, ang dami niyang ginagawang nakakairita. Binigyan na nga siya ni Pipoy ng list ewan ko bakit di niya sinusunod, araw araw nalang na may ginagawa na naiirita ako. Syempre di ko sinasabi sa kanya, baka feeling niya sinisiraan siya ni Pipoy sa list pero di naman gagawin in Pipoy yon. Nakakainis talaga” sabi ni Annika. “Hay ang mga lalake may pride yan, kahit sabihin mo may list siya ayaw parin niya gamitin yan kasi siyempre parang natatapakan siya, siguro gusto niya find out in his own way, so pag naiirita ka let him know para alam naman niya” sabi ni Ella.

“Ah basta sabi he wants to know so dapat wag siyang manhid at alamin niya, I don’t have to tell him….shet” sabi ni Annika. “Sis Bakit?” tanong ni Ella at natulala si Annika pagkat nakita niya si Pipoy at Anne na naglalakad papasok sa bahay ng kaibigan niya. “Shet! Dinala ni Pipoy si Anne sa bahay nila! Shet!” pagalit na sinabi ni Annika at tumawa si Ella. “Gumaganti sa iyo yan, sige na sis at nandito na si Robert” sabi ni Ella. “Ha? Ano ginagawa ni Robert dyan?” tanong ni Annika. “Hahahaha…secret” banat ni Ella at lalong nainis si Annika at pinatay ang phone niya.

Takbo agad si Annika sa bahay nina Pipoy at kumatok, binuksan ng mommy ni Pipoy ang pinto at agad sumilip si Annika. “Hi tita si Pipoy?” tanong ni Annika at pagbukas pa ng pinto nakita ni Annika si Pipoy at Anne nakaupo sa sofa kaharap ang daddy ni Pipoy. “Pasok ka join us, maghahanda ako ng lunch, pinakilala na ni Pipoy sa amin ang girlfriend niya” sabi ni Eunice at napatingin si Annika kina Pipoy at napangiti nalang siya.

“Wala din naman ako ginagawa, wala si mommy kaya tulungan nalang kita magluto tita” sabi ni Annika kaya sinundan niya si Eunice sa kusina pero silip ng silip sa salas. Halos di nakatulong si Annika pagkat todo bantay siya sa galaw nung dalawa, napansin ito ni Eunice kaya napangiti nalang siya.

Pagkatapos magluto nailang maupo si Annika pagkat sa dati niyang inuupuan nandon na si Anne, nasanay na siya katabi si Pipoy sa dining table na ito pero ngayon kaharap niya yung dalawa at halos di siya makakain pagkat sumasakit ang dibdib niya pinapanood ang sweetness nung dalawa.

Mabagal kumain si Annika at hinawakan nalang ang pendant niya habang pasulyap sulyap sya kay Pipoy. “Annika that is a nice necklace, akala ko ba ayawa mo nagsusuot ng ganyan?” tanong ni Pepito. Nagpacute si Annika at pinasikat ang kwintas niya, “Bigay po ni Pipoy nung birthday ko, basta bigay niya isusuot ko” sagot ni Annika sabay tingin kay Anne na halatang nairita.

“Ay bukas pala Pipoy, dun tayo sa bahay namin, gusto ka narin makilala ng parents ko” sabi ni Anne at nagulat si Pipoy. “Ha? Gusto nila ako makilala?” tanong ni Pipoy at nagpacute din si Anne at napatingin kay Annika na walang maisip na pambawi. “Oo kasi lagi kita kinukwento sa kanila, kaya gusto ka daw nila makilala na” sumbat ni Anne sabay subo.

After lunch niyaya ni Pipoy si Anne maglaro ng PS2 sa kwarto niya pero sabi ng mommy nya maghugas siya ng plato para naman daw maimpress si Anne. Sumama si Anne kay Pipoy at umakyat si Annika sa kwarto ng kaibigan niya. Inalis niya yung isang controller ng PS2 saka bumamba sa salas at nakinood ng tv. Pagkatapos maghugas ay umakyat sina Pipoy at Anne at kinabahan si Annika, “Why don’t you go with them” sabi ng nanay ni Pipoy at ngumiti lang si Annika. “Hindi na po tita, makikinood nalang ako” sabi ni Annika.

Ilang minuto nakarinig sila ng tili ng babae, napatayo agad si Annika at sumugod sa taas habang nagngitian ang mga magulang ni Pipoy. Pumasok agad si Annika sa kwarto at nakita ang dalawa nakaupo sa sahig naglalaro ng PS2. Nakaupo si Pipoy sa likod ni Anne, nakasandal naman siya sa katawan ng boyfriend nya. Nakita ni Annika nakahawak si Pipoy sa baywang ni Anne at kinikiliti niya ito kaya lalong nainis si Annika.
Naupo nalang si Annika sa kama at pinanood yung dalawa, kaninang umaga masaya siya at napagseselos niya si Pipoy pero ngayon nabaliktad ang sitwasyon at wala siyang magawa. Nahiga si Annika sa kama at pinanood nalang yung dalawa, dati siya ang nakikipaglaro kay Pipoy, pero ngayon si Anne na ang pumalit sa kanya.

Ilang minuto lumipas at napalingon si Anne sa kama at nakita niya nakatulog si Annika. “Tulog na yung bantay mo” bulong ni Anne at natawa si Pipoy. “Bantay baka bigla mo ako maltratuhin” biro ni Pipoy at natawa si Anne at nagising si Annika. Nagkatitigan sila kaya biglang humalik si Anne sa pisngi ni Pipoy at nagtawanan sila. Humarap ang lovebirds sa screen at tumayo na si Annika at lumapit. Binagsak niya ang controller sa sahig sabay nag walk out. Napalingon si Pipoy at tatayo sana pero pinigilan siya ni Anne.

“Bakit mo pa susundan?” tanong ni Anne. “E baka nagtatampo yon e” sagot ni Pipoy. “Ano naman ang pagtatampuhan niya? At bakit kasi kailangan nandito siya?” tanong ni Anne at napaisip si Pipoy. “Akala ko ba bestfriend mo lang siya? So why are you acting as if its more than that?” hirit ni Anne at natahimik si Pipoy.

Sa labas ng kwarto nakasandal si Annika, akala niya lalabas si Pipoy pero mas nanaig ang kapangyarihan ni Anne sa kanya. Tahimik nalang siyang bumalik sa bahay nila at muling tinawagan si Ella.

Habang naglalaro tila nakalimutan na nina Pipoy at Anne yung nangyari at nagsasaya ulit sila. “Ay Anne sino pala yung kausap mong lalake kanina sa paradahan?” tanong ni Pipoy at biglang hinalikan ni Anne si Pipoy sa pisngi. “Bakit nagseselos ka ba?” tanong ni Anne at tumawa si Pipoy. “Hindi gusto ko lang malaman sino yon, di ko nakita itsura niya naka cap e” sabi ni Pipoy.

“Uy nagseselos…aminin mo na nagseselos ka” tukso ni Anne. “Siguro, pero sino ba yon? Di ako nakalapit agad kasi nahihiya ako baka kapitbahay niyo” sabi ni Pipoy. “Oo neighbor ko lang yon, wala yon. Pero nagseselos ka?” hirit ni Anne at napangiti lang si Pipoy.

Tatlong araw bago pasko nagtipon tipon ang barkada pero napansin nila wala si Pipoy. “Wag niyo na hanapin at talagang di ko sinabi sa kanya, malamang kasama niya si Anne, chaka!” pataray na sinabi ni Annika. “E si Bobby bakit di mo tinawag? Alam ba niya na pupunta kayo ng mommy mo sa Hongkong for Christmas at New Year?” tanong ni Ella na kaholding hands si Robert.

“Hay wag mo ngang babanggitin yang pangalan na yan naiinis ako doon. Wala na atang ginawang tama, palpak lagi” reklamo ni Annika at nakita niya sina Vashty at Vem na magkahawak kamay narin kaya lalo na siya nainis.

“E di tawagan natin si Pipoy, malay mo nasa bahay lang siya para naman may partner ka” tukso ni Sarry. “Suko na ako talaga, sawa na ako sa kaseselos, sawa na ako talaga. Naiinis ako, buti nalang ilalayo ako ng mommy ko. Give up na ako kay Pipoy. Kay Anne na siya!” sigaw ni Annika at napalingon ang ibang tao sa resto sa kanila.

“Kasalanan mo naman lahat e” banat ni Vashty. “Oo na oo na! Hayaan mo na. Closed book na yan. Kung gusto niya si Anne fine! Kung bestfriend lang ako so be it” banat ni Annika at galit na galit siya. “Sigurado bang closed book?” tukso ni Beverly at napasimangot si Annika. “Sabi niyo ako lang kryptonite niya…E ano pang silbi ng kryptonite pag wala na si Superman?” sabi ni Annika at nagtawanan sila pero napansin nila na napaluha si Annika.

“Sis if you could go back in time to that day…alam mo na…would you have laughed?” tanong bigla ni Ella at pinunasan ni Annika ang mga mata niya. “Yes…uulitin ko lahat…pero the kiss we had nung birthday ko…di na ako bibitaw” sagot ni Annika at lahat natahimik. “But ganyan talaga ang buhay, marealize mo nalang mali mo pag tapos na…regrets always come after because that is how life is…it tests you…it teases you…it makes you choose…I knew what I wanted from the very beginning but I was just afraid to say it out loud…he did and I froze…I laughed…and now I am crying” drama ni Annika.

“Sino ka mang masamang espiritung sumasanib sa aming kaibigan lumayas ka!” banat ni Vashty at lahat nagtawanan pati na si Annika napalakas ang tawa. Tinuloy nila ang pagkain nila at nag enjoy nalang sa treat ni Annika.

Paalis na sana sila pero sabi ni Ella na aantayin pa daw niya ang pinsan niya kaya lahat nagpasyang samahan siya. Thirty minutes lumipas at may tumabi kay Ella at nagulat sila lahat. “Ate, sorry late ako” sabi ng pinsan ni Ella pero lahat ng sila palipat lipat ang tingin kay Annika at dun sa pinsan ni Ella.

“Guys eto ang pinsan kong si Miyu” pakilala ni Ella at shocked si Annika pagkat para siyang nakatingin sa salamin. “Little Annika…mag pigtail ka din kaya?” sabi ni Robert at nagsimangot si Miyu. “Excuse me mas cute parin ako sa kanya” sagot in Miyu at nagtawanan sila lahat.

Di naman sila magkamukha talaga, magkahawig lang pero di parin makapaniwala si Annika. “Upo ka muna insane, kumain ka na ba?” tanong ni Ella. “Di pa nga ate e, si kuya kasi nagmamadali may meeting daw, libre mo na ako ate” sagot ni Miyu at biglang tumayo si Annika at hinawakan si Miyu sa balikat.

“Ako maglilibre sa iyo…halika” sabi ni Annika at nagpunta ang dalawa sa counter at pinapanood sila ng iba. “Para silang magkapatid ano?” tanong ni Vashty. “Oo nga e, mas matangkad lang si Annika konti pero alisin mo yung pigtail halos magkamukha na sila” sabi ni Sarry.

Pagbalilk nina Annika ang daming pagkain sa tray ni Miyu, lahat pinanood siya kumain pero bigla siya nagtaray, “Oi…excuse naman please…nahihiya ako kumain..please look away” banat ni Miyu at nagtawanan sila. “Naaliw ako sa pinsan mo Ella, bakit ngayon mo lang siya pinakilala?” tanong ni Annika.

“Hay sis maski ako di ko alam na nandito yan, basta nalang nung reunion namin the other day nalaman ko na nakatira pala yan sa isang boarding house dito” sabi ni Ella. “Excuse me, bahay yon hindi boarding house. Malaking bahay yon” sabi ni Miyu at punong puno ang bibig nya kaya natawa ulit ang lahat.

“Naaliw ako dito sa pinsan mo…Miyu may boyfriend ka na ba?” tanong ni Annika. “Meron, si kuya ang boyfriend ko” sagot ni Miyu at tawa ng tawa ang iba. “Alam ba niya na boyfriend mo siya?” tukso ni Ella. “Oo kaya, hello di ako childish tulad ng iba dyan na sinasabi na boyfriend niya ang isang tao kahit hindi. So chaka ang mga childish kids na ganyan. At kahit na may pigtail ako di ako childish, cute kasi ako at bagay ko, unlike yung mga feeling cute na akala mo pinagnanasahan na sila ng lahat. Hay naku dapat sa mga yan masuhin ni Barubal sa ulo” sabi ni Miyu at sobra ang tawanan ng iba sa pagkamataray nya.

“Sinong Barubal?” tanong ni Ella. “Ah wala, nabasa ko lang siya” sagot ni Miyu. Biglang bumulong si Annika sa tenga ni Miyu at tumaas ang kilay ni Miyu at ngumiti. Bigla nagtinginan si Miyu at Annika at nagtawanan sila, nagtataka yung iba pero agad sila nagpasimple.

“Hoy sis ano binulong mo sa insan ko?” tanong in Ella at napangisi si Annika.

“About the book being closed…well I lied”

(itutuloy)